Ang Tatlong Saligan At kanyang mga katibayan (Al-Usuluth Thalathah Wa Adillatuha)
6
Shaykhul Islam Mujaddidu da’watit Tawheed Al-Imam:
Muhamamd bin Abdilwahhab bin Sulayman Attamimiy, Abul Husayn
Siya ay isinilang sa Al-Uyaynah noong taon (1115h)
at siya ay pumanaw sa Ad-dhir’iyah noong taon (1206h)
Dahil Nilikha tayo ng Allah ayon sa layuning ito
Walang makakapasok sa paraiso liban sa taong may Tawheed
Dahilan upang mapatawad ang mga kasalasanan
Dahilan upang makamit ang katiwasayan at kapanatagan
Anumang gawaing walang Tawheed ay Hindi tinatanggap ng Allah
Ito ay Dahilan sa pagdami ng kabutihan
Dahilan upang makamit ang gabay at kapayapaan
Dahilan upang makamit ang Shafa’ah ng Propeta Muhammad (saw)
Sa ngalan ng Allah,
Ang Pinakamahabagin, Ang Pinakamaawain
Ang panimula sa pagpapaliwanag
Katotohanan, ang lahat ng papuri ay sa Allah Taa’la lamang, purihin natin siya at hilingin natin ang kanyang tulong. Humingi tayo ng kapatawaran sa kanya. At hilingin natin ang kalinga niya mula sa kasamaan ng ating mga sarili at mula sa mga masasamang ating nagawa. Sinuman ang patnubayan ng Allah Taa’la, walang sinuman ang maaaring makapagligaw sa kanya, at sinuman ang kanyang iligaw, walang sinuman ang maaaring makapaggabay sa kanya at ako ay sumasaksi na walang sinuman ang may karapatang sambahin kundi ang Allah Taa’la siya ang nag-iisa at walang katambal. At ako ay sumasaksi na si Propeta Muhammad Sallahu Alayhi Wa Sallam ay kanyang alipin at sugo. At bilang pagpapatuloy:
7
Ang Pinagpalang Aklat na ito ay pinahalagahan ng ating mga Salaf Salih at Ulama mula sa Ahlu Sunnah wal Jamaah dahil sa mga dakilang kapakinabangan at mga aral na magiging pundasyon ng isang naghahanap ng kaalaman at dito niya binabase ang kanyang pagkuha ng kaalaman sa Islam, at dahil doon susunod tayo sa kanila at tatahakin natin ang kanilang kapamaraanan.
Madali at Malinaw
Pagbanggit ng mga usapin na may kalakip na batayan
Tinitipon ang mga usapin, inaayos, nilalagyan ng bilang at pagkatapos ay kanya itong ipinapaliwanag
Maraming panalangin sa Allah para sa bumabasa at tagapakinig habang binabasa ang kanyang mga aklat
*At ganoon rin, ang mga karaniwang tao ay hindi maaari sa kanila na iwanan ang pag-aaral ng aklat na ito at anumang napapaloob dito mula sa mga pangunahing aralin na marapat sa kanya na maniwala nang tiyak at wagas na walang pagdududa.
Sino ang iyong Sugo?
Ano ang iyong Deen?
Sino ang iyong Rabb?
Ang buod ng Al-Usuluth Thalathah ay: Ang tatlong katanungan sa loob ng libingan
Kapag napag-aralan mo ang Usuluth thalathah, at iyong isinabuhay ito, at pagkatapos iyo itong pinangaral sa iba, at pagkatapos ay nagtiis ka sa pagkuha ng kaalaman at pagsasabuhay at pagpapalaganap nito, nasagot mo na ang katanungan sa loob ng libingan (Ayon sa kagustuhan ng Allah Taa’la)
8
Ang kahalagahan ng
Pag-aaral ng Tawheed
Ang Pangwakas
ARBA’ MASAAEL
(Apat na Usapin)
Surah
Al-asr
MASAAELUTH THALATHAH (tatlong Usapin)
Uri ng Tawheed
Al-usuluth thalathah
(Tatlong Saligan ng relihiyon)
Mga katanungan sa Loob ng libingan
9
Ang sagot sa katanungan: Bakit natin pag-aaralan ang Tawheed?
Ang buod ng Al-Usuluth Thalathah
Sino ang iyong Sugo?
Ano ang iyong Deen?
Sino ang iyong Rabb?
Mula sa sinabi ng May-akda -Rahimahullah: (At ang mga tao kapag namatay ay mabubuhay muli) hanggang sa katapusan ng Aklat.
3. Ang pag-iwas mula sa Shirk at mga gumagawa nito sa pamamamagitan ng Puso, Dila, at Gawa
1. Tawhidu Rububiyyah at Tawhidul Asma was Sifat
2. Tawhidul Uluhiyah
3. Ad-da’wah ilayhi
(Pag-anyaya tungo rito)
2. Al-a’mal
(Pagsasabuhay nito)
4. As-sabr alal adha feehi
(Ang pagtiis sa pagtupad ng mga ito)
1. Al-ilm
(Kaalaman)
(Al-Masaa’el Al-arbaah)
(Al-Masaa’el Ath-thalaathah)
(Tatlong Saligan ng relihiyon)
10
Sa Ngalan ng Allah Ang Pinakamaawain Ang Pinakamahabagin (1)
Dapat mong malaman -ang habag ng Allah ay sumaiyo-(2)
na obligasyon natin ang pag-aralan ang ARBA’ MASAAEL (apat na usapin) ito ay;
Una: AL-I’LM (Ang kaalaman) at ito ang pagkakilala sa Allah, pagkakilala sa kanyang Propeta at kaalaman sa Deenul Islam sa pamamagitan ng mga patunay mula sa Kitab at Sunnah.
Pangalawa: AL-A’MALU BIHI (Ang pagsasabuhay sa mga ito)
Una: Ang Apat na Usapin (Al-Masaa’el Al-arbaah)
(3) Nabanggit na ang katunayan sa “ilm” at “Amal”: ((Nagbubunyi ang kaalaman sa pagsasabuhay nito; kung siya ay sinagot, at kung hindi; siya ay aalis at mawawala)), walang pakinabang ang kaalaman na walang pagsasabuhay nito. Kapag nagkaroon ng kaalaman ang isang tao nararapat sa kanya na gawin at isabuhay ang mga kaalaman na kanyang nakukuha, at kung hindi nangyari iyon;, matutulad siya sa mga hudyo, dahil sila ay nagkaroon ng kaalaman sa katotohanan ngunit hindi nila ito sinunod at isinabuhay (nalalaman nila ang katotohan, katulad kung gaano nila nalalaman ang kanilang mga anak) at ang unang ipapasok sa Impiyerno ay mula sa tatlong uri ng tao kabilang dito ay: ang isang may kaalaman ngunit hindi niya ito isinasabuhay.
“Ang isang taong mayroong kaalaman at hindi niya ito isinabuhay,
Una siyang paparusahan bago ang mga sumasamba sa mga diyos-diyosan”
Ang Relihiyong Islam ay itinayo sa Rahmah (Habag)
Habag ng mga Ulama ng Ahlu Sunnah wal Jama’ah sa kanilang mga
Mag-aaral.
(2) Katulad na nabanggit mula sa simula; ang kaugalian ng may-akda ay ang pagsisimula sa pamamagitan ng panalangin para sa mga naghahanap ng kaalaman at humihiling siya sa Allah para sa kanila ng Rahmah (Habag); at ito ay isang palatandaan ng:
2. Pagsunod sa mga naunang mga Ulama at mga Salaf na ang kanilang kaugalian sa pag-aakda ay ang pagsisimula sa basmallah
1. Pagsunod sa Quran at Mga Sugo
3. Paghingi ng pagpapala sa pamamagitan ng pangalan ng Allah Al-kareem
(1) Dahilan ng May-akda sa pagsisimula ng aklat sa pamamagitan ng Basmallah
Ang “ilm”: Ang malaman ang katotoohan sa pamamagitan ng kanyang katibayan, at ang kanyang kasalungat ay “Jahl” o kamangmangan.
11
(Ito ang aking “Sabeel” pamamaraan): Ang tinutukoy na “pamamaraan” ay ang dalang batas ng Propeta Muhammad (Saw) at ang “Sabeel” ay ang Daan
(na ako ay nag-aanyaya tungo sa Allâh): Ang nag-aanyaya tungo sa Allah ay siya ang dalisay na nagnanais na dalhin ang mga tao tungo sa Allah.
(na ako ay may “Baseerah”): Ang “Baseerah” ay ang “ilm” (kaaalaman) at sumasaklaw ito sa kaalaman sa:
Pangatlo:
AD-DA’WAH ILAYHI
(Pag-anyaya tungo rito)
Ang Da’wah ay mayroong mahahalagang kondisyon at panuntunan na dapat isakatuparan; at ito ang:
1. Mangyari na ang Da’wah ay magkaroon ng “Ihklas” para sa Allah Ta’ala
2. Mangyari na ang Da’wah ay naaayon sa kaalamang pang-islam
3. Mangyari na ang Da’wah ay
Naaayon sa Hikmah at Sabar
4. Mangyari na magkaroon ng kaalaman
sa kalagayan ng mga
Dinada’wahan
Ang Batayan sa mga Kondisyong ito
1. Batas ng Islam
2. Kalagayan ng
Dina-da’wahan
3. Kapamaraanan
na magdadala tungo sa ninanais
Sinabi ng Allah Ta’ala: (sabihin mo sa kanila, O Muhammad: “Ito ang aking “Sabeel” (pamamaraan), na ako ay nag-aanyaya tungo sa Allâh, na ako ay may “Baseerah” (kaaalaman), ako at ang sinumang susunod sa akin, at Luwalhati sa Allah na Napakadakila na malayung-malayo mula sa anumang kanilang sinasamba na itinatambal sa Kanya, at ako ay hindi kabilang sa mga nagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Kanya.)
Sinasabi ng may-akda –rahimahullah-: kapag ikaw ay nagkaroon ng kaalaman at isinabuhay mo ito, nararapat sa iyo na tahakin mo ang kapamaraanan ng Propeta Muhammad (Saw), Sahabah at ng Salaf Salih, kung saan nagwika ang Allah: (Sabihin mo sa kanila, O Muhammad: “Ito ang aking “Sabeel” (pamamaraan), na ako ay nag-aanyaya tungo sa Allâh, na ako ay may “Baseerah” (kaaalaman), ako at ang sinumang susunod sa akin), kung ganon ay kinakailangan natin magsagawa ng Da’wah.
12
SABR ALAL ADHA -: ASapat-PangFEEHI (Ang pagtiis sa pagtupad ng mga ito) (1).
Ang patunay,
Sinabi ng Allah Ta’ala:
(1-2. Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng panahon na walang pag-aalinlangang ang Mga Tao ay nasa pagkawasak at pagkatalo.
3. Maliban sa kanila na naging mananampalataya at gumawa ng mabubuting gawa, at nagpayuhan sila sa isa’t isa sa pananatili sa katotohanan, at pagtitiis para rito.) (2)
(2) Matapos ang pagbanggit sa apat na usapin, nilahad ng may-akda –Rahimahullah- ang patunay patungkol dito mula sa Quran; at ito ang Surah Al-Asr. At ang may-akda –rahimahullah- sa tuwing siya’y magbabanggit ng usapin palagi itong may kalakip na Patunay o Batayan, Bakit?
(1) Binanggit ng may-akda –rahimahullah- na ang pagkatapos ng Da’wah ay: Ang Sabr, samakatuwid: Ang tumahak sa landas na ito ay mangyayari sa kanya ang katulad sa kung ano ang nangyari sa mga Sugo at Propeta, kaya nararapat ng magsabar o magtiis.
Literal:
Pagpigil
Sa Islam: Ang pagpigil sa sarili sa mga bagay at paglayo mula rito.
1. Ang Pagtitiis sa pagsunod sa Allah hanggang sa ito ay maisagawa.
2. Ang Pagtitiis mula sa pagsuway sa Allah haggang sa ito ay maiwasan
3. Ang Pagtitiis sa mga Masakit na Tadhana na Tinadhana ng Allah
Upang magkaroon ang isang mag-aaral ng kakayahan sa pagkuha ng hukom mula sa mga pangunahing batayan
Upang matuto ang mga mag-aaral sa pagsunod at hindi sa paggaya
Upang magkaroon ang isang mag-aaral ng patunay upang itugon sa isang sumasalungat
13
Sinabi ni Imâm Ash-Shâfi'î:
“Kung sakaling wala ng iba pang Surâh na ipinadala ang
Allah maliban dito ay sapat na ito sa kanyang mga nilikha.” (1)
Sinabi ni Al-Bukhârî:
“Kaalaman bago ang pagsasalita at paggawa.”
At ang patunay, Sinabi ng Allah:
((Dapat mong mabatid, O Muhammad, na walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin kundi ang Allâh, at humingi ka sa Kanya ng kapatawaran sa iyong kasalanan))
Sinimulan sa kaalaman bago ang pagsasalita at pagkilos o paggawa. (2)
(2) Pinangalan ni Imam Bukhari ang isang kabanata mula sa kanyang aklat na (sahih Al-bukhari): Kabanata: (Kaalaman bago ang pagsasalita at paggawa) at kanyang binanggit ang patunay, kaya naman nararapat na magkaroon ng kaalaman muna bago ang pagsasalita at paggawa.
At Hindi magiging tama ang paggawa na walang kaalaman, dahil ito ay isang gawaing katulad sa mga Kristiyano.
(1) Gustong sabihin ng may-akda –rahimahullah- na ang Surah na ito ay sapat ng patunay sa mga nilalang upang maghanap ng kaalaman, isabuhay ito, magsagawa ng da’wah at ang pagtitiis para dito.
14
Dapat mong malaman -ang habag ng Allah ay sumaiyo- na kinakailangan sa mga lalaki at babaing Muslim ang pag-aralan ang
MASAA-EL ATH THALATHAH
(Tatlong Usapin) at pagsasabuhay nito. (1)
Pangalawa: Ang Tatlong Usapin
(1) Sinimulan ng may-akda ang bahaging ito mula sa aklat sa pamamagitan ng panalangin para sa mag-aaral.
Sa Islam: Ang Pagbubukod-tangi sa Allah sa kanyang Rububiyah at Uluhiyyah at Asma was sifat
Literal: Salitang Ugat ng “Wahhada, Yuwahhidu, Tawheedan”
Nangangahulugan: “Binukod-tangi”
Tawheedur Rububiyyah
Ang pagbubukod-tangi sa Allah sa Kanyang mga Gawain.
O
Pagbubukod-tangi sa Allah sa Kanyang Paglikha at
Pagmamay-ari sa lahat ng nilikha at Pangangasiwa.
Tawheedul-Asma-i was Sifat
Pagbubukod-tangi sa Allah sa pamamagitan ng mga Pinangalan at itinangi Niya sa Kanyang sarili sa Quran at sa binanggit ng kanyang propeta Muhammad, at magpatibay sa lahat ng pinagtibay Niya sa Kanyang sarili at magwaksi sa lahat ng winaksi Niya sa Kanyang sarili nang walang TAHRIF (pagbabago ng kahulugan), o TA'TIL (pag-aalis ng kahulugan) at nang walang TAKYIF (paglalarawan ng pamamaraan sa Kanyang katangian at pangalan o kung paano Niya isinasagawa ang kanyang mga gawain), TAMTHIL (paghahalintulad sa Kanya sa anumang nilikha).
Tawheedul Uluhiyah
Pagbubukod-tangi sa Allah sa Pagsamba.
Panimula Bago ang Pagpapaliwanag sa Tatlong Usapin
(Al-Masaa’el Ath-thalaath)
Tunay na nagsagawa ng panalangin ang may-akda sa Allah para sa mga mag-aaral, at ito ay nasa tatlong lugar ng aklat: Una; sa pagsisimula ng apat na usapin. Pangalawa; sa pagsisimula ng Tatlong usapin, Pangatlo: (Dapat mong malaman patnubayan ka nawa ng Allah sa pagsunod sa kanya, tunay na ang AL-HANIFEEYAH ang siyang MILLAH (paniniwala) ni Ibrahim)
15
*Ang mga pangalan at katangian ng Allah ay “Tawqifiyah” o nababatay lamang sa kung ano ang nabanggit sa Quran at Sunnah at ito ay:
- Sa pamamagitan ng pagkilala sa lahat ng pinagtibay ng Allah sa Kanyang sarili sa Quran o pinagtibay para sa Kanya ng kanyang Sugo.
- At sa pamamagitan ng pagwaksi sa lahat ng winaksi ng Allah mula sa Kanyang sarili sa Quran o winaksi mula sa Kanya ng kanyang Sugo, katulad:
( Hindi Siya maaaring antukin at Hindi rin Siya maaaring matulog.), (at Hindi Kami kailanman napagod sa paglikha nito.) Nang walang Tahrif at Ta’til, at nang walang Takyif at Tamthil.
(1) Sa unang usapin ay pinapakilala rito ng may-akda ang Tawhidur Rububiyyah at Tawhidul Asma was Sifat, (Tunay na ang Allah ang Siyang lumikha sa ating lahat) Siya ang Al-khaliq, (at nagtutustos) ang Ar-Razzaq, (at hindi Niya tayo pinabayaan) sa kawalan na parang walang kautusan o pinagbabawal (bagkus ay nagpadala Siya ng mga sugo).
Una: Tunay na ang Allah ang Siyang lumikha sa ating lahat at nagtutustos at hindi niya tayo pinabayaan, bagkus ay nagpadala siya ng mga sugo, at ang sinumang sumunod dito ay makakapasok sa Paraiso at sinumang sumuway ay makakapasok sa Impiyerno.
At Ang patunay sinabi ng Allah:
“Katiyakan, ipinadala Namin sa inyo, si Muhammad bilang Sugo na titestigo laban sa inyo na katulad din ng pagkapadala Namin kay Musa tungo kay Fir`âwn, subalit di-pinaniwalaan ni Fir`âwn si Musa at hindi naniwala sa kanyang mensahe at nilabag ang kanyang utos, na kung kaya, pinuksa Namin sila nang matinding pagkapuksa.”
Pangatlong Usapin: Ang Pag-iwas mula sa Shirk o pagtatambal at mula sa mga gumagawa nito
Unang Usapin: Tawhidur Rububiyyah at Tawhidul Asma was Sifat
Pangalawang Usapin: Tawhidul Uluhiyah
Bilang Habag: (At Hindi ka Namin ipinadala, O Muhammad, kundi bilang habag sa sangkatauhan)
Ang Paglalahad ng Hujjah o katibayan sa mga nilalang: (At hindi namin paparusahan ang sinuman, hanggang hindi naitatag ang katibayan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sugo.)
16
Napapaloob sa Pangalawang Usapin ang pagpapakilala sa Al-Uluhiyah ng Allah Taala.
Sinabi ng may –akda: (Tunay na ang Allah ay hindi nalulugod sa sinumang nagtatambal sa Kanya sa pagsamba) ang salitang (Sinuman) ay sumasaklaw sa lahat ng nilalang; ito man ay maging isang propeta, o waliy, o isang jinn, o anghel, o isang mabuting tao, at ibang mga nilalang.
Ang patunay sinabi ng Allah:
(At katiyakan, ang mga ‘Masjid’ ay para sa pagsamba sa Allâh, na kung kaya; huwag kayong magsagawa rito ng pagsamba sa sinuman)
Pangalawa: Tunay na ang Allah ay hindi nalulugod sa sinumang
nagtatambal sa Kanya sa pagsamba, ni mula sa malalapit sa Kanya na anghel, ni sa mga propetang isinugo. Ang patunay, sinabi ng Allah:
(At katiyakan, ang mga ‘Masjid’ ay para sa pagsamba sa Allâh, na kung kaya; huwag kayong magsagawa rito ng pagsamba sa sinuman)
Ang Tatlong kahulugan ng Masjid (at ito ay maaaring pagsama-samahin)
Ang kalupaan: (at ginawa para sa akin ang kalupaan na Masjid at dalisay)
Ang mga parte ng katawan na kung saan nakadikit sa lupa habang nakasujud
Ang mga nakatayong Masjid na itinayo upang sambahin ang Allah dito
(ay para sa pagsamba sa Allâh, na kung kaya; huwag kayong magsagawa rito ng pagsamba sa sinuman): ang salitang (Sinuman) ay sumasaklaw sa lahat ng nilalang; at dahil dito sinabi ng may-akda sa simula ng pangalawang usapin (Tunay na ang Allah ay hindi nalulugod sa sinumang nagtatambal sa Kanya sa pagsamba) ibig sabihin ay lahat ng nilalang; ito man ay propeta o waliy o jinn o mabuting tao.
17
Ipinapaliwanag ng may-akda sa pangatlong usapin; na marapat na umiwas mula sa Shirk o pagtatambal at mula sa mga gumagawa nito.
Pangatlo: tunay na ang sinumang sumunod sa sugo at binukod tangi ang Allah ay hindi maaari sa kanya ang
tumangkilik sa sinumang kumalaban sa Allah at sa Kanyang sugo kahit na ito pa ay Kanyang malapit na kamag-anak.
At ang patunay sinabi ng Allah:
(Hindi ka makatatagpo, O Muhammad ng mga tao na naniniwala sa Allâh at sa Kabilang-Buhay, na pakamamahalin nila ang sinuman na kumakalaban sa Allâh at sa Kanyang Sugo, kahit na sila pa ay kanilang magulang o di kaya ay kanilang mga anak o di kaya ay kanilang mga kapatid o di kaya ay kanilang mga kamag-anak.
Na itinanim ng Allâh ang kanilang Pananampalataya sa kanilang mga puso, at pinatatag sila sa pamamagitan ng tulong mula sa Kanya at sa Kabilang-Buhay ay papapasukin sila sa mga Hardin na umaagos ang mga ilog sa ilalim ng mga puno nito, at sila ay mananatili roon magpasawalang-hanggan, ipagkakaloob ng Allâh sa kanila roon ang Kanyang pagmamahal at mamahalin nila ang Allâh, Sila ang mga nasa panig ng Allâh at sila ang magkakamit ng kaligayahan sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.)
1- Puso: Sa pamamagitan ng pagkamuhi sa mga Kuffar at kanilang mga piyesta at pagdiriwang at lalo na ang mga gawaing pagtatambal at makabagong gawain pagsamba.
2- Dila: (“Katiyakan, kami ay walang pananagutan sa inyo at sa anuman na inyong sinasamba bukod sa Allâh”)
1. Sabihin mo; O Muhammad, “O kayong mga hindi naniniwala sa Allâh. 2. “Hindi ko sasambahin ang anumang sinasamba ninyo na mga diyus-diyusan 3. “At kayo ay hindi rin ninyo sasambahin ang aking sinasamba 4. “At ako, kailanman ay hindi mangyayari na sasamba sa mga sinasamba ninyo 5. “At kailanman ay hindi kayo sasamba sa aking sinasamba.” 6. “Na kung kaya, sa inyo na lamang ang inyong relihiyon na inyong pinagpipilitan, at sa akin na lamang din ang aking ‘Deen,’.”
3- Katawan: sa pamamagitan ng hindi paglahok sa kanilang mga pinagdiriwang o mga ritwal o mga kasuotan o anumang bagay na kanilang pinaniniwalaan.
Katawan
Dila
Puso
18
Literal: Salitang ugat ng salitang “Wahhada, Yuwahhidu, Tawheedan”
Nangangahulugan: “Binukod-tangi”
Sa Islam: Ang pagbubukod-tangi sa Allah sa kanyang Rububiyyah at Uluhiyyah at Asma was sifat
dapat mong malaman Patnubayan ka ng Allah sa pagsunod sa kanya: Tunay na ang AL-HANIFIYAH ang siyang MILLAH ni Ibrahim: ito ay, ang sambahin lamang ang Allah nang dalisay at ito ang inutos ng Allah sa lahat ng tao at nilikha sila dahil dito; katulad ng sinabi ng Allah: (“At hindi Namin nilikha ang mga jinn at tao maliban lamang sambahin nila ako) (1). At ang kahulugan ng “YA’BUDOON” ay “YUWAHHIDOON” (2). At ang pinakadakilang kautusan ng Allah: Ang TAWHEED at ito ay siyang pagbubukod-tangi sa Allah sa IBAADAH (3). At ang pinakadakilang ipinagbabawal niya ay ang SHIRK. Ito ay ang pananalangin, pagsamba maliban sa Allah.
Pangatlo: Ang kahalagahan ng pag-aaral ng Tawheed
Literal:
Nagmula sa salitang: Al-hanf
Na ang kahulugan ay:
Al-mayl
Ito ang:
PAGLIHIS
Sa Islam: ito ang MILLAH o paniniwala na lumilihis at lumalayo mula sa Shirk patungo sa Ikhlas at Tawheed at Iman. (At masunurin na nagpapasailalim sa kagustuhan ng Allâh, na hindi siya lumilihis sa Relihiyon ng Islâm)
Ibig sabihin ay tumungo sa Allah at tumatalikod sa Shirk.
At ang Hanif ay siyang palaging bumabalik sa Tawheed at lumalayo mula sa Shirk.
Ang kahulugan ng Tawheed
Sinabi ng May-akda: (At ang kahulugan ng “YA’BUDOON” (pagsamba lamang) ay ang “YUWAHHIDOON” (ibukod tangi ang Allah sa pagsamba)), ito ay salita ni Ibn Abbas-Radhiyallahu anhu- na kung saan kanyang sinabi: (Tunay na ang bawat Ibadah sa loob ng Quran ay nangangahulugan na: Tawheed)). ((At inyong sambahin ang Allah)): nang bukod tangi lamang sa Allah, ((O sangkatauhan sambahin niyo ang iyong Rabb)): nang nag-iisa at bukod tangi lamang.
(3) Ipinapaliwanag ng may-akda kung bakit natin pinag-aaralan ang Tawheed at ang kasagutan ay atin ng nabanggit sa panimula.
19
At kapag tinanong sa iyo kung ano ang tatlong saligan ng relihiyon na marapat malaman ng tao? Sabihin ay: ang makilala ng lingkod ang kanyang RABB, at malaman ang kanyang DEEN at makilala ang kanyang Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi Wasallam (1).
Kapag ikaw ay tinanong; “Sino ang iyong RABB?” Sabihin; ang aking RABB ay ang Allah na Siyang
nangangalaga sa akin at sa lahat ng nilalang sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, at Siya lamang ang aking sinasamba at wala akong sinasambang katambal sa Kanya. At ang patunay sinabi ng Allah: (Ang lahat ng papuri ay nararapat lamang sa Allâh na “Rabb” ng lahat ng mga nilalang) (2)
Ang lahat maliban sa Allah ay AL-ALAMUN (Nilikha) at ako ay kabilang sa Kanyang mga nilikha (3).
Pang-apat: Al-Usuluth Thalathah
(1) Sinimulan ng may-akda ang pagtalakay sa Al-Usuluth Thalathah, at ito ay nagpapahiwatig sa tatlong katanungan sa libingan, at kanyang pinukaw ang atensyon ng mga mambabasa at tagapakinig sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot nito.
(2) Nililinaw ng may-akda ang unang saligan, at ipinapaliwanag na ang Rabb at ang karapatdapat sambahin walang iba kundi ang Allah Subhanahu Wa Taa’la, at kanyang binanggit ang patunay dito, at ito ang sinabi ng Allah: (Ang lahat ng papuri ay nararapat lamang sa Allâh na “Rabb” ng lahat ng mga nilalang), At ang Rabb siya ang Ma’bood o ang sinasamba.
(3) Ibig sabihin: Ang lahat maliban sa Allah ay Makhluq o nilalang, at kung mangyari na ako ay isang nilikha nararapat lamang na ako ay magpasalamat sa Tagapaglikhang nagtutustos at nagbibigay ng biyaya, luwalhati sa kanya ang katas-taasan.
(Rabb)
Ito ay {nagpapakilala} sa Tawhidur Rububiyah
(lil-lâ-hi)
Ito ay {nagpapakilala} sa Tawhidul Uluhiyah
(Al-ham-du)
Ito ay nagpapakilala sa Tawhidul Asma was Sifat
(“Al-ham-du-lil-lâ-hi Rab-bil `Â-la-mîn”)
(Tatlong Saligan ng relihiyon)
20
At kung tatanungin ka; paano mong nakilala ang iyong Panginoon?
Sabihin; sa pamamagitan ng Kanyang mga AYAT (tanda) at MAKHLUQAT (sa Kanyang mga nilalang), at mula sa mga tanda Niya ay ang gabi at ang umaga, ang araw at buwan at sa Kanyang
paglikha sa kalangitan at kalupaan at sa mga nandito at sa pagitan ng mga ito.
Patunay na sinabi ng Allah: ((At kabilang sa mga palatandaan ng Allah ay ang pagpapalit-palitan ng gabi at araw at gayundin ang araw sa buwan, at huwag kayong magpatirapa sa araw at sa buwan, bagkus ay magpatirapa kayo sa Allâh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay tunay na sumasamba sa Kanya na Bukod-Tangi na walang katambal))
At Sinabi niya: (Katiyakan, ang inyong ‘Rabb,’ ay ang Allâh na Siyang Lumikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, sa loob ng Anim na Araw, pagkatapos Siya ay pumaroon sa taas ng Kanyang Trono, ipinapasok Niya ang gabi sa araw hanggang sa ito ay sumanib sa araw hanggang sa mawala ang liwanag nito, at bawa’t isa rito ay nangyayari nang napakadali, Siya ang Lumikha ng araw at ng buwan at mga bituin at ipinapasailalim Niya ang mga ito sa Kanyang pag-aatas, na kung kaya, dapat ninyong mabatid na Siya lamang ang Bukod-Tanging Lumikha ng lahat at gayundin ang lahat ng Pag-aatas. Luwalhati sa Allâh; na Siya ang ‘Rabb’ ng lahat ng mga nilalang.) (1)
At ang Rabb ay ang Siyang marapat sa pagsamba, ang patunay ay mula sa sinabi ng Allah :( O sangkatauhan! Sambahin ang inyong Rabb na siyang lumikha sa inyo at gayundin ang mga nauna sa inyo, upang mapabilang kayo sa mga ‘Al-Muttaqîn Siya ang lumikha ng kalupaan nang PALATAG, at sa mga kalangitan, nang pagkatatag-tatag at ibinababa Niya ang tubig-ulan mula sa mga ulap at sa pamamagitan nito ay pinasibol Niya ang iba’t-ibang uri ng mga bunga bilang kabuhayan para sa inyo, kung Kaya't huwag kayong gumawa para sa kanya ng katambal habang ito ay inyong nalalaman) (2)
Sinabi ni Ibn Kathir “Ang KHALIQ (Tagapaglikha) ng mga bagay na ito ang siyang karapat-dapat sa IBAADAH (pagsamba).” (3)
(1) Sinimulan ng may-akda ang pagbanggit sa mga ilang palatandaang pandaigdig na siyang tumutukoy sa pagkakairal ng Allah, at ito rin ay nagpapatibay na walang Rabb at walang Tagapalikha at walang karapatdapat sambahin maliban sa Allah. At binanggit ang mga patunay tungkol dito mula sa Quran katulad ng nasa aklat na ito.
At lahat ng nilalang ay isang tanda ng pagkakaroon ng Allah. Ngunit ang may-akda ay pinag-iba niya ang AYAH at ang MAKHLUQ; dahil ang isang Ayah o Tanda ay nagbabago; katulad ng Gabi at Umaga, at ang nagbabago ay mayroong mas malakas na patunay kaysa sa hindi nagbabago.
(2) At ang bersikulo na ito ay mula sa Surah Al-baqarah, ayon sa ilang Ulama o mga maaalam sa Islam: tunay na napapaloob sa bersikulo na ito ang kauna-unahang pagtawag sa Quran: (O sangkatauhan!). At dito ang kauna-unahang kautusan sa Quran (Sambahin!) ibig sabihin ay: sambahin nang nag-iisa. At dito rin ang kauna-unahang ipinagbawal sa Quran: (Kaya't huwag kayong gumawa para sa kanya ng katambal habang ito ay inyong nalalaman) ito ang pagbabawal mula Shirk.
(3) Ibig sabihin: Ang nag-iisa at bukod-tangi sa pagka-Rabb, marapat na ibukod-tangi siyang sambahin.
21
At ang mga uri ng IBAADAH tulad ng ISLAM, IMAN at IHSÂN, at mula rin sa mga IBAADAH ay ang DUA, KHAWF, RAJA, TAWAKKUL, RAGBAH, RAHBA, KHUSHU, KHASHYAH, INAABAH, ISTIA’NAH, ISTIGHATHAH, DHABH, AN-NADHAR at mga tulad nito mula sa mga pagsamba na siyang ipinag-uutos ng Allah, at ang lahat ng mga ito ay marapat para lamang sa Allah. Ang patunay, sinabi ng Allah: (At katiyakan, ang mga ‘Masjid’ ay para sa pagsamba sa Allâh, na kung kaya, huwag kayong magsagawa rito ng pagsamba sa sinuman).
At sinuman ang ialay niya ang anumang uri ng Ibadah maliban pa sa Allah; tunay na siya ay naging isang Mushrik Kafir, at ang patunay sinabi ng Allah: (At ang sinumang sasamba ng iba bukod sa Allâh, na siya ay walang anumang katibayan na ito ay karapat-dapat na sambahin, walang pag-aalinlangan ang kabayaran ng kanyang masamang gawain ay nasa kanyang ‘Rabb’ sa Kabilang-Buhay. Katiyakang walang tagumpay, walang kaligtasan sa mga di-naniwala sa Araw ng Muling Pagkabuhay.)
At sa Hadeeth: (Ang Du’a ang siyang utak ng Ibadah).
At ang patunay sinabi ng Allah:
(At sinabi ng Allâh na inyong ‘Rabb’: Manalangin kayo sa Akin at Ako lamang ang inyong sambahin at tutugunin Ko kayo, katiyakan, ang mga yaong nagmamataas na di-naniniwala sa pagsamba lamang nang bukod-tangi sa Akin at sa Aking pagiging ‘Ilâh’ o Diyos na sinasamba, walang pag-aalinlangan, makapapasok sila sa Impiyerno na mga hamak at kaaba-aba.”)
Sinundan ng may-akda ang sinabi ni ibn kathir sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga iba’t ibang uri ng pagsamba na isinasagawa sa pamamagitan ng puso at katawan, na mayroong kalakip na batayan mula sa Quran para sa bawat gawaing nabanggit, at ito ang sumusunod:
Ang pag-aalay nito sa iba maliban sa Allah ay isang uri ng Malaking Shirk
Ang hatol nito ay mayroong paliwanag, at ito ay mayroong dalawang bahagi, at ito ang sumusunod:
Du’a mas’alah:
Ito ay uri ng panalangin na paghingi; katulad ng pagsasabi ng Allahumaghfir liy, Irhamniy
(O Allah patawarin mo ako at iyong kaawaan)
Du’a Ibadah:
Ito ay uri ng panalangin na kung saan sinasamba ng isang Muslim ang Allah; katulad ng Salah at Sawm at Hajj
22
Marapat na maniwala na ang tinatawag ay isang dahilan lamang at hindi mismo siya ang nagbibigay ng epekto.
Marapat na ang tinatawag ay mayroong kakayanan.
At Hindi kabilang dito ang walang kakayahan
Marapat na ang tinatawag ay naroroon o kasama.
At Hindi kabilang ang wala
Marapat na ang tinatawag ay isang buhay.
At Hindi kabilang dito ang mga patay
At kung maniwala na ang tinatawag ay mayroon siyang tinatagong pangangasiwa sa sanlibutan at nasa kamay niya ang pagbibigay ng pakinabang at pagtanggal ng nakakapinsala; ang hatol nito ay Malaking Shirk.
Kumento:
Ating pinag-aaralan ang patungkol sa hatol sa Gawain, ngunit ang hatol sa gumagawa ay kinakailangan ng paglalahad ng mga katibayan at mawala ang mga Shubuhat o pagdududa at pag-aalinlangan.
At ang mga Ulama o maaalam sa Islam; sila ang may karapatan na magbigay ng hatol sa isang gumagawa kung siya ba ay isang mu’min o isang kafir.
Sa mga bagay na kayang gawin ng isang Tao
Ito ay maaari sa kondisyon na:
Sa mga bagay na walang makakagawa nito maliban sa Allah
Ang pag-aalay nito sa iba maliban sa Allah ay isang uri ng Malaking Shirk
23
Ang Hadeeth na: (Ang Du’a ang siyang utak ng Ibadah) ay isang mahinang hadeeth,
At ang malakas at tamang Hadeeth ay ang sinabi ng Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi wa sallam: (Ang Du’a ay Ibadah)
Ang bersikulo mula sa Quran ay tumutukoy dito: ((At sinabi ng Allâh na inyong ‘Rabb’: Manalangin kayo sa Akin at Ako lamang ang inyong sambahin at tutugunin Ko kayo, katiyakan, ang mga yaong nagmamataas na di-naniniwala sa pagsamba lamang nang bukod-tangi sa Akin at sa Aking pagiging ‘Ilâh’ o Diyos na sinasamba, walang pag-aalinlangan, makapapasok sila sa Impiyerno na mga hamak at kaaba-aba.”)).
Sinabi ng Allah: (Sa pagsamba lamang nang bukod-tangi sa Akin) ito ay patunay na tumutukoy na ang Du’a ay isang uri ng ibadah.
Pisikal na Kaparaanan
Katulad ng Gamot, ito ay ginawang kaparaanan ng Allah para panlunas.
Kaparaanan na nabanggit sa Islam
Katulad ng RUQYAH MASHRU'AH, ito ay ginawang kaparaanan ng Allah sa pagtanggal ng sakit.
Pangkat na naniniwala na ang mismong kaparaanan ang nagdudulot ng epekto at hawak niya ang pagkamit ng pakinabang at pag-alis ng pinsala.
Ito ay isang Malaking Shirk
Pangkat na naniniwala at ginagawa nila ang isang bagay na kaparaanan na hindi naman ito ginawang kaparaanan ng Allah;
At ito ay isang Maliit na Shirk
Pangkat na naniniwala at ginawa nilang kaparaanan ang isang bagay na ginawa itong kaparaanan ng Allah
At ito ay Tama
24
At ang patunay sa Al-khawf sinabi ng Allah:
(Huwag kayong matakot sa mga pagano (‘Mushrikin’) dahil sila ay mga mahihina at wala silang kakampi, Ako (Allah) ang inyong katakutan) (1)
At ang patunay ng Ar-raja’ sinabi ng Allah:
(Sinuman ang naghahangad sa Araw ng kanyang pakikipagtagpo sa Kanyang Rabb ay hayaan niyang gumawa ng kabutihan nang alang-alang sa Allâh, at hindi siya maglalagay ng anumang katambal sa kanyang pagsamba sa Allâh nang kahit na ano.) (2)
(1) Ang Khawf o Pagkatakot: ito ay isang uri ng emosyon na nangyayari sa tuwing nalalagay ang isang nilalang sa bagay na may dulot na kasawian o kapinsalaan o kasakitan.
(2) Ang Raja’ o ang pag-aasam o pag-asa: ito ang pag-aasam ng isang bagay o ang pag-asa o paghihintay sa isang bagay na naiibigan.
At napapaloob sa Raja’ ang pagpapakumbaba at pagsuko para lamang sa Allah, at ang pag-aalay nito sa iba ay isang uri ng Malaking Shirk.
At ang kapuri-puring Raja’ ay mangyayari lamang sa sinumang gumawa ng pagsunod sa Allah at nag-aasam ng kabutihan, o ang nagbalik-loob mula sa pagsuway sa Allah at nag-aasam na matanggap ang kanyang pagbabalik-loob, at ang Raja na walang gawa ay isang uri ng pagmamataas at hindi kapuri-puring paghahangad.
Katulad ng kawalan ng pag-asa mula habag ng Allah o pagsunod sa isang nilalang sa pagsuway sa Allah.
Katulad ng takot ng isang tao sa apoy at kalaban at mabangis na hayop atbp….
At ito ay Mubah o
(Pinapahin-tulutan)
Ito ang Takot ng isang tao sa kanyang sinasamba at ito ay mayroong (pagpapa-
Kumbaba) at pagsuko at pagdakila sa sinasamba at ang uri na ito ay obligado para lamang sa Allah, at ang pag-aalay nito sa iba ay isang malaking Shirk
Ang khawf na Muharram (Ipinag-
Babawal)
Ang natural na pagkatakot
(Likas)
Ang khawf na Ibadah at pagdakila at palihim
25
At ang patunay ng AT-TAWAKKUL
Sabi ng Allah: (at sa Allâh lamang kayo magtiwala kung kayo ay tunay na naniniwala)
Sabi ng Allah: (At sinuman ang ipinauubaya niya ang kanyang sarili sa Allâh ay sapat na ang Allâh sa kanya sa anuman na kanyang suliranin sa lahat ng larangan ng kanyang buhay.)
At ang patunay ng AR-RAGBAH RAHBAH at AL-KHUSHU
Sabi ng Allah: (dahil sila ang mga yaong mabilis magsigawa ng kabutihan, na sila ay nananalangin sa Amin sa paghahangad ng anuman na nagmumula sa Amin, na natatakot sa Aming parusa, at sila ay mga mapagkumbaba na sumusunod sa Aming kagustuhan.)
(2) Ar-Raghbah o paghahangad: ito ang kagustuhan na makarating sa isang bagay na iniibig.
Ar-Rahbah o pagkasindak: ito ang pagkatakot na nagbubunga ng paglayo mula sa kinakatakutan, at ito ang takot na mayroong pagkilos.
Al-Khushu’ o pagkataimtim: ang pagpapakumbaba sa kadakilaan ng Allah, na kung saan ito ang ganap na pagsuko sa tadhana ng Allah sa sanlibutan at Islam.
Ang tumatahak sa landas ng Allah ay nararapat na pagsamahin ang Al-khawf o pagkatakot at Ar-Raja’ o pag-aasam sa Allah, at hindi maaaring mangingibaw ang isa rito dahil ito ay maglalagay sa kanya sa kasawian, kaya nararapat na magkaroon ang isang tao ng pagkatakot at pag-aasam, na katulad ng isang ibong may dalawang pakpak.
(1) Ang kahulugan ng TAWAKKUL
Sa Literal:
Ang pagtitiwala sa isang bagay; ito ang pagsandal sa kanya.
Sa Islam:
Ito ang totoong pagsandal sa Allah na mayroong kasamang pagtitiwala sa kanya at pagkuha ng mga pinapahintulutan na kaparaanan
Ang pagiging totoo
sa pagsandal
sa Allah
Ang pagkuha at paggawa ng mga pinapahin-tulutang kaparaanan
Ang pagtitiwala sa Allah na siyang tutupad sa kanyang pangako
26
At ang patunay ng AL-KHASHYAH Sabi ng Allah: (subalit huwag kayong matakot sa kanila.
Ako lamang ang dapat ninyong katakutan) (1)
At ang patunay ng AL-INAABAH
Sabi ng Allah: (At manumbalik kayo sa Allâh na inyong Rabb at sumuko kayo sa Kanya) (2)
At ang patunay ng AL-ISTIAANAH Sabi ng Allah: (Ikaw lamang ang aming sasambahin, at Ikaw lamang ang aming hihingian ng tulong.)
At sa hadîth: “Kung hihingi ka ng tulong, ay humingi ka sa Allah.” (3)
At ang patunay ng AL-ISTIAADHAH Sabi ng Allah: (Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako sa Allâh na ‘Rabb’ ng ‘Falaq,’ na ito ay pagbubukang-liwayway.), at (Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako sa Allâh na ‘Rabb’ ng sangkatauhan) (4)
At ang patunay ng AL-ISTIGHATHAH Sabi ng Allah: (noong kayo ay humihiling ng saklolo sa Allâh, at dininig ng Allâh ito sa inyo) (5)
At ang patunay ng ADH-DHABH
Sabi ng Allah: (Sabihin mo, O Muhammad:’ “Katiyakan, ang aking ‘Salâh;’ ang aking pagsasakripisyo na katulad ng pagkatay ng hayop; ang aking buhay, ang aking kamatayan ay pagmamay-ari lamang ng Allâh na ‘Rabb’ ng lahat ng mga nilikha”)
At ayon sa Sunnah: “Sumpain ng Allah ang sinumang magkatay upang i-alay maliban sa Allah.” (6)
(1) Al-khashyah o Pagkatakot: ito ang pagkatakot na mayroong kaalaman sa kadakilaan ng kinakatakutan at kaalaman sa kanyang ganap na kapangyarihan.
(2) Al-Inaabah o ang pagbabalik-loob: ito ang pagbabalik-loob sa Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya at paglayo mula sa pagsuway sa kanya, (wa Anibu) ibig sabahin: At manumbalik kayo (ila rabbikum wa aslimu lahu) ibig sabihin: sumuko ka sa Allah; dahil ikaw ay isang Alipin, at ang isang alipin dapat siyang sumuko sa kanyang Panginoon, at ang Panginoon ay ang Allah; katulad ng sinabi ng sugo ng Allah: “Ang Panginoon ay ang Allah”.
(3) Al-Istiaanah: ito ang paghingi ng tulong. : (Ikaw lamang ang aming sasambahin, at Ikaw lamang ang aming hihingian ng tulong.) ginamit ng Allâh sa talatang ito ang pang-isahan bilang pantukoy Niya sa Kanyang Sarili, upang pagtibayin at maging malinaw ang pagiging Bukod-Tanging karapatan lamang ng Allâh sa pagsunod, pagsamba at panalangin.
(4) Al-Istiaadhah: ito ang paghingi ng pagpapakupkop at pagkalinga, at ito ang: proteksyon mula sa mga masamang bagay, (A’udhu) ibig sabihin: Ako’y napapakupkop at nagpapakalinga.
(5) Al-Istighaathah: ito ang paghingi ng saklolo at ito ang pagsaklolo mula sa kahirapan at kasawian.
Ang Al-Istiaanah at Al-Istiaadhah at Al-Istighathah at Shafaah ay maaaring hingiin mula sa mga nilalang sa mga bagay na kanilang makakaya na naayon sa apat na kondisyon; Dapat na ito ay maging: Buhay, umiiral, at mayroong kakayahan, at paniniwala na ito ay kaparaanan lamang.
(6) Adh-Dhabh: ang pagpatay at pagpapadaloy ng dugo ng isang kataying hayop bilang pagdakila at pagpapalapit sa Allah sa isang natatanging paraan.
27
At ang patunay ng AN-NADHAR sabi ng Allah:
(Tinutupad nila ang anumang inuubliga nila sa kanilang mga sarili na pagsunod sa Allâh bilang pangako, at kinatatakutan nila ang parusa ng Allâh sa Araw na ang kaparusahan nito ay magiging laganap sa mga tao) (1)
Sa literal: Obligasyon o Pag-oobliga
Sa Islam: Ang pag-oobliga sa sarili ng isang tao sa paggawa ng isang gawaing hindi obligado
Ang mga nabanggit na gawaing pagsamba ng may–akda sa aklat na ito ay hindi nangangahulugan na ito lamang ang mga gawaing pagsamba bagkus ito ay isang paghahalimbawa lamang; dahil mayroong pang napakaraming pagsamba na hindi nabanggit sa aklat na ito, at ang buod: tunay na ang sinumang mag-aalay at magbibigay ng mga gawaing pagsambang ito sa iba maliban sa Allah tunay na siya ay nakagawa ng Shirk o pagtatambal sa Allah.
Komento: Mayroong karagdagang pagpapaliwanag sa usaping patungkol sa
Adh-dhabh sa susunod na aklat, ito ang Aklat ng Tawheed inshallah.
Komento: Ang An-Nadhar ay mayroong iba’t ibang bahagi at mga kondisyon at Kaffarat at darating ang pagpapaliwanag nito sa Aklat ng Tawheed Inshaallah.
Ang Nadhar para sa Allah
Ang Nadhar para sa iba maliban sa Allah
Ang pagkatay ng hayop para sa Allah
Katulad ng: Hadiy at Udhihiyah at Sadaqat
Pagkatay na Mubah
Katulad ng Karne ng tupa upang kainin o ipagbili
Pagkatay ng hayop para sa iba pa maliban sa Allah bilang pagmamahal at pagdadakila
Katulad ng pagkatay para sa Jinn, at mga patay sa libingan, ay itinuturing na malaking Shirk
(1) Ang Kahulugan ng An-Nadhr
28
.
Ang Pangalawang Saligan: Ang Pagkaunawa sa DEEN ISLAM (Relihiyong Islam) na naaayon sa Qur'an at Sunnah.
At Ito ay ang pagsuko sa Kaisahan ng Allah at sa pamamagitan ng pagsunod at pagiging malaya sa Shirk at sa mga gumagawa nito.
Ito ay naaayon sa tatlong antas: Al-Islam, Al- Îmân, Al- Ihsân. At ang bawat antas ay mayroong mga haligi.
Ang Unang Antas: Al-Islam (1).
Ang Haligi nito ay Lima :
Shahâdah – Ang pagsaksing walang diyos na marapat na sambahin maliban lamang sa Allah (2) at pagsaksing si Muhammad ay Sugo ng Allah, Pagtayo ng Salah, Pagbabayad ng Zakât, Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, Pagsasagawa ng Hajj sa Makkah.
(1) Lumipat sa pangalawang saligan ang may-akda, at ito ang pagkaunawa ng isang alipin sa kanyang Deen o Relihiyon, at sinimulan ito ng may-akda sa pagpapakilala sa Islam, kanyang sinabi:
(2) Ang Haligi ng Islam ay lima, at ang pinakauna:
Ang Shahadah.
At ito ang kahulugan ng Islam; ang sumuko ka sa Allah; dahil ikaw ay isang alipin, at ang isang alipin ay nararapat na sumuko sa kanyang Panginoon, at ang Panginoon ay ang Allah; katulad ng sinabi ng sugo ng Allah: “Ang Panginoon ay ang Allah”.
At pagkatapos ay ibinahagi ang Deen sa tatlong Antas:
At Ito ay ang ganap na pagsuko sa kaisahan ng Allah at ganap na pagsunod sa kanya at pagiging malaya sa Shirk at sa mga gumagawa nito.
AL-Islam
Al-Ihsan
Al-Iman
29
Ang patunay sa SHAHADAH, sabi ng Allah: (Sumasaksi ang Allâh na Siya ang Bukod-Tangi na ‘Ilâh’ o Diyos na karapat-dapat sambahin, at kasabay ng Kanyang pagsaksi ay ang pagsaksi ng mga anghel, at maging yaong mga nagtatangan ng kaalaman ay sinaksihan ang napakadakilang bagay na ito, siya ang Kataas-Taasan sa lahat, ang Ganap na Maalam sa anuman na Kanyang mga sinasabi at mga ginagawa.)
Ang kahulugan nito: ay walang marapat sambahin maliban sa Allah lamang, ((LA ILAHA)) “walang diyos” o ang pagwawaksi sa lahat ng uri ng sinasamba,
Ang ((ILLALLAH)) “maliban sa Allah” ay ang pagtanggap na ang pagsamba ay para lamang sa Allah at wala Siyang katambal dito. Tulad ng wala rin Siyang katambal sa pagiging Tagapagmay-ari ng lahat.
at ang kahulugan nito na siyang magpapaliwanag dito ang sinabi ng Allah: (At alalahanin mo, O Muhammad noong sinabi ni Ibrâhim sa kanyang ama at sa kanyang sambayanan “Walang pag-aalinlangan, ako ay walang pananagutan sa inyo sa anuman na inyong sinasamba maliban sa Kanya na lumikha sa akin, dahil katiyakan, na walang pag-aalinlangan, gagabayan Niya ako sa pagsunod sa daan ng Patnubay. At ginawa ni Ibrâhim ang kataga ng Kaisahan ng Allâh na manatili pagkatapos niya; upang sila ay magbalik tungo sa pagsunod sa Allâh na kanilang ‘Rabb’) (2)
Ang Nafiy ay matatagpuan mula sa sinabi niya na (LA ILAHA).
At ang Ithbat ay matatagpuan mula sa sinabi niya na (ILLALLAH).
At ang istraktura ng katagang ito ay nagpapahiwatig ng pagkilala at pagbubukod-tangi na kung saan ang katagang ito ay binukod-tangi niya at kinilala na ang pagsamba ay para lamang sa Allah at winaksi niya ang iba pang sinasamba.
At dahil dito sinabi ng may-akda: ((at ang kahulugan nito na siyang magpapaliwanag dito ang sinabi ng Allah:
(At alalahanin mo, O Muhammad noong sinabi ni Ibrâhim sa kanyang ama at sa kanyang sambayanan “Walang pag-aalinlangan, ako ay walang pananagutan sa inyo sa anuman na inyong sinasamba Maliban sa Kanya na lumikha sa akin))).
Binanggit ng may-akda ang patunay sa Shahadatu Alla ilaha illallah
O ang pagsaksi na walang marapat na sambahin maliban sa Allah
At pinaliwanag ang kanyang kahulugan:
La Ma’buda bihaqqin Illallah
Walang tunay at karapatdapat sambahin maliban sa Allah
Nafiy
(Pagwaksi)
Ithbat
(Pagkilala)
(Ako ay walang pananagutan sa inyo sa anuman na inyong sinasamba): ito ang kahulugan ng ((LA ILAHA))
(Maliban sa Kanya na lumikha sa akin): Ibig sabihin ((ILLALLAH))
30
Ating sasabihin: ang salitang iyan ay mali; dahil magiging tama ang pagsamba sa lahat ng sinamba maliban sa Allah, ngunit kung ating sasabihin (Bihaqqin) o tunay at karapatdapat, ito ay batayan ng pagwaksi sa lahat ng mga sinasamba maliban sa Allah at batayan din na walang karapatdapat sambahin maliban sa Allah.
At Sabi ng Allah: (Sabihin mo, O Muhammad sa mga ‘Ahlul Kitâb’ – mga Hudyo at mga Kristiyano: “Halina sa makatarungan at makatotohanang salita, at tayong lahat ay sumunod at manatili rito: ito ay ang pagturing natin sa pagiging bukod-tangi ng Allâh sa pagsamba sa Kanya, na hindi tayo gagawa ng anumang pagtatambal sa Kanya; at hindi tayo susunod sa ibang batas o kagustuhan ng sinuman sa atin maliban sa kautusan ng Allâh”.
At kapag sila ay tumanggi sa mabuting paghihikayat na ito. Sabihin ninyo – O kayong mga mananampalataya – sa kanila: “Tumestigo kayo sa amin na kami ay mga Muslim na sumusuko sa aming ‘Rabb’ bilang alipin at taimtim na pagsamba namin sa Kanya.”) (1)
Ating sasabihin: ang salitang iyan ay tama, ngunit hindi ito ang kahulugan ng La Ilaha Illallah, dahil ito ang Tawhidur Rububiyah, at ang mga Kuffar sa panahon ng Propeta Muhammad Sallahu Alayhi Wa Sallam, ay kanila itong pinagtitibay at pinaniniwalaan, pero hindi ito naging sapat para makapasok sila sa Islam.
(1) (Sabihin mo, O Muhammad sa mga ‘Ahlul Kitâb’ – mga Hudyo at mga Kristiyano: “Halina sa makatarungan at makatotohanang salita, at tayong lahat ay sumunod at manatili rito) sa talatang ito ay patunay na ang pagtitipon sa pagitan ng mga relihiyon ay isang Batil o hindi wasto at hindi maaari.
Kung mayroong magsasabi na: ang kahulugan ng Shahadatu La Ilaha Illallah: Walang sinasamba maliban sa Allah?
Kung mayroong magsasabi na: ang kahulugan ng (La Ilaha Illallah): Walang tunay na Rabb Panginoon maliban sa Allah?
31
Ang patunay sa PAGSAKSING SI MUHAMMAD AY SUGO NG ALLAH, sabi ng Allah: (Katiyakan, dumating sa inyo, ang Sugo na mula sa inyo, na naghihirap ang kanyang kalooban sa anumang natatamo ninyong kahirapan, nagmamalasakit sa inyo, at siya ay maawain, ubod ng buti at mapagmahal sa mga mananampalataya.) (1)
Ang kahulugan ng pagsaksing si Muhammad ay Sugo ng Allah:
Ang pagsunod sa kanyang mga
Ipinag-utos at paniniwala sa mga ipinahayag sa kanya. At paglayo sa mga ipinagbabawal niya. At
sasambahin lamang ang Allah sa paraang isinabatas niya. (2)
(1) Binanggit ng may-akda ang talatang ito bilang patunay sa pagsaki na si Muhammad ay sugo ng Allah Sallahu Alayhi wa Sallam, at tiniyak ng Allah ang pagsaksing ito sa tatlong patunay:
Al-qasam, Lam, at Qad, lahat ng ito ay salitang Arabe na nangangahulugan na Pagtitiyak at pagpapatunay.
(2) Ipinaliwanag ng may-akda ang kahulugan ng pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah, at ito ay obligado sa bawat muslim lalaki man ito o babae at upang mapatotohanan ang pagsaksing ito:
Kailangan sumunod sa lahat ng utos ng Propeta Sallahu Alayhi wa sallam at paniwalaan sa lahat ng ipinahayag niya at lumayo sa lahat ng ipinagbawal niya, at sasambahin lamang ang Allah ayon sa paraang isinabatas niya. Sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan.
Ang hindi pagsamba sa Allah maliban na lamang sa paraang kanyang isinabatas
Ito ay tugon sa mga gumagawa ng Bid’ah
Ang pagsunod sa kanyang mga iniutos.
Dahil siya ang nagpapaabot ng Salita ng Allah
Ang pagpapatotoo sa kanyang ipinahayag.
Dahil siya ay makatotohanan at pinaniniwalaan
Ang paglayo sa kanyang mga ipinagbawal.
Dapat mong ilagay ang mga pinagbawal ng propeta sa isang tabi at ikaw ay nasa isang tabi
32
Ang patunay hinggil sa pagtupad ng salah at zakât, at paliwanag sa tawheed sabi ng Allah: (at walang ipinag-utos sa kanila sa lahat ng batas sa kasulatan kundi sambahin lamang nila ang Allâh na Bukod-Tangi, na ang kanilang hangarin ay dalisay at isagawa nila ang ‘Salâh,’ at ibibigay nila ang kanilang ‘Zakâh,’ at ito ang Matuwid na ‘Deen’) (1)
Ang patunay sa pagsasagawa ng pag-aayuno, sabi ng Allah: (“O kayong mga sumampalataya, itinakda sa inyo ang ayuno tulad ng pagtakda sa mga nauna sa inyo nang sa gayun kayo ay maging may takot sa Allah.”) (2)
Ang patunay sa pagsagawa ng HÂJJ, sabi ng Allah: (at para sa Allah na ang mga tao ay magsagawa ng hâjj sa (Ka'bah) sa sinuman ang may kakayanan na ito ay tuparin. At sinuman ang tumanggi, tunay nga na ang Allah ay mayaman kaysa sa lahat ng mga nilalang.) (3)
(1) Ang Pangalawang Haligi: Ang Salah:
Ito ay isang uri ng pagsamba na para lamang sa Allah sa pamamagitan ng mga natatanging kilos at mga salita na nagsisimula sa pamamagitan ng Takbeer at nagtatapos sa pamamagitan ng Tasleem, at ito ay haligi ng Deen, at ito ay direktang isinabatas mula sa Allah sa kanyang sugo noong siya ay itinaas patungong kalangitan.
Ang Pangatlong Haligi: Ang Zakah:
Sa literal na kahulugan nito: ito ang pagpapalago at pagdadalisay.
At ito ay may dalawang uri: zakat ng katawan at zakat ng kayamanan.
(2) Ang pang-apat na Haligi: Ang Siyam:
Sa literal na kahulugan nito: ito ang pagpipigil.
Sa kahulugan nito sa Islam: ito ang pagsamba para sa Allah lamang sa pamamagitan ng pagpigil at pag-iwas mula sa mga Muftirat o mga nakakasira ng pag-aayuno at may kasamang NIYYA o intensyon mula sa pagsikat ng Fajr hanggang sa paglubog ng araw.
At ang Siyam ay kabilang sa mga maiinam na pagsamba; dahil sa pagsasama-sama ng tatlong uri ng Sabr dito, at kabilang sa dakilang katayuan nito, inaako ng Allah ang paggagantimpla sa isang nag-aayuno.
(3) Ang panglimang Haligi: Ang Hajj:
Sa literal na kahulugan nito: ito ang Intensyon, at ang kahulugan nito sa Islam: ito ay pagsamba para sa Allah lamang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Manaasek na ayon sa kapamaraanan ng propeta Muhammad Sallahu Alayhi Wa Sallah.
At ito ay obligado sa bawat muslim, isang beses sa buong buhay niya.
33
Ang Pangalawang Antas: Ang Îmân ay binubuo ng pitumpung bahagi at ang pinakamataas dito ay ang pagsasabi ng LA ILAHA ILLALLAHU (walang diyos na marapat sambahin maliban sa Allah), at ang pinakamababa ay ang pag-alis ng mga balakid sa daan at ang AL-HAYA (pagkahiya) ay bahagi rin ng Îmân.
Ang haligi nito ay anim:
Ang maniwala sa ALLAH at sa Kanyang mga MALAIKAH (anghel).
At sa Kanyang mga KUTUB (Kapahayagan) At sa Kanyang mga RUSUL (Sugo) At sa YAWMUL AKHIR (Huling Araw) At maniwala sa
QADAR KHAYRIHI WA SHARRIHI (Tadhana, kabutihan at kasamaan nito).
At ang patunay sa Anim na Haligi na ito, sinabi ng Allah:
(Hindi kabutihan ang pagharap sa silangan o kanluran, ngunit ang tunay na kabutihan ay sinumang manampalataya sa Allah, sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa mga aklat, sa mga Propeta.)
Ang patunay sa Qadar ay ang sinabi ng Allah; (Tunay na Aming nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng tadhana.)
Ang Iman sa pang-islamikong kahulugan nito ay nararapat na mapaloob dito ang limang bagay na ito.
At kapag ang isa mula sa mga ito ay nawala o nabawasan, tunay na makakalabas mula kahulugan nito ayon sa Ahlus Sunnah wal Jamaah.
Ano ang patunay sa limang bagay na ito?
Sinabi ng Sugo ng Allah: ((ang pinakamataas dito ay ang pagsasabi ng LA ILAHA ILLALLAHU)) at ito ang patunay sa Salita.
((at ang pinakamababa ay ang pag-alis ng mga balakid sa daan)) at ito ang patunay sa Gawain ng Katawan.
((at ang Al-Hayah)) ito ang patunay sa Gawain ng Puso.
Sa literal na kahulugan: ito ang Al-Iqrar o pagpapatotoo o pagpapatunay.
Sa Islam: Ang pagbigkas nito sa pamamagitan ng dila, Paniniwala sa pamamagitan ng puso, Ang pagsasagawa ng mga katuruan at saligan nito sa pamamagitan ng katawan at puso. Nadadagdagan sa pamamagitan ng pagsunod. Nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.
At sinabi ng Allah: (“Sino nga ba sa inyo ang naragdagan ang kanyang paniniwala sa Allâh sa pamamagitan ng Kanyang talata at kabanatang ito?”) ito ang patunay na ang Iman ay nadadagdagan, at kapag ito ay nadadagdagan nararapat din itong mabawasan, at tinukoy ito ng Islam na sinabi ng Propeta Muhammad Sallahu Alayhi Wa Sallam: ((wala na akong ibang nakitang mga tao (kababaihan) na kulang ang kanilang A’ql at Deen)) at kaya naman ang pananampalataya ay bumababa.
34
Ito ay sumasaklaw sa apat na bagay:
Ang paniniwala sa pagkakaroon ng Allah
At ito ay sa pamamagitan ng apat ng bagay:
Ang paniniwala sa kanyang mga Pangalan at mga katangian
Ang paniniwala
sa kanyang
pagka-diyos
Ang paniniwala sa kanyang pamamahala
Kaisipan:
Napaka imposible para sa kaisipan na kanyang malarawan ang isang umiiral na wala itong tagapaglikha (Sila ba ay nilikha nang walang pinagmulang bagay, o sila ba ang tagapaglikha ng kanilang sarili)
Batas:
Binanggit ni Ibn Qayyim: na ang bawat talata sa Quran ay tumutukoy sa Kaisahan ng Allah
(Tawheed)
Fitrah:
(Ang lahat ng ipinapanganak ay ipinanganganak sa Fitrah (Islam), samakatuwid ang kanyang dalawang magulang ang nagtatakda ng kanyang pagiging Hudyo, Kristiyano at Pagano)
Pakiramdam:
At ito ay sa tuwing mayroong kahirapan at kagipitan, at iyong itataas ang dalawang kamay sa langit upang humiling: Ya Rabb, at iyong makikita ang katuparan ng iyong hiling ayon sa kapahintulutan ng Allah
Ang Paniniwala sa Kasulatan
Ang Paniniwala sa Huling Araw
Ang Paniniwala sa mga Sugo
Ang Paniniwala sa Tadhana ito man ay mabuti o masama
Ang Paniniwala sa mga Anghel
Ang Paniniwala sa Allah