Mga Artikulo




96


mga gumagaya na kabilang sa mga lalaki sa mga babae at ang


mga gumagaya na kabilang sa mga babae sa mga lalaki.”207 Ayon


pa rin kay Ibnu ‘Abbás (RA): “Isinumpa ng Sugo ni Allah ang


mga binabae na mga lalaki at ang mga binalaki na mga babae.”208


Ang paggaya ay maaaring sa mga kilos, mga postura, paglalakad


gaya ng pag-aastang-lalaki sa mga pangangatawan, pag-aastangbabae


sa pananalita at paglakad.


Maaaring ang paggaya rin ay sa kasuutan. Kaya hindi ipinahihintulot


sa lalaki na magsuot ng mga kuwintas ni mga pulseras


ni mga anklet ni mga hikaw at mga tulad nito, gaya ng lumaganap


sa mga hippie at mga funk, mga hindi ipinahihintulot sa babae


na magsuot ng nauukol sa lalaki na kasuutan gaya ng pantalon


na panalalaki at polo na panlalaki. Kinakailangan na maiba sa


anyo at detalye. Ang patunay na kinakailangang magkaiba ang


lalaki at babae sa kasuutan ay ang nasaad ayon kay Abú Hurayrah:


“Isinumpa ni Allah ang lalaki na nagsusuot ng kasuutan ng


babae at ang babae na nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.”


209


Ang Pagkukulay sa Buhok ng Kulay Itim


Ang tama ay na ito ay ipinagbabawal ayon sa nabanggit na


banta sa sabi ng Sugo (SAS): “Magkakaroon sa huling panahon


ng mga tao na magtitina ng itim sa buhok gaya ng mga dibdib


ng mga kalapati. Hindi nila maaamoy ang amoy ng Paraiso.”


210


Ito ay gawaing laganap sa marami sa mga nilitawan ng mga uban.


207 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 10/332.


208 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí, al-Fat'h 10/333.


209 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 4/355. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5071.


210 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 4/419. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 8153. [At


ni an-Nasá’í ng may mahinang isnád. (z)]


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


97


Binabago nila ito sa pamamagitan ng tinang itim. Humahantong


ang ginagawa nilang ito sa ilang hindi mabuti. Ang ilan dito ay


ang pandaraya, ang panlilito sa pagkakalikha ni Allah, at ang


kasiyahan sa kalagayang hindi niya tunay na kalagayan. Walang


duda na ito ay may epekto sa personal na asal nila. Maaaring


magresulta ito ng isang uri ng panlilinlang sa sarili. Napatotohanan


na ang Sugo ay nagpapalit ng kulay ng uban sa pamamagitan


ng henna at tulad nito na manilaw-nilaw o mamula-mula o ano


mang patungo sa kulay kayumanggi. Noong dinala sa kanya si


Abú Quháfah ng araw ng pagsakop sa Makkah, ang ulo nito at


ang balbas nito ay gaya ng thaghámah211 sa tindi ng kaputian.


Nagsabi ang Sugo (SAS): “Baguhin mo [ang uban na] ito ng


anuman ngunit iwasan mo ang kulay itim.”


212 Ang tama rin


ay na ang babae ay gaya ng sa lalaki: hindi ipinahihintulot na


magtina siya ng itim sa hindi na itim sa buhok niya.


Ang Pagsasalarawan ng Anumang May Kaluluwa213 sa


mga Kasuutan, mga Pader, mga Papel at mga Tulad Nito


Ayon kay ‘Abdullah ibnu Mas‘úd (RA), nagsabi ang Propeta


(SAS): “Tunay na ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa


mula kay Allah sa araw ng pagkabuhay ay ang mga nagsasalarawan.”


214 Ayon kay Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Propeta


(SAS): “Nagsabi si Allah − pagkataas-taas niya: Sino pa ang


higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa nagtangka na


211 Ang thaghámah ay isang uri ng halamang may bulaklak na napakaputi.


212 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1163.


213 Ang tao at ang mga hayop ay may kaluluwa ayon sa Islam. Ang larawan na


tinutukoy rito ay ang larawan ng tao o hayop.


214 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 10/382.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


98


lumikha gaya ng paglikha Ko. Kaya lumikha nga sila ng isang


buto at lumikha nga sila ng isang butil…”


215 Ayon naman kay


Ibnu ‘Abbás (RA), nagsabi ang Sugo (SAS): “Ang bawat nagsasalarawan


ay mapupunta sa apoy. Gagawa para sa kanya sa


bawat larawan na isinalarawan niya ng isang kaluluwa at pagdurusahin


siya sa Impiyerno. Nagsabi si Ibnu ‘Abbás (RA): Kung


ikaw ay hindi makaiiwas na gumawa [ng larawan] ay gumawa ka


ng [larawan ng] punong-kahoy at ng anumang walang kaluluwa.”216


Ang mga Hadíth na ito ay nagpapahiwatig sa pagbabawal sa


mga larawan ng mga may kaluluwa: ang mga tao at ang lahat ng


hayop217 na may anino o walang anino. Magkatulad pa rin kung


ito ay inimprinta, iginuhit, inukit, nililok, hinulma sa mga molde


at mga tulad nito. Ang mga Hadíth sa pagbabawal sa mga larawan


ay sumasaklaw sa lahat ng iyon.


Ang tunay na Muslim ay nagpapasakop sa mga teksto ng Qur’an


at Hadíth at hindi nakikipagtalo at nagsasabi: “Ako ay hindi sumasamba


sa larawan at hindi nagpapatirapa sa harap niyon!” Kung


sakaling titingin ang isang nag-iisip nang may mata ng pag-unawa


at pagninilay-nilay sa isang katiwalian lamang ng paglaganap ng


mga paglalarawan sa panahon natin, talagang malalaman niya


ang isa sa katwiran sa Sharí‘ah nang binanggit nito ang pagbabawal


sa paglalarawan. Ang tinutukoy ay ang nangyayaring malaking


katiwalian na pagpupukaw sa init ng katawan at pagpapagi-


215 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 10/385.


216 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1671.


217 Ayon sa Islam, ang mga hayop ay may kaluluwa rin at sa katunayan ay bubuhayin


din sila sa Kabilang-buhay. Ang salitang Ingles na animal ay galing sa


salitan Latin na animale, na mula sa animalis “nabubuhay, humihinga,” na


mula naman sa anima “hininga, buhay, kaluluwa.”


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


99


sing sa hilig ng laman. Bagkus ang pagkahantong sa pagkakasadlak


sa mga kahalayan dahilan sa mga larawan.


Nararapat para sa isang Muslim na hindi mag-ingat sa bahay


niya ng mga larawan ng mga may kaluluwa upang iyon ay hindi


maging isang dahilan sa pag-ayaw ng mga anghel sa pagpasok


sa bahay niya sapagkat tunay na ang Propeta (SAS) ay nagsabi:


“Hindi pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na sa loob


nito ay may aso at mga larawan.”


218 Makatatagpo sa ilang bahay


ng mga estatuwa na ang ilan sa mga ito ay ang mga sinasamba ng


mga Káfir, na inilalagay bilang mga gawang-sining at dekorasyon.


Ito ay higit na matindi kaysa sa iba. Ganoon din ang mga larawang


isinasabit, higit na matindi kaysa sa mga hindi isinasabit. Kay


rami ang humantong sa pagdakila. Kay rami ang nagpapagunita


sa mga kalungkutan. Kay rami ang nauwi sa pagpapayabangan.


Hindi dapat sabihin na ang mga larawan ay para sa paggunita


sapagkat nasa puso ang totoong paggunita sa isang minamahal


o kamag-anak na kabilang sa mga Muslim, na dinadalanginan


ng kapatawaran at awa ni Allah. Kaya nararapat na alisin ang


bawat larawan o pawiin ito, maliban sa mahirap alisin o may


matinding kahirapan sa pag-aalis gaya ng mga larawan na nasa


mga sisidlan, mga larawan sa mga diksyunaryo, mga reperensiya


at mga aklat na napakikinabangan, kalakip ng pagsisikap na alisin


ito kung makakaya at pag-iingat laban sa ilan sa mga ito na mga


masamang larawan. Gayunpaman maaaring mag-ingat ng mga


larawan na hinihiling ng pangangailangan gaya ng sa mga pagpapatunay


ng pagkakilanlan (identity). Nagpahintulot ang ilan sa


mga may kaalaman sa mga larawang hinamak gaya ng mga inaa-


218 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 10/380.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


100


pakan ng mga paa. “Kaya mangilag kayong magkasala kay Allah


sa abot ng makakaya ninyo,” (64:16)


Ang Pagsisinungaling sa Napanaginipan


Nananadya ang ilan sa mga tao sa paggagawa-gawa ng mga


pangitain at mga panaginip na hindi naman napanaginipan para


magtamo ng pagtangi o kasikatan sa mga tao, o para magkamit


ng kapakinabangang pampananalapi, o bilang pananakot sa sino


mang nakagalit niya, at iba pang tulad niyon. Marami sa madla


ay may paniniwala kaugnay sa mga panaginip at matinding pagkahumaling


sa mga ito kaya nalilinlang sila dahil sa kasinungalingang


ito. Nasaad ang matinding banta sa sinumang gumawa


ng gawaing ito. Nagsabi ang Sugo (SAS): “Tunay na kabilang


sa pinakamabigat sa mga kabulaanan ay na mag-angkin ang


tao [na anak] ng hindi niya ama, o [mag-angking] nakita ng


mata niya ang hindi naman nito nakita, at magsabi ng ayon


daw sa Sugo ni Allah ng hindi naman nito sinabi.”


219 Nagsabi


pa siya (SAS): “Ang sinumang mag-angkin ng isang panaginip


na hindi naman niya nakita, iaatang sa kanya na pagbuhulin


ang dalawang butil ng trigo at hindi niya ito magagawa…”


220


Ang pagbubuhol sa dalawang butil ng trigo ay isang imposibleng


bagay yamang ang ganti sa gawain ay kauri ng gawain.


219 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 6/540.


220 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 12/427.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


101


Ang Pag-upo sa Ibabaw ng Puntod, ang Pag-apak


Dito at ang Pagdumi sa mga Puntod


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo


ni Allah (SAS): Ang umupo ang isa sa inyo sa baga at masunog


ang mga kasuutan niya at umabot sa balat niya ay higit na mabuti


para sa kanya kaysa sa umupo siya sa ibabaw ng puntod.”


221


Tungkol naman sa pag-apak sa mga puntod, may mga tao na


gumagawa nito, at saka makikita mo sila kapag naglilibing sila


ng patay nila na hindi nagbibigay-pansin sa pag-apak (na suot ang


mga sapatos nila kung magkaminsan) sa mga katabing puntod,


nang walang paggalang sa ibang mga patay. Hinggil sa bigat ng


kalapastanganan nito, nagsasabi ang Sugo ni Allah (SAS): “Ang


maglakad ako sa ibabaw ng baga o tabak o tahiin ko ang sandalyas


ko sa paa ko ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa


maglakad ako sa ibabaw ng puntod ng isang Muslim...”


222


Kaya paano na ang nangamkam ng lupain ng libingan at nagtayo


tayo roon ng gusaling pangkalakal o pantirahan? Tungkol naman


sa pagdumi at pag-ihi sa mga libingan, ginagawa ito ng ilan sa


mga walang kaasalan. Kapag dinatnan siya ng pangangailangan


sa pagdumi, aakyat sa bakod ng libingan o papasok doon, at nililigalig


niya ang mga patay sa pamamagitan ng baho at karumihan


ng dumi niya. Nagsasabi ang Propeta (SAS): “Hindi ko inaalintana


[ang kaibahan] kung sa gitna ng libingan ako dumumi o


sa gitna ng palengke.”


223 Ibig sabihin: ang kasagwaan ng pagdumi


sa libingan ay gaya ng kasagwaan ng paglantad ng kahubaran at


pagdumi sa harap ng mga tao sa palengke. Ang mga nagsasadya


221 Isinalaysay ito ni Muslim 2/667.


222 Isinalaysay ito ni Ibnu Májah 1/499. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5038.


223 Isinalaysay ito ni Ibnu Májah 1/499. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5038.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


102


sa pagtatapon ng mga dumi at mga basura sa mga libingan (lalo


na sa mga abandonado at gumuho na ang mga bakod), sila ay may


bahagi mula sa bantang iyon. Kabilang sa mga hinihiling na


kaasalan sa pagdalaw sa mga libingan ng mga Muslim ay ang


paghubad ng sapin sa paa kapag nagnais na maglakad sa pagitan


ng mga puntod.


Ang Hindi Pag-iwas sa Bahid ng Ihi


Kabilang sa mga kagandahan ng Sharí‘ah ay naghatid ito ng


bawat makabubuti sa kapakanan ng tao. Kabilang doon ang pagaalis


ng karumihan.224 Isinabatas nito alang-alang doon ang istinjá’


at ang istijmár.225 Ipinaliwanag nito ang pamamaraan na matatamo


sa pamamagitan nito ang paglilinis at ang kalinisan. Ang ilan sa


mga tao ay nagwawalang-bahala sa pag-aalis ng karumihan na


nagiging dahilan sa pagpaparumi ng kasuutan niya o katawan niya,


na magreresulta sa hindi pagtanggap ng saláh niya. Ipinabatid na


ng Propeta (SAS) na iyon ay kabilang sa mga dahilan ng pagdurusa


sa libingan.


Ayon kay Ibnu ‘Abbás na nagsabi: “Napadaan ang Propeta


(SAS) sa isa sa mga pataniman ng Madínah at nakarinig siya ng


tinig ng dalawang tao na pinagdurusa sa mga puntod nila kaya


nagsabi ang Propeta (SAS): Pinagdurusa sila, at hindi sila pinagdurusa


dahil sa malaking kasalanan. Ang isa sa kanilang dalawa


noon ay hindi umiiwas sa bahid ng ihi niya, at ang ikalawa ay


224 Ang karumihan na tinutukoy rito ay ang mga bagay na inilalabas ng katawan


ng tao gaya ng dumi, ihi, suka at iba pa.


225 Ang istinjá’ ay ang paghuhugas kapag umihi at dumumi at ang istijmár ay


ang pagpapahid ng solidong bagay, kahit pa bato, bilang paglilinis sa sarili


kapag umihi o dumumi kapag walang tubig o walang sapat na tubig upang hindi


mabahiran ng ihi o dumi ang kasuutan o ang underwear.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


103


nagkakalat ng paninirang-puri”


226 Bagkus ipinabatid ng Propeta


(SAS) na: “Ang pinakamarami sa pagdurusa sa libingan ay


dahil sa ihi.”


227 Ang hindi pag-iwas sa bahid ng ihi ay ginagawa


ng sinumang mabilis na tumatayo matapos umihi bago huminto


ang ihi niya, o nagsasadyang umiihi sa isang posisyon o sa isang


lugar na tatalsik sa kanya ang ihi niya, o hindi nagsasagawa ng


istinjá’ o istijmár o nagpapabaya sa pagsasagawa nito.


Humantong na ang ilang paggaya sa mga Káfir sa panahon


natin sa punto na ang ilan sa mga pampublikong palikuran [sa


mga bayang Muslim] ay may mga ihian (urinal) na nakadikt sa


mga dingding at nakalantad. Pupunta rito ang isang lalaki at iihi


nang hindi nahihiya habang nakikita ng pumapasok at lumalabas.


Pagkatapos ay babatakin niya ang underwear niya at isusuot ito


nang hindi naaalis ang najásah sa ari. Kaya naipagsama niya ang


dalawang masagwang ipinagbabawal: ang una ay hindi niya pinagingatan


ang ‘awrah niya na makita ng mga tao, at ikalawa ay hindi


siya naglinis ng sarili ni nag-alis ng bahid ng ihi niya.


Ang Panakaw na Pakikinig sa Pag-uusap ng mga Tao


Gayong Kinasusuklaman Nila Iyon


Nagsabi si Allah (49:11): “Huwag kayong maniktik” Ayon


kay Ibnu ‘Abbás (RA): “Ang sinumang nakikinig sa pag-uusap


ng mga tao gayong sila ay nasusuklam doon, bubuhusan ang


mga tainga niya ng tingga sa araw ng pagkabuhay.”


228 At kung


ipinamamalita pa niya ang napag-usapan nila nang walang kaala-


226 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 1/317.


227 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/326. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 1213.


228 Isinalaysay ito ni at-Tabrání sa al-Kabír 11/248-249. Ito ay nasa Sahíh al-


Jámi‘ 6004. [Isinalaysay ito ni al-Bukhárí sa as-Sahíh.(z)]


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


104


man nila upang makapagdulot ng kapinsalaan sa kanila, siya ay


nagdadagdag sa kasalanang paniniktik ng isa pang kasalanan


dahil sa pagkakabilang niya sa pinatutungkulan ng isang Hadíth ng


Propeta (SAS): “Hindi papasok sa paraiso ang isang mapanirangpuri.”


229


Ang Masamang Pakikitungo sa Kapit-bahay


Tinagubilinan tayo ni Allah sa Aklat Niya ng mabuting pakikitungo


sa kapit-bahay yamang nagsabi Siya (4:36): “Sambahin


ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.


Sa mga magulang ay gumawa ng magaling, at sa mga


kamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na kamaganak,


kapit-bahay na di-kaanu-ano, kasamahan, dayuhang


manlalakbay, at mga inari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay


na si Allah ay hindi umiibig sa sinumang mayabang na mapagmalaki,”


Ang pamiminsala sa kapit-bahay ay kabilang sa mga ipinagbabawal


dahil sa laki ng karapatan nito. Ayon kay Abú Shurayh


(RA): “Sumpa man kay Allah, hindi siya sumasampalataya;


sumpa man kay Allah, hindi siya sumasampalataya; sumpa man


kay Allah, hindi siya sumasampalataya. Sinabi: Sino po, o Sugo


ni Allah? Nagsabi siya: Ang hindi nakaliligtas ang kapit-bahay


niya sa mga pamiminsala niya.”


230


Itinuring ng Propeta (SAS) ang papuri ng isang kapit-bahay sa


kapit-bahay niya o ang pamumula niya roon bilang sukatan sa


paggawa ng mabuti o paggawa ng masama. Ayon kay Ibnu Mas‘úd


(RA) na nagsabi: “Nagsabi ang isang lalaki sa Propeta (SAS):


229 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí, al-Fat'h 10/472.


230 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 10/443.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


105


O Sugo ni Allah, papaano po para sa akin na malaman ko kung


nakagawa ako ng mabuti o kung nakagawa ako ng masama? Kaya


nagsabi ang Propeta (SAS): Kapag narinig mo ang mga kapitbahay


mo na nagsasabi na nakagawa ka ng mabuti ay nakagawa


ka nga ng mabuti, at kapag narinig mo sila na nagsasabi na


nakagawa ka ng masama ay nakagawa ka nga ng masama.”


231


Ang pamiminsala sa kapitbahay ay may sarisaring anyo. Ang


ilan sa mga ito ay ang pagbabawal sa kanya na magpako ng kahoy


sa pader na komun, o ang pagpapataas ng bahay na magtatakip


ng sinag ng araw o hangin nang walang pahintulot niya, o ang


pagbukas ng bintana nito at ang paninilip sa pamamagitan ng


mga ito upang matambad ang mga ‘awrah nila, ang pagligalig


sa kanya sa pamamagitan ng mga nakayayamot na ingay gaya


ng malakas na pagkatok at pagsigaw lalo na sa mga sandali ng


pagtulog at pamamahinga, o ang pananakit sa mga anak niya, at


ang pagtatapon ng basura sa bungad ng pinto niya. Ang pagkakasala


ay bumibigat kapag ginawa sa kapit-bahay at mag-iibayo


ang kasalanan ng gumagawa niyon, gaya ng sinabi ng Propeta


(SAS): “Ang mangalunya ang isang lalaki sa sampung babae


ay higit na magaan [na kasalanan] para sa kanya kaysa sa


mangalunya siya sa maybahay ng kapit-bahay niya. Ang magnakaw


ang isang lalaki mula sa sampung bahay ay higit na


magaan [na kasalanan] para sa kanya kaysa sa magnakaw siya


mula sa bahay ng kapit-bahay niya.”


232 Ang ilan sa mga traidor


ay nagsasamantala kapag wala ang kapit-bahay dahil panggabi sa


trabaho at pinapasok ang bahay nito upang maghasik ng katiwa-


231 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 1/402. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 623.


232 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí sa al-Adab al-Mufrad, bilang 103. Ito ay nasa


as-Silsilah as-Sahíhah.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


106


lian. Kaya kapighatian sa kanila sa masakit na pagdurusa sa araw


ng paggantimpala.


Ang Pamiminsala sa Huling Habilin


Kabilang sa mga panuntunan ng Sharí‘ah ay walang pamiminsala


sa sarili at walang pamiminsala sa iba. Ilan sa mga halimbawa


niyon ay ang pamiminsala sa mga legal na tagapamana o


sa ilan sa kanila. Ang sinumang gumagawa niyon ay binabantaan


ng sinabi niya (SAS): “Ang sinumang maminsala, pipinsalain


siya ni Allah; at ang sinumang magpahirap, magpapahirap si


Allah sa kanya.”


233 Kabilang sa mga anyo ng pamiminsala sa


huling habilin ay ang pagkakait sa isa sa mga tagapagmana ng


lehitimong karapatan nito, o na maghabilin para sa isang tagapagmana


ng salungat sa itinalaga para rito ng Sharí‘ah, o na maghabilin


ng higit sa ikatlong bahagi ng ari-arian.234


Sa mga pook na hindi napapasailalim doon ang mga tao sa


awtoridad ng hukuman ng Sharí‘ah ay maaaring maging mahirap


sa isang may karapatan na makuha ang karapatan niya na ibinigay


sa kanya ni Allah dahilan sa mga sekular na hukuman na humahatol


ng salungat sa Sharí‘ah at nag-uutos ng pagpapatupad sa dimakatarungang


huling habilin na may notaryo ng abogado. Kaya


kasawian ay ukol sa kanila dahil sa sinulat ng mga kamay


nila at kasawian ay ukol sa kanila dahil sa kinita nila.


Ang Paglalaro ng Dais


233 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 3/453. Tingnan ang Sahíh al-Jámi‘.


234 Ang paraan ng pagpapamana sa Islam ay naiiba sa ibang sistema. Ang namatay


na Muslim ay may mga tagapagmana na ang Islam mismo ang nagtakda kung


sinu-sino sila at kung ano ang mga bahagi nila. Ang isang tao ay maaari lamang


maghabilin ng hindi lalampas sa ikatlong bahagi ng ari-arian niya parao sa ano


man o kaninuman na mga hindi niya lehitimong mga tagapagmana.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


107


Naglalaman ng mga bagay na ipinagbabawal ang marami sa


mga larong laganap at nilalaro ng mga tao. Ang isa roon ay ang


dais, na naisasagawa sa pamamagitan nito ang paglipat at ang


paggalaw ng piyesa sa maraming bilang ng mga laro na gaya ng


backgammon at iba pa. Nagbabala na ang Propeta (SAS) laban


sa dais na nagbubukas sa mga pintuan ng pagsusugal at pagpusta


yamang nagsabi siya: “Ang sinumang maglaro ng dais ay para


bagang nagsawsaw ng kamay niya sa laman ng baboy o dugo


nito.”


235 Ayon kay Abú Músá (RA): “Ang sinumang maglaro


ng dais ay sumuway nga kay Allah at sa Sugo Niya.”


236


Ang Pagsumpa237 sa Mananampalataya at sa Sinumang


Hindi Karapat-dapat sa Pagsumpa


Hindi napipigil ng marami sa mga tao ang mga dila nila kapag


nagalit sila kaya nagdadali-dali sila sa pagbitaw ng sumpa (curse).


Isinusumpa nila ang tao, ang mga hayop at ang mga bagay, ang


mga araw at ang mga oras. Bagkus baka nga isumpa pa nila ang


mga sarili nila, ang mga anak nila. Isinusumpa ng asawa ang


maybahay niya at isinusumpa ng maybahay ang asawa nito. Ito


ay isang mapanganib na minamasamang gawain. Ayon kay Abú


Zayd ibnu Thábit ibnu ad-Dahhák al-Ansárí (RA): “Ang sinumang


sumumpa ng isang mananampalataya, ito ay parang pagpatay


235 Isinalaysay ito ni Muslim 4/1770.


236 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 4/394. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6505.


237 Ang pagsumpa o ang sumpa na tinutukoy rito ay ang tinatawag na curse sa


Ingles. Sa wikang Arabe, ang sumpa (la‘nah) ay maaaring ipakahulugan na paghahangad


na mapagkaitan ng awa ni Allah ang isang tao o isang bagay. Samakatuwid,


ang anumang binibitawang salita na naghahangad ng kapahamakan o


kasawian ng isang tao o isang bagay ay maituturing na sumpa o pagsumpa, gaya


halimbawa ng pagsabi ng: Isinusumpa kita, sumpain ka ng Panginoon, mamatay


ka sana, pagkasakit ka sana, matisod ka sana at iba pa.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


108


sa kanya.”


238 Sapagkat ang pagsumpa ay marami sa mga babae,239


nilinaw ng Sugo (SAS) na ito ay ilan sa dahilan sa pagpasok ng


iba sa kanila sa Impiyerno. Tunay na ang mga mapagsumpa ay


hindi rin magiging mga tagapamagitan sa araw ng pagkabuhay.


Ang higit na mapanganib pa roon ay na ang pagsumpa ay babalik sa


nagsasabi nito kung binigkas niya ito dala ng kawalang-katarungan,


kaya siya mismo ay dumalangin laban sa sarili niya na itaboy at


ilayo mula sa awa ni Allah.


Ang Pagtaghoy


Kabilang sa mga malaking minamasama ay ang ginagawa ng


ilan sa mga babae na pagtataas ng tinig sa pamamagitan ng pasigaw


na pag-iyak, pagpupuri sa patay, pagsampal sa mukha, at gayon


din ang pagpunit ng damit, at ang pag-ahit ng buhok, o pagsabunot


nito, o pagputol-putol nito. Lahat ng iyon ay nagpapahiwatig ng


kawalan ng pagtanggap sa tadhana at kawalan ng pagtitiis sa kasawian.


Isinumpa ng Sugo (SAS) ang sinumang gumawa niyon. Ayon


kay Abú Umámah (RA): “Ang Sugo ni Allah (SAS) ay sumumpa


ng babaing nangangalmot ng sariling mukha niya, ng babaing


pumupunit ng sariling damit niya, at ng babaing nanalangin ng


kapighatian at kapahamakan.”240 Ayon kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd:


“Hindi kabilang sa atin ang sinumang nananampal ng mga


pisngi, pumupunit ng mga damit, at dumadalangin ng panalangin


ng panahon ng kamangmangan.”


241 Nagsabi pa ang


238 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 10/465.


239 Maaaring tutulan ito ng ilan subalit alam ng lahat na sa pangkalahatan ay


higit na matalas ang dila ng babae kaysa sa lalaki. Kapag nagkagalitan ang


dalawang babae ay karaniwan nang nagpapalitan sila ng mga maaanghang na


salita, dahil sa kadalasan ay hanggang salita lamang ang away nila.


240 Isinalaysay ito ni Ibnu Májah 1/505. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5068.


241 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 3/163.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


109


Propeta (SAS): “Ang babaing nananaghoy, kapag hindi nakapagsisi


bago siya mamatay, itatayo siya sa araw ng pagkabuhay


na nakasuot ng salawal mula sa alkitran at kamison mula sa


galis.”


242


Ang Pananakit sa Mukha at ang Paghehero sa Mukha


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Ipinagbawal ng Sugo ni Allah


(SAS) ang pananakit sa mukha at ang paghehero sa mukha.”243


Tungkol sa pananakit sa mukha, tunay na may ilang bilang


ng mga magulang at mga guro na sadyaang gumagawa nito sa


pagpaparusa sa mga bata kapag nanghahagupit sila sa pamamagitan


ng kamay at iba pa. Ganoon din ang ginagawa ng ilan sa


mga tao sa mga katulong nila. Ito, kalakip ng panghahamak sa


mukha na pinarangalan ni Allah, ay maaari ring mauwi sa pagkawala


ng mga mahalagang panamdam (sense) na nasa mukha


at magreresulta ito ng pagsisisi at maaari siyang mahingan ng


kaukulang ganti.


Tungkol naman sa paghehero sa mukha − ang paglalagay ng


tatak sa mukha ng espesyal na tanda na sa pamamagitan nito ay


nakikilala ng may-ari ng bawat hayop ang hayop niya o maisasauli


sa kanya kapag nawala − ito ay bawal. Nagdudulot ito ng


kasalantaan at pagdurusa sa hayop. Kung ipangangatwiran naman


ng ilan sa mga tao na ito ay kaugalian ng angkan nila at espesyal


na tanda nila, maaaring namang ilagay ang tatak sa ibang bahagi


na hindi mukha.


242 Isinalaysay ni Muslim, bilang 934.


243 Isinalaysay ni Muslim, bilang 3/1673.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


110


Ang Pag-iwas sa Kapwa Muslim Nang Higit sa Tatlong


Araw Nang Walang Dahilang Tanggap sa Sharí‘ah


Kabilang sa mga hakbangin ni Satanas ay ang pagpapairal ng


pagkakalayo ng loob sa pagitan ng mga Muslim. Marami ang mga


sumusunod sa mga hakbangin ni Satanas. Iniiwasan nila ang mga


kapatid nila na Muslim dahil sa mga dahilang hindi tanggap sa


Sharí‘ah, na maaaring dahil sa isang salungatang kaugnay sa


makamundong bagay, o sa isang hangal na paninindigan. Magpapatuloy


ang pagkakalayo ng loob sa loob ng ilang panahon. Maaaring


manumpa pa siya na hindi ito kakausapin at magpapanata


na hindi papasok sa bahay nito. Kapag nakita niya ito sa daan ay


iiwasan niya ito. Kapag nakatagpo niya ito sa isang pagtitipon


ay kakamayan niya ang mga nasa tabi nito at lalampasan ito. Ito


ay ilan sa mga kadahilanan ng panghihina sa lipunang Muslim.


Dahil doon ang hatol ayon sa Sharí‘ah rito ay tiyak at ang banta


ay matindi. Ayon kay Abú Hurayrah: “Hindi ipinahihintulot sa


Muslim na iwasan ang kapatid niya [sa Islam] nang higit sa


tatlong [araw]; kaya ang sinumang umiwas nang higit sa tatlong


araw at saka namatay ay papasok sa Impiyerno.”


244 Ayon kay


Abú Kharásh al-Aslamí (RA): Ang sinumang umiwas sa kapatid


niya [sa Islam] sa loob ng isang taon, ito ay parang pagpapadanak


sa dugo niyon.”


245


Makasasapat na bilang mga kasamaan ng paglalayo ng loob sa


pagitan ng mga Muslim ang pagkakait ng kapatawaran ni Allah.


Ayon kay Abú Hurayrah: “Ipinakikita ang mga nagawa ng mga


tao sa bawat linggo nang dalawang ulit: sa araw ng Lunes at


244 Isinalaysay ni Abú Dáwud 5/215. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 7635.


245 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí sa al-Adab al-Mufrad, Hadíth bilang 406. Ito


ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6557.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


111


araw ng Huwebes. Magpapatawad sa bawat taong sumasampalataya,


maliban sa taong sa pagitan niya at ng kapatid niya


[sa Islam] ay may samaan ng loob. Sasabihin: Iwan ninyo o


ipagpaliban ninyo ang dalawang ito hanggang sa bumalik sila


[sa pagkakasundo].”


246


Ang sinumang mula sa dalawang nag-aalitan na magsisisi kay


Allah, kailangan niyang pumunta sa nakaalitan niya at batiin ito


ng kapayapaan. Kapag ginawa niya at tumanggi naman ang nakaalitan


niya, mawawala na ang pananagutan ng nakikipagkasundo at


mananatili ang pananagutan sa sinumang tumanggi. Ayon kay Abú


Ayyúb (RA): “Hindi ipinahihintulot sa isang tao na iwasan ang


kapatid niya [sa Islam] nang higit sa tatlong gabi; [kapag] nagtagpo


sila ay lalayo ito at lalayo iyon. Ang mabuti sa kanilang


dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati [ng kapayapaan].”


247


Samantala kung nakatagpo ng dahilang tanggap sa Sharí‘ah,


gaya ng hindi pagsasagawa ng saláh o pagpupumilit sa paggawa


sa kahalayan, kung ang pag-iwas ay makabubuti sa nagkakasala


at magpapanumbalik sa kanya sa katinuan niya o magpapadama


sa kanya sa pagkakamali niya, ang pag-iwas ay magiging kinakailangan.


Samantala kung walang maidadagdag iyon sa nagkakasala


kundi ibayong paglayo at walang ibubunga kundi kapalaluan,


pagkasuklam, pagmamatigas at pagkakadagdag sa kasalanan,


sa sandaling iyon ay hindi magiging makatwiran na iwasan siya


dahil hindi naisasakatuparan sa pamamagitan niyon ang kapaka-


246 Isinalaysay ito ni Muslim 4/1988.


247 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí, Fat'h al-Bárí 10/492. [Gaya ng pag-iwas ng


Propeta (SAS) kay Ka‘ab ibnu Málik at sa dalawang kasamahan nito, noong


nakita niya ang kabutihan niyon. Tumanggi siya na iwasan si ‘Abdullah ibnu


Ubayy ibni Salúl at ang mga nagpapanggap na sumasampalataya dahil ang hindi


pag-iwas sa kanila ay hindi na nakabubuti.(z)]


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


112


nan ng Islam bagkus ay nadadagdagan pa ang katiwalian. Kaya


ang tama ay ang magpatuloy sa pagmamagandang-loob, pagpapayo


at pagpapaalaala.248


Pagwawakas


Sa pagwawakas, ito ang ilan sa madaling nakalap na mga


laganap na ipinagbabawal. Hinihiling natin kay Allah sa pamamagitan


ng napakagandang mga pangalan Niya na bigyan nawa


Niya tayo ng takot sa Kanya na siyang babalakid sa atin sa paggawa


ng mga pagsuway sa Kanya, ng pagtalima sa Kanya na


siyang maghahatid sa atin sa Paraiso Niya, na patawarin nawa


Niya tayo sa mga pagkakasala natin, sa pagmamalabis natin sa


gawain natin, na bigyan nawa Niya tayo ng kasapatan sa pamamagitan


ng ipinahihintulot Niya sa halip ng ipinagbabawal Niya


at ng kagandahang-loob Niya sa halip ng iba pa sa Kanya, na tanggapin


nawa Niya ang pagsisisi natin at hugasan nawa ang kasalanan


natin, tunay na Siya ay dumidinig, tumutugon. Pagpapala


at pagbati sa Propeta na hindi marunong bumasa’t sumulat, si


Muhammad, sampu ng lahat ng mag-anak niya at Kasamahan niya.


Ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang.


Isinulat ni


Muhammad Sálih al-Munajjid


Alkhobar, P.O. Box: 2999


Saudi Arabia


248 Ang paksang ito ay mahaba. Sa palagay ko, bilang paglulubos sa pakinabang,


magbubukod ako ng isang isang kabanata na laan sa isang pangkat ng mga ipinagbabawal


na nasasaad sa Qur’an at Sunnah, na pagsasamahin ang isa’t isa. Ito


ay magiging isang hiwalay na akda, in shá’Alláh.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG