Mga Artikulo

Si Sarah, ang unang maybahay ni Abraham, ay


nanibugho sa mag-inang Agar at Ismael. Hindi niya ibig


na magmana si Ismael kasama ng kanyang anak na si


Isaac yayamang si Ismael ay anak ng “alipin.” Siya ay


lubhang nagalit dahilan sa itinuturing niyang panunudyo


ni Ismael sa nakababata nitong kapatid na si Isaac noong


sila ay magkasamang naglalaro. Ang pangyayaring ito ay


naganap noong matapos iwalay si Isaac. Sinunod ni


Abraham ang maybahay niyang si Sara, na ang kahilingan


niyon na palayasin ang “alipin” at ang anak nito ay


pinagpala ng Diyos na nagsabi kay Abraham (Genesis


21:12): “makinig ka sa kaniyang tinig.”


Isang umaga ay bumangon si Abraham. Pinabaunan


niya ng pagkain at tubig ang kanyang maybahay na si


Agar. Ikinarga niya sa balikat nito ang bata at iniwan sila


sa ilang ng Beerseba sa timog ng Palestina. Noong


naubusan na ng tubig si Agar, hindi niya matiis na maupo


roon at pagmasdan ang kanyang anak na namamatay.


May isang anghel na nagpakita sa kanya at itinuro sa


kanya ang isang bukal ng tubig. Pinuntahan niya iyon at


dinalhan niya ng tubig ang anak. Nagsabi pa sa kanya


ang Anghel: “Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at


alalayan mo siya ng iyong kamay; sapagka’t siya’y


gagawin kong isang malaking bansa.”28


27 Genesis 21:9-21.


28 Genesis 21:18.


Si Muhammad Sa Bibliya


30


Nanirahan si Ismael sa ilang ng “Paran.”29 Nagkaanak


siya ng labindalawang lalaki, na pinangalanang Kedar30


ang isa sa kanila.


MGA PAGKAKAHAWIG


NG DALAWANG SALAYSAY


Papaano ihahambing ang salayasay sa salaysay ng


Muslim? Mukhang mayroong hindi bababa sa tatlong


pagkakahawig ang dalawang salaysay:


1. Na sina Hagar at Ismael ay inilayo sa Palestina at


nanirahan sa ilang (ng Paran);


2. Na naubusan ng tubig si Agar at nabahala sa buhay


ng anak niyang si Ismael;


3. Na sa hindi inaasahan ay nakakuha siya ng tubig,


na ibinigay niya sa bata upang iligtas ang buhay


nito.


MGA PAGKAKAIBA NG DALAWANG


SALAYSAY


Ayon sa Salaysay ng Muslim


Sina Agar at Ismael ay inalayo dahil sa isang takdang


tagubilin ng Diyos na ibinigay kay Abraham bilang


bahagi ng plano ng Diyos. Kapag dumating na ang oras,


29 Genesis 21:21.


30 Genesis 25:13.


Si Muhammad Sa Bibliya


31


ang pagkapropeta ay ililipat sa mga Ismaelita mula sa


mga Israelita matapos itatwa ng mga Israelita ang huling


propeta ng Israel na si Jesus. Dinala sa ilang ng Arabia


sina Ismael at Hagar, sa Makkah at hindi sa Beerseba.


Naganap ang pangyayaring ito nang bago isilang si


Isaac at hindi nang matapos; noong si Ismael ay isang


sanggol pa, na isang karagdagang patotoo sa tunay na


dahilan ng tila pagpapatapon kina Ismael at Hagar gaya


ng nabanggit sa unang pagkakaiba.


PAGSUSURI SA MGA PAGKAKAIBA


Ang pagtutugma ng mga pagkakaibang ito ay posible


kaya? Pagtuunan natin ng pansin ang huling pagkakaiba:


ang pangyayari bang ito ay naganap noong bago o


matapos isilang si Isaac? Kung ating tatanggapin ang


salaysay ng Bibliya, mahaharap tayo sa ilang mga dipagkakaayon


at mga pagkakasalungatan. Lubhang


maliwanag mula sa sanaysay ng Genesis 21:14-19 na si


Ismael ay isang sanggol pa lamang noong panahong


yaon.


Ang mga sumusunod ay ang pagpapatunay:


Ayon sa Genesis 16:16, Si Abraham ay 86 taong


gulang noong isinilang si Ismael. At ayon naman sa


Genesis 21:5 si Abraham ay isandaang taong gulang


noong isinilang si Isaac. Samakatuwid, si Ismael ay


labing-apat na taong gulang na noong isinilang ang


kanyang nakababatang kapatid na si Isaac. Ayon sa


Si Muhammad Sa Bibliya


32


Genesis 21:14-19, ang pangyayari ay naganap noong


matapos iwalay si Isaac. Ang mga pantas ng Bibliya ay


nagsasabi sa atin na “ang bata ay iniwalay (sa ina) sa


gulang na mga tatlong taon.”


Samakatuwid noong inilayo sina Agar at Ismael, si


Ismael ay isa nang malaking bulas na labimpitong taong


gulang na binatilyo. Ang paglalarawan kay Ismael sa


Genesis 21:14-19, gayon pa man,


ay sa isang maliit na sanggol at hindi sa isang binatlyo.


Bakit?


Una: Ayon sa The Interpreter’s Bible, ang [kahulugan


ng] orihinal na Hebreo ng Genesis 21:14 ay


“…ipinatong ang bata sa kanyang balikat.” Ang ganoong


salin ay mababasa sa Revised Standard Edition na


Bibliya. Papaanong makakarga ng isang ina ang isang


labimpitong taong gulang sa kanyang balikat? Tiyak na


ang binatilyo ay malakas na para buhatin ang kanyang


ina! Tiyak na si Ismael ay isang sanggol pa lamang!


Ikalawa: Sa Genesis 21:15, sinasabi sa atin na inilapag


ni Agar ang bata sa ilalim ng mababang punong kahoy.


Sa muli, ayon na rin sa talata ng Bibliya tiyak na si


Ismael ay isang sanggol at hindi isang binatilyo.


Ikatlo: Sa Genesis 21:16, sinasabi sa atin na si Agar ay


naupo sa malayo upang hindi niya makita ang


pagkamatay ng kanyang anak sa harap ng kanyang mga


mata. Iyan ba ay isang paglalarawan ng isang


matipunong labimpitong taong gulang na binatilyo, na


malamang na may kakayahang mangambang baka


Si Muhammad Sa Bibliya


33


mamatay ang ina niya sa harap ng kanyang mga mata? O


hindi kaya iyon ay isang malinaw na paglalarawan ng


isang maliit at mahinang sanggol o isang batang munti?


Ikaapat: Ayon sa Genesis 21:17, nagsabi ang Anghel


kay Agar: “Magtindig ka, iyong itayo ang bata…” Ang


isang labimpitong taong gulang na lalaki ba ay nababagay


na “itayo” ng isang babae? O hindi kaya iyon ay isang


pagtukoy sa isang batang munti o isang sanggol?


Ikalima: Sa Genesis 21:19, sinasabi sa atin na si Agar ay


naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat, “at


pinainom ang bata.” Ang inaasahan ninuman ay ang


isang labimpitong taong gulang na binatilyo ang


paparoon at dadalhan ng tubig ang ina niya.31


Ang pagsusuri sa itaas ay humahantong sa walang


pagsalang konklusyon na bagamat naglalaman ang


Bibliya ng ilang mga katotohanan gaya ng naipaliwanag


na, mayroon ding patunay na may mga pagdaragdag, mga


pag-aalis at mga pagbabago na ginawa ang tao, na


tanging ang kasunod na tunay na kapahayagan (Ang


Qur’an) ang makapaglilinaw. Ang sanaysay ayon sa


bersiyon ng Islam ay lubos na magkakatugon at


magkakatugma magmula A hanggang Z: si Ismael ay


31 Ang isang kawili-wili at may-kaugnayang puna mula sa isang pananaw


Kristiyano ay ginawa sa komentaryo sa Gen. Kab. 21[:17]: “[Ang katagang]


‘sa kinalalagyan’ ay isang pahiwatig sa kinaroroonan ng balon na nabanggit sa


talata 19, na isang banal na lugar para sa mga Ismaelita. Interpreter’s Bible,


op. cit., vol. 1, p. 639. Ang pagbibigay-diin ay idinagdag. Mapupuna na ang


pinakabanal na balon para sa mga Ismaelita ay ang balon ng Zamzam sa


Makkah (Mecca).


Si Muhammad Sa Bibliya


34


isang sanggol pa lamang at si Isaac ay hindi pa isinilang


noong naganap ang pangyayaring ito. Ang


pagkakaugnay-ugnay at kaangkupan [ng salaysay ng


Islam] ay pinapatunayan ng mga daan-taong mga


tradisyon at pati na ng mga pook mismo sa Makkah na


pinanirahan nina Agar at Ismael. Ito ay malinaw na


nagpapahiwatig na ang tunay na dahilan sa likod ng


paninirahan nila sa Arabia (Paran) ay hindi ang


panunulsol, paninibugho, kapalaluan o pagkadama ng


kalamangan sa lahi sa panig ni Sara. Ito, sa halip, ay


plano ng Diyos; dalisay at payak.


Maaaring may-kaugnayan na banggitin na ang


usaping ito ay hindi ang nag-iisang halimbawa ng dipagkakatugma


kaugnay sa kasaysayan ni Ismael.


Ipinaghambing ng Interpreter’s Bible ang kasaysayan


nina Agar at Ismael sa Genesis 21:14-19 sa nabanggit sa


naunang kapitulo (Genesis 16:16) at gumawa ng


konklusyong: “ang paglakip sa Genesis ng kapwa


kasaysayan na lubhang halos magkahawig subalit sapat


na magkaiba upang maging di-magkatugma ay isa sa


maraming halimbawa ng pag-aatubili ng mga nagtipon


na isakripisyo ang anuman sa mga tradisyon na naging


matatag na sa Israel.”32


32 Interpreter’s Bible, Ibid, p.604.


Si Muhammad Sa Bibliya


35


ANG SAGISAG NG TIPAN NG DIYOS


KAY ISMAEL AT SA KANYANG MGA


INAPO


Ayon sa Gen. 17:10-14, ang pagtutuli ay itinuturing


na isang sagisag ng tipan sa Diyos at isang tanda ng


kadalisayan mula sa paganismo. Ang kahalagahan ng


pagtutuli ay muling inulit ng mga pantas ng Bibliya na


nagpahiwatig na ito ay hindi lamang isang panlabas na


gawain:


“Ito ay Kanyang sariling tanda at tatak na ang Israel


ay isang piniling bansa. Sa pamamagitan nito, ang


buhay ng tao ay naiugnay sa isang dakilang


pagsasama na ang dignidad nito ay ang mataas na


kamalayan nito na kinakailangan nitong tuparin ang


mga layunin ng Diyos.”33


Ang paglalarawan ay nalubos sa pagtukoy sa Gen.


17:23-27 na nagsasabi sa atin na dinala ni Abraham si


Ismael at ang lahat ng mga lalaking isinilang sa kanyang


pamamahay at tinuli sila. Sa pagbibigay ng komentaryo


rito, ang Interpreter’s Bible ay umamin na ang mga


Ismaelita at ang iba pang mga inapo ni Abraham ay kahit


papaano ay nakikilahok sa tipan kay Abraham.34


Mapupuna na ang inapo ni Ismael na si Propeta


Muhammad (SKP), gayundin ang mga tagasunod niya, ay


nananatiling tapat sa tipang ito hanggang sa ngayon. Ang


Pagtutuli ay sapilitan sa bawat lalaking Muslim. Kung


33 Interpreter’s Bible, Ibid, p.613.


34 Interpreter’s Bible, Ibid, p. 616.


Si Muhammad Sa Bibliya


36


gagamitin ang pananalita ng Interpreter’s Bible, hindi


kaya nangangahulugang ito ay “tanda at tatak” ng Diyos


na ang mga Ismaelita ay may bahagi rin sa Tipan ng


Diyos dahil sa kanilang pangakong linisin ang kanilang


paniniwala mula sa lahat ng uri ng Politeismo at


panumbalikin ang dalisay at tunay na Monoteismo ng


kanilang ninunong si Abraham? Hindi kaya higit na


malapit sila sa tipan ni Abraham kaysa sa mga taong


naghanap ng mga maidadahilan upang hindi isagawa ang


pagtutuli?


Tunay na maraming bansa sa daigdig ang pinagpala


dahil kay Abraham. Ang mga pinakamalapit kay


Abraham, sa kadalisayan at pangkalahatang saklaw ng


Monoteismo na itinuro niya at sa “tanda at tatak” ng tipan


niya sa Diyos, ay matatagpuan sa kasalukuyan sa mga


tagasunod ng pinakatanyag na inapo ni Ismael, si Propeta


Muhammad (SKP). Kahit wala pa itong ugnayan sa dugo,


na hindi mapasusubalian, ang pinakamahalagang


kaugnayan kay Abraham ay ang kaugnayan sa


pananampalataya sa mga Salita ng Diyos:


“Si Abraham ay hindi isang Hudyo at hindi isang


Kristiyano, datapuwa’t ay isang


makakatotohanang Muslim. Hindi siya napabilang


sa mga Nagtatambal kay Allah. Tunay na ang


pinakamalapit sa mga tao kay Abraham ay


talagang ang mga sumunod sa kanya at ang


Propetang ito at ang mga sumampalataya. Si


Allah ay ang Tagatangkilik ng mga


mananampalataya.” (Qur’an 3:67-68)


Si Muhammad Sa Bibliya


37


DAGDAG NA PATUNAY HINGGIL SA LAHI


NG PROPETA NA MALAON NANG


HINIHINTAY


Ang naunang pagtatalakay ay higit pa sa sapat upang


ipakita na ang pagdating ni Propeta Muhammad (SKP),


na isang inapo ni Ismael, ay talagang ang katuparan sa


pangakong ibinigay kina Abraham at Agar (Genesis


21:13 at 18).


Ang isang karagdagang pagpapatibay na hindi nagiiwan


ng katiting na pag-aalinlangan ay makikita sa Aklat


ni Isaias 11:1-2:


“At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang


sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga; At


ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa


ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at


ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa


Panginoon.”


Ang balangkas ng paglalarawang ibinigay sa


kabanatang ito ay nauukol sa isang taong magiging isang


propeta, isang estadista, at isang hukom at isa sa mga


inapo ni Isai (Jesse sa Ingles). Sino si Isai? At sino ang


tumutugon sa mga paglalarawang ito? Iginigiit ng iba na


ang Isai ay isang pagtukoy sa ama ni David. Ayon sa


Encyclopedia Biblica, gayon pa man, ating mababasa:


“Ang Isai ay ang pinaigsing anyo ng [pangalang]


Ismael.”35


35 Cheyene, Encyclopedia Biblica sa paksa hinggil sa “mga Pangalan.” Kung


ang hulang ito ay tungkol kay Jesus (SKP) ganito na lamang sana ang sinabi:


“…sa sanga ni David…” Si David, at hindi ang kanyang ama, ang higit na


Si Muhammad Sa Bibliya


38


Ang nag-iisang nagmula sa “sanga” ni Ismael na isang


propeta, estadista at hukom ay si Propeta Muhammad


(SKP).


ANG MGA KATANGIAN NG HINIHINTAY


NA PROPETA : PROPETA NA GAYA NI


MOISES


Sa Aklat ng Deuteronomeo (18:17-18), si Propeta


Moises (SKP) ay sinipi na nagsabi:


“At sinabi ng Panginoon sa akin, Mabuti ang kanilang


pagkasabi ng kanilang salitain. Aking palilitawin sa


kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga


kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga


salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila


ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.”36


May tatlong mahalagang sangkap na napaloloob sa


hulang ito: May isang propeta sa gitna ng mga kapatid


ng mga Israelita na darating; ang propetang ito ay


magiging gaya ni Moises; ilalagay ng Diyos ang


Kanyang mga salita sa bibig ng propetang ito. Suriin


natin nang masinsinan ang bawat isa sa mga sangkap na


ito:


bantog na tao sa Matandang Tipan. Magiging higit sanang makatwiran na


iugnay si Jesus kay David (SKP) gaya ng ginawa ng ilang may-akda ng


Ebanghelyo sa pagtawag kay Jesus na inapo ni David.


36 Pansinin ang pagtatangka ni Pablo sa Mga Gawa 13:22 na bigyangpakahulugan


ang hula bilang pagtukoy kay Jesus na hindi inapo ni Ismael


(Isai) ni kapatid ng mga Israelita yayamang isa siyang Israelita mismo.


Si Muhammad Sa Bibliya


39


ISANG PROPETA SA GITNA NG


MGA KAPATID NG MGA ISRAELITA


Nang sinabi ang mga salitang ito, ang kinakausap ay


ang mga Israelita. Ang pinakatanyag na mga kapatid ng


mga Israelita (mga inapo ni Abraham mula sa kanyang


ikalawang anak na si Isaac) ay ang mga Ismaelita (mga


inapo ni Abraham mula sa kanyang unang anak na si


Ismael).


Ayon sa Hebrew Dictionary of the Bible, ang


[salitang] kapatid ay: ang Pagbibigay katauhan sa


isang pangkat ng mga lipi na itinuturing na malapit na


mga kamag-anak ng mga Israelita.


Ang Bibliya ay tumutukoy sa mga Israelita bilang


mga kapatid ng mga Ismaelita (Hal. sa Gen. 16:12 at


Gen. 25:18).


ANG PROPETA NA GAYA NI MOISES


Kung minsan ay ipinaggigiitang ang propetang gaya ni


Moises ay si Jesus. Kung tutuusin nga naman ay kapwa


rin sila mga Israelita at mga gurong espirituwal. Ang hula


bang ito ay talagang hinggil kay Jesus?


Sa pagsisimula, si Jesus mismo ay isang Israelita, hindi


kabilang sa mga kapatid ng mga Israelita. Ang


katotohanang ito ay sapat na upang ipakita na ang


partikular na hulang ito ay hindi tungkol sa pagdating ni


Jesus kundi tungkol sa isa pang propetang gaya ni


Si Muhammad Sa Bibliya


40


Moises. Ang propetang iyon ay wala nang iba pa kundi si


Propeta Muhammad (SKP).


Ang sumusunod ay isang paghahambing sa pagitan ng


mga mahalagang katangian nina Moises, Jesus, at


Muhammad (SlaKP) na maaaring makapagbigay-linaw sa


pagkakakilanlan ng propeta na darating pagkatapos ni


Moises.


Uri ng


Paghambing


Moises Muhammad Jesus


Pagkasilang Karaniwan Karaniwan di-Karaniwan


Buhay Pamilya May asawa’t anak May asawa’t


anak


Walang asawa’t


anak


Pagkamatay


37 Karaniwan Karaniwan di-Karaniwan


Katungkulan Propeta’t


Estadista


Propeta’t


Estadista


Propeta


Sapilitang Paglikas Sa Median Sa Medinah Wala


Sagupaan sa mga


Kaaway


Mainit na Tugisan Mainit na


Tugisan/ mga


Labanan


Walang katulad


na


sagupaan


Mga Resulta ng


Sagupaan


Moral at Pisikal


na


Tagumpay


Moral at Pisikal


na Tagumpay


Moral na


Tagumpay


Pagsulat ng


Kapahayagan


Noong buhay pa


siya (Torah)


Noong buhay pa


siya (Qur’an)


Noong wala na


siya


Uri ng Katuruan Espirituwal/Legal Espirituwal/Legal Espirituwal sa


kabuuan


Pagtanggap ng


mga


tao sa Pamumuno


Itinakwil at saka


tinanggap din


Itinakwil at saka


tinanggap din


Itinakwil (ng


marami


sa mga Israelita)


37 Ito ay ayon sa Bibliya ngunit ayon sa Qur’an si Jesus ay hindi napatay o


namatay.


Si Muhammad Sa Bibliya


41


Ang talahanayang ito ay malinaw. Ipinakikita nito na


hindi lamang sa sina Moises at Muhammad (SlaKP) ay


magkatulad na magkatulad sa maraming bagay,


ipinakikita rin nito na si Propeta Jesus ay hindi umaakma


sa hulang ito. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan:


Ang pagkasilang ni Jesus ay di-pangkaraniwan. Ayon


sa mga paniniwala ng mga Kristiyano at mga Muslim,


siya ay mahimalang isinilang ni Birheng Maria. Sina


Moises at Muhammad (SlaKP) ay kapwa isinilang sa


pangkaraniwang pamamaraan. Sina Moises at


Muhammad (SlaKP) ay kapwa nag-asawa at nagkaroon


ng mga anak. Walang katulad na ulat hinggil sa


pagkakaroon ni Jesus ng asawa at mga anak.


Sina Moises at Muhammad (SlaKP) ay kapwa


namatay nang natural at inilibing. Ang wakas ng misyon


ni Jesus sa mundo ay di-pangkaraniwan: pagkapako sa


krus ayon sa mga paniniwala ng mga Kristiyano, pagaakyat


sa langit nang walang pagkapako sa krus ayon


naman sa mga paniniwala ng mga Muslim.


Sina Moises at Muhammad (SlaKP) ay kapwa hindi


lamang mga propeta at mga pinunong espirituwal, sila rin


ay mga pinuno ng mga estado, na kabilang sa kanilang


misyon ay ang pagtatatag ng isang estado na nakabatay


sa katuruan ng pananampalataya nila. Walang ganoong


pagkakataon na dumating kay Jesus (SKP).


Nilisan ni Moises (SKP) ang Egipto nang malaman


niya ang balak na pagpatay sa kanya at pumaroon sa


Median, na doon ay tinanggap at kinalinga siya ni Jethro.


Si Muhammad Sa Bibliya


42


Nilisan ni Muhammad (SKP) ang Makkah nang malaman


niya ang balak na pagpatay sa kanya at pumaroon sa


Yathrib na bandang huli ay tinawag na al-Madinah


(Medina). Walang kahawig na pangyayari ang naiulat


tungkol kay Jesus noong siya ay nasa tamang gulang na at


matapos na sinimulan niya ang kanyang mga misyon


bilang isang propeta.


Nakasagupa ni Moises (SKP) sa “mainit ng tugisan”


ang mga kaaway niya (hukbo ni Paraon) na nagnanais na


patayin siya at ang mga tagasunod niya. Nakasagupa din


ni Muhammad (SKP) sa maraming labanan ang mga


kaaway niya (mga Arabeng pagano) na nagnanais na


patayin siya at ang mga tagasunod niya. Walang ganoong


sagupaan na naiulat hinggil kay Jesus. Sa katunayan,


naiulat na inatasan niya si Simon Pedro na magsalong ng


tabak nito noong nagtangka itong ipagtanggol siya noong


inaaresto siya.


Ang pakikipagharap ni Moises (SKP) sa mga kaaway


niya ay nagwakas sa isang tagumpay na pangmilitar at


moral. Nalunod ang mga kaaway niya at naligtas siya at


ang mga tagasunod niya. Ang pakikipagharap ni Propeta


Muhammad (SKP) sa mga kaaway niya ay nagwakas din


sa isang tagumpay na pangmilitar at moral. Siya at ang


mga tagasunod niya ay muling pumasok sa Makkah


(Mecca), ang sentro ng sabwatan laban sa kanya. Dahil sa


paghanga sa kanyang katapatan at kabaitan, ang


napakarami sa dati niyang mga kaaway ay piniling


maging mga Muslim at naging kabilang sa mga


masigasig na kakampi niya. Ang tagumpay ni Jesus laban


Si Muhammad Sa Bibliya


43


sa mga kaaway niya ay moral na tagumpay lamang na


walang kaalinsabay na kagyat na pangmilitar na


tagumpay laban sa kanila.


Ang katuruang ipinahayag kay Moises (SKP) ay


matatagpuan sa isang nakasulat na anyo noong


kapanahunan niya. Ang Qur’an na ipinahayag kay


Muhammad (SKP) ay naisulat nang buo noong


kapanahunan niya at sa ilalim ng kanyang pangangasiwa.


Ang katuruan ni Jesus ay hindi naisulat noong


kapanahunan niya. Pati na ang mga pinakaunang


Ebanghelyo, ang mga ito ay naisulat maraming taon na


ang nakalipas noong wala na siya.


Hindi gaya ng ibang mga propeta mula sa inapo ni


Abraham, ang kapahayagang ibinigay kina Moises at


Muhammad (SlaKP) ay naglalaman ng masaklaw na mga


panuntunan ng batas, dagdag pa sa espirituwal at


pangmoral na mga sangkap ng mga katuruan nila. Ang


mga katuruan ni Jesus ay halos pang-espirituwal lahat. Sa


katunayan, si Jesus ay hindi nagpahayag na nagdala siya


ng isang bagong batas o pinawalang-bisa niya ang


umiiral na Matandang Tipan.38 Dinagdagan niya lamang


ng espirituwal at makataong pansin ang konsepto ng


batas, na ibinaba noong kapanahunan niya sa antas ng


walang buhay at paminsan-minsan ay paimbabaw na


pormalidad. “Huwag ninyong isiping ako’y naparito


upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y


38 Mateo 5:17.


Si Muhammad Sa Bibliya


44


naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin,” ang


nasiping sinabi ni Jesus (Mateo 5:17).


Matapos ang pagtutol at pagdududa sa simula ng


kanyang mga kababayan, si Moises (SKP) ay tinanggap


din ng mga kababayan niya bilang propeta at pinuno


noong kanyang kapanahunan, sa kabila ng ilang mga


pagkakasala (gaya ng pagsamba sa gintong guya).


Matapos ang pagtutol sa simula, si Propeta Muhammad


(SKP) ay masigla ring tinanggap bilang isang propeta at


pinuno noong kapanahunan niya. Gayon pa man,


hanggang sa wakas, at maliban sa mabibilang na mga


tagasunod, itinakwil si Jesus ng kanyang mga kababayan


(mga Israelita).


Sino, kung gayon, ang Propetang gaya ni Moises?


Si Muhammad Sa Bibliya


45


ILALAGAY NG DIYOS ANG KANYANG


MGA SALITA SA BIBIG NG PROPETA


Sa pangkalahatan, maaaring ipatungkol ang


paglalarawang ito sa sinumang sugo ng Diyos na


naghahatid ng mensahe ng Diyos sa sangkatauhan.


Bagaman ang mensaheng iyon ay maaaring dumating na


nakasulat sa mga lapida tulad ng pinaniniwalaang


nangyari kay Moises, ang takdang pananalita ng talata sa


itaas (Deut. 18:18) ay isang maliwanag na paglalarawan


sa uri ng kapahayagang natanggap ni Propeta Muhammad


(SKP). Si Anghel Gabriel ay pumupunta noon kay


Propeta Muhammad at idinidikta sa kanya ang mga


partikular na bahagi ng Qur’an, na pagkatapos ay inuulit


naman ni Propeta Muhammad (SKP) nang tamang-tama


tulad ng kung papaano niyang narinig ang mga ito. Ang


sariling kaisipan o pagkakatha ni Propeta Muhammad


(SKP) ay hindi nasangkot sa alinmang paraan sa anumang


binigkas niya [na bahagi ng Qur’an]. Ang Salita ng Diyos


(Qur’an) ay inilagay sa kanyang bibig. Tulad ng


paglalarawan ng Qur’an mismo (53:3-4):


“At hindi siya nagsasalita ng ayon sa kanyang


pithaya. Ito ay isang kapahayagan lamang na


ipinahayag sa kanya.”


May maraming talata sa Qur’an na nag-uutos kay


Muhammad (SKP) sa mga katagang gaya ng: Qul


(sabihin mo), Dhakkir (ipaalaala mo), Nabbi’ (ipabatid


mo). Ang ibang mga talata sa Qur’an ay nagsisimula


Si Muhammad Sa Bibliya


46


naman sa ganitong mga kataga: wa qála rabbukum (at


nagsabi ang inyong Panginoon…). At sa iba pang mga


talata, ito naman ang mababasa: wa yas’alúnaka…qul


(at tinatanong ka nila…sabihin mo…).


Ang pagsusuri sa itaas ay hindi lamang umaakma sa


Deut. 18:18, ito rin ay kaayon sa sumusunod na mga


talata. Halimbawa, mababasa sa Deuteronomio 18:19:


“At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking


mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay


aking sisiyasatin yaon sa kaniya.”


Mapapansin na ang 113 sa 114 na mga Súrah


(kabanata) ng Qur’an ay nagsisimula sa Bismilláhir


rahmánir rahím (Sa ngalan ni Allah (Diyos), ang Puspos


ng awa, ang Maawain). Ang kauna-unahang talata ng


Qur’an na ipinahayag kay Propeta Muhammad (SKP) ay


ganito ang mababasa:


“Bumasa ka, sa ngalan ng Panginoon mo na


siyang lumikha,” (Qur’an 96:1)


Sa pagsunod sa mga katuruan ni Propeta Muhammad


(SKP), wala nang ibang kalipunan ng mga


mananampalataya na nagsisimula sa halos bawat galaw


sa kanilang mga pang-araw-araw na pamumuhay sa


pagbigkas ng katagang ito: “Sa ngalan ni Allah, ang


Puspos ng awa, ang Maawain.” Dapat mapansin dito na


ang katawagang Arabe na Allah ay hindi lamang


katumbas ng salitang “Diyos,” ito rin ang pansariling


pangalan ng Diyos. Ang magsabi ng Sa Ngalan ni Allah


ay isang lalong maliwanag na katuparan ng hulang:


Si Muhammad Sa Bibliya


47


“…kaniyang sasalitain sa aking pangalan,”


(Deuteronomio 18:19) kaysa sa karaniwang mga


pananalitang gaya ng: “Sa ngalan ng Diyos” o “Sa ngalan


ng Ama.”


Ang isang magandang katanungan sa puntong ito ay:


Yamang talagang ang kahit sino ay maaaring magpalagay


na nagsasalita sa Ngalan ng Diyos, ano ang


pamantayang dapat gamitin upang makilala ang isang


tunay na propeta at sugo ng Diyos sa iba pang mga


huwad na propeta na maaaring magpanggap na


nagsasalita sa Ngalan ng Diyos?


Ang kasagutan sa katanungang ito ay malinaw na


ibinigay sa huling mga talata ng Kabanata 18 ng


Deuteronomio: “At kung iyong sasabihin sa iyong puso:


Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinasalita


ng Panginoon? Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa


pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay


hindi sumunod ni nangyari, ay hindi sinalita ng


Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay


nagsalita ng kahambugan, huwag mong katakutan siya.”


(Deut. 18: 21-22)


Ito ay isang katotohanan na walang isa mang hulang


sinabi si Propeta Muhammad (SKP) na napatunayang ditumpak


sa kaliit-liitang bagay. Ang bawat hula na sinabi


niya tungkol sa nalalapit na hinaharap noong kanyang


kapanahunan ay talagang naganap. Ang mga ito ang


halimbawa nito:


Si Muhammad Sa Bibliya


48


A. Ang hula na masasakop ng mga Muslim ang


dalawang napakamakapangyarihan (superpower)


noong kapanahunan nila: ang mga Emperyo ng


Persia at Byzantine. Ang hulang ito ay sinabi


noong ang mga Muslim ay lubhang kakaunti at


mahina na kung huhulaan nga ang kanilang


kaligtasang pisikal [sa sandaling iyon] ay


magmumukhang malabo na.


B. May isang hula na si Suráqah (ang taong


nakatalagang papatay sana kay Propeta Muhammad


(SKP) sa panahon ng paglalak-bay niya patungong


Madinah (Medina) matapos na ang mga pagano ay


nagsabwatang patayin siya) ay magiging isang


Muslim, lalahok sa hukbong Muslim na lulupig sa


Emperyo ng Persia, at makalalapit talaga sa korona


ng emperador at maipapatong ito sa kanyang ulo!


Hindi lamang sa ang hulang ito ay nagmukhang


talagang imposibleng mangyari noong ito ay sinabi,


pati na ang katuparan nito ay lubhang eksakto at


kumpleto na wari bagang tinitingnan ng Propeta


nang mata sa mata ang pangyayaring magaganap


maraming taon matapos ang kanayang pagpanaw.


Ang katotohana—na si Suráqah ay naging isang


Muslim nga, nabuhay nang matagal pa upang


makalahok sa pagsakop ng Persia, nagwagi ang mga


Muslim, nakalapit si Suráqah sa korona ng


emperador, at talagang naisuot niya nito—ay hindi


maaaring ituring na isang pagka-kataon o isang


Si Muhammad Sa Bibliya


49


hulang kusang matutupad.39 Tiyak na sero ang


posibilidad na ang ganoon karaming mga hula, sa


lahat ng kaliit-liitang detalye na inilarawan ni


Propeta Muhammad (SKP) ay naganap bunga ng


isang pagkakataon! Hindi rin maaaring ang gayong


100% na katumpakan sa bawat panahon at sa lahat


ng panahon ay magmumula sa isang iba pa sa


isang totoo at tunay na propeta batay sa batayang


itinakda sa Deuteronomio 18: 21-22.


IBA PANG MGA KATANGIAN NG PROPETA


Ang isa pang nakawiwili at pinakahayag na


paglalarawan kay Propeta Muhammad (SKP) ay


matatagpuan sa ika-42 Kabanata ng Aklat ng Isaias.


Suriin natin ang ilan sa mga katangian nito.


Ang kinalulugdan ng Espiritu ng Diyos ay tinawag na


lingkod ng Diyos (T.1), Kanyang hinirang (T.1) at


Kanyang Sugo (T.19). Kung isasalin sa Arabe, ang mga


titulong ito ay mababasang: ‘Abduhu wa Rusúluhul


Mustafá. Tiyak na ang lahat ng propeta ay talagang mga


lingkod, mga sugo at mga hinirang ng Diyos. Subalit


walang propeta sa kasaysayan na tinatawag sa kalahatan sa


natatanging mga titulo na ito na gaya ni Muhammad (SKP).


Ang pagsaksi ng pananam-palataya sa Islam, na sa


pamamagitan nito ang isang tao ay makapa-pasok sa


Islam, ay ang pagbigkas ng sumusunod: “Sumasaksi ako na


walang Diyos kundi si Allah, at sumasaksi rin ako na si


Muhammad ay Kanyang lingkod at Kanyang Sugo.”


39 O self-fulfilling prophecy: hulang kahit na hindi sabihin ay talagang


mangyayari.


Si Muhammad Sa Bibliya


50


Sa katunayan ang pangungusap ding ito ay inuulit


limang beses araw-araw sa oras ng panawagan ng


pagdarasal (adhán), limang beses bago magsimula ang


pagdarasal (iqámah), siyam na beses araw-araw sa


pinakamababang bilang ng ipinag-uutos na pagdarasal, at


higit na maraming beses kung ang isang Muslim ay


nagsasagawa ng karagdagang itinatagubilin (sunnah) na


mga pagdarasal. Ang pinakapalasak na titulo ni Propeta


Muhammad (SKP), mula ng suguin siya hanggang sa


ngayon, ay Rasúlulláh (ang Sugo ni Allah). Ang Qur’an


ay nagbigay sa kanya ng titulong ito. Noong nabubuhay


pa siya ay tinatawag siya ng ganito ng mga tagasunod niya.


Ang makapal na koleksyon ng mga Hadíth (sinabi ni


Propeta Muhammad) ay karaniwang isinasalaysay sa


ganitong mga kataga: “Narinig ko ang Sugo ni Allah na


nagsabi…;” “Nagsabi ang Sugo ni Allah …”


“Siya’y hindi manglulupaypay o maduduwag man,


hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa (T.4),


siya’y gagawang maka-pangyarihan laban sa kaniyang


mga kaaway (T. 13),40 at siya’y maglalapat ng kahatulan


sa mga bansa (T.1).”


Sa paghahambing sa mga buhay at mga misyon nina


Jesus at Muhammad (SlaKP), magiging malinaw kaagad


na sa katayuan ni Jesus, ipinahayag niya sa higit sa isang


pagkakataon kung gaano siya nanlupaypay sa pagtakwil


sa kanya ng mga Israelita. Hindi siya nagtagal upang


manaig sa mga kaaway niya (maliban sa moral na


40 Sa Ingles (King James Version): He shall prevail against his enemies, kaya


ang dapat sanang salin sa Tagalog ay: Mananaig siya sa kaniyang mga


kaaway.


Si Muhammad Sa Bibliya


51


tagumpay na isang karaniwang tagumpay ng lahat ng


Propeta).


Sa kabilang dako, wala tayong nakitang bakas ng


panlulupaypay ni Propeta Muhammad (SKP) kahit na sa


pinakamapanganib na mga sandali ng kanyang misyon. Sa


loob ng isang taon, namatay ang kanyang mahal at


matulunging asawang si Khadijah matapos ang 25 taon


ng kanilang matagumpay na pagsasama; ang kanyang


amain na si Abu Talib na nagslibing kasangkapan sa


pangangalaga sa kanya laban sa galit ng mga paganong


Arabe ay namatay rin. Ang dalawang trahedyang ito ay


sinamahan pa ng katotohanang ang kanyang mga


tagasunod ay binubuo lamang ng isang maliit, inuusig at


pinahihirapang grupo. Sa ilalim ng gayong kahirap na


mga kalagayan, si Propeta Muhammad (SKP) ay


pumunta sa bayan ng Ta’if upang anyayahan ang mga tao


na tanggapin ang Islam at hingin ang tulong nila sa


pakikibaka niya laban sa paganismo. Siya ay itinakwil,


kinutya at binato hanggang sa dumugo ang katawan niya.


Sa kabila ng lahat ng ito, hindi siya kailanman


nanglupaypay, ayon sa ginamit na kataga sa Isaias (T.4).


“O Allah patawarin mo po ang mga kababayan ko


sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang


ginagawa,” wika niya. Noong inalok sa kanya ni Anghel


Gabriel ang pagkakataong gumanti sa pamamagitan ng


pagwasak ng kanilang lungsod ay tumanggi siya sa pagasang


mula sa mga inapo ng mga masasamang taong ito


ay may lilitaw na mga taong sasamba sa Diyos, at


nagkatotoo naman!


Si Muhammad Sa Bibliya


52


Matapos ang masaklap na pagpupunyaging ito, si


Muhammad (SKP) ay naging makapangyarihan laban


sa kaniyang mga kaaway, nagtatag ng isang matatag na


komunidad ng mga mananampalataya na tunay na


naglapat ng kahatulan sa mga bansa, lalo na sa mga


Emperyo ng Persia at Byzantine. Maraming gayong


bansa ang napatnubayan sa Islam samantalang ang mga


iba naman ay dumanas ng pagkatalo. Kung gayon siya


ang tunay na isang ilaw ng mga bansa sa buong mundo.


“Siya’y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o


iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.” (T.2).


Hindi lamang sa ito ay isang natatanging katangian at


tatak ng kagandahang-asal ni Propeta Muhammad (SKP),


ito ay talagang isang paglalarawan sa kanya ng pahayag


na ibinigay sa kanya. Sa mga kataga ng Qur’an:


“Magpakumbaba ka sa paglakad mo at babaan


mo ang tinig mo; tunay ang pinakamasagwa sa


mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno.”


(Qur’an 31:19);


“Hindi naiibigan ni Allah ang hayagang


pagbanggit sa masama sa panalita, maliban sa


kanya na nilapastangan.” (Qur’an 4:148)


“At ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang


kautusan.” Ang nag-iisang propeta na dumating matapos


sabihin ang hulang ito (noong panahon ni Isaias) na may


dalang buo at malawakang panuntunan ng batas ay si


Propeta Muhammad (SKP). Ang batas na ipinahayag sa


kanya ay lumaganap sa lahat ng sulok ng daigdig, pati na


sa maraming liblib na pulo at sa malalayong disyerto.


Si Muhammad Sa Bibliya


53


Siya ay susuguin “Upang magdilat ng mga bulag na


mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at


nilang nangaupo sa kadiliman mula sa kadiliman” (T. 7).


Marami sa mga sumalungat sa katotohanan at masaklap


na kumalaban kay Propeta Muhammad (SKP) ay


napabilang sa mga pinakamatapat na mananampalataya.


Ang pagkabulag nila sa katotohanan ay nalunasan. Ang


mga namumuhay sa kadiliman ng isang makasalanang


pamumuhay ay pumunta sa liwanag ng katotohanan na


nalubos sa pamamagitan ng misyon ni Propeta


Muhammad (SKP).


Hindi kataka-takang ang Qur’an ay naglalarawan sa


sarili nito na núram mubína o malinaw na liwanag. Sa


paglalarawan ng Qur’an (14:1), nagwika si Allah kay


Propeta Muhammad (SKP): “Alif. Lám. Rá’. Isang


Aklat na Aming ibinaba sa iyo upang hanguin mo ang


mga tao mula sa mga kadiliman patungo sa liwanag,


ayon sa kapahintulutan ng kanilang Panginoon,


papunta sa Daan ng Makapangyarihan, Kapuripuri,”


Ang kaluwalhatian ng Diyos ay hindi ibibigay sa iba


(T.8). Ang pinakadakilang kaluwalhatian na matatanggap


ng isang tao mula sa Diyos ay ang mapagkatiwalaan


bilang Sugo Niya sa sangkatauhan at tumanggap ng


Kanyang maluwalhating Pahayag. Hindi lamang sa


natupad ito kay Muhammad (SKP), ito ay bukodtanging


puma-patungkol sa kanya bilang siyang huling


sugo at propeta ng Diyos. Tunay na ang kaluwalhatian ng


Diyos (pagpapahayag na mga kasu-latan) ay hindi


ibinigay at hindi ibibigay sa ibang propeta pagkatapos ni


Si Muhammad Sa Bibliya


54


Muhammad (SKP) yayamang siya ang “pangwakas” sa


lahat ng mga Propeta. May 1400 taon na ang nakaraan


mula ng isinugo si Propeta Muhammad (SKP) at


ipinahayag sa kanya ang Banal na Qur’an. Subalit wala


tayong narinig na may isang tunay na propetang lumitaw


na ang kalakhan at impluwensiya sa sangkatauhan ay


maiha-hambing sa gaya nina Moises, Jesus at Muhammad


(SlaKP). Wala rin tayong narinig na may isa pang


kaluwalhatian pagkatapos ng Qur’an o isang banal na


aklat na nakaimpluwensiya sa tao sa gayong antas.


“Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng


kapurihin niya na mula sa wakas ng lupa…” (T.10). Ang


isang bagong awit ay maaaring tumutukoy sa isang


bagong kasulatan sa wikang iba pa sa wika ng mga


kasulatan ng mga Israelita. Ang pakahulugang ito ay tila


naaayon sa lalong malinaw na pagkabanggit ng isang


magsasalita sa mga tao (pati sa mga Israelita) sa another


tongue.41


(Isaias 28:11).


Ang paliwanag na ito ay waring naaangkop nang


malapit sa ikalawang bahagi ng mismong talata (Isaias


42:16) na tumutukoy sa pagpupuri sa Diyos mula sa


wakas ng lupa. Sa Islam lamang natin matatagpuan na


natupad ang hulang ito nang may kahanga-hangang


katumpakan. Sa lahat ng sulok ng daigdig, limang beses


41 “iba’t ibang wika” ang pagkakasalin sa Bibliyang Tagalog ngunit sa King


James Version ang pagkakasalin nito ay “another tongue” (ibang wika) at sa


Revised Standard Version naman ay “alien tongue” (dayuhang wika).


Lumalabas na ang pagkakasalin sa Bibliyang Tagalog ay mali sapagkat ang


ibig sabihin ng “iba’t ibang wika” ay “different (various) languages.” Kaya


malinaw na ang sasalitain ng taong iyon ay isang wikang iba sa Hebreo.


Si Muhammad Sa Bibliya


55


araw-araw, ay “inaawit” ang pagpupuri sa Diyos at sa


Kanyang huling Sugo na si Muhammad (SAS) mula sa


mga tore ng daan-daang libo, o baka milyon pa, na moske


sa buong mundo. Dagdag pa rito, ang madalas na papuri


sa Diyos at kay Muhammad (SKP) ng mga tapat na


Muslim ay isinasagawa araw-araw. Bahagi nga rin ng


limang obligadong pagdarasal araw-araw na isama ang


papuri kina Abraham at sa mga inapo nito, at kay


Muhammad (SKP) at sa mga inapo niya. Kilala ito sa


tawag na as-Salátul Ibráhímíyah.


Ang taong darating ay may kaugnayan sa mga Arabe, at


lalo na sa mga inapo ni Ismael (na naninirahan sa Makkah


at sa karatig-pook nito). Ang talata 11 ng ika-42 kabanata


ng Isaias ay tandisang hindi nag-iiwan ng maipagdududa


hinggil sa pagkakakilanlan ng propeta.


“Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga


bayan niyaon, ang mga nayon na tinatahanan ng Cedar


(Kedar sa Ingles): magsiawit ang mga nananahan sa


Selah, magsihiyaw sila mula sa taluktok ng mga


bundok.”


Ayon sa Aklat ng Genesis, si Kedar ay ang ikalawang


anak ni Ismael (Gen. 25:13). Ang pinakakilalang propeta


na nagmula sa mga inapo ni Ismael ay si Muhammad


(SKP). Ang kanyang mga kaaway (na mula sa kanyang


lipi!), na iniligaw ng kanilang mga pinuno o ng mga


makapangyarihang tao (gaya ng paglalarawan sa Isaias


21:17) ay yumakap bandang huli sa Islam at niyakap din


sila ng Islam. Tunay na may katwiran sila na


“Mangaglakas ng kanilang tinig,” na “magsiawit” ng


papuri sa Diyos, at “magsihiyaw sila mula sa taluktok


Si Muhammad Sa Bibliya


56


ng mga bundok.” Hindi kaya posibleng iyon ay


pagtukoy sa pagsigaw ng:


“Bilang pagtugon sa Iyong panawagan, o Allah,


bilang pagtugon sa Iyong panawagan; bilang


pagtugon sa Iyong panawagan, wala Kang


katambal, bilang pagtugon sa Iyong panawagan.


Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa


Iyo at ang paghahari; wala Kang katambal.”


Ang “pagsigaw” na ito ay “inaawit” taon-taon ng


maraming Muslim mula sa iba’t ibang dako ng mundo sa


Bundok ng Arafat bilang bahagi ng taunang seremonya


ng hajj (pilgimage).


Ang ika-42 kabanata ng Isaiah ay tunay na kabighabighani.


Ito ay hindi isang pahapyaw o di-maliwanag na


pagtukoy sa lingkod at sugong iyon ng Diyos na darating


pagkalipas ng mga siglo. Sa halip ito ay isang masaklaw


na balangkas ng paglalarawan na naaangkop lamang kay


Propeta Muhammad (SKP) at wala nang iba pa. Higit sa


lahat, ang kabanata ay nag-uugnay sa paglalarawang ito


kay Kedar na anak ni Ismael, at wala nang ibang inapo si


Ismael na aakma sa mga paglalarawang ito kundi si


Muhammad (SKP).


Si Doctor Jamal Badawi, ang may-akda ng aklat na


ito, Muhammad in the Bible, ay isang Assistant Professor


ng Business Management sa St. Mary’s University,


Halifax, Canada.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG