الصفحة 1 من 4
Ang Tawhíd ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang nauukol sa Kanya at sa anumang kinakailangang gampanan sa Kanya na mga uri ng pagsamba.
Ang Tawhíd ang pinakadakilang iniutos ni Allah. Nagsabi siya: (51:56): “Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako.” Nagsabi pa Siya (4:36): “Sambahin ninyo si Allah at huwag kayong mag-tambal sa Kanya ng anuman.”
Ang Tawhíd ay tatlong uri:
Ang Tawhíd al-Ulúhíyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkadiyos),
Ang Tawhíd ar-Rubúbíyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkapanginoon) at
Ang Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát (Paniniwala sa Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian).
Ang Tawhíd ar-Rubúbíyah
Ang Tawhíd ar-Rubúbíyah ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa paglikha, pangangasiwa sa Sandaigdigang ito, pagtutustos, pagbibigay-buhay, pag-aalis-buhay at paghahari’t pagmamay-ari sa mga langit at lupa. Nagsabi Siya (35:3): “May tagapaglikha bang iba pa kay Allah na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya.” Sinabi pa Niya (67:1): “Mapagpala Siya na nasa kamay Niya ang paghahari at Siya ay nakakakaya sa lahat ng bagay”
Ang paghahari ni Allah ay paghaharing sumasaklaw sa lahat ng nasa Sansinukob, ginagawa Niya rito ang ninanais Niya.
Tungkol naman sa pamumukod-tangi ni Allah sa pangangasiwa, tunay na si Allah ay namumukod-tangi sa pangangasiwa dahil Siya lamang ang nangangasiwa sa mga nilikha. Sinabi Niya (7:54): “Tunay ngang ukol sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si Allah, ang Panginoon ng mga nilalang.”
الصفحة 2 من 4
Walang nagkakaila sa uri ng Tawhíd na ito kundi ang mga abnormal sa mga tao. Ikinakaila nila ito sa salita sa kabila ng pagkilala nila nito sa kaibuturan ng kanilang mga puso, gaya nga ng sinabi ni Allah (27:14): “At ikinaila nila ang mga tanda, samantalang natiyak ito ng kanilang mga sarili,…”
Ngunit ang pagkilala sa uring ito ngTawhíd ay hindi sapat, sapagkat hindi ito nailigtas ang mga pagano sa kapanahunan ng Sugo ng Allah (sumakanya nawa ang kapayapaan) bagama’t kinikilala nila ito. Sinabi ni Allah patungkol sa kanila, “At kung sila’y tatanungin mo kung sino ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagmamay-ari ng araw at ng buwan, katotohanang sasabihin nila, ‘Ang Allah!’, ngunit bakit sila nalinlang?” Ito’y sapagkat dahil kinakailangan din ang pagtanggap sa isa pang uri ng Tawhíd.
Tawhíd al-Ulúhíyah o Kaisahan sa Pagkadiyos
Ang Tawhíd al-Ulúhíyah ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa lahat ng mga uri ng pagsamba.
Hindi gagawan ng tao si Allah ng isa pang sasambahin at pag-uukulan ng pagsamba. Ang uring ito ng Tawhíd ay ang dahilan kung kaya nilikha ni Allah ang mga nilikha, gaya nga ng sinabi Niya (51:56): “Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako.”
Ito rin ang dahilan kung kaya isinugo Niya ang mga propeta at ibinaba Niya ang mga Banal na Aklat, gaya nga ng sinabi Niya (21:25): “Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng sugo kung hindi Namin isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako, kaya sambahin ninyo Ako.”
Ang uring ito ng Tawhíd din ang ikinaila ng mga Mushrik noong anyayahan sila ng mga sugo sa Tawhíd (7:70): “Sinabi nila: “Dumating ka ba sa Amin upang sambahin namin si Allah lamang at iwan namin ang sinasamba noan ng aming mga ninuno?…”
الصفحة 3 من 4
Dahil dito, hindi matatanggap na magbaling ng anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allah, ni sa anghel na malapit kay Allah, ni sa propeta na isinugo, ni sa matuwid na tao, at ni sa isa man sa mga nilikha sapagkat ang pagsamba ay hindi magtatanggap kung hindi ukol kay Allah.
Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát o Kaisahan sa mga Pangalan at Katangian
Ang Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát ay ang paniniwala sa pamumukod-tangi ni Allah sa anumang ipinangalan Niya at sa anumang ipinanla-rawan Niya sa Kanyang sarili [na nasasaad sa Qur’an], o sa anumang ipinangalan ng Sugo Niya (SAS) sa Kanya at sa anumang ipinanla-larawan nito sa Kanya [na nasasaad sa Hadíth] at ang pagkikilala sa mga ito sa paraang naaangkop sa kadakilaan Niya nang walang tahríf (pagpapalit ng kahulugan), walang ta‘tíl (pag-aalis ng kahulugan), walang takyíf (paglalarawan ng kahulugan), at walang tamthíl (pag-hahalintulad), ayon sa tunay na kahulugan ng mga ito, hindi ayon sa kahulugang patalinhaga.
Ang halimbawa nito ay na si Allah ay nagpangalan sa Kanyang sarili ng al-Hayy (ang Nabubuhay), kaya naman tungkulin nating maniwala na ang al-Hayy (ang Nabubuhay) ay isa sa mga pangalan ni Allah at tungkulin din nating maniwala sa anumang katangiang nilalaman ng pangalang ito at iyon ay ang ganap na buhay na hindi naunahan ng kawalang-buhay at hindi susundan ng pagkalipol. Pinangalanan ni Allah ang sarili Niya na as-Samí‘ (ang Nakaririnig) kaya tungkulin nating maniwala na ang as-Samí‘ ay isa sa mga pangalan Niya, na ang pagdinig ay isa sa mga katangian Niya, at na Siya ay Nakaririnig.
Isa pang halimbawa. Nagsabi si Allah (5:64): “Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang kamay ni Allah ay nakagapos.” Maigapos nawa ang mga kamay nila at isinumpa sila dahil sa sinabi nila. Bagkus ang dalawang Kamay Niya ay nakaabot: nagkakaloob Siya sa paraang niloloob Niya.…” Samakatuwid, kinilala ni Allah na nagtataglay ang Kanyang sarili ng
الصفحة 4 من 4
dalawang kamay, na inilarawang nakaabot: masaganang nagbibigay. Kaya, tungkulin nating maniwala na si Allah ay may dalawang kamay na nakaabot upang magbigay at magbiyaya. Subalit tungkulin nating huwag nating tangkain—sa pamamagitan ng imahinasyon ng ating mga isip ni sa pamamagitan ng pagbigkas ng ating mga bibig—na ilarawan ang kahulugan ng dalawang kamay na iyon ni ihalintulad ang mga iyon sa mga kamay ng mga nilikha sapagkat si Allah ay nagsasabi (42:11): “…Walang anumang katulad sa Kanya, at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita.”
Ang buod ng tinalakay tungkol sa uri ng Tawhíd na ito ay na tungkulin nating kilalanin ang anuman sa mga pangalan at mga katangian na kinilala ni Allah na taglay ng Kanyang sarili at kinilala ng Kanyang Sugo (SAS) na taglay Niya ayon sa tunay na kahulugan ng mga ito, nang walang Tahríf (pagpapalit ng kahulugan), walang Tamthíl (paghahalintulad), walang Takyíf (paglalarawan ng kahulugan), at walang Ta‘tíl (pag-aalis ng kahulugan).
Samakatuwid, napag-alaman natin sa palatuntunang ito na ang Tawhíd ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang nauukol sa Kanya at sa anumang kinakailangang gampanan sa Kanya na mga uri ng pagsamba.
Ito ay may tatlong uri:
Tawhíd ar-Rububiyah, na siyang paniniwala kayAllah bilang Diyos na Tagapaglikha ng lahat
Tawhíd al-Uluhiyyah, na siyang paniniwala kay Allah bilang totoo at nag-iisang Diyos na dapat sambahin at wala siyang katambal,
Tawhíd al-Asma was Sifar, na siyang paniniwala sa kung anuman ang ipinangalan at inilarawan ni Allah sa Kanyang Sarili o di kaya’y ipinagtanto ng kanyang sugo na si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan.معنى الصفحة 1 من 7
Ang Kahulugan ng Lá Iláha Illalláh
Ang paniniwala sa Lá Iláha Illalláh: Walang Diyos Kundi si Allah ay ang pangunahing saligan ng Islam at ito ay may pinakada-kilang kalagayan sa Relihiyong Islam sapagkat ito ang una sa mga haligi ng Islam, ang pinakamataas na sangay sa mga sangay ng pananampalataya, at ang pagtanggap ni Allah sa mga gawa ng tao ay nakabatay sa pagpapahayag nito at sa pagkilos o paggawa ayon sa mga hinihiling nito.
Tungkol naman sa totoong kahulugan nito na hindi dapat lumihis dito ang pag-unawa ay walang sinasamba sa totoo kundi si Allah; ang kahulugan nito ay hindi ‘walang Tagapaglikha kundi si Allah, ’o ‘walang may kakayahang lumalang kundi si Allah, ’o ‘walang umiiral kundi si Allah.’
Ang pahayag na ito ay may dalawang Saligan:
1. Ang pagkakaila. Ito ay napapaloob sa pagsabi natin ng Lá Iláha: Walang Diyos, sapagkat ikinaila nito ang pagkadiyos sa lahat ng bagay.
2. Ang pagkilala. Ito ay napapaloob sa pagsabi natin ng Illalláh: Kundi si Allah, sapagkat kinilala nito na ang pagkadiyos ay ukol kay Allah lamang: wala Siyang katambal.
Samakatuwid, walang sasambahin kundi si Allah lamang at hindi ipinahihintulot na magbaling ng anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba bukod pa kay Allah. Kaya ang sinumang magsabi ng Lá Iláha Illalláh, nang nalalaman niya ang kahulugan nito at kumikilos ayon sa hinihiling nito gaya ng pagtanggi sa Shirk at pagkilala sa kaisahan ni Allah, kalakip ng matatag na paniniwala sa isinasaad nito at ng pagkilos ayon dito, siya talaga ang Muslim. Ang sinumang kumiki-los ayon sa hinihiling ng Lá Iláha Illalláh, ngunit walang paniniwala rito, siya ay isang Munáfiq; ang sinumang kumikilos nang salungat sa hinihiling nito gaya ng paggawa ng Shirk, siya ay isang Mushrik na Káfir; kahit pa man sabihin niya ito sa pamamagitan ng bibig niya.
معنى الصفحة 2 من 7
Ang Kapakinabangang Dulot ng Lá Iláha Illalláh
Ang pahayag na ito ay may maraming mga kapakinabangan at mga bungang idinudulot. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga ito:
1. Na ito ay isang dahilang humahadlang upang manatili magpakai-lanman sa Impiyerno ang sinumang naniniwala sa Tawhíd na naging karapat-dapat na pumasok sa Impiyerno (dahil sa mga nagawang masama). Nasasaad sa Hadíth sa Sahíh al-Bukhárí at Sahíh Muslim na ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Ilalabas sa Impiyerno ang sinumang nagsabi ng Lá Iláha Illalláh habang sa kanyang puso ay may kasimbigat ng isang butil na barley na kabutihan, at ang sinumang nagsabi ng Lá Iláha Illalláh habang sa kanyang puso ay may kasimbigat ng isang butil na trigo na kabutihan, at ilalabas din sa Impiyerno ang sinumang nagsabi ng Lá Iláha Illalláh habang sa kanyang puso ay may kasimbigat ng isang butil na alabok na kabutihan.”
2. Alang-alang dito ay nilikha ang jinn at ang tao. Sinabi ni Allah (51:56): “At hindi Ko nilikha ang Jinní at ang Tao kung hindi upang sambahin nila Ako.”
3. Ito rin ang dahilan kaya isinugo ang mga Sugo at ibinaba ang mga Banal na Aklat. Sinabi Niya (21:25): “At hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng isang sugo kung hindi Namin isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako, kaya naman sambahin ninyo Ako.”
4. Ito ang susi ng pag-aanyaya ng mga sugo ni Allah. Silang lahat ay nag-anyaya sa katuruang ito. Ang bawat isa sa kanila, ayon sa nasasaad sa Qur’án (7:73), ay nagsasabi sa mga taong pinagsuguan sa kanila: “…Sambahin ninyo si Allah; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya.…”
1. Ang Kaalaman
Ito ay ang kaalaman sa kahulugan nito batay sa pagkakaila (na may iba pang totoong Diyos) at pagkilala (na tanging si Allah ang totoong Diyos) at batay sa ang anumang gawaing hinihiling nito. Samakatuwid, kapag nalaman ng isang tao na si Allah ang kailangang sambahin lamang, na ang
معنى الصفحة 3 من 7
pagsamba sa iba sa Kanya ay walang saysay at gumawa siya ayon sa hinihiling ng kaalamang iyon, siya ay talagang nakaaalam sa kahulugan ng Lá iláha illalláh. Nagsabi si Allah (47:19): “Kaya pakaalamin mo na walang Diyos kundi si Allah,…” Sinabi naman ng Sugo (SAS): “Ang sinumang mamatay at nalalaman niya na walang Diyos kundi si Allah, papasok siya sa Paraiso.”
2. Ang Katiyakan
Ito ay nangangahulugang bibigkasin ang Shahádah: Lá iláha illalláh ayon sa katiyakang ikinapapanatag ng puso nang hindi pinapasukan ng anumang mga pag-aalinlangang ihinahasik ng mga demonyong jinní tao at mga demonyong tao. Manapa’y sinasabi ito nang may ganap na katiyakan sa ipinahihiwatig nito. Nagsabi si Allah (49:15): “Ang mga sumasampalataya lamang ay ang mga naniwala kay Allah sa Kanyang Sugo, at pagkatapos ay hindi sila nag-alinlangan …” Nagsabi naman ang Sugo (SAS): “Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at na ako ay Sugo ni Allah. Walang makikipagtagpo kay Allah na isang taong hindi nagdududa sa dalawang [pagsasaksing] ito nang hindi papasok sa Paraiso.”
3. Ang Pagtanggap
Nangangahulugan ito na tatanggapin ang lahat ng hinihiling ng paniniwala sa Lá Iláha Illalláh, sa isip at sa salita. Kaya naman paniniwalaan ang mga Kapahayagan ni Allah at ang lahat ng nasasaad mula sa Sugo (SAS). Tatanggapin ang lahat ng ito, at walang anumang tatanggihan sa mga ito. Nagsabi si Allah (2:285): “Sumampalataya ang Sugo sa ibinaba sa kanya mula sa Panginoon niya, at gayon din ang mga Mananampalataya. Bawat isa ay sumampalataya kay Allah, sa mga anghel Niya, sa mga Aklat Niya, at sa mga sugo Niya. “Hindi kami nagtatangi-tangi sa mga sugo,” sabi nila. At sinabi pa nila: “Narinig namin at tumalima kami; igawad Mo po ang Iyong kapatawaran, Panginoon namin; at sa Iyo ang Hantungan.”
معنى الصفحة 4 من 7
Pumapasok sa larangan ng pagtanggi at kawalan ng pagtanggap ang sinumang tumututol o tumatanggi sa ilan sa mga patakaran o mga kaparusahan na itinakda ng Sharí‘ah (Batas ng Islam), gaya ng mga tumututol sa parusang iginagawad sa salang pagnanakaw o pangangalunya, o sa pag-aasawa ng higit sa isa, o sa paraan ng paghahati ng mana, at iba pa. Nagsabi si Allah (33:36): “Hindi nararapat para sa lalaking mananampalataya ni sa babaeng mananampalataya, kapag nagtakda si Allah at ang Kanyang sugo ng isang kautusan, na magkakaroon pa sila ng pagpipilian sa kanilang pagpapasya.…”
4. Ang Pagpapaakay
Ito ay ang pagsuko at ang pagpapaakay sa pamamagitan ng pagpapaakay sa ipinahihiwatig ng Lá Iláha Illalláh. Marahil ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapaakay at ng pagtanggap ay na ang pagtanggap ay ang pagpapahayag ng pagtanggap sa kawastuhan ng kahulugan nito sa pamamagitan ng salita, samantalang ang pagpa-paakay naman ay ang pagsunod sa pamamagitan ng mga paggawa. Kapag nalaman ng isang tao ang kahulugan ng Lá Iláha Illalláh, naniwala rito nang may katiyakan, at tinanggap ito ngunit hindi naman siya nagpaakay, hindi nagpasakop, hindi sumuko, at hindi niya ginawa ang hinihiling ng kanyang nalaman, tunay na iyon ay wala ring mabuting maidudulot sa kanya. Nagsabi si Allah (39:54): “At magbalik-loob kayo sa inyong Panginoon at sumuko kayo sa Kanya.” at sinabi pa Niya (4:65): “Kaya hindi nga, sumpa man sa iyong Panginoon, hindi sila sumasampalataya hanggat hindi ka nila ginagawang tagahatol sa anumang hidwaang namamagitan sa kanila, at pagkatapos ay hindi sila nakasusumpong sa mga sarili nila ng pagtutol sa anumang ihinusga mo at nagpapasakop sila nang tunay na pagpapasakop.”
5. Ang Katapatan
Ito ay ang katapatan kay Allah, sa pamamagitan ng pagiging tapat sa pananampalataya at tapat sa Pinaniniwalaan. Nagsabi si Allah (9:119): “O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allah at maging kasama kayo ng mga tapat.” Nagsabi naman ang Sugo (SAS): “Ang
معنى الصفحة 5 من 7
sinumang magsabi ng Lá Iláha Illalláh nang tapat mula sa kanyang puso, papasok siya sa Paraiso.” Samakatuwid, kung binigkas man ng isang tao ang Shahádah sa pamamagitan ng kanyang dila ngunit tinanggihan naman sa puso ang ipinahihiwatig nito, hindi makapagliligtas iyon sa kanya; sa halip ay pumapasok lamang siya sa hanay ng mga Munáfiq. Kabilang din sa sumasalungat sa katapatan ay ang pagpapasinungaling sa anumang ihinatid ng Sugo (SAS) na katuruan o ang pagpapasinungaling sa ilan sa ihinatid niya, sapagkat si Allah ay nag-utos sa atin na tumalima at maniwala sa Sugo(SAS), at iniugnay pa nga Niya iyon sa pagtalima sa Kanya. Sinabi Niya (24:54): “Sabihin mo: “Tumalima kayo kay Allah at tumalima kayo sa Sugo;”
6. Ang Kawagasan
Ito ay ang pagdadalisay ng tao sa kanyang gawa o kilos, sa pamamagitan ng matuwid na hangarin, mula sa lahat ng mga bahid ng Shirk. Iyon ay nangangahulugang mamumutawi sa kanya ang lahat ng mga salita at mga gawa upang wagas na iukol kay Allah. Hahangaring makamit ang pagkalugod Niya, nang walang bahid ng pagpapakitang-tao, o ng hangaring mapuri ng tao o, ng layuning magtamo ng kapakinabangan, o ng pansariling hangarin, o ng pagnanasang hayag o lihim, o ng udyok ng pagkilos dala ng pag-big sa isang tao o pananaw sa buhay o prinsipyo o partidong sinusunod nang walang pagsasaalang-alang sa patnubay buhat kay Allah. Manapa’y kailangang siya, sa kanyang gawain, ay naghahangad na makamit ang ikalulugod ni Allah at ang kaligtasan sa Kabilang-buhay. Hindi ibaling ang puso sa kahit sinumang nilikha dahil sa pagnanais na magkamit mula rito ng gantimpala o pagpapasalamat. Nagsabi si Allah (39:3): “Tunay ngang ukol kay Allah ang wagas na pagsamba.…” at sinabi pa Niya (98:5): “At walang iniutos sa kanila kundi sambahin nila si Allah, habang wagas na inuukol sa Kanya ang pagsamba…” Nasasaad naman sa Sahíh al-Bukhárí at Sahíh Muslim, sa Hadíth na isinalaysay ni ‘Utbán, na ang sabi ng Sugo (SAS): “At tunay na si Allah ay nagkait nga sa Impiyerno ng sinumang nagpahayag ng Lá Iláha Illalláh, na naghahangad sa pamamagitan niyon ng ikinalulugod ni Allah.”
معنى الصفحة 6 من 7
7. Ang Pag-ibig
Ang tinutukoy rito ay ang pag-ibig sa dakilang Pahayag na ito, at sa ipinahihiwatig nito at sa hinihiling nito. Samakatuwid, iibigin si Allah at ang Kanyang Sugo (SAS), pangingibabawin ang pag-ibig sa Kanilang dalawa higit sa lahat ng pag-ibig, at gagampanan ang mga kundisyong hinihingi ng pag-ibig na ito at ang mga hinihiling na gagawin para rito. Iibigin si Allah nang may kalakip na pagpipitagan, pagdakila, takot, at pag-asa. Iibigin ang iniibig ni Allah na mga pook gaya ng Makkah, Madínah, at mga masjid—sa kabuuan; mga panahon na gaya ng buwan ng Ramadán, unang sampung araw sa buwan ng Dhulhijjah at iba pa; mga persona na gaya ng mga propeta, mga sugo, mga anghel, mga matapat na tao, mga Shahíd (taong namatay na nakikipaglaban alang-alang sa Islam.), at mga matuwid na tao; mga gawaing panrelihiyon na gaya ng pagsasagawa saláh, pagbibigay ng zakáh, pag-aayuno, at pagsasagawa ng hajj; mga salita na gaya ng pagbigkas ng dhikr at pagbabasa ng Qur’án.
Kabilang din sa pag-ibig na ibigin ang mga iniibig ni Allah nang higit kaysa sa mga iniibig ng sarili, mga pinakaaasam-asam nito at mga minimithi nito. Bahagi rin ng pag-ibig kay Allah na kasuklaman ang kinasusuklaman Niya: kasusuklaman ang mga walang pananampalataya, ang kawalang-pananampalataya, ang kasuwailan, at ang pagsuway. Nagsabi si Allah (5:54): “O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod sa inyo sa kanyang relihiyon, magdadala si Allah ng mga taong Kanyang iibigin sila at kanilang iibigin Siya, na mga mapagpakumbaba sa mga Mananampalataya, mga mabagsik sa mga Tumatangging sumampalataya. Makikibaka sila sa landas ni Allah at hindi sila mangangamba sa paninisi ng naninisi. …”
Ang Kahulugan ng Muhammad Rasúlulláh
Ang Muhammad Rasúlulláh (si Muhammad ay Sugo ni Allah) ay ang pagkilala sa salita at sa isip na siya ay Lingkod at Sugo ni Allah sa lahat ng tao, at ang pagkilos at paggawa ayon sa hinihiling ng pagkilalang ito, gaya ng pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, paniniwala sa anumang sinabi niya, pag-iwas sa anumang ipinagbawal niya at sinaway, at na hindi sasambahin si Allah kung hindi ayon sa kanyang itinagubilin. Ang pagsaksi
معنى الصفحة 7 من 7
na si Muhammad ay Sugo ni Allah ay may dalawang Haligi o Batayan: Lingkod ni Allah at Sugo ni Allah. Ang dalawang ito ay humahadlang sa pagpapalabis at pagsasawalang-bahala sa karapatan niya. Siya ang Lingkod at ang Sugo ni Allah at siya ang pinakaganap na nilikha dahil sa dalawang marangal na katangiang ito. Ang kahulugan ng Lingkod dito ay ang mananambang alipin. Ibig sabihin: siya ay isang taong nilikha na nilikha mula sa kung saan nilikha ang mga tao; nangyayari sa kanya ang nangyayari sa kanila. Sinabi ni Allah (18:110): “Sabihin mo: “Ako ay tao lamang na tulad ninyo.” at ang sabi pa Niya (18:1): “Ang papuri ay ukol kay Allah na nagbaba sa Kanyang lingkod ng Aklat at hindi Niya ito nilagyan ng kabaluktutan.”
Ang kahulugan naman ng Sugo ay ang isinugo sa lahat ng tao dala ang paanyaya sa pagsamba kay Allah, bilang tagapaghatid ng nakalulugod na balita at tagapagbabala. Sa pagsaksi sa kanya (SAS) sa pamamagitan ng dalawang katangiang ito (Lingkod at Sugo) ay nahahadlangan ang pagpapalabis at pagwawalang-bahala sa karapatan niya. Kaya nga lamang mayroong maraming nag-aangking kabilang diumano sa mga tagasunod niya na nagpapalabis at nagpapasobra kaugnay sa kanyang karapatan hanggang sa inangat na siya, mula sa antas ng pagiging mananamba, sa antas na pinag-uukulan ng pagsamba bukod pa kay Allah. Hinihingan siya ng saklolo bukod pa kay Allah. Hinihilingan siya ng bagay na walang may kakayahang magbigay kundi si Allah, gaya ng pagtugon sa mga pangangailangan at pag-aalis ng mga kapighatian. May iba namang nagkakaila sa kanyang mensahe o nagsasawalang-bahala sa pagsunod sa kanya o sumasalig sa mga pahayag na sumasalungat sa mensaheng hinatid niya.