Ang mga Alituntunin
sa Zakáh
Mga Nilalaman
1. Ang Hatol Kaugnay sa Zakáh .............................5
2. Ang Zakáh sa Ginto, Pilak at Pera ......................6
3. Ang Zakáh sa mga Kalakal .................................8
4. Ang Zakáh sa Shares o Sapi sa Kompanya ......10
5. Ang Zakáh sa Produkto ng Lupa ......................11
6. Ang Zakáh sa Hayop ........................................12
7. Paraan ng Pagkukuwenta ng Zakáh ..................13
8. Ang Mga Karapat-dapat sa Zakáh ....................16
9. Ilang Paalaala Hinggil sa Zakáh .......................18
10. Ang Zakátulfitr .................................................19
11. Ilang Paalaala Hinggil sa Zakátulfitr ................23
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
5
Ang mga Alituntunin
sa Zakáh
Ang Hatol Kaugnay sa Zakáh
Ang zakáh ay ang ikatlo sa mga Haligi ng Islam.
Tungkulin ng isang Muslim na magbigay ng zakáh1 kapag
nagmay-ari ng nisáb2 nito at inabutan ito sa kanya ng isang
taon. Sinabi ni Allah (2:110): “Panatilihin ninyo ang
pagdarasal at ibigay ninyo ang zakáh.” Ang
pagsasabatas sa Islam ng zakáh ay kapupulutan ng
maraming aral at kapakinabangan. Ang sumusunod ay ang
ilan sa mga ito:
1. Ang paglilinis sa kaluluwa at ang paglalayo nito sa
karamutan at kakuriputan;
2. Ang pagsasanay sa isang Muslim upang maging
mapagbigay;
3. Ang pagpapatatag sa mga bigkis ng pagmamahalan sa
pagitan ng mayaman at mahirap sapagkat ang mga tao
ay nilikhang may kalikasang mahalin ang sinumang
nagmamagandang-loob sa kanila;
4. Ang pagsuporta sa isang mahirap na Muslim at ang
pagpuno ng pangangailangan niya; at
1
Ang buwis ng pamahalaan ay hindi kapalit o katumbas ng zakáh.
2
Ang nisáb ay ang minimum na bilang o halaga ng ari-arian upang ito
ay maaari nang patawan ng zakáh.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
6
5. Ang paglilinis sa mga tao sa mga kasalanan nila at mga
pagkakamali sapagkat sa pamamagitan nito ay napapawi
ang mga maling gawa at tumataas ang antas nila kay
Allah.
Ang mga Kailangang Patawan ng Zakáh
Kinakailangang ipataw ito sa ginto, pilak, pera,3
kalakal at produkto ng lupa gaya ng mga butil, mga
bunga, at mga mineral at metal na minimina.
Ang Zakáh sa Ginto, Pilak at Pera
Pinapatawan ng zakáh ang ginto at ang pilak maging
anuman ang anyo ng mga ito. Kailangang magbigay ng
zakáh para sa ginto o pilak ang sinumang nagmamay-ari ng
mga ito na umabot sa nisáb. Ang nisáb ng purong ginto ay 20
Mithqál o katumbas ng 85 gramo at ang nisáb naman ng
purong pilak ay 200 Dirham o katumbas ng 595 gramo.4 Ang
sinumang nagmay-ari ng nisáb ng ginto ay kailangang
magbigay ng 2.5% ng minamay-aring ginto at ang sinumang
nagmay-ari ng nisáb ng pilak ay kailangan ding magbigay ng
2.5% ng minamay-aring pilak. Kapag ninais na magbigay
ng zakáh na pera, kailangang alamin ang halaga ng ginto o
3
Kapag nagmamay-ari ng ginto o pilak o pera na nananatiling umaabot
sa nisáb, kailangan pa ring magbigay ng zakáh para rito taon-taon kahit
nakapagbayad na sa nakalipas na taon o mga taon.
4
Kaya ang nagmamay-ari ng purong ginto o purong pilak na umabot o
humigit sa nisáb ay kailangang magbigay ng zakáh na 2.5% o 1/40 ng
kabuuan ng tinataglay na ginto o pilak.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
7
pilak sa mismong araw na inabutan ng isang taon ang ginto o
ang pilak at pagkatapos ay magbigay ng zakáh para rito na
katumbas sa perang ginagamit sa tinitirahang bayan.5
Halimbawa: Kung sakaling nagmay-ari ang isang
Muslim ng 100 gramong purong ginto, kailangang
magbigay siya ng zakáh para rito dahil nagmay-aari siya
ng gintong umabot sa nisáb. Ang zakáh nito ay 2.5
gramong ginto. Kung ninais na pera ang ibigay para sa
zakáh nito, aalamin ang halaga ng 100 gramong ginto kapag
ito ay inabutan ng isang taon sa kanya at saka magbigay ng
zakáh na pera na 2.5% ng halaga ng kanyang ginto.
Kinakailangan ding magbigay ng zakáh para sa pera kapag
umabot ito sa nisáb. Kaya ang sinumang nagmay-ari ng pera na
5
Kung nagmamay-ari ng hindi purong ginto o gintong hindi umabot sa
24 karat, na siya namang karaniwan sa ginto sa ngayon, ay kailangang
ipaghambing ang halaga ng taglay ginto sa halaga ng 85 gramong purong
ginto. Kung ang halaga ng ginto ay mababa sa halaga ng 85 gramong
purong ginto, hindi papatawan ng zakáh ang ginto; kung ang halaga
naman ng ginto ay umabot sa halaga ng 85 gramong purong ginto o
higit pa, kailangang magbigay ng zakáh na katumbas sa 2.5% o 1/40 ng
kabuuang halaga ng ginto. Ang batayan sa pagkukuwenta ng zakáh para
sa halaga ng alahas na ginto ay hindi ang halaga ng pagkakabili ng alahas
kundi ang gintong tinataglay nito. Karaniwang higit na mataas ang halaga
ng alahas kaysa sa tunay na halaga ng gintong nilalaman dahil ang gastos
sa paggawa nito ay ipinatong na sa halaga. Halimbawa: Kung nagmamayari
ng 100 gramo na (mga) alahas na hindi purong ginto, aalamin sa
alahero ang tunay na halaga ng nilalamang ginto ng mga alahas at ito
ang pagbabatayan ng halaga—hindi ang halaga ng pagkakabili ng alahas.
Kaya kung ang 100 gramong alahas na hindi purong ginto ay hindi umabot
sa halaga ng 85 gramong purong ginto, hindi ito papatawan ng zakáh.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
8
[hindi bababa sa halagang] katumbas sa halaga ng 85
gramong purong ginto. Kaya ang gagawin ng isang Muslim,
kapag nagtataglay ng pera na inabutan ng isang taon sa
pagmamay-ari niya, ay ang magtanong sa isang awtorisadong
nagtitinda ng ginto hinggil sa halaga ng 85 gramong purong
ginto. Kapag nagtataglay siya ng halagang katumbas niyon o
higit pa, magbigay siya ng zakáh para rito [na katumbas sa
2.5% ng halaga nito]. Ngunit kung ang taglay niyang halaga ay
mababa sa halaga na sinabi ng tinanungan, hindi siya
obligado na magbibay ng zakáh.
Halimbawa: Kung ang isang tao ay nagtataglay ng 800$
at inabutan ito ng isang taon, aalamin niya ang halaga ng
purong ginto kung ang batayan ng perang umiiral sa bansa
ay ginto, o aalamin naman niya ang halaga ng purong pilak
kung ang batayan ng perang umiiral sa bansa ay pilak.6 Kung
napag-alaman niya na ang halaga ng 85 gramong ginto ay
850$, halimbawa, hindi na niya kailangang magbigay ng
zakáh dahil ang halagang tinataglay niya ay hindi umabot sa
nisáb o sa halagang katumbas sa 85 gramong ginto. Tulad
din nito ang gagawing pagkuwenta kung ang batayan ng
pera ng bansa ay pilak.
Ang Zakáh sa mga Kalakal
Isinatungkulin ng Islam para sa isang Muslim na
mangangalakal na nagmamay-ari ng yamang ginagamit niya
6 Bagamat wala nang bansa sa ngayon na gumagamit ng gold standard
o silver standard, ang karamihan sa mga Bangko Sentral sa buong
mundo ay gumagamit pa rin ng ginto bilang resreve.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
9
sa pangangalakal na magbigay ng taunang zakáh bilang
pasasalamat sa biyaya ni Allah at pagtupad sa tungkulin
niya sa mga nangangailangang kapatid sa
pananampalataya. Saklaw ng pagpapataw ng zakáh ang
lahat ng naipagbibili at nabibili7 sa layuning tumubo,
gaya ng real estate, hayop, pagkain, inumin, sasakyan at
iba pa.
Ang kundisyon para sa zakáh na ito ay kailangang
umabot sa nisáb ang kalakal. Ito ay malalaman sa
pamamagitan ng paghahambing ng kabuuang halaga ng
kalakal sa halaga ng nisáb ng ginto o pilak. Kailangang
magbigay taun-taon ng zakáh para rito na katumbas sa
2.5% ng kabuuang halaga ng mga paninda. Kaya kung
nagmay-ari, halimbawa, ang isang tao ng kalakal na
nagkakahalaga ng 100,000 Piso, kailangang magbigay ng
zakáh na 2,500 Piso kung umabot sa nisáb ng ginto ang
100,000 Piso. Ang mangangalakal na nagtitinda at
bumibili ay kailangang magsagawa ng pagtataya ng
halaga ng mga paninda na tinataglay niya sa simula ng
bawat taon at saka siya magbayad ng zakáh nito. Kung
ang isang mangangalakal ay bumili ng kalakal 10 araw bago
ganap na natapos ang isang taon, papatawan pa rin ng zakáh
ang kalakal na ito kasama ng iba pang mga kalakal.
Nagsisimula ang taon ng pangangalakal sa unang
araw na nagsimula ito. Ang pagbibigay ng zakáh ay
taunan kaya kailangang magbigay ang isang Muslim ng
7 Ang kalakal na naipagbibili at nabibili ay mga paninda at hindi serbisyo.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
10
zakáh para sa ari-arian taun-taon. Ang ikinakalakal na mga
alagang hayop na umaaasa sa pakain (hindi kusang
nanginginain sa pastulan) ay pinapatawan ng zakáh—
maabot man ng mga ito ang bilang ng nisáb para sa
alagang hayop o hindi maabot—kapag umabot sa nisáb ng
pera ang kabuuang halaga nito. Ang zakáh para rito ay
pera.
Ang Zakáh sa Shares o Sapi sa
Kompanya
Sa ngayon ay may mga taong namumuhanan sa
pamamagitan ng pagmamay-ari ng shares o mga sapi sa
mga kompanyang tulad ng real estates at iba pa.
Mayroon sa kanila na naglalagak ng pera sa mga sapi, na
maaaring kumita o malugi kung magkaminsan sa loob ng
ilang taon. Ang mga sapi na ito ay pinapatawan ng zakáh
dahil ang mga ito ay itinuturing na kalakal. Kaya
tungkulin ng isang Muslim na nagmamay-ari ng shares sa
isang Kompanya na alamin taun-taon ang kabuuang
halaga ng shares niya at saka magbigay ng zakáh. Maaari
ring pagsabay-sabayin ang pagbabayad ng zakáh para sa
kung ilang taon kapag naipagbili na ang mga shares at
natanggap ang halaga.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
11
Ang Zakáh sa Produkto ng Lupa
Pinapatawan ng zakáh ang mga produkto ng lupa na
natatakal at naiimbak gaya ng dates, trigo, barley, palay,
munggo, mais at mga gaya nito, ngunit hindi pinapatawan
ng zakáh ang mga prutas at ang mga gulay. Pinapatawan ng
zakáh kapag umabot [ang lahat ng ito maliban sa barley]
sa nisáb na katumbas sa 675 Kilo. Ang nisáb ng barley ay
552 Kilo. Sa ganitong uri ng zakáh, hindi na kailangang
lumipas muna ang isang taon bago magbigay ng zakáh
bagkus magbibigay ng zakáh tuwing anihan.
Pinapatawan ng zakáh na 10% ng kabuuang ani kapag ito
ay itinanim sa lupang pinatutubigan ng ulan, mga ilog at
tulad nito, o sa madaling salita: hindi na nagpapakahirap o
gumagastos ang isang magsasaka sa pagpapatubig.
Subalit kung magpapakahirap o gagastos pa kapag
patutubigan ang lupa, ang ipinapataw na zakáh ay 5% ng
kabuuang ani. Halimbawa: Kung nagtanim ng palay ang
magsasaka at umani siya ng 800 Kilo, papatawan ito ng
zakáh dahil ang nisáb ng palay ay 675 Kilo. Papatawan
ito ng zakáh na 10% ng ani o 80 Kilo kung napatubigan
ang lupang pinagtaniman nang walang trabaho o gastos, o
5% ng ani o 40 Kilo kung napatubigan ang lupa nang may
trabaho at gastos.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
12
Ang Zakáh sa Hayop8
Ang hayop na tinutukoy rito ay kamelyo, baka,
kalabaw, tupa at kambing. Pinapatawan ng zakáh ang mga
hayop na ito alinsunod sa sumusunod na mga
kundisyon:9
1. Ang pagkaabot sa nisáb. Ang nisáb sa kamelyo ay 5
kamelyo; ang nisáb sa tupa o kambing ay 40 tupa o
kambing; at ang nisáb sa baka o kalabaw ay 30 baka o
kalabaw. Ang mababa pa sa alin man sa nabanggit na
nisáb ay hindi pinapatawan ng zakáh;
2. Na aabutan ang mga ito ng isang taon na taglay pa rin
ng may-ari ng mga ito;
3. Na ang alinman sa mga ito ay sá’imah: nanginginain
nang kusa sa pastulan sa higit na maraming araw ng taon.
Hindi pinapatawan ng zakáh ang mga hayop na
kinukumpayan o binibilhan o binibigyan ng pakain,
maliban kung kusang nanginginain ang mga ito sa
higit na maraming araw ng taon dahil pinapatawan ang
mga ito ng zakáh ayon sa nisáb ng mga ito;
4. Na hindi ipinantatrabaho ang mga ito o ginagamit ng
may-ari ng mga ito sa pag-aararo, paghihila ng kariton
at iba pang gawain.
8
Kailangan pa ring magbigay ng zakáh bawat taon para sa mga hayop na
pinapatawan ng zakáh kahit nakapagbigay na sa nagdaang (mga) taon. Ang
hayop na ibinibigay bilang zakáh ay kailangang walang kapansanan.
9
Buhay na hayop at hindi pera ang ibinibigay bilang zakáh para sa hayop.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
13
Paraan ng Pagkukuwenta ng Zakáh
Ang Zakáh sa Kamelyo10
Pinapatawan ng zakáh ang mga kamelyo kapag
umabot ang mga ito sa nisáb na 5 kamelyo. Kaya kapag
nagmay-ari ang isang Muslim ng 5 hanggang 9 kamelyo at
inabutan ang mga ito ng isang taon at nanatiling pag-aari pa
rin niya, ang zakáh ay 1 tupa na isang taong gulang.
Kapag nagmay-ari ng 10 hanggang 14, ang zakáh ay 2
tupa; kapag nagmay-ari ng 15 hanggang 19, ang zakáh ay 3
tupa; kapag nagmay-ari ng 20 hanggang 24, ang zakáh ay 4
tupa; kapag nagmay-ari ng 25 hanggang 35, ang zakáh
ay 1 babaeng kamelyo na 1 taong gulang ngunit kung
wala nito ay sapat na ang 1 lalaking kamelyo na 2 taong
gulang; kapag nagmay-ari ng 36 hanggang 45, ang zakáh ay
1 babaeng kamelyo na 2 taong gulang; kapag nagmay-ari
ng 46 hanggang 60, ang zakáh ay 1 babaeng kamelyo na 3
taong gulang; kapag nagmay-ari ng 61 hanggang 75, ang
zakáh ay 1 babaeng kamelyo na 4 taong gulang; kapag
nagmay-ari ng 76 hanggang 90, ang zakáh ay 2 babaeng
kamelyo na 2 taong gulang; kapag nagmay-ari ng 91
hanggang 120, ang zakáh ay 2 babaeng kamelyo na 3 taong
gulang. Kapag sumobra pa sa 120 kamelyo, ang zakáh
ay 1 babaeng kamelyo na 2 taong gulang sa bawat 40 kamelyo
na karagdagan o 1 babaeng kamelyo na 3 taong gulang sa
10 Bagamat walang kamelyo sa Pilipinas, minabuti pa rin nating talakayin
ang tungkol sa zakáh nito upang maging masaklaw ang aklat na ito.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
14
bawat 50 kamelyo na karagdagan. Sa halip na tupa ay
maaaring kambing ang ibigay. Heto ang talahanayang
naglilinaw sa pagkukuwenta ng zakáh para sa kamelyo:
Bilang Zakáh
Mula Hanggan Dami Uri
5 9 1 tupa o kambing
10 14 2 tupa o kambing
15 19 3 tupa o kambing
20 24 4 tupa o kambing
25 35 1 1 taon na babaeng kamelyo
36 45 1 2 taon na babaeng kamelyo
46 60 1 3 taon na babaeng kamelyo
61 75 1 4 taon na babaeng kamelyo
76 90 2 2 taon na babaeng kamelyo
91 120 2 3 taon na babaeng kamelyo
Kapag sumobra pa sa 120, ang zakáh ay 1 babaeng
kamelyo na 2 taong gulang sa bawat 40 na karagdagan o 1
babaeng kamelyo na 3 taong gulang sa bawat 50 na
karagdagan.
Ang Zakáh sa Baka11
Kapag nagmay-ari ng 30 baka hanggang 39 baka, ang
zakáh ay 1 guya na isang taong gulang. Kapag nagmayari
ng 40 hanggang 59, ang zakáh ay 1 guya na dalawang
taong gulang; kapag nagmay-ari ng 60 hanggang 69, ang
11
Ang patakaran sa kalabaw ay katulad din ng sa baka.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
15
zakáh ay 2 guya na isang taong gulang; kapag nagmayari
ng 70 hanggang 79, ang zakáh ay 1 guya na isang
taong gulang at 1 guya na dalawang taong gulang.
Pagkatapos nito, sa bawat 30 baka na karagdagan ang
zakáh ay 1 guya na isang taong gulang, o sa bawat 40 baka
na karagdagan ang zakáh ay 1 guya na dalawang taong
gulang. Ganito ang pagtutuos saanman umabot ang bilang.
Bilang Zakáh
Mula Hanggan Dami Uri
30 39 1 1 taon na guya
40 59 1 2 taon na guya
60 69 2 1 taon na guya
70 79 2 1 taon at 2 taon na guya
Ang Zakáh sa Tupa12
Kapag nagmay-ari ng 40 hanggang 120 tupa, ang
zakáh ay 1 tupa. Kapag nagmay-ari ng 121 hanggang
200, ang zakáh ay 2 tupa; kapag nagmay-ari ng 201
hanggang 300, ang zakáh ay 3 tupa; kapag nagmay-ari
ng 301 hanggang 400, ang zakáh ay 4 tupa; kapag
nagmay-ari ng 401 hanggang 500, ang zakáh ay 5 tupa. Sa
bawat 100 tupa na karagdagan ang zakáh ay 1 tupa maging
gaanuman karami ang madadagdag.
12 Ang patakaran sa kambing ay katulad din ng sa tupa. Ang tupang
ibinibigay bilang zakáh ay mga 6 buwan pataas, walang kapansanan at
hindi napakatanda.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
16
Bilang Zakáh
Mula Hanggan Dami Uri
40 120 1 tupa
121 200 2 tupa
201 300 3 tupa
301 400 4 tupa
401 500 5 tupa
Isang tupa ang ibibigay bilang zakáh sa bawat isang
daang karagdagang tupa.
Ang Mga Karapat-dapat sa Zakáh
Nagsabi si Allah (9:60): “Ang mga zakáh ay para
lamang sa mga maralita, sa mga dukha,13 sa mga
naglilingkod sa pagtitipon nito, sa mga mapalulubag-loob
ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin, sa mga
nagkakautang, sa landas ni Allah, at sa manlalakbay —
isang tungkuling iniatang ni Allah. Si Allah ay
Maalam, Marunong.”
Nilinaw rito ni Allah ang walong uri ng tao na ang
bawat isa ay karapat-dapat na tumanggap ng zakáh. Ang
zakáh sa Islam ay bumabalik sa lipunan lalong-lalo na sa
mga may pangangailangan at hindi sa mga alagad ng
relihiyon gaya ng nangyayari sa ibang mga relihiyon.
13
Ayon sa Tagalog-English DICTIONARY ni Leo James English ang
maralita ay extremely poor o lubhang mahirap at ang dukha naman ay
poor o mahirap.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
17
Ang sumusunod ay ang mga karapat-dapat na tumanggap
ng zakáh
1. Ang maralita (faqír) ay ang hindi makatugon sa
kahit kalahati man lamang sa pangangailangan niya;
2. Ang dukha (miskín) naman ay ang may kakayahang
tumugon sa higit sa kalahati sa pangangailangan niya
ngunit hindi niya kayang tugunan nang lubusan ang
pangangailangan. Pagkakalooban sila ng zakáh ayon sa
pangangailangan nila sa loob ng ilang buwan o isang
taon;
3. Ang mga naglilingkod sa pagtitipon zakáh ay ang mga
tao na binigyan ng pamahalaang Muslim ng
kapangyarihang mangalap ng zakáh mula sa mga
kailangang magbigay nito. Bibigyan ang bawat isa sa
kanila ng suweldong katumbas sa pinagtrabahuhan
niya at angkop sa katungkulan niya, kahit pa man siya
ay isang mayaman;
4. Ang mga mapalulubag-loob ang mga puso sa
Islam ay ang mga pinunong sinusunod sa lipunan nila,
na hinahangad na pumasok sa Islam o tumigil na sa
pamiminsala sa mga Muslim. Kabilang din dito ang
mga bagong pasok sa Islam o ang mga taong maaakit
ang puso sa Islam upang lumakas ang paniniwala sa
mga puso nila;
5. Ang pagpapalaya ng alipin ay ang pagbili sa
kalayaan nito sa pamamagitan ng zakáh at pati na ng
kalayaan ng mga Muslim na binihag ng kaaway;
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
18
6. Ang mga nagkakautang ay bibigyan ng zakáh
upang ipambayad sa utang nila. Kailangangan ang
tatanggap nito ay isang mahirap na Muslim, hindi
mayamang may kakayahan na magbayad at hindi
taong nagkautang dahil sa paggawa ng kasalanan, at
dumating na ang oras upang magbayad;
7. Ang landas ni Allah ay tumutukoy sa mga Mujáhid na
mga nagkukusang-loob at hindi tumatanggap ng
suweldo. Tatanggap sila ng zakáh para sa sarili nila at
para ipanggugugol sa pagbili ng mga sandata nila. Ang
pag-aaral ng Islam ay Pakikibaka (Jihád) rin; kaya
kung may Muslim na walang pera ngunit nais niyang
ilaan ang sarili niya sa pag-aaral ng Islam,
ipinahihintulot na bigyan siya ng zakáh na sasapat sa
pag-aral lamang;
8. Ang manlalakbay na tinutukoy rito ay ang isang
taong kinapos ng panggastos habang naglalakbay at
walang maipanggugugol para sa pagbalik sa bayan
niya. Siya ay pagkakalooban ng panggastos na mula sa
zakáh upang makabalik sa bayan niya—kahit pa man
siya ay mayaman sa bayan niya.
Ilang Paalaala Hinggil sa Zakáh
1. Hindi ipinahihintulot gugulin ang zakáh sa pagpapatayo
ng mga masjid, sa pagpapaayos ng mga daan at
sa iba pang mga gawaing katulad ng mga ito.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
19
2. Walang zakáh para sa yamang hango sa dagat gaya ng
perlas, coral, isda, at iba pa maliban kung ang mga ito
ay itinitinda.
3. Walang zakáh para sa mga paupahang gusali, mga
pagawaan, at iba pang tulad nito ngunit pinapatawan ng
zakáh ang mga kinita mula rito kapag inabutan ng
isang taon. Halimbawa: May paupahang bahay ang
isang tao at tumatanggap siya ng upa mula rito; kapag
naabutan ng isang taon ang halagang ito, o ang
bahagi nito, na umabot sa nisáb, papatawan ito ng
zakáh.
Ang Zakátulfitr
Ang pagbibigay ng zakáh na tinatawag na zakátul- fitr
(fitrah o sadaqatulfitr o) sa katapusan ng Ramadan, ang
buwan ng pag-aayuno, ay isinatungkulin ni Allah. Ito ay
ibinibigay bago isagawa ang saláh ng ‘Ídulfitr. Sa Hadíth
na nasasaad sa Sahíh al-Bukhárí at Sahíh Muslim,
naiulat na sinabi ni ‘Abdulláh ibnu ‘Umar (RA):14 “Ang
pagbibigay ng zakátulfitr na katumbas sa isang sá‘ na
datiles (dates) o isang sá‘ na trigo ay isinatungkulin ng
14 (RA): Radiyalláhu ‘Anhu para sa lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para
sa babae, Radiyalláhu ‘Anhum para sa marami; ang ibig sabihin nito
ay: Kalugdan siya (o sila) ni Allah. Binabanggit ito kapag nabanggit ang
pangalan o taguri ng kasamahan o asawa ni Propeta Muhammad (SAS).
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
20
Sugo ni Allah (SAS)15 para sa mga Muslim: alipin man o
malaya, lalaki man o babae, at bata man o matanda.
Iniutos niyang ibigay ito bago pumunta ang mga tao sa
lugar na pagsasagawaan ng saláh ng ‘Ídulfitr.” Ang
isang sá‘ ay isang takal na katumbas ng dalawa at
kalahating kilo.
Ang Hatol Kaugnay Rito
Ito ay tungkulin ng isang Muslim: lalaki man o
babae, bata man o matanda, at alipin man o malaya.
Tungkulin din niyang magbayad nito para sa mga taong
umaasa sa kanya gaya ng asawa o mga kaanak niya
kung hindi kaya nila na sila mismo ang magbayad.
Subalit kung makakaya rin lamang nila, mainam na sila
na ang magbayad nito para sa mga sarili nila dahil sila
mismo ang naatasang magbigay. Obligado lamang
magbigay nito ang isang Muslim kung manggagaling ito
sa sobra sa pangangailangan niya para sa araw at
bisperas ng ‘Ídulfitr.
Ang Dahilan ng Pagbibigay Nito
Ito ay magsisilbing panlinis para sa nag-aayuno para sa
nagawa niyang pagkakamali at kasalanan habang nagaayuno
siya. Ito ay pagkain para sa mga mahirap sa araw
15
(SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at batiin siya ni
Allah. Sinasabi ito kapag binanggit ang pangalan o ang taguri ni Propeta
Muhammad (SAS) o kapag tinutukoy siya.
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
21
ng ‘Ídulfitr, ang araw ng pagsasaya at tuwa. Ito ay tanda
rin ng pagpapakita ng pasasalamat sa mga biyaya ni
Allah, na natapos niya ang pag-aayuno at nakagawa
siya ng mga nakayanang mabuting gawa. Ayon sa sabi
ni ibnu ‘Abbás (RA): “Ginawa ng Sugo ni Allah (SAS)
na isang tungkulin ang pagbibigay ng zakátulfitr bilang
paglilinis para sa nag-aayuno para sa mga nagawa nitong
pagkakamali at masama (habang nag-aayuno) at pagkain
para sa mga mahihirap.” Ito ay Hadíth na isinalaysay nina
Abú Dáwúd, ad-Dáruqutní at al-Hákim.
Ang Dami at Uri Nito
Isang sá‘ ng trigo o dates o pasas o anumang uri ng
butil na karaniwang kinakain ng mga tao sa isang lugar.
Bigas ang karaniwang ibinibigay bilang zakátul-fitr sa
Pilipinas; o mais kung ito ang kinakain ng mga tao sa
lugar na iyon. Ang isang sá‘ ay katumbas ng dalawa at
kalahating kilo. Hindi tanggap na ang ibigay bilang
zakátulfitr ay damit o anumang bagay bukod pa sa mga
pagkaing nabanggit. Hindi rin maaaring ang ibigay ay
perang katumbas ng zakátulfitr dahil salungat ito sa
iniutos ng Propeta (SAS).
Kanino Ito Maaaring Ibigay
Ito ay ibinibigay sa mga mahihirap na naninirahan sa
lugar na pinaninirahan din ng magbibigay nito. Kung hindi
niya kilala ang mga karapat-dapat tumanggap nito,
maaari itong ibigay sa ibang lugar na kilala niya kung
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
22
sino ang karapat-dapat tumanggap nito roon. Sa mga
mahirap lamang ibinibigay ang zakátulfitr.
Ang Oras ng Pagbibigay Nito
Kailangang ibigay ito paglubog ng araw sa bisperas ng
‘Ídulfitr. Ang pinakamainam na oras ng pagbibigay nito ay
sa umaga ng ‘Ídulfitr bago isagawa ang saláh ng ‘Ídulfitr.
Batay ito sa Hadíth na nabanggit na natin. Ipinahihintulot
na ibigay ito isang araw o dalawang araw bago sumapit
ang ‘Ídulfitr. Ipinagbabawal na ipagpaliban ang pagbigay
nito upang ibigay pagkatapos ng saláh ng ‘Ídulfitr. Kung
ibinigay ito pagkatapos ng saláh ng ‘Ídulfitr nang walang
katanggap-tanggap na dahilan, hindi na ito zakátulfitr kundi
isang karaniwang sadaqah (kawanggawa) na lamang.
Walang masama kung nahuli sa saláh ng ‘Ídulfitr ang
pagbibigay nito kung mayroon namang katanggap-tanggap
na dahilan. Ang halimbawa ng katanggap-tanggap na
dahilan ay kapag huli na ng mabalitaan kung kailan ang
tumpak na araw ng ‘Ídulfitr o kung sakaling nakatira sa
isang lugar na malayo at walang tao roon na maaaring
bigyan ng zakátulfitr. Nagsabi ang Propeta (SAS): “Ang
sino mang magbigay nito (zakátulfitr) bago isagawa ang
saláh [ng ‘Ídulfitr], tanggap ito (bilang zakátulfitr);
ngunit ang sinumang magbigay nito pagkatapos ng
saláh (ng ‘Ídulfitr), ito ay magiging isang sadaqah na
lamang katulad ng ibang mga sadaqah.”
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
23
Ilang Paalaala Hinggil sa Zakátulfitr
1. Ipinahihintulot na ipamahagi ang zakátulfitr sa higit sa
isang taong mahirap at ipinahihintulot din na
tumanggap ang isang taong mahirap ng higit sa isang
zakátulfitr. Ipinahihintulot din na ilagay ang mga
zakátulfitr sa isang lalagyan at ibigay sa mga mahirap
nang hindi na sinusukat pa.
2. Hindi ipinahihintulot na di-mabuting uri (ng bigas o
mais o iba pa) ang ibigay bilang zakátulfitr. Sinabi ni
Allah (2:267): “O mga sumampalataya, gumugol kayo
mula sa mga mabubuti na kinita ninyo at mula sa
mga pinatubo Namin para sa inyo mula sa lupa.
Huwag ninyong layuning ang masama mula roon
upang gugulin ninyo samantalang hindi rin ninyo
tatanggapin ito kung hindi kayo magpipikit-mata
rito. Pakaalamin ninyo na si Allah ay Mayaman,
Kapuri-puri.”
Kung magbibigay ng zakátulfitr para sa isang sanggol
na nasa sinapupunan pa lamang, ang pagbibigay na ito ay
pagkukusang loob sa panig ng nagbigay. Si ‘Uthmán
ibnu ‘Affán (RA) ay naiulat na nagbigay nito para sa
isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang subalit
hindi ito isang obligasyon.