
Ito ang Islam
3 43 4
para kay Allah, mga saksi sa katarungan. Huwag nga
mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang
hindi kayo magpakamakatarungan. Magpakamakatarungan
kayo; ito ay higit na malapit sa pangingilag
sa pagkakasala.”
8. Ang Islam ay Relihiyon ng tapat na kapatiran. Ang mga
Muslim ay mga magkakapatid sa Relihiyon. Hindi sila
napaghihiwalay ng bayan, ni ng lahi, ni ng kulay. Kaya
walang pagtatangi sa panlipunang uri, walang makalahing
pagtatangi, at walang bulag na pagkampi sa lahi o kulay o
kaangkanan. Ang pamantayan sa kalamangan sa Islam ay
sa pangingilag sa pagkakasala. Nagsabi si Allah (49:13):
“Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah
ay ang pinakamapangilag sa inyo sa pagkakasala.”
9. Ang Islam ay Relihiyon ng kaalaman. Samakatuwid ang
Islam ay nag-uutos sa mga tagasunod nito na magtamo ng
kaalaman at nangangako sa kanila ng malaking gantimpala
dahil doon. Nagsabi si Allah (58:11): “Iaangat ni Allah sa
mga antas ang mga sumampalataya mula sa inyo at ang
mga binigyan ng kaalaman.” Nagsabi pa Siya (39:9):
“Nagkakapantay ba ang mga nakaaalam at ang mga
hindi nakaaalam?” Sinabi naman ni Propeta Muhammad:
“Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkulin ng
bawat Muslim.”
10. Si Allah ay gumagarantiya sa kaligayahan at karangalan
sa sinumang tumangkilik sa Islam at nagpatupad nito nang
tamang pagpapatupad, maging isang indibidwal o isang
pangkat. Nagsabi si Allah (24:55): “Nangako si Allah sa
Ito ang Islam
3 53 5
mga sumampalataya mula sa inyo at gumawa ng mga
matuwid na talagang itatalaga nga Niya sila sa pamumuno
sa Lupa gaya ng pagpapahalili Niya sa mga nauna sa
kanila at talagang patatatagin nga Niya para sa kanila
ang Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila at
talagang papalitan Niya ang kalagayan nila, matapos ang
pangamba nila, ng katiwasayan. Sasamabahin nila Ako;
hindi sila magtatambal sa Akin ng anuman.” Nagsabi pa
Siya (16:97): “Ang sinumang gumawa ng matuwid, maging
lalaki man o babae, at siya ay isang mananampalataya,
ay talagang pamumuhayin nga Namin siya nang isang
mabuting buhay at talagang gagantihan nga Namin sila
ng kabayaran nila na higit na magaling sa kanilang
ginagawa noon.”
11. Ang Islam ay Relihiyon ng pag-ibig, pagkakabuklod,
pagkakasundo at awa. Nagsabi si Propeta Muhammad:
“Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa
pagmamahalan nila, pagdadamayan nila at pag-aawaan
nila ay katulad ng katawan: kapag dumaing mula rito
ang isang bahagi, nadadamay dahil doon ang buong
katawan sa lagnat at puyat.” Nagsabi pa ang Propeta: “Ang
mga naaawa ay kaaawaan [ni Allah] ang Pinakanaaawa.
Kaawaan ninyo ang nasa lupa, kaaawaan kayo Niyang
nasa langit.” Sinabi rin ng Propeta: “Hindi talaga sumasampalataya
ang isa sa inyo maliban na iibigan niya para
sa kapatid niya ang iibigin niya para sa sarili niya.”
12. Ang Islam ay Relihiyon ng katatagan, kaseryosuhan at
paggawa. Nagsabi si Propeta Muhammad: “Ang malakas na
Ito ang Islam
3 63 6
mananampalataya ay higit na mainam at higit na kaibigibig
para kay Allah kaysa sa mahinang mananampalataya.
Magsigasig ka sa anumang magdudulot ng pakinabang sa
iyo at huwag kang panghinaan. Kung dinapuan ka ng
anumang masama ay huwag kang magsabi: ‘Kung akin
sanang ginawa ang ganito at ang gayon,’ bagkus sabihin
mo: ‘Naitakda ni Allah at ang anumang niloob Niya ay
ginagawa Niya.’ ”
13. Ang Islam ay ang pinakamalayo sa pagkakasalungatan.
Nagsabi si Allah (4:82): “Kung ito ay mula sa iba pa
kay Allah, talagang nakasumpong na sana sila rito ng
maraming salungatan.”
14. Ang Islam ay malinaw at magaan; madaling maunawaan
ng bawat isa.
15. Na ito ay relihiyong bukas: hindi isinasara sa mukha ng
sinumang nagnanais na matutunan ito o pumasok dito.
16. Ang Islam ay nag-aanyaya sa magandang mga kaasalan
at mga gawain. Nagsabi si Allah (7:199): “Tumanggap ka
ng paumanhin, ipag-utos mo ang nakabubuti at hayaan
mo ang pagmamatigas ng mga mangmang.” Sinabi ba ni
Allah (41:34): “Itaboy mo ang masagwa sa pamamagitan
ng higit na maganda. Kaya kapag ginawa iyan, ang tao
na sa pagitan mo at niya ay pagkamuhi ay magiging para
siyang isang matalik na kaibigan. ” Nagsabi naman ang
Sugo: “Ang pinakamadalas na nagpapasok sa mga tao sa
Paraiso ay ang Pangingilag sa Pagkakasala kay Allah at
ang kagandahan ng asal.” Nagsabi pa ang Propeta: “Ang
pinakaganap sa mga tao sa pananampalataya ay ang
Ito ang Islam
3 73 7
pinakamaganda sa kanila sa mga kaasalan.” Nagsabi
pa ang Sugo: “Ang higit na kaibig-ibig sa mga tao para
kay Allah ay ang higit na kapaki-pakinabang sa kanila,
at ang higit na kaibig-ibig sa mga gawain para kay Allah
na pagkataas at kapita-pitagan ay kagalakang ipinapasok
mo sa isang Muslim, o inaalis mo mula sa kanya na
kapighatin, o binabayaran mo para sa kanya na utang,
o pinapawi mo mula sa kanya na pagkagutom. Upang
maglakad ako kasama ng kapatid kong Muslim dahil
sa pangangailangan nito ay higit na kaibig-ibig para sa
akin kaysa sa tumigil ako sa Masjid nang isang buwan.”
17. Ang Islam ay nangangalaga sa mga isip. Dahil dito,
ipinagbawal nito ang alak, ang mga bawal na gamot, at ang
lahat ng naghahatid sa pagkasira ng isip at pagkitil ng buhay.
Sinabi ni Allah (4:29): “Huwag ninyong patayin ang mga
sarili ninyo; tunay na si Allah sa inyo ay laging Maawain.”
18. Ang Islam ay nangangalaga sa ari-arian. Dahil dito,
hinihimok nito ang amánah (pagkamapagkakatiwalaan)
at pinapurihan nito ang mga nagtataglay ng amánah at
pinangakuan nito sila ng mabuting buhay at pagpasok sa
Paraiso. Ipinagbawal nito ang pagnanakaw at binantaan ang
gumagawa niyon ng kaparusahan sa Mundo at sa Kabilangbuhay
upang hindi maglakas-loob sa pagnanakaw sa mga ariarian
at pananakot sa mga tao.
19. Ang Islam ay nangangalaga sa mga buhay. Dahil dito
ipinagbawal nito ang pagpatay (murder), pinarurusahan nito
ng kamatayan ang pumatay at pinagbantaan nito iyon ng
pamamalagi sa Impiyerno sa araw ng Pagkabuhay. (Maliban
Ito ang Islam
3 83 8
kung wagas na nagsisi.) Dahil doon, kaunti ang pagpatay sa
mga bansang Muslim na nagpapatupad sa patakarang iyon.
Kapag nalaman ng isang tao na kapag pumatay siya ng isang
tao ay papatayin din siya, magpipigil siya sa pagpatay at
mapapanatag ang mga tao sa kasamaan ng mga kriminal.
20. Ang Islam ay nangangalaga sa kalusugan. Nagsabi si
Allah (7:31): “Magsikain kayo at magsiinom kayo ngunit
huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi
nagmamahal sa mga nagpapakalabis.” Nagsabi ang mga
pantas: “Tunay na ang talata na ito ng Qur’an ay sumaklaw
sa kabuuan ng medisina. Iyon ay dahil ang di-pagmamalabis
sa pagkain at inumin ay kabilang sa pinakamalaki sa mga
dahilan ng pangangalaga sa kalusugan.” Gayon na lamang
ang pangangalaga ng Islam sa kalusugan kaya ipinagbawal
nito ang alak at ang bawal na gamot. Hindi nalilingid ang
taglay ng mga ito na maraming kapinsalaang pangkalusugan.
Ipinagbawal din nito ang pangangalunya at ang sodomy.
Hindi rin nalilingid ang tinataglay ng mga ito na maraming
kapinsalaang pangkalusugan. Kabilang sa mga ito ang mga
kapinsalaang pangkalusugan na tulad ng syphilis, gonorrhea,
herpes, AIDS at mga tulad nito.
21. Ang Islam ay naggagarantiya ng kalayaan at nagreregula
nito. Samakatuwid, ang tao sa Islam ay malaya sa pagtitinda
niya, pagbili niya, pangangalakal niya, mga pagkilos niya at
mga tulad nito na hindi lumalampas sa mga limitasyon na
itinakda ni Allah, gaya ng pandaraya, panlilinlang, o paggawa
ng katiwalian. Ang tao sa Islam ay malaya sa pagtamasa sa
mga mabubuting bagay sa buhay sa Mundo gaya ng pagkain
Ito ang Islam
3 93 9
o inumin o pabango o kasuutan, hangga’t hindi nakagagawa
ng ipinagbabawal na ang kapinsalaan ay napupunta sa sarili
o sa iba.
Ilan sa mga Kagandahan ng Islam
Dumating ang Islam upang ituro sa tao ang lahat ng
kakailanganin niya sa Mundong ito at ang magsisilbing
dahilan sa kaligayahan niya sa Mundo at sa Kabilang-buhay.
Ang ilan sa mga kagandahan ng Islam na magiging malinaw
sa pamamagitan ng pagtingin sa mga kautusan ng Islam at
mga ipinagbabawal nito ay ang sumusunod:
Ilan sa mga Kautusan ng Islam
1. Ang Islam ay nag-uutos na gawin ang nagpapataas sa
dignidad ng tao sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagwangis sa
anumang mababa sa kanya na iba’t-ibang uri ng mga hayop,
o sa pagkaalipin sa mga buktot na hilig niya, at na gawin ang
nagpapataas sa dangal sa pamamagitan ng pag-iwas sa labis
na pagdakila sa anuman sa mga nilikha at pagpapasailalim sa
iba pa sa Panginoon niya.
2. Ang Islam ay nag-uutos ng paggamit sa isip at katawan
sa gawaing siyang dahilan kung bakit nilikha ang mga ito:
ang kapaki-pakinabang na gawain alang-alang sa kapakanang
pang-espirituwal at pangmundong buhay.
3. Ang Islam ay nag-uutos ng tapat na pag-ukol ng pagsamba
kay Allah lamang at pagwaksi ng iba pa sa kanya na mga
sinasamba na walang kabuluhan.
Ito ang Islam
4 04 0
4. Ang Islam ay nag-uudyok ng pagpuno sa pagangailangan
ng mga tao at sa pagtulong sa kanila.
5. Ang Islam ay nag-uutos ng pagdalaw sa maysakit,
pakikipaglibing sa patay, pagbisita sa mga libingan, at
pagdalangin para sa mga kapwa Muslim.
6. Ang Islam ay nag-uutos ng paggawa ng katarungan sa
mga tao at ng hindi paggawa ng kawalang-katarungan sa
kanila, at nag-uutos na ibigin ng isang tao para sa kanila
ang naiibigan niya para sa sarili niya.
7. Ang Islam ay nag-uutos ng pagsisikap sa paghahanap ng
ikabubuhay, na igalang ng tao ang sarili niya at na iangat niya
ito palayo sa pagkahamak at panghihingi.
8. Ang Islam ay nag-uutos ng pagkaawa sa nilikha, kabaitan
sa kanila, magandang pangangalaga sa kanila, pagsisikap na
magdulot ng kapaki-pakinabang para sa kanila at pag-alis
sa mga nakapipinsala sa kanila.
9. Ang Islam ay nag-uutos ng pagmamabuting-loob sa
mga magulang, pagpapanatili sa ugnayan sa mga kaanak,
pagmamagandang-loob sa kapitbahay, at kabaitan sa hayop.
10. Ang Islam ay nag-uutos ng katapatan sa mga kaibigan
at magandang pakikitungo sa asawa at mga anak.
11. Ang Islam ay nag-uutos ng katapatan sa itinalagang
tungkulin, pagtupad sa pangako, mabuting saloobin, hinahon
sa mga gawain, pagkukusang-loob sa paggawa ng mabuti,
at iba pa rito na maganda at dakilang mga kautusan.
Ito ang Islam
4 14 1
Ilan sa mga Ipinagbabawal ng Islam
Tunay na ang ilan sa napakadakilang mga kagandahan
ng Islam ay ang nasaad na mga pagbabawal na nagbibigaybabala
sa isang Muslim laban sa pagkasadlak sa kasamaan
at nagbabanta sa kanya laban sa kasamaan ng kahihinatnan
na ibinubunga ng mga masagwang gawain. Iyan ay upang
mamuhay ang lahat sa isang matiwasay na lipunan. Ang
ilan sa ipinagbawal ng Islam ay ang sumusunod:
1. Ipinagbawal ng Islam ang Kufr at ang Shirk.2
2. Ipinagbawal ng Islam ang pagmamalaki, ang pagkapoot,
ang inggit, at ang pagkatuwa sa kasawian ng iba.
3. Ipinagbawal ng Islam ang masamang saloobin, ang
pesimismo, ang pagkawala ng pag-asa, ang kakuriputan,
at ang pagsasayang.
4. Ipinagbawal ng Islam ang katamaran, ang karuwagan,
ang kahinaan, ang kawalang-gawain, ang pagmamadali,
ang kagaspangan, ang kakauntian sa hiya, ang kawalang
tiyaga, ang kawalang-kakayahan, ang galit, pagdadalosdalos,
at ang pagngingitngit sa hindi nakamtan.
5. Ipinagbawal ng Islam ang katigasan ng ulo at ang
kalupitan ng puso na naghahadlang sa nagtataglay nito sa
pagsaklolo sa naaapi at nagigipit.
2 Ang Kufr ay ang kawalan ng pananampalataya kay Allah o ang pagtangging
sumampalatya sa Kanya. Ang Shirk naman ay ang paggawa ng (mga) katambal
sa Kanya sa pagsamba sa Kanya, sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at sa
mga pangalan at mga katangian Niya.
Ito ang Islam
4 24 2
6. Ipinagbawal ng Islam ang ghíbah: ang pagbanggit hinggil
sa mga tao ng ikasusuklam nilang marinig at ang namímah:
ang pagkakalat ng salita sa mga tao sa layuning makapanira.
7. Ipinagbawal ng Islam ang walang kabuluhang madalas
na pagsasalita, ang pagkakalat ng lihim, ang panunuya sa
mga tao at ang pangungutya sa ibang mga tao.
8. Ipinagbawal ng Islam ang panlilibak, ang pagmumura,
ang panlalait, at ang pagtatawagan sa pamamagitan ng mga
masamang taguri.
9. Ipinagbawal ng Islam ang madalas na pakikipagtalo at
pakikipaghidwaan at ang masamang pagbibiro na nauuwi
sa masama.
10. Ipinagbawal ng Islam ang pagtanggi sa pagsaksi sa
katotohanan, ang pagsaksi sa kabulaanan, ang paninirangpuri
sa mga marangal na babae, ang panlilibak sa mga patay
at ang pagtatago sa kaalaman.
11. Ipinagbawal ng Islam ang kabastusan, ang kahalayan,
ang panunumbat dahil sa ibinigay na kawanggawa, at ang
hindi pagpapasalamat sa sinumang nagkaloob ng kabutihan.
12. Ipinagbawal ng Islam ang pagtataksil, ang pandaraya,
at ang pagsira sa pangako.
13. Ipinagbawal ng Islam ang pagsuway sa mga magulang,
ang pagputol sa ugnayan sa mga kaanak at ang pagpapabaya
sa mga anak.
14. Ipinagbawal ng Islam ang paniniktik at ang pagsubaybay
sa mga kapintasan ng mga tao.
15. Ipinagbawal ng Islam ang pagwangis ng mga lalaki sa
mga babae at ang pagwangis ng mga babae sa mga lalaki.
Ito ang Islam
4 34 3
16. Ipinagbawal ng Islam ang pag-inom ng nakalalasing,
ang paggamit ng mga bawal na gamot at ang pagsusugal
na nagsusuong sa salapi sa pakikipagsapalaran.
17. Ipinagbawal ng Islam ang pagtitinda ng mga paninda
sa pamamagitan ng pasinungaling na panunumpa, ang
pagbawas sa takal at timbang, ang paggugol sa salapi sa
mga ipinagbabawal at ang pamiminsala sa kapit-bahay.
18. Ipinagbawal ang pangangamkam, ang pagnanakaw, ang
pagtataksil ng isa sa magkasama sa kasama niya, at ang
pagpapaliban sa suweldo ng manggagawa o ang pagkakait
sa kanya nito pagkatapos ng gawain niya.
19. Ipinagbawal ng Islam ang pagpaparami sa pagkain
hanggang sa makapinsala na ito.
20. Ipinagbawal ng Islam ang pag-iiwasan (di-pagkikibuan),
ang pagtatabuyan, ang pagtatalikuran (di-pagpapansinan),
at nagbabala laban sa pag-iwas ng isang Muslim sa kapwa
niya nang higit pa sa tatlong araw.
21. Ipinagbawal ng Islam ang pananakit sa sinuman nang
walang katwirang ayon sa batas ng Islam at ang pananakot
sa mga tao sa pamamagitan ng sandata.
22. Ipinagbawal ng Islam ang pangangalunya, ang sodomy,
at ang pagpatay ng tao.
23. Ipinagbawal ng Islam ang pagtanggap ng panunuhol
(bribery) at ang pagbibigay ng panunuhol.
24. Ipinagbawal ng Islam ang pagpapabaya sa nagawan ng
kawalang-katarungan kung makakaya namang tulungan.
Ito ang Islam
4 44 4
25. Ipinagbawal ng Islam ang pagpasok sa bahay ng iba
nang walang pahintulot at ang pakikinig sa pag-uusap ng
mga tao kapag kinasusuklaman nilang mapakinggan iyon.
Ito ay maikling sulyap sa mga ipinagbabawal ng Islam.
Ang Kabilang-buhay
Ang tao ay hindi magiging isang mananampalataya
hanggang hindi siya sumasampalataya sa Huling Araw, sa
mga magaganap roon, at sa sinabi ni Allah hinggil doon
(73:17): “sa araw na gagawa sa mga bata na ubanin?”
Ang ilan doon ay ang sumusunod:
Ang Kamatayan
Ito ay ang katapusan ng bawat may buhay sa mundo.
Sinabi ni Allah (3:185): “Ang bawat may buhay ay titikim
ng kamatayan.” Sinabi pa Niya (55:26): “Ang lahat ng
sinumang nasa Lupa ay malilipol.” Nagsabi naman Siya
sa Sugo Niya (39:30-31): “Tunay na ikaw ay mamamatay
at tunay na sila rin ay mga mamamatay. Pagkatapos
tunay na kayo sa Araw ng Pagkabuhay, sa harap ng
Panginoon ninyo, ay magtatalo.” Samakatuwid, walang
buhay na walang hanggan sa mundong ito para sa isa man
sa sangkatauahn. Nagsabi si Allah (21:34): “Hindi Kami
nagbigay sa isang tao noong wala ka pa ng buhay na
walang hanggan.”
1. Ang kamatayan ay isang tiyak na mangyayari na hindi
maaaring pagdudahan. Pagkatapos ang patay ay walang
Ito ang Islam
4 54 5
madadala na anuman kasama niya sa libingan niya; ang
matitira lamang sa kanya ay ang nagawa niya.
2. Ang taning ng tao ay hindi malinaw; walang nakaaalam
nito kundi si Allah lamang. Kaya walang isa mang nakaaalam
kung kailan siya mamamatay at kung sa aling lugar siya
mamamatay dahil ito ay bahagi ng kaalaman hinggil sa
Nakalingid,3 na namukod-tangi si Allah sa pagkakaalam.
3. Kapag dumating ang kamatayan ay hindi na makakayang
itaboy ito o ipagpaliban ito o takasan ito. Nagsabi si Allah
(7:34): “Bawat kalipunan ay may taning; kaya kapag
dumating na ang taning nila, hindi sila makapagpapahuli
ng isang saglit at hindi sila makapagpapauna.”
4. Ang mananampalataya, kapag pinuntahan ng kamatayan,
ay pinupuntahan ng Anghel ng Kamatayan na may anyong
maganda at may mabangong amoy. Darating kasama nito
ang mga anghel ng awa na magpapalugod sa kanya ng balita
ng pagpasok sa Paraiso. Nagsabi si Allah (41:30): “Tunay
na ang mga nagsabi: “Si Allah ang Panginoon namin,”
at pagkatapos ay nananatiling matuwid, magsisibabaan
sa kanila ang mga anghel na nagsasabi: “Huwag kayong
mangamba at huwag kayong malungkot, at magalak
kayo sa Paraiso na sa inyo noon ay ipinangangako.” ”
Ang Káfir4 naman, kapag namatay, ay pupuntahan siya ng
3
Ang Nakalingid o Ghayb sa wikang Arabe ay ang anumang likas na hindi
kayang malaman ng limang pandama ng tao, maliban kung ipahihintulot ni Allah.
Kabilang din dito ang mga mangyayari sa hinaharap sa tao. Ang Tagapagsalin.
4
Tumatangging sumampalataya o hindi sumasampalataya.
Ito ang Islam
4 64 6
anghel ng kamatayan na may nakatatakot na anyo at maitim
ang mukha. Darating kasama nito ang mga anghel ng parusa
na magbabalita sa kanya ng pagdurusa na tatamuhin niya.
Nagsabi si Allah (6:93): “Kung nakikita mo sana nang
ang mga lumalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng
kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot
ng mga kamay nila, na nagsasabi: “Ilabas ninyo ang mga
kaluluwa ninyo; ngayonng araw ay gagantihan kayo ng
pagdurusa ng kahihiyan dahil sa kayo noon ay nagsasabi
hinggil kay Allah ng hindi totoo at kayo noon ay sa mga
Tanda Niya nagmamalaki.” ” Kaya kapag dumating ang
kamatayan, mabubunyag ang katotohanan at lilinaw na ang
lahat sa bawat tao. Sinabi ni Allah (23:99-100): “Hanggang
sa, noong dumating na ang kamatayan sa isa sa kanila,
magsabi siya: “Panginoon ko, pabalikin Mo po ako nang
harinawa ako ay makagawa ng matuwid sa naiwan ko!”
Aba’y hindi! Tunay na ito ay isang salitang siya ang
nagsasabi nito. Ang nasa likod nila ay isang hadlang
hangang sa araw na bubuhayin sila.”
Kaya kapag dumating ang kamatayan ay hahangarin
ng Káfir at sumusuway ang makabalik sa buhay sa mundo
upang gumawa ng mga matuwid na gawa ngunit wala nang
kabutihang maidudulot ang pagsisisi kapag nahuli na ang
lahat. Nagsabi si Allah (42:44): “Makikita mo ang mga
lumalabag sa katarungan noong nakita na nila ang
pagdurusa ay magsasabi sila: “Tungo sa pagbabalik sa
Mundo ay may daan ba?” ”
Ito ang Islam
4 74 7
Ang Libingan
Ipinabatid ni Propeta Muhammad na ang tao, kapag
inilagay na sa libingan niya at iniwan na siya ng mga taong
nakipaglibing sa kanya, ay pupuntahan ng dalawang anghel.
Pauupuin nila siya at tatanungin siya hinggil sa Panginoon
niya, relihiyon niya at propeta niya. Ang mananampalataya
ay magsasabi: “Ang Panginoon ko ay si Allah, ang relihiyon
ko ay ang Islam at ang Propeta ko ay si Muhammad.” Kaya
magsasabi sila sa kanya: “Tumingin ka sa luklukan mo sana
sa Impiyerno; pinalitan para sa iyo ni Allah iyon ng isang
luklukan mula sa Paraiso.” Kaya kapwa niya makikita ang
dalawang ito. Ang Káfir o ang Munáfiq (nagpapanggap na
Muslim), kapag tinatanong na nila ay magsasabi siya: “Ha?
Ha? Hindi ko nalalaman.” Kaya magsasabi sila sa kanya:
“Hindi mo nalaman at hindi mo sinunod ang nakaaalam?”
Pupukpukin siya ng mga martilyong bakal at mapasisigaw
siya ng isang sigaw na maririnig ng anumang hayop na nasa
tabi niya, maliban sa tao at jinní. Maninikip sa kanya ang
libingan niya at ipakikita nila sa kanya ang luklukan niya
sa Impiyerno at pupuntahan siya ng bahagi ng init niyon
at pagdurusa roon.
Ang panunumbalik ng kaluluwa sa katawan sa loob ng
libingan ay ilan sa mga bagay kaugnay sa Kabilang-buhay
na hindi matatalos ng isip ng tao sa Mundo. Ang isang
tao ay pagiginhawahin sa libingan niya kung siya ay isang
Mananampalataya na karapat-dapat sa kaginhawahan, o
pagdurusahin kung siya ay karapat-dapat sa pagdurusa.
Ito ang Islam
4 84 8
Nagsabi ang Sugo: “Manalangin kayo ng pagpapakupkop
kay Allah laban sa pagdurusa sa libingan.”
Ang matinong isip ay hindi magkakaila niyon sapagkat
ang tao ay nakakikita sa buhay na ito ng nakahahawig niyon
para sa kanya. Ang natutulog ay maaaring makaramdam na
siya ay pinagdurusa ng matinding pagdurusa; sisigaw siya
at magpapasaklolo siya ngunit ang nasa tabi niya ay hindi
nakararamdam niyon. Ito ay sa kabila ng malaking kaibahan
sa pagitan ng buhay at kamatayan. Ang pagdurusa sa libingan
ay kapwa sa kaluluwa at sa katawan. Nagsasabi nga ang
Sugo: “Ang libingan ang unang yugto sa mga yugto ng
Kabilang-buhay. Kaya kung naligtas siya roon, ang ano
mang pagkatapos niyon ay higit na magaan kaysa roon;
ngunit kung hindi siya naligtas doon, ang ano mang
matapos niyon ay higit na matindi kaysa roon.” Tinawag
itong pagdurusa sa libingan sapagkat ang nakararami sa
mga tao ay inililibing. Ang nalunod o ang nasunog o ang
nakain ng mabangis na hayop o ang anumang gaya nito na
hindi nailibing ay pinagdurusa o pinagiginhawa sa Barzakh.5
Ang pagdurusa sa libingan ay sasari-sariin gaya ng
pagpukpok ng mga martilyong bakal at iba pa. Pupunuin
ng kadiliman ang libingan ng isang patay, lalatagan siya ng
higaang mula sa Impiyerno, at magbubukas sa harap niya
ng isang pinto mula sa Impiyerno. Magpapakita sa kanya
ang gawa niya na buktot sa anyo ng isang lalaking pangit
ang mukha at nakasuot ng damit na mabaho ang amoy, na
mananatili kasama niya sa libingan niya.
5 Ito ay ang yugto ng panahon sa pagitan ng kamatayan ng tao at pagkabuhay.
Ito ang Islam
4 94 9
Ang pagdurusa ay magpapatuloy kung ang namatay ay
isang Káfir o isang Munáfiq. Ngunit kung ang namatay ay
isang Mananampalatayang sumusuway, nagkakaiba ang
pagdurusa ayon sa pagsuway na nagawa at maaari ring itigil
ang parusa sa kanya. Ang mabuting mananampalataya naman
ay pagiginhawahin sa libingan niya yamang paluluwagin
para sa kanya ang libingan niya at pupunuin ng liwanag.
Bubuksan para sa kanya ng isang pinto patungo sa Paraiso.
Makararating sa kanya ang halimuyak nito at bango nito.
Lalatagan siya ng higaang mula sa Paraiso. Magpapakita sa
kanya ang mabuting gawa niya sa anyo ng isang magandang
lalaki na lilibang sa kanya sa libingan niya.
Ang Pagsapit ng Huling Sandali
at ang mga Tanda Nito
Hindi nilikha ni Allah ang daigdig na ito para manatili.
Bagkus ay darating dito ang isang araw na pangwakas nito.
Ang araw na ito ay ang araw na sasapit ang Huling Sandali.6
Ito ay katotohanang hindi mapag-aalinlanganan. Sinabi ni
Allah (40:59): “Tunay na ang Huling Sandali ay talagang
darating, walang alinlangan hinggil dito.” Sinabi pa Niya
(34:3): “Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya:
Hindi darating sa amin ang Huling Sandali. Sabihin mo:
Aba’y hindi, sumpa man sa Panginoon ko, talagang
darating ito sa inyo; Siya ang Nakaaalam sa Nakalingid”
Ang kaalaman sa Huling Sandali ay ilan sa Nakalingid na
6 Ang Huling Sandali na tinutukoy rito ay ang huling sandali ng isang tao o ng
Sansinukob bago sirain at lipulin ni Allah ang lahat ng nilalang Niya.
Ito ang Islam
5 05 0
sinarili ni Allah ang kaalaman doon at hindi Niya ipinabatid
iyon sa isa man sa mga nilikha Niya. Nagsabi Siya (33:63):
“Tinatanong ka ng mga tao hinggil sa Huling Sandali.
Sabihin mo: Ang kaalaman hinggil dito ay nasa kay Allah
lamang; at ano ang magpapabatid sa iyo na baka ang
Huling Sandali ay nagiging malapit na?”
Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa masasamang
mga tao. Iyon ay dahil magpapadala muna si Allah, bago
sumapit ang Huling Sandali, ng banayad na hangin na kukuha
sa mga kaluluwa ng mga Mananampalataya. Kaya kapag
ninais na ni Allah ang pagbibigay-wakas sa mga nilikha sa
pamamagitan ng kamatayan at ang katapusan ng Mundo,
iuutos Niya sa anghel ang pag-ihip sa Tambuli. Kapag narinig
iyon ng mga tao ay mamamatay sila. Sinabi ni Allah (39:68):
“Iihip sa tambuli kaya mamamatay ang sinumang nasa
mga langit at ang sinumang nasa lupa, maliban sa niloob
ni Allah.” Magaganap iyon sa araw ng Biyernes. Pagkatapos
niyon ay mamamatay ang lahat ng anghel at walang matitira
kundi si Allah.
Ang buong katawan ng tao ay maglalaho at kakainin
ng lupa maliban sa dulo ng gulugod (spinal cord). Ito ang
buto sa pinakamababang bahagi ng likod. Ang mga katawan
naman ng mga propeta at mga Shahíd (namatay na alay ang
buhay sa Islam) ay hindi kakainin ng lupa. Magpapababa
si Allah mula sa langit ng tubig at tutubo ang mga katawan.
Kapag ninais ni Allah na buhayin ang mga tao, bubuhayin
muna Niya si Isráfíl, ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip
ng Tambuli. Iihip ito sa Tambuli sa ikalawang pagkakataon
Ito ang Islam
5 15 1
at bubuhayin ni Allah ang lahat ng nilikha. Magsisilabasan
ang mga tao sa mga libingan nila gaya ng pagkalikha sa
kanila ni Allah sa unang pagkakataon: mga nakayapak, mga
hubad, at mga hindi tuli. Nagsabi si Allah (36:51): “Iihip
muli sa tambuli at walang anu-ano sila, mula sa mga
libingan, ay dali-daling magsisilalabasan patungo sa
Panginoon nila.”
Ang unang ilalabas sa lupa ay si Propeta Muhammad.
Pagkatapos ay aakayin ang mga tao sa lupain ng pagtitipon.
Ang lupain na ito ay malapad at malawak. Lalapit ang araw
sa mga tao.
Mananatili ang mga tao sa lupain ng pagtitipon sa
mahabang panahon samantalang naghihintay ng hatol sa
pagitan nila at pagtutuos. Pagkatapos ay ipahihintulot na
ni Allah ang paghatol sa pagitan nila. Itatayo ang Sirát.7 Ang
bilis ng pagdaan ng mga tao sa Sirát ay batay sa mga gawa
nila. Mayroon sa kanila na daraan na ang bilis ay gaya ng
kisap-mata, gaya ng hangin, at gaya ng matutuling mga
kabayo. Mayroon din sa kanila na gagapang. Sa ibabaw
ng Sirát ay mayroong mga kalawit na susungkit sa mga tao
at magtatapon sa kanila sa Impiyerno. Magsisilaglagan sa
Impiyerno ang mga Káfir at ang mga Mananampalataya na
sumusuway na niloob ni Allah na malaglag. Ang mga Káfir
ay mananatili magpakailanman sa Impiyerno, ngunit ang
masuwaying mga Mananampalataya ay pagdurusahin doon
7 Ito ay isang tulay na manipis pa sa buhok at matalas pa sa espada na itatayo
sa ibabaw ng Impiyerno.
Ito ang Islam
5 25 2
hangga’t niloob pa ni Allah at saka ilalabas din sila upang
ipasok sa Paraiso.
Titigil ang mga tumatawid sa Sirát—na mga mananahan
sa Paraiso—sa isang tulay na nasa pagitan ng Paraiso at
Impiyerno upang magsingilan sa mga pagkakasalang nagawa
nila sa isa’t isa. Kaya hindi papasok sa Paraiso ang sinumang
may isang pagkakasala sa kapatid niya sa pananampalataya
hanggang hindi siya nakapagbayad doon at hanggang hindi
sila nasisiyahan sa isa’t isa. Kapag pumasok na ang mga
taga-Paraiso sa Paraiso at pumasok na rin ang mga taga-
Impiyerno sa Impiyerno, dadalhin ang kamatayan na nasa
anyo ng isang lalaking tupa at kakatayin ito sa pagitan ng
Paraiso at Impiyerno habang ang mga taga-Paraiso at ang
mga taga-Impiyerno ay nakatingin. Pagkatapos ay sasabihin:
“O mga taga-Paraiso, buhay na walang hanggan sapagkat
wala nang kamatayan; o mga taga-Impiyerno, buhay na
walang hanggan sapagkat wala nang kamatayan.” Kaya
kung may isang mamamatay sa galak, namatay na sana sa
galak ang mga taga-Paraiso; kung may isang mamamatay sa
lungkot, namatay na sana sa lungkot ang mga taga-Impiyerno.
Ang Impiyerno at ang Pagdurusa Roon
Nagsabi si Allah (2:24): “pangilagan ninyo ang Apoy
na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato,
na inihanda para sa mga tumatangging sumampalataya.”
Nagsabi naman ang Sugo (SAS) sa mga Kasama niya: “Ang
[init ng] apoy ninyo na ito na pinaririkit ninyo ay isang
Ito ang Islam
5 35 3
bahagi sa pitumpung bahagi [ng init] ng apoy sa Impiyerno.”
Nagsabi sila: “Kahit nga ito ay talagang nakasasapat na,
o Sugo ni Allah.” Nagsabi pa siya: “At tunay na iyon ay
nakahigit ng animnapu’t siyam na bahagi; bawat bahagi
ay tulad [ng init] nito.”
Ang Impiyerno ay may pitong antas; bawat antas ay higit
na matindi ang pasakit na dulot kaysa sa ibang antas. Bawat
antas sa mga ito ay may mga mananahan ayon sa mga ginawa
nila. Ang mga Munáfiq8 ay ilalagay sa pinakamababang
palapag ng Impiyerno; ito ang pinakamatindi sa pasakit. Ang
pagdurusa ng mga mapupunta sa Impiyerno na mga Káfir
ay tuloy-tuloy at hindi titigil; sa tuwing nasunog na sila,
panunumbalikin sila uli para sa karagdagang pagdurusa.
Nagsabi si Allah (4:56): “Sa tuwing naluto na ang mga
balat nila, pinapalitan Namin sila ng mga balat na iba
sa una, upang malasap nila ang pagdurusa.” Nagsabi pa
Siya (35:36): “Ang mga tumangging sumampalataya,
makakamtan nila ang Apoy ng Impiyerno na hindi kikitil
sa kanila upang mamatay sila, at hindi magpapagaan
sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Ganyan Kami
gaganti sa bawat palatangging sumampalataya.”
Tatanikalaan sila roon at igagapos ang mga leeg nila.
Sinabi ni Allah (14:49-50): “Makikita mo ang mga salarin,
sa Araw na iyon, na magkakagapos sa mga tanikala ng
mga kamay at mga paa. Ang mga damit nila ay mula sa
alkitran at tatakpan ang mga mukha nila ng apoy.” Ang
8 Nagkukunwari o nagpapanggap na Muslim.
Ito ang Islam
5 45 4
pagkain ng mga mapupunta sa Impiyerno ay ang Zaqqúm
yamang nagsabi si Allah (44:43-46): “Tunay na ang puno
ng Zaqqúm ay pagkain ng makasalanan. Gaya ng latak ng
langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan, gaya ng pagkulo ng
mainit na tubig.” Nagsabi naman ang Sugo: “Kung may
isang patak mula sa Zaqqúm na pumatak sa mundo,
talagang nakasira na sana ito sa mga naninirahan sa
mundo: sa mga pamumuhay nila. Kaya papaano na ang
sinumang ito ay magiging pagkain niya?”
Nililinaw ng naisalaysay buhat sa Sugo ang tindi ng
pagdurusa sa Impiyerno at ang laki ng kaginhawahan sa
Paraiso: dadalhin ang pinakamaginhawa sa mga tao sa
Mundo mula sa mga Káfir at ilulublob sa Impiyerno nang
isang saglit na paglublob. Pagkatapos ay sasabihin sa kanya:
“May nagdaan na ba sa iyo noon na isang kaginhawahan?”
Sasabihin niya: “Wala. Walang nagdaan sa akin na isang
kaginhawahan kailanman.” Nakalimutan niya ang lahat ng
ginhawa sa Mundo at ang kariwasaan doon sa isang saglit
na paglublob Impiyerno. Dadalhin din ang pinakamiserable
sa mga tao sa Mundo mula sa mga Mananampalataya at
ipapasok siya sa Paraiso nang isang saglit na pagpasok.
Pagkatapos ay sasabihin sa kanya: “May nagdaan na ba sa
iyo noon na isang kamiserablehan?” Sasabihin niya: “Wala.
Walang nagdaan sa akin na kamiserablehan ni kapinsalaan
kailanman.” Nakalimutan niya ang lahat ng kamiserablehan
na dinanas, karalitaaan at kalungkutan dahil sa isang saglit
na pagpasok sa Paraiso.
Ito ang Islam
5 55 5
Ang Katangian ng Paraiso
Ang Paraiso ay tahanan ng buhay na walang hanggan
at ang pagpaparangal para sa mga matuwid na lingkod ni
Allah. Doon ay may kaginhawahang wala pang matang
nakakita, wala pang taingang nakarinig, at hindi pa sumagi
sa isip ng tao. Sinabi si Allah (32:17): “Hindi nalalaman ng
isang tao kung ano ang itinago para sa kanila na lugod
ng mga mata bilang gantimpala sa kanilang ginagawa
noon.”
Ang Paraiso ay binubuo ng mga antas na magkakaiba
ang mga kalagayan ng mga mananampalataya roon ayon
sa mga nagawa nila. Nagsabi si Allah (58:11): “itataas ni
Allah sa mga antas ang mga sumampalataya mula sa
inyo at ang mga binigyan ng kaalaman.”
Ang mga maninirahan sa Paraiso ay kakain at iinom
roon ng minimithi ng mga sarili nila. Doon ay may mga ilog
ng tubig na di-nagbabago ang lasa at amoy, mga ilog ng gatas
na hindi nagbabago ang lasa, mga ilog ng dinalisay na pulutpukyutan,
at mga ilog ng alak na masarap para sa mga iinom.
Ang alak nila ay hindi gaya ng alak sa Mundo. Nagsabi si
Allah (37:45-47): “Magpapaikot sa kanila ng kopa ng
dalisay na alak: maputi, masarap para sa mga iinom.
Walang taglay ito na kapinsalaan at hindi sila, mula
rito, malalasing.”
Doon ay mag-aasawa sila ng mga magagandang dilag.
Nagsabi ang Sugo: “Kung may isang babaeng mula sa
Paraiso na susulyap sa mga naninirahan sa Lupa, talagang
Ito ang Islam
5 65 6
paliliwanagin niya ang anumang nasa pagitan ng dalawa
—ang Langit at ang Lupa—at talagang pupunuin niya
ito ng mabangong halimuyak.”
Ang pinakamalaking kaligayahan ng mga maninirahan
sa Paraiso ay ang mapagmasdan si Allah. Ang maninirahan
sa Paraiso ay hindi iihi, hindi dudumi, hindi sisipunin, at
hindi dudura. Ang mga suklay nila ay ginto at ang mga
pawis nila ay musk.9 Ang kaligayahan nilang ito ay mananatili,
hindi titigil at hindi mababawasan. Nagsabi ang Sugo: “Ang
sinumang papasok sa Paraiso ay pagiginhawahin, hindi
na maghihirap at hindi na susubukin. Ang bahagi ng
pinakakaunti [ang gantimpala] sa mga maninirahan sa
Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa buong mundo nang
makasampung ulit.”
Ang Babae sa Islam
Ang Kalagayan ng Babae sa Islam
Bago pag-usapan ang tungkol sa babae sa Islam at ang
mga karapatan niya, kailangang linawin muna natin ang ilan
sa mga saloobin ng ilan sa ibang mga sambayanan noon sa
babae at kung papaano siyang tinatrato nila. Ang mga babae
noon sa mga Griego ay naipagbibili at nabibili. Wala siyang
anumang mga karapatan. Bagkus ang lahat ng karapatan
ay para sa lalaki. Siya ay pinagkakaitan din noon ng mana
o ng karapatang mangasiwa sa sariling ari-arian. Nagsabi
pa nga ang bantog na Pilosopo nila na si Socrates: “Ang
9 Isang uri ng pabango.
Ito ang Islam
5 75 7
pagkakaroon ng babae ay ang pinakamalaking dahilan at
ang pinagmumulan ng pagkasira sa mundo. Ang babae ay
nakawawangis ng nakalalasong puno na ang panlabas nito
ay maganda subalit kapag nakakain mula rito ang mga maya,
mamamatay kaagad ang mga ito.”
Tungkol naman sa mga Romano, sila ay naniniwala
noon na ang babae ay walang kaluluwa. Wala siyang ano
mang halaga para sa kanila at wala siyang mga karapatan.
Ang bukang-bibig nila noon ay: “ang babae ay walang
kaluluwa.” Dahil dito ang mga babae ay naparurusahan sa
pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa mga
katawan nila at ng pagtatali sa kanila sa mga poste. Bagkus
ay itinatali pa nga nila ang mga inosenteng babae sa mga
buntot ng mga kabayo at pinatatakbo nila ang mga ito nang
ubod ng bilis hanggang sa mamatay. Gayon din ang pananaw
ng mga Hindu. Karagdagan pa roon, sinusunog nila noon
nang buhay ang babae kapag namatay ang asawa niya.
Iwinangis noon ng mga Tsino ang babae sa nakasasakit
na tubig na tumatangay sa kaligayahan. Ang lalaking Tsino
noon ay may karapatang ipagbili ang maybahay nito at may
karapatan din itong ilibing siya habang siya ay buhay pa.
Tungkol naman sa mga Hudyo, sila ay nagtuturing na
ang babae ay isang sumpa dahil siya ang tumukso kay Adan
at nag-udyok na kumain ng bunga ng ipinagbabawal na puno.
Itinuturing din nila siya na marumi. Kapag nireregla siya
ay pinarurumi niya ang bahay at ang lahat ng masasaling
niya. Hindi rin siya magmamana ng anuman mula sa ama
niya kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ito ang Islam
5 85 8
Sa mga Kristiyano noon, itinuturing nila na siya ay
isang demonyo. Nagsabi pa nga ang isa sa mga klerikong
Kristiyano na ang babae ay hindi nauugnay sa lahing tao.
Sinabi naman ni San Buenaventura (1217-1274): “Kapag
nakita ninyo ang babae ay huwag ninyong isipin na kayo ay
nakakikita ng isang tao, bagkus ni isang hayop; ang nakita
ninyo ay si Satanas lamang mismo at ang naririnig ninyo
ay ang huni ng ulupong.”
Nanatili ang mga babaeng Ingles, alinsunod sa English
Common Law (Pangkalahatang Batas ng Inglatera) hanggang
sa kalagitnaan ng nagdaang siglo (ikalabinsiyam na siglo),
na hindi mga ibinibilang na mga mamayan. Ang babae ay
wala ring mga karapatang personal at walang karapatan na
magmay-ari ng anuman pati na ang mga kasuutang isinusuot
niya. Nagpasya ang Parlamento ng Scotland noong 1567 na
ang babae ay hindi pahihintulutang bigyan ng awtoridad
sa anumang bagay. Ipinagbawal naman ng Parlamento ng
Inglatera noong panahon ni Haring Henry XIII sa babae
ang pagbabasa ng Bibliya sapagkat siya raw ay marumi.
Noong 586, nagdaos ang mga Pranses ng isang kapulungan
upang talakayin kung ang babae ba ay isang tao o hindi isang
tao! Kinilala nila na siya ay tao ngunit siya ay nilikha para
paglingkuran ang lalaki. Ang batas ng Inglatera hanggang
sa taong 1805 ay nagapapahintulot noon sa isang asawa na
ipagbili ang maybahay niya, at itinakda pa ang halaga ng
maybahay sa anim na sterling pennny (kalahating schilling).
Sa mga Arabe naman bago dumating ang Islam, ang
babae ay isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinapansin
Ito ang Islam
5 95 9
at walang mga karapatan. Ang marami pa nga sa kanila noon
ay naglilibing nang buhay sa mga babaeng anak nila.
Pagkatapos ay dumating ang Islam upang alisin ang lahat
ng kawalang-katarungan na ito sa babae at upang linawin
na siya at ang lalaki ay pantay. Siya ay may mga karapatan
kung paanong ang lalaki ay may mga karapatan. Nagsabi
si Allah sa Qur’an (49:13): “O mga tao, tunay na Kami
ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae
at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang
magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa
inyo para kay Allah ay ang pinakamapangilag sa inyo
sa pagkakasala.” Sinabi pa Niya (4:124): “Ang mga
gumawa ng mga matuwid, maging lalaki man o babae
habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon
ay magsisipasok sa Paraiso at hindi sila gagawan ng
paglabag sa katarungan ni katiting man.” Sinabi pa Niya
(29:8): “Itinagubilin Namin sa tao na sa mga magulang
ay gumawa ng magaling.” Nagsabi naman ng Propeta: “Ang
pinakaganap sa mga mananaapalataya sa pananampalataya
ay ang pinakamaganda sa kanila sa mga kaasalan,
at ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo
sa mga maybahay nila.” May isang lalaking nagtanong sa
Propeta: “Sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa
magandang pakikisama ko?” Nagsabi siya: “Ang ina mo.”
Nagsabi ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi muli siya:
“Ang ina mo.” Nagsabi muli ito: “Pagkatapos ay sino pa
po?” Nagsabi muli siya: “Ang ina mo.” Nagsabi muli
ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi muli siya: “Ang
Ito ang Islam
6 06 0
ama mo.” Ito, sa maikling pananalita, ang pananaw ng
Islam sa babae.
Ang Pangkalahatang Karapatan
Ang babae sa Islam ay mayroong mga pangkalahatang
karapatan, na ang ilan ay ang sumusunod:
1. Ang karapatan sa pagmamay-ari. Ang babae ay may
karapatang magmay-ari ng anumang naisin niya (kung kaya
niya) gaya ng mga bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga
pataniman, ginto, pilak, at iba’t ibang mga uri ng hayop—
maging siya man ay isang maybahay o isang ina o isang
anak o isang kapatid.
2. Ang karapatan sa pag-aasawa, pagpili ng asawa,
paghingi ng pagpapawalang-bisa sa kasal, at paghingi
ng diborsiyo kapag nagdurusa sa piling ng asawa.
Ang mga ito ay mga karapatang napagtibay para sa babae.
3. Ang karapatan sa pagkamit ng iba’t-ibang uri ng
kaalaman at lalo na ang kinakailangan para sa kanya
gaya ng kaalaman tungkol kay Allah, kaalaman tungkol sa
pagsamba sa Kanya at kung papaano ang pagsasagawa ng
mga ito, at kaalaman tungkol sa mga tungkuling kailangang
gampanan niya, mga kagandahang asal ukol sa kanya, at
mga pag-uugaling mahusay na kailangang taglayin niya,
batay sa pangakalahatang kauutusang nasasaad sa sinabi ni
Allah (47:19): “Kaya alamin mo na walang Diyos kundi
si Allah,” at sa sinabi rin ng Sugo: “Ang paghahanap ng
kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim.”
Ito ang Islam
6 16 1
4. Ang karapatan sa pagkakawanggawa ng anumang
naisin niya mula sa ari-arian niya at na gumugol mula rito
para sa sarili niya at para sa kaninumang naisin niya gaya ng
asawa, mga anak at mga magulang hanggat hindi umaabot
sa pag-aaksaya. Ang ukol sa kanya roon ay ang ukol din sa
lalaki.
5. Ang karapatan na ihabilin ang hanggang sa ikatlong
bahagi ng ari-arian niya habang nabubuhay pa at ipatupad
iyon kapag namatay na siya, nang walang pagtutol dahil
ang paghahabilin ay isang personal na karapatan. Kung
paanong ito ay maaari sa lalake, maaari rin sa babae, sa
kundisyong hindi lalampas ang habilin sa ⅓ ng ari-arian.
Ang babae at ang lalaki ay magkatulad dito.
6. Ang karapatan sa kasuutan. Maaari niyang isuot ang
anumang naiisin niya gaya ng seda at ginto—na ipinagbawal
sa mga lalake—ngunit wala siyang karapatang maghubad ng
kasuutan, mag-alis ng damit, magsuot ng maiiksing damit,
o mag-alis ng belo sa ulo, o ilitaw ang leeg maliban kung
nasa harap ng taong maaari niyang gawin iyon.
7. Ang karapatan sa pagpapaganda. Maaari siyang
gumamit ng eye-liner, pulbos, lipstick at iba pang make-up,
kung ibig niya, at magsuot ng pinakamagandang mga hiyas.
8. Ang karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at
makakain niya ang anumang masarap at mabuti. Walang
ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at
inumin. Ang anumang ipinahintulot na pagkain at inumin
ay kapwa ipinahihintulot sa mga lalaki at mga babae at ang
anumang ipinagbawal sa mga ito ay ipinagbabawal sa mga
Ito ang Islam
6 26 2
lalaki at mga babae. Nagsabi si Allah (7:31): “Magsikain
kayo at magsiinom kayo ngunit huwag kayong magpakalabis;
tunay na Siya ay hindi nagmamahal sa mga
nagpapakalabis.” Ang pinatutungkulan nito ay panlahat
na sumasaklaw sa kapwa babae at lalaki.
9. Ang karapatan sa pagpapamana at pagmamana.
Ang mga Karapatan ng Babae
sa Asawa Niya
Kabilang sa mga natatanging karapatan ng babae ay
ang mga karapatan niya sa asawa niya, ang mga karapatan na
iyon na ukol sa kanya katumbas ng mga itinakdang tungkulin
niya sa asawa niya. Ito ang ilan sa mga karapatan ng babae
na tungkuling gampanan para sa kanya ng asawa niya batay
sa sinabi ni Allah (2:228): “Ang karapatang ukol sa kanila
ay tulad ng tungkuling para sa kanila ayon sa kung ano
ang makatuwiran,” Kinakailangan sa asawa na ibigay ang
mga iyon nang buo sa maybahay, maliban kung ipagpaparaya
niya ang ilan sa mga iyon dahil maaari nitong gawin iyon.
1. Ang pagsustento sa maybahay ayon sa kalagayan
ng asawa sa kaginhawahan o kagipitan. Nasasakop ng
sustento ang kasuutan, ang pagkain, ang inumin, ang gamot
at ang tirahan.
2. Ang pangangalaga sa kanya sa karangalan niya, sa
katawan niya, sa ari-arian niya, at sa relihiyon niya.
3. Ang pagtuturo sa kanya ng kinakailangan sa mga
katuruan ng Relihiyon niya. Kung hindi kayang gawin ng
asawa iyon, pahihintulutan siya na matuto sa pamamagitan ng
Ito ang Islam
6 36 3
pagdalo sa mga aralin para sa mga babae na idinaraos sa
mga masjid, sa mga paaralan o sa ibang lugar kung may
katiyakang walang masama at kapinsalaan na mangyayari
sa kanya at sa asawa.
4. Ang magandang pakikitungo sa kanya dahil ang sabi
ni Allah (4:19): “Pakitunguhan ninyo sila ayon sa kung
ano ang nalalamang maganda.” Kabilang sa magandang
pakikitungo sa kanya ay ang hindi pagkakait sa karapatan
niya sa pagtatalik at ang hindi pananakit sa pamamagitan
ng panlilibak o panlalait o panghahamak o pagmamaliit.
Kabilang sa magandang pakikitungo sa maybahay ay ang
hindi siya pipigilan sa pagdalaw sa mga kamag-anak niya
kung walang kinatatakutan na maaaring masamang mangyari
sa kanya, na hindi siya aatangan ng hindi niya makakaya
sa mga gawain, at na maging mabuti sa kanya sa salita at
sa gawa dahil ang sabi ng Sugo: “Ang higit na mabuti sa
inyo ay ang higit na mabuti sa maybahay niya, at ako ang
higit na mabuti sa inyo sa maybahay ko.”
Ang Hijáb
Ang Hijáb sa literal na kahulugan ay tabing o belo. Ang
Hijáb ay ang itinakdang kasuutan para sa isang babae, na
tumatakip sa buong katawan niya magmula ulo hanggang
paa, kapag nasa harap ng mga taong hindi niya asawa o hindi
napakalapit na kaanak. Ang kasuutan ay itinuturing na Hijáb
kung ang mga sumusunod na kondisyon ay natutugon. Ang
kasuutan ay kailangang: hindi manipis, hindi mapang-akit,
at hindi kasuutang panlalaki.
Ito ang Islam
6 46 4
Hinangad ng Islam na pangalagaan ang pamilya sa
pagkalansag at pagguho. Pinaligiran nito ang pamilya ng
matatag na pader ng mga kagandahang asal at moralidad
upang manatiling ang mga kaluluwa ay malusog at ang
lipunan ay malinis: hindi inaantig dito ang mga kalaswaan
at hindi pinupukaw dito ang mga hilig ng laman. Naglagay
na ito ng mga hadlang upang pigilin ang mga pampaantig
na nag-aanyaya sa tukso. Kaya ipinag-utos nito sa panig ng
lalaki at babae na ibaba ang tingin.
Isinabatas ni Allah ang Hijáb para sa babae bilang
pagpaparangal sa kanya, pangangalaga sa karangalan niya
laban sa kadustaan at kahihiyan, paglalayo sa kanya sa
panliligalig ng mga buktot at mga halang ang mga kaluluwa,
pagsasanggalang sa kanya laban sa mga hindi kumikilala
sa halaga at kabuluhan ng kalinisan sa pamumuhay, bilang
pagpipinid sa pinto ng tukso na idinudulot ng tabarruj at
pagpapakita ng mga alindog at upang paligiran ang babae
ng pader ng paggalang at pagpapahalaga.
Ang Islam, nang isinapatakaran nito ang Hijáb, ay
nagnanais na magganrantiya sa babae ng isang marangal
na buhay. Iyan ay sapagkat ang babae, kapag tumatanda
na, nawawala na nang unti-unti ang kagandahan niya. Kapag
lumalabas ang lalaki sa lansangan at nakakikita ng mga
dalaga na nasa kasibulan ng buhay, taglay ang napakaganda
na kasuutan at kabataan, kapag nagbalik siya sa maybahay
niya ay sisimulan niya ang paghahambing. Walang dudang
ito ay may gagampanang papel sa pagwasak sa mga tahanan.
Ito ang Islam
6 56 5
Ang Polygyny
Umiiral na ang Polygyny halos kasabay ng paglitaw
ng tao. Matatagpuan ito sa mga naunang batas at sa mga
matandang lipunan. Mayroon nito noon sa mga Hudyo, mga
Kristiyano, mga Tsino, mga Indio at iba pa. Ang Polygny
noon ay walang hangganan; nag-aasawa ang isang lalaki ng
kahit ilan na maibigan niyang mga babae. Ang mga babae rin
noon ay napasasailalim sa kawalang-katarungan. Dumating
ang Islam; pinawi nito ang kawalang-katarungan sa babae
at nilimitahan ang Polygyny upang hindi hihigit sa apat.
Noong ipinahintulot ng Islam ang Polygyny ay nagtakda
ito para roon ng isang kondisyon: ang katarungan sa pagitan
ng mga maybahay. Nagbabala ito ng napakatinding babala
laban sa paglabag sa kondisyon na iyon at naglaan ito para
roon ng isang matinding parusa.
Tunay na mayroong mga pangangailangan na maaaring
magtulak sa lalaki sa Polygyny. Halimbawa, maaaring ang
maybahay ay baog o maysakit. Ang pinakamagaling ba para
sa babaeng ito ay na diborsiyuhin siya ng asawa niya at magasawa
ito ng ibang babae? Ang Polygyny ay maaaring para
rin sa kapakanan ng sambayan, gaya ng kapag dumami ang
mga babae resulta ng digmaan at iba pa. Nag-iwan ang
ikalawang digmaang pandaigdigan, halimbawa, ng 25 milyon
na balo sa Europa. Ang pinakamagaling ba ay na manatili
ang mga babaeng ito nang walang mga asawa o na maging
ikalawang maybahay? Nagkaroon ng isang demonstrayon
ng mga kababaihan sa Alemania matapos ang ikalawang
Ito ang Islam
6 66 6
digmaang pandaigdigan noong taong 1945. Hiniling doon ng
mga babae na gumawa ng konstitusyon na nagpapahintulot
sa Polygyny sa pagnanais na pangalagaan ang babaeng
Aleman laban sa kalisyaan ng pagbibili ng laman.
Ang Pagpasok sa Relihiyong Islam
Matapos na magkaroon ka ng kaalam sa kadakilaan ng
Relihiyong Islam, na ito ang tanging daan sa kaligtasan
para kay Allah, na ang pagpasok dito ay kinakailangan para
sa bawat isa, at walang paraan para sa pagpasok sa Paraiso
at pagkaligtas sa Impiyerno sa araw ng Pagkabuhay kundi
sa pamamagitan ng pagyakap dito, maaari mong maitanong
kung papaano ang pagpasok sa Islam. Ang sagot hinggil
doon: kapag ikaw ay nagnais na pumasok sa Islam ay wala
kang ibang gagawin kundi ang sumampalataya na walang
tunay na Diyos kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo
ni Allah. Bibigkasin mo ito ng ganito sa wikang Arabe:
ashhadu an lá iláha illalláhu wa ashhadu anna muhammadar
rasúlulláh—Sumasaksi ako na walang tunay na Diyos kundi
si Allah at sumasaksi ako na si Muhammad ay Sugo ni Allah.
Pagkatapos ay magsisimula ka sa pag-aaral at pagpapatupad
ng mga alituntunin ng Islam tulad ng pagdarasal at iba pa.
Ang mga aklat na naglilinaw rito ay marami.