Mga Artikulo

Ito ang Islam





هذا هو الإسلام


Ito ang Islam


Kapag pinagmasdan ng tao ang daigdig na tinitirahan


niya at nakikita niya ang malawak na magandang Sansinukob


na ito: ang langit na ito sampu ng mga malalaking bituin


nito na umiinog batay sa isang mahusay na sistema; ang


daigdig na ito sampu ng mga bundok nito, mga lambak nito,


mga ilog nito, mga kahoy nito at mga pananim nito, hangin


nito, tubig nito, kalupaan nito at karagatan nito, at gabi nito


at araw nito; hindi maiiwasang magtatanong siya sa sarili


kung sino kaya ang lumikha sa lahat ng ito.


Sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig na ito na hindi


iiral ang buhay kundi sa pamamagitan nito? Pinatubo Niya


sa pamamagitan nito ang mga halaman at ang mga punongkahoy,


at ang mga bulaklak at ang mga bunga. Pinainom


Niya sa pamamagitan nito ang mga tao at inihanda Niya ang


lupa upang mag-ingat nito.


Sino ang gumawa sa katangian ng grabitasyon sa mundo


ayon sa takdang sukat na naaangkop sa pangangailangan


ng mga bagay? Hindi nadadagdagan ang grabitasyon para


humirap ang paggalaw at hindi naman nababawasan para


magliparan ang mga bagay rito. Sino ang lumikha sa tao:


nilalang Niya ito sa unang pagkakataon at ginawa Niya ito


sa pinakamagaling na anyo?


Kapag pinagmasdan ng tao ang sarili niya, makatatagpo


siya ng kahanga-hangang bagay. Pagmasdan ang magkaibang


mga sangkap ng katawan mo na gumagawa sa tumpak na


Ito ang Islam


6 6


paraan. Wala kang nalalaman sa gawain ng mga ito kundi


ang kakaunti; ni hindi mo nakokontrol ang mga ito.


Tingnan mo ang hanging ito na nilalanghap mo; kung


nahinto ito sa iyo ng ilang saglit, tiyak na maaalis ang buhay.


Sino kaya ang nagpalitaw nito?


Tingnan mo ang tubig na iniinom mo, iyang pagkaing


kinakain mo, itong lupang nilalakaran mo, ang langit na


tinitingala mo, ang araw na nag-iilaw sa iyo, ang buwan,


ang mga bituin at ang lahat ng nakikita ng mata mo. Sino


kaya ang lumikha sa lahat ng ito?


Tunay na Siya ay si Allah. Si Allah ay ang lumikha sa


buong Sansinukob at tanging Siya ang nangangasiwa rito


at nagpapainog nito. Tunay na Siya ay ang Panginoon mo


na lumikha sa iyo, nagtustos sa iyo, bumubuhay sa iyo at


babawi sa buhay mo. Siya ang nagpalitaw sa iyo mula sa


wala, gaya ng pagpalitaw Niya sa buong Sanlibutan na ito


mula sa wala. Matapos ang lahat ng ito, aakalain kaya ng


isang may-isip na ang buong Sansinukob na ito ay nilikha


bilang isang laro, na ang mga tao ay ipinanganganak at


nabubuhay sa daigdig na ito nang ilang panahon, pagkatapos


mangamamatay at magwawakas na ang lahat ng bagay?


Kung gayon ano ang katotohanan at bakit nilikha tayo,


tayong mga tao?


Ito ang Islam


7 7


Bakit Nilikha Tayo?


Nilikha tayo ni Allah alang-alang sa pagsamba sa Kanya


lamang—hindi sa sinumang iba pa sa Kanya. Nagsugo Siya


sa atin ng mga sugo at nagbaba Siya ng mga Kasulatan para


sa paglilinaw sa pamamaraan ng pagsamba sa Kanya. Kaya


ang sinumang sumamba sa Kanya, tumalima sa Kanya at


umiwas sa mga ipinagbabawal Niya ay magkakamit ng


pagkalugod Niya. Ang sinumang umayaw sa pagsamba sa


Kanya at tumangging magpaakay sa kautusan Niya ay


magiging karapat-dapat sa galit at kaparusahan Niya. Ginawa


nga ni Allah ang mundong ito bilang tahanan ng paggawa


at pagsubok.


Pagkatapos ay mamamatay ang mga tao at sa araw ng


Pagkabuhay ay bubuhayin ni Allah ang lahat ng tao para sa


Pagganti at Pagtutuos. Gumawa Siya sa Kabilang-buhay ng


Paraiso na ang nasa loob nito ay kaligayahang walang mata


na nakakita, walang taingang nakarinig at hindi sumagi sa


isip ng tao. Inihanda ito ni Allah para sa mga sumampalataya


sa Kanya at tumalima sa kautusan Niya.


Ginawa Niya rin ang Impiyerno na ang nasa loob nito


ay mga sari-saring uri ng pagdurusa na hindi pa sumasagi


sa isip. Inihanda ito ni Allah para sa sinumang tumangging


sumampalataya sa Kanya, sumamba sa iba pa sa Kanya at


sumunod sa relihiyong iba pa sa Islam.


Ito ang Islam


8 8


Ano ang Islam?


Ang Islam ay ang Relihiyon na pinili ni Allah. Ito ay


ang pagsamba kay Allah lamang at ang pagtalima sa Sugo


Niya na si Muhammad. Hindi tatanggap si Allah mula sa


sinuman ng isang relihiyon na iba pa sa Islam. Ang Islam


ay hindi inilalaan sa isa bukod pa sa iba, bagkus ito ay para


sa lahat ng tao. Nag-utos si Allah sa mga lingkod Niya ng


ilang mga kautusan. Nagbawal Siya sa kanila ng ilang mga


pagbabawal. Kaya ang sinumang tumalima sa Kanya ay


magtatagumpay at maliligtas, at ang sinumang sumuway sa


Kanya ay mabibigo at mapapahamak. Ang Islam ay hindi


isang bagong relihiyon; ito ang Relihiyon mula kay Allah


na pinili Niya para sa nilikha Niya magmula ng magsimula


ang buhay sa daigdig na ito.


Ang Kasaysayan ng Paglikha


Nagsisimula ang kasaysayan ng paglikha magmula ng


likhain ni Allah ang ama ng sangkatauhan, si Adan. Nilikha


siya ni Allah mula sa putik, pagkatapos ay hinipan Niya siya


ng kaluluwa. Itinuro Niya sa kanya ang pangalan ng mga


bagay. Inutusan ni Allah ang mga anghel na magpatirapa sa


kanya, bilang karagdagang pagpapahalaga at pagpaparangal.


Nagpatirapa silang lahat maliban kay Satanas; tumanggi


siya at nagmalaki dahil sa inggit kay Adan. Kaya ibinagsak


siya ni Allah mula sa kaharian ng mga Langit at inilabas siya


na isang hamak na pinagtatabuyan. Hinatulan Niya siya


ng sumpa, kasawian at Impiyerno. Hiniling ni Satanas sa


Ito ang Islam


9 9


Panginoon niya na palugitan siya hanggang sa Araw ng


Pagkabuhay. Nagpalugit naman sa kanya si Allah. Sumumpa


si Satanas na ililigaw niya ang lahat ng anak ni Adan.


Pagkatapos niyon ay nilikha ni Allah mula kay Adan


ang maybahay niya na si Eva upang manahan sa piling nito


at mapanatag sa piling nito. Inatasan Niya silang dalawa


na manahan sa Paraiso na naglalaman ng kaginhawahang


hindi sumagi sa isip ng tao. Ipinabatid Niya sa kanilang


dalawa ang pagkamuhi ni Satanas sa kanila. Pinagbawalan


Niya sila na kumain mula sa isang punong-kahoy sa mga


punong-kahoy sa Paraiso, bilang pagsubok at pagsusulit sa


kanila. Subalit inudyukan sila ni Satanas at inakit sila na


kumain sa punong-kahoy na iyon. Sumumpa siya sa harap


nila na siya ay isa sa mga nagpapayo sa kanila. Sinabi niya:


“Kung kakain kayo mula sa punongkahoy na ito, magiging


kabilang kayo sa mga mananatiling buhay.”


Hindi niya nilubayan silang dalawa hanggang sa natukso


niya sila. Kumain sila mula sa punong-kahoy at nasuway nila


ang Panginoon nila. Ngunit pinagsisihan nila nang matindi


ang nagawa nila. Nagsisi sila sa Panginoon nila at tinanggap


naman Niya sa kanila ang pagsisisi. Subalit ibinaba Niya


sila mula sa Paraiso tungo sa Lupa. Nanirahan sa Adan at


ang maybahay niya sa Lupa. Pinagkalooban siya ni Allah


ng mga supling na nagsidami at nagsanga-sanga hanggang


sa panahon natin sa ngayon.


Hindi pa rin tumitigil si Satanas at ang mga supling niya


sa patuloy na pakikitunggali sa mga anak ni Adan upang


hadlangan sila sa patnubay, pagkaitan sila ng kabutihan,


Ito ang Islam


1 01 0


pagandahin ang kasamaan sa paningin nila, at ilayo sila sa


kinalulugdan ni Allah, sa paghahangad sa pagpasok nila sa


Impiyerno sa Kabilang-buhay. Subalit hindi hinayaan ni


Allah ang mga nilikha Niya na napababayaan, bagkus ay


nagsugo Siya sa kanila ng mga sugo na nagpapaliwanag sa


kanila ng katotohanan at gumagabay sa kanila sa kaligtasan.


Nang namatay si Adan, namuhay ang mga supling niya


noong wala na siya sa loob nang sampung salinlahi habang


sila ay nananatili sa pagtalima kay Allah at pagsampalataya


sa Kaisahan Niya. Pagkatapos niyon ay naganap ang shirk


(pagsamba sa iba pa kay Allah). Sinamba kasama kay Allah


ang iba pa kay Allah. Nagsimula ang mga tao sa pagsamba


sa mga imahen. Kaya ipinadala ni Allah ang kauna-unahan


sa mga sugo Niya, si Noe upang mag-anyaya sa mga tao sa


pagsamba kay Allah at pagwaksi sa pagsamba sa mga idolo.


Pagkatapos ay nagkasunud-sunod na ang mga propeta


noong wala na siya. Nag-anyaya sila sa Islam: ang pagsamba


kay Allah lamang at pagwawaksi sa anumang sinasamba na


iba pa kay sa Kanya.


Pagkatapos ay dumating si Abraham. Inanyayahan niya


ang mga kababayan niya na iwan ang pagsamba sa mga idolo


at ibukod-tangi si Allah sa pagsamba. Ang pagkapropeta


noong wala na siya ay nakamtan ng mga anak niya na sina


Ismael at Isaac. Pagkatapos ay napunta sa mga anak ni Isaac.


Ang ilan sa napakadakila na mga propeta mula sa mga


supling ni Isaac ay sina Jacob, Jose, Moises, David, Solomon


at Jesus, sumakanila ang kapayapaan. Pagkatapos ni Jesus


ay wala nang propeta na mula sa mga supling ni Isaac.


Ito ang Islam


1 11 1


Pagkatapos niyon ay nasalin ang pagkapropeta sa sangay


ni Ismael. Hinirang ni Allah si Muhammad, sumakanya ang


biyaya at ang kapayapaan Niya, upang maging pangwakas


sa mga propeta at mga sugo, upang ang mensahe sa kanya


ay maging ang pangwakas at upang ang Aklat na inihatid


niya na ibinaba sa kanya, ang Qur’an, ay maging ang huling


mensahe ni Allah sa Sangkatauhan. Dahil dito, dumating


ang mensahe niya na masaklaw, ganap at panlahat: para sa


tao at jinn, at para sa Arabe at di-Arabe, naaangkop sa bawat


panahon at pook, at bansa at kalagayan. Walang kabutihang


hindi nito itinuro at walang masama na hindi nito binigyangbabala.


Hindi tatanggap si Allah mula sa sinuman ng isang


relihiyong iba pa sa inihatid ni Muhammad.


Si Propeta Muhammad


Isinugo nga ni Allah si Muhammad bilang pangwakas


sa mga sugo. Ginawa Niya ang mensahe niya na pangwakas


sa mga mensahe. Isinugo siya ni Allah upang gabayan ang


mga tao sa pagsamba sa Kanya lamang at iwaksi ang lahat


ng sumasalungat doon na mga gawaing ipinansasamba ng


mga tao gaya ng pagsamba sa mga imahen at iba pa. Isinugo


si Muhammad sa Makkah noong siya ay apatnapung taong


gulang. Noong bago pa niya nakamtan ang pagkapropeta


niya, siya na ang pinakamataas sa mga kalipi niya, bagkus


ang pinakamataas sa Sangkatauhan, sa kagandahan ng Asal.


Kilala siya noon sa pagiging matapat, mapagkakatiwalaan


at mataas ang mga kaasalan, hanggang sa tinagurian siya


ng mga kalipi niya na al-Amín, ang Mapagkakatiwalaan.


Ito ang Islam


1 21 2


Siya ay hindi marunong bumasa’t sumulat. Ikinasi ni


Allah sa kanya ang Qur’an, na hinamon ni Allah ang lahat


ng tao na maglahad din ng tulad nito.


Isang Sulyap sa Pagkatao at Buhay Niya


Siya ay si Muhammad na anak ni ‘Abdulláh na anak ni


‘Abdulmut talib na anak ni Háshim na mula sa mga supling


ni Ismael na anak ni Abraham. Ang ina ng Propeta ay si


Áminah na anak ni Wahb na anak ni ‘Abdumanáf na anak


ni Zuhrah. Si Zuhrah ay kapatid ng lolo ng Propeta.


Napangasawa si Áminah ni ‘Abdulláh, ang ama ng


Propeta. Nanatili si ‘Abdulláh nang tatlong buwan piling


ni Áminah. Hindi naglaon ay ipinagdalang-tao nito ang


Propeta. Hindi ito nakadama ng hirap sa pagdadalang-tao sa


kanya. Isinilang siya nito na maganda ang anyo at malusog


ang pangangatawan. Iyon ay noong taong 571. Yumao ang


ama niya habang siya ay nasa sinapupunan pa ng ina niya.


Kinalinga siya ng lolo niya na si ‘Abdulmut talib. Tatlong


araw siyang pinasuso siya ng ina niya. Pagkatapos niyon


ay ipinagkatiwala ng lolo niya ang pagpapasuso sa kanya


sa isang babaeng taga-disyerto, na tinatawag na Halímah


as-Sa‘díyah.


Kabilang sa mga kaugalian ng mga Arabe noon ay na


ipasuso ang mga anak nila sa mga taga-disyerto yamang


nagdudulot ng mga kakailanganin sa paglaking may malusog


na pangangatawan. Nakitaan ni Halímah as-Sa‘díyah ang


sanggol na ito ng kababalaghan. Ang isa roon ay noong siya


ay pumunta kasama ng asawa niya sa Makkah sakay ng isang


Ito ang Islam


1 31 3


inahing asno na payat at mabagal ang lakad. Ngunit nang


nasa daan na pauwi mula sa Makkah, habang ikinakalong


niya ang sanggol sa kandungan niya, ang inahing asno ay


tumatakbo na nang mabilis at naiwanan nito sa hulihan nito


ang lahat ng hayop, na ikinamangha ng lahat ng kasama


sa daan.


Isinalaysay ni Halímah na ang mga dibdib niya ay wala


dating ipinapatak kundi kakaunting gatas, at na ang anak


niyang sanggol ay laging umiiyak dahil sa tindi ng gutom.


Ngunit nang isinubo na niya ang dibdib niya sa sanggol na


si Muhammad ay dumaloy nang masagana ang gatas. Kaya


napasususo na niya ito at napasususo rin niya ang anak niya


hanggang sa mabusog sila.


Nagsalaysay rin si Halímah ng tungkol sa tagtuyot sa


lupain ng mga kalipi niya, ang tirahan ng angkan ni Sa‘d.


Subalit nang makamit niya ang karangalan ng pagpapasuso


sa batang ito, nabiyayaan ang lupain niya at ang alagang


mga hayupan niya at napalitan ang kalagayan niya: mula sa


kasalatan at hirap ay naging kasaganaan at kaginhawahan.


Pagkatapos ng dalawang taon ay iniuwi ni Halímah si


Muhammad sa ina nito at sa lolo nito sa Makkah. Subalit


si Halímah ay nagpumilit sa ina nito na sumang-ayon sa


pananatili nito sa piling niya sa ikalawang pagkakataon,


dahil sa nakita niya na biyayang dala nito sa kanya. Sumangayon


naman ang ina nito na si Áminah at umuwi si Halímah


dala ang bata sa ikalawang pagkakataon sa tirahan niya. Ang


kagalakan ay nag-uumapaw sa puso niya.


Ito ang Islam


1 41 4


Pagkatapos ng dalawang taon na naman ay inuwi ni


Halímah si Muhammad sa ina niya. Ang edad niya nang


sandaling iyon ay apat na taon. Inalagaan siya ng ina niya


hanggang sa yumao ito noong siya ay anim na taong gulang.


Kinalinga naman siya ng lolo niyang si ‘Abdulmut talib sa


loob ng dalawang taon at pagkatapos ay yumao na rin ito.


Pagkatapos ay kinalinga siya ng amain niya na si Abú


Tálib. Kinupkop siya nito nilipos ng pangangalaga niya


gaya ng ginagawa niya sa mga anak niya. Kaya nga lamang


siya ay maralita, kaya hindi nahirati si Muhammad sa buhay


ng kaginhawahan at karangyaan.


Siya ay nasanay na sa pagpapastol ng tupa kasama ng


mga kapatid niya sa gatas noong siya ay nasa disyerto ng


lupain ng angkan ng Sa‘d. Nagpapastol siya para sa mga


mamamaya ng Makkah kaya nakapagbibigay siya sa amain


niyang si Abú Tá gsa ib abububls bi il ibamamab is bil


mab sa pagpapastol. Siya ay naglakbay rin kasama ng amain


niyang si Abú Tágsa sa isang pangangalakal sa Syria, noong


siya ay mga labindalawang taong gulang.


Pagkatapos siya ay naglakbay muli upang ikalakal ang


paninda ni Khadíjah bint Khuwaylid na isang mayamang


babae sa Makkah. Binigyan siya nito ng mainam kaysa dati


nitong ibinibigay sa iba sa kanya dahil naghatid siya ng mga


tubong limpak-limpak.


Noong naisalaysay kay Khadíjah ng lalaking utusan niya


na si Maysarah ang nakita nitong mataas na mga kaasalan at


matayog na mga katangian ni Muhammad sa paglalakbay


niyon sa Syria ay naukol ang pagkagusto niya roon at na


Ito ang Islam


1 51 5


maging asawa para sa kanya. Nakapag-asawa na siya noong


una ngunit namatay iyon.


Nairaos ang pinagpalang kasal. Si Muhammad nang


sandaling iyon ay dalawampu’t limang tagong gulang at


si Khdíjah naman ay mga apatnapung taong gulang.


Noong palapit na si Muhammad sa gulang na apatnapu


ay naibigan niya ang pag-iisa. Nananatili siyang mag-isa


noon sa yungib ng Hirá’ sa labas ng Makkah. Nagsasagawa


siya ng pagsamba roon sa loob ng ilang gabi, pagkatapos


ay umuuwi siya sa bahay niya at naghahanda ng babauning


pagkain at inumin.


Minsan isang gabi at nang siya ay nasa loob ng yungib


ay pinuntahan siya ni Anghel Gabriel mula sa Langit at


nagsabi ito sa kanya: “Bumasa ka.” Kaya nagsabi siya:


“Ako ay hindi nakababasa.” At nagsabi uli ito: “Bumasa


ka.” At nagsabi uli siya: “Ako ay hindi nakababasa.” At


nagsabi uli ito: “Bumasa ka.” At nagasabi uli siya: “Ako


ay hindi nakababasa.” Sa bawat pagsagot mula sa tatlong


pagsagot ay niyayakap siya nito at pinipiga nito hanggang


sa humantong siya sa panlulupaypay. Nang binitiwan siya


ni Gabriel sa ikatlong pagkakataon, ibinigay nito sa kanya


ang kauna-unahan sa mga talata na ibinaba mula sa Qur’an:


“Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,


lumikha sa tao mula sa namuong dugo. Bumasa ka


at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, na


nagturo sa pamamagitan ng panulat, nagturo sa tao


ng hindi nito nalaman.”(96:1-5). Sa pamamagitan ng mga


dakilang talata na ito na nag-uutos sa pagtamo ng kaalaman


Ito ang Islam


1 61 6


at naglilinaw sa simula ng paglikha sa tao, nagsimula ang


pagbaba ng Kapahayagan mula kay Allah sa Propeta.


Bumalik ang Propeta sa maybahay niya na si Khadíjah,


na kumakabog-kabog ang puso niya dahil sa pangamba.


Sinabi siya: “Balutin ninyo ako, balutin ninyo ako.” Ginawa


naman nila. Nang nilisan siya ng pagkasindak ay ibinalita


niya kay Khadíjah ang nangyari. Sinabi niya: “Natatakot na


ako para sa sarili ko.” Kaya nagsabi si Khadíjah, kalugdan


siya ni Allah: “Aba’y huwag, sumpa man kay Allah, hindi ka


ipahihiya ni Allah. Tunay na ikaw ay talagang nakikitungo sa


kamag-anak, umaalalay sa maralita, umaagapay sa hikahos,


tumatanggap nang magiliw sa panauhin, at tumutulong sa


dinapuan ng kasawian.”


Pagkatapos ay dumating na naman si Gabriel. Nagsabi


si Muhammad: “Habang ako ay naglalakad, nakarinig ako


ng isang tinig mula sa Langit kaya inangat ko ang paningin


ko. Walang anu-ano’y tumambad ang anghel na pumunta


sa akin sa yungib ng Hirá’.” Binanggit pa niya na nasindak


siya roon, subalit hindi singtindi noong unang pagkakataon.


Umuwi siya sa maybahay niya at nagbalot nang sarili at


nagtakip ng kumot.


Pagkatapos ay ibinaba ni Allah sa kanya ang salita Niya:


“O nakatakip! Bumangon ka at magbabala ka. Ang


Panginoon mo ay dakilain mo. Ang kasuutan mo ay


linisin mo. At ang diyus-diyusan ay layuan mo.” (74:1-5).


Ibig sabihin: O nagtakip ng kumot niya, magbabala ka sa


mga tao sa pamamagitan ng Qur’an, iparating mo sa kanila


Ito ang Islam


1 71 7


ang paanyaya ni Allah, linisin mo ang mga kasuutan mo sa


mga karumihan at iwaksi mo ang mga diyus-diyusan.


Pagkatapos ay nagpatuloy ang Kapahayagan matapos


niyon at nagkasunod-sunod. Inatasan ni Allah si Muhammad


na anyayahan ang mga tao sa pagsamba kay Allah lamang


at sa Relihiyong Islam na kinalugdan Niya para sa mga tao.


Kaya nagsimula ang Propeta sa pag-aanyaya sa pamamagitan


ng karunungan at magaling na pangangaral.


Tinugon siya ng unang mga tumugon: ang maybahay


niyang si Khadíjah sa mga kababaihan, ang kaibigan niyang


si Abú Bakr sa mga kalalakihan at ang pinsan niyang si ‘Ali


na anak ni Abú Tágsa sa mga bata. Pagkatapos ay nagsunodsunod


na ang pagpasok ng mga tao sa Islam. Tumindi ang


pamiminsala ng mga pagano sa kanya. Nagpatuloy siya sa


pag-aanyaya sa mga tao sa Makkah sa loob ng labintatlong


taon at nadagdagan pa ang pamiminsala ng mga pagano sa


kanya at sa mga Kasama niya. Kaya lumikas siya at ang mga


Kasama niya sa Madínah. Nagpatuloy siya sa pag-aanyaya


niya roon, hanggang sa bumalik siya sa Makkah pagkalipas


ng mga taon at pumasok din sa Relihiyong Islam ang lahat


ng mga naninirahan doon.


Binawi siya ni Allah sa gulang na animnaput’ tatlong


taon; apatnapu bago naging Propeta at dalawampu’t tatlo


bilang Propeta. Sa pamamagitan niya ay winakasan ni Allah


ang makalangit na mga mensahe. Inobliga ang pagtalima sa


kanya sa lahat ng tao. Ang tumalima sa kanya ay liligaya


sa mundo at papasok sa Paraiso sa Kabilang-buhay; ang


sumuway sa kanya ay magdadalamhati sa mundo at papasok


Ito ang Islam


1 81 8


sa Impiyerno sa Kabilang-buhay. Matapos na bawiin siya ni


Allah ay sumunod ang mga Kasama niya sa hakbang niya.


Ipinarating nila ang paanyaya niya at ipinalaganap nila ang


Islam sa Mundo.


Ilan sa mga Kaasalan ng Sugo ni Allah


Ang Propeta ay ang pinakamaganda sa mga tao sa mga


kaasalan. Nakalalamang na siya sa gayong katangian bago


pa man naging Propeta at nadagdagan pa niyon matapos


maging Propeta. Sinabihan siya ni Allah ng ganito sa sabi


Niya sa kanya: “Tunay na ikaw ay talagang nasa isang


dakilang kaasalan.”(68:4). Nag-aanyaya siya at humihimok


sa mararangal na mga kaasalan. Ang Sugo ni Allah, sa gitna


ng mga Kasama niya, ay isang mataas na halimbawa para sa


kaasalang ipinangangaral niya. Siya ay nagtatanim sa gitna


ng mga Kasama niya ng mataas na kaasalan sa pamamagitan


pagsasabuhay niya bago niya itinatanim ito sa pamamagitan


ng sinasabi niya na mga karunungan at mga pangaral. Ayon


sa sinabi ni Anas: “Sampung taon kong pinaglingkuran ang


Propeta; sumpa man kay Allah, hindi siya nakapagsabi sa


akin kailanman ng isang pabalang na salita at hindi rin siya


nagsabi sa isang nagawang bagay: Bakit mo ginawa ang


ganyan? Bakit hindi mo gawin ang ganyan?”


Ayon pa rin sa sinabi ni Anas: “Naglalakad ako noon


kasama ng Propeta na nakasuot ng balabal na magaspang


ang gilid. Naabutan siya ng isang Arabeng taga-disyerto at


hinaltak siya nito nang malakas na pagkakahaltak hanggang


sa nakita ang ibabaw ng balikat ng Sugo ni Allah at bumakat


Ito ang Islam


1 91 9


na rito ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng pagkakahaltak.


Pagkatapos ay nagsabi ito: “Muhammad, mag-utos ka na


bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo!” Lumingon


sa kanya ang Sugo ni Allah, tumawa at nag-utos siya na


bigyan ito ng kaloob.


May nagtanong kay ‘Á’ishah, ang maybahay ng Propeta:


“Ano ang ginagawa niya (Propeta) noon sa bahay niya?”


Nagsabi ito: “Siya noon ay nasa paglilingkod ng mag-anak


niya at kapag dumating ang [oras ng] saláh ay nagsasagawa


siya ng wudú’ at nagpupunta sa saláh.”


Ayon naman sa sinabi ni ‘Abdulláh ibnu al-Hárith: “Wala


akong nakitang isa na higit na madalas sa pagngiti kaysa sa


Sugo ni Allah.”


Ang nalalaman sa ilan sa mga katangian ng Sugo ay


na siya ay mapagbigay, hindi nagmamaramot ng anuman;


matapang, hindi umuurong kailanman sa katotohanan;


makatarungan, hindi lumalabag kailanman sa katarungan sa


paghahatol; matapat at mapagkakatiwalaan sa buong buhay


niya. Ayon sa sinabi ni Jábir: “Hindi nahilingan ang Propeta


at nagsabi siya ng hindi.”


Nakikipagbiruan siya noon sa mga Kasamahan niya at


nakikihalubilo sa kanila, nilalaro niya ang mga anak nila at


pinauupo ang mga ito sa kandungan niya, tinutugon niya ang


paanyaya, dinadalaw niya ang may-sakit, at tinatanggap


niya ang dahilan ng nagdadahilan. Tinatawag niya ang mga


Kasamahan niya sa pinakaibig nilang mga pangalan nila.


Hindi niya sinasabat ang sinuman sa pagsasalita nito.


Ito ang Islam


2 02 0


Ayon sa sinabi ni Abú Qatádah: “Nang dumating ang


delegasyon ng Hari ng Ethiopia ay nagsimula ang Propeta


sa paglilingkod sa kanila. Kaya nagsabi sa kanya ang mga


Kasamahan niya: ‘Makasasapat na po kami para sa iyo,’ at


nagsabi naman siya: Tunay na sila ay mga mapagbigay


sa mga Kasamahan natin at tunay na ako ay nagnanais


na gumanti sa kanila.” Nagsabi rin siya: “Ako ay isang


tao lamang; kumakain ako gaya ng pagkain ng tao at


umuupo ako gaya ng pag-upo ng tao.”


Sumasakay siya sa asno, dumadalaw siya sa mga dukha


at nakikiupo siya sa mga maralita. Nagsasabi ang bantog na


Pilosopong Britanio na si Thomas Carlyle (1795-1881) sa


aklat niya na pinamagatang Heroes ng mahabang pananalita


tungkol sa Propeta na pinatutungkulan niya rioon ang mga


kababayan niyang Kristiyano. Isa roon ay ang sinabi niya:


“Naging isang napakalaking kapintasan sa sinumang tao sa


panahon ngayon na makinig sa sinasabi na ang Relihiyong


Islam ay isang kasinungalingan at na si Muhammad ay isang


manlilinlang at isang manunuba.”


Ilan sa mga Himala Niya


Tunay na ang pinakadakila sa mga himala niya ay ang


Banal na Qur’an na dumaig sa mga mahuhusay sa wikang


Arabe at ipinanghamon ni Allah sa lahat na maglahad sila


ng isang kabanata na tulad ng mayroon ito. Kinilala ng mga


tumatangging sumampalataya ang pagiging di-matutularan


ng Qur’an. Patuloy pa rin ang hamon na ito.


Ito ang Islam


2 12 1


Hinamon siya ng mga pagano sa Makkah na biyakin


ang buwan. Dumalangin siya sa Panginoon niya at nabiyak


ang buwan hanggang sa maging dalawang bahagi. Bumukal


ang tubig sa pagitan ng mga daliri niya nang makailang ulit.


Nagluwalhati ang mga bato na nasa palad niya.


Kinausap siya ng braso ng tupang may lason na ibinigay


sa kanya ng isang babae Hudyo na nagnanais na patayin


siya sa pamamagitan ng lason.


Hiniling sa kanya ng isang Arabe na taga-disyerto na


pakitaan niya ito ng himala. Inutusan niya na lumapit ang


isang kahoy, at pumunta ito sa kanya. Pagkatapos ay inutusan


niya ito na bumalik, at bumalik ito sa kinalalagyan nito.


Ginatasan niya ang isang tupa na walang gatas, at


nagkaroon ito ng gatas. Ginatasan niya ito, uminom siya at


pinainom niya ang kaibigan niya na si Abu Bakr.


Dinuraan niya ang mga mata ni Alí ibnu Abí Tálib,


kalugdan ito ni Allah, noong ito ay nagkaroon ng sore eyes,


at kaagad na gumaling ito. Nasugatan ang isang lalaki sa


mga Kasamahan niya; hinipo niya ang sugat at gumaling


kaagad.


Dumalangin siya para sa isa sa mga Kasama niya, si


Anas ibnu Málik, na magkaroon ito ng mahabang buhay,


maraming yaman at anak, at na pagpalain ito ni Allah sa


mga iyon. Kaya nagkaroon ito ng 120 anak; ang mga punong


datiles nito ay namumunga nang dalawang beses sa isang


taon gayong batid na ang datiles ay namumunga ng isang


beses lamang sa isang taon; at nabuhay ito nang 120 taon.


Ito ang Islam


2 22 2


Idinaing sa kanya ang tagtuyot habang siya ay nasa


pulpito ng masjid habang nangangaral. Nanalangin siya kay


Allah noong ang langit ay walang ulap. May namuong mga


ulap na tulad ng mga bundok. May bumuhos na masaganang


ulan sa sandaling iyon hanggang sa sumunod na Biyernes,


hanggang sa idinaing naman sa kanya ang dami ng ulan.


Kaya nanalangin na naman siya kay Allah at tumigil naman


agad ang ulan. Lumabas ang mga tao at naglakad sa ilalim


ng sikat ng araw.


Pinakain niya ang isang libong lumahok sa labanan sa


Khandaq ng isang salop na trigo at isang tupa. Nabusog


silang lahat at umalis sila na ang pagkain ay parang hindi


nabawasan ng anuman.


Lumabas siya sa bahay na napaligiran ng isandaang


Quraysh na naghihintay upang patayin siya. Hinagisan niya


ang mga mukha nila ng alikabok at umalis siya na hindi


nila nakikita.


Sinundan siya ni Suráqah ibnu Málik upang patayin siya.


Ngunit nang napalapit na ito sa kanya ay nanalangin siya


laban dito at lumubog sa lupa ang mga paa ng kabayo nito.


Ang mga Saligan ng Relihiyong Islam


1. Ang Pananampalataya Kay Allah. Ito ang batayan ng


Reliyong Islam. Ang Pananampalataya kay Allah ay ang


tiyakang paniniwala sa kairalan (existence) ni Allah; na


Siya ay Panginoon ng lahat ng bagay at ang Nagmamayari


ng mga ito; na Siya ay ang Tagapaglikha lamang, at


ang Tagapangasiwa sa buong Sansinukob; na Siya lamang


Ito ang Islam


2 32 3


ang karapat-dapat sa pagsamba: wala Siyang katambal; na


Siya ay nagtataglay ng mga katangian ng kagánápan; na


Siya ay walang kaugnayan sa bawat kapintasan, kakulangan


at pagkakatulad sa mga nilikha.


Ang sinumang magmumuni-muni sa Sanlibutan at ng


mga nilikha na narito ay matatalos niyang hindi maaaring


ang mga ito mismo ang lumikha sa mga sarili ng mga ito


at hindi rin maaaring lumitaw nang walang tagapalikha,


bagkus tunay na ang Tagapaglikha sa mga ito ay si Allah.


2. Ang Pananampalataya sa mga Anghel.1 Ang mga


anghel ay mga nilalalang na nakalingid sa paningin, mga


nilikha, at mga sumasamba kay Allah. Wala silang taglay na


anuman sa mga katangian ng pagkapanginoon ni pagkadiyos.


Pinagkalooban sila ni Allah ng lubos na pagpapasakop sa


mga kautusan Niya at kakayahan sa pagtupad sa mga iyon.


Ang Muslim ay sumasampalataya sa kairalan nila. Sila


ay marami: walang nakabibilang sa kanila kundi si Allah.


Gayon din ang pananampalataya sa pangalan sa nalaman


natin ang pangalan sa kanila, gaya nina Jibríl (Gabriel),


Málik, Míká’íl at iba pa. Gayon din ang pananampalataya


sa nalaman natin sa mga katangian nila at mga gawain nila.


3. Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan. Ang Muslim


ay sumasampalataya na si Allah ay nagbaba ng mga Aklat


sa ilan sa naunang mga propeta Niya at mga Sugo Niya


alang-alang sa paglilinaw sa katotohanan at pag-aanyaya


1 Ang Paniniwala na mayroong mga anghel.


Ito ang Islam


2 42 4


rito, gaya ng Tawrah, Injíl, at Zabúr. Sumasampalataya ang


Muslim sa Qur’an na ibinaba ni Allah sa Pangwakas sa mga


propeta Niya, si Muhammad. Ang Qur’an ay ang huling


Mensahe ni Allah para sa Sangkatauhan. Hindi tatanggapin


ni Allah mula sa sinuman ang gawa kung hindi ayon sa


nasaad dito. Ito ay nangingibabaw sa mga naunang aklat at


nagpapatotoo sa mga ito. Natatangi rin ito dahil si Allah


ay nangako sa pangangalaga rito kaya hindi ito napasukan


ng paglilihis at pagpapalit sa nilalaman. Iyan ay kabaliktaran


ng nangyari sa mga naunang aklat na pinasok ng paglilihis


at pagbabago sa nilalaman dahil si Allah ay hindi nangako


sa pangangalaga sa mga ito, gaya ng Qur’an.


Ang Qur’an sa larangan ng istilong pampanitikan ay ang


pinakamarikit sa mga larawan ng kagandahan at retorika,


at sa larangan ng pagbabatas ay batas na nasa tugatog ng


kalubusan. Ito, sa larangan Teolohiya at pagbibigay-alam


hinggil sa mga nakalingid, ay nagbibigay ng hindi nalalaman


ng isa sa Sangkatauhan, na hindi maaaring matalos ng isip


ng tao mismo. Ito, sa larangan ng agham pangkalikasan, ay


tumutukoy sa mga batas at mga kalakarang pangkalikasan


na hindi nangyaring nalalaman ng isa man noong panahon


ni Propeta Muhammad, ni sa panahong sumunod sa panahon


niya, ni sa sampung siglong dumating pagkatapos niyon.


Naglalaman ito ng mga pagtukoy sa mga batas pangkalikasan


na natuklasan lamang isang libo at tatlong daang taon nang


wala na si Propeta Muhammad at marahil ng ilan pang batas


pangkaliksan na hindi pa natutuklasan hanggang sa ngayon.


Ito ang Islam


2 52 5


Ang Qur’an ay isang aklat na hinamon ni Allah sa


pamamagitan nito ang lahat ng tao: na maglahad sila ng


sampung kabanata na mga tulad ng mga kabanata nito, o


na maglahad sila ng tulad na iisang kabanata. Hindi nila


nakaya. Ang hamon na ito ay umiiral pa rin pahanggang


sa ngayon, at ang kawalang-kakayahan ay nagpapatuloy


pa rin magpahanggang sa ngayon!


Ang pagiging di-matutularan ng Qur’an ay nananatili,


subalit ang larangan ng pagiging di-matutularan nito ay


hindi lamang sa mga kataga nito, ni sa pagpapabatid nito


hinggil sa mga nakalingid lamang, ni sa mga pagbabatas nito,


bagkus ay sa pinagsamang nilalaman nito.


4. Ang Pananampalataya sa mga Sugo. Sumasampalataya


ang Muslim na si Allah ay nagsugo sa kanila alang-alang


sa pag-aanyaya sa Sangkatauhan sa pagsamba kay Allah


lamang at sa pagwawaksi sa lahat ng sumasalungat doon.


Sila ay mga taong nilikha. Wala silang taglay na anuman


sa mga katangian ng pagkapanginoon at pagkadiyos. Taglay


nila ang mga katangian ng mga tao gaya ng pangangailangan


sa pagkain at inumin, at ng pagkakasakit at kamatayan.


Ang mga sugo ay ang pinakamabuti sa mga tao. Pinili sila


ni Allah at itinangi sila sa paghahatid ng mensahe Niya. Ang


pagsampalataya sa kanila ay naglalaman ng pananampalataya


na ang mensaheng hatid nila ay totoo. Ganoon din ang


pananampalataya sa nalaman natin ang pangalan mula sa


kanila ayon sa pangalan niyon mismo, at ang paniniwala sa


napagtibay mula sa mga kaalaman mula sa kanila. Kabilang


din ang pagsasagawa sa Batas ng pangwakas sa kanila na


Ito ang Islam


2 62 6


si Muhammad, yayamang hindi na tatanggapin ni Allah,


matapos na maisugo siya, ang Batas ng iba pa sa kanya.


5. Ang Pananampalataya sa Huling Araw. Ito ay ang


Araw ng Pagkabuhay, na sa araw na ito ay bubuhayin ni


Allah ang mga tao para sa Pagtutuos at Paggaganti. Tinawag


ito na gayon dahil wala nang araw pagkatapos nito yamang


mananahan na ang mga nararapat sa Paraiso sa mga tahanan


nila at ang mga nararapat sa Impiyerno sa mga tahanan nila.


Ang kahulugan ng Pananampalataya sa Huling Araw ay


ang tiyakang paniniwala sa pagdating nito at ang paggawa


ng ayon sa hinihiling niyon.


Ang Pananampalataya sa Huling Araw ay naglalaman


ng tatlong bagay:


A. Ang Pananampalataya sa Pagkabuhay. Ito ay ang


pagbubuhay na muli sa mga patay. Bubuhayin sila ni Allah;


magsisibangon sila sa mga libingan nila na mga nakayapak,


mga hubad at mga di-tuli.


B. Ang Pananampalataya sa Pagganti at Pagtutuos.


Tutuusin ni Allah ang bawat tao ayon sa ginawa niya sa


mundong ito at gagantihan siya roon. Kaya ang sinumang


tumalima, sumampalataya at gumawa ng mabuti ay mauukol


sa kanya Paraiso; ang sinumang sumuway at tumangging


sumampalataya ay mauukol sa kanya ang Impiyerno. Ang


Pagganti at ang Pagtutuos ay ang hinihiling ng katuwiran.


Tunay na si Allah ay nagbaba ng mga Kasulatan, nagsugo


ng mga sugo, naglinaw sa mabuti at masama, at nag-obliga


sa mga tao sa pagsamba sa Kanya at pagtalima sa Kanya.


Ito ang Islam


2 72 7


Pagkatapos ay tunay na sa mga tao ay mayroon sa kanila na


sumasampalataya at tumatanggi na sumampalataya. Kaya


hindi naaangkop sa talino ni Allah at katarungan Niya na


ang mga ito ay magiging pantay [sa gantimpala]. Nagsabi


si Allah sa Banal na Qur’an (68:35-36): “Gagawin ba


Namin ang mga Muslim na gaya ng mga Salarin? Anong


nangyayari sa inyo? Papaano kayong humuhusga?”


C. Ang Pananampalataya na may Paraiso at Impiyerno.


Ang mga ito ay ang uwiang mananatili magpakailanman


para mga nilikha. Ang Paraiso ay tahanan ng kaginhawahan


na inihanda ni Allah para sa mga mananampalataya na


nangingilag magkasala, na sumampalataya sa inobliga ni


Allah sa kanila na sampalatayanan, nagsagawa ng pagtalima


kay Allah at sa Sugo Niya at nag-uukol ng katapatan kay


Allah at sumusunod sa Sugo Niya. Ang mga mananahan sa


Paraiso ay magkakaiba ang mga antas nila alinsunod sa mga


gawa nilang matuwid. Ang Impiyerno naman ay tahanan ng


pagdurusa na inihanda ni Allah para mga tumatangging


sumampalataya, na lumabag sa katarungan, na sumuway


sa mga Sugo Niya. Ang Impiyerno ay maraming palapag.


Ang mga mananahan doon ay magkakaiba sa pagdurusa


alinsunod sa mga gawa nilang masama.


6. Ang Pananampalataya sa Pagtatakda. Sasampalataya


ang isang tao na si Allah ay nakaaalam sa anumang nangyari,


anumang nangyayari at anumang mangyayari, at na ang


anumang niloob ni Allah ay nangyayari at ang anumang hindi


niya niloob ay hindi mangyayari, at na hindi magaganap ang


anuman kung hindi ayon sa kaalaman Niya at kalooban Niya.


Ito ang Islam


2 82 8


Ang Pagsamba sa Islam


Hindi tatanggapin sa Islam ang Pagsamba kapag hindi


tapat na iniukol kay Allah at umaayon sa katuruang hinatid


ni Propeta Muhammad. Samakatuwid, ang dasal, halimbawa,


ay isang pagsambang hindi dapat ibaling sa iba pa kundi


kay Allah at hindi isasagawa kung hindi sa pamamagitan


ng pamamaraang nilinaw ng Sugo ni Allah. Iyon ay dahil


sa sumusunod na mga kadahilanan:


1. Na si Allah ay nag-utos ng tapat na pag-ukol ng pagsamba


sa Kanya lamang. Samakatuwid, ang pagsamba sa iba pa


sa Kanya kasama sa Kanya ay isang Shirk (Pagtatambal


sa Kanya sa Pagkadiyos). Nagsabi si Allah: “Sambahin


ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya


ng anuman.”(4:36).


2. Na si Allah ay naglalaan ng pagbabatas para sa sarili Niya.


Ito ay karapatan Niya lamang. Ang sinumang nagsagawa ng


pagsamba na hindi ayon sa isinabatas ni Allah ay nakilahok


na kay Allah sa pagbabatas Niya.


3. Na si Allah ay naglubos para sa atin ng Relihiyong Islam.


Samakatuwid, ang taong umiimbento ng isang pagsamba na


ay magiging isang nagpaparatang sa Islam ng kakulangan.


4. Na kung ipinahintulot sa mga tao na magsagawa ng


pagsamba ayon sa niloob nila, talagang ang bawat tao ay


magkakaroon ng pansariling pamamaraan niya sa pagsamba,


dahil sa pagkakaiba ng mga panlasa.


Ito ang Islam


2 92 9


Ang mga Saligan ng Islam


Ang mga Saligan ng Islam na ipinag-utos ni Allah na


isagawa ay limang saligan:


1. Ang pagsaksi na walang totoong Diyos kundi si Allah


at na si Muhammad ay Sugo ni Allah,


2. Ang pagpapanatili sa pagdarasal,


3. Ang pagbibigay ng Zakáh,


4. Ang pag-aayuno sa Ramadá,i


5. Ang pagsasagawa ng Hajj sa Banal na Bahay ni Allah.


Ang Kahulugan ng mga Saligan ng Islam


1. Ang pagsaksi na walang totoong Diyos kundi si Allah


at na si Muhammad ay Sugo ni Allah. Ang kahulugan ng


pagsaksing ito ay ang tiyakang paniniwala na ipinahahayag


ng dila na si Allah ang totoong dapat na sinasamba, tanging


Siya: wala Siyang katambal; at na si Muhammad ay Sugo


na nagpaparating ng tungkol kay Allah. Samakatuwid, hindi


tatanggapin ang pagyakap sa Islam ng isang tao, ni ang gawa


kung walang pag-uukol ng katapatan kay Allah at pagtalima


sa Sugo Niya na si Muhammad. Ang kahulugan ng walang


totoong Diyos kundi si Allah ay na bibigkasin ito ng isang


tao nang naniniwala na si Allah ay ang totoong dapat na


sinasamba lamang. Hindi nakasasapat ang pagbigkas lamang


nito, bagkus ay kailangan ang pagsasagawa sa nilalaman


nito gaya ng pagtanggap at pagpapaakay na lubos sa mga


kautusan ni Allah. Ang kahulugan naman ng si Muhammad


ay Sugo ni Allah ay ang pagtalima sa kanya sa iniutos niya,


Ito ang Islam


3 03 0


ang paniniwala sa kanya sa ipinabatid niya, ang pag-iwas


sa sinaway at sinawata Niya at na hindi sasambahin si Allah


kung hindi ayon sa isinabatas niya.


2. Ang pangangalaga sa pagdarasal. Ang mga dasal na


isinatungkulin sa Islam ay lima sa araw at gabi. Ang mga ito


ay dasal sa madaling-araw, dasal sa tanghali, dasal sa hapon,


dasal sa pagkalubog ng araw, at dasal sa gabi.


3. Ang pagbibigay ng Zakáh (Takdang Kawanggawa).


Ito ay ang pagkakaloob ng isang takdang bahagi mula sa


kinita (pera o inani) para sa mga nararapat tumanggap gaya


ng mga maralita, mga nangangailangan at iba pa. Kabilang


sa ibinubungang mabuti ng pagbibigay ng Zakáh ay ang


paglilinis sa sarili mula sa kakuriputan, ang pagtugon sa


pangangailan ng mga kapwa Muslim na nangangailangan,


ang paglaganap ng pag-ibig sa pagitan nila, ang pag-aalis


sa karamutan, ang pagkalayo sa inggit, ang pagtataglay ng


kapakumbabaan, awa at malasakit sa ibang mga tao.


4. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadán. Ito ay ang


pag-aalay ng pagsamba kay Allah sa pamamagitan ng pagtigil


sa paggawa ng mga nakasisira sa pag-aayuno sa maghapon


ng Ramadán, sa pamamagitan ng paghinto ng isang Muslim


sa pagkain, pag-inom, pakikipagtalik at mga tulad nito na


mga nakasisira sa pag-aayuno mula sa pagsapit ng madalingaraw


hanggang sa paglubog ng araw sa buong Ramadán


bilang pagsamba kay Allah. Ang ilan sa mga mabuting


ibinubunga ng pag-aayuno ay ang pagdadalisay sa sarili,


ang pagpapahirati rito sa pagwaksi sa mga naiibigan sa


Ito ang Islam


3 13 1


paghingi ng pagkalugod ni Allah at ang pagsasanay rito sa


pagtitiis at pag-inda sa mga hirap. Kabilang din sa mabuting


ibinubunga nito ay ang pagpapalago ng katapatan sa paguukol


ng gawain kay Allah, ang pangangalaga sa itinalagang


tungkulin, ang malasakit sa ibang mga tao at ang pagkatamo


ng pangkalahatang kalusugan ng katawan.


5. Ang pagsasagawa ng Hajj sa Bahay ni Allah. Ito ay


ang pag-aalay ng pagsamba kay Allah sa pamamagitan ng


pagsasadya sa Bahay ni Allah para sa pagsasagawa ng mga


gawain ng Hajj isang beses sa tanang buhay para sa sino


mang makakakaya na makarating doon.


Ang mga Katangian ng Islam


Ang Islam ay ang Relihiyong pinili ni Allah para sa


lahat ng tao. Ito ay naaangkop sa bawat panahon at lugar.


Walang mabuti na hindi itinuro nito at walang masama na


hindi nagbabala ito laban doon. Ang Sangkatauhan ay hindi


makatatagpo ng kapahingahan, at hindi makapagtatamo ng


kaligayahan kung hindi sa pamamagitan ng pagtangkilik sa


Islam at pagpapatupad nito sa iba’t ibang mga kapakanan.


Kabilang sa nagtitiyak sa kadakilaan ng Relihiyong Islam


ay ang natatangi rito na mga katangiang hindi matatagpuan


sa iba pang mga paniniwala at mga relihiyon. Ang ilan sa


mga katangiang iyon na nagpapatibay sa pamumukod ng


Islam at sa laki ng pangangailangan ng mga tao rito ay ang


sumusunod:


Ito ang Islam


3 23 2


1. Na ito ay nagbuhat mula kay Allah. Si Allah ay higit na


nakaaalam sa anumang nababagay sa mga lingkod Niya.


Nagsabi Siya: “Hindi ba nalalaman Niya na lumikha,


gayong Siya ay ang Mabait, ang N akababatid?” (67:14).


2. Na ito ay naglilinaw sa simula ng tao at sa wakas niya,


at sa layunin na dahil doon ay nilikha siya. Ipinaliwanag sa


kanya ang daan na kinakailangang tahakin sa buhay na ito


at nililinaw nito ang mga bagay na kinakailangan ng tao


na iwasan at pag-ingatan. Nagsasabi si Allah sa Banal ng


Qur’an (4:1): “O mga tao, mangilag kayong magkasala


sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nagiisang


tao, at lumikha mula rito ng asawa nito, at nagkalat


mula sa dalawang ito ng maraming lalaki at babae.”


Nagsabi pa Siya (20:55): “Mula rito sa lupa nilikha Namin


kayo at dito ibabalik Namin kayo at mula rito ilalabas


Namin kayo sa ibang pagkakataon.” Nagsabi pa Siya


(51:56): “Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi


upang sambahin nila Ako.” Sabi pa Niya (5:3): “Ngayong


araw ay binuo Ko para sa inyo ang Relihiyon ninyo,


nilubos Ko sa inyo ang pagpapala Ko at kinalugdan Ko


para sa inyo ang Islam bilang relihiyon.”


3. Na ito ay Relihiyon ng Likas na Pagkalalang. Kaya


hindi ito sumasalungat dito. Nagsabi si Allah: “Sundin ang


likas na pagkalalang ni Allah na nilalang Niya ang mga


tao ayon dito.”(30:30).


4. Na ito ay nagpapahalaga sa isip, nag-uutos sa pag-iisipisip,


at pumupula sa kamangmangan, bulag na pagsunod


at pagpapabaya sa matinong pag-iisip. Nagsabi si Allah


Ito ang Islam


3 33 3


(39:9): “Nagkakapantay ba ang mga nakaaalam at ang


mga hindi nakaaalam? Ang nag-aalaala lamang ay ang


mga may isipan.” Nagsabi pa Siya (3:190-191): “Tunay


na sa paglikha ng mga langit at lupa, at pagsasalitan ng


gabi at araw ay talagang may mga tanda para sa mga


may isipan. Ang mga umaaalaala kay Allah, nakatayo


man o nakaupo o nakahigang nakadait ang mga tagiliran


nila at pinag-iisipan ang pagkalikha ng mga langit at


lupa ay nagsasabi: “Panginoon namin, hindi Mo nilikha


ito nang walang saysay, kaluwalhatian sa Iyo; kaya


ipagsanggalang Mo po kami sa pagdurusa sa Impiyerno.”


5. Ang Islam ay Teolohiya at Batas. Ito ay kumpleto sa


Teolohiya nito at mga batas nito. Ito ay hindi relihiyong


pang-isipan lamang, bagkus ito ay kumpleto sa bawat bagay,


naglalaman ng mga tamang paniniwala, mga matalinong


pakikipag-ugnayan, at mga magandang kaasalan. Ito ay


relihiyon ng isang indibidwal at isang lipunan at relihiyon


ng Mundo at Kabilang-buhay.


6. Na ito ay nagpapahalaga sa mga damdaming makatao.


Itinutuon ng Islam ang mga ito sa tamang dako na gagawa


sa mga ito bilang kasangkapan ng kabutihan at kaunlaran.


7. Ito ay relihiyon ng katarungan. Maging sa kaaway man o


sa kaibigan o sa kamag-anak o sa di-kamag-anak. Nagsabi si


Allah (16:90): “Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na


itaguyod ang katarungan,” Sabi pa Niya (6:152): “kapag


nagsabi kayo ay magpakamakatarungan kayo kahit pa


sa isang kamag-anak;” Nagsabi pa Siya (5:8): “O mga


sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagtaguyod



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG