MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
بسم الله الرحمن الرحيم
Mga Dahilang nagpapatatag sa tao sa Islam
Ang papuri at pasasalamat ay ukol lamang sa Allah,at nawa
ay mapasa ating sugo,sa kanyang mga pamilya at mga kasamahan
ang habag,kapayapaan at pagpapala ng Allah, Ako ay sumasaksi na
walang ibang Diyos na marapat sambahin maliban sa Allah, ang
Nag-iisa at Bukod-tangi, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay
alipin at sugo ng Allah.
Katotohanan ang pangangailangan ng isang muslim sa mga
bagay na magpapatibay sa kanya at magpapatatag sa Islam ay isang
matinding pangangailangan,lalo na sa ating kapanahunan sa
ngayon, dahil narin sa pagdami at pagkalat ng mga fitna o mga
bagay na nakakasira at nagpapahina sa pananampalataya ng isang
muslim, kakaunti ang mga nagtatanggol, pagiging stranger (bago sa
paningin at kakaiba) ng Islam.
At ang ilan sa mga bagay na nagpapatatag sa tao sa Islam ay ang
mga sumusunod:
Una- Ang pagtanggap at pagsunod sa banal na
Qur`an,pagbabasa,pagsasa-ulo at pagsabuhay sa mga panuntunang
napapaloob dito.Dahil ang Qur`an ito ang matibay na Lubid ng Allah
na dapat higpitan ang paghawak dito,at ito ang matuwid na landas
ng Allah, ang sinumang humawak dito ng mahigpit ay mapasa kanya
ang gabay at pangangalaga ng Allah, at ang sinumang tumanggi sa
Qur`an ay maliligaw at mapahamak.Ibinalita sa atin ng Allah جل جلاله na
ang pinakadahilan sa pagbaba ng Qur`an nang paunti-unti at
hindi minsanan ay walang iba kundi upang magpapatatag sa
propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, sinabi ng Allah :جل جلاله
((At yaong mga di-
{Aming binigyan ng agwat ang pagpapahayag sapagkat} Ganyan
MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
2
Namin pinatatatag sa pamamagitan nito ang iyong puso.At aming
nilagyan ng agwat {ang pagbigkas} nito nang natatanging
{pagbigkas}.)) Qur`an Alfurqan:32
Pangalawa- Paniniwala sa Allah at paggawa ng mabuti,sinabi ng
Allah جل جلاله
((Pananatilihing matatag ng Allah yaong mga {tunay na}
naniniwala, sa pamamagitan ng matibay na salita sa
makamundong buhay,at sa kabilang buhay.At hahayaan namang
maligaw ng Allah yaong mapaggawa ng kamalian,at ginagawa ng
Allah ang anumang Kanyang nais.)) Qur`an Ibrahim:27
Sinabi ni Qatadah: Ang makamundong buhay ito yaong panatilihin
silang matatag ng Allah جل جلاله sa pamamagitan ng kabutihan at
paggabay sa kanila sa paggawa ng mabuti at (ang kabilang buhay
naman) ay sa libingan.
At sinabi ng Allah :جل جلاله
patayin ang inyong mga sarili {o kaya ang mga walang kasalanan
ay patayin ang mga makasalanan} o inyong lisanin ang inyong
mangilan-ngilan sa kanila,at kung {nangyari ngang} kanilang
ginawa ang anumang iniatas sa kanilla,{marahil} higit sanang
nakabuti ito para sa kanila at makapagbibigay karagdagan sa
kanilang katatagan.)) Qur`an An-nisaa:66
At ang propeta صلى الله عليه وسلم ay naging matatag sa paggawa ng mabuti at
kamahal-mahal sa kanya ang gawaing tuloy-tuloy kahit na ito ay
kakaunti lamang.At ganoon din ang kanyang mga Sahaba o mga
kasamahan kapag sila ay gumawa ng mabuti ay nagiging matatag
sila at hindi tumitigil dito.
MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
3
Pangatlo- Ang pagkakaroon ng pagmumuni-muni sa mga
kasaysayan ng mga propeta at pag-aaral dito, upang gawin silang
pamarisan at modelo sa paggawa ng mabuti,at ang katibayan nito
ay ang sinabi ng Allah :جل جلاله
Muhamad} mula sa mga balita ng mga sugo upang Aming
patatagin ang iyong kalooban.At dito {sa surang ito) ay dumating
sa iyo ang katotohanan ,at {ito ay nagsilbing} alituntunin at isang
paala-ala para sa mga naniniwala.)) Qur`an Hud:120
Ang mga talatang ito ay ibinaba upang patatagin ang puso at
kalooban ni propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, ganoon din ang mga puso ng
mga mananampalatayang muslim, katulad ng mga kwento o
kasaysayan nila propeta Ibrahim, Musa, mga mananampalataya
mula sa pamilya ni Fir`awn (Pharaon) at iba pa.
Pang-apat- Ang Dua` o panalangin: kabilang sa mga katangian ng
isang mananampalatayang alipin ng Allah ay katotohanan sila ay
nagsusumamo sa Allah at hinihingi na sila ay patatagin,tulad ng
panalanging tinuro ng Allah sa atin sa banal na Qur`an,ito ang ating
sabihin :
((Aming Panginoon, huwag mo pong pahintulutang lumihis ang
aming mga puso (sa katotohanan) pagkaraan na kami ay iyong
patnubayan)) Qur`an Ali-Imran:8
ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng (Panginoon)
Napakamaawain gaya ng iisang puso,na ibinabaling-baling Niya
Sahih Muslim:2654
Katulad din nang naiulat mula kay Aisha -Radiyallahu anha- na
katotohanan ang sugo صلى الله عليه وسلم ay pinaparami niya ang pagsasabi ng:
MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
4
law sa kilos ng aking puso gawin
Mong matatag ang aking puso sa iyong relihiyon at pagsunod sa
Musnad ni Imam Ahmad: 19/160
Panglima- Ang pag-alaala sa Allah جل جلاله:at ito ay isa sa mga dakilang
gawaing nagpapatatag sa tao, at ating pagninilay-nilayan ang sinabi
ng Allah :جل جلاله
((O kayong mga naniniwala,kapag inyong makakasagupa ang
hukbong sandatahan {ng inyong mga kaaway},tumindig kayo
nang matatag at inyong alalahanin ang Allah sa tuwina {palagian}
upang kayo ay magsipagtagumpay {sa inyong mga mabubuting
layunin})) Qur`an Al-anfaal:45
Kanyang inutos ang Dhikr o pag-alaala sa Kanya bilang suporta sa
pagiging matatag sa labanan.
Pang-anim Ang pagdada`wa o pag-aanyaya tungo sa Allah جل جلاله: at ito
ay marangal na trabaho o gawain ng mga Sugo at mga tagasunod
nila.Sinabi ng Allah :جل جلاله
ay nag-aanyaya tungo sa Allah nang may tamang kaalaman {o
pang-unawa},ako at yaong mga sumunod sa akin.At luwalhati sa
Allah; at ako ay hindi nabibilang sa mga nagtatambal {sa kanya}))
Qur`an Yusuf:108
Ang isang alipin na masipag sa pangangaral upang magabayan ang
kanyang kapwa ay gagantimpalaan siya ng Allah ng katulad ng
kanyang gawain kaya mapasa kanya rin ang gabay ng Allah at
katatagan sa katotohanan at pananampalataya.Sinabi ng Allah :جل جلاله
((Mayroon pa bang ibang gantimpala ang kabutihan maliban sa
kabutihan {din})) Qur`an Ar-rahman:60
MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
5
Pangpito- Pagkakaroon ng mabuting kaibigan o kasama: Ang
pakikisalamuha at pag-upo kasama ang mga maaalam sa
Islam,mabubuting tao,at mga mangangaral ay isa sa dakilang
gawain na makakatulong upang magiging matatag ang isang
muslim,sinabi ng Allah : جل جلاله
((At panatilihin mo ang iyong sarili {O Muhammad} sa pagtitiis
{sa pamamagitan ng pagiging} kasama yaong mga nananalangin
sa kanilang Panginoon sa umaga at hapon, kanilang hinahangad
ang Kanyang Mukha {Lugod}, at huwag mong hayaang sila ay
makaligtaan ng iyong mga mata {sanhi ng} pagnanasa sa {kinang
ng} makamundong buhay..)) Qura`n Alkahaf:28
At nakarating sa atin ang salaysay patungkol sa lalaking nakapatay
ng taong maalam upang gabayan siya kung ano ang marapat niyang
gawin,nang sa ganoon ay mapatawad ang kanyang kasalanan, sinabi
sa kanya: b, pumunta
ka sa lugar na ganito.. dahil nandoon sa lugar na iyon ang mga
taong palasamba sa Allah,sumamba ka sa Allah kasama nila, at
huwag kang bumalik sa lugar mo dahil ito ay lugar ng mga
Sahih Albukari:3470
Sinabi ni Ibnu Alqayyim -Rahimahullah- patungkol sa naging
katayuan ni Shayk Ibn Taymiyyah -rahimahullah- sa pagkakaroon ng
katatagan sa harap ng
tumindi sa amin ang pagkatakot,at naging masikip sa amin ang
kalupaan at humina ang pananalig ay amin siyang pinupuntahan at
wala kaming ibang sadya kundi ang makita lamang siya at marinig
ang kanyang boses, at sa ganito ay nawawala lahat ang aming
naramdamang hindi maganda at napapalitan ito ng
kaginhawaan,katatagan at lumalakas ang aming pananalig sa
Allah,at luwalhati sa Allah na Kanyang pinasaksi ang Kanyang mga
alipin sa pagkaroon ng Paraiso kahit hindi pa nila ito nakikita at
makakaharap ang Allah جل جلاله,at binubuksan ang mga pintuan nito
habang sila ay nasa mundo ,at pinaparating sa kanila mula dito
ang ilang kapahingahan,kagalakan at mga kabutihan na
MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
6
nagpapalakas sa kanilang hangarin at pagsusumikap na
makapasok dito” Alwabil As-sayyib minal kalim At-tayyib:82
Pangwalo- Ang pagtitiwala at pananalig ng ang tulong ng Allah ay
darating, at ang tagumpay at pagkapanalo sa hinaharap ay para sa
Islam: ito ay paraan ng propeta صلى الله عليه وسلم noong kanyang pinapatatag ang
kalooban ng kanyang mga kasamahan sa panahon na sila ay
napaparusahan sa unang paglaganap ng Islam dahil sa pagpasok
nila dito.Inulat ni Khabbab ibn Al-Aratt: na katotohanan kanyang
ipinarating sa propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ang mga pagmamalupit na
natatamo niya mula sa mga Quraysh at humiling siya na siya ay
ipanalangin,at sinabi ng propeta :صلى الله عليه وسلم
ganap ni Allah ang relihiyon na ito at aabot sa lahat ng sulok ng
sa Hadramawt na wala siyang kinatatakutan maliban sa allah
Muslim:6943
Pangsiyam- Ang pagsasabr (pagtitiis o pagtitimpi): tunay na ito ay
kabilang sa mga pangunahing gawaing magpapatatag sa tao sa
Islam,sinabi ng Allah :جل جلاله
((O kayong mga naniwala,humingi kayo ng tulong {sa Allah} sa
pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal.Tunay na ang Allah ay
lagi nang nasa {panig ng} mga matiisin.)) Qur`an Albaqarah:153
Mula kay Abu Said Alkhudri -radiyallahu anhu- katotohanan ang
propeta صلى الله عليه وسلم ay nagsabi:
-alang sa Allah ay gawin siya ng Allah na
isang matiisin at patatagin siya,at ito ang pinakamalaki at
pinakamainam na natatanggap ng sahih Albukhari:1469
At mula kay Abu Tha`labah Alkhushani -radiyallahu anhukatotohanan
ang propeta صلى الله عليه وسلم noong nabanggit niya ang patungkol sa
pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan ay kanyang
MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
7
sinabi: panahon ng
pagsasabr {panahon na dumarami ang pagsubok kaya matinding
pagtitiis ang ginagawa ng mga mananampalataya},ang pagtitiis
dito ay katulad ng paghawak sa isang baga,para sa isang
gumagawa sa kanila ay katumbas ng gantimpala ng limampong
tao na gumagawa ng gawain niya,sinabi niya: O sugo ng
Allah,gantimpala ng limampong tao mula sa kanila?sinabi niya صلى الله عليه وسلم
Pangsampo-ang pagmumuni-muni sa mga kasarapan at
kaligayahang mayroon sa Paraiso at mga kaparusahang mayroon sa
Impiyerno,at pag-alaala sa kamatayan,sa tuwing pagninilay-nilayan
ng isang muslim ang sinabi ng Allah :جل جلاله
((At magmadali {at maging maagap} kayo sa {paghingi ng}
kapatawaran mula sa inyong Panginoon, at sa Paraiso na kasinglawak
ng mga kalangitan,na inihanda para sa mga natatakot {sa
Allah})) Qur`an Ali-Imran:133. At sinabi pa ng Allah :جل جلاله
((Bawa`t kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan.At tanging sa
araw ng pagkabuhay na muli {ipagkakaloob } ang lubos na
kabayaran,at sinumang hinilang papalayo sa apoy {ng Impiyerno}
at tinanggap sa Paraiso,ay siyang tunay na nagtagumpay.At ang
buhay sa mundong ito ay isa lamang kasiyahang
nakapanlilinlang)) Qur`an Ali-Imran:185 . Ay mapapagaan sa kanya
ang anumang paghihirap at higit niyang matutunang pahalagahan
ang pangkabilang buhay kaysa makamundong buhay,at
madadagdagan ang kanyang pananabik na makapasok sa mataas na
antas ng Paraiso.
Maging ang propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ay palagi niyang pinapa-alaala
sa mga Sahaba ang patungkol sa Paraiso nang sa ganoon ay
MGA DAHILANG NAGPAPATATAG SA TAO SA ISLAM
8
magpapatatag ito sa kanila sa Relihiyong Islam at magkaroon ng
pagtitiis.Minsan ay napadaan ang propeta صلى الله عليه وسلم kina Yassir,Ammar at
Sumayyah habang sila ay sinasaktan at pinapahirapan dahil sa
pagyakap nila sa Islam, kanyang sinabi :صلى الله عليه وسلم
Ang papuri at pasasalamat ay ukol lamang sa Allah,at nawa ay
mapasa ating sugo,sa kanyang mga pamilya at mga kasamahan ang
habag,kapayapaan at pagpapala ng Allah.