Mga Artikulo

Ang Pagsisinungaling ay isang pangkaraniwang bahagi ng ugnayan ng tao. Ang mga tao ay nagsisinungaling dahil sa iba't ibang mga kadahilanan. Maaari silang magsinungaling bilang bahagi ng pagpapakilala sa sarili, upang maipakita ang mas kanais-nais na imahe sa iba. Ang mga tao ay maaari ring magsinungaling upang mabawasan ang alitan, dahil sa pagsisinungaling ay maaaring maging hindi halata ang mga hindi pagkakasundo. Kahit na ang pagsisinungaling ay maaaring magdulot  ng kapaki-pakinabang na tungkulin sa mga bagay na ito, maaari rin itong makapinsala sa mga relasyon. Ang nakasiwalat na kasinungalingan ay nagpapahina ng tiwala at naghahasik ng hinala, dahil ang taong napagsinungalingan ay maaaring mawalan ng tiwala sa taong nagsinungaling sa kanya sa hinaharap.[1] Ang ibang tao ay nagsisinungaling dahil sa ito ay nakaugalian. ‘Ang Araw-araw na kasinungalingan ay tunay na bahagi na ng buhay panlipunan,’ ito ang sinabi ni Bella DePaulo, isang sikologo at dalubhasa sa kasinungalingan sa Unibersidad ng Virginia. Ang kanyang pananaliksik ay nagpapakita sa parehong mga kalalakihan at kababaihan na nagsisinungaling sa humigit-kumulang ikalimang bahagi ng kanilang pakikipag-usap na tumatagal ng 10 minuto o higit pa; sa paglipas ng isang linggo nalinlang nila ang halos 30 porsyento ng kanilang nakasalamuha.  Bukod dito, ang ilang uri ng mga relasyon, tulad ng sa pagitan ng mga magulang at kabataan, ay tunay na lapitin ng mga panlilinlang.  Ang pagsisinungaling ay itinuturing na mahalaga sa maraming uri ng trabaho: nakikita natin ang mga abogado na bumubuo ng mga gawa-gawang teorya sa ngalan ng kanilang mga kliyente o mga mamamahayag na nagsisinungaling sa pagpapakilala ng sarili upang mapalapit sa magagandang kwento.[2]





Ang pagsisinungaling ay isang kasuklam-suklam na kabihasnan, laganap sa ating lipunan.  Ang Panlilinlang sa iba gamit ang ilang mga salita ay nakikita bilang isang katalinuhan.  Ang mga pampublikong opisyal ay nagsisinungaling. Ang Gobyerno ay nagsisinungaling. Isa sa mga kaibahan ng ating kapanahunan na ang pagsisinungaling ay hindi na nagdadala ng kahihiyan na gaya ng dati. Ngayon ang pagsisinungaling ay naitatag na. Ito ang pamamaraan ng pamumuhay ng karamihan sa atin ngayon, mula mismo sa itaas, dahil nalaman natin na kung tayo ay sapat na nakakapanghikayat, ang pagsisinungaling ay gagana. Ang mga Bansa ay sinakop at ang digmaan ay nagsimula batay sa kasinungalingan. "Kami" ay hindi nag sinungaling, binaluktot lamang namin ng kunti ang katotohanan, nagpaikot, na walang intensyong manlinlang, ngunit ang "iba" ay sinungaling. Ang sa atin ay isang lipunan na naperpekto ang "sining" ng pagsisinungaling.  Nawala na ang mga panahon kung kailan nasira ng kasinungalingan ang dignidad ng sinungaling at inalisan ng pagtitiwala natin.





Ang pananaw ng Islam sa pagsisinungaling ay isang seryosong bisyo.  Sinabi ng Diyos sa Quran:





"At huwag mong sabihin ang anumang bagay na wala kang kaalaman dito." (Quran 17:36)





Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay binigyang diin ang kahalagahan ng palagiang pagiging totoo at ang kabigatan ng nakagawiang pagsisinungaling, "Ang pagiging totoo ay humahantong sa pagiging banal at ang kabanalan ay humahantong sa Paraiso. Ang isang tao ay dapat na maging matapat hanggang sa siya ay isulat bilang matapat sa Diyos. Ang pagsisinungaling ay humahantong sa pagkalihis at ang pagkalihis ay humahantong sa Apoy. Ang isang tao ay magsisinungaling hanggang siya ay isulat bilang isang sinungaling sa Diyos."[3]  Ang katotohanan ay ang pagsasabi kung ano ang tumutugma sa katotohanan, kung papaano ang mga bagay, at kabaliktaran ng pagsisinungaling.  Ang Masamang hangarin sa pagsisinungaling ay kumokonekta sa pagkukunwari tulad ng inilarawan ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), "May apat na katangian, sinuman ang nagtataglay ng lahat ng ito ay tunay na mapagkunwari: kapag nagsasalita, siya ay nagsisinungaling, kapag siya ay nangako ay hindi niya ito tinutupad, kapag siya ay gumagawa ng kasunduan ay ipinagkakanulo niya ito, at kapag nakikipagtalo siya ay lumilihis sa katotohanan sa pagsasabi ng kasinungalingan."[4]  Ang turo ng Propeta ay subukan natin sa abot ng ating makakaya na palayain ang ating sarili mula sa pagkukunwari sa pamamagitan ng pag-iingat sa ating mga pangako, pagpapanatili ng tiwala, pagsasabi ng katotohanan, pagtupad ng ating mga pangako, at wag magsalita ng kasinungalingan.





Sa Islam, ang pinaka kasuklam-suklam na kasinungalingan ay ang pagsisinungaling laban sa Diyos, sa Kanyang mga Propeta, at sa Kanyang rebelasyon, at ang pagsaksi sa kasinungalingan. Dapat tayong mag-ingat na huwag gumawa ng mga walang katotohanang dahilan tulad ng ‘Ako ay masyadong abala o nakalimutan ko,’ o sabihin ang mga salitang maaaring panghawakan bilang pangako ng iba tulad ng ‘tatawag Akong muli bukas,’ na walang ganoong hangarin. Kasabay nito, ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi dapat ihalintulad sa kawalang -galang, ‘sabihing ito ay,’ ngunit dapat tayong mag-ingat na huwag magsinungaling kahit sa maliit na bagay habang wala pang nasasaktan.  Magagawa ito sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng ating mga salita.





Ang "Huwag kailanman magsinungaling!" ay isang ganap na prinsipyo ng Islam o may mga pagbubukod?  Ipagpalagay na ang isang mamamatay-tao ay kumakatok sa iyong pintuan, hinahanap ang kanyang biktima. Ang tamang sagot ba ay, "Siya ay nagtatago sa itaas, umaasa na aalis ka"? Ang mga Pilosopo tulad ni Kant ay sumulat na ito ang tamang bagay na dapat gawin, ngunit sa Islam, ang pagsisinungaling ay binibigyang katwiran sa mga nasabing kaso.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG