Mga Artikulo

Hindi ka makakakuha ng pangalawang pagkakataon upang makagawa ng isang mahusay na unang impresyon”





--lumang salawikain





Ang tunay na paniniwala ay may gantimpala sa kabilang buhay. Ang kawalan ng paniniwala ay gayon din, ngunit … hindi mo ito nais. Ganito ang naging mensahe ng lahat ng mga propeta—ng bawat isa sa kanila.





Paano natin mabibigyang katwiran ang kabilang buhay? kung gayon, saan pa maaaring maituwid ang mga kawalang katarungan sa buhay na ito, kung hindi sa kabilang buhay? Ang nakikita natin na mga kawalang-katarungan sa mundong ito ay magiging masamang pagmuni-muni sa pagiging patas ng Diyos, kung ang mga "kawalan ng katarungan" ay hindi mababawi ng naaangkop na mga gantimpala at parusa sa hinaharap. Ang ilan sa mga pinakamasama sa pinakamasama ay nagpapakasaya sa ilan sa mga pinaka-marangyang buhay. Samantala, ang ilan sa mga pinakamahusay sa pinakamahusay ay nagdurusa nang labis.  Halimbawa, sinong propeta ang may magaan na panahon? Sinong propeta ang nagkaroon ng marangyang buhay gaya ng mga pinuno ng mga mafia, drug lord o malupit na pinuno? alinman sa ating panahon o sa iba?  Kung magtitiwala tayo sa awa at hustisya ng ating Tagapaglikha ay hindi tayo makakapaniwala na pinipigilan niya ang mga gantimpala ng kabanalan at ang mga parusa ng paglabag sa mundong ito, dahil ang kawalang-katarungan ng buhay ay malinaw.





Kaya magkakaroon ng Araw ng Paghuhukom, lahat tayo ay paparoon, at ito ay magiging pangit na pagkakataon upang simulan ang pag-iisip tungkol sa pagbabago ng ating buhay para sa mas ikahuhusay nito.  Sapagkat… manatili kayo dito sa akin… sapagkat ang ating buhay ay magiging, sa isang salita, tapos na. Ito ay huli na.  Ang talaan ng ating mga gawa ay tapos na.  At wala nang balikan.





Ang sangkatauhan ay pag-bubukodin ayon sa mga paniniwala at gawa.  Ang tapat ay mabibigyang katwiran, ang mga hindi naniniwala ay hahatulan, ang mga nagkasala (kung hindi pinatawad) ay paparusahan alinsunod sa kung gaano kabigat ang kanilang mga kasalanan.





Ipinapahayag ng mga Hudyo na ang paraiso ay isang karapatan sa pagkapanganay ng "mga taong pinili," inaangkin ng mga Kristiyano na "hindi maging perpekto, kundi pinatawad lang," at naniniwala ang mga Muslim na ang lahat nang namatay sa pagpapasakop sa Tagapaglikha ay karapat-dapat sa pagtubos.  Ang mga sumunod sa rebelasyon at propeta ng kanilang panahon ay magiging matagumpay, samantalang ang mga tumalikod sa rebelasyon at propeta ng kanilang panahon na sa ginawa nilang ito ay nailagay sa alanganin ang kanilang mga kaluluwa.





Ayon sa Islam, ang mga naniniwala na Hudyo ay nasa katotohanan hanggang sa tanggihan nila ang mga propetang sumunod (hal., si Juan Bautista at si Hesu-Kristo), ang kanilang mga aral at, sa usapin ni Hesus, ang rebelasyon na kanyang ibinahagi.  Sa ganitong paraan, ang mga Hudyo ay namuhay sa pagpapasakop sa Diyos hindi sa Kaniyang mga kagustuhan, kundi sa kanilang mga kagustuhan.  Noong nagpadala ang Diyos ng mga propeta o rebelasyon na hindi nila gusto, pinili nilang manatili sa relihiyon ng kanilang mga ninuno kaysa sa relihiyon ng Diyos.  Sa ganitong paraan, ay nahulog sila sa pagsuway at sa hindi paniniwala.





Kahalintulad nito, ang mga tagasunod ni Jesus ay nasa katotohanan, hanggang sa tumanggi sila sa huling propeta (hal., Muhammad - sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).  Muli, ang mga tagasunod ni Jesus ay sumuko sa Diyos, ngunit sa kanilang mga kagustuhan lamang.  At hindi iyon sapat.  Nang tinawag sila na parangalan ang huling rebelasyon (hal., ang Banal na Quran) at ang propetang nagpahayag nito (hal., Muhammad - sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay kanilang tinanggihan at nahulog sa parehong pagsuway at kawalan ng paniniwala tulad ng kanilang mga pinsang Hudyo.





Ayon sa mga Muslim, ang relihiyon ng katotohanan ay palaging Islam (ito ay., pagpapasakop sa kalooban ng Diyos), sapagkat iyon ang itinuro ng lahat ng mga propeta.  Gayunpaman, ang kadalisayan ng Islam ay matatagpuan sa huling pahayag at sa mga turo ng panghuling propeta.  Sa paghahayag ng huling rebelasyon, tinanggal ng Diyos ang lahat ng naunang mga relihiyon at rebelasyon. Kaya, ang nag-iisang pangkat na nagpapasakop sa relihiyon ng Diyos sa kasalukuyang panahon ay ang mga Muslim.  Ang mga nakakaalam ng Islam, at tumanggi, ay hahatulan.  Ang mga nakakaalam ng Islam at sinasadyang iwasan ang responsibilidad ng pag-aaral ng relihiyon ay mapaparusahan din. Gayunpaman, ang mga namamatay na hindi nalalaman ang Islam o hindi sinasadya na maiwasan ang pagsisiyasat nito ay susuriin sa Araw ng Paghuhukom, upang mapatunayan kung ano ang kanilang magagawa, kung alam nila.  At sa batayang iyon, ay hahatulan sila ng Diyos.





Sa ganitong paraan, kung maiisip na mayroong mga Hudyo na namatay nang hindi alam ang mga propeta na sumunod, at ang mga Kristiyanong namatay na walang alam kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) at sa Banal na Quran, hindi sila dapat hatulan.  Sa halip, hahatulan sila ng Diyos ayon sa kanilang pagpapasakop sa kapahayagan na kung saan sila ay nalantad dito nung sila ay nabubuhay, at susubukan ang kanilang pananampalataya at pagsunod.  Gayundin, sa mga namatay na walang alam sa kapahayagan sa kabuuan.  Samakatuwid, ang walang alam na namatay na taimtim na naghahanap ng relihiyon ng katotohanan ay may pag-asa para sa kaligtasan, samantalang ang hindi taimtim ay walang ganoong pag-asa, kahit na nakapag-aral.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG