Mga Artikulo

Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Binalak ko Talagang Pasukin at Pag-


Aralan Ang Islam Upang Ibulgar Ang Mga


Kamalian Nito Para Maliwanagan ng Mga


Muslim Ang Kanilang Maling Paniniwala.


Moatasim (Rafael) Molon Viernesto


Noong Kristyano pa ako (Katoliko), ni sa guni-guni ay hindi


ko inaakala na ako ay magiging Muslim. Noon kasi sa bayan kung


saan ako nagkaisip at nakapag-aral ng elementarya ay halos puro


katoliko ang naninirahan. Dagdag pa na ang aking lola ay masugid


na tagasunod ng Romano Katoliko. Gabi-gabi nagdadasal kami


ng rosaryo sa harap ng imahen ni Birhen Maria at ni Hesukristo.


Dahil maaga akong naulila sa mga magulang, kami ay naiwan sa


kandili ng aming lola’t lolo. [Apat kaming magkakapatid na puro


lalaki]. Ang lola ko, kahit man sarado Katoliko ay hindi nakaligtaan


na magsimba sa tuwing Linggo, at sa unang Biyernes ng bawa’t


buwan. Siyempre dahil paborito niya akong apo, sinasama niya


ako lagi, kahit pumalya ako sa pag-aaral, huwag lang sa pagsimba.


Tuwing Linggo may misa sa baryo namin. Tuwing dadaan yong Pari


na nagmimisa, kapag nakita niya yaong mga kalalakihan na walang


inaatupag kundi ang magpakahig ng manok na sabungin at may


kaharap pang tuba, sisigaw na ang Pari. Hoy! Magsipagsimba kayo,


huwag kayong tumulad sa mga Moros [ang tawag sa mga Muslim


sa Pilipinas] na walang Diyos. Wala palang Diyos ang mga Moros,


tanong ko sa sarili ko. Oo nga, sapagka’t hindi sila naniniwala na si


Kristo ay Diyos. Hindi ko pa noon narinig ang pangalang Allah. Buo


ang paniniwala ko noon na ang mga Moros o Muslim ay walang


Diyos. Hindi katulad sa mga Kristiyano na may Diyos Ama, Diyos


Anak, at Diyos Espiritu Santo, pero iisa lang iyon, kahit magulo


naniniwala ako. Noong nag-aaral na ako sa High School, naitanong


ko sa teacher namin sa religion na isang madre [mga madre kasi


Buhat nang makilala ko ang Allah sinikap kong gawin ang mga


bagay na matuwid at iwasan ang mga dati kong masamang gawain. sa


pagyakap ko sa Islam maraming nabago sa buhay ko. Una; ang tamang


pagkakilala at pagsunod sa nag-iisang Diyos, ang Allah - ang tamang


pagsamba na tanging sa Kanya lamang - at ang tamang pagmamahal


at pag-aaruga sa magulang at pagtanggap sa lahat ng mga pangyayari


maging ito man ay mabuti at masama.


May isang pangyayari kung bakit ako naging Muslim. Isang gabi, bago


matulog, ako ay humihiling sa Kanya nawa’y ipakita Niya sa akin ang


tamang Pananampalataya upang mabago ko ang masamang gawain.


at ang aking kahilingan ay Kanyang ibinigay o ipinakita sa aking


panaginip. sa aking panaginip nakakita ako ng taong nakaputi at siya


ay naghuhugas tulad sa isang Muslim kapag nais magsagawa ng Salah


(pagdarasal), at ang isa naman ay nakapatirapa.


Pagkagising ko ng umaga, naghanap ako ng babasahin tungkol sa Islam


at hinanap ko ang Islamic Center sa New Sinayah upang tanggapin ang


Pananampalatayang nagtuturo ng Kaisahan ng Diyos na walang dapat


sambahin maliban sa Allah. at bago ko narating ang Islamic Center sa


New Sinayah para akong pinipigilan na kung saan ay di ko alam kung


ano?, o maaaring sinusubukan lamang ako sa pagkakataon na iyon.


Ang ulan ay nagbabanta at pumapatak-patak pa. Nang sapitin ko ang


Islamic Center “Alhamdulillah” sabay buhos ng pagkalakas-lakas na


ulan na tila ba isang pagpapala mula sa Allah. at dito ko na tinanggap


ang Islam at damang-dama ko ang katiwasayan at kapanatagan ng


kalooban. Sadyang nasa pagsuko sa Allah makararamdam ng ganap na


kapayapaan at katiwasayan.


38 39


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


wala naman akong alam sa Islam. Isang araw dumampot ako sa Batha ng


mga pamphlets tungkol sa Islam. Binasa ko, okey naman ito ah, sabi ko.


Wala akong makitang mali. Hanap uli, sa Riyadh Clinic, sa Malaz may


nakita akong maliit na libro, ang pamagat ay “The true Religion” sinulat


ni Abu Aminah Bilal Philip. Hiningi ko ang libritong iyon at binasa ko.


Nang matapos kong basahin, napabulalas ako, sabi ko, “Tama ito, tama


ito talaga” sa iglap na iyon, sa halip na ang mali ng Islam ang makita ko,


ang nakita ko ay ang malaking mali sa aking relihiyon na Kristiyanismo.


Biglang umikot ng 360 degrees ang aking pananampalataya. Ganap kong


tinalikuran ang katuruang Kristiyanismo, at lihim kong pinag-aralan ang


Islam. Kung paano magdasal (Salah), maghugas (Wudu’), maligo (Ghusl).


Sabi ko sa sarili ko, sa pag-iisa ko binanggit ko rin ang “Laa ilaaha illallah”


(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah). Tuwing oras ng Salah,


nagsasagawa ako ng Wudu’ at sa kuwarto na rin ako nagsasagawa ng Salah


na mag-isa, nagpapatirapa na rin ako, iyon nga lang sa sarili kong dasal o


salita ang ginagamit ko. Gustong-gusto ko ng magpahayag ng Shahadah [o


pagsasaksi sa Kaisahan ng Allah], nguni’t parang may pumipigil sa akin.


Pero sumumpa ako sa sarili ko na hindi ako uuwi ng Pilipinas na hindi


isang ganap na Muslim. Tuwing dasal ko hinihingi ko sa Allah na bigyan


Niya ako ng patnubay sa tuwid na landas, at bigyan Niya ako ng lakas na


gawin ang tama, na naaayon sa Kanyang Kalooban.


Dumating ang buwan ng bakasyon ko. Kung bakit ang maintenance


manager namin, at ang isang maintanance na nakaintindi sa makina


na hinahawakan ko ay biglang sabay na nagbakasyon. Naiwan akong


mag-isa na nakaintindi sa makinang hawak ko. Dahil doon pinigil ng


production manager ang bakasyon ko. Nagalit ako at nag-away kami.


Tinanggal niya ako sa trabaho. Natakot ako, hindi ako natakot na


mawalan ng trabaho. Natakot ako na uuwi sa Pilipinas na hindi pa ako


Muslim. Kailangan bago ako umuwi ganap na akong Muslim. Dahil doon


nagpunta ako sa Guidance sa Industrial area kay Abdul Rashid Basco.


Nang ganap na akong Muslim saka ko na lamang naunawaan na marahil


ay ginawa ng Allah iyon para makapagpahayag muna ako ng Shahadah


[o pagsasaksi sa Kaisahan ng Allah], at matupad ang binitiwan kong


salita na hindi ako uuwi sa Pilipinas na hindi isang ganap na Muslim.


ang nagtuturo sa amin sa High School] kung bakit may diyos ama,


diyos anak at diyos espiritu. Ang sagot niya sa aming mga nag-aaral,


iyon daw ay isang misteryo, at hindi kayang unawain ng tao, pero


kapag namatay ka raw at mapupunta sa Paraiso, doon mo na raw


malalaman ang misteryo na kung tawagin nila ay Santissima Trinidad.


Bakit kaya ibinigay sa atin ang isang misteryo sa pananampalataya


gayong tayo naman ay mayroong pag-iisip na nakaaabot ng pangunawa?


May katotohanan kaya ito?


Minsan, naitanong ko sa teacher kong Madre kung halimbawa


nahuli ka ng mga kalaban na hindi mga Kristiyano. Tinanong ka kung


saan nagtatago yaong mga kasamahan, pahihirapan ka nang husto


para magtapat. Hirap na hirap ka na, at hindi mo matiis ang pahirap.


Magpakamatay ka na lang ba? Hindi ba kasalanan ang magpakamatay


sa ganoong kalagayan? Sagot sa akin, “Isipin mo si Hesukristo, ipinako


sa Krus, nakapagtiis siya, ikaw pa kaya ang hindi magtiis.” Sagot ko


naman, siya ay Diyos, at may kapangyarihan iyon, ako tao lang. Sagot


ng Madre sa akin, kahit na Diyos siya ay tao rin iyon. Lalo akong


naguluhan. Sabi ko uli, “Eh, diyos nga iyon, kaya nakakayanan niya.”


Sabi rin niya uli, “Kahit diyos siya, tao pa rin iyon.” Naku, lalong


gumulo. sa ganoon pabalik-balik ang aming pagtatalo, hanggang sa


mahalata ko na galit na siya. Para matigil na lang, nagkunwari ako na


naunawaan ko na, nguni’t hindi ko talaga maintindihan.


Hanggang mapadpad ako sa Maynila, nakapag-asawa’t nagka-pamilya


ako sa lugar na ito, at kung anu-anong relihiyon na ang sinamahan ko.


Wala akong tinatanggihan. Basta kumatok sa pinto namin, pinapapasok ko


at pinakikinggan, kung anu-ano ang kanilang katuruan. Iglesia ni Kristo,


Baptist, Sabadista, Saksi ni Jehovah, at saka yong Church of Christ na


puro Intsik ang namamahala. Lahat yan sinamahan ko. Magkakaiba lang


ang istilo at pangalan, nguni’t ang doktrina ay pareho.


Hanggang natanggap ako sa Saudi Arabia, may paniwala pa rin ako na


Kristiyanismo ang tamang relihiyon, kahit magulo ang doktrina. Binalak


ko talaga na pasukin ang Islam upang makita ang kanilang mali, at iyon


ay aking ibubulgar, baka sakali kakong maliwanagan sila at maituwid


nila ang kanilang maling paniniwala. Paniwala ko talaga na mali ang


Islam, tama ang Kristiyano. Nguni’t, paano ko malalaman ang mali,


41


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Aking Naalala Ang Payo ng Aking Mga


Magulang Noong Sila’y Nabubuhay pa.


Anak!!! Magsisisi ka Rin sa Bandang Huli


Mohammad Ali O. Saripada


Ako po ay isinilang sa Talambo, Poblacion, Pualas Lanao Del


Sur, noong Abril 15, 1965 at sa kasalukuyan ako po ay namamasukan


dito sa Lada Aluminium Factory Company. Ako’y isang Muslim


dahil ang aking mga magulang ay mga Muslim. at dahil sinuway ko


ang magandang pangarap sa akin ng mga magulang ko para sa aking


kinabukasan sa Kabilang Buhay kaya ganito ang aking katayuan na


para ba akong isang mangmang sa kaalaman tungkol sa Islam, mas daig


ko pa ang isang Mushrik (Nagbibigay katambal sa Kaisahan ng Allah).


Una sa lahat: Aking natatandaan pa noong ako’y anim na taon pa


lamang, ako’y inihatid ng aking mga magulang sa Arabik school upang


mag-aral. Nguni’t nabigo ang kanilang pangarap para sa akin upang


maging isang edukado tungkol sa kaalaman sa Islam. Dahil dalawang


linggo pa lamang ang aking pagpasok sa eskuwelahan ay tumigil na ako


at kahit Kindergarten ay hindi ko natapos.


Kaya ngayon palang ako nagsisisi sa aking katayuan na walang kaalamalam


sa aking Relihiyon at noong ako’y naging isang pamilyado na at


naging isang tatay na rin ay saka ko pa napag-isipan, na mamamatay


din ako. Dahil ako po ay lumaki sa layao at lahat na siguro ng bisyo sa


buong buhay ko ay aking pinagdaanan.


Sa katunayan isa akong basagulero kapag nakainom. Dahil isa akong


lasenggo, gumagamit din ako ng mga drug, wala akong sina santo na


klasing drug; gaya ng: Rugby, syrup o liquid na gamot, valume, tusuk,


at marijuana at ngayon ang uso ay ang Shabu. Pati lahat ng uri ng


42 43


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Kung Ang Mga Muslim ay Masasama. Bakit


Lagi Silang Nagdarasal at Limang Beses pa


sa Loob ng Isang Araw


Ahmad (Luis) Capina Espinar


Taong 1988 nang ako ay dumating dito sa Riyadh, Saudi Arabia.


Ako nga pala ang inyong kapatid sa Islam na si Ahmad C. Espinar


dating Luis Espinar. Tulad ng marami sa ating mga kababayan ang


unang dahilan ng pagpunta ko rito sa Saudi ay para kumita ng pera at


matupad ang mga pangarap sa buhay dahil sa ang sabi nga nila, dito


raw sa Saudi ay madali ang pera lalo na at kung malaki ang suweldo


mo. at sa unang sayad pa lamang ng paa ko sa bansang Arabo ay iba na


agad ang pakiramdam ko. Dahil sa ibang iba ang kulturang tumambad


sa aking paningin malayong-malayo sa kinagisnan kong kultura sa


Pilipinas. Ang sabi nga ng ibang nanggaling na rito ay sobra raw ang


higpit at lahat ay bawal. Kaya nga, takot ang una kong naramdaman


sa mga Arabo. Wala akong kaalam-alam kung ano ba ang kultura ng


bansang Muslim. Ang tangi ko lamang alam ay ang mga Muslim ay


matatapang at mahilig sa away, ito kasi ang tumanim sa isipan ko noong


nasa Pilipinas pa ako. Dahil sa kaguluhan noon sa Mindanao kaya nga


ang pagkakaalam ko sa kanila ay wala silang kinikilalang Panginoon.


Pero nang dumating na nga ako rito ay biglang nagbago ang pananaw


ko, ang unang-una kong napansin sa kanila ay ang pagdarasal nila ng


limang beses sa loob ng isang araw. Kaya nga sa isip ko kung ang mga


Muslim ay masasama, bakit lagi silang nagdarasal at limang beses


pa maghapon, samantalang ang mga Kristiyano ay tuwing araw ng


Linggo lamang nagsisimba at kung minsan ay hindi pa. Kaya simula


noon ay nawala na ang takot ko sa mga Arabo at unti-unti na akong


nasanay sa kanilang kultura.


sugal ay aking pinasok, babaero rin ako noong ako’y binata pa. Kaya


malaya kong nagagawa ang lahat ng bisyo ko sa buhay ko, dahil noong


binatilyo pa ako ay pinag-aral ako ng high school sa Zamboanga at ng


kolehiyo sa Maynila na kung saan ay malayo sa mga magulang, kung


kaya’t lahat ng bisyo sa atin ay aking natutunan.


Ngayon, lima na ang aking mga anak at saka ko pa napatunayan na


malapit na pala akong mahulog sa bitag ni Satanas upang maging


kasama niya sa Impiyerno at tuluyang malayo sa aking relihiyong Islam.


Dahil sa kahirapan sa ating sariling bansa, naisip kong mag-abroad


dito sa Gitnang Silangan, kaya’t ako’y nag-apply na lang dito upang


makipagsapalaran at makaahon sa kahirapan. at noon din nag-umpisa


na akong gampanan ang aking tungkulin sa Allah, itong nakaraan na


taon pa lamang September 2000 upang ako’y patawarin ng Allah sa


lahat ng aking nagawang pagkasala at nawa’y tuluyan na Niyang ilayo


sa akin ang mga masasamang nakaraan ko.


Kaya noong paglapag ko pa lang sa Riyadh International Airport June


4, 2001. Aking naalala ang mga payo ng aking mga magulang noong


sila’y nabubuhay pa. na ang kanilang kasabihan sa akin ay sa bandang


huli ako rin daw ay magsisisi, dahil hindi ko raw ginustong mag-aral


ng Arabik at mas ginusto ko pa raw ang English Curriculum, kaysa sa


aking kinabukasan sa Kabilang Buhay. Kaya tama ang kasabihan na


ang pagsisisi ay laging nasa bandang huli. Ito ang malaking dahilan


na kung saan ay gumawa ako ng paraan upang makapag-aral sa Adult


Student.


At di naglaon ay may nakilala akong isang kapatid natin sa Islam na


OFW din dito sa Riyadh sa Batha. at agad ko namang tinanong kung


mayroon siyang alam na Out of School Youth o para sa Adult Foreign


Student na Arabik. at ang sabi sa akin mayroon, dito nga sa Islamic


Propagation Office in Rabwah. at sa ngayon ay kasalukuyang nag-aaral


ako dito sa Rabwah Center.


44 45


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


2001 nang tuluyan ng lumayo ang damdamin ko sa pananampalatayang


Kristiyanismo. Itinuon ko na lamang ang sarili ko sa paghahanap ng


katotohanan at dito nga sa Islam nakita ko ang lahat ng mga katanungan


sa aking sarili, ibang iba ang pakiramdam ko kapag ako ay nakakabasa


ng mga bagong mensahe sa Islam. at dumating ang buwan ng Ramadan


2001 at dito sinabi ko sa aking sarili na pagkatapos ng buwan na ito ay


yayakapin ko ang Islam. sa madaling salita gusto kong maging isang


Muslim. at “Alhamdulillah” dalawang araw bago matapos ang buwan


ng Ramadan ay ginabayan na ako ng Allah, binuksan Niya ang aking


puso at niyakap ko na ang Islam. Araw iyon ng Huwebes December 13,


2001 pumunta ako ng Batha para mamili ng mga gamit napadaan ako


sa harapan ng Bulwagang panayam tungkol sa Islam. at doon ay nakita


ko si Brother ˋIsa na nag-aalok ng mga pamphlet tungkol sa Islam sa


mga dumadaan na mga kababayan natin. Tumigil ako sa harap niyon


at pumili ako ng isang babasahin at doon ay inalok ako ni Brother ˋIsa


kung gusto kong pumasok sa loob ng tent at makarinig ng tungkol sa


Islam, hindi siya nagdalawang salita at ako ay nagpaunlak sa kanya.


at doon ay nalaman ko lahat ang gusto kong marinig. Sinabi sa akin ni


Brother `Isa na kung gusto kong yumakap sa Islam ay madali lamang


at ng gabing iyon ako ay nagpahayag ng Shahadah [o pagsasaksi na


walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay


tunay na Sugo ng Allah]. Halos maluha ako sa galak dahil sa ibang iba


ang pakiramdam ko maligayang maligaya ako dahil sa alam ko na nasa


tamang landas na ako ng Pananampalataya. at “Alhamdulillah” ako ay


nagpapasalamat sa Allah dahil ako ay Kanyang ginabayan, at binuksan


Niya ang aking puso’t isipan.


Lumipas pa ang maraming taon at wala sa isip ko na ako ay maging


Muslim dahil nga sa mahilig ako sa mga kasayahan at hindi ko kayang


iwanan ang mga layaw dito sa ibabaw ng Mundo, lalo na at sagradong


Katoliko ang aking asawa. Nguni’t sa tuwina na ako’y nakakakuha ng


mga babasahin tungkol sa Islam, anupa’t ito ay aking itinatabi at pag


may libre akong oras, ito ay aking binabasa. sa una, ito ay bale wala sa


akin binasa ko lang dahil sa gusto ko lang malaman kung ano ang Islam


at pagkatapos noon ay itatabi ko ulit ang mga babasahin na iyon. Ganoon


ng ganoon sa tuwing may nakukuha akong mga pamphlet ito ay aking


itinatabi. Hanggang sa isang araw ay may pumunta sa aming planta


na mga Saudi’s na Mutawa at doon ay nagkaroon sila ng lecture about


Islam. Pero hindi ako dumalo dahil sa alam ko ay para lamang iyon sa


mga Muslim. Nang pauwi na sila ay inabutan ako ng isang Mutawa ng


dalawang babasahin tungkol sa “Talakayan sa pagitan ng Muslim at


Kristiyano” at ang isa ay tungkol sa “Kabilang Buhay”. Binasa ko ito


at doon ay nagkaroon ako ng interes lalo na ang tungkol sa Kabilang


Buhay at kung ano ang mangyayari sa mga taong namatay na, na hindi


naniniwala sa Kaisahan ng Allah. Hindi ko lubos maisip ang mga nabasa


ko at ang mga ibig sabihin nito, nguni’t sa aking puso ay naroroon


ang pangamba at pagkatakot. Oo, ako ay naniniwala na mayroong


Panginoon pero hindi katulad ng paniniwala ng mga Muslim na ang


Allah ay nag-iisa at walang katambal. Hindi kagaya ng mga Kristiyano


na ang pagkakaalam ay mayroon Diyos nguni’t ito ay nahahati sa


tatlong persona ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Simula noon ay muli


kong binalikan at binasa ang mga itinabi kong mga pamphlet tungkol sa


Islam at dito ay unti-unti akong nagising sa Katotohanan, napatunayan


ko sa aking sarili na mali ang ginagawa naming pagsamba kay Hesus


bilang Panginoon. Hanggang sa nadagdagan pa nang nadagdagan ang


mga kaalaman ko tungkol sa Islam bukod pa ang mga pagtatanong ko


sa mga kasamahan kong Muslim. at may mga pagkakataon na kapag


ako ay nakakarinig ng mga pag-uusap ng mga kapwa ko Pilipino sa


aming trabaho tungkol sa mga Muslim at ito ay kanilang sinisiraan


at pinagtatawanan hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit


nasasaktan ang aking damdamin. Marahil dala siguro ito ng mga


nababasa ko at nagiging matimbang na sa akin ang mga Muslim. Taong


47


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Mas Naiintindihan ko Ang Relihiyong Islam,


Dahil Sumasamba sa Nag-Iisang Diyos,


Samantalang sa Kristiyanismo ay May Diyos


Ama, Anak at Espiritu Santo


Rashid (Reynaldo) A. Arellano


Balik Islam ang tawag sa mga taong yumayakap sa relihiyong Islam,


kaya taas noo akong tawaging balik Islam ngayon… Noon ako ay


dating kristiyano, dahil mga kristiyano ang mga magulang ko, at ito ang


nakagisnan kong relihiyon. Kadalasan hindi ako nagsisimba, kadalasan


tumatawag lang ako sa Panginoon kapag may problema, o may sakit


ako, o kaya’y nangangailangang manalangin, sa loob ng isang taon


nabibilang kung ilang beses lang ako pumasok sa simbahan, minsan


pag sinuwerte wala pa…


Noong una naniwala na lang ako sa kasabihan na hindi ang relihiyon


ang makakapagligtas sa tao kundi ang paniniwala, nguni’t paniniwala


na hindi ko alam. Hindi ko alam kong paano, hindi ko alam kong


ano? Hanggang nawala na sa isip ko ang pananampalataya, ang


pananampalataya na napalitan ng makamundong libangan, kagaya ng


pag-inom at iba pa…


Hanggang sa ipagkaloob ng Allah nang makarating ako ng Saudi Arabia,


na hindi ko alam kong ano ang nandoon, at ang mangyayari sa akin doon,


sa totoo nga lang takot ako sa Saudi, noong una iniisip ko baka dito ako


mapatay, mapugutan ng ulo, strikto raw kasi ang Saudi, wala raw bisyo,


wala raw libangan, at wala raw kasiyahan sa lugar na ito…


Nguni’t ito ay isang kamalian, sapagka’t lahat ng narinig at


impormasyong nakuha ko ay kabaligtaran sa aking nakita. Mayroon din


namang mabubuting Muslim na aking nakasama. Kunsabagay noong


una ang tingin ko sa mga Muslim ay masasama, kasi wala pa akong


nakikitang kabutihan kundi ang nangingibabaw ay ang mga balitang


masama tungkol sa mga Muslim…


48 49


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Ako ay May Malaking Agam-Agam Kung


Bakit Dinadasalan at Niluluhuran Ang Mga


Rebulto


Abdullah (Vicente) D. Barretto


Isinilang ako sa lalawigan ng Rizal at nagkamalay at lumaki bilang


katoliko. Ako at ang aking ina ay aktibo sa simbahan noon. Ako’y naging


kursilista, gitarista o tumutugtog sa simbahan at miyembro ng Knights


of Columbus samahan ng mga kalalakihang Katoliko, katungkulan


bilang isang Warden, nguni’t sa kabila ng lahat ng ito, ako ay may


malaking agam-agam sa aking puso at kaisipan, kung bakit namin


dinadasalan at niluluhuran ang mga naglalakihang rebulto, nabasa ko sa


banal na kasulatan na “Huwag nga kayong sumamba sa mga diyusdiyusan


na gawa ng tao, ni kawangis ng anumang nasa lupa at nasa


langit. Ako ang inyong Diyos ang dapat lang sambahin na lumikha


sa lahat at Ako na inyong Diyos ay Mapanibughuin”.


Kaya ako ay patuloy na naghahanap ng katotohanan sapagka’t ang


katotohanan ang makapagpapalaya sa atin, hanggang sa ako ay pinalad


na makapaghanapbuhay sa Gitnang Silangan at dito nakapagbasa ako


ng mga babasahin tungkol sa Islam. Dahilan ng pagyakap ko sa Islam.


At yaong tunay na konsepto ng nag-iisang Diyos. Lahat ng relihiyon ay


naniniwala sa tunay na pagkakilala sa nag-iisang Diyos, at lahat ng ito ay


nagtuturo ng kabutihan. sa Islam, ang mga pangkalahatang turo o aral


nito ay dapat lamang sambahin ang Dakilang Lumikha, sumunod sa


Kanya at tumalima. at dito ang sistema ng pagdarasal ay sa tuwi-tuwina,


pagyukod, pagpapatirapa at pagpapakupkop na tanda ng pagsukong


ganap sa sarili sa Nag-iisang Diyos. at hindi tulad ng ibang relihiyon


hinango sa pangalan ng tao, propeta at bagay, at ito ay hindi nagtuturo sa


pagsamba sa propeta na kilalanin bilang Diyos, bagkus igalang lamang


Minsan nagkaroon ako ng interes na malaman kung ano ang Islam at


kung ano ang Muslim, nguni’t nadismaya ako dahil nakakita ulit ako ng


isang masamang Muslim, magkagayon pa man, sinubukan ko pa ring


magtanong sa isang nakakwarto kong Muslim kung maaari kong basahin


ang english translation niyang Qur’an, nguni’t hindi ako pinagbigyan,


hindi raw maaaring basahin ng isang hindi Muslim. Kaya inisip kong


hindi na ako magkakainteres sa Islam. Katulad ng dati tatawag na lang


ulit sa pangalan ng Panginoon kung nalulungkot ako’t may kailangan.


Hanggang ipagkaloob ng Allah ang isang taong nagbigay daan sa akin


sa pagyakap ng Islam. Ang daang hindi ko binigyan pansin noong una,


na ang bawa’t ipinagkaloob niyang kaalaman ay pinapakingan kong


parang kuwento lamang, kuwentong hindi ko pa rin alam kung ano, at


paano ko maiintindihan, hanggang sa tinanong niya sa akin kung ano


ang aking relihiyon at kung ako’y naniniwala sa iisang Diyos. Doon ako


nagkainteres na bawa’t makatuwirang paliwanag niya ukol sa Islam.


Aking pinag-aralan, at dito ko nalaman na sa relihiyong Islam ang


pagsamba pala ay natutuon lamang sa Nag-iisang Diyos na Siyang may


likha ng lahat - tao, jinn, anghel at lahat ng bagay - nakikita man o di


nakikita. Siya ang Allah. Samantalang kung ihahambing sa relihiyong


aking kinagisnan, higit na maliwanag ang mga aral at paniniwala ng


Islam. Tuwirang tinatakwil ng Islam ang pagkakaroon ng Diyos Ama,


Diyos Anak, at Diyos Espiritu. Ang wagas na pagsamba sa Nag-iisang


Diyos ang siyang pinakahaligi ng Islam. Walang misteryo, walang


himala, bagkus lahat ng paksa ay mayroong malinaw na kasagutan.


Dito ko napagtanto na hindi pala sapat na maniwala lamang sa Nagiisang


Diyos kundi kailangang tama ang pananampalataya at pagkilala


sa Nag-iisang Diyos upang makamtan ang hinahangad na kalinisan ng


pagkatao at puso para Allah. sa patuloy na pagbabasa, at tiyaga ng isang


mabait na kapatid sa Islam, namalayan ko na lamang ang aking sarili


na yumakap sa Islam ng buong puso at pagkatao, maraming salamat sa


Allah, sa pagbigay Niya ng gabay at biyaya para ako’y magbalik Islam.


Sana pagkalooban tayo ng Allah ng higit na karunungan at higit na


kaalaman, upang lalong maging matibay ang ating pananampalataya sa


Allah hanggang sa huling sandali ng ating buhay.


50 51


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Hanggang Minsan Nang Ipa-Renew Ang


Aking Iqamah, Ako ay Labis na Nagtaka


Dahil Naging Kulay Green na Ito ng Tulad sa


Isang Muslim


Khalid Magalona Sarate


Ako ay si Khalid Magalona Sarate tubong San Pablo City, Laguna.


Kristiyano ang aking nakagisnang Pananampalataya. Wala sa isip ko na


magpalit ng relihiyon dahil ang katuwiran ko pare-pareho lamang ang


mga relihiyon. Lahat ng itinuturo ay kabutihan at pagsamba sa Diyos,


kaya sa akin wala akong minamasamang relihiyon. Marami na rin akong


nasamahang religious group at naging korselista rin naman ako. Ang


pag-aakala ko na pare-pareho ang mga relihiyon. Subali’t hindi pala


tama ang aking akala dahil noong una ay hindi ko inalam sa aking sarili


kung tama ang pagsamba ko sa nag-iisang Tagapaglikha na wala Siyang


katambal. na Siya lamang ang dapat pinag-uukulan ng lahat ng pagsamba.


Ang tambalan natin ang nag-iisang Tagapaglikha ay kasalanang walang


kapatawaran. Siguro karamihan sa atin ay naghahangad ng katiwasayan


ng pag-iisip at kaligtasan sa Kabilang Buhay. Dahil malinaw na nakasulat


sa banal na kasulatan ang buhay na walang hanggan. Ang buhay natin


dito sa Mundo ay pansamantala lamang.


Dala ng pangangailangan sa buhay, binalak ko na makapangibang


bansa at sa tulong ng ating Panginoong Diyos natupad naman ang aking


pangarap. Taong 1984 buwan ng Nobyembre, narating ko ang bansang


Saudi Arabia. Noong una natatakot ako dahil sa sobrang higpit lalo na sa


oras ng Salah. Subali’t naisip ko sa aking sarili napakarelihiyoso naman


nilang mga tao, limang beses silang nagdarasal sa maghapon. sa panahon


na yaon wala pa akong kaalam-alam tungkol sa pananampalatayang


Islam. Ang alam ko salbahe ang karamihan sa kanila, isa pa iyan din


siya, paniwalaan at mahalin ng walang pagtatangi. at ang Allah ang Nagiisang


Diyos na lumikha sa lahat ng bagay, at hindi ipinanganak at hindi


nagka-anak at walang katulad at hindi dapat ihambing kaninuman. Aking


napagtanto ang lahat ng mensahe ng mga Propeta, isa lang ang nagsugo


sa kanila na may kumpletong patnubay at gabay.


Ako ay lubusang nagpapasalamat sa Allah. Ginabayan Niya ako sa


tamang landas at nasumpungan ko ang tamang pananampalataya na ang


gawa ng pananampalataya ay higit na mabisa kaysa sa salita lamang.


Sabi nga sa salitang banyaga [Action speak louder than word]. Dito ko


rin natagpuan ang tunay na kapayapaan at kaligayahan na hindi makikita


kailanman sa antas ng karunungan, kayamanan at katanyagan, bagkus


ito ay matatagpuan lamang sa pamamagitan ng ganap na pagsunod,


pagsuko at pagtalima sa kalooban ng nag-iisang Diyos.


Ang kayamanan ay hindi sapat upang matamo ang tunay na kaligayahan


sa buhay… at tila baga naaalis na ang aking pagnanais at mithiin sa mga


materyal na bagay na walang mapapala at matatamasa, hindi rin natin


madadala sa Kabilang Buhay. Tayo’y isinilang nang walang-wala ni


anuman at tayo’y papanaw rin naman nang wala ni anupaman. at bago


dumating ang sandaling yaon, tayo hari nawa’y nasa tamang landas at


patnubay Niya, at parati nang handa at tumuklas ng mataas na kaalaman


patungkol sa Allah na lumikha at tanging Hukom sa Huling Araw at


parati ng magnais na makapiling ng Allah sa Kabilang Buhay.


52 53


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


ng mga Muslim: “Ang paniniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah), sa


mga Anghel, sa mga banal na Kasulatan [sa orihinal na mga anyo


nito], paniniwala sa mga Propeta, paniniwala sa Kabilang Buhay


at paniniwala sa Itinakdang Kapalaran, maging mabuti man o


masama ito.” na dapat nating tanggapin ng may pasasalamat sa Allah


at ipinaliwanag din sa akin kung sino si Hesus bilang isang dakilang


Propeta at Sugo ng Allah, at hindi bilang isang anak ng Diyos, na siyang


aking nakagisnang paniniwala, na anak siya ng Diyos at siya ay Diyos


na nagkatawang tao. Pagkatapos tinanong niya ako, kung naunawaan


ko ang mga ipinaliwanag niya sa akin, ang sagot ko, ‘Oo naman.’ Kaya


inalok na niya ako na yakapin ko na ang Islam, nguni’t parang hindi


pa ako handa ang sabi ko, pag-iisipan ko muna. Subali’t nang tanungin


niya ako ‘Kung nakakasiguro ba ako sa buhay ko.’ at ang sabi pa niya


baka bigla na lamang bawiin ang aking buhay na wala ako sa istado ng


Islam mapupunta ako sa Impiyerno. Nang sabihin niya ito sa akin, ako


ay nag-isip, ang sabi ko sa aking sarili may katotohanan ang kanyang


mga sinabi, kaya nang oras ding iyon ay tinanggap ko ang Islam ng


buong puso. at pagkatapos kong tanggapin ang pananampalatayang


Islam, patuloy akong nagsasaliksik ng kaalaman “Alhamdulillah” sa


ngayon isa ako sa mga nag-aaral tungkol sa mga alituntunin ng Islam


upang lubusan kong maunawaan ang Kaisahan ng Allah at Sunnah ng


Propeta Muhammad (). at ngayon alam kong nasa tama na akong


pananampalataya at pagsamba sa nag-iisang Tagapaglikha, ang Allah.


Nagpapasalamat ako sa Allah at binuksan Niya ang aking puso at isipan


upang Siya ay aking lubusang makilala na Siya lamang ang dapat pagukulan


ng lahat ng pagsamba.


Nawa’y magsilbing gabay ang munting sanaysay kong ito sa mga


naghahanap ng katotohanan. sa aking mga kapatid sa pananampalataya,


sana patuloy tayong magsaliksik ng kaalaman upang lalong tumibay


ang ating pananampalataya.


ang mga naririnig ko sa Pilipinas matatapang ang mga Muslim. Kaya


hindi ako nagka-interes na alamin ang Islam. Hanggang sa ang ilan


sa mga kaibigan ko ay nagsipagyakap na sila sa Islam, subali’t wala


naman silang binabanggit sa akin kung bakit sila ay nagbalik Islam.


Ang sinasabi lang nila sa akin, “Ano kaya ang sasabihin ng aking mga


kaibigan.” Marami-rami na rin akong nababasang mga booklet tungkol


dito at wala na akong pinalilipas na mga programa sa television tungkol


sa Islam, ang gustong-gusto kong panoorin ay Islamic culture, noon


unti-unti ko nang nauunawaan ang Islam. Hindi pa rin dito natatapos


ang aking pagsasaliksik sa pananampalatayang ito, lumipas pa rin ang


mga taon at ginugulo ako ng aking isipan dahil sa mga nababalitaan


ko tungkol sa mga Muslim sa Pilipinas, marami silang ginagawa na


hindi kanais-nais at nasundan pa sa nangyari sa Amerika, sila naman


ang napagbibintangan. Subali’t hindi ito ang aking nagiging batayan


upang huminto ako sa paghahanap ng katotohanan. Nagpatuloy ako


sa pagbabasa ng mga booklet dahil marami ng natatagpuan sa mga


Islamic Center. at dito ko na naunawaan ang Islam: Ang pagsamba


sa nag-iisang Diyos (Allah) na dapat ay wala Siyang katambal.


Subali’t wala pa rin sa isip ko ang yakapin ang Islam hanggang sa


minsan ipina-renew ang aking Iqamah at nang lumabas ay naging


green na ang kulay nito, at ako’y nagtaka dahil ito ay para sa Muslim


lamang. Ang inisip ko ay nagkamali lamang siguro, subali’t marahil ay


may layunin ang pagkakamaling iyon na ang kagustuhan ng Allah ay


para yakapin ko ang pananampalatayang Islam. Nagtanong ako kung


paano ang pumasok sa Islam at ang sabi sa akin, kailangan ko raw


magpahayag ng Shahadah [o pagsasaksi na walang diyos na karapatdapat


sambahin maliban sa Allah]. Isang araw sa buwan ng Ramadan


2001 pumunta ako sa isang kaibigan at pag-uwi ko ng gabi ay napadaan


ako sa tapat ng Islamic Center for Call & Guidance sa Batha. Kukuha


sana ako ng babasahin nang anyayahan akong pumasok muna sa


loob ng tent at pinagbigyan ko naman. at doon ipinaliwanag sa akin


ang limang Haligi ng Islam: “Ang Shahadah (Pagsasaksi), Salah


(Pagdarasal), Zakat (Pagkakawanggawa), Siyam (Pag-aayuno) at


Hajj (Pagsasagawa ng mga rituwal na gawain ng Hajj sa buwan


ng Dhul-Hijja).” Ipinaliwanag din sa akin ang anim na paniniwala


55


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Nang Ako’y Maging Muslim, Aking Nasabi,


Ito na Ang Pinakamagandang Regalo na


Aking Natanggap Mula sa Panginoong Allah


Abdul Rahman Lundang Maglalang


Bilang isang Romano Katoliko noon, ang aking paniniwala kay


Hesukristo ay bugtong na anak ng Diyos. sa madaling salita lumaki ako


na dala-dala ko sa aking puso na si Hesus ay Panginoon, maliban sa


Diyos Ama.


At bilang isang Kristiyano o Romano Katoliko ang araw ng pagsamba


ay ginagawa sa araw ng Linggo o isang beses bawa’t Linggo. sa totoo


lang hindi ko pa rin nagampanan ang bagay na ito nang regular.


Ayon sa nalaman kong katuruan sa aking mga magulang, ang maniwala


sa Diyos at matakot sa Kanya, ang Siyang naging daan ko sa aking


buhay hanggang sa aking paglaki.


Taon 1980 pinalad akong makapagtrabaho dito sa Saudi. sa aking


pagtatrabaho dito, ang tanging naging sandata ko sa aking pananampalataya


ay ang aking pananalig sa Diyos at pagdarasal sa araw-araw.


Lumipas ang maraming taon patuloy pa rin ang aking pagtatrabaho dito


sa Riyadh. sa kabila ng lahat ng aking pagtitiyaga at pagtitiis upang


mabigyan ko ng magandang buhay at kinabukasan ang aking pamilya.


Nabigo ako, dahilan sa isang pangyayari na mahirap tanggapin. Bagama’t


nakipaghiwalay ako sa ina ng aking mga anak, hindi ko tinalikuran ang


aking tungkulin sa kanila. Taong 1994 natuto akong gumawa ng mga


masasamang bagay at tuluyang lumayo sa Diyos sa dahilang alam kong


kasalanan itong aking pinasok. Naging makasalanan ako sa paningin ng


Diyos. Dahil sa aking konsensiya, muli ako ay humingi ng kapatawaran


sa Diyos dahil alam ko na ang Diyos ay Mapagpatawad.


56 57


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


at mga kamag-anak. Alam kong hindi madali ang pag-imbita ng tao sa


Islam. Subali’t ako ay dumadalangin sa ating Tagapaglikha, ang Allah


na sana’y gabayan din Niya ang lahat ng tao na malapit sa aking puso.


Tungkol naman sa aking asawa, hindi naging matibay ang kanyang


pananampalataya, sa dahilang nagbago ang pag-uugali ng mga taong


dati ay mabait sa kanya. Naging kalaban niya ang mga ito hanggang sa


dumating ang araw na hindi na niya nakayanan ang pagmamaltrato sa


kaniya, at siya ay lumisan. Magkagayon man umaasa ako na balang araw


ay babalik muli ang dati niyang sigla at lakas sa pananampalatayang


Islam “Insha Allah”.


Bilang isang Balik Islam ang aking maipapayo unang una na sa aking


sarili at sa inyong lahat mga kapatid sa Islam, na gampanan natin ang


ating mga gawain sa Allah. Sapagka’t ang Islam ang siyang gabay natin


dito sa lupa at ganoon din sa Kabilang Buhay. Sinabi ng Allah sa banal


na Qur’an: {At ang sino mang magnais ng ibang relihiyon maliban


sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanya, at siya sa


Kabilang Buhay ay mapapabilang sa mga talunan}. [Qur’an 3:85]


Hanggang dito na lamang. Muli akong nagpapasalamat sa Allah sa


paggabay Niya sa atin sa tuwid na Landas.


Taong 1997 nang pasukin kong muli ang buhay may-asawa at sa


pagkakataon na ito naging masaya ang aming pagsasama na wala


kaming itinatago sa bawa’t isa. Both sides tinanggap nila kami nang


maluwag.


Taong 1999 ang aking asawa ay muling bumalik dito sa Riyadh upang


magtrabaho bilang isang private nurse sa isang anak ng prinsipe. Ang


ina ng Amir na alaga ni misis ay pumayag na magsama kaming magasawa


sa kanilang lugar. Bilang isang private nurse ang aking asawa


ay kailangang sumama lagi sa kanyang alaga. sa pinakitang kabaitan


nila sa aking asawa, isang araw kinausap nila ito at inalok nila sa kanya


ang pananampalatayang Islam. at dito na kami nag-usap na mag-asawa,


marami kaming mga bagay-bagay na pinagbasihan. We even ask


ourselves kung kaya naming gampanan ang pananampalatayang Islam.


You know our answer is… That we will not take it seriously. Kung baga


ay Take it or leave it.


But things change in my part. It all started when I took my Shahadah


on the night of Saturday 4th of December 1999. Brother Muhammad


dela Pena lead the pronouncing the testimony of Faith and he ask me to


follow him. When we finished pronouncing the last word, I heard them


shout “Allahu Akbar” and one by one embraced me and congratulated


me as well. Isang bagay ang pinakamagandang pangyayari sa akin ng


gabi ring iyon. Ang sinabi ni Brother Muhammad Dela Pena na ang


Allah ay pinatawad Niya ang iyong mga nagdaang kasalanan at ikaw


ngayon ay isang bata o sanggol na walang bahid na kasalanan at ikaw


ay inilayo din ng Allah sa Impiyerno. Ganoon na lang ang nadama


kong sigla. Hindi ko sukat akalain na ganoon pala ang ibig sabihin ng


pagpasok sa Islam. sa pangyayaring ito sa aking buhay masasabi kong


ito ang pinakamagandang regalo na aking natanggap. Ang paggabay ng


Allah sa akin sa pananampalatayang Islam.


Unti-unti kong pinag-aralan ang tamang paraan ng pagdarasal at iba


pang mga gawain. sa ngayon ang aking pinakalayunin ay ang mabasa


at maintindihan ko ang salita ng Allah - ang Qur’an at ang Sunnah


ni Propeta Muhammad () upang sa gayon ay maituro ko rin ito sa


aking mga magulang at mga kapatid. Gayon din sa aming mga anak


59


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Sinabi sa Akin ng Isang Pilipinong Muslim,


“Kung Gusto Mong Magka-Pera, Magbalik-


Loob ka sa Islam.”


Ishaq Belleza Loyola


Una sa lahat ay gusto ko munang isalaysay ang aking maigsing


talambuhay. Ako ay lumaki na kapiling ko ang mga relihiyoso kong


magulang at mga kapatid. Ako ang panganay sa aming magkakapatid.


Ang aking ama ay kasapi sa Holy Name Society - ito ay samahan ng


mga kalalakihan sa simbahan na ang gawain tuwing mahal na araw ay


sila ang kumakatawan bilang disipulo ni Hesus - kahit na siya ay may


kapansanan. Walang araw ng Linggo, Pasko at Bagong taon na hindi


kami nagsisimba at hindi kami pinapayagan ng aming mga magulang


na gumala o manood ng sine kapag hindi kami nakapagsimba sa umaga.


Noong malapit na akong magtapos sa elementarya ay kumuha ako ng


pagsusulit para makapasok sa seminaryo - ito ang paaralan ng sinumang


nais maging isang Pari at ang tawag sa mga nag-aaral dito ay seminarista


- at ako naman ay pinalad na makapasa sa pagsusulit. sa aming lalawigan


sa Masbate, kapag ikaw ay nalaman na isang seminarista ay mataas ang


pagtingin nila sa iyo dahil sa ikaw ay magiging isang alagad ng Diyos.


Noong nag-aaral ako sa seminaryo sa loob ng apat na taon - bale ang


katumbas lang nito ay High School - wala kaming ibang pinag-aaralan


kundi ang mga paniniwala ng mga Kristiyano. at akin pang natatandaan


na narinig ko lang binanggit ang salitang Muslim, Islam, Banal na Qur’an


at Propeta Muhammad () sa aming klase sa History. sa loob ng apat na


taon ay ginugol ko ang aking oras sa pagbabasa ng Bibliya at iba pang


pang-relihiyong babasahin. sa katunayan nga kahit El Filibustirismo at


Noli Me Tangere na isinulat ni Jose Rizal ay bawal ipabasa sa amin sa


dahilang ang mga Paring tauhan sa librong ito noong panahon ng mga


60 61


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


noong Setyembre 2001 ay may isang Mutawa (relihiyosong Muslim)


na nag-abot sa akin ng mga libro, pamphlet at cassette tapes. at ito ay


aking binasa at pinakinggan. Minsan ay may nakausap akong Pilipinong


Muslim at ang sabi niya kung gusto ko raw magka-pera ay magbalikloob


ako sa Islam at iyon ang nabuo kong plano dahil nang mga oras na


iyon ay kapos ako sa pera, nguni’t sadya yatang hindi ako pababayaan


ng Allah na magkasala, may kinausap akong isa pang kaibigan at


naitanong ko sa kanya ang balak ko at ang sabi niya ay huwag ko raw


gawing paglalaro ang tungkol sa Diyos at baka ako ay mapasama. Siya


ay isang kristiyano. Unang linggo ng Oktubre 2001 ay sinubukan ko


kung gaano kahaba ang kabaitan ng mga amo ko at nagkataon naman


na pinagsisigawan ko ang pangalawang anak niya dahil sa kakulitan at


kasalbahian, dahil ang bilin niya sa akin ay isumbong ko raw sa kanya


kung may nagawang kamalian ang mga anak niya, nguni’t hindi na ako


nakapagpigil at doon nga humantong sa sigawan at idinamay ko pa ang


amo kong babae pero imbis na magalit ang amo kong lalaki ay kinausap


niya lang ako nang mahinahon. at napagtanto ko na sapat na ang biyayang


ipinagkaloob ng Allah sa akin na magkaroon ng mabait na amo. Kaya


noong ikalawang linggo ng Oktubre 2001 ay yumakap ako sa Islam at


gayon na rin ang pasasalamat ko sa Allah na ako ay nakapag-Hajj na


minsan lamang mangyari sa buhay ng isang Muslim. Kaya ngayon ay


lubos ang aking kaligayahan at pasasalamat sa Allah na Siya ay gumawa


ng paraan para maliwanagan ang aking kaisipan sa pamamagitan ng mga


anak ng amo na lagi akong isinasama sa tuwing sila ay magsasagawa ng


Salah, at sa Mutawa na nagbigay sa akin ng mga babasahin at cassette


tapes, at sa mga kapatid na Muslim na handang tumulong sa akin at


bigyan ng kasagutan ang aking mga katanungan tungkol sa Islam, sa


mga Muslim at sa mga gawain ng isang Muslim, at ang Adhan ay hindi


ko na kinaiinisan, bagkus ay parang musika ito sa aking pandinig dahil


sa mga oras na iyon ay muli ko namang makakasama ang Allah.


Kastila ay masasama. Pagkatapos ko sa high school ay lumuwas ako ng


Maynila at pinalad akong makapag-aral sa University of Sto. Thomas


at doon ay naging aktibo na naman ako sa isang religious organization


at sumali rin ako sa Bible quiz sa inter-collegiate division at pinalad na


mapabilang sa top ten. Ang balak ko sana ay tapusin ang AB course at


pagkatapos ay mag-specialize sa Oriental Religion dahil ang Oriental


Religion ay tungkol sa iba’t ibang relihiyon sa buong mundo, nguni’t


sa kasamaang-palad ay kinapos sa pera at hindi ko naipagpatuloy ang


aking pag-aaral at sa gulang kong 17 anyos ay natuto akong magtrabaho


at nag-asawa nang maaga at taong 1994 ay natapos ko ang kolehiyo sa


kursong BSBA major in management sa tulong ng aking mga magulang.


Taong 1998 sa buwan ng Enero ay pinalad akong maging company driver


sa isang manpower agency sa Maynila at doon ko nakakasalamuha ang


iba’t ibang uri ng mga Muslim. Mayroong mabait, mayabang, maarte at


tahimik. at ang mga Muslim na ito ay galing sa Saudi Arabia, Kuwait,


Pakistan, British, Australia at Sudan. Buwan ng Hunyo at taong 1998 ay


nagkakilala kami ng amo ko - employer ko ngayon - at siya ay mabait


kaya hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok niyang trabaho


at sa awa ng Allah ay pinayagan naman ako ng may-ari ng agency na


makaalis na walang placement fee. Oktubre 15, 1998 nang dumating


ako sa Saudi Arabia bandang 7:30p.m. at naiinis na ako sa pila namin


sa immigration counter dahil walang nag-aasikaso sa amin, iyon pala


ay oras ng Salah (pagdarasal) at siyempre bago pa ako ay hindi ko


pa alam, at nang malaman ko pa na pag oras ng Salah ay sarado ang


tindahan at lahat ng may negosyo at opisina ay nagsasara para lang


magsagawa ng Salah. Kaya mula noon ay kinaiinisan kong marinig ang


“Adhan” pati na rin ang programa sa telebisyon na tungkol sa Islam.


Ang totoo nito ay galit ako sa mga Muslim sa Pilipinas dahil sila ay tuso


at traydor, nguni’t hindi ko naman nilalahat dahil ang mga magulang ko


ay may mga kaibigan ding Muslim na mababait din naman. Unti-unting


nabuksan ang aking isipan tungkol sa Islam nang minsan ay pumunta


kami kasama ko ang bayaw ng amo ko sa Shoula Shopping center at may


nakita akong bookstand na may mga libreng babasahin tungkol sa Islam


at kumuha ako ng isa sa mga iyon na ang pamagat ay “Ang talakayan


sa pagitan ng Muslim at Kristiyano”. Lumipas ang dalawang taon at


63


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


Sinabi ng Aking Kaibigan na Nag-Abot sa


Akin ng Isang Babasahin Tungkol sa Islam,


Ang Nagbabasa Niyan ay Nagiging Muslim..


Ako’y Tumawa Lamang


Abdul Rahman Engracio D. Unas


Hindi sumagi man lang sa aking isipan na ako ay maging Muslim


dahil ang layunin ko sa pagpunta sa Saudi Arabia ay magkaroon ng sapat


na panustos sa aking naiwan na pamilya sa Pilipinas. Dumating ako dito sa


Saudi Arabia, December 2, 1999. at ito ang kauna-unahang paglayo ko sa


aking pamilya sa mahigit naming labinlimang taon na pagsasama. Ngayon


ko lang naranasan ang lumayo at sadyang napakahirap sa isang katulad ko


na sana’y umuwi sa piling ng aking pamilya pagkatapos ng trabaho. Noon


pa man gaano man ang pagkalasing ko sa alak, walang makakapigil sa akin


para makapiling ko ang aking asawa at mga anak. Kasabihan nga “Walang


ilog akong hindi tatawirin o lalanguyin makarating lang ako sa aming


tahanan”. at ngayon naririto na ako sa Riyadh labis ang homesick na aking


nararanasan, at sa panahong iyon kailangan ko nang mapapaglibangan


kahit pagbasa man lang ng mga lumang diyaryo. Noon naman sa kabilang


kuwarto na aming tinutuluyan ay may isang Muslim - Born Muslim siya,


taga Mindanao. Nagtanong ako sa kanya kung may mababasa na kahit


ano at ibinigay niya sa akin ay babasahin na tungkol sa Relihiyong Islam.


Sinabi niya sa akin na sinuman ang magbabasa nito ay nagiging Muslim.


Tinawanan ko lang ang sinabi niyang iyon, dahil wala nga sa isip ko ang


maging Muslim. Natapos ko ang tatlong aklat na babasahin, nguni’t hindi


nangyari sa akin ang sabi niyang ako ay magiging Muslim, dahil noon pa


man ay masigasig na akong magdasal at maging noong ako ay nasa Pilipinas


pa, lalo na ngayon narito ako sa ibayong dagat kailangan ko ng kakampi


at iyon ay alam kong sa Diyos ko lang matatagpuan. Nang kristiyano pa


64 65


Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam


sa malapit lang, kung maari sa Sulay area na lang, dahil naririnig ko


na may Islamic Center din doon.” at iyon nga doon ako dinala sa Sulay,


July 9, 2001 noon. Nagulat pa sila, sina Brother Abdul Khalik, ang sabi ko,


“Gusto kong magbalik-loob sa Islam.” Kaya isinama nila ako sa Masjid [o


sa mosque], at nagsagawa kami ng Salah [o pagdarasal], at nang matapos


ang Salah, ako ay sumaksi na: “Walang Diyos na dapat sambahin maliban


sa Allah at si Muhammad ay Kanyang Sugo at Propeta”. Niyakap ako


ng maraming tao, at naantig ang puso ko, hindi ko napigilan ang lumuha,


dahil hindi ko iyon nakita kahit minsan sa Kristiyano ang yakapin ako ng


mga tao na hindi mo naman kakilala. July 9, 2001 nag-umpisa na ang ikot


ng aking mundo sa relihiyong Islam, at doon ko nalaman sa aking pagdalo


ng seminar sa Sulay Center na si Hesus pala ay hindi ko itinakwil, bagkus


inilagay ko siya sa dapat niyang kalagyan, siya ay Propeta at Sugo ng


Allah at lalo pa siyang napalapit sa akin, sapagka’t ang mga aral at turo


niya ay ginagawa ko katulad ng pagdarasal na ginagawa niya, ang pagaayuno


at ang tuwirang pagsamba sa Nag-iisang Diyos-ang Allah. na noon


ang buong akala ko ang Allah ay Diyos lang ng mga Muslim, Siya rin pala


yaong Diyos na lumikha sa lahat ng bagay at Siya ang aking tinatawagan


at hinihingan ng tulong, mali lamang ako ng pagtawag. “Alhamdulillah”,


ako ngayon ay isa ng Muslim o balik Islam at ang Islam ay dadalhin ko


hanggang sa huling hantungan. at iyon naman ang dapat, at sa paghahanap


ko pa ng kaalaman sa Islam, ako ngayon ay dumadalo sa Islamic Center sa


Rabwah upang sa ganon ay marami pa akong malaman, nang sa gayon sa


aking pag-uwi o pagbakasyon sa Pilipinas at ako ay tatanungin nila, kung


bakit ako nagbalik-loob sa Islam. Alam ko na ang aking isasagot sa kanila.


at “Insha Allah”, sana ay lalo pang buksan ang aking isipan sa kaalamang


Islam upang ang aking asawa at mga anak o pamilya ay madali kong


mapabalik-loob sa relihiyong ibinigay ng Allah sa santinakpan-ang Islam.


“Alhamdulillah”, ako ay labis na nagpapasalamat dahil ako ay namulat


at nagising sa katotohanan na “Walang ibang diyos na dapat sambahin


maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang Sugo.”


ako, tunay na hindi ako sumasamba sa mga diyus-diyusan na gawa ng mga


kamay ng tao lamang (mga rebulto o larawan) dahil alam kong ang mga ito


ay hindi nakaririnig. Paano ko pagdadasalan ang isang kapirasong kahoy


lamang? Pinadadaan ko ang aking mga dasal sa pamamagitan ni Hesus.


Ang sabi ko pa Diyos ko, sa pangalan ng iyong anak na si Hesus, ako ay


humihiling. Ganon na ganon ang aking mga dasal. Lumipas ang mga araw


at buwan hanggang tuluyan nang mawala sa akin ang homesick. May isang


Pakistani ang nagbigay naman sa akin ng babasahin uli, bigay daw iyon ng


isang Pilipino. So sabi ko, hindi naman masama at walang mawawala sa


akin kung magbasa ako noon, nguni’t nagkaroon ng malaking pagbabago


sa akin nang basahin ko na ang libro na pinamagatang “Ang talakayan sa


pagitan ng Muslim at Kristiyano” mayroon pa nga na sa oras ng aking


pagbabasa ay nagagalit ako sa tuwing si Hesus ay mababasa ko na isang


Propeta lamang at hindi anak ng Diyos. Kaya kong minsan ay tumitigil ako


ng pagbabasa. at dahil sa ang trabaho ay isang guwardiya may oras na wala


akong ginagawa. Kinuha kong muli iyon at binasa ko. Hanggang sa hanaphanapin


ko na ang pagbabasa tungkol sa relihiyong Islam, sapagka’t ito ay


makatuwiran at nagbibigay aral tungkol sa tapat at tuwirang pagsamba sa


Diyos na Tagapaglikha. at minsan pumunta naman ako sa Batha nakakita


ako ng babasahin uli, dumampot ako. na ang nakalagay naman “Ang aklat


na ito ay para sa iyo” na ginawa ni Omar Penalber. Tinalakay ng aklat


ang mga Paniniwala ng Islam, Paniniwala at Pagsamba lamang sa Tanging


Iisang Diyos, Paniniwala sa mga Anghel, sa mga Propeta, sa mga Aklat ng


Diyos, sa Araw ng paghuhukom at ang paniniwala sa Tadhana. Dumaan


ang araw at buwan, hanggang tanungin ko ang sarili ko, ‘Ano nga kaya


kung magbalik-loob ako sa Islam? Nagtalo na naman ang isip ko, paano


naman kako ang asawa at mga anak ko, hanggang sa minsan pa hinamon


ko pa ang Diyos, na ang sabi ko, “Sige papayag akong maging Muslim,


nguni’t may kondisyon, na kapag ako ay tumama sa lottery payag ang


Allah na magbalik-loob ako sa Islam, hanggang sa marami na akong


nauubos na pera, pero hindi pa rin ako tumama.” Kaya ang sabi ko, ayaw


ng Diyos na maging Muslim ako. Subali’t natakot ako sa ginagawa ko, ang


sabi ko, “Ano ang karapatan ko na hamunin ang Diyos na lumikha sa


akin.” Kaya humingi ako ng tawad sa Kanya. at nagpasama ako sa isang


Pakistani na nagbigay sa akin ng babasahin. Ang sabi ko, “Ang gusto ko



 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG