Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Ang Panimulang Salita
Ang kadakilaan at kaluwalhatian ay para lamang sa Allah, ang
Panginoon ng lahat ng nilalang. Nawa’y ang kapayapaan at pagpapala
ay mapasa huling Propeta na si Muhammad (). sa katotohanan, isang
karangalan para sa akin ang makapagbigay ng paglalahad tungkol sa mga
karanasan ng ilan sa mga kapatid nating yumakap sa relihiyong Islam.
Ang relihiyong Islam ay isang relihiyon ng Katotohanan, na sinumang
tumalima at yumakap nito ay pagkakalooban ng Allah ng tiyak na
tagumpay at kapayapaan dito sa mundo at sa kabilang buhay.
Sadyang ang relihiyong Islam ay isang pinagpalang relihiyon,
sapagka’t sa kabila ng mga masalimuot na suliraning kinahaharap at
kinasasangkutan nito sa makabagong takbo ng buhay, patuloy pa ring
napakaraming tao ang tumatalima at tumatanggap nito.
Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na nababatay
sa prinsipiyo ng pagkilala at pagsamba sa Nag-iisang Tunay na Diyos
(Allah). Ang maliwanag at makatuwiran na kasagutan ng Islam sa
suliranin ng tao ang nakaakit sa puso ng mga iba na hindi kailanman
natagpuan o nabigyan ng katuparan at katugunan ng kanilang relihiyon
para sa kanilang ispirituwal na kakulangan.
Ang Islam ay para sa lahat ng sangkatauhan. Magkagayon, anumang
lahi ng tao at saan mang pamayanan at panahon, ang Islam ay umuugma
at umaangkop sa takbo ng buhay ng bawa’t tao. Ito ang nagbunsod sa
iba’t ibang tao upang yakapin ito at gawing panuntunan sa araw-araw
na pamumuhay. Ito rin ang naging inspirasyon ng tao upang sila ay
tumahak sa landas ng kabutihan. Katotohanan, sa lahat ng aspeto ng
buhay ay mayroong magagandang batas at mga aral na dapat isagawa
upang makamtan ang kapanatagan at kapayapaan ng buhay at maging
ang paghahanda sa kabilang buhay.
8 9
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Walang Malinaw na Batayan na Ang
Pangalan ng Tunay na Diyos ay Ama
Yaser F. Bautista
Noong ako ay hindi pa yumayakap sa Islam, ang aking relihiyon ay
Romano katoliko, iba’t ibang paniniwala at pagsamba ang aking nakagisnan
at naranasan. at dahil ako ay kulang sa kaalaman, naniwala ako na ang
kaligtasan sa parusang Apoy, at pagpasok sa Paraiso ay makakamit lamang
sa tuwirang mangungumpisal sa Pari at lumunok ng kapirasong tinapay na
tinatawag na katawan ni Kristo. Ito ay tinatawag na Komunyon pagkatapos
ng lingguhang sermon ng Pari. Bagama’t ang mga bagay na ito ay aking
naisasakatuparan, ako ay hindi nakadama ng katiwasayan at kapanatagan
ng puso at damdamin. Kaya naman tuwing ako ay matapos sa ganitong
uri ng pagsamba, pilit kong hinahanap ang mga bagay na makapagbibigay
sa akin ng liwanag tungo sa daan ng kaligtasan at makarating sa Paraiso.
Bago ako lumabas ng simbahan ay hindi ko nalilimutan ang pagdalangin
kay Hesus, na anak ni Birhen Maria na ipaabot kay Ama ang aking
dalangin. Diyos Ama kung tawagin sapagka’t ito ang aking nakagisnan
at ang taguring ito ay nabuo sa aking isipan sapagka’t ang pambungad na
panalangin ng sinumang katoliko ay ganito! “Ama namin sumasalangit
Ka! Sambahin ang Ngalan Mo, mapasa amin ang kaharian Mo, sundin
ang loob Mo dito sa lupa para na sa langit.”
Dito ay walang malinaw na batayan para sa akin, na ang pangalan ng tunay na
Diyos ay Ama, sapagka’t ang katawagang ito ay hindi pangalan kundi isang
katagang paggalang, walang malinaw na batayan para sa akin ang pangalan
ng tunay na Diyos, kahit may agam-agam sa aking isipan ay patuloy akong
dumadalangin sa kanya na nawa’y ituro sa akin ang tunay na daan patungo
sa Paraiso kahit isang hakbang man lamang. Subali’t matapos na ako’y
manalangin o dumalaw sa simbahan, wala pa rin akong lakas upang pigilin
o labanan ang mga masasamang gawain, tulad ng sugal, babae, at pag-
Ang mga kasaysayang aking ilalahad ay tunay na nangyari sa kanikanilang
buhay. sa bawa’t pagtahak nila sa landas ng buhay, naroroon
sa isang sulok ng kanilang puso ang tunay na damdamin at tapat na pagasam
ng pagtalima at pagsuko ng sarili sa Tanging Tunay na Diyos-ang
Allah.
Napakasarap isipin na sa kabila ng kanilang mga pagsubok, matatag pa
rin nilang binalikat ang kanilang pananagutan bilang Muslim.
Halina’t tunghayan natin ang kanilang mga kahanga-kahanga at
nakakaantig na kasaysayan.
10 11
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Sa Romano Katoliko ay Walang Haligi ng
Pananampalataya
Omar C. Soriano
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang,
ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Sinuman ang patnubayan ng
Allah ay walang makapagsasadlak sa kanya sa pagkaligaw, at
sinuman ang isasadlak ng Allah sa pagkaligaw ay walang sinumang
makapagpapatnubay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang Diyos na
karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, ang tanging Nag-iisa. at ako
rin ay sumasaksi na si Muhammad ay kanyang lingkod at Sugo. Nawa’y
ang Kanyang pagpapala ay mapasa Kanyang huling Sugo at Propeta, na
si Muhammad (), sa lahat ng kanyang mga tagasunod at sa lahat ng
tumatahak sa tamang landas hanggang sa Huling Araw.
Katoliko Romano ang nakagisnan kong relihiyon sa pamilya ko at
maging sa kapaligiran namin sa bansang Pilipinas, kaya ang nakatanim
sa aking pag-iisip at puso ay relihiyong Kristiyanismo. sa aking pagiging
panatiko, nagagalit ako kapag nilalait ng ibang sekta ng Kristiyanismo
ang Romano Katoliko.
Nang mag-apply ako sa Saudi Arabia, laging pagsimba ang ginawa
ko sa araw-araw sa simbahan ng Romano Katoliko sa pag-akala ko na
dinidinig ng Diyos at pinagpapala ang laging pagsisimba sa simbahan
ng Romano Katoliko. Kaya, nang isa ako sa pinalad na makapasa
sa mga pagsusulit at pinalad makapunta dito sa Saudi Arabia lalong
tumatag ang aking pananampalataya sa Kristiyanismo sa dahilang sa
akala ko ang mga rebulto nina Birhen Maria, Jesus Christ, Saint Paul
at iba pang santo at santa, ang nagpala at nakatulong sa akin sa tuwing
hihingi ako ng tulong sa bawa’t isa sa kanila.
inom ng alak. Wala man lang akong bahagyang takot na gawin ito. Isang
araw ay nagpasiya akong mag-ibang bansa at naisipan kong magpunta sa
gitnang silangan dala na rin ng kakapusan sa sarili kong pangangailangan
kasama na ang pangarap na makaipon at mamuhay ng maligaya at
matiwasay. Subalit bigo ako nang bumalik sa sariling bayan dahil na rin sa
aking kapabayaan. Muli akong bumalik sa gitnang silangan at nangako sa
asawa na pag-iibayuhin ang trabaho at iiwas na sa mga bisyo, pangakong
walang katiyakan sa palibot ng tukso, mahinang pananggalang ang aking
dalang pananampalataya. Ganoon pa man ang aking paniniwala sa Diyos
ay matibay, kaya minsan ay masumpungan ko ang muling magdasal na sana
bago bawian ng buhay ng Makapangyarihang Diyos ay itulot nawa Niya na
makita ko ang liwanag at sa gayon aking magampanan ang tunay na layunin
Niya para sa akin bilang isang tao. at sa paglipas ng panahon, nakikila ko ang
isang kapwa Pilipino na bagong yakap sa pananampalatayang Islam at pati na
ang kanyang kasamang Saudi, bagama’t noong una ay hindi ako interesado sa
paliwanag tungkol dito ay unti-unti na rin akong nagkaroon ng pagkakataong
maliwanagan ang mga magagandang aral ng Islam at nalaman ko rin sa
tiyagang pag-aaral ang tunay at tamang pagkilala sa Nag-iisang Tunay na
Diyos at maging ang mga Banal na Katangian ng Diyos. sa unti-unting kong
pagbabasa ng mga aklat tungkol sa pananampalatayang Islam, nakadama ako
ng mga bagay na nakapagpatibay sa mga katanungang laging namumuo sa
aking isip at sa patuloy kong pagbabasa ay napag-alaman kong ang tunay na
kahulugan ng buhay at higit kong natagpuan ang katiwasayan ng buhay dahil
sa mga makatuwiran at maliwang na aral ng Islam. Tunay na ang kapayapaan
ng buhay ay nasa tamang pagkilala at pagsamba sa Nag-iisang Diyos na
lumikha ng lahat ng nilalang. Lahat ng katanungan ko noong ako ay Katoliko
ay nabigyan ng sapat na katugunan at maging ang pagtahak sa landas upang
makamtan ko ang tunay na kaligtasan ay ganap kong naunawaan. Ipinahayag
ko ang pagyakap sa Islam sa harap ng maraming Pilipino at mga katutubong
Saudi. Sumaksi ako na walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at
sumaksi rin ako na si Muhammad () ay Kanyang Sugo. “Alhamdulillah”,
magpahanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin na maragdagan ang kaalaman
ko sa relihiyong Islam. Idinadalangin ko sa Allah na nawa’y bigyan Niya ako
ng tibay ng loob at lakas upang maisakatuparan ko ang lahat ng kautusan at
pananagutan ko bilang isang Muslim.
12 13
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Maging ang pag-aayuno ay napag-alaman ko na ito ay gawain ng lahat
ng Propeta ng Diyos-Allah. Nasa tamang pananampalataya at pagkilala
sa tunay na Diyos nakasalalay ang kaligtasan ng tao kalakip ng kanyang
mabubuting gawa.
Sa ngayon ako ay nag-aaral sa Islamic Propagation Office sa Rabwah,
upang lalong madagdagan ang kaunti kong kaalaman tungkol sa Islam.
at nawa ay pagkalooban ako ng Allah ng higit pang kaalaman at pangunawa
upang magiging gabay ko pagdating ng panahon na aking
maibahagi ang katuruan ng Islam sa aking mga mahal sa buhay, at sa
lahat ng karapat-dapat na bahagian nito.
Sa tuwing nagbabasa ako ng Bibliya ay lagi kong nababasa ang Verse:
“Ako at ang Ama ay iisa….” Kaya, natanim sa pag-iisip ko na si
Propeta Hesus at ang Ama (Allah) ay iisa. Tuwing dumating ang buwan
ng Ramadan ay lagi ako nagtatanong sa mga kasamahan kong Muslim
kung bakit nag-aayuno ang mga Muslim, bawal kumain at uminom ang
mga di-muslim sa mga publikong lugar. Hanggang binigyan ako ng
mga babasahin Islamiko at mga Islamic tape. Binabasa kong lagi ang
mga Islamic books at inihahambing ko ito sa Bibliya.
Isa sa nakaakit sa akin sa Islam ang limang haligi ng Islam, ito ang mga
sumusunod: 1- Ang pagsaksi sa Nag-iisang Diyos-Allah at si Propeta
Muhammad () ang Kanyang huling Sugo (Shahadah). 2- Ang limang
pagdarasal (Salah). 3- Ang pagbibigay ng kawang-gawa (Zakat). 4-
Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan (Siyam). 5- Ang paglalakbay
sa sagradong lugar-Makkah (Hajj).
Samantalang sa Romano Katoliko ay walang haligi ng pananampalataya,
kinaugalian ko lang ang misa tuwing linggo, nobena kay Virgin Mary
tuwing Miyerkules at Huwebes, Mahal na araw (pagpako kay Propeta
Hesus sa krus) tuwing Biyernes Santo, at tuwing pasko Dec. 25. Ang
mga nabanggit kong kaugalian ng pagsamba ay walang matibay na
batayan at maging sa aral ng Bibliya ang mga gawaing ito ay hindi
nababasa. at dahil dito, nagkaroon ako ng alinlangan sa mga ganitong
kaugaliang aking ginagawa. Bakit ako naging Romano, hindi naman
ako taga Roma? Si Hesukristo ba ay Romano? Bakit ang sentro ng
Kristiyanismo ay nasa Rome at hindi sa bayan ni Hesus sa Palestine?
Sa pagbabasa ko ng mga Islamic books at pakikinig ng mga tape
tungkol sa Islam nabuo ang aking pasiya na magbalik Islam sa tulong
ng isang dayuhang Muslim na nagsama sa akin sa Cooperative Office
for Call & Guidance sa Batha. Napag-aralan ko sa Islam na ang tapat
na pagsamba ay nauukol lamang sa nag-iisang Diyos na lumikha sa
lahat ng bagay. at malaking kasalanan ang pagdalangin sa mga bagay na
nilikha lamang katulad halimbawa ang mga rebulto. Ang mga rebulto ay
gawang kamay lamang ng isang tao na walang kabuluhang sinasamba sa
Romano Katoliko. at maging sa Bibliya, ang pagsamba sa mga rebulto,
imahen at maging sa mga santo at santa ay hayagang pinagbabawal.
15
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Pagdating ko ng Saudi Arabia ay Nakita
ko Ang Kapayapaan at Katahimikan ng
Bansang Ito
Michael B. Sultan
Ako si Michael Burmer Sultan isinilang sa Cabadbaran Agusan Del
Norte, Butuan City. Bata pa lamang ako ay Islam na ang Relihiyon na
kinagisnan ko, sapagka’t ang aking ama ay isang Muslim. Lumuwas kami
ng Maynila para doon na manirahan at maghanap buhay at doon na rin
ako nagpatuloy ng aking pag-aaral. Lumaki akong Islam pa rin ang
pinaniniwalaan ko, nguni’t hindi ko ginagampanan ang aking pagiging
Muslim dahil hindi ako nagsasagawa ng Salah ng limang beses sa isang
araw at kumakain ako ng baboy na ipinagbabawal sa Islam ng hindi
nalalaman ng aking ama. Nguni’t sinasabi ko naman sa aking ina dahil
ang aking ina ay katoliko at hinahayaan lang ako hanggang ako ay
tumuntong na ng kolehiyo. sa Unibersidad na aking pinapasukan ay
napakaraming sekta ng relihiyon, nguni’t di ko pinapansin dahil wala
akong interes sa relihiyon, bagama’t Muslim ako subali’t wala akong
alam tungkol sa aking relihiyon, hanggang sa magkatrabaho ako sa isang
Foodchain at maging isang service crew. Dito ay marami akong naging
kaibigan at sumasama na ako sa mga lakad nila. Natuto akong uminom ng
alak at laging madaling araw na ako kung umuwi at di naman ako
pinapagalitan ng aking magulang at hinahayaan lang nila ako. Sapagka’t
ang aking ama ay kulang din sa kaalaman tungkol sa Islam kaya wala
siyang maibahagi sa akin tungkol sa Islam. Ang aking ama ay born
Muslim, kaya kung ano ang kinagisnan niya ganoon na lang siya.
Hanggang sa ang matalik kong kaibigan ay nagconvert sa Born Again
Christian at nakita ko ang kanyang malaking pagbabago mula sa salita at
sa gawa at sinimulan niya akong pagsabihan sa aking mga maling
ginagawa. Sinabi niya sa akin na malapit na ang Araw ng paghuhukom,
16 17
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
man nagpatuloy pa rin ako sa aking paniniwala, kung sinu-sino ang
bumibisita upang ako’y hikayating bumalik sa Islam, nguni’t tila sarado
pa rin ang aking isipan at binabasahan ko sila ng bibliya, hanggang sa
isang araw ay may dumating sa aming bahay na kasama ng isa sa mga
kamag-anak ko, isang balik-Islam ang pangalan niya ay Armando L.
Barcelon na dating Pari, Ahmad Barcelon na siya ngayon, siya ang
nakadebate ko at nagpamulat sa akin sa mga mali ng Bibliya at simula
nang makadebate ko siya hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko,
nagkaroon ng kalituhan at kaguluhan sa puso at isipan ko. at hindi ko na
alam kung ano talaga ang tama. Simula noon di na ako nagsimba sa
Kristiyanismo, subali’t di rin ako nagdarasal sa Masjid (Mosque) dahil sa
nakikita ko na mga kamag-anak ko na di rin nagdarasal at nagsusugal at
umiinom ng alak at maging ang aking ama na nagsasagawa ng Salah ay
nakikita kong walang nagbago sa kanya sa pag-uugali, nagmumura,
madaling magalit, nagsusugal, naninigarilyo, at umiinom ng alak
paminsan-minsan. Sabi ko sa sarili ko: Iyan ba ang Muslim, paano ako
magiging Muslim kung ganyan ang nakikita ko sa mismong magulang at
kamag-anak ko, paano ako maniniwala na ang Islam nga ang tamang
relihiyon kung ganyan ang nakikita ko, kaya ang paniniwala ko ay nasa
gitna na lang, hindi Muslim at di rin naman Kristiyano, basta’t nasa gitna
ako at walang relihiyon. Hanggang sa nag-aaplay ako papuntang abroad
at sa Saudi pa ang pupuntahan ko at pinalad na natanggap ako sa inaaplayan
ko, at nang malapit na akong umalis papuntang Saudi ay sinabi
ko sa misis ko na “Pagpunta ko ng Saudi ay doon ko malalaman kung ano
talaga ang relihiyon ko”. Pagdating ko ng Saudi ay nakita ko ang
kapayapaan at katahimikan ng bansang ito at nakita ko ang pagpapahalaga
nila sa relihiyong Islam na pagsapit ng takdang oras ng pagdarasal ay
tumitigil ang bawa’t isa sa kanilang trabaho at nagsasarado ang bawa’t
kumpanya para magdasal sa Nag-iisang Diyos- ang Allah. Nakita ko ang
pagpapala ng Diyos sa bansang ito na naniniwala sa Kaisahan ng Diyos.
Simula noon ay nagkaroon ako ng interes na pag-aralan ang Islam,
nanguha ako ng mga babasahin tungkol sa Islam, hanggang sa isang araw
ay pumunta kami sa isa sa mga customers namin na printing press at may
nakilala akong isang Sudan na binigyan niya ako ng mga babasahin
tungkol sa Islam, pagdating ko ng bahay ay binasa ko ito, “Talakayan sa
na mahal daw ako ng diyos, nagkatawang tao raw ang diyos at
nagpakamatay daw siya [si Hesus] para sa akin, para daw sa aking mga
kasalanan. Sinimulan niya akong basahan ng Bibliya tungkol kay Hesus,
at ito ang simula ng pagdedebate namin tungkol sa relihiyon, araw-araw
kaming nagtatalo sa relihiyon, at seyempre ayaw kong magpatalo dahil
para sa akin ito ang tamang relihiyon ang Islam, subali’t dahil sa aking
kakulangan sa kaalaman tungkol sa aking relihiyon ay wala akong
maisagot sa kanyang mga tanong tungkol sa Islam. Hanggang sa unti-unti
na niya akong mapaniwala sa kasulatan ng Bibliya. Ito raw ay salita ng
diyos. To make the story short, ay napaniwala ako at nagconvert mula sa
Islam at naging Born Again Christian ako. Simula nang maging Christian
ako ay unti-unti na akong nagbago mula sa mga pagmumura at
pagsisinungaling, nakita ko ang malaking ipinagbago ko, at inaakala kong
natagpuan ko na ang tamang landas. Pinag-aralan ko ang mga doktrina ng
kristiyanismo at lahat ng mga bible study ay dinadaluhan ko at ang mga
malalaking pagtitipon ay lagi akong naroroon at nakikinig ng mga
preaching ng mga magagaling na pastor, hanggang sa ako’y naging isa sa
mga worker ng church namin at naging isa sa mga assistant leaders.
Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nagbabahagi na
rin ng nilalaman ng bibliya tungkol sa kaligtasan, na ang isang tao para
maligtas ay dapat na tanggapin ang kamatayan ni Hesus sa krus para sa
kasalanan ng lahat at kailangan na maipanganak na muli sa pamamagitan
ng baptismo sa tubig at ng ispiritu. Binalak ko rin na gawing Christian ang
buo kong pamilya at sinimulan ko sa aking ina at napaniwala ko ang aking
ina, nguni’t ng malaman ng aking ama ang ginawa kong pagtalikod sa
Islam ay nagalit siya sa akin at sinabing ang Islam ang tamang Relihiyon,
nagdebate kami ng aking ama tungkol dito at ipinipilit kong ang Bibliya
ang salita ng diyos at hindi ang Qur’an, at di ako naniwala nang sabihin
ng aking ama na hindi namatay at di napako si Hesus. Ipinagmamalaki ko
pa ang mga naging pagbabago ko, sinabi ng aking ama na maraming mga
Pari ang nag-convert sa Islam. Hinamon ko ang aking ama na magdala ng
isang Pari na naging Muslim at magdebate kami. Hindi ako napigilan ng
aking ama sa pagsisimba ko tuwing linggo, at lahat ng aking mga kamaganak
na Muslim ay galit na galit sa akin na para bang papatayin na nila
ako at itinatakwil na nga nila ako bilang kamag-anak. Nguni’t ganoon pa
18 19
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Hindi ko Alam Kung Sino at Saan Ako Tatawag
at Hihingi ng Tulong sa Itaas, Kay Hesus ba o
Yung Panginoon na Ama ni Hesus?
Mohammad (Romeo) Ilocando Flores
Ako po si Romeo Flores na dating Kristiyano, nguni’t sa ngayon
ako’y yumakap sa Islam at pinili ko ang pangalang Mohammad.
Noong ako’y bata pa sa gulang na 10 taon, ako ay natuto ng uminom
ng alak at manigarilyo, walang araw na hindi ako lasing, at natuto rin
ako ng kung anu-anong bisyo hanggang sa natuto rin akong gumamit ng
marijuana. Ang buhay ko noon ay parang walang patutunguhan, naging
suwail ako sa aking mga magulang at sa aking mga nakatatandang kapatid.
Kaya nagpasya akong magtungo ng Maynila upang hanapin ko ang
kapalaran, subali’t totoo pala ang sabi nila na ang Maynila ay mas gubat
pa kaysa sa pinagmulan mong probinsiya. Nagkalat ang mga masasama
at tukso. Hindi mo alam kung sino ang tunay mong mga kaibigan. sa
lugar ng aking kapatid na tinutuluyan ay maraming istambay at paglabas
palang ng pintuan ay makikita mo na sila, at isang araw kinursunada
ako at sinabi nila; hindi ako ituturing na kalugar nila kung hindi ako
makikisama sa kanila. Kaya sa takot ko ay napabarkada ako sa kanila
at natuto akong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Pakiramdam
ko lalong gumulo ang buhay ko, pakiwari ko ay wala na talagang
magandang bukas na naghihintay sa akin. Dahil sa parang patapon na
ang buhay ko, at bukod sa ako ay ulila na sa ina at ang tatay ko ay nagasawa
ng iba, lalong nagulo ang isip ko. Ang pagsisimba ay nakalimutan
ko at mas nabibigyan ko ng oras ang aking mga barkada, nguni’t may
mga kapatid pa rin ako na nagmamahal sa akin, inalok ako ng ate ko
na papag-aralin nila ako sa High School, laking tuwa ko at makakapagaral
ako. Subali’t hindi ko natapos kahit High School man lamang, dahil
pagitan ng Muslim at Kristiyano” ang pamagat ng babasahing ito, nang
mabasa ko ito ay nakita ko pang lalo ang mga kamalian ng Bibliya, na ito
ay hindi tunay na salita ng Diyos at gawa lamang ng tao. Nang matapos
kong basahin ito ay parang nabuksan ang puso ko’t isipan at nasabi ko ang
“Laa ilaaha illallah” nang oras ding iyon ay nag-shahadah (sumaksi) ako
sa aking sarili na “Walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah,
at si Muhammad ay Sugo at alipin ng Allah” binigkas ko ito na walang
ibang saksi kundi ang aking sarili at ang Allah. Hanggang sa may nakilala
akong kapwa ko pilipino na balik-Islam na si Jamil, itinuro niya sa akin
ang Batha at nagpunta ako sa Batha at doon ay nag-shahadah ako na saksi
ang lahat ng mga brothers, at doon itinuro nila sa akin ang tamang
pagsasagawa ng Salah at binigyan ako ng mga babasahin, pinag-aralan ko
kung paano magsagawa ng Salah at sa aking pagdarasal ay unti-unti kong
nararamdaman ang kapanatagan, kapayapaan at kagalakan sa aking puso
na matagal ko nang hinahanap. Minsan sa pagdarasal ko ay hindi ko
mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa pagpapasalamat sa Allah na ginabayan
Niya ako sa matuwid na landas “Alhamdulillah”. Tunay na ako ay
ginabayan ng Allah upang muli kong balikan ang tamang landas ng buhay
tungo sa kaligtasan sa Kabilang Buhay. sa ngayon ay patuloy pa rin akong
nag-aaral at naghahanap ng kaalaman sa Islam, dahil ang kaalaman ay
isang tungkulin ng bawa’t Muslim. at habang nag-aaral ako sa Islam ay
lalo kong nakikita ang kagandahan ng Islam, “Alhamdulillah”, sa ngayon
ay nag-aaral ako sa Call & Guidance Center sa Rabwah at sa Badiah.
Nawa’y ang aking naging karanasan sa buhay ay maging aral sa mga
Muslim na hindi pinagtutuunan ng panahon ang kanilang tungkulin sa
Islam. Tunay na sa Islam lamang matatagpuan ang tunay na kapayapaan
ng kalooban, kaisipan at kapaligiran.
Dalangin ko sa Makapangyarihang Allah na nawa’y maging matibay
na ako sa pagharap sa katotohanan at nawa’y maging huwaran ako sa
pag-uugali upang ang aking mga mahal sa buhay ay mabigyan ko rin ng
gabay sa darating pang mga panahon. Ameen..
20 21
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
malayo rito sa bayan ng Riyadh ang aking trabaho. Walang sasakyan at
wala akong kasama at nag-iisa lang akong Pinoy na Muslim kung sakali
yayakap ako sa Islam. Nalungkot ako nguni’t noong araw ng Martes,
February 12, 2002, nagkaroon ako ng pagkakataon na yumakap sa Islam,
dahilan sa may mga kasabay na ako rito sa Thumamah. Nang yumakap
ako sa Islam unti-unti nang nagliwanag ang aking isipan at natagpuan
ko na kung sino ang dapat sambahin at hingan ng kapatawaran, tulong
at mapaghingan ng mga problema. sa araw-araw kong pagbabasa ng
Qur’an at mga Sunnah ng Propeta Muhammad () ay nasabi ko sa
sarili ko na ang Allah ang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin
maliban sa Kanya ay wala ng iba pa.
At nagpapasalamat ako sa pagyakap ko sa Islam, at nalaman ko kung
sino ang tunay na Diyos na dapat sambahin. at ngayon unti-unti kong
babaguhin ang takbo ng buhay ko “Insha Allah”. Kung ano man ang
mga naging kahapon ko, iyon ay tanging [mga alaala ng kahapon]
na lamang. “Alhamdulillah”, tunay na ang mga agam-agam ko ay
napawing lahat. Ang kapayapaan ay nararamdaman ko sa aking buhay.
sa ang barkada ay talagang naging lason, laging nakabuntot sa akin at
hindi ko maiwasan pati na yong pag-inom ng drugs, dahilan nga sa kahit
tumatanggi na ako ay hindi ko parin magawa dahil pag kumalas daw
ako sa tropa ay umalis na rin ako sa lugar na iyon. Naaawa na ako sa
bayaw at kapatid ko, nagpasiyang tumigil na ako sa pag-aaral, at umalis
ako sa lugar na iyon. Nagpunta ako ng Baclaran at doon ay nagtindatinda
ako na kung anu-ano para mabuhay lang ako at mabago ang takbo
ng buhay ko. Mahirap ang maging Side walk vendor takbo dito ..takbo
doon sa dahilang hinuhuli kami ng pulis. Sayang din naman yung 200
pesos na multa at may bawas pa ang paninda sa mga pulis, subali’t
nagsikap ako at nagtiis upang mabuhay ako, at kumita ng malinis na
pamamaraan. Masarap kumain at gumastos ng pinagpaguran mo lalo
na’t halos dugo ang ipawis mo, kumita ka lamang.
At diyan po sa lugar ng Baclaran nakilala ko ang naging asawa kong
taga Batangas. Naikasal ako taon 1986, subali’t napatigil ang pagtitinda
ko at naubos ang puhunan sa dahilang panay cesarian ang mga anak ko.
Tuwing magsisimba kami at niyayaya ako ng asawa ko ay hindi ko pa
rin maliwanagan kong alin ba talaga ang kinikilala nating Panginoon at
Diyos. Bakit may Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo? Saan
at kanino tayo tatawag at hihingi ng tulong para sa ating mga problema?
Bakit pinahihirapan tayo ng ganito hanggang naubos ang paninda ko,
pati puhunan at lahat ng anak natin ay panay cesarian? Gulong-gulo pa
rin ang isip ko at hirap na hirap ang kalooban. Nagtiis akong magsaka
sa bukid ng aking biyenan, nag-araro sa dahilang nais kong mabuhay
ang aking pamilya, subali’t hindi sapat ito lalo na’t madalas magkasakit
ang aking mga anak. Marubdob ang hangarin kong magdasal nguni’t
naguguluhan ako kung sino at saan ako tatawag at hihingi ng tulong sa
itaas, kay Hesus ba o sa Panginoon na Ama ni Hesus bakit ganito?
Taon 1994 sa tulong ng kumpare ng biyenan ko ay nakaalis ako patungo
rito sa Saudi. Salamat naman at maganda ang aking napuntahan at hindi
ako napabilang sa iba nating mga kababayan na nawawalan ng trabaho.
Noong unang dating ko palang ay nais ko nang yumakap sa Islam para
kilalanin o tuklasin ko kung sino talaga ang dapat sambahin at daingan
ng mga problema at hingan ng tulong sa oras ng kagipitan. Subali’t
23
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
“Sinumang Sumamba sa Iba Maliban sa Allah
ay sa Impiyerno Mananatili Magpakailanman”
Ito Ang Aking Kinatatakutan at Binigyan
ng Pansin
Haron Parcon De Guzman
Una sa lahat ay binabati ko kayo ng pandaigdigang pagbati ng mga
Muslim “Assalamu alaikum warah matullaahi wa barakaatuho.”
Mga brothers, hayaan muna ninyong ipakilala ko ang aking sarili at
kung bakit ako’y yumakap sa Islam.
Isa akong tubong Batangas City batang Ala eh ang bansag sa akin, at
dati akong Kristiyano. sa katunayan noong nasa Pilipinas pa ako wala
akong naririnig na Islam at tungkol sa aklat na Qur’an, ang tanging
naririnig ko lang ay Muslim. sa aming lugar, simula noong ako’y bata
pa, ang Muslim ay kinatatakutan, dahil sa pagkakaalam namin ang
Muslim ay matatapang at pumapatay kahit ito ay napakaliit lamang
na kadahilanan. Kaya natanim sa aking isipan na ang mga Muslim
ay masasamang tao at kinatatakutan. Lalo na ang tinatawag na mga
Abu Sayaf na lingid sa aking kaalaman ang kadahilanan ng kanilang
pagpatay, kaya takot na takot ako sa kanila. Taong 1996, noong ako ay
mapadpad dito sa Saudi Arabia sa hirap ng buhay sa atin kaya naisipan
kong makipagsapalaran dito sa bansang muslim, bagama’t may takot
ako sa aking dibdib ay nagbakasakali pa rin ako na baka ito ang maging
katugunan ng aking magandang pangarap para sa aking pamilya.
Noong una kong araw dito sa Saudi ay parang alinlangan akong
makisalamuha sa mga Muslim dahil nga sa dala-dala kong takot sa
kanila, hanggang sa mga sumusunod na mga araw wala naman akong
nakita o nabalitaan na kaguluhan, tahimik naman, kaya naging mapayapa
ang aking kalooban, at mabilis na lumipas ang mga araw at mga taon,
24 25
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
ang tunay na Muslim ay katangi-tangi sa lahat ng tao sa buong daigdig
dahil ang sabi ng Allah {Katotohanan, sinuman ang magbigay ng
katambal sa Allah, tunay na ipagkait sa kanya ng Allah ang Paraiso,
at ang kanyang magiging tahanan ay ang Apoy…}. at sinabi pa Niya:
{Katotohanan, ang kasalanang pagbigay ng katambal sa Allah ay
di Niya pinagkakalooban ng kapatawaran}. Bagkus, ito ay labis na
ipinagbabawal ng Allah na Siya ay tambalan ng kahit sino, nag-iisa
lamang ang Allah, hindi Siya nagka-anak at hindi rin Siya ipinanganak.
Ito ang aking kinatatakutan at binigyan ng pansin, dahil ako’y may
takot sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. Kapag tayo’y may takot sa
Diyos, hindi na tayo dapat mag-ibang isip pa sa pagyakap sa Islam dahil
ito ang katotohanan. Kaya katakutan natin ang kabilang buhay at ang
araw ng paghuhukom. Nasa ating sarili nakasalalay ang ating kaligtasan.
Napakasarap maging isang Muslim dahil magsakripisyo man tayo dito
sa lupa ay may kapalit na magandang gantimpala ang Allah, ito ay ang
Paraiso sa kabilang buhay. Ang lahat ay mamamatay kaya kailangang
tiyakin ang ating patutunguhan. at sinabi pa ng Allah: {Itataas ng Allah
yaong sumampalataya sa inyo at yaong pinagkalooban ng kaalaman
sa matataas na mga antas}.
Kaya sino man ang pinagkalooban ng kaalaman ay may puwang na siya
doon sa Paraiso. sa ngayon ay nag-aaral ako sa Islamic Propagation
Office sa Rabwah K.S.A. - level one - hindi ko man marating ang
pinakamataas na antas ay nagpapasalamat na rin ako sa Allah at
pinagkalooban Niya ako ng kaalaman. Kaya patuloy nating isagawa
ang pag-aaral dahil ang pag-aaral sa Islam ay isang tungkulin ng bawa’t
Muslim, simula sa ating kabataan hanggang sa kamatayan.
nagkaroon ako ng mga kaibigang Muslim, may Indiano, Banglades, at
mga Pilipino, mababait sila sa akin, kaya kinalimutan ko at tuluyan
ng binura ko sa aking isipan ang masamang pagkakilala ko sa mga
Muslim. Minsan nga ay nagpapaliwanag sila tungkol sa Islam, nguni’t
hindi ko ito binigyan ng pansin, ang sabi ko sa kanila, hayaan ninyo
brother kapag lubos kung naunawaan at napatunayan ko sa aking sarili
na tama ang inyong mga sinasabi ay hindi na kailangan na ako’y inyong
hikayatin pa sa Islam at ako na mismo ang maghahanap sa inyo para
ako’y mag-muslim. Nasa pagitan ako ng pagpapasiya kung alin nga ba
ang tama ito bang relihiyon ko na Kristiyanismo o ang Islam.? at nasabi
ko rin sa kanila na ang kaligtasan ng isang tao ay hindi sa pagbabago
ng relihiyon. Ang sabi ko, kung ang isang tao ay nagpapakabuti at may
takot sa Diyos, walang dahilan na hindi siya mapupunta sa Paraiso.
Hanggang lumipas ang isang taon at nabuksan ang aking isipan ng dahil
sa patuloy kong pagbabasa ng mga babasahin tungkol sa Islam. Napagalaman
ko na ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay ang tamang
pamumuhay ayon sa Batas ng Diyos. Natutuhan ko ring maunawaan
na ang kabutihan at ang tunay na takot sa Diyos ay nasa pagsunod sa
Kanyang Batas. Ang relihiyong Islam ay isang natatangi at kakaiba sa
ibang relihiyon. Mayroon itong mga batas sa lahat ng aspeto ng buhay
na ang pinakahaligi ng kabutihan ay nasa tamang pagkilala at pagsamba
sa tanging Diyos na Tagapaglika- ang Allah.
Ang sabi ko sa sarili ko hindi pa huli ang lahat, kaya nagpasama ako sa
isa kong kaibigan upang mag-shahadah, Ramadan 2001. Pumunta kami
sa Sulay Islamic Cooperative and Guidance pagdating ko doon may
tatlong Pilipino na nagpaliwanag sa akin tungkol sa Islam, ang sabi ko:
Gusto kong yumakap sa Islam dahil ito pala ang katotohanan at landas
papunta sa Paraiso, at mali pala ang aking paniniwala noon. Tinanggap
ko, na ang Diyos na dapat sambahin ay ang tanging Nag-iisang tunay na
Diyos [Allah kung tawagin sa arabik], at tinanggap ko rin na si Propeta
Muhammad () ay tunay na Sugo ng Allah. Walang nag-udyok sa akin
na yumakap sa Islam. Ang tanging dahilan ay naliwanagan ko ang tunay
na mensahe ng Allah na nakasaad sa Qur’an. Napakaluwag ng aking
dibdib at maaliwalas ang aking isipan simula ng maunawaan ko ng
lubusan ang mga katuruan ng Islam at ngayon ko lang napatunayan na
27
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Dito ko Lamang Natagpuan sa Islam
Ang Tunay na Pagmamahal sa Kapwa at
Pagpapatawad ng Bukal sa Kalooban.
Abu Bakar Floraide Torio
Ako nga pala si Abu Bakar isang balik Islam laking Cavite bagong
yakap nitong nakaraang buwan ng Ramadan 2001. Tulad ng nakararami
ang aking pinanggalingang pamilya ay nagmula sa mahirap, subali’t
dahil sa pagsusumikap ng aking mga magulang ay nakaahon kami at
naging isa sa tinitingalang pamilya dito sa aming lugar sa Cavite. Kami
ay pinalaki ng may prinsipyo at may dangal na paninindigan sa buhay.
Aktibo rin ako sa aming Simbahan laking simbahan kung baga at
humawak din ng matataas na katungkulan sa simbahan at dumating din sa
akin ang minsang ako’y naghanap ng katotohanan tungkol sa Relihiyon
at sa aking paghahanap ay naging Born again din ako at ang aking
greatest achievement sa pagiging Born again ay ang mai-convert ko ang
simbahan ng Las Pinas sa Simbahan ng mga Born again. Noong ako’y
natauhan na ginagawa lang palang negosyo ng mga Pastor ang kanilang
pagbibigay aral tungkol sa Bible ay nagbalik Katoliko ako dala pa rin
ang katanungang na sa aking sarili, simple lang naman ang katanungan
ko pero walang makasagot dahil sa aking pagbabasa ng Bible ay hindi
ko nakita ang bahagi ng paglaki ng Sugo ng Allah na si Propeta Hesus,
sapagka’t huli siyang nakita sa templo noong siya ay 12 taong gulang,
nangangaral sa templo at sumunod siyang nakita ay malaki na siya nang
bumalik sa Galilea o araw ng palm Sunday. Hanggang sa dumating
ang kagipitan sa aking pamilya na kung saan ay kinakailangan kong
lumayo nang pansamantala sa aking pamilya. Katatapos pa lamang ng
September 11, World trade Center Incident sa America magkakabila ang
mga balita at laman ng lahat ng pahayagan na ang mga Muslim daw ang
28 29
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Dito ko lamang natagpuan sa Islam ang tunay na kahulugan ng
pagmamahal sa kapwa at pagpapatawad ng bukal sa kalooban, dahil isa
sa aral ng Islam ay ang pagkakaroon ng maganda at mabuting ugnayan
sa mga magulang, kapatid, kamag-anakan at sa pamilya. Ang sabi ng
Propeta: “Ang Paraiso ay nasa paanan ng iyong ina.”
At sinabi pa ng Propeta: “Ang kagalakan ng Allah ay nasa
kagalakan ng mga magulang sa kanyang anak, ang galit ng Allah
ay nasa pangangalit ng magulang sa kanyang anak.” at dahil sa
mga magagandang aral ng Islam, naging inspirasyon ko na pagtuunan
ng pagmamahal ang aking asawa, anak, magulang, kapatid at
kamag-anakan at kapwa ko tao. Ngayon ko natuklasan ang tunay na
katawagang Muslim. Hindi pala tama na husgahan ang Islam batay sa
kilos o gawain ng isang naliligaw na Muslim kundi dapat husgahan ang
Islam batay sa aral at kautusan nito na nakasaad sa Banal na Quran at
maging sa Sunnah ng Propeta Muhammad (). Masakit mang sabihin
nguni’t katotohanan na mayroong pagkukulang ang ibang Muslim sa
kanilang relihiyon, nguni’t hindi ito ang dapat maging dahilan upang
talikdan ang Islam. Para sa akin, ito na ang pinaka magandang Batas
sa lahat ng aking nalaman maliban na lamang sa mga taong lumalabis
ang kanilang pagkakapaliwanag sa mga kahulugan ng banal na Qur’an.
Tunay ngang hindi madali ang daan patungo sa matuwid na landas,
subali’t kung atin itong hihingiin sa Allah, gagabayan Niya tayo na may
dalang pagsubok, subali’t ang pagsubok na ito ay dapat lang nating
paniwalaan at tanggapin dahil ang ibibigay Niya sa ating pagsubok ay
yaong makakayanan natin at ang kapalit nitong mga pagsubok ay ang
umaapaw na biyaya dito sa mundo hanggang sa Kabilang Buhay…
Sana’y mapatawad ako ng Allah sa aking mga kakulangan at kamalian at
nawa’y gamitin din niya akong Instrumento sa pagpukaw ng damdamin
at pagbibigay ng tunay na kahulugan ng Islam sa paraang mahinahon,
marangal at malinis at walang sapilitan. Tulad ng kaparaanan ng ating
Propeta Muhammad ().
may kagagawan nito at kasabay pa nito ang pang hohostage ng mga Abu
Sayaf. sa madaling salita, ay napakasama talaga ng impresyon ng tao sa
mga Muslim, kaya dumating ako sa Saudi Arabia buwan ng September
noong nakaraang taon na mayroong dalang takot at pag-aalinlangan lalo
pa’t nang malaman ko na nag-iisa lang akong Pilipino sa opisina. sa
unang araw ko pa lamang ay narinig ko ang tawag ng “Adhan”, naku!
tumatayo ang balahibo ko, sa loob-loob ko may nangangaswang yata
dito kung bakit sa tuwing maririnig ko ang tawag ng Adhan ay hindi ako
mapalagay. Nakalipas ang buwan hindi ko namalayan sa aking sarili ang
isang pagbabago nabaliktad ang lahat, na ngayon ang tawag ng Adhan ay
akin nang hinahanap-hanap na para bagang napakatamis sa aking pandinig
at napakagandang awit sa lahat ng aking narinig sa buong buhay ko.
Nagkataon naman na dumaan ako sa harap ng Batha tent at may nagabot
sa akin ng babasahin, si Bro. Nabil at si Bro. Ibrahim, inuwi ko
itong mga babasahin at aking masusing kinilatis kung may katuturan
nga ba talaga at ang aking katanungan ay nadagdagan ng pagaalinlangan
at lalo akong nagkaroon ng hamon sa aking sarili para
basahin ko ang Qur’an, makaraan ang isang linggo bumalik ako sa
Batha at ako’y binigyan ng Da’wah ni Bro. Raid at “Alhamdulillah”
ako ay nagpahayag ng Shahadah [o pagsasaksi sa Kaisahan ng Allah]
sa araw ding iyon. at sa aking patuloy na pag-aaral ay kaiba ang
aking natuklasan kung nalaman ko lamang na ganito pala ang mga
kapahayagan sa Qur’an noong ako’y nag-aaral pa sa kolehiyo, di sana
matagal na akong yumakap sa Islam, subali’t kahit kailan ay hindi
ako nakarinig ng Da’wah [o paliwanag tungkol sa Islam] sa aking
mga kababayang Muslim sa Pilipinas. Simula sa College ang school
ko ay pinaghaharian ng mga Muslim at matagal din akong nanirahan
sa Taguig, lugar ng mga Muslim, subali’t hindi ko kailanman narinig
ang salitang Da’wah na isa sa mga tungkulin ng isang Muslim na
ipalaganap ang mensahe ng Allah- ang Dakilang Tagapaglikha. Noong
una ay hirap ang aking asawa na tanggapin ang aking pagiging isang
Muslim dahil takot siyang ako’y mag-asawa muli at masira ang aming
magandang itinayong pamilya, subali’t nang ako’y sumumpa sa Ngalan
ng Allah na hindi ako mag-aasawang muli ay natuwa siya sa akin at
doon nagsimulang matanggap niya ang aking pagiging isang Muslim.
31
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Hindi Pala Bagong Relihiyon Itong Islam,
Bagkus Ito Pala Ang Dalang Mensahe ng
Lahat ng Mga Propeta
Jibril (Jeffrey) L. Baylon
Ako ay si Jibril Jeffrey Baylon na kasalukuyan na nagta-trabaho
dito sa Riyadh bilang isang dental laboratory technician.
Ako ay tubong tagalog na ang dating pinaniniwalaan na relihiyon ay
Kristyanismo. sa mga nagdaan na panahon, inakala ko na sapat na itong
paniniwala para sa akin at sinasabi na ito na ang aking kinagisnan. Ako
ay nagsilbi bilang Sakristan sa aming simbahan at naging aktibo sa mga
gawain pang-simbahan.
Subali’t hindi ko inakala na ako ay makakapunta o makakarating dito
sa Gitnang Silangan [sa Saudi Arabia-Riyadh] at sa di inaasahan na
pagkakataon ay dito ko pala matatagpuan ang tunay na Relihiyon o ang
tinatawag na Pamantayan ng Buhay.
Una, wala sa isip ko ang makarating man lang dito sa Gitnang Silangan
o bigyan man lang pansin ang relihiyong Islam, pati na sa pag-aaral o
pagyakap man lang dito.
Sa loob ng limang taon na pamamalagi ko dito sa Riyadh ay biglang
nagbago ang lahat at nabigyan ko ng pansin ang relihiyong Islam. Dahil
sa loob ng panahong ito ay marami na akong nababalitaan na yumayakap
sa Islam, pati na rin ang mga kaibigan na dating mga kristiyano na di
inaasahan ay nabalitaan ko na yumakap na rin sila sa Islam.
Dito pumasok sa isipan ko ang katanungang “Bakit”? Bakit sila
nagsiyakap sa Islam? sa aking pansariling pagkakaalam ang mga
Muslim ay masasama, lalo na sa mga nababalitaan ko noong nasa
Pilipinas pa ako.
Sa kabila ng mga pananaw na ito, tinanong ko ang aking sarili at
sinubukan na tignan ko muna ang katuruan nito at mga mabubuting
32 33
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Sadyang Ang Tadhana at Kapalaran Ang
Nagdala sa Akin Para Yumakap sa Islam, Ito
ay Isa sa Pinaniniwalaan sa Islam
Abdullah (Monico) S. Paglinawan
Marami sa mga kaibigan at kasamahan ko ang nagtataka kung
bakit ako yumakap sa Islam at maaaring ang iba ay nagduda sa pagyakap
ko Islam at inisip na may halong ibang interes o may kapalit na halaga.
Mayroon kasing nagsasabi na kapag ako raw ay yumakap sa Islam,
mayroon kakaibang pagtatangi o pagtingin o trato sa akin. Maaaring
mayroon nga dahil sa kapatiran, nguni’t hindi ito ang batayan at dahilan
ng pagyakap ko sa Islam.
Bata pa ako ay iminulat na kami ng aming ina sa mabuting asal at ugali
dahil ang aking ina ay dating naninilbihan sa kumbento, isa siyang madre
[o sister] at sadyang iminulat kami bilang mabait na Katoliko Romano.
Bata pa ako ang lagi naming pinagtatalunan ng aking ina ay kung bakit
ako mangungumpisal sa Pari, ito ay lagi kong tanong sa kanya at ito
ay ang unang-una kong pinagtatakahan sa Katoliko. Ang sabi ko sa ina
ko: “…Inay! Hindi dapat tayo magsabi ng kasalanan natin diyan sa
Paring iyan, sapagka’t isa lang siyang tao at hindi siya ang nararapat
pagsabihan ng kasalanan, dapat diretso natin sinasabi sa Panginoong
Diyos ang kasalanan natin.” Kaya, magmula noon halos hindi na ako
nangungumpisal sa tao. Hanggang sa magtapos ako ng elementarya,
ipinamumulat pa rin ako ng aking ina sa paniniwala bilang Katoliko at sa
kagustuhan niyang maging isa akong Pari at ako ay sumang-ayon dahil
gusto ko nga maging isang alagad ng Diyos at maninilbihan para sa Kanya.
Pero lahat ng mga ito ay sadyang hindi natupad. at nang ako ay tumuntong
sa kolehiyo sadyang ang mga kapatid nating Muslim na taga Mindanao
ang halos na malalapit kong kaibigan. Lalo na si Omar Unda, noon pa man
sinasabi na niya sa akin ang tungkol sa paniniwala ng mga Muslim. Ang
Islam ang tanging relihiyon na nagbibigay ng tamang konsepto sa Nag-
Muslim. Sapagka’t kung bibigyan ko ng pansin ang masama ay maraming
masamang tao at hindi lang ang mga Muslim kundi sa lahat ng lugar.
Dumating ang panahon na ang lahat pala ng paniniwala na ito tungkol
sa mga Muslim ay kabaligtaran nang ako ay nagkaroon ng pag-aaral sa
Islam. Ang mga tunay na Muslim pala ay yaong mga may takot sa Diyos
- ang Allah at tunay na sumusunod sa Kanyang mga batas at alituntunin.
Sa isang pagkakataon ay nagkaroon ako ng interest upang alamin kung
ano nga ba ang ibig sabihin ng Islam. Ako ay personal na lumapit sa
may-ari ng kompanya na pinapasukan ko at sinabi ko na nais kong
malaman ang katuruan ng Islam.
Siya ay natuwa sa akin sa kusang-loob na paghingi sa kanya ng kaunting
oras para malaman ang mga bagay na ito. Kaya kaagad niya ako dinala
sa isang Islamic Center dito sa Riyadh.
Nang ako ay dinala na sa isang Islamic Center at nakinig sa isang
nagsasalita o nagtuturo tungkol sa Islam. Dito ko napag-alaman na ang
Islam pala ay pagsunod at pagsuko sa kalooban ng Nag-iisang Lumikha.
Ito ang relihiyon ng lahat ng Propeta. Ipinagpatuloy lamang ng Islam
ang tunay na misyon ni Propeta Hesus. Magkagayon, hindi pala bagong
relihiyon itong Islam, bagkus ito pala ang dalang mensahe ng lahat ng mga
Propeta na ang unang kautusan ay ang pagsamba lamang sa Nag-iisang
Diyos, magmula pa kay Propeta Adan, Abraham, Moises, Noah, David,
Hesus hanggang sa huling Propeta na si Muhammad - sumakanila nawa
ang kapayapaan - Napag-isip-isip ko na napakabuti pala nitong katuruan
ng Islam at ito pala ay isang pamamaraan ng tamang pamumuhay na kung
iyong tatanggapin at isasakatuparan ng buong katapatan ay madarama
ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Muslim.
Napag-alaman ko na kinakailangan ng isang tao na mag-aral at manaliksik
upang malaman niya kung bakit nga ba tayo ay nilikha ng Diyos at kung
paano tayo makaliligtas sa Apoy ng Impiyerno. Ito ang kabuuang aral
ng Islam - pagsamba sa tanging Diyos at kasabay ng paggawa ng mga
mabubuting gawa batay sa aral ng Banal na Quran at Sunnah ng Propeta.
Kaya sa pagkakataong ito ay binigyan ko ang aking sarili na mapagaralan
itong Islam. Kaya ngayon ako ay isa na ring Muslim.
34 35
Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam Mga Kahanga-Hangang Kasaysayan Ng Mga Kapatid Sa Islam
Kapatiran Ang Siyang Lubos Kong
Nagustuhan sa Islam. Dahil Taos-Puso Ang
Pagtutulungan sa Relihiyong Ito
Ismael (Greg) Dela Paz
Una sa lahat ay hayaan ninyo munang batiin ko kayo ng
pangkalahatang pag-bati “Assalamu alaikum warah matullaahi wa
barakatuh”. Ang nakaakit sa akin upang magustuhan ko ang Islam
ay ang pagkakapatiran. Ang isang Muslim ay mayroong tungkulin
sa kanyang kapwa Muslim. Ang pagtutulungan at pakikipagkaibigan
at pakikipag-kapwa tao ay isang magandang katangian ng isang
Muslim. Para sa akin, sadyang mahalaga ang kapatiran, sapagka’t ito’y
nagbibigay o nagdudulot ng isang magandang pamayanan at isa sa
nagpapatatag ng ating pananalig sa Diyos-Allah.
At ang isa pa ring nakaakit sa akin ay ang tunay na kahulugan ng Islam.
Isa sa kahulugan nito ay Kapayapaan at kung ang kapayapaan ang iiral
sa bawa’t tao, hindi na magiging magulo ang pamumuhay lalo na sa atin
sa Pilipinas. sa aking pananaw, ang tanging lunas para magkaroon ng
katahimikan ay iisa lamang, ang Islam. Sapagka’t ang batas ng Islam
ang tanging makapagbibigay ng ganap na Kapayapaan. Kaugnay ng
Batas ng Islam ay ang pagkakaisa na walang dapat sambahin maliban
sa nag-iisang Diyos- ang Allah.
Dati akong mahilig magsugal, nagbebenta ako ng mga alak- imported
at local at nagbebenta rin ako ng mga pirated ng CD at ang isang
mas matindi, ako ay kubrador ng lottery. sa madaling salita, ako ay
kumikita ng humigit kumulang na 3.000 SR. Ito ay sa pamamaraang
illegal o pinagbabawal. Subali’t nang makilala ko ang Allah na Siyang
tunay na Tagapagligtas, nagkaroon ako ng tunay na takot at iniwan
ko lahat ang mga bagay na ito. at ito ay aking pinagsisisihan, kaya
nagbalik loob ako sa Allah.
iisang Diyos. Ito ay nagtuturo kung bakit ang tao ay nilikha at nagbibigay
aral upang maging mabuting tao at maihanda ang buhay pagkaraan ng
kamatayan. Dahil dito nawala na sa isipan ko ang pagpapari at ako ay
nabiyayaan ng magandang asawa at tatlong anak na sunod-sunod na
babae. Ako’y nagdasal sa Panginoon na sana bigyan ako ng lalaking anak.
Lumipas ang siyam na buwan nanganak ang asawa ko ng lalaki at sadyang
ito ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Saudi at may pangako ako sa
sarili ko na kung biyayaan ako ng anak na lalaki ako ay yayakap sa Islam
at ako ay nag-isip kung papaano ko gagawin ito? Kanino ako lalapit at ang
asawa ko ay baka hindi pumayag na pumunta ako sa Islamic Center sa atin.
Nguni’t, ang Diyos ang nakakaalam sapagka’t pagkalipas ng limang taong
pananatili sa atin, ako ay pinalad naman na makuha ng aking kaibigan
na nagtatrabaho dito sa Saudi at mapalad na napili ng Jeraisy computer
and communication services. at noong March 1999 ako ay nagsimulang
magtrabaho dito sa Saudi Arabia at nadestino dito sa Ministry of Defense in
Aviation (MODA) at ako ay laging iniimbita ni Rashid Zharani ang aking
Project coordinator na yumakap sa Islam, dahil ang paniniwala ko daw ay
nasa Islam. Ang sabi ko sa kanya kailangan basahin ko muna ang Qur’an
at unawain ang nilalaman nito at lumipas pa ang dalawang taon bago ko
naintindihan kung ano talaga ang Islam at sa mga panaginip ko mayroong
taong nagsasabi na ito ang tamang daan, at lagi kong dasal na sana ako ay
maging matatag at malakas na Muslim “Insha Allah”. Pinag-aralan kong
mabuti ang Islam at aking nakita ang katotohanan na walang ibang diyos
na dapat sambahin maliban sa Allah- ang tanging Tagapaglikha ng lahat
ng bagay. Ang mga aral ng Islam ay pawang katotohanan at makatuwiran.
Ang tuwirang pagsamba sa Allah ang nagbigay lakas sa akin upang maging
mabuting tao at maging matatag sa pagsubok ng buhay. Kung ang isang
tao ay may tapat na hangaring kumilala sa kanyang Panginoon, siya ay
magkakaroon ng paraan upang mabuksan ang liwanag ng Islam. Walang
sapilitan sa relihiyong Islam, nguni’t ang katotohanan ay mangingibabaw
kaysa sa kamalian. sa tulong ng Allah at ng inyong Propagation Center
sa Rabwah ay pinipilit kong maging karapat-dapat na Muslim at nawa’y
gabayan ako ng Allah hanggang sa Huling Araw.