MGA KATANGIAN NG ‘HAJJ AT ‘UMBRAH

Ang lahat ng papuri ay para sa Allah , Panginoon ng sanlibutan at sangkatauhan. Ang pagpapala at pagbati ng Allah  ay mapasa-lahat ng mga Propeta, kay Propeta Muhammad , sa kanyang pamilya, at sa lahat ng kanyang kamag-anak at mga kasamahan. Ang ‘Hajj ay isang banal na gawaing dapat maisakatuparan ng bawat Muslim na may kakayahang isagawa ng tapat para sa Allah: Sinabi ng Allah : “At buuin ang ‘Hajj at ang Umbra na paglilingkod sa Allah” Ang aklat na ito ay aming inilathala kasama ang aming panalangin na sana ang babasahing ito ay makapagbibigay liwanag tungo sa wastong kaalaman at pamamaraan sa ‘Hajj.