Sa Ngalan ng Allah, Ang Higit na Maawain,
Ang Higit na Mahabagin
Sa Ngalan ng Allah, Ang Higit na Maawain, Ang Higit na Mahabagin
Ang pamahalaan ng Qatar ay nagbukas ng kaniyang pintuan para sa iba pang kultura at kabihasnan
habang pinanatili nito ang pang–lokal na pagkakakilanlan. Fanar, ang Sentro ng Pang-Kulturang
Islamiko sa Qatar ay isa sa mga pinakamahalagang pagkakakilanlan, dahil sa kanyang kahangahangang disenyo at papilipit na minaret na siyang naglalarawan sa liwanag at gabay para sa
buong sankatauhan.
Ang tangkay na pinanggagalingan ng Kultura ng Qatar ay hango mula sa Kultura ng Islam, at sa
pamamagitan ng aklat na ito, nais naming ipagkaloob sa inyo ang payak na batayan ng paniniwala
hindi lamang ng bansang ito, at ganoon din, ang ilan sa pinakamalaking mga mamamayan ng
daigdig. Layunin namin sa makabagong kaisipan natin ngayon, na pag-isipang mabuti ang
tungkol sa tunay na kahulugan ng buhay at pagsikapan na linisin ang mga bagay na maling hakahaka sa panahon ngayon. Umaasa din kami na makapaglagay ng tulay sa mga iba’t-ibang mga
mamamayan sa loob ng Qatar at sa buong mundo. Sa pagkakaloob namin ng aklat na ito ay umaasa
kami na ang hakbang na ito ay bilang pagsasagawa ng pagpapahayag at makapagbibigay ng
inspirasyon para sa inyo na dalawin ang aming himpilang pang-kultura.
Nais naming samantalahin ang pagkakataong ito na pasalamatan ang lahat ng nakibahagi na
maisagawa ang serye ng Pag-Unawa sa Islam na nagawa bilang posters, polyeto at mga aklat.
Ang lupon ng mga manunulat, mga nagsuri sa paglimbag, mga taga-disenyo at nagtatag nito ay
upang mangyari ang iisang layunin, hanapin ang kaluguran ng kanilang Panginoon.
Mohammed Ali Al-Ghamdi
Pangkalahatang Direktor
Mabuhay kayong lahat
IN TAGALOG (Philippines)
FANAR, ang Sentro ng Pang-Kulturang Islamiko sa Qatar, ay hindi Kapisanan ng pangangalakal bagkus
nagtataguyod upang akayin ang lipunan na higit na madagdagan ang kaalaman tungkol sa Islam.
Ang salitang Fanar ay pang-lokal na salita ng mga taga-Qatar; na ang kahulugan ay Parola - isang ilawan sa
itaasan ng mataas na tore, upang maging patnubay - liwanag na ginagamit upang maging gabay sa naglalakbay
sa malawak na karagatan upang makabalik na ligtas sa dalampasigan. Ang pinaka-matanda at tanyag na
ganitong uri na naitayong Parola ay nasa Alexandria, Bansang Egipto na unang naitayo sa pagitan noong 297
at 280 BC. Mula sa minanang mayamang kaugalian ng mga taga - Qatar ukol sa malawakang paglalayag, ang
Parola ay isang namamalas na daan pabalik sa dalampasigan ng kaligtasan. Ang Fanar sa ngayon ay ginamit ang
tumpak na metapora upang akayin ang isip na nangangailangan ng magpawalang - hanggan kapayapaan at
kaginhawaan; isang ganap na landas ng buhay.
ANG PANANAW NG FANAR
Nais naming pangunahan na maitatag ang matayog na pandaigdigang sentro, upang marating ang mundo at
magsumikap na ipahayag ang Islam bilang natatangi sa landas ng buhay para sa sankatauhan.
MISYON
• Naniniwala kami na ang Islam ay isang daan ng buhay at kaya nga nagsusumikap na ipamahagi ang aming
pananaw sa lahat ng nilalang.
• Inaanyayahan namin ang bawat isa at mga komunidad batay sa kanilang pangangailangan at hangarin.
• Ginagawa namin ang lahat ng makakaya upang ipahayag ang pinagsasaluhang tunay na kahulugan at mataas
na alituntuninng moral, habang nag-aanyaya sa tamang pagrespeto sa bawat-isa.
• Naniniwala kami na ang aming tagumpay ay galing sa inspirasyon ng aming malalim na pananampalataya sa
Islam.
• Kami aynakahandana abutinangmga taosa ibangbansaupangmakipag-ugnayansamganaisnamakibahagi
sa kabutihan at mataas na kaugalian.
FANAR … Isang Landas ng Buhay
WHAT IS ISLAM?
Islam is the belief in one God, translated into Arabic as Allah. He is one Supreme Being without shape and form that we
can comprehend.
In the Arabic language, the word Islam has many meanings. It comes from the root letters
‘Salaam’. From these letters the meaning of ‘Islam’ is described literally as meaning ‘submission’, ‘surrender’, ‘peace’ and
‘safety’. Salaam is also known as one of Allah’s attributes.
A Muslim is a person who submits himself to the worship of Allah, therefore making all those who believed in the original
message of the oneness of God Muslim; including all the Prophets, from Adam, Noah, Moses, Jesus to Mohammad (May
Allah’s peace and blessings be upon them all).
Islam has come as a mercy to mankind with a book of guidance called the Qur`an, the word of Allah – revealed 1400
years ago and unchanged ever since. This book, along with the teachings of the final Messenger Mohammad, shows all
of humanity how to behave in the way commanded by the Creator in all aspects life, both material and spiritual.
ANO ANG ISLAM?
Ang Islam ay ang pananampalataya sa Nag-iisang Maykapal, ito’y isinalin sa
wikang Arabic na Allah. Siya ang Makapangyarihan sa lahat, Siya’y walang anyo
o hugis na ating makikita.
Sa wikang Arabic, ang salitang Islam ay maraming kahulugan. Ito ay nagmula
sa salitang ugat na
م) meem), ‘Salaam’. Mula sa mga titik
na ito, ang kahulugan ng ‘Islam’ ay nagpapakita sa literal na kahulugan bilang
“pagsunod, pagsuko, kapayapaan at kaligtasan. Salaam ay kabilang din sa
katangian ng Allah.
Ang Muslim naman ay isang tao na isinusuko niya ang kaniyang sarili sa pagsamba
sa Allah, kung gayon ito’y nagpapatunay na ang lahat na nanininwala sa orihinal
na mensahe sa Kaisahan ng Maykapal ay mga Muslim; Kabilang dito ang lahat ng
mga Propeta, magmula kay Adan, Noe, Moises, Jesus, hanggang kay Muhammad
(Ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay sumakanila nawang lahat.)
Ang Islam ay dumating bilang kaawaan sa sankatauhan at kasama nito ang
Kasulatan bilang gabay, ito’y tinatawag na Qur`an, ito ang salita ng Allah-na
ipinahayag 1400 daang taon na ang nakaraan na walang pagbabago sa pasimula
pa lamang. Ang Kasulatang ito kasama ang mga aral ng kahuli-hulihang Propeta
na si Muhammad, ay ipinakita niya sa sankatauhan kung papaano gawin ang
tamang kaugalian ayon sa iniatas ng Tagapaglikha para sa lahat ng aspeto ng
buhay, kabilang ang pang-materyal at esperituwal.
3 ANO ANG ISLAM? ANO ANG ISLAM?
4
Hindi ba likas na kalagayan ng bawat tao na tumingin
sa kalangitan kapag siya ay nangangailangan at
sirang-sira ?Kapag may isang nawala sa kaniya
upang tumawag sa Panginoon, at kapag siya ay nasa
kapighatian na kaniyang ititingin ang kaniyang
mga mata upang humingi ng tulong sa isang
makapangyarihan, ito’y lubos na katutubong kalikasan
ng buong sankatauhan
Sa bawat nilalang na tao ay nasa loob niya ang isang
naturalisang pagkakahilig na magtanong ng isang
katanungan tungkol sa layunin ng buhay; ano ang
ginagawa natin dito? Ano ang layunin ng ating buhay?
Mayroon bang Tagapaglikha o kaya’y lumitaw ba ang
lahat ng ito sa pamamagitan lamang ng di inaasang
pagkakataon? Hanggang ang mga katanungang
ito ay hindi nasasagot, ang kaluluwa ng isang tao ay
hindi nakakadarama ng kapayapan at ang buhay
ay maaaring maging walang kabuluhan at walang
kahulugan ang pagsusumikap.
Ang Qur`an ay nag-aanyaya sa tao na lakbayin
ang kalupaan, magsagawa ng kaniyang sariling
pagmamasid at mag-isip na mabuti kung papaano ang
mga bagay na ito lumitaw.
“Sahibihn mo (O Muhammad), “Lakbayin mo ang
kalupaan at pagmasdan mo kung papaano Siya
nagpasimulang lumikha. Kaya nga, ang Allah ay lilikha
ng kaniyang kahuli-hilihang nilalang (ito’y ang patuloy
na paglago). Katotohanan ang Allah, ay higit sa lahat
ng bagay, ang Makapangyarihan.” (Qur`an 29:20)
Sa pamamagitan lamang ng mabuting pag-iisip
sa napakalawak at napakagandang mga nilikha na
nakapaligid sa atin, ang bawat tao na nilalang ay
maaaring umupo lamang at magnilay-nilay sa daigdig
na nakapaligid sa kaniya, ay darating ang isang
pagpapasiya na may isang matalinong gumawa, isang
Manlilikha nitong kahanga-hangang sanlibutan.
Kapag nabasa mo ang naka-paskil na ito, pagmasdan
mo ang bulwagang ito, pagmasdan ang gusaling ito,
maaaring humanga ka sa mga desinyo. Maari mong
isipin ang tungkol sa panahon na ginugol ng bawat tao
upang maingat na pinili ang bawat titik nito, pagpili
sa mga kulay, pagpili at paglalagay ng bawat labrilyo
upang mapahanga ka rito - sinuman sa inyo na mga
panauhin.
Ano ito para sa INYO, kayo po na bumabasa nito? Ano
naman kaya ang mga ginawa ninyong desinyo? Ang
masalimuot na bahagi sa loob ng inyong katawan,
ang ginagawa ng inyong mga mata upang makita
ang magandang nakapaskil na ito, ang inyong puso
na sabik na basahin ang bawat salita nito, ang utak na
ginagamit mo sa pag-iisip; na higit na mabilis at mas
malakas kaysa sa kumpyuter ngayon na gawa ng tao.
Sino ang nag-desinyo nito?
Ano naman kaya ang lupa na iyong kinatatayuan, bawat
batas ng biyolohiya, kimika, at panggagamot, mula sa
napakahalagang kalakasan katulad ng grabidad at
magnitismong pang-elektrisidad, sa kaanyuan ng mga
atomo at bawat elemento ay tumpak na nagkakalakiplakip na mabuo upang mangyari na magkaroon ng
buhay?
Tignan mo ang daigdig na nasa loob ng sistema ng
araw, ang buhay ay hindi mapapangalagaan kung
ang pag-ikot ng Daigdig ay hindi wasto. Ang sistema
ng araw ay isa lamang sa napakaraming mga sistema
nito. Ang ating galaksiya, ang pulutong ng bituin ay isa
lamang sa 100 milyong galaksiya sa sansinukob. Silang
lahat ay nasa pagkakasunod-sunod at lahat ay wasto
sa kalagayan. Sa halip na nagkakasalungatan sa bawat
isa, sila ay nakalutang ayon sa kanilang ginagalawan
na ito’y itinakda para sa kanila. Maaari bang magawa
ng tao ito na tumpak ang ginagalawan at maaari ba na
ang tao ay magagawa niya ito sa wastong katumpakan ?
Maaari bang mangyari ito sa pamamagitan ng wastong
pagkakataon, ang isang malaking pagsambulat nang
walang tagapag-desinyo?
“Hindi ba nauunawaan ng mga hindi naniniwala
na ang mga kalangitan at ang kalupaan ay iisa na
magkakasama; At Aming pinaghiwalay-hiwalay sila
at nilikha mula sa tubig ang bawat may buhay? Kung
gayon, hindi ba sila naniniwal?“
“Katotohanan, sa paglikha ng mga kalangitan at ng
daigdig at ang pagpapalit-palit ng kadiliman at ng
liwanag ay mga tanda para sa kanila na nakauunawa.“
(Qur`an 3:190)
“At ginawa Niya para sa inyo ang gabi at umaga
at ang araw at ang buwan, at ang mga bituin ay
nagpapasailalim sa Kanyang kautusan. Katotohanan,
ito ang mga tanda para sa mga tao na may wastong
kaisipan.” (Qur`an 16:12)
ANG PAGLIKHA Ang Pag-Likha sa Buong Sanlibutan
5 ANG PAGLIKHA ANG PAGLIKHA 6
ANG PAGLIKHA SA
SANKATAUHAN
Kapag tinanggap na natin na mayroon isang tagapaglikha
sa lahat ng bagay na ito, kinakailangan nating hanapin ang
kasagutan ng ating pag-iral. Ang Qur`an ay nagpapaliwanag
tungkol sa paglikha ng tao sa mga sumusunod na mga talata:
“O Sankatauhan, matakot kayo sa inyong Panginoon, Siya ang
lumikha sa inyo mula sa iisang kaluluwa at mula dito ay lumikha
ng kaniyang kasama at kumalat mula sa kanila ang lahat ng mga
kalalakihan at kababaihan. At matakot sa Allah, na sa Kaniya ay
humihiling ang bawat isa sa inyo , at ang iba’t-ibang magkakalahi.
Katotohanan, ang Allah ay magpakailan man, na nasa inyo, ang
isang Nagmamasid.” (Qur`an 4:1)
Kung ikaw ay makakatanggap ng isang kaloob, kahit na walang
anomang dahilan, isang pangkaraniwang maiinom, o kaya’y
aklat, Tinitiyak ko gagawin mo ang magpasalamat. Katiyakan
ang tagapaglikha ang nagbigay sa iyo ng mata, puso at ng mga
baga’ ay kinakailangan pasalamatan, kilalanin at papurihan.
Ang Allah ay winika sa atin na ito ang layunin ng ating buhay;
kilalanin, sambahin at sundin Siya.
“ Hindi ko nilikha ang jinn at ang sankatauhan maliban na Ako’y
sambahin (nila) “ (Qur`an 51:56)
Sa pamamagitan ng ating pagkilala sa Kaniya sa lahat ng
ating mga ginagawa, pasalamatan natin Siya sa pagkain na
Kaniyang ipinagkaloob, ang inumin upang malunasan ang
uhaw, ang mga damit na ating isinusuot; ang lahat ng bagay ay
kinakailangan magkaroon pasasalamat para sa Kaniya.
Kapag pumunta naman tayo sa paglikha ng tao, ito’y
napakaliwanag mula pa sa pasimula nang likhain ng Allah
ang tao, hindi ito walang kabuluhan, na nilikha ang tao
bilang katiwala ng Maykapal sa ibabaw ng lupa. Ang tao ay
pinagkatiwalaan na linangin ito, panatilihin at pamahalaan
ang daigdig ayon sa maka-diyos na patnubay na kaagapay ang
katarungan sa lahat na umiiral.
“At (banggitin mo, O Muhammad), Nang wikain ng iyong
Panginoon sa mga angels, “ Katotohanan, Maglalagay Ako sa
lupa ng magpapatuloy na mangangalaga nito.” (Qur`an 2:30)
At gayon din, nang nilikha ang sankatauhan ay makikita
ang ilan sa maka-diyos na katangian ng pagkamaawain,
mapagpatawad, at kabutihan .
MAY BUHAY BA PAGKATAPOS
NG KAMATAYAN?
Ang mga Muslim ay naniniwala na sa buhay na ito ay isang
pansamantalang himpilan, isang paghahanda para sa buhay
na walang hanggan sa kabilang buhay. Ang Buhay sa daigdig
na ito ay hindi ang hangganan. Ang kamatayan ay hindi ang
katapusan datapwat pagpapalit ng bagong daigdig, isang
hakbang tungo sa kabilang buhay; walang hanggang tahanan
sa kalangitan o kaya’y kaparusahan sa impierno. Bubuhaying
muli ng Allah ang lahat sa Araw ng Paghuhukom at ang
sankatauhan ay magsusulit sa kanilang mga ginawa ayon
sa kanilang karangalan batay sa pagpapasiya at malayang
kaisiapan. Ang sankatauhan ay pinagkalooban ng pumili na
sundin ang banal na alituntunin at anihin nito ang walang
hanggang gantimpala sa buhay na ito at sa kabilang buhay.
Ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan sa Islam ay
isa sa haligi ng pananampalataya.
“Ang bawat kaluluwa ay makararanas ng kamatayan, at
ikaw ay makatatanggap lamang (ng lubos) na kabayaran
sa Araw ng Pagkabuhay na Maguli. Kaya nga, sinuman na
lumayo sa Apoy at makapasok sa Paraiso ay makakamit
ang (kaniyang ninais). At ano ang buhay sa daigdig na ito,
kundi ang magpakaligaya sa kahibangan.” (Qur`an 3:185)
7 ANG PAGLIKHA ANG PAGLIKHA
8
Ang pinaka-patibayan ng Islam ay ang paniniwala
sa iisang Maykapal. Ang Allah ay hindi isinilang at
kailanman ay hindi mamamatay sapagkat ito ay
tuwirang sumasalungat na ang Manlilkha ay nilikha
niya ang kaniyang sarili. Ang Allah ay hindi katulad ng
anomang bagay na nasa isip natin, ang ating paningin
at pag-iisip na kayang ilarawan tulad ng paliwanag sa
atin sa mga sumusunod na kapitulo ng Qur`an :
“Sabihin mo, ‘Siya ang Allah, (Siya ay) Nag-iisa. Ang Allah,
ang Tanging Magpawalang Hangggang Kanlungan, Siya
ay hindi nagkakaanak, o kaya’y ipinanganak, at walang
makakapantay sa Kaniya.” (Qur`an 112:1-4)
Hindi makatuwiran na ang sinuman ay magpatirapa sa
anomang bagay na sariling likhang kamay. Sa pasimula
ng panahon, ang kauna-unahang kasalanan ay ang
paglalagay ng katambal sa Allah, sa pamamagitan ng
paglikha ng mga imahen upang sambahin, at sinasabi
na ito ang Allah, o isang anak ng Allah, o kaya’y
tagapamagitan sa Allah.
“Katotohanan, hindi patatawarin ng Allah ang sinuman
na maglalagay ng Kaniyang kasama, datapwat
pinapatawad Niya ang anoman maliban doon, sa
sinuman nais Niya. At sa kaniya na naglalagay ng iba
pa maliban sa Allah ay katiyakan siya ay nakagawa ng
isang napakalaking kasalanan.” (Qur`an 4:48)
Napakahalaga sa paniniwala ng Islam na ang Allah
ay walang anak o kaya’y mga tagapamagitan. Siya ay
nagsugo ng mga propeta upang gabayan lamang ang
sankatauhan, at sila ay pawang mga tao lamang. Ang
Allah ay nagpatnubay sa atin na manalangin na diretso
sa Kanya, na hindi nangangailangan ng matataas na
pinuno ng relihiyon. Ang manalangin kaninuman, tulad
halimbawa sa pari o kaya’y sa isang santo upang humingi
ng tulong o kaya’y suporta ay taliwas sa Islam. Sa halip,
ang panalangin at pagsamo ay isang lubos na pansariling
bagay sa pagitan ng isang mananampalataya at ng
kaniyang Panginoon, Siya ang Allah.
“O kaya’y magagawa ba niya na utusan ka na gawin ang
mga angel at propeta bilang Panginoon. Magagawa ba
Niya na utusan ka na hindi sumampalataya pagkatapos
mo na maging Muslim? (Qur`an 3:80)
Ang sumamba sa bagay na ginawa ng sariling kamay o
kaya’y sumamba sa katulad ng isang taong nilalang ay hindi
magdadala ng kapayapaan sa kaluluwa ng tao, ngunit ang
pangangailangan na sumamba o magbigay paggalang ay
nasa ilalim ng kalooban ng bawat tao. Sa Islam, pinili natin
na sambahin ang nag-iisang Maykapal, ang Allah at ang
Kanyang karungungan ay pinili Niya na ipagbigay alam sa
atin ang ilan sa Kaniyang mga pangalan at katangian, kaya
nga upang maunawaan natin Siya nang lubusan. Narito ang
ilan sa mga halimbawa ng Kaniyang mga katangian:
Ang Allah ay ang Lumikha sa lahat, Ang Tagapag-alalay
ng lahat ng Kaniyang nilikha, Ang Lubos na Nakakarinig,
Ang Nakakakita sa lahat at Lubos na Nakakaalam sa lahat.
Ang Kaniyang kaalaman ay Ganap, kabilang dito ang mga
nakalipas, kasalukuyan, ang mga darating, maging ito man
ay nakatago o hindi nakatago; Siya ang Lubos na Maawain,
Lubos na Mahabagin ang Lubos na Mabait. Siya ay Umiiral
sa Kaniyang sarili at Ang Nabubuhay na walang Hanggan sa
Kanyang sarili, hindi nangangailangang matulog o kaya’y
nangangailangang magpahinga. Siya ay walang Katambal,
mga anak o magulang at ang lahat na sumasamba sa Kaniya
ay dapat na ilaan sa Kanya lamang. Siya ang Taga-Hugis ng
Kagandahan, ang Lumikha ng Kabutihan at Siya ang Ilaw at
Ang Tagapagpatnubay.
“Siya ang Allah, wala ng iba pang Maykapal na karapatdapat sambahin maliban sa Kaniya, Ang Pinakamataas,
Ang Lubos na Dalisay, ang Kalubusan, ang Nagkakaloob
ng Pananampalataya, ang Tagapangasiwa, Ang Marangal
sa Kapangyarihan, ang Higit na Malakas, Ang Lubos na
Mataas. Higit na dakila ang Allah kaysa sa anumang nais na
itambal sa Kaniya. Siya ang Tanging Allah, ang Tagapaglikha,
Ang Manlilikha. Ang Tagapag-anyo, Sa Kanya nauukol
ang pinakamabuting pangalan. Anoman ang nasa mga
kalangitan at kalupaan ay nagpapatunay ng Kadakilaan Niya.
At Siya ay Dakila sa Kapangyarihan, ang Higit na Maalam.”
(Qur`an 59:23-24)
AR-RAZZAAQ (Ang Tanging Nagkakaloob)
“Sabihin mo: Halina na kayo, aking sasambitin kung ano
ang ipinagbabawal sa inyo ng inyong Panginoon. [Ipinagutos niya] na kayo ay huwag maglalagay ng anuman bilang
katambal na kasama Niya, at maging masunurin sa mga
magulang at mabuting pakikitungo, at huwag ninyong
papatayin ang inyong mga anak dahilan sa kahirapan; Kami
ang Magkakaloob sa inyo at sa kanila…” (Qur`an 6:151)
AL-GHAFOOR (Ang Mapagpatawad)
“Ngunit katotohanan, Ako ang Laging Nagpapatawad sa
sinumang nais magsisi at maniwala, gumaganap ng kabutihan
at patuloy na nagbibigay patnubay.”(Qur`an 20:82)
AL-QAYYUM (Ang Tagapag-alaga ng Buhay)
“Ang Allah - walang ibang dapat na sasambahin maliban sa
Kanya, Ang Walang Hanggang Nabubuhay, ang Tagapagalaga sa lahat ng nilalang.”(Qur`an 3:2)
ANG KAISAHAN NG ALLAH ANG KATANGIAN NG ALLAH
9 ANG KAISAHAN NG ALLAH ANG KAISAHAN NG ALLAH 10
ANG LIMANG HALIGI
Katulad ng mga haligi na nagpapatatag sa isang gusali ay napakahalaga sa kayarian nito at pagiging
matibay, ganito rin ang limang haligi ng Islam na napakahalaga sa bawat Muslim. Ito’y nagbibigay sa
panlabas na katibayan sa katatagan ng pananampalataya ng isang tao at nagpapatibay sa samahan ng
mga Muslims tungo sa pangkapatiran. Ang Unang Haligi ay ang Pagpapahayag ng pananampalataya
(Shahadah), ang ikalawa ay ang Pagdarasal (Salah), ang Ikatlo ay ang Tungkulin sa Pagbibigay ng kaloob
(Zakah), Ang ika-apat ay ang Pag-aayno (Saum) at ang ika-Lima ay ang Pagsasagawa ng Paglalakbay sa
banal na pook (Hajj). Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya (Shahada
)
Ito ang higit na mahalaga sa haligi ng pananampalataya na kailangang
ipamalas ang pagpapahayag; “Walang ibang dapat na sasambahin maliban
ang Allah at si Muhammad ay ang kahuli-hulihang sugo ng Allah.”
Ito ang kasunduan sa pagitan mo at ng Allah, na nagpapatunay na
tinatanggap mo ang paniniwala sa nag-iisang Maykapal-Ang Allah, at si
Muhammad ay isinugo bilang Kaniyang kahuli-hulihang sugo at propeta.
Ang bunga nito ay magiging bahagi ka na ng kumunidad ng mga Muslim,
na nariyan upang tulungan at magtaguyod sa iyo upang makamtan mo
ang iyong mithiin at layunin sa buhay.
PAGDARASAL (SALAH)
Ang kaugnayan sa pagitan ng isang Muslim at Allah ay napakahalaga,
at ito’y ginagawa ng higit na kakaiba sa pamamagitan ng pagdarasal na
deretso sa Kanya, na wala ng iba pang dapat daanan o tagapamagitan.
Tayo ay inatasan na magdasal limang ulit sa isang araw, paramihin ang
ating pagunita sa Allah, panatilihin ang ating daan sa kabutihan, at alisin
ang mga kasalanan.
“At patatagin ang pagdarasal at magbigay ng Zakah, at anumang
kabutihan na inyong isinasagawa ay matatagpuan ninyo ito sa Allah.
Katotohanan, ang Allah, anoman ang inyong ginawa, ay Kaniyang nakikita.”
(Qur`an 2:110)
11 ANG LIMANG HALIGI ANG LIMANG HALIGI 12
ANG Pag-aayuno (SAUM)
Sa bawat taon sa buwan ng Ramadan (ang ika-siyam na buwan sa isang
taon), lahat ng Muslim ay nag-aayuno mula sa pagsikat ng araw hanggang
sa paglubog nito, umiiwas mula sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa
asawa na may malinaw na layunin sa pagganap nito para sa kaluguran
ng Allah.
“Ang buwan ng Ramadan (sa panahon na ito) ay ipinahayag ang Qur`an,
isang patnubay para sa mga tao at maliwanag na patunay sa patnubay at
batayan. Kaya nga, sinuman ang makakita [ng bagong] buwan, mag-ayuno
siya ; at sinuman na may karamdaman o kaya’y naglalakbay-magkagayon
(ipagpaliban ito ngunit kailangan bayaran) katumbas ng bilang (na hindi
nakapag-ayuno) gawin ito sa ibang araw. Nais ng Allah para sa inyo ang
kaluwagan at hindi ninais para sa inyo ang mahirapan at kagustuhan niya
para sa inyo na tapusin ang panahon [ng pag-aayuno] at upang luwalhatiin ang Allah dahil Siya ang nagpatnubay
sa inyo; at ikaw ay magpasalamat.” (Qur`an 2:185)
ANG PAGLALAKBAY SA BANAL NA Pook (HAJJ)
Kung ang isang Muslim ay may kakayahang tustusan ito, malusog at walang
pinagkakautangan na kaniyang dapat pagbayaran, ang paglalakbay
sa Banal na dako sa Makkah ay ipinag-uutos ng Allah sa kanya. Ito ay
paglalakbay din patungo sa Ka’ba; ang sumasagisag sa tahanan na unang
itinayo ni Adan.
Ang Paglalakbay sa Banal na Dako ay panahon na ang mga Muslims mula
sa iba’t-ibang panig ng mundo na iba’t-ibang ang lahi, kulay at mga wika
ay nagtitipon-tipon sa diwa pangkalahatang pagkakapatiran upang
sambahin ang Nag-iisang Dios na sama-sama. Ang mga kalalakihan ay
suot lamang ang dalawang puting piraso ng tela, ito’y nagtataguyod sa
kanila bilang iisang lahi na walang antas ng kalagayan at pagkakaiba.Ang
Mayaman, ang mahirap, ang maitim at ang maputi ay nagkakasama-sama
ang bawat isa, pantay-pantay sa harapan ng Allah maliban sa kanilang
mga mabubuting gawa.
Ang pagdiriwang ng Hajj at ng Eid Al-Adha ay isang paggunita para doon sa mga nangangailangan, at isang araw
na pagsamba para sa Allah. Ang karne na inialalay ay ipinamamahagi sa mga nangangailangan, at pinaparami
ang pagdarasal.
Ang Hajj ay isang bantog na Buwan, kaya kung sinuman na itinuring na ang Hajj ay karapat-dapat na sa kanya, na
sa panahon [ng pagsusuot ng Ihram], ay may itinakda [para sa kanya] na hindi dapat magkaroon ng pakikipagtalik
at gagawa ng paglabag at hindi dapat makipagtalo sa panahon ng hajj. At sa anumang mabubuting gawa na
inyong ginampanan-Allah ang tanging nakakaalam. At magdala ng iyong panustos, datapwat katotohanan,
ang pinakamainam na baon ay ang banal na takot sa Allah. At matakot sa Akin, O kayo na may pang-unawa.“
(Qur`an 2:197)
ANG TUNGKULIN SA Kawanggawa (ZakaH)
Katulad din kung paano natin inaalagaan ang ating sarili, Sinabi ng Allah
sa atin na tignan din natin ang mahihirap kaysa sa ating sarili.
Ang salitang Zakah ay nagmula sa kahulugan ng “paglilinis” at “paglago”.
Ang isang mananampalataya ay tumutulong sa iba sa pamamagitan
ng pagbibigay ng bahagi sa kaniyang kayamanan sa mga kapus-palad
minsan sa loob ng isang taon. Ito ay itinalaga sa halagang 2.5% sa
kayamanan ng bawat isa. Ito ay ipinagkakalob sa mga mahihirap, ulila,
at mga naglalakbay. Ito ay kakaiba sa pangkaraniwang kawanggawa na
ibinibigay natin batay sa sariling kagustuhan. Sa Islam ang kayamanan
ay pag-aari ng Allah, at ang tao ay itinuturing na katiwala, kaya nga dapat
nila itong gamitin para sa kapakinabangan ng mamamayan.
“At silay hindi inatasan maliban na sambahin lamang ang Allah, (maging)
matapat sa Kaniyang relihiyon, panghawakan ang katotohanan at patatagin ang pagdarasal at magbigay ng
Zakah. ganito ang dalisay na relihiyon.” (Qur`an 98:5)
13 ANG LIMANG HALIGI ANG LIMANG HALIGI 14
ELIAS
15 LAHI NA PINAGMULAN NG MGA PROPETA LAHI NA PINAGMULAN NG MGA PROPETA 16
Ang Layunin ng mga Sugo
Makatuwiran ba na lumikha ng isang bagay, at pagkatapos ay hayaang
gumalaw ito na walang anumang alituntunin at kautusan at sa huling bahagi
ay ipatatawag para sa pagsusulit at parurusahan dahilan sa paglabag sa mga
ipinag-uutos?
Nilikha ang tao na may angkin kakayanan na mag-isip at kalayaan sa sarili na pumili, para sa Allah at sa Kanyang
Walang Hanggan Katalinuhan ay nagpasiya na magpadala ng mga Propeta at mga Sugo upang maging gabay
sa sankatauhan. Ang bawat Propeta ay ipinadala sa kani-kanilang kababayan upang paalalahanan sila na
kinakailangan sumamba lamang sa isang Maykapal, at lumayo sa paglalagay ng katambal sa Kanya. Sila’y hindi
mga diyos, mga anak o kahati sa pagka-diyos, datapwat sila ang pinakamabuti sa lahat ng sankatauhan, pinili
sila dahil sa angkin kabaitan, magandang asal, tahimik at may kaalaman sa Allah.
Ang Allah ay nagsugo noon pa man ng sunod-sunod na Propeta mula sa unang araw pa lamang ng sankatauhan,
nagmula sa Propetang si Adan (ang ninuno ng lahat ng sankatauhan) - at ito’y natapos na sa panahon ng Propetang
si Muhammad, ang kahuli-hulihang Propeta (Ang kapayapaan ay sumakanya) Sa kahabaan ng pagkakasunodsunod ay kabilang ang mga Propeta sa mga anak ni Israel at ang limang dakilang mga Sugo na dumating dala-dala
ang pinakamahalagang aral. Ito’y si Noe, Abraham, Moises, Jesus at Muhammad (Ang Kapayapaan at Pagpapala
ng Allah ay sumakanila nawang lahat).
Ang mga Propeta ay pinuno ng sankatauhan na nakakaalam kung papaano sasambahin ang nag-iisang Maykapal.
Alam nila ang tungkol sa kabilang buhay, tungkol sa mabuting asal at karapatan ng tao at gayon din pinapatnubayan
nila ang kanilang mga kababayan. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag sa atin na ang bawat Sugo ay nagsabi sa
kanilang mga kababayan:
“O aking mga kababayan, sambahin ang Allah; Wala kayong ibang dios maliban sa Kanya lamang…” (Qur`an 7:59)
“Katotohanan, ipinagutos ng Allah ang katarungan at mabuting ugali, at magbigay sa mga kamag-anak at
ipagbawal ang kahalayan at ang masamang ugali at pang-aapi. Ipinauunawa Niya sa inyo na mabuti na kayo ay
paalalahanan.” (Qur`an 16:90)
Si Muhammad ay ang kahuli-hulihan sa mga sugong ito, na nagdala ng mensahe ng Allah para sa buong
sankatauhan mula sa unang araw ng kapahayagan hanggang sa huling araw ng pag-iral natin. Dahil dito, nakita
natin na ang mga Muslim mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, ang lahat ng kulay at lahi, ay tinatanggap at
iginagalang ang lahat ng mga Propeta ng Allah, na silang lahat ay iisa ang paraan ng pagsamba sa nag-iisang
Maykapal.
17 ANG LIMANG PROPETA ANG LIMANG PROPETA 18
Noe
Ang Ikalawang Ama ng sankatauhan
Ang Banal na aklat ng Judaismo, Cristianismo at Islam
ay nagpapahayag pare-pareho tungkol sa Propetang
si Noe at ang tungkol sa malaking baha. Ang Qur`an ay
nagpahayag sa atin na siya ay isang sugo na nabuhay
sa loob ng 950 taon. Iniukol niya ang kaniyang buong
buhay sa pangangaral sa kaniyang mga kababayan
ang paniniwala sa Nag-iisang Maykapal, at iwanan
ang pagsamba sa mga larawan at imahen at maging
maawain sa mahihina at nangangailangan. Ipinangaral
niya sa kanila ang tungkol sa tanda ng Kapangyarihan
at Kaawaan ng Maykapal at binigyan ng babala tungkol
sa darating na kaparusahan sa araw ng Paghuhukom,
datapwat silang lahat ay matitigas ang ulo at hindi
pinakinggan ang mga babala. Pinarusahan sila ng
Allah ng matinding baha at iniligtas lamang ang mga
naniniwala na sumunod sa Propeta.
Si Propeta
Abraham
Ama ng mga Propeta
Ang Propetang si Abraham ay isa sa pinakamatalinong
katauhan sa larangan ng kasaysayan ng relihiyon, asal,
pamumuhay sa lipunan at pagiging ama.
Tunay na siya ang Ama ng mga Propeta sapagkat ang
Allah na Makapangyarihan sa lahat ay pinili ang maraming
propeta mula sa kaniyang mga anak katulad ni Isaac, Jacob,
David at ang kanilang mga anak. Kasama dito si Ishmael ang
ninuno ng huling Sugo na si Muhammad, ang Kapayapaan
at Pagpapala ng Allah ay sumakanila.
May isang mahabang kapitulo sa Qur`an ito’y tungkol
sa Propetang si Abraham. Ang kaniyang talambuhay at
maluwalhating mga ginawa ay binanggit sa iba’t-ibang
panig ng Qur`an.
Si Abraham ay nag-iisip tungkol sa Kaisahan ng Manlilikha
May isang kapitulo sa Banal na Qur`an tungkol sa
Propetang si Noe. Ang kaniyang kasaysayan ay isaisang isinalaysay sa isang mahabang kapitulo ng
Qur`an (HUD 11), ang pagkakasalaysay nito ay sunodsunod tungkol sa baha at ang arko kabilang dito ang
mga paksa na;
• Pinagsabihan niya sila na maglingkod sa Allah at tuparin
ang kanilang tungkulin sa Kanya, upang mapatawad ang
kanilang mga kasalanan.
• Pinangaralan niya sila araw at gabi, datapwat kanilang
tinakpan ang kanilang tainga ng kanilang darili at ipinilit ang
kanilang pagtanggi.
• Pinagsabihan niya sila na humingi ng patawad sa
Mapagpatawad na Panginoon at tutulungan Niya sila sa
kabuhayan at mga anak, at pagkakalooban sila ng harden at
ilog at isang magandang buhay.
• Sinabi ng Allah ang Makapangyarihan sa lahat kay Noe,
na walang sinuman sa mga ito ang maniniwala maliban sa
mga naniwala na, kaya, gumawa ng arko na sinubaybayan
at pinatnubayan Niya. Habang ang kaniyang kababayan ay
napadaan sa kaniya, kanilang kinutya siya.
• Nang kaniyang matapos ang arko, inutusan ng Allah si
Noe na isakay sa loob nito ang dala-dalawa sa bawat uri ng
hayop, isang magkapares (lalaki at babae), ang kanyang
buong sambahayan, at ang mga naniwala.
• At ganito ang ipinahayag: O lupa! Tanggapin mo ang iyong
tubig at O kalangitan! pawiin mo ang mga ulap! At ang
tubig ay humupa. At ang kautusan ay natupad. At ang arko
ay humimpil sa (bundok) ng Al-Judi kasama si Noe at ang
mga naniniwala, ang sankatauhan ay binigyan pa ng isang
pagkakataon para sa bagong pasimula.
mula pa sa kaniyang kabataan. Siya ay nakihalubilo at
nakipagtalo na matindi sa mga monghe sa kaniyang
kapanahunan, at pinawalang saysay ang kanilang kaugalian
sa pagsamba sa mga imahen, bituin at apoy.
Sinabi niya sa kanila na ang mga imaheng ito ay walang
saysay o kaya’y hindi karapat-dapat na sambahin, kaya
pinagtangkaan nila siya na kanilang sunuging buhay. Iniligtas
siya ng Allah at pinili siyang na maging isang Propeta.
Siya ay isang Propeta, huwarang Ama at anak. Narito ang
ilang sulyap tungkol sa kaniyang buhay na binaggit sa
Qur`an
• Si Abraham ang pinakamasunuring anak sa kanyang Ama na
hindi mananampalataya, siya’y matulungin, at mapagtimpi.
(Qur`an 19:42-47)
• Ipinakita sa kanya ng Allah ang kaharian sa mga kalangitan
at ang lupa na tiyak niyang makakamtan.“ (Qur`an 6:75)
• Siya ay nakipagtalo sa kaniyang mga kababayan tungkol
sa hidwang dios-diosan sa kalawakan at ipinahayag na hindi
nya maaaring sambahin iyon sapagkat sila’y hindi karapatdapat. (Qur`an 6:76-79)
• Ang Allah na Makapangyarihan ay binanggit siya sa Qur`an
na isang hinirang: “At binanggit sa Kasulatan (ang kasaysayan
ni) Abraham. Katotohanan, siya ay isang makatotohanang
nilalang at isang Propeta.” (Qur`an 19:41)
• Pinagkalooban siya ng Allah ng katalinuhan at kakayahan
na pukawin ang iba “at yaon ang Aming (kapani-paniwalang)
katwiran na ipinagkaloob Namin kay Abraham laban sa
kaniyang mga kababayan. Itinataas Namin ang antas sa naisin
Namin. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Matalino at
Nakakaalam.” (Qur`an 6:83)
Si Propeta
19 ANG LIMANG PROPETA ANG LIMANG PROPETA 20
Moises
(Tinaguriang Kalimullah)
na ulit na binanggit siya sa tatlumpu at apat na kapitulo
nito at siya ay binanggit din sa tunay na kawikaan ng
Propetang si Muhammad.
Ang pagkapanganak kay Moises at ang kaniyang
pagpasok sa palasyo ni Parao, ang kaniyang
paglalakbay sa Madian, pagkapili sa kanya bilang
Propeta, inutusang pumunta kay Parao upang iligtas
ang mga anak ni Israel, nakipagtungali kay Parao at
ang paglikas ng mga anak ni Israel mula sa Egipto, ang
pahayag ng banal na kautusan sa Bundok ng Sinai, mga
pangyayari sa desyerto at ang kaniyang pamumuno sa
mga anak ni Israel ay lahat na tinalakay sa Qur`an.
Sa loob ng Qur`an, ay nabanggit na si Moises ay higit
na pinili sa lahat ng tao na binigyan ng pagtitiwala
ng Allah sa kaniyang layunin. Ang mga salita ng
Allah na ipinahayag sa kaniya (Qur`an 7:143) , na sa
katotohanan ay nababalutan siya ng damit ng pagibig mula sa Allah, at gayon din siya’y sinusubaybayan
sa pamamagitan ng paningin ng Allah (Qur`an 20:41)
Sa loob ng Qur`an, si Moises ay ipinakikilala bilang
isang Propeta na nangaral ng mabuting balita tungkol
sa pagdating ng Propeta na si Muhammad; Ang Qur’an
ay nagpahayag din sa atin na ang pagdating ng isang
Propeta na di marunong magbasa at sumulat ay
binanggit sa Lumang Tipan (Qur`an 7:157)
Sa kaugalian ng Islam si Moises ay tinatawag na
Kalimullah (Ang Panginoon ay nakipag-usap sa
kaniya), sapagkat ang Allah ay nakipag-usap sa kanya
at ipinahayag na tahasan sa kaniya ang mga talata.
Si Propeta
Si Jesus sa Islam ay isang sugo ng Maykapal na ipinadala
upang gabayan ang mga anak ni Israel (Bani Isra’il) na
may dalang kasulatan, ang Injil (evangelio).
Ang Qur`an ay nagpahayag na si Maria ay ipinanganak
si Jesus na kailanman ay hindi siya nasipingan ng isang
lalake, isang himalang pangyayari na naganap dahilan
sa ito’y itinakda ng Maykapal.
“At nasasaad, (O Muhammad), sa Kasulatan (ang
kasaysayan ni) Maria, nang siya ay umalis mula sa
kanyang pamilya patungo sa pook ng silanganan… nang
magkagayon ay ipinadala Namin sa kaniya ang aming
angel (si Gabriel), at siya ay nagpakita sa kaniya tulad sa
isang hugis tao… Winika niya, “Ako’y sugo lamang ng
iyong Panginoon upang sabihin ang (balita tungkol sa)
isang dalisay na lalakeng bata (isang anak na lalake).”
Sinabi niya, “Paanong magkakaroon ako ng anak na
lalake samantalang walang sinuman ang nakasiping sa
akin at ako ay hindi naging marumi?” Siya ay sumagot,
“Datapwat (ito’y mangyayari); ang iyong Panginoon ay
nagwika, ‘Napakadali para sa Akin at gagawin namin
siya na maging isang tanda sa mga tao at isang Awa
na mula sa Amin. Ang bagay na ito ay itinakda (na).“
(Qur`an 19:16-21)
Si Propeta
Jesus
Ang Dakilang Sugo
Upang matulungan siya sa kanyang layunin, si Jesus
ay binigyan ng kakayanang magsagawa ng himala,
ngunit ito ay sa kapahintulutan ng Allah. Ayon sa
teksto ng Islam, si Jesus ay hindi napatay o naipako
man sa krus, sa halip siya ay itinaas na buhay sa langit.
Ang tradisyon sa Islam ay isinalaysay na siya ay muling
magbabalik bago dumating ang Araw ng Paghuhukom
upang muling ibalik ang katarungan at upang lupigin
ang Anti-cristo.
Katulad ng lahat ng mga Propeta sa Islam, si Jesus
ay ibinibilang na isang Muslim, dahil ang kaniyang
ipinangaral sa mga tao ay tanggapin ang tuwid na
landas sa pagpapasakop sa kalooban ng Maykapal.
Sa Islam ay hindi tinatanggap na si Jesus ay Dios o
kaya’y binhi ng Dios, at itinuturo na siya ay isang
pangkaraniwang tao, katulad din ng iba pang mga
propeta, at ang pagpili sa kaniya ay upang ipakalat
ang aral ng Maykapal.
Ang mga teksto sa Islam ay hindi ipinahihintulot
ang paglalagay ng katambal sa Maykapal, na
pinahahalagahan ang paniwala sa Banal na Kaisahan
ng Maykapal. Maraming pamagat ang itinatawag kay
Jesus sa Qur`an, tulad ng Al-Masiah, bagaman ito ay
hindi katulad sa pagpapakahulugan ng paniniwala
sa Cristiano na siya ay anak ni Maria at lingkod ng
Maykapal. Si Jesus sa pananaw sa Islam ay isang
magpapakilala kay Muhammad, at pinaniniwalaan ng
Muslim na inihula ang kaniyang pagdating.
Ang Propeta na si Moises ay isa sa Pangunahing
Propeta at pinuno na nagpalaya sa mga anak ni Israel
mula sa pang-aalipin ni Parao; hindi lamang kinikilala
sa Judaismo at Cristianismo, bagkus gayon din sa Islam.
Mayroong impormasyon tungkol kay Propeta Moises
na nasa Qur`an at gayon din sa Luma at Bagong Tipan.
Ang Propetang si Moises ay palagiang binabanggit ng
higit kaysa sa lahat ng mga Propeta sa Qur`an; May 136
21 ANG LIMANG PROPETA ANG LIMANG PROPETA 22
Muhammad
Si Propeta
Si Muhammad, ang Propeta ng Islam, ay ipinanganak sa
Makkah noong 570 CE. Isang ulila, pinalaki ng kaniyang tiyuhin
mula sa isang respetadong tribu ng mga Quraysh. Nang
siya’y lumaki na, nakilala siya bilang isang makatotohanan,
matapat at dalisay. At napakarami pa, kaya tinatawag siyang
“Ang Mapagkakatiwalaan.” Si Muhammad ay tunay na makaDios, sa pasimula pa ay inayawan na niya ang pabagsak ng
moral at pagsamba sa dios-diosan ng kanyang lipunan.
Sa gulang 40, si Muhammad ay nakatanggap ng unang
kapahayagan mula sa Allah sa pamamagitan ng angel na si
Gabriel. Ang mga pahayag na salita ng Allah ay nagpatuloy
sa loob ng 23 taon, ay ito’y natipon at tinawag na Qur`an.
Nang pinasimulan niya ang pagbigkas ng Qur`an at nangaral
ng katotohanan na ipinahayag sa kaniya ng Allah, siya at
ang maliit niyang samahan ng mga mananampalataya
ay nagdanas ng matinding pag-uusig mula sa lipunanan
na nakapaligid sa kanila. Ang pag-uusig ay matinding
lumaganap, na noong taong 622 CE, ang Allah ay inutusan
sila na lumisan sa Madina.
Pagkatapos ng maraming taon, si Muhammad at ang
kaniyang mga tagasunod ay bumalik sa Makkah, pinatawad
nila ang kanilang mga kaaway na dating malupit na umusig
sa kanila. Bago namatay si Muhammad, sa gulang na 63, ang
malaking bahagi ng Peninsula ng Arabia ay naging Muslim,
at sa loob ng isang siglo ng kaniyang kamatayan, ang Islam
ay lumaganap hanggang Espanya sa Kanluran at hanggang
sa malayo ng Silanganan ng Tsina. Ang ilan sa mga dahilan
ng mabilis at mapayapang paglaganap ng Islam ay ang
katotohanan at maliwanag na doktrina nito.”
Ang propeta Muhammad ay isang dalisay na halimbawa
ng isang matapat, makatarungan, maawain, mahabagin,
makatotohanan at matapang na nilalang. Bagaman siya ay
isang tao, siya ay malayong-malayo sa lahat ng masasamang
ugali at nagsusumikap alang-alang lamang sa Allah at ang
gantimpala sa Kabilang-Buhay. Sa karagdagan, sa lahat ng
kaniyang mga gawa at pakikitungo, siya ay maalalahanin at
may banal na takot sa Maykapal.
“O Sankatauhan, ang Sugo ay dumating sa inyo na may dalang
katotohanan mula sa inyong Panginoon, kaya nga maniwala,
ito ang makabubuti para sa inyo. Datapwat kung kayo ay
hindi maniwala, Katotohanan, ang Allah ang nagmamay-ari
ng lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan. At ang Allah ay
Lubos na Nakakaalam at Marunong.” (Qur`an 4:170)
Ang Tatak ng mga Sugo
23 ANG LIMANG PROPETA ANG LIMANG PROPETA 24
ANG MGA NAUNANG KASULATAN
Sa buong panahon, ang Allah ay nagsugo ng maraming Propeta upang maging gabay sa sankatauhan upang sambahin lamang Siya. Ang
mga aral ay nananatiling walang pagbabago mula sa pasimula pa sa unang Propeta na si Adan, hanggang sa huling Propeta na si Muhammad.
Mayroong limang pangunahing Propeta na binigyan ng banal na karunungan upang gabayan ang kanilang mga kababayan, ang lahat ng
iyon ay nasa anyo ng Kasulatan. Ang lahat ay pinalitan ng mga tao mula sa orihinal, maliban sa Qur`an, kahit na sa panahon na ito ay hindi
napalitan o kaya’y magpalimbag ng panibagong salaysay.
Ang mga naunang Kasulatan ay ipinadala kay Abraham (ang mga balunbon at Lapida); kay Moises (ang Kautusan at ang Lapida); kay David
(ang Salmo); kay Jesus (ang Evangelio); at kay Muhammad (Ang Qur`an).
Ang Qur’an ay hindi inihihiwalay ang pagkakataon na may mga karagdagang mga kasulatan na ipinadala sa iba pang mga Propeta, ngunit
wala itong binabanggit kung nasaan iyon. Ang Sunnah (ang kawikaan at gawa ng Propeta na si Muhammad) ay nagpahayag na ang mga sugo
ay libo-libo ang kanilang bilang, ngunit ang pinakadakila sa kanila ay 25 na nabanggit sa Qur`an, na may dalang banal na Kasulatan at ang
iba ay wala. (Tignan: Ang Angkan na Pinagmulan ng mga Propeta)
Ang Paniniwala sa Islam ay kilalanin at tanggapin ang mga naunang kasulatan sa kanilang orihinal na anyo. “Ang bawat isa sa kanila ay
nananampalataya sa Allah, at sa Kaniyang mga angel at sa Kaniyang mga Kasulatan at sa Kaniyang mga Sugo, (At sinasabi nila): Kami ay hindi
nagtatangi kanino man sa Kaniyang mga sugo.” (Qur`an 2:285)
ANG BANAL NA QUR`AN
Katiyakan na ito ang lubos
na pinakamahalagang
uri ng kapahayagan
para sa mga Muslim.
Ang paniniwala sa Islam
tungkol sa kapahayagan
ay nakabatay sa Qur`an
(Ang Banal na Kasulatan ng
Islam).
Ang Qur`an ay kakaiba sa
ibang aklat sapagkat ang
lahat ng ito ay naisulat na
salita ng Allah. Noong 611
CE nang ang Propeta na si
Muhammad ay nagninilaynilay sa kuweba at ang angel na Gabriel ay nagpakita sa kaniya.
Si Muhammad ay hindi marunong magbasa at magsulat ngunit
tatlong ulit siyang inutusan ni Gabriel na ‘magbasa’.
“Basahin mo! Sa Ngalan ng iyong Panginoon at Mapagmahal,
ang Manlilkha- nilikha ang tao mula sa namuong patak ng dugo.
Basahin mo! At ang iyong Panginoon ay Lubos na Mapagbigay ,
siya ang nagturo ng pagsulat , at nagturo sa mga tao ng hindi niya
nalalaman.” (Qur`an 96:1-5)
Pagkatapos ay sinabi ni Gabriel kay Muhammad na siya ay pinili na
maging Sugo ng Allah. Ang mga Pagpapahayag na ito ay nagpatuloy
hanggang 23 taon.
“Sa araw na ito ay pinaging ganap Ko ang inyong relihiyon para sa
inyo, at nilubos Ko ang Aking paglingap sa inyo, at Aking itinakda
sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon.” (Qur`an 5:3)
Si Muhammad ay nanatili na hindi marunong magbasa at magsulat
at ang Qur`an ay naisulat na kaagad ng kaniyang mga kasamahan,
ay gayon din ay naisaulo nila ito sa kanilang puso. Ang Qur`an ay
naglalaman ng 114 na Surah (Kapitulo), at inayos sa pamamagitan
ng dikta ng angel na si Gabriel mula sa Allah.
Sa mga Muslim, ang Qur`an ay naglalaman ng tanging literal na
salita ng Allah na hindi napalitan. Ito ay tuwirang Pahayag mula sa
Allah para sa sankatauhan. Dahil ang Qur`an ay salita ng Allah ito’y
walang salungatan.
Upang mapag-ingatan ang tunay na salita ng Allah, ang Qur`an
ay palaging binibigkas sa mga pagsamba sa wikang Arabiko,
sapagkat ang tunay na kahulugan ng mga salita ay maaari lamang
na matagpuan sa wikang Arabiko. Datapwat, mayrooong mga
paliwanag ng kahulugan sa ibang wika.
Ang Qur`an ay ang pang-wakas at pinaka-lubos na Kasulatan bilang
patnubay mula sa Allah at maipatupad sa lahat ng tao magpakailan
man. Ito’y nananatiling malawak na naisaulo ayon sa tumpak
kalagayan na umaabot hanggang buong mundo at ito ay nasa
kaibuturang bahagi ng bawat Muslim sa kanilang pang araw-araw
na buhay.
Sa kaniyang pangangaral sa bundok ng Arafat, si Muhammad
ay ipinaliwanag na ito ang kahuli-hulihang pahayag; Wala nang
propeta o sugo ang darating pagkatapos niya at wala nang bagong
pananampalataya ang lilitaw.
25 ANG MGA KASULATAN ANG MGA KASULATAN 26
ANG BANAL NA MOSQUE SA MAKKAH
May tatlong banal na lugar sa Islam na
ang isang Muslim ay itinatagubilin na
maglakbay dito, ang Haramain; ang Banal
na Mosque sa Makkah at ang Mosque ng
Propeta sa Al-Madina at ang Al-Aqsa na
mosque sa Jerusalem. Ang katangian ng
mga mosque na ito ay binanggit sa mga
sumusunod na kawikaan ng propeta
Muhammad:
“Dapat na ganapin ang paglalakbay
sa tatlo lamang na mosque: ang aking
mosque (sa Al-Madina), ang Banal na
Mosque (sa Makkah), at ang al-Aqsa
mosque (sa Jerusalem).” (Iniulat ni
Bukhari at Muslim)
“Ang isang panalangin sa Banal na
Mosque (sa Makkah) ay katumbas
ng 100,000 panalangin na higit pa sa
ibang mosque, ang isang panalangin sa
aking mosque ( sa Madina) ay katumbas
ng 1,000, at ang isang panalangin sa
Jerusalem [al-Aqsa Mosque] ay katumbas
ng 500.” (Iniulat ni Bukhari)
“Ang unang Bahay (sambahan) na iniatas para sa sankatauhan ay yaong nasa Bakka (Makkah]; ito’y puno ng biyaya at patnubay
para sa lahat ng nilalang.” (Qur`an 3:96)
Ang Banal na Mosque sa Makkah ay itinayo sa paligid ng Ka’ba, ang unang bahay na pinabanal para sa pagsamba sa Nagiisang Tunay na Maykapal. Ang Ka’ba ay isang payak na kudradong bato na walang anoman nasa loob,ito’y itinayo ni Propeta
Abraham at ng kaniyang anak na si Ishmael at ito’y nasa orihinal na pondasyon na pinagtayuan ni Adan.
Sa silanganan sulok nito ng Ka’ba ay may isang itim na bato at kilala sa tawag na ‘al-Hajar al Aswad’ na ito lamang ang tanging
natitira sa orihinal na gusali na itinayo ni Propeta Abraham at ng kaniyang anak.
Ang Ka’ba ay ang direksiyon na kung saan ang mga Muslim ay humaharap sa panalangin. Kailan man ay hindi ang Ka’ba o
ang itim na bato ang bagay na sinasamba ngunit itoy nagsisilbi lamang bilang pananda ng dako na nagtatali sa mga Muslim
sa pagsamba.
Ang dugo ng isang Muslim ay higit na mahalaga sa Allah kaysa sa Ka’ba at ang lahat nitong mga nakapaligid.
(Tunay na Ulat)