Iisang Mensahe Lamang 1 Iisang Mensahe Lamang Dr. Naji I Al- Dr. Naji I Al-Arfaj Isinalin sa Tagalog mula sa Arabe ni: Saminodin Manshawie Saminodin Manshawie Iisang Mensahe Lamang PATUNGKOL Para sa mga nagsasaliksik ng katotohanan nang buong puso't katapatan. Para sa mga bukas ang kaisipan at may malawak na pang-unawa. Iisang Mensahe Lamang 3 MGA NILALAMAN Mga Tanong Bago Magbasa. Diretso sa Paksa. Ang Nag-iisang Dios sa Lumang Tipan ng Biblia. Ang Nag-iisang Dios sa Bagong Tipan ng Biblia. Ang Nag-iisang Dios sa Banal na Qur-an. Ang Pagbubuod. 4 5 19 21 23 25 Iisang Mensahe Lamang 4 MGA TANONG BAGO MAGBASA: 1. Ano ba itong "Iisang Mensahe Lamang"? 2. Ano ba ang sinasabi ng Biblia tungkol dito? 3. Ano ba ang sinasabi ng Qur-an tungkol dito? 4. Ano ang iyong palagay tungkol dito? Iisang Mensahe Lamang 5 Ang tunay na Dios ay nag-iisa lamang. Tanging Siya lamang ang dapat sambahin, at sundin ang Kanyang mga kautusan. DIRETSO SA PAKSA: Pagkaraan ng pagkalikha kay Adan, iisa lamang ang orihinal na mensahe ang paulit-ulit na ipinapadala sa sangkatauhan, sa buong kasaysayan ng salinlahi. Para paalalahanan ang sangkatauhan sa mensaheng ito at ibalik sila sa tuwid na landas, ipinadala ng nag-iisang tunay na Dios ang mga Propeta at mga Sugo tulad nila Adan, Noah, Abraham, Moises, Hesus at Muhammad, upang ipahayag ang isang mensahe, ito ay: Iisang Mensahe Lamang 6 Ang Tunay na Dios, Ang Tagapaglikha Sinugo: Para ipahayag ang mensaheng ito: ---Noah Iisa ang Dios ---Abraham Iisa ang Dios ---Moises Iisa ang Dios ---Hesus Iisa ang Dios ---Muhammad Iisa ang Dios Iisang Mensahe Lamang 7 Ipinadala ng tunay na Dios ang mga pangunahing Sugo at iba pa sa kanila na nalaman natin at hindi natin nalaman para ipatupad ang mga mahahalagang pakay, kasama na rito: 1) Tanggapin ang kapahayagan at ipamahagi ito sa kanilang mga nasasakupan at mga tagasunod. 2) Turuan ang mga tao tungkol sa kaisahan ng Dios at dalisayin ang pagsamba para sa Kanya. 3) Maging mabuting halimbawa sa salita at sa gawa, para sila'y sundin ng sangkatauhan sa kanilang daan tungo sa nag-iisang Dios. 4) Pangaralan ang kanilang mga tagasunod ng pagkatakot sa Dios, pagsamba sa Kanya at pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Iisang Mensahe Lamang 8 5) Turuan ang kanilang mga tagasunod ng mga tuntuning pangrelihiyon at mga mabubuting asal. 6) Ituwid ang mga nagkasala, mga sumasamba sa mga diyus-diyusan at iba pang mga tao. 7) Ipaalam sa mga tao na sila’y muling bubuhayin pagkatapos nilang mamatay, sila'y huhusgahan sa araw ng paghuhukom mula sa kanilang mga ginawa, sinuman ang sumampalataya sa nag-iisang Dios (Allah) at nagsagawa ng mga kabutihan ay gagantimpalaan siya ng Paraiso, sinuman ang magtambal sa Dios at sumuway (sa mga kautusan Niya) ang kanyang kahahantungan ay sa Impiyerno. Iisang Mensahe Lamang 9 Tunay na yaong mga Propeta at mga Sugo ay mga nilikha at sila'y ipinadala ng nag-iisang Dios. Ang sansinukob at mga nilalaman nitong mga nilikha ay nagpapatunay na may Panginoon na Tagapaglikha at nagpapatotoo sa Kanyang kaisahan, si Allah ang Tagapaglikha ng sandaigdigan at mga nilalaman nitong mga tao, mga hayop at mga bagay. Siya ang Naglikha ng kamatayan at ng buhay na pansamantala at buhay na walang-hanggan. Tunay na ang mga kapahayagan sa mga Hudyo, sa mga Kristiyano at sa mga Muslim ay lahat nagpapatunay na may Panginoong Dios at nag-iisang dapat sambahin. Ang taong nagsasaliksik ng katotohanan, kapag pinag-aralan niya sa Biblia at sa Banal na Qur-an ang Iisang Mensahe Lamang 10 tamang pagkakilala sa Dios ng may tunguhin at pagkamatapat ay makakaya niyang ibukod ang mga natatanging katangian na nauukol lamang sa tunay na Dios, at hindi Siya rito maaaring tambalan ng ibang mga diyus-diyusan. At ito ang ibang mga katangian: Ang Tunay na Dios ay Tagapaglikha at hindi nilikha. Ang Tunay na Dios ay Nag-iisa at wala Siyang katambal, hindi dumarami, hindi nanganganak at hindi ipinanganak. Ang Tunay na Dios ay malayo sa mga pagsasalarawan ng mga nalikha at hindi Siya maaaring makita dito sa mundo. Ang Tunay na Dios ay walang wakas, walang kamatayan, hindi nagbabago, hindi naglalaho at hindi nagkakatawan ng Kanyang mga nilikha. Iisang Mensahe Lamang 11 Ang Tunay na Dios ay nanatili sa Kanyang katayuan at sarili, walang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha at hindi Niya sila kailangan, wala Siyang ama at ina, walang asawa at anak, hindi Siya nangangailangan ng pagkain at inumin, hindi Siya nangangilangan ng tulong mula kanino man bagkus ang mga nilalang na nilikha ng tunay na Dios ang may pangangailangan sa Kanya. Ang Tunay na Dios ay bukod-tangi sa Kanyang mga katangian na Siya ang Pinakadakila, ang walang-kapintasan at ang nagmamay-ari ng napakagandang katangian na walang maaaring tumambal at tumulad sa Kanya kahit isa man sa Kanyang mga nilikha, wala Siyang kahalintulad na kahit katiting na bagay. Iisang Mensahe Lamang 12 Maaaring maibigan ng ibang mga Kristiyanong palatanong: malinaw at tiyak na nag-iisa lamang ang tunay na Dios, at kami'y naniniwala sa isang Dios. DI ANO ANG PUNTO? Maaari nating gamitin ang mga pamantayan at mga katangiang ito (at ganun din ang ibang mga katangiang Siya lamang ang nagmamay-ari) sa pagsusuri at pagtatatwa sa lahat ng pinaniniwalaan at nag-aangkin ng pagka-Dios. Ngayon, hayaan ninyo akong balikan at saliksikin ang isang mensahe na nabanggit sa itaas at suriin ang ibang mga talata sa Biblia at sa Banal na Quran na nagpapatunay sa kaisahan ng Dios. Ngunit bago iyan, nais ko sa inyong ibahagi ang palaisipang ito: Iisang Mensahe Lamang 13 Ang katunayan nito, sa kasalukuyan ng aking pag-aaral at pagbuhos ng buong pag-iisip sa pagbabasa tungkol sa Kristiyanismo at sa maraming pakikipagtalakayan sa mga Kristiyano, natagpuan ko na ang tunay na Dios sa kanila ay (ayon sa pagsasalarawan ng iba sa kanila) ay sumasaklaw sa mga sumusunod: 1) Dios Ama. 2) Dios Anak. 3) Dios Espiritu Santo. Ang mababaw na pag-unawa at matuwid na pangangatwiran ay magpapatibay sa isang mananaliksik ng paksa sa pamamagitan ng mga tanong sa mga Kristiyano: Iisang Mensahe Lamang 14 Ano ang ibig sabihin ng pagsasabi ninyo ng "Isa ang Dios" subalit ang tinutukoy ninyong Dios ay tatlo? Ang Dios ba ay nagiging Isa sa Tatlo o ang Tatlo ang nagiging Isa (1 sa 3 or 3 sa 1)? Karagdagan pa riyan, ayon sa paniniwala ng mga Kristiyano, ang tatlong dios na ito ay may iba't ibang mga gawain na ginagampanan at pagkakakilanlang katangian at larawan tulad ng sumususnod: 1) Dios Ama: Tagapaglikha 2) Dios Anak: Tagapagligtas 3) Dios Espiritu Santo: Tagapayo Iisang Mensahe Lamang 15 Ang pag-aangkin na ang Kristo ay anak ng Dios o kaya'y siya mismo ay Dios o kaya'y bahagi siya ng tunay na Dios, ay sumasalungat mismo sa mga sinasabi ng Lumang Tipan at Bagong Tipan, nasasaad na ang tunay na Dios ay hindi makikita at hindi maririnig ninuman ang Kanyang boses: Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang Kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang Kaniyang mukha. (Juan 5:37) Na di nakita ng sinumang tao, o makikita man. (1 Kay Timoteo 6:16) Hindi maaaring makita Ako ng tao at mabuhay. (Exodo 33:20) Iisang Mensahe Lamang 16 Batay sa mga talatang ito at iba pa na nasasaad sa Biblia, ako'y lubusang nagtataka at napapatanong nang buong katapatan at pagtitiwala, kung paano natin pagtutugmain ang kanilang sinasabi na si Hesus ay Dios, datapuwa't ang mga talata sa Biblia ay mariing tinitiyak na walang sinumang nakakita sa Dios ni walang nakarinig sa Kanyang tinig?! Hindi baga nakita ng mga Hudyo at pamilya ni Hesus at mga tagasunod niya si Hesus sa kanilang kapanahunan, Hindi ba nila nakita si Hesukristo (ang Dios anak ayon sa kanilang paniniwala) at narinig ang kanyang boses? Paano sinasang-ayunan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan na ang Dios ay walang sinumang nakakita at nakarinig sa Kanya, tapos may matatagpuan tayong tao na naniniwa- Iisang Mensahe Lamang 17 Di ano ang totoo? Pakiusap basahin ang mga naunang talata ng paulit-ulit at pagisipan ng malalim. lang si Hesus ay nasaksihan ang kanyang pagkatao at narinig ang kanyang tinig, siya ba ang Dios o anak ng Dios? Mayroon bang lihim na nakatago sa katotohanan ng Dios? Ngunit ang Lumang Tipan ay mariing tiniyak na ito'y salungat diyan ayon sa pagsasaling salita ng Dios na Kanyang sinabi: “Tunay na Ako ang Panginoon at doon ay walang dios na iba. At tunay na Ako'y hindi nagsalita ng lihim at hindi Ko inilihim ang Aking hangarin… tunay na Ako ang Dios at Ako'y nagsasalita ng katotohanan at Aking ipapahayag ang katotohanan.” (Isaiah 45:19) Iisang Mensahe Lamang 18 Bilang pag-iingat sa nasabing paksa, aking ilalahad ang mga katibayan nang walang anumang pagdaragdag na sariling kuru-kuro, sana'y unawain ito bilang pagpapahalaga at pagtatalakay nang walang halong haka-haka o paghuhusga. Tayo ngayon ay maglakbay tungo sa pagsasaliksik tungkol sa katotohanan ng Dios, sa Biblia at sa Qur-an. Hangaring malaman sa aking paglalahad ang inyong mga mungkahi at palagay pagkatapos unawain ang mga talata at mga basehan, pagkatapos mabasa ang buklet na ito ng may tunguhing pagbabasa at may makatwirang pagtatalakay. Iisang Mensahe Lamang 19 ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIOS SA BIBLIA (Lumang Tipan): Dinggin mo, oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon. (Deutoronomio 6:4) At di baga ang nag-iisang Dios ay lumikha para sa atin ng espiritu ng buhay at tayo’y Kaniyang binibiyayaan? (Malakias 2:15) Upang inyong malaman at magsisampalataya kayo sa Akin, at inyong matalastas na Ako nga ang siyang Dios, walang dios na inanyuan na una sa Akin, o magkakaroon pagkatapos Ko. Ako sa makatuwid baga'y Ako, ang Panginoon, at liban sa Akin ay walang tagapagligtas. (Isaias 43: 10-11) Iisang Mensahe Lamang 20 May naaalala ka bang ibang mga talata na tulad nito? Ako ang una, at Ako ang huli; at liban sa Akin ay walang dios. Sino ang katulad Ko? (Isaias 44:6) Hindi baga Ako ang Panginoon at walang ibang dios liban sa Akin? Bumaling sa Akin, at mangaligtas, at doo'y wala ng iba. (Isaias 45:21-23) Iisang Mensahe Lamang 21 ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIOS SA BIBLIA (Bagong Tipan): Lumapit sa kanya ang isa, at nagsabi, mabuting guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? At sinabi niya (Hesus) sa kaniya, bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang ibang mabuti maliban sa nag-iisa, siya ang Dios. (Mateo 19: 16-17) K.J.V. At ito ang buhay na walang hanggan, na Ikaw ay makilala nila, Ikaw ang tanging Dios na tunay na nagiisa Ka, at si Hesukristo ang Iyong sinugo. (Juan 17: 3) Sambahin ninyo ang tunay na Dios na inyong Dios at Siya lamang ang inyong paglilingkuran. (Mateo 4:10) Iisang Mensahe Lamang 22 Makakaya mo bang maalala ang iba pang mga katibayan na nagpapatunay na iisa lamang ang Dios? (AT HINDI TATLO!) Pakinggan mo, oh Israel; ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa… ang Dios ay iisa at walang iba liban sa Kanya. (Marcos 12:29) Sapagka't may isang Dios at may isang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Hesukristo. (1 Kay Timoteo 2:5) Iisang Mensahe Lamang 23 ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIOS SA QUR-AN: Sabihin! Siya si Allah, ang bukod tanging nag-iisa, si Allah, ang sandigan ng lahat, ang walang hanggan at walang kapintasan, hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak at Siya ay walang katulad. (112: 1-4) Walang sinumang Dios maliban sa Akin, kaya’t sambahin ninyo Ako. (21:25) Katotohanan, hindi sumasampalataya ang mga nagsabing "si Allah ay isa sa tatlo (trinidad)" datapuwa't wala ng iba pang dios maliban sa nag-iisang Dios (si Allah). At kung sila ay hindi titigil sa kanilang sinasabi, katotohanan, ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay sasapit sa mga hindi sumasampalataya sa kanila. (5:73) Iisang Mensahe Lamang 24 May iba pa bang dios bukod kay Allah? Karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam. (27:61) May iba pa bang dios bukod kay Allah? Mataas si Allah sa kanilang mga itinatambal sa Kanya. (27: 63) May iba pa bang dios bukod kay Allah? Sabihin! Ipakita ang inyong katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan. (27: 64) Ang katotohanan na nasa mensaheng ito ay ang "KAISAHAN NI ALLAH" Ito ang pangunahing paksa sa Banal na Qur-an. Iisang Mensahe Lamang 25 ANG PAGBUBUOD Tunay na ang mga talatang ito at kasama ng iba pang mga daan-daang magkakatulad na batayan sa Biblia at sa Qur-an ay nagpapatunay na walang anumang pag-aalinlangan na ang Dios ay iisa lamang at walang ibang dios liban sa Kanya, ayon sa sinasabi ng Biblia, "Dinggin mo, Oh Israel; ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa… ang Dios ay iisa at walang iba liban sa Kanya.” (Marcos 12:28-33) At binabanggit din ng Banal na Qur-an ang pag-uutos ni Allah, sa Kanyang sinabi: “Sabihin: Siya si Allah, ang nag-iisa.” (112:1) Ang Biblia ay hindi lamang nagpapatotoo na ang Dios ay iisa, bagkus pinapatotohanan na si Allah ang Siya ring Tagapaglikha at Tagapag- Iisang Mensahe Lamang 26 ligtas na tanging nag-iisa “Upang inyong malaman at Ako'y sampalatayaan, at inyong matalastas na Ako nga ang siyang Dios, walang dios na inanyuan na una sa Akin, o magkakaroon pagkatapos Ko. Ako sa makatuwid baga'y Ako, ang Panginoon, at liban sa Akin ay walang tagapagligtas.” (Isaias 43: 10-11) At dahil dito, nagiging malinaw na ang salitang pagka-dios tulad ng Espiritu Santo, at nina Hesus, Brahma, Vishnu, Shiva, Krishna, Buddha at iba pa ay walang pinagmulan, walang katibayan, wala silang pag-aaring ano pa man na bagay, sila'y hindi mga dios at hindi bilang paglalantad sa tunay na Dios o pagkakatawang dios o paglalarawan sa Kanya. Wala Siyang (Allah) kahalintulad na bagay tulad ng nabanggit sa Biblia at Qur-an. Iisang Mensahe Lamang 27 At nagalit si Allah sa mga Hudyo dahil sa kanilang pagkaligaw at mga pagsamba sa mga diyus-diyusan bukod sa Kanya “Nagsiklab ang galit ng Panginoon sa kanila.” (Mga Bilang 25:3) at winasak ni Propeta Moises ang kanilang sinasambang guya na gawa sa ginto. Sa kabilang dako, ang Essenes, isa sa mga sektang Kristiyanismo noong unang kapanahunan ay dumanas ng kaparusahan at kalupitan dahil naniwala sila sa nag-iisang Dios, at tinanggihan nila ang pagpapalit sa aral ni Hesus na pagsamba sa nag-iisang Dios, at kanilang kinamuhian ang Trinidad na pagbabagong aral ni Pablo at ang kanyang mga kasamahan. Iisang Mensahe Lamang 28 Ang tunay na Dios ay nag-iisa lamang. Tanging Siya lamang ang dapat sambahin, at sundin ang Kanyang mga kautusan. Sa madaling salita, ipinadala ni Allah si Adan, Noah, Abraham, Moises, Hesus, Muhammad at lahat ng Propeta at Sugo (sumakanilang lahat nawa ang pagpapala at kapayapaan) upang ipamahagi sa sangkatauhan ang pananampalataya kay Allah at pagdalisay ng pagsamba para sa Kanya na nag-iisang walang katambal at kapantay, Siya ay malayo sa lahat ng uring kasamaan. At ito ang Iisang Mensahe ng mga Propeta at mga Sugo : At kung gayon na ang mensahe ng mga Propeta at mga Sugo ay iisa, sa makatuwid ang kanilang relihiyon ay Iisang Mensahe Lamang 29 iisa. Kung ganun ano ang relihiyon ng mga iyon? Ang pinakadiwa ng kanilang mensahe ay binubuod ng "PAGPAPASAKOP" sa nag-iisang Dios (Allah) at ang salitang ito ay nangangahulugan sa salitang Arabic na "Islam". At mariing tiniyak ng Banal na Qur-an na ang Islam ay Relihiyong Tunay ng lahat ng mga Propeta at mga Sugo ni Allah, at maaaring subaybayan ang makatotohanang ito sa Banal na Qur-an at ganun din sa Biblia. ating tatalakayin ang makatotohanang ito sa Biblia sa buklet na darating, ipagkaloob nawa ni Allah! Bilang panghuli, kailangan para makamtan ang kaligtasan ay tanggapin ang Mensaheng ito at sampalatayaan ito ng buong katapatan at taimtim. Iisang Mensahe Lamang 30 NGUNIT ANG GAWAING ITO AY HINDI SAPAT! Datapwa't kailangan din nating sampalatayaan ang lahat ng mga Propeta at mga Sugo ni Allah (nasasaklaw ito ng paniniwala kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan), sundin ang kanilang pamamaraan at isabuhay ito. Iyan ang daan sa buhay na walang hanggang kasiyahan. Kaya sa mga taimtim na nagsasaliksik ng katotohanan at nagnanais ng kaligtasan, baka sakaling iniisip mo rin ang bagay na ito at ngayon ay inaasam-asam, bago pa mahuli ang lahat at bago pa dumating ang biglaang kamatayan! Sino ang nakakaalam nito kung kailan? Mayroon pang isang bagay… Iisang Mensahe Lamang 31 Pagkatapos basahin ang isang mensaheng ito ng malalim na pagbabasa at pag-unawa ay maaaring maitanong ng mga taong matapat at masikap… BILANG HULING PAG-IISIP! →Ano ang katotohanan? →Ano ang dapat gawin? Iisang Mensahe Lamang 32 ASH-HADU ALLÁ ILÁHA IL-LALLÁH WA ASHHADU AN-NA MUHAMMADAN RASÚLULLÁH. (Ako'y sumasaksi na walang ibang tunay na dios liban kay Alláh lamang at ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Alláh). Kaya mong manampalataya ng tapat sa iyong Tunay na Dios (Allah), at maniwala sa Kanyang huling isinugo, at banggitin ang mga katagang ito: Iisang Mensahe Lamang 33 Oo, Kaya mo yan! Ang pagsasaksing ito ang siyang pangunahing hakbang patungo sa daan ng masayang buhay na walang hanggan at ito ang tunay na susi ng mga pintuan ng paraiso. Kung sang-ayon ka ng kunin ang daang ito, maaari kang humingi ng tulong sa iyong kaibigan o kapit-bahay na Muslim o sa malapit na Masjid o Islamic Center o ako'y parangalanan sa pamamagitan ng iyong pagtawag o pakikipagsulatan sa akin, lubos ko itong ikagagalak. Iisang Mensahe Lamang 34 MGA TALASALITAANG ISLAMIKO: Allah Ang wastong pangalan ng nag-iisang Dios, ang Tagapaglikha. Si Allah ang tunay na Panginoon ng sangkatauhan, (Muslim, Kristiyano, Hudyo, Hindu atbp.). Muhammad Ang huling Sugo ng nag-iisang tunay na Dios (Allah). Islam Pagsuko sa kagustuhan ng Tagapaglikha, ang tunay na Dios (Allah). Maaari lamang makamtan ng isang tao ang tunay na kaligayahan at katiwasayan sa pamamagitan ng pagsuko at pagsunod sa tunay na Dios. Muslim Ang taong sumusuko sa kagustuhan ng tunay na Dios (Allah) ang Tagapaglikha. Qur-an Ang salita ng Dios na inihayag kay Propeta Muhammad. Iisang Mensahe Lamang 35 MGA NAISULAT AT IBANG MGA GAWAIN NG MAY-AKDA Una: Pagkakahanay ng pagsasaliksik tungkol sa katotohanan. (Pagsasaliksik ng kaalaman tungkol sa "Comparative Religion" at paglalahad ng mga kagandahan ng Islam) 1. Sino Siya? 2. Ang Dios sa Kristiyanismo, Ano ang Kanyang Likas? 3. Iisang Mensahe Lamang. 4. Ano ang Katotohanan? 5. Ano ang Kamalian? 6. Kagandahan ng Islam! 7. Alpabeto ng Islam. 8. Ano ang Susunod? Pangalawa: Mga susunod na Isusulat: Mga Susi sa Tagumpay at Walang Hanggang Kasiyahan. Liham kay Janet! Bakit "Tayo"? Pangatlo: Mga Ibang Gawain: • Lingguhang Palatuntunan sa Telebisyon. • T.V. Episodyo sa "Video" at "Audio tapes". • Pampublikong mga panayam tungkol sa Islam. Iisang Mensahe Lamang 36 Para sa karagdagang impormasyon, mga katanungan, mga mungkahi at puna, huwag pong mag-atubiling ipaalam sa may-akda: Dr. Naji Arfaj E-mail: naji@abctruth.net info@abctruth.net Website: www.abctruth.net Cel. +966505913113 P.O. Box 418 Hofuf Ahsa 31982 KSA Mga kapaki-pakinabang na website sa Islam: www.sultan.org www.islamworld.net www.islamway.com