Mga Artikulo

Upang maging isang tunay na Muslim (taong isinusuko ang sarili sa Allah), nangangailangan na maniwala lamang sa


tanging isang Diyos, sa pananaw ng Kanyang pagiging Tanging Isang Tagapaglikha, Tagapangalaga, Tagapanustos at iba


pa. Nguni’t, ang paniniwalang ito, na sa katagalan ay tinawag na Tawhid Arruboobiyyah, ay hindi sapat. Sapagka’t, marami


sa mga nang-iidolo ang naka-aalam at naniniwala na ang tanging Kataas-taasang Allah ang maaaring makagawa lamang


nito. Kaya, hindi ito sapat upang sila ay tawaging Muslim sa tunay na kahulugan bagaman na sila ay naniniwala.


Magkagayon, sa Tawhid Arruboobiyyah, dapat pang idagdag ang Tawhid Al’Uloohiyyah (ang pagtanggap ng katotohanan


na ang Allah lamang ang nararapat pag-ukulan ng pagsamba), at sa gayon, dapat talikdan o iwasan ang pagsamba sa


anupamang bagay o sa sinumang nilikha.


Sa pagkamit ng kaalamang ito ukol sa tunay na Diyos, ang tao ay nararapat na palagiang may pananalig sa Kanya, at


nararapat na walang bagay ang maaaring maging daan upang talikdan ang katotohanang ito.


Kapag ang pananalig o pananampalataya ay pumasok sa puso ng tao, ito ay nagkakaroon ng magandang kaisipan na


nagbubunga ng mga ibang mabubuting gawain. Ang magandang kaisipang ito kalakip ng mabubuting gawain ay mga


patunay o tanda ng pagkakaroon ng tunay at tamang pananampalataya. Ang Propeta ay nagsabi: “Ang Pananampalataya


(Iman) ay yaong nananatiling matatag sa puso at binibigyang patunay ng mga (mabubuting) gawa.”


Ang pangunahing bagay na matatagpuan sa isang magandang kaisipan ay ang pagkakaroon ng damdamin ng pasasalamat


sa Allah, na maaaring tawagin bilang ang diwa ng pagsamba (Ibadah).


Ang damdamin ng pasasalamat ay lubhang mahalaga sapagka’t ang mga walang pananam-palataya ay tinatawag na Kafir


na nangangahulugan ng “isang nagtatakwil ng katotohanan at walang pasasalamat (sa Allah).”


Ang tunay na mananampalataya ay nagmamahal at nagpapasalamat sa Allah sa mga pagpapala o biyaya na ipinagkaloob


sa kanya, nguni’t dahil nababatid niya ang katotohanan na ang kanyang mabubuting gawa, maging ito man ay pangkaisipan


o pisikal, ay malayo upang matumbasan ang mga pagpapala ng Allah sapagka’t siya ay lagi nang maingat sa pangambang


maaari siyang parusahan sa kanyang mga gawain maging dito sa mundong ito o sa kabilang buhay. At dahil nga na siya ay


may takot sa Kanya, kaya tapat at buong puso na isinusuko niya ang sarili sa Kanya at naglilingkod ng buong


kababaang-loob. Hindi makakamit ng sinuman ang ganitong kalagayan kung walang pagbibigay alaala sa Allah. Ang


pagbibigay alaala sa Allah ay siyang buhay na lakas ng pananalig, na kung wala ito, ang pananampalataya ay maglalaho at


mawawala. Ang Qur’an ay nagtangkang itaguyod ang damdamin ng pasasalamat sa pamamagitan ng paulit-ulit o palagiang


pagsambit ng mga katangian ng Allah. Ating matatagpuan ang karamihan sa Kanyang mga Banal na Katangian na binanggit


sa mga talata ng Qur’an.


“Siya ang Allah, walang tunay na diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya. Ang nakaaalam sa mga lingid at hayag.


Siya ang Maawain, ang Mapagpala. Siya ang Allah, walang tunay na diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya, ang


Hari, ang Ganap na Banal, Ang (Pinagmumulan ng) Kapayapaan, ang Tagapagpatunay, ang Tagapag-bantay, ang


Makapangyarihan, ang Kagila-gilalas (at di-Mapaglalabanan), ang Matayog. Luwalhati sa Allah, (Siya ay) malayo sa


anupamang bagay na iniaakibat nila sa Kanya. Siya ang Allah, ang Tagapaglikha, ang Tagapaggawa, ang Nagbibigay


Hugis at Anyo. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng naggagandahang mga Pangalan. Bawa’t bagay sa mga kalangitan at


kalupaan ay nagbubunyi sa Kanya. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan (at) ang Tigib ng Karunungan.” (Qur’an


59:22-24)


“Allah, walang tunay na diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya, ang nananatiling buhay, ang (Tanging) Isang


Tagapagpanatili (at Tagapanustos sa lahat ng nilalang). Ang idlip o antok ay hindi makapangyayari sa Kanya. Siya ang


nagmamay-ari ng lahat ng bagay na nasa mga kalangitan at kalupaan. Sino ang makapamamagitan sa Kanya malibang


Kanyang pahintulutan? Batid Niya kung anong nangyari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito at kung ano ang


mangyayari sa kanila sa kabilang buhay. At sino man ay walang makapang-aabot sa Kanyang Kaalaman maliban Kanyang


naisin. Ang Kanyang Luklukan ay abot sa mga kalangitan at kalupaan at hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa


pangangalaga at pangangasiwa sa kanila. Sapagka’t Siya ang Kataas-taasan (sa Kaluwalhatian). Ang Dakila.” (Qur’an


2:255)


“O Angkan ng Kasulatan, huwag kayong lumagpas sa mga hangganan ng inyong relihiyon, at huwag kayong magsalita


tungkol sa Allah maliban ang katotohanan. Ang Mesiyas Hesus, anak ni Maria ay (hindi hihigit pa sa) isang Sugo ng Allah


lamang, at Kanyang Salita na Kanyang iginawad kay Maria, at isang Ruh (espiritu) mula sa Kanyang (nilikha). Kaya


maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, at huwag sabihin na: Tatlo (ang Diyos) (magsitigil kayo!) Iwasan, at ito (ay higit


na) makabubuti sa inyo. Katotohanan, ang Allah ay isang tanging Diyos lamang. Luwalhati sa Kanya na sadyang malayo


sa pagkakaroon ng anak. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga kalangitan at lahat ng nasa kalupaan, at


sapat na ang Allah bilang Tagapangasiwa” (Qur’an 4:171)


Source from: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam, ni Ahmad Jibril Salas



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG