Ang konseptong "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS" o itong tinatawag na "Doctrine of Trinity" ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si Hesus sa daigdig. Walang alinlangan, na ang konseptong ito ay hindi aral o batas ni Hesus at maging sinumang propeta sa buong kasaysayan. Ang katotohanan, ang mga iniwang disipulo ni Hesus ay patuloy na sumusonod sa kaisahan ng Diyos hanggang taong 90 A.D. Ang paniniwala sa kaisahan ng Diyos ay nakasulat sa "shepherd of hermas" na naisulat sa panahong ito at isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang Kristiyano. Nang lumaganap ang “Roman Church Doctrine”, ang mga tunay na Kristiyano ay pinagpapatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa di-makatwirang Doktrina ng Trinidad. Sa taong 190 A.D. isa sa mga kasapi ng Apostolic Church na si Iraneus ay sumulat kay Pope Viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na Kristiyano. Ang katotohanan pa nito, karamihan sa kasapi ng Apostolic Church ay ganap na sumunod sa simpleng aral ni Hesus. Bilang kasapi, si Lacteneus ay sumulat noong 310 A.D. na "si Hesus ay kailanman hindi nagsabi na siya ay diyos" Sa taong 320 A.D., si Eusebius ay nagsulat; "Si Hesus ay nagturo sa atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na Diyos at dapat sambahin." Sa kabila ng laganap na pagpatay sa mga naniniwala sa isang Diyos, maraming ‘Unitarian’ ang matapang at matibay na naglahad ng kanilang kaisipan laban sa doktrina ng Trinity. Isa sa pangunahing Unitarian na si Arius ay tandisang nagsabi kay Bishop Alexander ang walang katotohanang Doktrina ng Trinity. Pagkaraan ng ika-apat na taon, si Emperor Constantino ay nagtawag ng "First General Council" sa Nicea na nilahukan ng 318 Bishops upang ayusin ang paksang pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang "council" na ito ay sumang-ayon sa Doktrina ng Trinity sa pangunguna ni Athanasius nguni’t si Arius at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong "isang diyos". Sa taong 380 A.D., si Emperor Theodosius ay nagtakda na ang ‘orthodox faith (trinitarian catholic faith)’ ang siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan. Sa taong 383 A.D., si Theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa Doktrina ng Trinity. Sa kabila nito, hindi nabuwag ang mga ‘Unitarian’. Isa sa tumuligsa sa Doktrina ng Trinity na si Servetus (16th century) ay nagsabi na "ang pagtanggap sa doktrina ng Trinity ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS". Sa bandang huli, siya ay ikinulong at unti-unting pinatay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy. Isa sa kanyang kasamahan ang nagsabi "ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay ng isang doktrina." Katotohanan, ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng katwiran. Pagkaraan ng anim na raang taon mula sa paglisan ni Hesus, ang Allah ay nagbigay ng banal na kapahayagan sa pamamagitan ni Propeta Muhammad, kapayapaan ay sumankaya nawa, ito ay ang Banal na Qur'an. Isa sa mahalagang mensahe nito ay ang pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa Doktrina ng Trinidad. Ang Allah ay nagwika: “Katiyakan, ang Kafirun (di-naninwala) ay yaong nagsasabing: “ Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa Trinidad) subali’t walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Isang Ilah (Diyos – ang Allah) at kung sila ay hindi magsisitigil sa anumang sinasabi nila, katotohanan, isang masakit na parusa ang darating sa Kafirun na kabilang sa kanila.” [5:73] “At kanilang sinabi: “Ang Al-Rahman [ang Mahabagin (Allah)] ay may anak. Katotohanan, kayo ay nagsabi ng isang kakila-kilabot na bagay. Halos magkagutay-gutay ang mga kalangitan, na ang lupa ay magkabiyak-biyak at ang mga kabundukan ay magkawatak-watak dahil sa kanilang sinasabi na ang Al-Rahman (Mapagpala) ay may anak. At hindi naaangkop sa Al-Rahman (Mapagpala) (Allah)] na magkaroon ng isang anak. [19:88-92] “At sila (Hudyo, Kristiyano at pagano) ay nagsabi: Ang Allah ay mayroong anak[1]. (Subali’t) Luwalhati sa Kanya (Higit Siyang Dakila at Mataas kaysa sa lahat ng kanilang iniaakibat o iniuugnay sa Kanya). Hindi! Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga Kalangitan at ng Kalupaan at ang lahat ay sumusuko nang may (ganap) na pagsunod (sa pagsamba) sa Kanya. (Siya ang Tanging) Tapagpasimula ng mga Kalangitan at ng Kalupaan. Kung Kanyang itakda ang isang bagay, Siya ay nagsasabi 1 of 2 25/03/1432 02:17 م lamang ng: “Kun” [Maging] “Fayakun” [at mangyayari nga].” [2:116-117]