Mga Artikulo

Sinabi ng Allah (SWT) sa paglalarawan ng Propeta Muhammad(SAS):


 





Sila na sumusunod sa Tagapagbalita, ang Propeta na hindi nakakabasa at hindi nakakasulat (Muhammad) na kanilang matatagpuan na nasusulat sa Torah (mga Batas) at sa Ebanghelyo, - siya ay nagtatagubilin sa kanila ng Al-Ma’ruf (ang Kaisahan ng Allah at lahat ng Kanyang mga ipinag-uutos) at nagbabawal sa kanila sa Al-Munkar (kawalan ng paniniwala, pagsamba sa diyus-diyusan at lahat ng masasama na ipinagbabawal sa Islam); kanyang pinahihintulutan sila sa At-Tayyibat ([lahat ng mabuti at pinapayagan], tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawa, mga paniniwala, mga tao, mga pagkain, atbp.), at nagbabawal sa kanila sa mga hindi pinahihintulutan, bilang Al-Khabaith (ang lahat ng kasamaan at hindi pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawa, mga paniniwala, mga tao, mga pagkain, atbp.), kanyang niluluwagan sila sa mabibigat na pasanin (ng Kasunduan sa Allah), at sa mga tanikala (ng pananagutan) na nakaatang sa kanila. Kaya’t sa kanila na nananalig sa kanya (Muhammad), inyong parangalan siya, tulungan siya at sundin ang Liwanag (ang Qur’an) na ipinanaog sa kanya, (at) sila ang magiging matatagumpay. [Qur'an, 7:157]








Inilalarawan nito ang pagiging ganap ng mensahe ng Propeta Muhammad(SAS). Siya ay ang siyang sinasabi ng Allah(SWT) na nag-uutos ng lahat ng kabutihan, nagbabawal ng lahat ng kasamaan. 





Sinabi ng Propeta(SAS):


 


‘Ako’y ipinadala upang gawing ganap ang katangian ng mabuting pag-uugali.’


 


At kanyang sinabi sa isang napagkasunduang hadith:


 


‘Ang paghahambing sa ugnayan ng ibang propeta ng Allah ay tulad ng paghahambing sa isang tao na nagtayo ng isang bahay. Kanyang tinapos at ginawang ganap ang lahat ng bagay hinggil sa kanyang bahay maliban sa lugar na puwang ng isang ladrilyo. Ang mga tao ay madalas daanan ang bahay at ipinapahayag ang papuri sa ganda nito, nguni’t kanilang sasabihin: ‘Kung hindi lamang sa puwang ng nawawalang ladrilyo.’ Ako ang brick na iyon, at ako ang Huling Propeta.


 


Sa pamamagitan ni Muhammad(SAS), ginawang ganap ng Allah(SWT) ang deen na kinabibilangan ng pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan, ang pagpapahintulot ng lahat ng bagay na malinis, at ang pagbabawal ng lahat ng marumi. Tulad ng mga propeta na dumating pagkatapos niya, ang kanilang mensahe ay minsan naglalaman ng pagbabawal ng ilang kabutihan. 





Sinabi ng Allah(SWT):


 


At dahil sa katampalasanan ng mga Hudyo ay Aming ginawa na bawal sa kanila (hindi nararapat) ang ilang piling pagkain (na mabuti), na noon ay hindi bawal (pinapayagan) sa kanila, at sa kanilang paghadlang sa marami sa Landas ng Allah; [Qur'an, 4:160]


 


Ganoon din sa kanyang mga mensahe ay hindi ipinagbawal ang lahat ng madumi. 





Sinabi ng Allah(SWT):


 


Ang lahat ng pagkain ay pinapayagan sa Angkan ng Israel, maliban kung ano ang ipinagbawal ni Israel sa kanyang sarili, bago pa ang Torah (mga Batas) ay ipinahayag. Ipagbadya (O Muhammad): “Dalhin ninyo rito ang Torah (mga Batas) at dalitin ito, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.” [Qur'an, 3:93]


 


Ang pagbabawal ng mga maduming bagay ay kasama sa kahulugan ng pagbabawal ng kasamaan, katulad ng pagpapahintulot ng lahat ng malinis na mga bagay ay bahagi ng mga pag-uutos ng kabutihan. Sapagka’t ang pagbabawal ng malinis at mga kabutihan ay bahagi ng pagbabawal ng lahat ng masama ay hindi naabot ang pagtatapos maliban sa pagkapropeta ni Muhammad(SAS) sa pamamagitan ng mga pinaging ganap na mga katangian ng kabutihan, na kinabibilangan ng lahat ng mabuti. 





Sinabi ng Allah(SWT):


 


Sa araw na ito pinaging ganap ko ang iyong deen, at tinapos ko ang aking favor sa inyo, at aking tinanggap para sa inyo ang Islam bilang paraan ng inyong pamumuhay (deen). 


 


Pinaging ganap ng Allah(SWT) para sa atin ang pamamaraan, at tinapos ang Kanyang kabutihang-loob para sa atin, at tinanggap para sa atin ang Islam bilang paraan ng ating buhay


 


-----------------------------------------------


Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG