Mga Artikulo

Maraming sekta, kulto, relihiyon, pilosopiya at kilusan sa daigdig ang nag-aangkin ng tamang landas o ng tanging daan patungo sa Diyos. Paano malalaman ng sinuman kung sino ang  tama o kung sila kayang lahat ay tama? Ang paraan upang malaman ang kasagutan ay ang pagbibigay liwanag sa mababaw na pagkakaiba sa mga itinuturo ng maraming nag-aangkin sa tunay na katotohanan, at kilalanin kung ano at sino ang kanilang sinasamba na kanilang itinuturo, tuwiran man o hindi. Ang mga huwad na relihiyon ay may iisang batayan sa pagkakilala sa Diyos. Sila ay nagpapahayag na ang lahat ng tao ay Diyos, o kaya’y may mga natatanging tao na naging Diyos, o kaya’y ang kalikasan ay ang Diyos o kaya’y ang Diyos ay isang bungang-isip lamang  ng tao.





Kaya  naman masasabi natin na ang puntong mensahe ng huwad na relihiyon ay ang pagsamba sa Allāh SWT sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanyang mga nilikha. Ang mga huwad na relihiyon ay nag-aanyaya sa mga tao sa pagsamba sa nilikha at tinatawag nilang Diyos ang nilikhang ito o kaya’y bahagi nito. Bilang halimbawa, si Propeta Hesus AS ay inanyayahan niya ang kanyang mga tagasunod sa pagsamba sa Allāh SWT, subali’t ang mga taong nagsasabing tagasunod niya ngayon ay nag-aanyaya sa tao na sambahin si Hesus AS, at nagsasabi na siya ay Diyos.





Si Buddha ay nagsagawa ng maraming pagbabago tungkol sa makataong panuntunan sa relihiyon ng India. Hindi niya inangkin na siya ay Diyos, ni hindi siya nagsabi sa kanyang mga tagasunod na siya’y sambahin. Gayunman hanggang sa mga araw na ito, karamihan sa mga Budismo na matatagpuan sa labas ng India ay tinatanggap siya bilang Diyos at nagpapatirapa sa mga rebulto na kanilang ginawa sa pagkakilala sa kanyang wangis. Sa paggamit ng naturang panuntunan na makilala ang paksa ng pagsamba, kapansin-pansin ang huwad na relihiyon at maliwanag ang likas na pinagmulan nito. Gaya ng nasasaad sa Banal na Qu’rān:





 “Ang inyong sinasamba bukod sa Kanya ay mga pangalan na kathang-isip ninyo at ng inyong mga ninuno na hindi ipinadala ng Allāh na may kapahintulutan. Ang kautusan ay sa Allāh lamang: Siya ay nag-utos sa inyo na sambahin lamang Siya; Ito ang tunay na relihiyon, subali’t karamihan sa tao ay hindi nakaka-unawa”. (Sūrah Yūsuf 12:40)





Maaaring ipangat'wiran na lahat ng mga relihiyon ay nagtuturo ng mga mabuting bagay, kaya’t bakit pa mahalaga kung alin man sa kanila ang susundin? Ang kasagutan dito ay lahat ng mga huwad na relihiyon ay nagtuturo ng pinakamalaking kasalanan: Ang pagsamba sa nilikhang bagay. Ang pagsamba sa nilikha ay ang pinakamabigat na kasalanan na magagawa ng tao dahil ito ay sumasalungat sa mismong layunin ng Kanyang pagkakalikha.  Ang tao ay nilikha upang sambahin lamang  ang  nag-Iisang Diyos ,  ang Allāh SWT at ito ay maliwanag na sinasabi ng Allāh SWT sa Banal na Qur’ān:





 “At Aking nilikha lamang ang Jinns at ang Tao upang Ako ay kanilang sambahin”. (Sūrah Adh-Dhāriyāt 51:56)





Samakat’wid, ang pagsamba sa nilikha na nagbibigay diwa sa pagsamba sa diyus-diyosan ay ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad. Ang sinuman na namatay sa ganitong uri ng pagsamba ay hindi pinapatawad ng Allāh SWT at wala na siyang pagkakataon na makapasok sa Paraiso. Ito ay hindi haka-haka lamang, bagkus ito ay tunay na ipinahayag sa tao ng Allāh SWT sa Kanyang Huling Kapahayagan:





 “Katotohanan hindi pinapatawad ng Allāh ang pagbibigay ng katambal sa Kanya, subali’t Siya ay nagpatawad ng ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang nais”. (Sūrah An-Nisā 4:48, 116)



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG