ANG ALINTUNTUNIN NG HINDI PAGSAGAWA NG SALAH
Isinalin sa Tagalog ni Abdul-Aleem Amil
ISLAMIC EDUCATION FOUNDATION
Jeddah Mushrifah District, Al-Amir Majid St.
P.O. Box 15798 Jeddah 21454, Tel. 6731754/0431; Fax 6731147
Ang pagpupuri ay para sa Allah lamang, nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ay sumasa huling Propeta Muhammad (SAW), at sa kanyang pamilya at mga kasamahan.
Aking kapatid na Muslim, ang maikling babasahin ito ay para sa iyo, ito ay naglalaman ng mga katanungan kay Shaikh\ Muhammad Bin Uthaymin- sumakanya nawa ang mabuting gantimpala ng Allah.
Tanong: Ano ang dapat gawin ng isang tao kapag hindi siya pinapakinggan ng kanyang pamilya tuwing siya ay nag-uutos sa kanila ng pagsasagawa ng Salah? Siya ba ay makikihalo pa rin sa kanila o lalabas na lang siya sa kanyang pamamahay?
Sagot: Kapag ang kanyang pamilya ay hindi na talaga nagsagawa ng Salah sila ay maituturing na mga Kafir (sumusuway) at Murtad (lumabas na sa relihiyong Islam). Hindi na siya maaaring makihalo sa kanila sa loob ng tirahan, ngunit nararapat pa rin na sila ay kanyang anyayahang paulit-ulit at baka maging dahilan pa ito upang Insha Allah gabayan sila ng Allah (SWT).
Ang hindi pagsagawa ng Salah ay kafir (suway) – tayo ay nagpapasakop sa Allah laban sa kasamaan nito – Ang mga sumusunod ay katibayan na nagpapatunay dito: Qur’an, Hadith, sinabi ng mga Sahabah (kasamahan ng Propeta (SAW) at tamang kuru-kuro.
Qur’an – Sinabi ng Allah (SWT) Kapag sila ay nagbalik loob sa Allah at nagsagawa ng Salah at nagbigay ng Zakah (kawanggawa), sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyong Islam. Ang ibig sabihin nito, kapag hindi nila isinasagawa ang mga nabanggit na ito ay hindi natin maituturing na kapatid (sa pananampalataya).
Ang kapatiran sa Islam ay hindi nawawala maliban na lamang sa mga kasalanan na nagtutulak sa mga tao patungo sa labas ng Islam.
* Hadith – Sinabi ng Propeta (SAW): Ang pagitan ng Muslim at ng Kafir (sumusuway) at Shirk (pagtatambal sa Allah) ay ang hindi pagsagawa ng Salah). [Isinalaysay ni Muslim].
Sinabi rin niya sa Hadith na naitala ni Buraydah: Ang pagkaiba lang natin sa kanila (hindi mga Muslim) ay ang Salah, ang sinumang hindi magsagawa nito (salah) ay kafir (sumusuway).
* Kasabihan ng mga Sahaba – Sinabi ni Omar bin Khatta’b-Ameer Moomineen[kalugdan nawa siya ng Allah] – (Walang bahagi sa Islam ang sinumang hindi magsagawa ng Salah). Sinabi rin ni Abdullah bin Shaqiq: Walang itinuring ng mga sahabah na gawa ng kafir maliban lamang sa hindi pagsagawa ng Salah.
* Tamang kuru-kuro – Sa inyong palagay, ang tao kaya na nakababatid ng mga ipinag-utos ng Allah ay hindi ito isasagawa kahit pa nga sabihing konti lamang ang kanyang paniniwala? Sa aking palagay ay hindi maaari!!
Tungkol naman sa mga nagsasabing ito ay hindi nagiging sanhi upang ang isang tao ay lumabas ng Islam, pinag-aralan ko ang kanilang mga katibayan at ito ay alin man sa apat na mga bagay o kadahilanang:
- Sa katunayan wala sila talagang katibayan.
- Kung mayroon man ito ay para lamang sa katangian ng pinagbawalang pansamantala na magsagawa ng Salah.
- O dili kaya ito ay dahil lamang sa pagkakataon na pinayagang hindi muna magsagawa ng Salah.
- O dili kaya ito ay para sa lahat, ngunit nandirito na ang mga Hadith na tumutukoy ng paglabas ng isang tao sa Islam kapag hindi na niya isinasagawa ang Salah.
Kapag napatunayan na ang hindi magsagawa ng Salah ay Kafir, samakatuwid siya ay napapailalim sa alintuntunin ng mga Murtad (lumabas sa Islam) – wala man lang katibayan ang nagsasabi na ang hindi nagsagawa ng Salah ay Mo’min (may pananampalataya), o makakapasok ng paraiso, o di kaya ay ligtas sa impiyernong apoy, at iba pa. Ito ang pinagbabasehan natin na ang alituntunin ng kufir na ang sinumang hindi magsagawa ng Salah matatawag na Kufrun-Niemah (kufr sa biyaya), kasama ang mga sumusunod:-
Una: Hindi siya maaaring ipaasawa sa babaing Muslim, at kung sakali na naikasal siya sa babaing Muslim sila ay dapat paghiwalayin. Sinabi ng Allah (ang papuri ay sa Allah lamang, ang Kataas-taasan) ang tungkol sa mga muha’jira’t (sumama sa Propeta (SAW) na lumisan patungo sa Madinah): [Kung nabatid ninyo na sila ay tunay an mananampalataya, huwag ninyo silang ibalik sa mga walang pananampalataya, sila (mo’mina’t) ay hindi legal o katanggap-tanggap para sa mga kafir ganun din ang mga kafir ay hindi legal o katanggap-tanggap para sa kanila.] Al-Mumtahinah:10
Pangalawa Kapag nangyari, na sa pagkatapos ng kanilang kasal ay hindi na siya nagsasagawa ng Salah, ang kanilang kasal ay walang-bisa, na kung kaya sila ay dapat na paghiwalayin katulad din ng nabanggit sa unang talata. Nagalaw man niya o hindi ang kangyang napangasawa.
Pangatlo: Ang mga pagkaing (hayop) na kanyang kinatay ay hindi maaaring kainin dahil ito ay haram (bawal) para sa mga may paniniwala; hindi katulad ng mga pagkaing kinatay ng mga hudyo at kristiyano na pinahihintulutang kainin. Ipinapakita dito na ang mga hindi nagsasagawa ng Salah ay mas ligaw pa kaysa sa Hudyo at Kristiyano – nau’zu Billah (kami ay nagpapasakop sa Allah laban sa kasamaan nito).
Pang-apat: Hindi siya maaaring makapasok ng Makkah hanggang sa mga hangganan nito. Sinabi ng Allah (ang papuri ay sa Allah lamang, ang Kataas-taasan): {O mga mananampalataya, katunayan ang mga Mushrik (nagtatambal sa Allah) ay marurumi, hindi na sila maaring lumapit o magtungo sa Masjidil Haram pagkatapos ng taon na ito}.
Pang-lima: Wala siyang karapatang magmana sa kanyang mga kamag-anak, at mas may karapatan pa ang mga malayong kamag-anak kaysa sa kanya: Sinabi ni Propeta (SAW) sa Hadith ni Usamah: (Hindi maaaring magmana at magpamana ang Muslim sa kafir ganun din ang kafir sa Muslim) {Bukhari at Muslim}. At sinabi pa ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan): Ibigay ninyo ang mga pamana sa sinumang may karapatan dito, at ang matitira ay para sa malalapit na lalaking kamag-anakan ninyo. [Bukhair at Muslim].
Pang-anim: Kapag siya ay namatay, hindi siya paliliguan, hindi babalutin ng kafan (telang puti) hindi darasalan o ipapanalangin, at hindi rin maaaring ilibing sa libingan ng mga Muslim.
Kung ganoon ano ang gagawin natin sa kanya? Dadalhin natin siya sa disyerto at doon natin siya ilibing kasama na ang kanyang damit.
Dahil dito, hindi makatuwiran sa bawat isa sa atin na kapag may namatay tayong kamag-anak na alam natin na ito ay hindi nagsasagawa ng Salah, tayo ay mag-anyaya sa mga Muslim para siyang ipanalangin.
Pang-pito: Ang kanyang makakasama sa kabilang buhay (sa impiyernong apoy) ay sina Firaun, Ha’man, Qa’ron at Ibnu Khalaf, na mga pinuno ng mga kafir – wal-iya’zu Billah – Siya ay hindi na makakapasok ng paraiso, at hindi maaaring ihingi ng kapatawaran at biyaya ng Allah, dahil siya ay kafir at walang karapatan sa mga ito.
Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW): (Hindi maaaring ipanalangin o ihingi ng kapatawaran ng Propeta at ng mga mananampalataya ang mga Mushrik (nagtambal) kahit pa ito ay malapit na kamg-anak nila, pagkatapos nilang malaman na ang mga ito ay kabilang sa tao para sa naglalablab na apoy).
Mga kapatid, ang bagay na ito ay napakaselan at napakadelikado. Subalit nakalulungkot isipin na sa kabila ng mga kaalamang ito, maaari sa mga tao ang bumabale wala dito, pinatitira pa rin nila sa kanilang pamamahay ang mga tao na hindi nagsasagawa ng Salah samantalang alam nila na ito ay hindi puwede.
Ang Allah lamang ang nakakaalam. Nawa’y ang pagpapala ng Allah ay sumakay Propeta Muhammad (SAW) at sa kanyang pamilya at mga kasamahan.
.