Mga Artikulo

PAGMUMUSLIM SA LOOB NG 7 MINUTO


Pambungad


Sa panimula, ako ay humihiling kay Allah, na yaong lumikha sa atin at lumikha sa lahat ng bagay, na sana ikaw ay Kanyang gagabayan sa daan tungo sa Paraiso na iyong hinahanap.


Lalo na kung alam mo na mayroong higit sa sampung libong relihiyon sa mundong ito. Bawat umaangkin na sila ay nasa tunay na relihiyon, at ang katotohanan ay hindi ito maaring maging tamang relihiyon maliban sa isa lamang sa mga relihiyong ito, at ito ang humahantong sa Paraiso.


Samakatuwid, dapat hanapin ng bawat matinong tao ang tamang relihiyong ito upang manalo ng Paraiso, at makaligtas sa Apoy kahit gaano pa karaming oras at pagsisikap ang kanyang gugugulin.


● Panimula:


Ang pinakatanyag na mga dahilan na nag-udyok sa maraming pastor, iskolar at palaisip mula sa buong mundo sa pagpasok sa Islam, at naging malinaw sa kanila dahil ito sa apat na pangunahing dahilan:


1- Ang Kaisahan ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Kataas-taasan, sinabi ng Allah: {Sabihin mo: Siya ang Allah na Nag-iisa, Ang Allah ang Sandigan, hindi nanganak at hindi ipinanganak, at wala Siyang naging katapat sa sinuman.} 112:1-4


2- Kung ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan, hindi niya kailangan ng tagapamagitan sa pagitan niya at sa Diyos, bagkus siya mismo ang magbalik-loob sa Diyos upang patawarin ang kanyang kasalanan.


3- Ang tao ay isinilang na walang kasalanan, kaya walang magpapasan ng kasalanan ng iba.


4- Pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao, kaya walang pagtatangi sa sinuman kaysa sa iba maliban sa pagkatakot kay Allah.


● Kahulungan ng Islam:


Upang ililinaw sa atin ang kahulugan, kaya't aking babanggitin ito ng maiksi at ipapalinawag ang ilang mga kahulugan ng Islam ayon sa ilang mga Iskolar at Palaisip sa Islam:


● Tinatawag itong Islam (Pagsuko) dahil isinusuko ng Muslim ang kanyang kalagayan sa Allah, at iisahin Siya sa pagkadiyos, at Siya lamang ang sasambahin na walang kasamang iba.


● Ang Islam sa pangkalahatang kahulugan nito ay pagpapasakop sa mga pasiya ng Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos at pag-iwas sa Kanyang mga pagbabawal. At lahat ng mga propeta ay nag-aanyaya dito.


● Ang diwa ng mensahe ng Islam ay kasali ng mensahe ng lahat ng mga propeta at lahat na mga aklat na ipinababa sa mga propeta. Lahat sila ay mula kay Adam, hanggang kay Muhammad (s.a.w) na nagdala ng Islam sa kanyang panahon.


Samakatuwid, nakikita natin na ang mga pundasyon ng mga mensahe ng mga Mensahero at ang mga prinsipyo ng kanilang inaanyaya ay magkatulad, dahil sila ay mga mensahero mula sa Panginoon ng mga Mundo.


Pansinin natin na ang lahat ng mga kahulugang ito ay malapit at kinuha mula sa kung ano ang binanggit ng Allah.


Sa Banal na Quran:


Sinabi ng Allah: {Sabihin ninyo: “Naniwala kami sa Allah, at sa anumang ipinababa sa amin, at sa anumang ipinababa kay Ibrahim, at Ismael at Ishaq at Ya'qub at sa mga apu-apuhan, at anumang ibinigay kay Musa at Eisa, at anumang ibinigay sa mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Hindi namin itinatangi ang pagitan sa isa sa kanila, at kami ay nagpapasakop sa Kanya.”} 2:136 At sinabi ng Allah: { Siya ang nagtakda para sa inyo sa relihiyon kung ano ang Kanyang ipinayo kay Nuh, at sa anumang Aming ipinahayag sa iyo, at anumang ipinahayag Namin kina Ibrahim, at Musa, at Eisa upang inyong itayo ang relihiyon, at huwag kayong maghihiwalay rito. Naging matindi para sa mga tagatambal ang inaanyaya mo sa kanila. Si Allah mismo ang pumipili ng sinumang Kanyang nanaisin, at gagabayan tungo sa Kanya ang sinumang nagbabalik-loob.} 42:13


●Mga Pangunahing Isyu


Dito umiikot ang mga tanong para sa lahat ng mga relihiyon, ngunit ang relihiyong Islam ay natatangi sa kumpletong kalinawan sa pagpapaliwanag ng mga mahahalagang isyung ito:


Ang kuwento ng sangkatauhan, ang pinagmulan ng kasalanan at kapatawaran, ang pagpapadala ng mga mensahero, at ang relasyon sa pagitan ng mga relihiyon.


Ang lahat ng ito ay ipinaliwanag ng mga talata sa Banal na Qur’an:


1 . {At nang sinabi ng iyong Panginoon sa mga Anghel: “Katotohanan, Ako ay gagawa ng kahalili sa kalupaan.” Sila ay nagsabi: “Gagawa Ka ba doon ng sinumang maninira doon, at magdadanak ng mga dugo, samantala kami ay lumuluwalhati sa Iyong kapurian, at Ikaw ay aming binabanal.” Kanyang sinabi: “Katotohanan, Aking nalalaman ang anuman hindi ninyo nalalaman.”} 2:30


2 . {At Kanyang tinuruan si Adam ng lahat ng mga pangalan, at pagkatapos ipinakita ito sa mga Anghel, at Kanyang sinabi: “Balitaan ninyo Ako ng mga pangalan ng mga ito, kung kayo'y makatotohanan.”} 2:31


3 . {Kanilang sabihin: “Kaluwalhatian sa Iyo! Wala kaming kaalaman maliban sa itinuro Mo sa amin. Katotohanan, Ikaw ang Maalam na Marunong.”} 2:32


4 . {Kanyang sinabi: “Oh Adam, balitaan mo sila ng mga pangalan ng mga ito.” At nang binalita sa kanila ang mga pangalan, kanyang sinabi: “Hindi Ko ba sinabi sa inyo na tunay Ako ang higit na nakakaalam ng lingid sa mga kalangitan at sa kalupaan? at Ako ang nakakaalam sa anumang inyong inilalantad, at inyong mga ikinukubli.”} 2:33


5 . { At nang sinabi Namin sa mga Anghel: “Magpatirapa kayo kay Adam!” Kaya sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis. Siya ay tumanggi at nagmalaki, kaya siya'y nakasali nga sa mga mapagtakwil.} 2:34


6 . {At nang sinabi Namin: “Oh Adam, ikaw ay tumira at ang iyong asawa sa Paraiso, at kumain kayong dalawa mula doon nang may kaaya-aya saanman inyong nais, at huwag kayong lalapit sa punong ito at saka magiging mapang-api.”} 2:35


7 . { At saka inilihis sila ni satanas, kaya napaalis silang dalawa dati roon sa kanilang kalagayan. At Kanyang sinabi: “Bumaba kayo bilang mga kaaway sa isa't isa, at para sa inyo ang kalupaan bilang tirahan, at kasiyahan hanggang sa sandali.”} 2:36


8 . {Pagkatapos tinanggap ni Adam mula sa kanyang Panginoon ang mga salita, kaya napatawad siya. Katotohanan, Siya ang Tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.} 2:37


9 . {At Aming sinabi: “Bumaba kayong lahat doon! Saka talagang may darating na patnubay sa inyo mula sa Akin. Kaya ang sinumang sumunod sa Aking patnubay ay wala silang katatakutan, at hindi sila malulungkot.”} 2:38


10 . { At mga yaong nagtakwil at nagpabulaan sa Aming mga palatandaan, samakatuwid sila ang mga makakasama sa Apoy kung saan mananatili sila roon magpakailanman.} 2:39


Mula dito ay naging malinaw na ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon, sa halip ito ay isang relihiyon ng likas at relihiyon ng lahat ng mga Propeta.


Ang Islam ay may anim na Haligi ng Paniniwala:


1 - Paniniwala sa Allah: Na Siya ang talagang Tagapaglikha, ang Hari, ang Tagaplano. At Siya ay nag-iisa lamang na karapat-dapat sa pagsamba. Meron Siyang Magagandang Pangalan at Kataas-taasang Ganap na mga Katangian. Sinabi ng Allah: {Sabihin mo: Siya ang Allah na Nag-iisa, Ang Allah ang Sandigan, hindi nanganak at hindi ipinanganak, at wala Siyang naging katapat sa sinuman.} Qur'an 112:1-4


2 - Paniniwala sa mga Anghel: Sila ay mararangal na mga alipin na nilikha ng Allah na Makapangyarihan sa lahat, kaya tumindig sila sa pagsamba sa Kanya, at nagpasakop sa pagsunod sa Kanya. At italaga sila sa mga iba't ibang gawain, kasama na dito sina Jibrel, Mikael, at Israfil, at ang anghel ng kamatayan na ipinagkatiwala sa paghugot ng mga kaluluwa.


3- Paniniwala sa mga Aklat: Ito ay paniniwala sa mga Aklat ng Allah na ipinababa sa mga Propeta at Mensahero, tulad ng Torah kay Moses, at ng Injil kay Jesus, at ng Zabur kay David, at ng Suhud kay Abraham, at ang panghuli ay ang Qur’an na


nakabuod rito ang mga naunang aklat. At si Allah mismo ang nangangalaga rito, at mananatiling isang argumento laban sa lahat ng nilikha hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay.


4 - Paniniwala sa mga Mensahero: Nagpadala ang Allah ng mga sugo sa Kanyang nilikha, at nauna sa kanila si Noah. Pagkasunod ay dumami ang bilang ng mga propeta, kasama sina Abraham, Moses at Jesus, sumakanila nawa ang kapayapaan. At ang panghuli sa kanila ay si Muhammad (s.a.w) bilang pangselyo ng Allah sa mga mensahe at ipinadala siya sa lahat ng mga tao, at saka walang propeta pagkatapos niya.


5- Paniniwala sa Huling Araw: Ito ang Araw ng Muling Pagkabuhay kung saan titipunin ng Diyos ang lahat ng nilikha kapag binubuhay-muli ang mga tao mula sa kanilang mga libingan upang manatili, kung sa kaligayahan ng Paraiso o sa pagdurusa sa Impiyerno.


6- Paniniwala sa Tadhana, mabuti man at masama: Ito ang paniniwala na itinalaga ng Allah ang lahat ng nilalang at nilikha sila. At katotohanan, alam ng Allah ang mga gawain ng Kanyang mga alipin, at tadhana ng Kanyang nilikha bago pa Niya sila'y likhain. At ipinasulat Niya ang mga iyon sa Lawhul-Mah'fud, ang anumang nangyari sa tao ay hindi para siya ay maliin, at anumang pagkamali niya ay hindi para siya'y itama.


Gayundin, ang Islam ay nakabatay sa Limang Praktikal na Haligi:


1 - Ang Unang Haligi: Shahadah o Pagpapatotoo na walang diyos maliban kay Allah at si Muhammad ay Mensahero ng Allah. At ito ang susi ng Islam at pundasyon na kung saan itinayo dito.


2 - Ang Ikadalawang Haligi: Salah o Pagdarasal, at ito ang pinakamatinding haligi ng Islam. Limang pagdarasal na isinasagawa sa umaga at gabi na magiging ugnayan sa pagitan ng alipin at ng kanyang Panginoon, para siya'y manawagan sa Kanya at manalangin. At saka matatamo ng isang alipin ang pansariling kaginhawaan at pangkatawan na nagpapasaya sa kanya sa mundo at sa kabilang buhay.


3 - Ang Ikatlong Haligi: - Zakat, na isang maliit na halaga ng kawanggawa na obligado para sa mga mayayaman para ibigay sa mga mahihirap. Bilang lilinisin kung anong meron sa kanila, at aaliwin ang mga nangangailangan, at itakwil ang mga pinsala sa kanilang mga ari-arian.


4 - Ang Ikaapat na Haligi: Pag-aayuno sa mapagpalang buwan ng Ramadan, ang ikasiyam na buwan ng Hijri. Ang lahat ng mga Muslim ay nagtitipon upang iwanan ang kanilang mga pagnanasa para sa pagkain, inumin at pakikipagtalik mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.


5 - Ang Ikalimang Haligi: Hajj, na pupunta sa Sagradong Bahay ng Allah upang magsagawa ng isang nakatanging gawain ng pagsamba sa isang tiyak na panahon na ipinataw ng Allah sa may kakayahan ng isang beses lamang sa isang buhay. Ang mga Muslim mula sa lahat ng dako ay nagtitipon sa pinakamagandang bahagi ng mundo at nagsusuot ng iisang kasuotan na walang pagkakaiba sa kanilang pagitan, sa pagitan ng pinuno at ng nasasakupan, at sa pagitan ng mga mayayaman at mga mahirap, gayundin sa mga puti at itim.


● Ito ang Islam:


● Isang makatotohanang relihiyon na naaayon sa likas ng tao, at sa buhay ng kanyang pamilya, at indibidwal at pangkat. Sa paraang ginagarantiya ang kanilang kaligayahan sa mundong ito at sa kabilang buhay, kaya pinahintulutan Niya sa lahat ang mga bagay-bagay na merong pakinabang tulad ng kasal, kalakalan at lahat ng magagandang bagay. At lahat ng bagay na nakakasama ay ipinagbabawal, tulad ng pangangalunya, kabaklaan, alak, droga, at iba pang mga masasama.


● Ang Islam ay isang relihiyon na kinabibilangan ang ugnayan ng pagitan ng isang alipin at ng kanyang Panginoon, na ipinapaliwanag sa kanya kung ano ang kanyang gagawin at kung ano ang dapat niyang iwasan sa lahat na may katumpakan, kalinawan at kadalian. Gayundin ipinaliwanag sa kanya ang relasyon niya sa lahat ng tao sa lahat ng kanyang mga gawain, para siya ay lumalakad sa kaliwanagan hanggang sa matagpuan niya ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.


● Ang Islam ay isang relihiyon na umaayon sa espirituwal at pisikal na pangangailangan.


● Ang relihiyon ng kalinisan sa moral at pandama gaya ng pagligo pagkatapos ng pakikipagtalik, at pagligo sa araw ng Biyernes, at pagwuwudu ng limang beses sa


isang araw, at paglagay ng palamuti para sa pagdarasal, at pagtutuli, at pag-ahit ng buhok sa maselang bahagi, at sa kili-kili, at iba pa.


● Relihiyon na humihimok sa pagiging makatwiran sa mga magulang at pagtataguyod ng mga ugnayan sa kamag-anak.


● Relihiyon na nagpapayo sa pagiging mabait sa kapit-bahay, at pag-aalaga sa mga matatanda, balo at nangangailangan.


● Relihiyon na nag-aanyaya sa kaalaman at paggawa at inuugnay ang pagitan ng katwiran at kaalaman.


● Relihiyon na lumigtas sa mga kababaihan at umingat sa kanilang mga karapatan, na nagbibigay sa kanila ng karapatang panatilihin ang kanilang yaman na may sustento mula sa kanyang asawa, may karapatan sa pangalan ng kanyang pinagmulan, kaya hindi siya sinasali sa angkan ng kanyang asawa, bagkus sa pangalan lamang ng kanyang pamilya, at meron siyang karapatang gumastos. Kung siya ay isang ina, kapatid na babae, o kamag-anak, ay meron siyang karapatang makipaghiwalay, at karapatang humiling ng diborsiyo. Nakatangi para sa kanya ang isang tumpak at komprehensibong sistema para sa lahat niyang ginagawa at ginagarantiya ang kanyang mga karapatan.


● Paano maging Muslim


Sa pamamagitan ng pagbigkas ng dalawang pagsasaksi “Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban kay Allah, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Mensahero ng Allah” at pagkatapos ay maligo at magsagawa ng mga ritwal ng Islam at hindi kondisyon na pumunta sa masjid at doon mismo banggitin ang mga ito, at saka maging Muslim ka.


● Pangwakas


Ang relihiyong Islam ay relihiyon na kinalugdan ng Allah para sa Kanyang nilikha, isang madaling relihiyon, nang walang kahirap-hirap, at walang pabigat. Hindi nagtatalaga sa mga tagasunod na gawin ang hindi nila kayang gawin. Isang relihiyon na ang pundasyon nito ay ang pagsamba sa Diyos lamang, at ang sagisag nito ay katapatan.


Walang anuman sa batas ng Islam na hindi mauunawaan ng mga isip, pati na rin ang mga utos nito, lahat ng mga ito ay makatarungan. At tuwing pinag-iisipan ng


matino na tao na nakauunawa ang mga tuntunin ng Islam ay kanyang masusumpungan na ito ay nanawagan sa mabuting asal, na nag-aanyaya sa katapatan, kalinisang-puri, katarungan, pagtupad sa mga pangako, pagtupad sa mga tiwala, paggalang sa panauhin, at pagiging marangal. Nag-aanyaya ito sa pagtatamasa ng mga kasiyahan ng buhay na may layunin at katamtaman, at hindi nag-uutos ng anuman kundi bumabalik sa indibidwal at sa pangkat ng kaligayahan at tagumpay. At hindi nagbabawal bukod sa nagdudulot ng kapighatian at pinsala sa mga alipin.


Bilang pagtatapos, hinihiling ko sa Allah na buksan ang iyong puso sa pagsamba sa Kanya at bigyan tayo ng katapatan sa ating mga sinasabi at gawain. Katotohanan, Siya ang Tagapag-alaga at May kakayahang gawin ito.


Mga Nilalaman


● Pagbungad


● Ang pinakatanyag na apat na dahilan na umudyok sa maraming pari at iskolar na magbalik-Islam.


● Ang kahulugan ng Islam.


● Mga Pangunahing Isyu: Ang kuwento ng sangkatauhan, ang pinagmulan ng kasalanan, at ang relasyon sa pagitan ng mga relihiyon.


● Mga Haligi ng Pananampalataya.


● Mga Haligi ng Islam.


● Isa sa mga Kagandahan ng Islam.


Isinulat ni / Sulaiman bin Ahmad Al-Yahya


Huwag mag-atubiling mag-e-mail ng anumang mga katanungan o kahilingan para sa pag-uusap


(w2345yw2345y@gmail.com)



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG