Si Salman Al-Farsi ay isa sa mga sahabah. Siya ay tinutukoy din bilang si Salman ang Persiyano. Ang bansang Fars ay naging kilala bilang Persiya. Siya ay pinaniniwalaang ipinanganak sa isang napakayaman at maimpluwensiyang pamilya. Si Salman ay naging isang Kristiyano, nilisan ang tahanan ng kanyang ama, at sinimulan ang isang mahabang relihiyosong pananaliksik. Naglakbay siya sa Sirya at pagkatapos sa gitnang Arabya, hinahanap ang propetang siyang, sinabi sa kanyang, magbabalik buhay sa relihiyon ni Propeta Abraham. Sa kanyang paglalakbay ay ipinagbili siya sa pagkaalipin. Si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ang nag impluwensya sa pagtiyak ng kalayaan ni Salman at siya ay nagpatuloy na maging isa sa mga pinakamalapit na kasamahan ng Propeta, isang makabago at mapamaraang mandirigma at isang dakilang pantas ng Islam.
Si Salman, na ang pangalan sa kapanganakan ay Rouzeba ay isinilang noong mga 565 CE sa nayon ng Jayyan sa Isfahan, Persiya. Ang kanyang ama ay ang pinuno ng nayon at isang mayaman at maimpluwensiyang tao. Siya ay nagmamay-ari ng isang malaking tahanan sa isang mayamang lupain at siya rin ang lokal na Zoroastriyanong pari. Si Salman ay pinalaki sa Zoroastriyanong pananampalataya na kung saan ang apoy ay sumisimbolo subalit ito rin ang pina sentro ng kanilang paniniwala. Sa murang gulang si Salman ay napakatalino tungkol sa kanyang sariling pananampalataya dahilan para siya ay atasan bilang 'Tagapangalaga ng Apoy'. Ang ama ni Salman ay labis na nakatuon sa kanya at nais na panatilihin siyang malapit sa tahanan na hindi kailanman hinahayaang makalayo sa lupain o sa templo. Si Salman gayunpaman ay naging marubdub ang pagnanais na matutu sa mga bagay bagay at kaalaman na naging dahilan upang siya ay maghanap nito pag siya ay may pagkakataon.
Isang araw ang ama ni Salman ay abalang-abala at ipinadala ang kanyang anak sa malayong nararating ng kanyang lupain upang pangasiwaan ang ilang negosyo; Si Salman ay hindi nakarating ng ganoon kalayo. Sa daan ay naulinigan niya ang kaaya-ayang tunog ng mga Kristiyanong nagdarasal. Si Salman ay nahatak sa relihiyong Kristiyano subalit sa kanyang pagbabalik sa bahay ay napigilan ang kanyang paghahanap ng higit pa o sumapi sa kanilang kongregasyon. Ang kanyang ama ay sapilitang pinigilan si Salman subalit siya ay nakaalpas at sumama sa isang Kristiyanong karaban na naglalakbay sa buong Sirya. Kaya iniwan niya ang kanyang bansa para sa maaaring mailarawan bilang isang espirituwal na paglalakbay ng kaliwanagan.
Si Salman ay naging kristyano sa ilalim ng pangangasiwa ng isang monghe na kasama niyang naglakbay nang ilang taon. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pananaliksik para sa kaalaman at naglakbay patungo sa Peninsula ng Arabya. Nakipag-ugnayan siya sa maraming mga Kristiyano, mga monghe, mga mangangaral at mga pari subalit walang may mas hihigit na kakayahan kaysa kanyang mga dating guro. Isang araw ay nakilala niya ang isang napakatanda at may karamdamang pari na nagsabi kay Salman tungkol sa pagdating ng huling propeta sa Yathrib [1] at ipinaalam sa kanya na ang mga katangian ng propetang ito ay binanggit at inilarawan sa Bibliya.
Lumisan si Salman patungo sa lungsod ng Yathrib kasama ng isang Arabong karaban. Hindi kalaunan ang mga arabo ay sumira sa kanilang kasunduan at ginawa siyang bihag. Pagkalipas ng ilang araw si Salman ay ipinagbili sa isang lalaking nabibilang sa isang tribo ng Hudyong mula sa Yathrib. Kaya si Salman ay dumating sa Yathrib mga ilang taon bago ang Propeta Muhammad at sa loob ng mga taong yaon siya ay niligalig, pinahirapan at inabuso.
Bago pa man nakilala at nakausap ni Salman si Propeta Muhammad ang kanyang pananaliksik para sa katotohanan ay kahanga-hanga at hindi katulad ng pananaliksik na ginagawa ng maraming tao ngayon. Hindi karaniwang maririnig sa mga bagong Muslim na nagpalipat lipat ng relihiyon sa layuning mahanap ang katotohanan at para sa kislap (sign) na tanging ang kanilang kaluluwa lamang ang nakakakilala. Magkaganoon si Salman ay gumugol ng maraming mga taon sa paghahanap ng kaalaman at napagtantong may hinahanap pa siya. kanyang pinagtiisan ang pagdadalamhati at pang-aabuso at ang kanyang pagtitiis sa harap ng kahirapan ay malapit nang magkaroon ng isang kalugud-lugod na bunga.
Nang unang marinig ni Salman ang tungkol sa pagdating sa Yathrib ng isang lalaking nagsasabi sa kanyang sariling na isang propeta, nanabik siyang makilala siya at gumawa ng paraan upang makatakas sa mga mata ng kanyang malupit na amo at makaharap ang lalaking yaon. Nahanap ni Salman ang isang paraan upang matiyak ang mga palatandaan tungkol sa pagka-propetang sinasabi ng matandang pari sa kanya at nang siya ay makatiyak tungkol sa mga palatandaang yaon, inilapit niya ang kanyang sarili sa Propeta Muhammad na tumatangis at hinahalikan ang kanyang mga kamay at paa. Si Propeta Muhammad ay inangat siya patayo at sinabi, "O Salman, isiwalat ang iyong salaysay". [2] Ang mga sahabah ay nakinig sa pagkamangha marahil sa halos parehong paraan na ang mga ipinanganak na Muslim ngayon ay nakikinig sa mga salaysay ng mga yaong nagbalik sa Islam na kadalasang iniiwan ang lahat ng bagay upang magawa ito.
Pakinggan natin kung ano ang sasabihin mismo ni Salman tungkol sa sumunod na nangyari. Siya ay nagsimula ng... "Nang matapos na ako, ang Propeta ay nagsabi, 'O Salman! Makipagkasundo ka sa nagmamay-ari sa iyo upang palayain ka.' Ang aking amo ay sumang-ayon na palayain ako na ang kapalit ay ang mga sumusunod: 'Tatlong daang mga puno ng datiles, gayundin ang isang libo, anim na raang pilak na barya. 'Kaya, ang mga sahabah ay tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dalawampu hanggang tatlumpung mga halaman ng datiles bawat isa .... Ang Propeta ay sinabi sa akin, 'Humukay ng isang butas para sa bawat halaman ng datiles. Kapag natapos na kayo, ipaalam niyo sa akin upang ang sarili ko mismong mga kamay ang magtanim ng mga halaman ng datiles. 'Kaya, sa tulong ng aking mga kaibigan, humukay kami ng mga butas kung saan itatanim ang mga halamang datiles.
Di naglaon, dumating ang Propeta. Tumayo kami sa kanyang tabi na hawak ang mga halaman habang isinasaayos niya ang mga ito sa lupa ... wala kahit isang halaman ang namatay ... Mayroon pa rin akong pilak na dapat bayaran. Isang lalaki ang dumating na may ginto na halos kasing laki ng itlog ng isang kalapati. Sinabi ng Propeta, 'O Salman! Kunin ito at bayaran ang anumang dapat mong bayaran. Si Allah ay tiyak na gagawing sapat ito para sa iyong utang.' Lumampas pa ng isang libo, anim na raang mga barya ang halaga nito. Hindi ko lang nabayaran ang aking mga bayarin, subalit ang natira sa akin ay katumbas pa ng anumang ibinigay ko sa kanila."
Muli ang kasaysayan ni Salman ay hindi naiiba sa mga kasaysayang naririnig natin mula sa mga bagong Muslim ngayon. Maraming ganitong mga storya na tungkol sa mga pagpapala ni Allah na bumubuhos kanila, o ang kanilang du'a na natutugunan kaagad. Si Allah espesyal na pinangangalagaan ang mga bagong Muslim at nalalaman Niya ang mga paghihirap na kanilang kinakaharap at ang mga pakikibakang darating. Si Salman ay isang dakilang halimbawa kung paano ang isang nagbalik sa Islam ay nagawang yakapin ang kanyang bagong relihiyon at paraan ng pamumuhay. Pinatunayan niyang ang pananaliksik ng kaliwanagan sa huli ay aakay sa kanya sa katotohanan. Si Salman ang unang tao mula sa Faris na nagbalik sa Islam at ang unang taong kilalang naisalin ang mga bahagi ng Qur'an sa wikang maliban sa ibang wika ( mula sa arabik). Siya ay kilala sa Islamikong kasaysayan para sa kanyang mga makabagong pamamaraan ng pakikidigma at kanyang pagiging malapit sa Propeta Muhammad. Si Salman Al-Farsi ay nag-iwan ng kanyang natatanging marka sa kasaysayan ng Islam at pinaniniwalaang namatay noong mga 655 CE.