Mga Artikulo

Mga Layunin





·       Upang pahalagahan na si Propeta Muhammad ay isang huwaran para sa sangkatauhan na dapat tularan.





·       Upang malaman ang kanyang katangian bago pa siya hirangin bilang  propeta ng Allah.





·       Upang malaman ang tungkol sa katapatan at pagtitiis ni Propeta Muhammad.





Mga Terminolohiyang Arabik





     ·       Ameen - mapagkakatiwalaan.





·       Sadiq - makatotohanan.





Bago pa siya maging Propeta


Morals-of-Prophet-part-1.jpgAng Propeta ay isang mapagkakatiwalaan at tapat na tao bago pa man niya natanggap ang kapahayagan. Kailanman ay hindi siya nagtaksil kaninuman, o kaya'y nagsinungaling o nandaya man. Kilala siya ng mga tao bilang ‘Al-Ameen’, o ‘Ang Mapagkakatiwalaan’. Ipinagkakatiwala sa kanya ng mga tao ang kanilang mga mahahalagang bagay kapag nais nilang maglakbay. Kilala rin siya bilang ‘As-Sadiq’ o ‘Ang Makatotohanan’ sapagkat hindi siya kailanman nagsinungaling. Siya ay may mahusay na pag-uugali, mahusay na pananalita, at maibigin sa pagtulong sa kapwa. Siya ay minamahal ng mga tao at iginagalang at taglay niya ang kagandahan ng paguugali. Bago pa maging isang propeta, hindi siya umiinom ng alak, sumasamba sa estatwa o rebulto, o manumpa sa pamamgitan ng mga ito.                                                                                                            Nang Siya ay Maging Propeta





 





Ang Allah ay nagsabi:





“Katotohanan, ikaw ay may mahusay na pag uugali.” (Quran 68:4)





Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay isang huwaran na dapat tularan ng sangkatauhan.  Tinanong ang kanyang asawa na si Aisha tungkol sa kanyang pag uugali, at siya ay nagsabi,





“Ang kanyang pag uugali ay ang Quran.”





Ibig niyang sabihin na ang Propeta ay sumusunod sa batas, kautusan, at mga ipinagbabawal sa Quran. Sinabi niya patungkol sa kanyang sarili:





“Ipinadala ako ng Allah sa ganap na pag uugali at paggawa ng kabutihan.”[1]





Si Anas, anak ni Malik, ay naglingkod sa kanya ng sampung taon.  Si Anas ay kasama niya buong araw at may kaalaman sa kanyang mga kaugalian. Inilarawan ni Anas:





“Walang sinuman ang sinumpaan ng Propeta, at di rin naging bastos,  ni sinumpa ang sinuman. Kung mayroon siyang nais pagsabihan, kanyang sinasabi: ‘Ano ang nangyari sa kanya, sabuyan sana siya ng alikabok sa mukha!’”[2]





Katapatan at Pagiging Mapagkakatiwalaan


Si Propeta Muhammad ay kilala sa kanyang katapatan. Ang mga pagano ng Mecca, na hayagang napopoot sa kanya, ay nagiiwan ng kanilang mga mahahalagang bagay dahil wala pa namang bangko noon. Ang kanyang katapatan ay nasubukan noong ang mga pagano ng Mecca ay inabuso at pinahirapan ang kanyang mga kasamahan at pinalayas sa kanilang mga tahanan. Inutusan niya ang kanyang pinsan, na si Ali na iantala ang kanyang paglikas papuntang Madina ng tatlong araw upang ibalik sa tao ang kanilang mahahalagang bagay. 





Isa pang halimbawa ng kanyang katapatan ay naipakita sa Kasunduan sa Hudaibiyah[3].  Ang mga alituntunin sa kasundusan ay sinuman na umalis sa Propeta ay hindi na ibabalik pa sa kanya, subalit sinuman ang umalis sa Mecca ay ibabalik sa kanila.  Isang lalaking nagnga-ngalang Abu Jandal ang nakatakas mula sa mga pagano ng Mecca at sumama sa Propeta. Hiniling ng mga pagano na kilalanin ni Propeta Muhammad ang kanilang kasunduan at isauli ang lalake. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: 





“O Abu Jandal!  Maging matiisin at hilingin sa Allah na bigyan ka ng tiyaga.  Katiyakang tutulungan ka ng Allah at maging ang mga inaapi na maging magaan ito para sa iyo.  Kami ay nakipagkasundo sa kanila, at kami ay hindi maaaring tumalikod o magtaksil.”[4]





Pagtitiis at Pagtitimpi


Sinabi ni Anas:


“Minsan, ako ay naglalakad kasama ng Sugo ng Allah habang suot niya ang balabal na gawa sa Yemen na may kwelyong magaspang ang mga gilid. Isang Bedouin ang humaltak sa kanya ng malakas. Tinignan ko ang gilid ng kanyang leeg at nakita kong nagmarka sa kanyang leeg ang gilid ng balabal. Ang Bedouin ay nagsabi, ‘O Muhammad! Bigyan mo ako (ng ilan) sa mga kayamanan ng Allah na mayroon ka.' Ang Sugo ng Allah ay lumingon sa Bedouin, ngumiti at nag utos na bigyan siya ng (ilang salapi).”[5]





Isa pang halimbawa ng kanyang pagtitiis ay ang kuwento ng Hudyong Rabbi, Zaid bin Sa’nah. Si Zaid ay nagpautang sa Sugo ng Allah. Siya mismo ang nagsabi,





“Dalawa o tatlong araw bago ang pagbabayad ng utang, ang Sugo ng Allah ay sumama sa libing ng isang lalaking mula sa mga Ansar.  Sina Abu Bakr at Umar, Uthman at ilang mga Kasamahan ay kasama rin ng Propeta.  Pagkatapos niyang magdasal para sa panalangin sa libing siya ay umupo malapit sa dingding, at pinuntahan ko siya, hinawakan ko sa dulo ng kanyang balabal, at tinignan ko siya ng masama, at nagsabi: ‘O Muhammad! Hindi mo ba babayaran ang utang mo? Ang pamilya ni Abdul Muttalib ay hindi kilala sa pag-aantala ng pagbabayad sa utang!’





Tinignan ko si Umar ibn Al-Khattab - namumula ang kanyang mata sa galit! Tinignan niya ako at nagsabi: ‘O kalaban ng Allah, maghinay-hinay ka sa kanya?! Sumpa man sa Kanya na nagsugo sa kanya sa katotohanan, kung hindi lamang sa takot na hindi ako makapasok sa Paraiso, pupugutan kita ng ulo sa pamamagitan ng espada ko!’ Kalmado at mapayapang tiningnan ng Propeta si Umar, at nagsabi: ‘O Umar, dapat ay binibigyan mo kami ng taos-pusong pagpapayo, kaysa gawin ang tinuran mo! O Umar, bayaran mo ang kanyang pinahiram, at dagdagan mo dahil tinakot mo siya!’”





Sinabi ni Zaid: “Pumunta sa akin si Umar, at binayaran ang utang, at binigyan ako ng sobrang dalawampung sa’a[6] ng datiles.  Tinanong ko siya: ‘Ano ito?’ Siya ay nagsabi: ‘Ang Sugo ng Allah ay nag utos sa akin na ibigay ito, dahil tinakot kita.’” Si Zaid kapagdaka ay nagtanong kay Umar: “O Umar, kilala mo ba kung sino ako?” Si Umar ay nagsabi: “Hindi, Hindi kita kilala?” Si Zaid ay nagsabi: “Ako ay si Zaid ibn Sa’nah.”  Si Umar ay nagtanong: “Ang Rabbi?” Si Zaid ay tumugon: “Oo, ang Rabbi.”  Si Umar ay nagsabi: “Papaano mo nagawang pagsabihan ng ganoon ang Propeta at gawin ang iyong ginawa sa kanya?” Si Zaid ay sumagot: “O Umar, nakita ko ang lahat ng mga tanda ng pagkapropeta sa mukha ng Sugo ng Allah maliban sa dalawa – (una) ang kanyang pasensiya at pagtitimpi ay nagingibabaw sa kanyang galit at ang pangalawa, gaano mo man siya pagmalupitan, ay mas nagiging mabait at mapagtimpi siyang lalo, at kumbinsido na ako ngayon.  O Umar, ikaw ang aking saksi na pinapatotohanan ko at ako ay kumbinsido na walang totoong Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah lamang, at ang aking relihiyon ay Islam at si Muhammad ang aking Propeta.  Ikaw rin ang aking saksi na ang kalahati ng aking kayamanan - at ako ay kabilang sa pinakamayaman sa Madina - ay ipinagkakaloob ko alang-alang sa Allah sa mga Muslim.” Si Umar ay nagsabi: “Hindi mo maipapamahagi ang iyong kayamanan sa lahat ng Muslim, kaya't sabihin mo, ‘Ipagkakaloob ko ito sa ilang mga taga-sunod ni Muhammad.’” Bumalik sina Zaid at Umar sa Sugo ng Allah. Sinabi ni Zaid sa kanya: “Ako ay sumasaksi na walang totoong diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Allah lamang, at si Muhammad ay alipin ng Allah at Kanyang Sugo.” Naniwala siya sa kanya, at sumaksi sa maraming mga labanan at namatay sa Digmaan sa Tabuk habang hinaharap ang kalaban - kahabagan nawa ng Allah si Zaid.[7]





Isang dakilang halimbawa ng kanyang pagpapatawad at pagtitimpi ay makikita nang pinatawad niya ang mga taga-Mecca pagkatapos ng pagkakasakop nito.  Nang tinipon ng Sugo ng Allah ang mga tao; na umabuso, nanakit at nagpahirap sa kanya at sa kanyang mga kasamahan, at nagpalayas sa kanila sa lungsod ng Mecca, sinabi niya:





“Ano ang iniisip ninyong gagawin ko sa inyo?” Sila ay sumagot: “Gagawin mo lamang ang kanais-nais; ikaw ay mabuti at mapagbigay na kapatid, at isang mabait at mapagbigay na pamangkin!” Ang Propeta ay nagsabi: “Humayo kayo - malaya kayong gawin ang gusto n'yo.”[8]


Katapatan


Si Aisha, asawa ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:





“Ang pag-uugali at katangian na lubhang hindi nagugustuhan ng Propeta ay pagsisinungaling.  Kapag may isang tao na nagsasabi ng isang kasinungalingan sa harapan ng Propeta ay pinanghahawakan niya ito laban sa kanya, haggang sa malaman niyang pinagsisihan na niya ito.”[1]





Kamangha-manghang maging ang kanyang mga kalaban ay nagpapatotoo sa kanyang katapatan. Si Abu Jahl, isa sa mga matinding kalaban ng Islam, ay nagsabi: “O Muhammad! Hindi ko sinasabing ikaw ay sinungaling! Tinatanggihan ko lamang ang dala-dala mo at ang ipinapanawagan mo sa mga tao.” Ang Allah ay nagsabi:





“Katotohanang batid namin ang dalamhati na idinudulot ng kanilang salita sa iyo, katiyakang hindi nila ikaw  matatawag na sinungaling; ngunit silang mga hindi makatarungan ang nagtatakwil sa mga talata ng Allah.” (Quran 6:33)





Matapang at Magiting 


Si Ali ay nagsabi:





“Kung nakita mo lamang siya sa Araw ng Badr! Kami ay kumanlong sa Sugo ng Allah. Siya ang pinakamalapit sa amin sa mga kaaway.  Sa araw na iyon, Ang Sugo ng Allah ang siyang pinakamalakas sa amin.”[2]





Si Anas, na nagsasabi tungkol sa kanyang katapangan sa sandali ng kapayapaan, ay nagwika:





“Ang Sugo ng Allah ang pinakamahusay na tao at ang pinaka-magiting. Isang gabi, ang mga taga-Madina ay natakot at nagsipuntahan sa pinanggalingan ng mga tunog na kanilang narinig sa gabi. Sinalubong sila ng Sugo ng Allah matapos manggaling sa pinangalingan ng tunog, tiniyak niyang walang anumang problema.  Nakasakay siya sa kabayo na pag-aari ni Abu Talha nang walang anumang upuan, at dala niya ang kanyang espada.  Sinisiguro niya sa mga tao, nagsasabing: ‘Huwag matakot! Huwag matakot!”[3]





Nakita siya ng mga tao na nakasakay sa kabayo na walang upuan, at dala niya ang kanyang espada.  Nanguna siya at hindi na naghihintay pa sa iba upang siyasatin ang pinanggalingan ng gulo.





Katarungan at Katapatan


Ang Sugo ng Allah ay makatarungan sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay at sa paggamit ng relihiyon.  Sinabi ni Aisha:





“Ang mga Quraish ay labis na nag aalala tungkol sa isang babae mula sa tribo ng Makhzum na nagnakaw. Habang tinatanong ang kanilang mga sarili, sila ay nagsabi, ‘Sino ang maaaring mamagitan para sa kanya sa Sugo ng Allah?’





Sa wakas ay sinabi nila: ‘Sino ang may lakas ng loob na makipag-usap sa Sugo ng Allah sa bagay na ito maliban kay Usama, ang anak ni Zaid, ang pinakamamahal na batang lalake ng Sugo ng Allah.’ Kaya't nakipag usap si Usama sa Sugo ng Allah hinggil sa babae. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:





‘O Usama! namamagitan ka ba (para sa kanila upang pabayaan)  sa  isa sa mga kaparusahan ng Allah!’





Tumayo ang Sugo ng Allah at nagbigay ng talumpati, nagsasabing:





‘Ang mga tao bago pa kayo ay nilipol dahil kapag ang marangal sa kanila ay nagnakaw, ay pakakawalan nila siya at kapag ang mahirap at mahina ay nagnakaw ay pinaparusahan nila. Sumpa man sa Allah! Kung si Fatima, anak ni Muhammad ay magnakaw, puputulin ko ang kanyang kamay.’”[4]





Sa masidhi niyang pagkamakatarungan ay pinahintulutan niya ang iba na maghinganti sa kanya kung nasaktan niya sila.  Si Usaid, anak ni Hudhair, ay nagsabi:





“Isang lalake mula sa mga Ansar, ay nagpatawa sa mga tao at napatawa niya sila, at ang  Propeta ay hindi sinasadyang nahampas siya ng bahagya ng isang sanga ng kahoy na kanyang dala-dala.





Napasigaw ang lalaki: ‘O Propeta ng Allah! Hayaan mong maipaghiganti ko ang aking sarili!’





Ang Propeta ay nagsabi: ‘Sige lang!’





Ang lalaki ay nagsabi: ‘O Sugo ng Allah, ikaw ay may suot na damit, at ako ay wala nang nahampas mo ako (i.e. nahampas mo ang nakalantad kong balat, kaya't patas lamang kung gagawin ko rin ito sa iyo)!’





Ang Sugo ng Allah ay iniangat ang kanyang damit pang-itaas(upang ilantad ang isang bahagi), at ang Ansari hinalikan (lamang)  ito, at nagsabing: ‘nais ko lamang gawin ito, O Sugo ng Allah!’”[5]





Kabaitan at Pagkamahabagin


Ang Propeta ang pinakamabait sa mga tao at ito ay makikita sa kanyang pakikitungo sa mga bata.





“Ang Sugo ng Allah ay nagsagawa ng salah (pagdarasal) habang may dala-dala siyang bata na nagngangalang Umama, anak ni Abul-Aas.  kapag siya ay yuyuko, inilalagay niya siya sa sahig, at kapag tatayo, kukunin niya itong muli.”[6]





Katapatan


Ang Propeta ay tunay at tapat sa lahat ng bagay, ang Allah ay pinag-utusan siya sa Quran:





“Sabihin mo, katotohanan, ang aking panalangin, ang aking mga sakripisyo, ang aking buhay at kamatayan ay para sa Allah, Panginoon ng mga mundo.  Wala Siyang katambal. At ito ang ipinag-utos sa akin at ako ang una (sa inyo) sa mga Muslim.” (Quran 6:162-163)





Kababaang-loob


Ang Sugo ng Allah ang pinaka mapag-pakumbabang tao. Siya ay napakababa ng loob na kung ang isang dayo ay papasok sa mosque at lalapitan siya habang nakaupo kasama ng mga Kasamahan, ay hindi mo makikilala siya sa iba.  Si Anas ay nagsabi:





“Minsan, habang kami ay nakaupo kasama ng Sugo ng Allah sa masjid, isang lalaking nakasakay sa kamelyo ay lumapit. Pagkatapos niyang itali ito, siya ay nagtanong: ‘Sino sa inyo si Muhammad?’ Ang Sugo ng Allah ay nakaupo sa sahig habang nakahilig, kasama ng kanyang mga Kasamahan.  Itinuro namin sa Bedouin, nagsasabing: ‘Ang nakaputing lalaki na nakahilig sa sahig!’ Ang Propeta ay hindi naiiba o iniiba ang sarili mula sa kanyang mga Kasamahan.”





Ang Propeta ay hindi nag-aalinlangan sa pagtulong sa mahihirap, nangagailangan at mga balo sa kanilang pangangailangan.  Si Anas ay nagsabi:





“Isang babae na taga-Madina na may bahagyang problema sa pag-iisip ay nagsabi sa Propeta: ‘May nais akong hilingin sa iyo [ang iyong tulong] tungkol sa isang bagay.’ Tinulungan niya siya at ibinigay ang kanyang mga pangangailangan.”[7]



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG