Mga Artikulo

Arabikong Terminolohiya





·       Hikmah - karunungan.





Maaaring akalain ng bagong Muslim na sapat na ang Quran bilang gabay para sa mananampalataya, na nangangailangan lamang ng personal na pag-aaral at pagpapakahulugan upang sundin ang katuruan nito at isabuhay. Gayunpaman, ang paggawa nito ay maaaring humantong sa parehong pagkakamali ng mga walang propetikong gabay na tagapagsalin ng Biblia na siyang pinalaganap sa kanilang mga kongregasyon. Upang tunay na pahalagahan ang mensahe ng Quran, kailangang pag-aralan ang buhay, aksyon at mga kasabihan ng Propeta na siyang nagdala nito sa atin at nagbigay halimbawa. Kaya't ang mga Muslim ay nagtala ng mga kaugalian at kasabihan ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, na tinatawag na 'Hadith' at siyang nagtaguyod ng mga kritikal na pagsusuri ng mga kaparaanan na siya namang nakarating sa atin. Kung ang hadith ay nakita nating malakas ( mapagkakatiwalaan), ito ay itinuturing na isang Sunnah.





Ang Kahulugan ng Sunnah


Sunnah, sa pangkalahatan, ay tumutukoy sa mga aral at sa paraan ng pamumuhay ni Propeta Muhammad. Higit sa lahat, ito ay nangangahulugan ng kung ano ang tunay na ipinarating sa atin mula kay Propeta Muhammad, maliban sa Quran: ang kanyang mga pahayag, gawain, at mapahiwatig ang  pagsang ayon o pagpapahintulot (ng mga pahayag o mga aksyon ng kanyang mga kasamahan).





Ang Kahulugan ng Hadith


Hadith ay anumang ulat ng pahayag, gawain, pagsangayon, paguugali, o katangiang pisikal ni Propeta Muhammad. Ang hadith ay binubuo ng dalawa bahagi:





(a)  ang kawing ng mga tagapagsalaysay.





(b)  mga salita





Upang maisaalang-alang ang isang tunay na ulat ng pananalita o mga halimbawa ng Propeta, ang parehong teksto at hanay ng mga tagapagsalaysay ay dapat matugunan ang mahigpit na mga kundisyon. Matututunan natin ang higit pa tungkol sa mga ito sa mga susunod na antas.





Hadith at Sunnah


 Ang Sunnah ay nilalaman ng  mga ulat na dumating sa atin mula sa Propeta, iyon ay, ang panitikan ng hadith. Makikita natin ang Sunnah ng Propeta sa mga aklat ng hadith. Ang mga pahayag, mga pagkilos, mga pahiwatig ng pagsang ayon, pisikal na paglalarawan, at asal ng Propeta Muhammad ay nakalagay lahat sa mga aklat ng hadith. Walang anumang mahahalagang tagpo sa kanyang buhay ang nawala.  Maaaring malaman ng isang Muslim kung paano siya nanalangin, nag-ayuno, at namuhay sa tahanan at sa kanyang mga kasamahan.  Ang ganito ka-kumpleto at tumpak na tala ay hindi matatagpuan sa kahit kaninong kilalang tao ng kasaysayan.





Kahalagahan ng Sunnah


Binanggit sa atin ng Quran kung gaano kahalaga ang Sunnah:





(1)  Ang pagsunod sa Propeta ay pagsunod sa Allah.





“Siya na sumusunod sa Sugo ay sumunod kay Allah; ngunit ang mga tumalikod - Hindi ka namin ipinadala sa kanila bilang isang tagapag-alaga.” (Quran 4:80)





(2)  Ang banal na utos na sundin ang Propeta at babala laban sa pagsuway sa kanya.





“At sundin ang Allah at ang Sugo upang ikaw ay magtamo ng awa.” (Quran 3:132)





“At sinumang sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo ay tatanggapin Niya sa mga hardin (ng Paraiso) na sa ilalim nito ay mga ilog na nagsisidaloy, na mamalagi doon magpakailanman; at iyon ang sukdulang tagumpay.” (Quran 4:13)





“At sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo - katotohanang, para sa kanya ay ang apoy ng Impiyerno; mananatili sila roon magpakailanman.” (Quran 72:23)





“O kayong nagsisisampalataya, sundin ninyo ang Allah at sundin ang Sugo at huwag ninyong ipawalang-saysay ang inyong mga gawa.” (Quran 47:33)





(3) Ang pagtanggap ng mga pagpapasya ng Propeta ay bahagi ng pananampalataya.





“Ngunit hindi, sa pamamagitan ng iyong Panginoon, sila ay hindi (tunay) na maniniwala hangga't ikaw, (O Muhammad), ay hindi nila ginagawang hukom tungkol sa kanilang pinagtatalunan sa kanilang mga sarili, at pagkatapos ay makikita nila sa pagitan nila ang kaginhawahan sa anumang iyong hinatulan at maluwag nilang tanggapin ang mga ito ng ganap.” (Quran 4:65)





(4)  Ang pagsunod sa Sugo ay nakapagbibigay ng banal na pagmamahal at kapatawaran.





“Sabihin, (O Muhammad!) 'Kung mahal mo ang Allah, sumunod ka sa akin, ang Allah ay mamahalin at patatawarin ka sa iyong mga kasalanan. At ang Allah ay Mapagpatawad at Maawain..’” (Quran 3:31)





(5)  Tinutukoy ng Quran  ang Sunnah hikmah o ‘karunungan. Ang Sunnah ay ipinahayag din ng Allah tulad ng Quran.





Ipinahayag ni Allah ang Quran at ang Sunnah:





“At ang Allah ay nagpadala sa inyo ng Aklat (Quran) at hikmah (Sunnah).” (Quran 4:113)





Itinuturing ito ng Allah bilang Kanyang pabor na inihayag Niya ang Quran at Sunnah:





At alalahanin ang pabor ng Allah sa iyo at kung ano ang ipinahayag sa iyo mula sa Aklat (Quran) at hikmah (Sunnah).” (Quran 2:231)





Itinuro ni Propeta Muhammad ang Quran at Sunnah:





“…na nagtuturo sa kanila mula sa Aklat (Quran) at hikmah (Sunnah)…” (Quran 3:164)





Banal na Pangangalaga ng Sunnah


Ang Allah ay nagwika sa Quran:





“Katotohanang, Kami ang nagpadala ng paalaala, at katotohanang kami ang magiging tagapag-alaga nito.” (Quran 15:9)





Sa talatang ito ang 'paalala' ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ipinahayag ng Allah, kapwa sa Quran at Sunnah. Ipinangako ng Allah na poprotektahan Niya ang Quran at ang Sunnah, at ito ay makatuwiran. Ang Quran ay ang huling kapahayagan ng Allah at si Propeta Muhammad ay ang huling propeta ng Allah. Inutusan ng Allah ang mga Muslim na sundin ang Sunnah sa Quran gaya ng nakita natin sa itaas. Kung ang Sunnah ay hindi napangalagaan, hindi tayo paguutusan ng Allah na gumawa ng isang bagay na imposible, i-e na sundin ang Sunnah na alinman ay hindi nai-preserba o hindi umiiral! Dahil ang ganitong palagay ay sasalungat sa banal na katarungan, dapat na mapangalagaan ng Allah ang Sunnah. Tulad ng mapapansin natin, ang Allah, sa pamamagitan ng mga tao, ay gumamit ng iba't ibang paraan kung saan iningatan Niya ang Sunnah.





Ang Pinaka Importanteng Mga Aklat ng Hadith


     Dapat malaman ng isang baguhan ang mga pinakamahalagang aklat ng hadith na naglalaman ng Sunnah ng Propeta.


(1)      Saheeh Al-Bukhari


Ang aklat na ito ay isinulat ni Imam Al-Bukhari (810 - 870 CE). Ito ay itinuturing na pinaka-tunay at maaasahang libro pagkatapos ng Quran. Si Saheeh Al-Bukhari ay may 2, 602 na di-inuulit na hadith dito. Ito ay isinalin sa wikang Ingles ni Dr. Muhsin Khan at unang inilathala noong 1976. Ang Hadith mula sa Saheeh Al-Bukhari sa ating mga aralin ay inilagay sa talababa bilang 'Saheeh Al-Bukhari.' Ang pagsasalin ay makikita dito.





(2)      Saheeh Muslim


Ang Saheeh Muslim ay isinulat ni Imam Muslim (817 - 875 CE). Ito ay may 3,033 hadith at itinuturing na pinaka-tumpak na aklat pagkatapos ng Saheeh Al-Bukhari. Ito ay isinalin sa wikang Ingles ni Abdul Hameed Siddiqui at inilathala noong 1976 na may ilang maikli, ngunit kapaki-pakinabang na komentaryo. Ang hadith mula sa Saheeh Muslim ay ginamit sa ating mga aralin sa mga talababa bilang 'Muslim.' Ang pagsasalin ay matatagpuan dito, ngunit walang komentaryo.





(3)      Riyad us-Saliheen ( Mga Hardin ng mga Matutuwid o Mabubuti)


Ito ay aklat ni Imam Nawawi (1233 - 1277 CE). Ito ay koleksyon ng mga Quranikong mga talata at hadith na nakaayos ayon sa paksa. Ito ay naglalaman ng humigit kumulang sa 1900 na tunay na hadith. Sa lahat ng tatlong aklat, 'Gardens of the Righteous'  ang pinaka-angkop para sa isang baguhan. Mayroong ilang mga pagsasalin na lumabas, ngunit walang komentaryo. Marahil ang pinaka-kapaki-pakinabang na edisyon para sa mga nagsisimula, dahil ito lamang ang may komentaryo, ito ay maaaring mabili dito. Ang online na salin ng libro (walang komentaryo) ay maaaring basahin dito.  





May iba pang mahahalagang aklat na naglalaman ng maraming mga tunay na  hadith. Ang pinaka-karaniwan ay Abu Dawood, At-Tirmidhi, An-Nasa'i, at Ibn Majah, at kasama ang Al-Bukhari at Muslim ay tinatawag na, Al-Kutub Al-Sittah, o “The Six Books”. Upang idetalye ang lahat ng mga ito ay labas na  at di  saklaw ng maikling pagpapakilala sa panitikan ng hadith.





Pang huling tatandaan sa pagbabasa ng hadith ay walang anumang libro na naglalaman ng lahat ng hadith, sa halip ang hadith ay nabanggit sa iba't-ibang mga libro. Mahalaga na ang isang tao ay hindi gumawa ng anumang mga hatol habang nagbabasa ng hadith, dahil malamang  may iba pang hadith sa isa pang aklat na nagpapaliwanag nito. Ang pagbabasa ng mga paliwanag ng hadith, gayunpaman, ay magbibigay sa mambabasa ng isang mas mahusay na pag-unawa sa mga konsepto na binanggit sa hadith, habang ang mga iskolar na nagsulat ng mga paliwanag ay pinagsama-sama ang iba't ibang mga hadith na nagbigay ng liwanag na siyang pinanghahawakan. Ang pagbibigay-kahulugan sa partikular na hadith, tulad ng Quran, ay dapat maging limitado para sa mga maalam sa relihiyon lamang. May iba pang mga koleksyon, tulad ng Riyad us-Saliheen na nabanggit sa itaas, na kung saan ay, hindi katulad ng ibang mga aklat ng hadith, na isinulat para sa pangkalahatang madla, at mas madaling maunawaan para sa lahat ng Muslim.  Ang isa pang mahusay na panimulang libro ay ang tinatawag na Al-Arba’oon Al-Nawawiyya, o ‘Forty Hadiths Tinipon ni Al-Nawawi ', na binanggit ang ilan sa pinakamahalagang at pangunahing hadith sa Islam. Ang malalim na paliwanag ay maaari ding matagpuan dito. Ang online na salin ng libro (walang komentaryo) ay maaaring basahin dito.





Matapos ang Quran, Sunnah o ang Hadith[1] ay ang pangalawang sandigan kung saan nakaguhit dito ang mga katuruan at batas ng Islam. Ang Sunnah ang siyang nagdedetalye ng lahat ng aspeto sa pamumuhay ng isang Muslim kasama na ang pagdarasal, pagaayuno, Hajj, zakah, pagaasawa, diborsyo, pagiingat sa bata, sigalot, at kapayapaan.  Kaya't sinuman sa mga bagong yakap sa Islam, tulad ngayon, ay kakailanganin ang Quran at Sunnah.  Katulad ng kung paanong ang mga Muslim ay kinakailangang tanggapin at sundin ang Quran, ang isang Muslim ay nangangailangang tanggapin at kumilos ayon sa hadith ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah.





Ang susunod na aralin ay pambungad sa kalipunan ng hadith.  Hindi ito sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng pagpapanatili ng hadith.  Ang layunin ay para sa paglalahad na ang hadith ay naisulat at naisa-ulo mula pa sa kapanahunan ng Propeta at upang itampok ang ilan sa mga naging pagsisikap ng mga naunang Muslim sa pagpapanatili at paghahatid ng mga katuruan ng Propeta.





Banal na Pag Iingat ng Sunnah


Ang Allah, Ang Kataas-taasan, ay nagsabi sa Quran:





“Katotohanan, Kami ang nagpapanaog ng paalala at katotohanan, Kami ang mangangalaga nito.” (Quran 15:9)





Ang talatang ito na ‘paalala’ ay tumutukoy sa lahat ng ipinahayag ng Allah, kapwa ang Quran at Sunnah.  Ang Allah ay nangangako na pangangalagaan ang Quran at ang Sunnah.  At ito ay makatwiran lamang.  Ang Quran ay ang huling kapahayagan ng Allah at si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay ang huling Propeta ng Allah. Ipinag-utos ng Allah sa mga Muslim na sundin ang Sunnah sa Quran gaya ng nabasa natin sa itaas. Kung hindi napanatili ang Sunnah, ang mga paguutos na ito sa atin ng Allah ay imposible: sundin ang Sunnah na kung saan alinman man sa ito ay hindi napanatili o wala! Dahil sa, ito ay sasalungat sa banal na katarungan, nararapat lamang na panatilihin ng Allah ang Sunnah. Katulad ng malalaman natin sa araling ito, ang Allah, sa pamamagitan ng tao ay gumamit ng ibat-ibang paraan upang mapanatili Niya ang Sunnah.





Unang Yugto sa Kalipunan ng Hadith


Ang paghahatid ng Hadith sa kapanahunan ng Propeta


Ang paghahatid ng mga gawi at kasabihan ng Propeta mula sa isang tao patungo sa iba ay nangyari sa pamamagitan ng nakasulat at pananalitang paraan. Sa katotohanan, ang Propeta mismo ang nagtagubilin sa paghahatid ng kanyang itinuro. Mayroong matibay na makasaysayang katibayan na kapag may yumayakap sa Islam, ipinapadala ng Propeta sa kanila ang isa o ilan sa kanyang mga kasamahan na hindi lamang itinuturo sa kanila ang Quran, kundi'y  ipinapaliwanag din sa kanila kung paano isinasagawa ang mga nakapaloob sa Aklat, iyon ay  ang Sunnah.





Nang ang pagtatalaga kay Rabi'a ay nakarating sa kanyang sa mga unang araw sa Medina, tinapos ng Propeta ang kanyang mga tagubilin sa kanila sa mga salitang: “Tandaan mo ito at iparating sa mga naiwan mo.”[2]  Itinagubilin niya ito sa ibang pagkakataon: “Bumalik ka sa iyong pinamumunuan at ituro sa kanila ang mga bagay na ito.”[3]





Naitala rin na ang mga tao ay pumunta sa Propeta at humiling ng mga guro na magkapatuturo sa kanila ng Quran at ng Sunnah: “Ipadala mo sa amin ang magtuturo ng Quran at nang Sunnah.”[4]





Sa panahon ng paglalakbay sa banal na lugar, ang Propeta pagkatapos magtagubilin sa mga Muslim na panatiliing sagrado ang buhay, ari-arian, at dangal ng bawat isang Muslim, ay idinagdag: “Siya na narito ay dapat iparating ang menaheng ito sa mga wala dito.”[5]





Hindi nakapagtataka, na ang mga kasamahan ng Propeta ay may lubos na kamalayan na ang kanyang Sunnah ay kailangang sundin dahil ang kautusan na sundin ang Propeta sa lahat ng bagay ay matatagpuan din sa Quran.  Noong si Mu'adh ibn Jabal ay itinalaga ng Propeta bilang gobernador ng Yemen, at tinanong kung paano siya huhukom sa mga kaso, ang kanyang tugon ay “sa pamamagitan ng Aklat ng Allah.”  Noong tinanong muli kung sakaling hindi ito matagpuan sa Aklat ng Diyos, siya ay sumagot, “sa pamamagitan ng Sunnah ng Sugo ng Allah.”[6]





Samakatuwid ang Sunnah ay kinikilala bilang madaliang patnubay sa mga usaping pangrelihiyon noong kapanahunan ng Propeta.  Itinuro niya ang Sunnah sa tatlong pamamaraan:





(1)  Pagtuturo sa pamamagitan ng Pananalita: Ang Propeta mismo ang siyang tagapagturo ng kanyang Sunnah.  Upang mapadali ang pagsasa-ulo at pag-unawa para sa kanyang mga kasamahan, inuulit niya ng tatlong beses ang mga importanteng bagay. Pinakikinggan niya ang kanyang mga Kasamahan sa kanilang mga natutunan matapos niyang turuan sila.  Ang mga Panauhin mula sa ibang mga tribo ay tinatanggap ng mga taga-Medina upang ituro sa kanila ang Quran at ang Sunnah.





(2)  Pagdidikta sa mga tagapagsulat: Ang Propeta ay mayroong tinatayang 45 mga tagapagsulat na may malawakang tungkulin sa pagsusulat.  Nagpapadala siya ng mga liham sa mga hari, mga pinuno, lider ng mga tribo, at mga sa gobernador na Muslim.  Ilan sa mga ito ay naglalaman ng mga usaping legal tulad ng zakah, buwis, at mga paraan ng pagsamba.  dinidiktahan ng Propeta ang ilan sa kanyang mga kasamahan katulad nina Ali ibn abi Talib, Abdullah bin ‘Amr bin al-Aas, at ipinagutos na ibigay ang kopya ng kanyang huling Khutba kay Abu Shah ng Yemen.





(3)  Praktikal na Paghahalimbawa:  Itinuro ng Propeta ang pamamaraan ng paglilinis, pagdarasal, pagaayuno, at pilgrimahe.  Sa bawat usapin ng buhay, ang Propeta ay nagbibigay ng mga praktikal na leksyon na may malinaw na tagubilin upang sundin at isabuhay.  Sinabi niya, ‘Magdasal kayo kung paano ninyo ako nakitang nanalangin. ’, at ‘alamin mula sa akin ang mga ritwal ng Hajj’  Nagtatag siya ng mga paaralan, iniutos sa kanila na magpalaganap ng kaalaman, hinikayat sila na magturo at magaral sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila ng mga gantimpala para sa mga guro at magaaral.





Gayundin, ginamit ng mga kasamahan ang lahat ng tatlong pamamaraan ng pag-aaral na isinakatuparan ng Propeta sa pagtuturo sa kanyang Sunnah:





(a)  Pagmememorya: Matamang nakikinig ang mga kasamahan sa bawat salita ng Propeta.  Natutunan nila ang Quran at hadith mula sa Propeta habang nasa moske.  Kapag umaalis ang  Propeta sa anumang dahilan, sinusubukan nilang alalahanin ang kanilang mga natutunan.  Si Anas bin Malik, ang tagapaglingkod ng Propeta, ay nagsabi:





“Nakaupo kaming kasama ang Propeta,  siguro ay nasa animnapu ang bilang, at ang Propeta ay nagturo ng hadith.  Ilang saglit lang ay umalis siya sa kung anumang pangangailangan, sinikap naming isa-ulo ang kanyang mga sinabi, sa aming paglisan para bagang ito ay natanim na sa aming mga puso.”[7]





Dahil imposible para sa kanilang lahat na dumalo sa pagaaral kasama ang Propeta, ang mga hindi nakasama ay natututo sa mga nakadalo. Ilan sa kanila ay nagkasundo na halinhinang dumalo sa pagaaral kasama ang Propeta, gaya ng ginawa ni Umar sa kanyang kapit-bahay.  Si Sulait, isa sa mga kasamahan ng Propeta, ay binigyan ng lupain ng Propeta.  Nakasanayan niyang manatili roon ng ilang panahon, at kapagdaka'y bumabalik sa Medina upang matutunan ang itinuro ng Propeta habang siya ay wala. Ikinahiya niya ang hindi pagdalo sa pagaaral ng propeta, kung kaya't hiniling niya sa Propeta na bawiin ang lupain dahil pinipigilan siya nito na makadalo sa pagaaral ng Propeta.[8]





(b)  Pagtatala: Natutunan ng mga Kasamahan ang hadith sa pamamagitan ng pasusulat din nito. Ang unang halimbawa ng kasamahan na sumulat ng hadith ng Propeta ay si Sahifah ng Hummam ibn Munabbih na tinalakay sa susunod na aralin. Ang pangalawang halimbawa ay si As-Sahifah As-Sadiqah, isang nakasulat na kalipunan ng hadith na pagaari ng Kasamahang si Abdullah bin ‘Amr ibn Al-As. Si Abdullah ay nagsabi,





“Kinausap ko ang Sugo ng Allah para sa kapahintulutan na isulat ang aking mga narinig mula sa kanya at pinahintulutan niya ako kung kaya't itinala ko ito.”[9]





Si Imam Ahmad Musnad ay mayroong 626 hadith mula kay Abdullah.  si Bukhari ay mag-isang itinala ang 8 at si Muslim ay nagtala naman ng 20, 7 sa mga iyon ay may pagkakapareho.





(c)  Pagsasagawa: Isinasabuhay ng mga Kasamahan ang anuman sa kanilang naisaulo at naisulat. Sapat na upang malaman na si Ibn Umar ay umabot ng walong taon upang matutunan ang  Surah Al-Baqara.





Mga Kasamahan na Nagpanatili ng Sunnah





Ang lahat ng Kasamahan ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay walang pagkakataon o interes sa pagananais na mapanatili ang Sunnah.  Lahat ay kailangang magtrabaho para sa kanilang ikabubuhay, samantalang ang pagtatanggol sa komunidad ng Muslim laban sa lumalaking posibilidad ay nagbigay ng karagdagang pasanin sa karamihan sa kanila. Gayunpaman, mayroong  grupo ng mga kasamahan na kilala bilang Ashab-us-Suffa na mga nakatira sa Moske, at silang mga natatangi at nakahanda  para sa pagtuturo ng relihiyon sa mga tribo sa labas ng Medina.  Pinakakilala sa kanila ay si Abu Hurairah na anuman ang mangyari ay palaging nakatabi sa Propeta, at kabisado anuman ang mga sinabi o nagawa ng Propeta. Ang kanyang mga pagsisiskap ay nakatuon sa pangangalaga ng hadith.  Siya mismo ay naiulat na nagsabi minsan:





“Sinasabi ninyo na si Abu Hurairah ay lumalabis ang paglalahad ng hadith mula sa Propeta, at sinasabi ninyo, Papaanong ang isang Muhajirin (dayo) at ang Ansar (mga tumulong) ay hindi makapagsaysay ng hadith mula sa Propeta na gaya ni Abu Hurairah. Ito ay sa katotohananag ang ating mga kapatirang dayo ay nakatuon sa pakikipagnegosyo sa palengke, samantalang ako ay nanatili at pinapakain ng Propeta, kayat ako ay naroroon habang kayo ay wala at natandaan ko ang anuman sa kanilang nakalimutan. Ang ating mga kapatid mula sa mga Tumulong ay abala sa kanilang mga lupain, at ako ay isang aba mula sa mga mahihirap na naninirahan sa  Suffa, kaya't napanatili ko sa aking memorya ang anuman sa kanilang nakalimutan.” (Saheeh Al-Bukhari)





Si Aisha, ang asawa ng Propeta, ay isa rin sa mga pangunahing tagapagpanatili ng Sunnah ng Propeta, lalo na ang buhay-pamilya ng Propeta. Mayroon siyang matalas na memorya, at bilang karagdagan ay biniyayaan ng malinaw na pagunawa. Mayroong ulat tungkol sa kanya na kung saan “wala siyang narinig na anumang bagay na hindi niya inunawa at tinanong ng paulit-ulit.”[1]  Sa madaling salita, hindi niya pinaniniwalaan ang anuman hanggat hindi siya ganap na nasisiyahan.





Sina ‘Abdullah ibn ‘Umar at ‘Abdullah ibn ‘Abbas ay dalawa sa mga kasamahan na may natatanging pagtutuon sa pagpapanatili at paghahatid ng kaalaman sa Quran at ng hadith, gaya rin ni ‘Abdullah ibn ‘Amr na may likas na ugali sa pagsusulat ng mga kasabihan ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah.  Bukod sa mga piling nakatuon sa gawaing ito, bawat isa sa mga kasamahan ng Propeta ay sinikap na mapanatili ang ganitong mga salita at gawa na dumating sa kanyang kaalaman. Si ‘Umar ay nakipagkasundo sa kanyang kapit-bahay upang makasama ang Propeta sa magkahaliling mga araw, upang makapag-ulat ang isa sa iba kung ano ang nangyari habang sila ay wala.





Ang Pagsusulat ng Hadith sa Kapanahunan ng Propeta





Ang paniniwala ng marami tungkol sa hadith na hindi naisulat hanggang matapos ang dalawang daang taon pagkatapos ng Propeta ay walang katotohanan.  Isang malaking pagkakamali na isipin na ang buong hadith ng Propeta ay nanatiling sinasambit lamang hanggang sa ito ay naisulat ilang dekada ang nakaraan.  Ang pagpapanatili ng mga gawi at kasabihan ng Propeta ay hindi maaaring makaligtaan ng mga Muslim.  Ang mga kasamahan  ng Propeta, habang isinasagawa ang karamihan sa kanyang mga kasabihan ay isinusulat rin bilang karagdagan sa pagsasaulo nito. Batid nila ang katotohanan na ang kanyang Sunnah ay dapat mapangalagaan para sa mga susunod na henerasyon. Kung kaya't hindi lamang nila ito pinanatili sa memorya ngunit isinulat rin kapagdaka. Dalawa sa mga halimbawa na tinalakay nang una ay ang kay Sahifah of Hummam ibn Munabbih at ang kay As-Sahifah As-Sadiqah.





Isinalaysay sa atin ni Abu Hurairah na ang isa sa mga Ansar ay dumaing sa Propeta sa kanyang kawalang kakayahan na mapanatili sa kanyang memorya ang kanyang mga narinig sa kanya, ang  itinugon ng Propeta ay dapat niyang hanapin ang tulong ng kanyang kanang kamay, na ang ibig sabihin ay, dapat niya itong isulat.





Isa pa sa mga bantog na ulat ay mula kay ‘Abdullah ibn ‘Amr: “Isinusulat ko ang lahat ng aking narinig mula sa Propeta, sa pagnanais na matandaan ito.  (habang ang iba ay tumututol dito) kinausap ko ang Propeta, na nagsabi:





”Isulat mo, sapagkat katotohanan lamang ang sinasabi ko”[2]





Sa taon ng pagsakop sa Mecca, ang Propeta ay nagbigay ng sermon sa okasyon ng isang lalaking napatay dahil sa matagal nang alitan.  Pagkatapos ng sermon, isang lalaki mula sa Yemen ay pumunta sa harapan at humiling sa Propeta na maisulat ito para sa kanya, at ipinagutos naman ito ng Propeta.[3]





Ikalawang Yugto sa Kalipunan ng Hadith


Sa pagkamatay ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ang pagsasagawa sa pangangalaga ng Sunnah at ng koleksyon ng hadith ay pumasok sa ikalawang yugto.





Ipinarating ng mga Kasamahan ang kaalaman dahil sa tingin nila ay kailangan ito ng tao, at may lubos na kabatiran sa pagkakasala ng pagkakait ng kaalamang ito. Kung kaya't, inilaan nila ang halos lahat ng kanilang oras sa pagtuturo nito ng palagian. Sa mga kasamahan ng Propeta, ang relihiyon na kanyang dinala ay walang katumbas na hiyas; isa itong bagay na pinapahalagahan nila higit pa sa lahat dito sa mundo.  Para sa kapakanang ito ay ipinagpalit nila ang kanilang mga ugnayan, ang kanilang negosyo at maging ang kanilang mga tahanan; ibinuwis maging ang kanilang buhay sa pagtatanggol nito; upang panghawakan ang mabunying biyayang ito, ang dakilang kaloob na ito ng Diyos, ang siyang tunay na layunin ng kanilang buhay para sa ilan. Kaya naman ang pagpapalaganap ng kaalaman ang siyang una at pangunahin nilang hangad.  Karagdagan pa dito, ang Propeta ay nagbilin, sa mga nakakita at nakinig sa kanyang mga salita, na iparating ang anuman sa kanilang nakita at narinig sa mga susunod na salin-lahi.  Tunay nga na naging tapat sila sa dakilang tungkulin na iniatang sa kanila.





Matapos ang pagpanaw ng Propeta, ipinagpatuloy ng mga Kasamahan ang pagpapalaganap ng mensahe ng Islam hanggang sa pinakadulo ng mundo. Saan man sila mapunta, at saan mang bansa sila mapadpad, daladala nila ang Quran at ang Sunnah.  bilang resulta, wala pang isang dekada pagkatapos ang pagpanaw ng banal na Propeta , naihatid ng mga Kasamahan ang Liwanag ng Islam sa mga bansang Afghanistan, Iran, Syria, Iraq, Egypt, at Libya. Taglay rin nila ang kaalaman sa Sunnah.  Kung kaya't, hindi lamang nanatili sa Medina ang lahat ng kaalaman hinggil sa Sunnah.  Ilan sa mga Kasamahang nagtungo sa Iraq (katulad ni Abdullah ibn Masud) o sa Egypt (gaya ni ‘Amr Ibn al-Aas) ay dala dala din ang kaalaman tungkol sa Sunnah. Ipinamana naman ng mga Kasamahan ang kaalaman sa Sunnah sa kanilang mga magaaral bago sila mamatay.





Ang bawat isa sa kanila, kahit na may iisang pangyayari  lamang na nalalaman patungkol sa buhay ng Propeta, ay itinuturing na isang tungkulin ang pagpaparating nito sa iba. Ang mga katulad nina Abu Hurairah, Aisha, ‘Abdullah ibn ‘Abbas, ‘Abdullah ibn ‘Umar, ‘Abdullah ibn ‘Amr, Anas ibn Malik at maraming iba pa na ginawang layunin sa buhay ang pagpapanatili ng Sunnah, ang siyang naging pangunahing instrumento na siyang pinagkukunan ng mga tao mula sa ibat-ibang dako ng Islamikong mundo ng kanilang kaalaman patungkol sa Propeta at kanyang pananampalataya. 





Si Abu Hurairah lamang ay mayroon nang walong daang mga tagasunod.  Ang tahanan ni Aisha ay pinupuntahan din ng daan-daang masisigasig na mga magaaral.  Ang reputasyon ni  ‘Abdullah ibn ‘Abbas ay tunay ring kamangha-manga, at, sa kabila ng kanyang kabataan, mayroon siyang natatanging puwang sa konseho ni Umar dahil sa taglay niyang kaalaman sa Quran at sa Sunnah.  Kaya't ang nakararaming bilang ng mga kasamahan ng Propeta ay naging daan sa pagpapalawak ng kaalaman sa pananampalataya.





Ang pagiging masigasig ng bagong henerasyon sa pagkakaroon ng kaalaman sa pananampalataya ay katulad ng isang magaaral na naglalakbay sa ibat-ibang lugar upang makumpleto ang kanilang kaalaman sa  Sunnah at patotohanan ang hadith ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah.  Ilan sa kanila ay naglakbay pa ng malayo upang magkamit lamang ng direktang impormasyon tungkol sa isang hadith.  Bilang halimbawa, si Jabir ibn ‘Abdullah ay naglakbay mula sa Medina patungong Syria para lamang sa isang hadith.  Isang buwang paglalakbay, ayon mismo kay Jabir.[1]  Isa pa sa Kasamahan, si Abu Ayoub, na naglakbay patungo sa Egypt upang tanungin lamang si Uqba bin Amr tungkol sa isang hadith.  Sinabi niya kay Uqba na tanging sila lamang ni Uqba ang natitirang nakarinig ng partikular na hadith na iyon ng Propeta.  Matapos marinig ang hadith, ay nakumpleto na rin ang kanyang pakay sa Egypt at nagbalik sa Medina. Si Saeed ibn Musayyab ay naiulat na nagsabing naglakbay siya ng ilang araw at gabi sa paghahanap ng isang hadith.  Isa pang kasamahan ng Propeta ay sinasabing nagsagawa ng paglalakbay sa Egypt para lamang sa isang hadith.  Ang sigasig ng bagong henerasyon ay kahanga-hanga rin.  Si Abul ‘Aliya ay iniulat na nagsabi: “Narinig namin ang hadith tungkol sa Propeta, ngunit hindi kami kuntento hanggat hindi namin  napupuntahan ang tinutukoy na tao at direkta itong marinig sa kanya.”





Ang pagsusulat ng Hadith: Si Sahifah ng Hammam ibn Munabbih


Isa ito sa mga unang koleksiyon ng hadith.  Ang naisulat na kalipunan ng hadith ng Kasamahan na si Abu Hurairah na idinikta sa kanyang magaaral na si Hammam.  Si Abu Hurairah mismo ay hinahati ang gabi sa tatlong bahagi: isang ikatlo para sa pagtulog, isang ikatlo para sa pagdarasal, at isang ikatlo para sa paggunita ng hadith ng Propeta. Mula nang pumanaw si Abu Hurairah noong mga 48 na taon matapos ang Propeta (58 A.H.) Bago iyon ay maaaring naidikta ito ni Sahifah kay Hammam.  Namatay si Hammam noong 101 A.H. Binasa ni Hammam ang hadith na ito sa kanyang estudyanteng si Ma’mar (d. 113 A.H.).  Si Ma’mar naman ay binasa ito kay Abdur-Razzaq ibn Hammam, na isinalin ito sa dalawa sa kanyang mga estudyante: Imam Ahmad ibn Hanbal at Yusuf al-Sulami.





Tinipon ni Imam Ahmad ang lahat ng iyon, maliban sa dalawang hadith sa kanyang Musnad sa halos magkatugmang pagkakasunod gaya nang kung paano ito naitala sa Sahifah, Kung saan ay ipinagpatuloy naman ni Yusuf al-Sulami ang paghahatid ng lahat ng iyon na hindi pinagsama-sama sa isang malaking pagtititipon-tipon  Patuloy itong nagpasalin-salin hanggang sa ika-9 na siglo, na siyang panahon ng Berlin manuscript, isa sa 4 na manuskritong kanyang ginawa na nananatili magpasa-hanggang ngayon.





Ang Musnad ni Imam Ahmad ay nakaayos ayon sa Kasamahan na nagsasalaysay ng hadith, madali na lamang makikita ang lahat ng hadith mula kay Hammam sa kapamahalaan ni  Abu Hurairah.  Ilan sa mga aklat, kung saan ang mga hadith ay nakaayos ayon sa  mga paksa ng fiqh, ay naglalaman din ng mga karamihan mula sa Sahifa.  Mula sa 137 na mga hadith na nasa Sahifa ng Hammam:





29 ay kapwa naitala nina Bukhari at Muslim,





22 at ilan pa ay naitala ni Bukhari lamang,





48 iba pa ay naitala ni Muslim lamang.





Kaya't 99 mula sa 137 na hadith ay matatagpuan sa Bukhari at Muslim lang.  Kapag pinag aralan ang pagkakaiba ng mga koleksyon ng hadith na nailathala ay makikita na ang mga kahulugan -o mga pananalita - ng hadith ay hindi nabago mula sa kapanahunan ni Abu Hurairah hanggang sa panahon ni Al-Bukhari (194-256 A.H.).  Sa komento ni Hamidullah:





“Ipagpalagay na si Al-Bukhari ay bumanggit ng Hadith sa kapamahalaan ng mga nabanggit na pinanggalingan (Ahmad - Abdur-Razzak - Mamar - Hammam - Abu Hurairah).  Habang ang mga mas lumang mga mapagkukunan ay hindi na magamit, hindi masisisi ang mga mapaghinala na pagisipan ito at sabihing marahil si Al-Bukhari ay nagsisinungaling, o kapwa huwad ang kawing na pinanggalingan o ang nilalaman. Subalit ngayon na ang lahat ng naunang mga gawa ay abot-kamay lamang, malabo ang  posibilidad na isiping gawa-gawa lamang ang mga binanggit ni Al-Bukhari, o nagsasaysay siya ng mga bagay na narinig lamang niya mula sa mga mandaraya. Sa pagkakatuklas ng mga naunang gawa nito lamang, madali na para sa atin na patotohanan ang mga iyon. Ang isang tao ay mapipilitang tanggapin ang lahat ng iyon bilang ganap at tunay dahil ang mga tradisyon ay naisalin hindi lamang ni Abu Hurairah, kung hindi man, mag-isa lamang siya, sa pamamagitan ng ibang mga Kasamahan ng Propeta, at sa bawat sitwasyon ay ang kawing o isnad ay nagkakaiba. Kahit na sa paglipas ng humigit sa 13 siglo, walang anumang naging pagbabago sa texto ng koleksyon. Kung hindi lamang dahil sa baka mabagot ang mga mambabasa, mas madaling ipakita sa maayos na detalye, kung paanong, bilang karagdagan kay Abu Hurairah, bawat isa sa mga tradisyon na nilalaman sa sahifah ng Hammam, ay maiuugnay sa iba't ibang mga kasamahan. Ang mga tradisyon na ito ay hindi kailanman maaaring palsipikahin sa ika-3 o ika-4 na siglo.”[2]





Ikatlong Yugto sa Koleksyon ng Hadith


Sa paglipas ng henerasyong direktang nakakita at nakarinig sa Propeta, ang pagsisikap sa pagkalap ng hadith ay pumasok sa ikatlong yugto. Dahil sa ang mga Kasamahan ay naglakbay ng malayo sa Islamikong mundo at ipinagkatiwala ang kaalaman ng Sunnah  sa kanilang mga magaaral bago ang kanilang pagpanaw wala nang anumang ulat na mahahanap mula sa ibang mga tao, at ang kabuuan ng naipong hadith ay pagaari na ngayon ng ibat-ibang mga guro na nagturo sa ibat-ibang mga lundayan. Subalit sa ikalawang yugto, ang hadith ay naisalin mula sa pansariling pagtataglay tungo sa pampublikong pagaari, kung kaya't ang kabuuan ng natipon na hadith ay matututunan sa ikatlong yugto sa pamamagitan ng mga institusyon sa halip na hanapin mula sa ibat-ibang mga idibidwal. 





Si Umar ibn Abdulaziz, ang Khalifa ng Umayyad, na namuno ng halos bago matapos ang unang dekada ng Hijrah, siyang kauna-unahang tao na nagpalabas ng tiyak na kautusan na magreresulta sa pagkakaroon ng nakasulat na koleksyon ng hadith.  Sa sulat ni Umar ibn Abdulaziz kay Abu Bakr ibn Hazm:





“Hanapin ang anumang kasabihan mula sa Propeta, at isulat  ito, sapagkat nababahala ako sa paglaho ng kaalaman at pagkawala ng mga maalam; at huwag tumanggap ng anuman maliban sa hadith ng Propeta; at nararapat na isiwalat ito sa publiko at pagusapan sa mga pangkat upang mabatid ng mga hindi nakakaalam, sapagkat hindi mawawala ang kaalaman hanggat hindi ito inililihim sa lahat.”[1]  





Si Abu Bakr ibn Hazm ay ang gobernador ng Khalifa sa Madinah, at may mga katibayan ng mga katulad na liham para sa  mga sentro. Bago ang kalagitnaan ng ikalawang dekada, ang liwanag ay tuluyan ng sumapit para sa nakasulat na mga koleksyon ng hadith.  Daan-daang mga mag-aaral ng hadith ang nakibahagi sa pag-aaral nito sa iba't ibang mga sentro.  Bawat iskolar ng hadith ay naglakbay sa paghahanap ng hadith.  Si Khateeb al-Baghdadi, isang tanyag na klasikong iskolar, ay nakabuo ng sulatin, Ar-Rihlah fi Talab al-Hadith, or Paglalakbay sa Paghahanap ng Hadith.  Ang Kapansin-pasin dito ay nagsasaysay ang sulatin tungkol sa mga iskolar na naglakbay sa paghahanap lamang para sa isang hadith! Sa ngayon ang pinaka mahalagang koleksyon ng panahon ay ang Muwatta ni Imam Malik na kamakailan lamang ay naisalin sa Ingles.





Pang-apat na Yugto sa Koleksyon ng Hadith


Ang pagsisikap hinggil sa koleksyon ng hadith ay nakumpleto sa ikatlong siglo ng Hijrah.  Ang maingat na pagsasama-sama ng mga aklat ng hadith mula sa panahong ito ay nakarating sa atin sa kabuuan nitong anyo. Doon nabuo ang tatlong uri ng mga koleksyon ng hadith: Musnad, Jami’, at Sunan.  Ang Musnad ang pinakaunang uri at ang Jami’ ang panghuli.  Ang mga koleksyon ng hadith na kilala bilang mga  Musnad ay nakaayos , hindi ayon sa  paksa ng hadith, ngunit sa ilalim ng pangalan ng kasamahan na pinanggalingan ng huling kapamahalaan ng hadith.  Ang pinaka mahalaga sa mga gawa ng ganitong uri ay ang Musnad ni Imam Ahmad Hanbal na naglalaman ng halos tatlumpong libong mga salaysay. Isinilang si Ahmad noong 164 A.H. at pumanaw noong 241 A.H. at isa sa mga pinakadakilang iskolar sa kasaysayan ng Islam.  Ang kanyang koleksyon, gayunpaman, ay naglalaman ng ibat-ibang mga uri ng ulat. Ang Jami’ ay hindi lamang nagsaayos ng mga ulat ayon sa mga paksa, ngunit siya ring pinaka-kritikal.  Anim na mga aklat sa pangkalahatan ang kilala sa pamagat na ito, bilang mga koleksyon ni Muhammad ibn Isma’il, na kilala sa tawag na Al-Bukhari (d. 256 A.H.), Muslim (d. 261 A.H.), Abu Dawud (d. 275 A.H.).  Al-Tirmidhi (d. 279 A.H.), Ibn Maja (d. 283 A.H.) at Al-Nasa’i (d. 303 A. H.).  Pinagbukod-bukod ng mga aklat na ito ang mga ulat ayon sa paksa, na siyang nagpadali sa pagsangguni sa hadith para sa mga iskolar ng Islam.  Nakarating sa atin ang mga aklat na ito na isinulat ng mga orihinal na may akda. Ilan sa mga pangunahing gawa na ito ay naisalin sa Ingles.





Pamamaraan sa Pngangalaga ng Hadith


Sa buong yugto ng pagkalap ng hadith, walong pamamaran ang ginamit sa pangangalaga ng hadith.  Tanging ang una at ikalawa lamang ang tatalakayin ng pahapyaw sa ibaba:





(1)  Sama’: Ito ay pagbabasa ng guro sa mga mag-aaral.





(2)  ‘Ard: pagbasa ng mga mag-aaral sa mga guro.





(3)  Ijazah: pagpapahintulot sa isang tao na ipadala ang hadith o aklat sa kapamahalaan ng iskolar na hindi nababasa ninuman.





(4)  Munawalah: ibigay sa isang tao ang nakasulat na materyal upang ipadala.





(5)  Kitabah: sumulat ng hadith para sa isang tao.





(6)  I’lam: ipagbigay-alam sa iba na ang tagapagsalita ay may pahintulot na magdala ng ilang materyal.





(7)  Wasiyah: ipagkatiwala sa isang tao ang kanyang mga aklat.





(8)  Wajadah: mangalap ng naisulat na  hadith na isinulat gaya ng kung paanong nadiskubre ng mga Kristiyano ang Dead Sea Scrolls, o humanap ng pinakalumang manuskrito ng Bagong Tipan mula sa mga monghe ng Mt. Sinai ni Tischendorf.  Walang pagkakataon na kinilala ng mg iskolar na Muslim na mapapanaligan ang ganitong pamamaraan ng paghahatid.





Sa panahon ng mga Kasamahan tanging ang unang pamamaraan lamang ang ginamit. Kadalasang nananatili ang mga magaaral sa kanilang mga guro, pinaglingkuran sila, at natuto sa kanila.  Di naglaon, ang una at ikalawa ang naging pinakakaraniwang pamamaraan. Dahil ang wajadah ay hindi kinilala ng mga iskolar, anumang pamamaraan maliban sa pitong nakalista sa itaas ay hindi tinangap.





Kabilang sa Sama ang pagbigkas, pagbabasa mula sa mga libro, mga tanong at mga kasagutan, at pagdidikta.  Ang pagsasagawa ng pagbigkas ng  hadith ng mga guro ay nagsimulang manghina mula sa ikalawang bahagi ng ikalawang siglo, bagamat nagpatuloy ito sa mahabang panahon. Naging malapit ang mga magaaral sa isang iskolar sa mahabang panahon, hanggang sa ituring sila ng kanilang guro bilang mga may awtoridad sa  hadith. Kakaunting hadith lamang, mga apat o lima ang natalakay sa isang aralin.  Mas ginagamit ang pagbabasa ng guro mula sa kanyang sariling libro. Ang pagbabasa ng guro mula sa aklat ng kanyang magaaral ay ginawa rin. Ito ay upang masubukan ng guro kung naisaulo niya ng maayos ang kanyang hadith.  Inilalakip nila ang hadith sa isang hadith na natutunan nila sa kanilang guro, at ibinibigay ang aklat sa kanilang guro upang basahin, upang makita kung gaano siya kahigpit sa kanyang pinanghahawakan.  Ang mga nabigo na makilala ang mga karagdagang marteryal ay tinatanggihan at itinuturing na hindi mapagkakatiwalaan.





Ang ‘Ard ang pinaka karaniwang isinasagawa mula pa sa pagsisimula ng ikalawang siglo .  Alinman sa ang mga kopya ay inihanda ng mga guro, o ginawa ng mga magaaral buhat sa orihinal. Minamarkahan nila nang pabilog tuwing pagkatapos ng bawat hadith.  Sa sandaling mabasa ng estudyante ang hadith sa kanyang guro, minamarkahan nito ang binilugan na nagpapahiwatig na ang  hadith ay nabasa sa guro.  Kinakailangan ito sapagkat kahit na alam ng estudyante ang hadith mula sa mg aklat, hindi siya pinapahintulutan na ituro ito sa iba o idagdag sa kanyang mga tala hanggat hindi niya ito nakuha sa tamang pamamaraan. Kung hindi'y, matatawag siyang magnanakaw ng hadith, sariq al-hadith.





Ang regular na tala ay iningatan at pagkatapos na mabasa ang kumpletong aklat, isinusulat ng guro o isa sa mga bantog na iskolar na dumalo sa klase ang kanilang puna. Ibinibigay din nito ang mga detalye ng mga dumalo, yaong mga bahagya lamang nakisali, anong bahagi ang kanilang binasa, at anong bahagi ang nakaligtaan, kasama na ang mga panahon at lugar. Ang aklat na ito ay kadalasang nilalagdaan ng guro o ng kilalang dumalong iskolar, upang ipahiwatig na walang anumang mga karagdagan pa ang ilalagay sa aklat.





Pagwawakas


Bilang resulta ng pambihirang pagsisikap ng mga unang Muslim ang Sunnah at hadith ng Propeta ay napanatili para sa atin ng tama at mapagkakatiwalaan. Dahil ang Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay ang huling propetang ipinadala ng Allah sa sangkatauhan, makatwiran lamang na ang kanyang katuruan ay kumpletong mapangalagaan. Kung ang kanyang katuruan ay hindi napangalagaan, kinakailangan ng bagong propeta upang malaman ang relihiyon ng Allah at kung paano susundin ang Allah. Ang katuruan ni Propeta Muhammad ay napangalagaan hanggang sa Araw ng Paghuhukom at kung kaya't wala nang propeta pa ang lilitaw.  Nasa sa atin na kung paano matuto at isabuhay ang Islam gaya nang kung paano ito itinuro ni Propeta Muhammad ng tama at ganap upang magkamit ng kaligtasan.





Panimula


Naniniwala ang mga Muslim na ang pangalawang pangunahing pinanggagalingan ng Islam ay ang Sunnah ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Ang Sunnah ay itinuturing na isang rebelasyon at ito ay nakalagay sa isang malaking kabuuan ng panitikan na kilala bilang ahadith. Ang Quran at ang Sunnah ay hindi maaaring maunawaan nang tiyak na hindi sinasangguni ang bawat isa dahil ang Sunnah ay ang praktikal na halimbawa kung paano ipinatupad ni Propeta Muhammad ang Quran, sa kanyang katangian at sa kanyang araw-araw na pamumuhay.                                                                          Ang maikling aralin na ito ay naglalayong magbigay ng maikling panimula sa terminolohiya ng hadith upang hindi ka malito sa wika at mga termino at maramdamang malayo ito sa iyong pag-unawa. Ito ay hindi isang kurso o isang pagpapakilala sa isang kurso; gayunman, magbibigay ito ng mga termino na nanaisin mong maunawan pang lalo. 





Paano nagiging hadith ang isang kasabihan o kuwento?


Noong buhay pa si Propeta Muhammad, ang mga tao ay direktang pumupunta sa kanya kung mayroong mga isyu tungkol sa katuruan ng Islam.  Pagkatapos ng kanyang kamatayan, nilinaw ng mga sahabah ang ilang mga suliranin at inayos ang mga alitan. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, mahalagang malaman kung paanong ang mga kasabihan at kaugalian na may kinalaman sa Islam ay nailahad.  Kinailangan nitong malaman kung sino ang may sabi at saan nanggaling ang kasabihan o, ang kawing ng salaysay. Kaya nalaman natin na ang hadith ay binubuo ng dalawang bahagi; ang matn (teksto) at ng isnad (kawing ng mga tagapagsalaysay o mga tagapag-ulat).  Ang isang teksto ay maaaring lohikal o makatwiran subalit kapag wala ang kawing ng mga tagapagsalaysay, hindi ito isang hadith. 





Pag-uuri ng Hadith


Ang malaking bilang ng ahadith na umiiral ngayon ay nagsimula nang ang mga sahabah at yaong mga sumunod pagkatapos nila ay sinumulang isa-ulo, isulat, at ipasa ang mga pahayag ni Propeta Muhammad at inilarawan ang kanyang mga kaugalian.  Dahil maraming mga natatanging indibidwal na nagsimulang likumin ang daan-libong mga salaysay, kinakailangang mahanapan ng paraan na makilala ang mga ulat na totoo mula sa mga hindi totoo. Ang mga pamamaraan na nalikha ang siyang naging agham ng hadith.  Ito ang sumala ng mga tunay na kasabihan mula sa mga hindi at  nag-uri sa kanila sa ilang mga kategorya.





Ang pag-uuri sa Hadith ay isang maingat na siyensya at nangangailangan ng mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin na itinayo nang higit sa ilang mga siglo.  Maraming pamamaraan upang suriin ang ahadith at bago mo mabasa ang isang hadith ito ay nagdaan sa ilang pamamaraan ng pag-uuri, kasama na ngunit hindi limitado sa, mga kamalian na matatagpuan sa matn o isnad, ilang mga tagapag-ulat mayroon sa isnad, o ang pamamaraan na kung saan ang matn ay iniulat. Gayunpaman, ang pinaka-kilala at nakikitang paraan ay suriin ang ahadith ayon sa mga mapagkakatiwalaan at alaala ng mga tagapag-ulat. Sa pamamaraang ito, ang ahadith ay inuuri ayon sa mga sumusunod.  bawat hadith ay sinasabing saheeh (tunay), hasan (mabuti), daeef (mahina) o mawdu (gawa-gawa o huwad). 





Saheeh


Ito ang pinaka-tunay at maaasahang uri ng ahadith.  Batay sa iskolar ng hadith Ibn As-Salah (1181 -1245 CE), ang saheeh hadith ay isa na may tuloy-tuloy na isnad, na ginawa ng mga tagapag-ulat na may mapagkakatiwalaang memorya at malaya mula sa anumang iregularidad alinman sa matn o ang isnad.





Sa nakalipas na mga siglo maraming tao ang lumikom ng mga ahadith at inipon ang mga ito bilang mga aklat reperensya. Ang pinaka-kilala sa paglilikom na ito ay sina Imam Al-Bukhari at Imam Muslim.  Ang mga pangalang ito ang kadalasang makikita sa mga hadith na sinipi o sa mga talababa (footnotes). Ang mga taong ito ay hindi mga tagapagsalaysay; sa halip sila yaong mga inilaan ang panahon sa pag-likom at pag-uuri ng mga ahadith na may mahigpit na pamamaraan at mga kundisyon/pangangailangan. Kilala sila sa mga isinama lamang ang saheeh ahadith sa kabuuan ng kanilang panitikan.





Ang mga sumusunod na pagmamarka sa mga antas ay para sa saheeh ahadith lamang. 





1.     yaong mga itinala nina Al-Bukhari at Muslim;





2.     yaong itinala ni Al-Bukhari lamang;





3.     yaong itinala ni Muslim lamang. 





Yaong hindi matatagpuan sa mga nabanggit na mga koleksyon sa itaas: ngunit                                          





4. Sumasang-ayon sa mga kinakailangan ni Al-Bukhari at Muslim;





5.     Sumasang-ayon sa mga kinakailangan ni Muslim lamang; at





6.     yaong inihayag na saheeh sa ibang mga katanggap-tanggap na mga koleksyon.





7. yaong inihayag na saheeh sa ibang mga katanggap-tanggap na mga koleksyon.





Hasan


Ang terminong hasan ay nangangahulugang mabuti, at si Ibn As-Salah ay isinalarawan ang hasan hadith bilang isang antas na mas mababa sa saheeh hadith.  malaya ito sa anumang iregularidad kapwa matn at ang isnad ngunit ang isa o higit pang mga tagapag-ulat ay maaaring mayroong hindi mapapanaligang memorya, o ang hadith na kulang sa mahigpit na mga alituntunin sa pag-uuri ng saheeh.





Kapwa ang saheeh at hasan ahadith ay magagamit upang makatulong o makapaglinaw ng isang punto ng batas. Ilan sa mga ahadith na itinuturing na daeef ay maaaring itaas sa antas na hasan kung ang kahinaan ng mga tagapag-ulat ay itinuturing na banayad. Gayunpaman, kung ang kahinaan ay mabigat, ang hadith ay mananatiling daeef.





Daeef


Ang hadith na nabigong marating ang katayuan ng pagiging hasan ay tinatawag na daeef.  Kadalasan, ang kahinaan ay sirang isnad o ang isa o karamihan sa mga tagapag-ulat ay may kapintasan sa pagkatao.  Siya ay maaaring kilala sa pagsasabi ng kasinungalingan, madalas na nagkakamali, tumutuligsa sa mga salaysay ng mas mapapanaligang pinagmulan, sangkot sa mga pagbabago, o mayroong ilang kalabuan sa pag-uugali.   





Mawdu


Ang mawdu hadith ay alinman sa gawa-gawa o huwad.  Ang matn ng isang mawdu hadith ay kadalasang taliwas sa itinatag na mga pamantayan o nagtataglay ng ilang kamalian o pagkakaiba sa mga petsa o mga oras ng isang partikular na pangyayari. Maraming mga dahilan kung bakit ang ahadith ay dinadaya at ito ay kinabibilangan ng, alitang pulitikal, gawa-gawa ng mga tagapagsalaysay, kasabihan na ginawang ahadith, personal na pagpapalagay at sinadyang panlilinlang na propaganda.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG