Mga Artikulo

Mga Terminong  Arabe





·       Surah – kabanata ng Quran.





·       Rakah - bahagi o unit  ng pagdarasal.





·       Aayaat - (isahan – ayah) ang salitang aayaat ay may maraming kahulugan. Ito ay madalas na ginagamit kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga katibayan mula kay Allah. Kabilang dito ang mga ebidensya, mga bersikulo, mga aralin, mga palatandaan at mga rebelasyon. 





·       Zakah - obligadong kawang-gawa.





Walang ibang banal na kasulatan sa mundo ang nagbabahagi ng mga natatanging katangian ng Quran. Ang bawat iba pang mga banal na aklat ay isang koleksyon ng mga karunungan at mga aral ng kanilang mga pinuno ng relihiyon na natipon sa paglipas ng panahon. Hindi alam kung sino ang nagtipon nito at kung paano .Ang Quran, sa kabilang banda, ay isang aklat na inaangkin na mula sa Lumikha ng langit at lupa. Ito ay isang aklat na hindi nakolekta at nabago sa paglipas ng panahon ng mga hindi kilalang may-akda. Dahil ang buong aklat ay mula sa Diyos, na itinuro kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ni Allah, at ibinigay sa atin ang kabuuan nito, ang ilang mga surah (kabanata) at mga talata ay nilagyan ni Propeta Muhammad ng mga nauugnay na gantimpala at pagpapala sa pagbigkas sa mga ito. Binanggit ng Propeta ang mga gantimpala ng pagbigkas ng Quran, pagsasaulo nito, at pagsunod sa mga katuruan nito.





Sa araling ito, matututunan natin ang mga gantimpala ng pagbigkas ng ilan sa mga kabanata ng Quran.





Ipinaalam sa atin ng Propeta na para sa pagbasa ng isang titik ng Quran, nakukuha natin ang gantimpala ng sampung mabubuting gawa. Dapat itong mag-udyok sa atin upang matutong bigkasin ang Quran sa orihinal na wikang Arabe. Ito ay maaaring gawin at maraming tao ang nagawa ito. Kung ikaw ay tumutugon  at susundin ang mga payo na ibinigay sa naunang aralin "Bakit at Paano Matutunan ang Quran", makikita mo ang mga hakbang na kailangan mong gawin upang makarating doon.





Ang Isang Titik ng Banal na Quran ay 10 na Mabubuting gawa


”Ang Sugo ni Allah ay nagsabi: "Ang sinumang nagbasa ng isang titik ng Aklat ni Allah ay inililista na isang mabuting gawa, at ang isang mabuting gawa ay makakakuha ng sampung ulit na gantimpala. Hindi ko sinasabi na ang Alif Laam Meem ay isang titik, ngunit ang Alif ay isang titik, ang Laam ay isang titik, at ang Meem ay isang titik (ibig sabihin ito ay katumbas ng tatlong titik). "[1]





Ang ibang tao ay totoong nahihirapan sa pag-aaral ng pagbigkas ng Quran sa wikang Arabe. Sa kalaunan, magiging pamilyar sila sa ilang mga titik at matutunan kung paano bigkasin ang mga ito. Narito ang isang magandang panghikayat mula kay Propeta Muhammad sa mga nagsisikap upang matutunan ang Quran sa wikang Arabe:





Sinuman ang bumigkas ng Banal na Quran na may Paghihirap ay may Dobleng Gantimpala


Sinabi ni Propeta Muhammad, “Ang taong bumibigkas ng Quran at binabasa ito ng mahusay ay magiging kasama ng mga masunurin at marangal na mga anghel, at siya na bumabasa ng Quran nang walang paghinto-hinto at may paghihirap ay magkakaroon ng dobleng gantimpala. ”[2]





Ang isa sa mga unang surah (kabanata) ng Quran na dapat mong makabisado ay ang Surah al-Fatihah, ang unang kabanata ng Quran na binibigkas sa bawat isang rakah ng pagdarasal.





Surah Al-Fatihah,  ang Pinakamainam  na Surah


Sinabi ni Abu Sa'id na habang siya ay nagdarasal, tinawag siya ng Propeta ngunit hindi siya tumugon sa kanyang tawag. Pagkatapos sinabi ni Abu Sa'id: "O Sugo ni Allah! Ako ay nagdarasal. "Sabi niya," Hindi ba sinabi ni Allah: ‘O kayong mga naniwala, tumugon kayo kay Allah  (sa papamagitan ng pagsunod sa Kanya) at sa Kanyang Sugo kapag siya ay nananawagan sa inyo?'” (8:24)  Pagkatapos ay sinabi niya, "Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakamainam  na surah sa Quran?" Sinabi niya, "(Ito ay) 'Ang Papuri ay para kay Allah, ang Panginoon ng mga daigdig' (ie, Surah al-Fatihah) na binubuo ng "Pitong Inulit na mga Talata" at ang Dakilang Quran na ibinigay sa akin.”[3]





Ang Ayah al-Kursi ay Nagbibigay ng Proteksyon mula kay Allah


Ang ikalawang kabanata ng Quran na sumusunod sa Surah al-Fatiha ay ang Surah al-Baqarah. Ito rin ang pinakamahabang kabanata ng Quran. Ang 255 na taludtod ng kabanatang ito ay tinawag na Ayah al-Kursi (ang talata ng al-Kursi).





  Naalala ni Abu Huraira na iniutos sa kanya ng Sugo ni Allah na bantayan ang zakat na kita ng Ramadan. Pagkatapos ay may isang taong dumating sa kanya at nagsimulang magnakaw sa mga pagkain. Nahuli siya ni Abu Hurayrah at sinabi, "Dadalhin kita sa Sugo ni Allah". Pagkatapos ay inilarawan ni Abu Hurayrah na ang taong iyon ay nagsabi sa kanya, "Huwag mo akong dalhin sa Sugo ni Allah at sasabihin ko sa iyo ang ilang mga salita kung saan kay Allah ay makikinabang ka. Kapag pumunta ka sa iyong higaan, bigkasin ang Ayah al-Kursi, at doon ay magkakaroon ka ng isang bantay mula kay Allah na magpoprotekta sa iyo buong gabi, at si Satanas ay hindi makalalapit sa iyo hanggang sa madaling araw. "Nang marinig ng Propeta ang kuwento, Sinabi niya sa akin, "Siya (na dumating sa iyo sa gabi) ay nagsabi sa iyo ng katotohanan kahit na siya ay isang sinungaling; at siya ay si Satanas..”[4]





Ang huling dalawang talata ng Surah al-Baqarah


Ang Propeta ay nagsabi: "Kapag ang isang tao ay bumigkas sa huling dalawang talata  ng Surah al-Baqarah sa gabi, iyon ay magiging sapat para sa kanya.”[5]





Ang Surah Al-Baqarah at Aal ‘Imran ay Dalawang Ilaw


Bilang paglalarawan sa ikalawa at ikatlong kabanata ng Quran, sinabi ng Sugo ni Allah: "Basahin ang Quran, sapagkat ito ay mamagitan sa  mga tao nito sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Basahin ang dalawang ilaw, ang al-Baqarah at  Aal 'Imran, sapagkat sila ay darating sa hugis ng dalawang ulap, dalawang lilim o dalawang hanay ng mga ibon sa Araw ng Muling Pagkabuhay at magtatalo sa ngalan ng kanilang mga tao sa Araw na iyon.”[6]





Ang Surah al-Kahf ay Kapanatagan


Mayroong isang espesyal na surah ng Quran na halos dumating sa gitna ng aklat na tinatawag na Surah al-Kahf.





Ang isang lalaki ay binibigkas ang Surah al-Kahf at ang kanyang kabayo ay nakatali sa dalawang lubid sa kanyang tabi. Ang isang ulap ay bumaba at kumalat ito sa taong iyon, at patuloy itong lumapit nang lumapit sa kanya hanggang sa ang kanyang kabayo ay nagsimulang tumalon (na parang takot sa isang bagay). Nang umaga na, ang lalaki ay dumating sa Propeta, at sinabi sa kanya ang karanasan na iyon. Sinabi ng Propeta, "Iyon ay 'kapanatagan' na bumaba dahil sa (pagbigkas) ng Quran..”[7]





Ang Surah Al-Kahf ay Proteksyon mula sa Anti-Kristo (Dajjaal)


Ang Propeta ay nagsabi: "Ang sinuman na nakapagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Surah al-Kahf ay protektado mula sa Anti-Kristo..”[8]





Ang Surah al-Kahf ay isang Nagniningning na Liwanag


Sinabi ng Propeta, "Sinuman ang magbasa ng Surah al-Kahf sa araw ng Biyernes, ay magkakaroon ng isang liwanag na lalabas mula sa kanya mula sa isang Biyernes hanggang sa susunod.”[9]





Mga Terminolohiyang Arabik





·       Surah – kabanata ng Quran.





Bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbigkas ng Quran, sinabi ng Propeta, "Ang halimbawa ng isang mananampalataya na bumibigkas ng Quran ay tulad ng isang prutas na sitrus na masarap at mabango; at ang taong hindi bumibigkas ng Quran ay tulad ng isang datiles na masarap ngunit walang amoy. Ang halimbawa ng isang masamang tao na bumibigkas ng Quran ay katulad ng basil na may mabangong amoy  ngunit mapait; at ang isang masamang tao na hindi bumibigkas ng Quran ay tulad ng isang ubas na mapait at walang amoy.”[1]





Ang Quran, ang mga salita ni Allah, ay may maraming mga kabutihan. Ang bawat surah ng Quran ay mahalaga ngunit ang ilan sa mga surah ay may espesyal na kahalagahan. Ang pinakamagandang surah na mabibigkas ng  isang bagong Muslim ay yaong mga makakaipon ng pinakadakilang gantimpala para sa kanya at makakatulong  na isaulo ang mga ito.





Sa araling ito, babanggitin natin ang mga kabutihan ng huling tatlong kabanata ng Quran na maiikli ngunit malakas:





Magtayo ng isang bahay sa Paraiso sa pamamagitan ng Pagbigkas ng Surah al-Ikhlas: Sinabi ng Propeta: "Sinuman ang bumibigkas ng Qul huwa Allaahu ahad [Surah al-Ikhlas] ng sampung ulit, si Allah ay magtatayo para sa kanya ng isang bahay sa Paraiso.”[2]





Ang pagbigkas ng Surah al-Ikhlas ay Katumbas ng Isa sa Tatlong Bahagi ng Quran: Narinig ng isang lalaki ang isa pang lalaki na bumibigkas ng Qul huwa Allaahu ahad [Surah al-Ikhlas] at inuulit ito. Nang sumunod na umaga ay dumating siya sa Sugo ni Allah, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, at sinabi sa kanya ang tungkol dito.  Naisip ng lalaki na ito ay napakaliit, ngunit ang Sugo ni Allah ay nagsabi: "Sa pamamagitan ng Isa na nasa Kanyang Kamay ay ang aking kaluluwa, katumbas ito ng isa sa tatlong bahagi ng Quran.”[3]





Ang isang lalaki ay nanatiling gising upang sambahin si Allah sa panahon ng Propeta bago ang pagbubukang liwayway at binigkas ang Qul huwa Allaahu ahad [Surah al-Ikhlas], ngunit hindi bumigkas ng iba pa. Nang umaga, ang lalaki ay dumating sa Propeta at sinabi sa kanya ang tungkol dito, nag-iisip na marahil ay hindi siya gumagawa ng sapat. Sinabi ng Sugo ng Allah: "Sa pamamagitan ng Isa na nasa Kanyang Kamay ay ang aking kaluluwa, katumbas ito ng isa sa tatlong bahagi ng Quran.”[4]





Inirerekomenda na bigkasin ang Surah al-Ikhlas bago matulog: Si Aisha ay nag-ulat na kapag ang Propeta ay matutulog, ay gagawin nitong hugis tasa ang kanyang mga kamay, hihipan at bibigkasin niya dito ang Qul huwa Allahu ahad [Surah al-Ikhlas], Qul a'oodhu bi Rabbil-falaq [Surah al-Falaq] at Qul a'oodhu bi Rabbin-naas [Surah an-Naas] ( ito ay ang huling 3 kabanata ng Quran). At pagkatapos ay ihahaplos niya ang kanyang kamay sa buong katawan niya hanggang sa naaabot ng kanyang mga kamay, na nagsisimula sa kanyang ulo at mukha, at sa harap ng kanyang katawan. Tatlong beses niyang gagawin ito.[5]








Ang pag-ibig para sa Surah al-Ikhlas: Inulat rin ni Aisha na ang Propeta ay nagpadala ng isang lalaki na mamamahala ng isang maliit na kampanyang militar, at nang binigkas niya ang Quran habang pinamumunuan ang kanyang mga kasama sa pagdarasal, ay palagi niyang tinatapos ito ng Qul huwa Allaahu ahad [Surah al-Ikhlas]. Nang sila ay bumalik, (ang kanyang mga kasamahan) ay binanggit ito sa Propeta, na nagsabi sa kanila na tanungin siya kung bakit niya ginawa iyon. Kaya tinanong nila siya, at sinabi niya, "Sapagkat ito ay isang paglalarawan ng Pinakamaawain, at gustung-gusto ko itong bigkasin." Sinabi ng Propeta: "Sabihin sa kanya na mahal siya ni Allah.”[6]





Pagbigkas ng Surah al-Ikhlas tuwing gabi: Si Uqbah ibn 'Aamir ay nagsabi "Nakilala ko ang Sugo ni Allah at sinabi niya sa akin:' O Uqbah ibn 'Aamir, hindi ba ako magtuturo sa iyo ng ilang mga surah na katulad ng hindi ipinahayag sa Torah o sa Mga Awit (Psalm) o sa Ebanghelyo o sa Quran? Walang gabing darating maliban sa bigkasin mo ito (ibig sabihin, bawat gabi ay dapat mong bigkasin ang) Qul huwa Allaahu ahad [Surah al-Ikhlas], Qul a'oodhu bi Rabbil-falaq [Surah al-Falaq] at Qul a'oodhu bi Rabbin -naas [Surah an-Naas]. '"' Sinabi ni Uqbah:" Kaya tuwing gabi ay bibigkasin ko ang mga ito. Ito ay naging tungkulin ko na bigkasin ang mga ito, sapagkat ang Sugo ni Allah (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay sumakanya) ay nag-utos sa akin na gawin ito ...”[7]





Ang Paraiso ay Kaniyang Karapatan: Narinig ng Propeta ang isang lalaki na bibibigkas ang Qul huwa Allaahu ahad, at nagsabi, "Iyan ang kanyang karapatan." Tinanong nila, "O Sugo ni Allah, ano ang kanyang karapatan?" Sabi niya, "Paraiso ang kanyang karapatan.”[8]





Mayroong napakaraming dakilang kabutihan ang nabanggit sa mga aralin para sa pangkalahatang pagbigkas ng Quran sa wikang Arabe at ang pagbigkas ng ilan sa mas mahabang mga surah. Mayroon ding mga dakilang kabutihan ng pagbigkas sa mas maiksi na mga surah ng Quran na madaling maisaulo, tulad ng Surah al-Fatihah at Surah al-Ikhlas.





Hanggang hindi mo mabasa ang Quran nang mabuti, kung pakikinggan mo ito na binibigkas ng ibang tao at humiling ka ng gantimpala na nabanggit para dito, kung gayon ay may pag-asa na magkakaroon ka ng kaparehong gantimpala gaya ng bumibigkas nito, dahil sa iyong mabuting intensyon at gawin ang kung ano ang iyong makakaya.


 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG