1. Tumayo ng tuwid
·Tumayo ng tuwid na nakaharap sa qiblah (direksyon ng pagdarasal)
2. Ang Pambungad na Takbir (pagbanggit ng Allahu Akbar)·Itaas ang dalawang kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat at banggitin ang: Allahu akbar |
|
·Ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay at ipatong ito pareho sa dibdib. ·Huwag tumingin kung saan-saan. Panatilihin ang mga mata na nakatingin sa lugar kung saan ikaw ay magpapatirapa. |
|
3. Pagpapakupkop sa Allah mula kay Satanas· Banggitin: A'udhu billahi minash-shaytaanir-rajeem 4. Banggitin ang Surah al-Fatihah,Simulan sa pagbanggit ng: Bismilla-hir-rahma-nir-raheem · Banggitin ang Surah al-Fatihah. Alhamdu lil-lahi rab-bil 'alameen Ar-rahma-nir-raheem Maliki yawmid-deen Iyyaka na'budu wa iyyaka nasta'een Ihdinas-siratal mostaqeem Siratal-lazeena an'amta 'alayhim ghayril maghdubi 'alayhim wa-lad-daa-leen · Pagkatapos, banggitin ang: Aameen |
|
5. Pag-yuko·Itaas ang mga kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat (tulad ng sa ika-2, Ang Pambungad na Takbeer) at banggitin ang: Allahu akbar ·Yumuko ng tulad ng nasa larawan habang pinapanatiling tuwid ang likod, at ulitin ng tatlong beses sa mahinang tinig: Subhana rabbi-yal-'azeem |
|
6. Pagtayo mula sa pagkakayuko·Tulad ng nasa larawan, tumayong tuwid mula sa pagkakayuko hanggang sa makabalik sa tuwid na pagkakatayo. · Habang tumatayo mula sa pagkakayuko ay muling itaas ang mga kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat at banggitin ang: Sami' allahu liman hamidah · Pagkatapos, banggitin ang: Rab-bana wa lakal hamd |
|
7. Unang Pagpapatirapa·Yumuko tungo sa sahig para magpatirapa. At habang yumuyuko ay banggitin ang: Allahu akbar · Sa pagpapatirapa ay dapat na nakalapat sa lupa ang noo, tungki ng ilong, mga kamay, mga tuhod, at daliri ng paa. Maaring sa umpisa ay hindi ito masyadong komportable, depende sa pakikibagay ng katawan ng tao. Makakasanayan din ito pagdating ng panahon. Tandaan na tayo ay pinaka-malapit sa Allah sa panahon na tayo ay nagpapatirapa. · Sa mahinang tinig, ulitin ng tatlong beses ang: Subhana rabbi-yal-a'laa |
|
8. Pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa· Matapos ay umupo mula sa unang pagpapatirapa. Umupo sa komportableng posisyon. Habang umuupo mula sa pagpapatirapa, banggitin ang: Allahu akbar ·Uliting banggitin habang nasa posisyon ng pagkakaupo sa pagitan ng una at ikalawang pagpapatirapa: Rab-bigh-fir lee |
|