Dapat maunawaan ng isang bagong Muslim na ang kautusan ng Allah ay dapat sundin ayon sa kanyang kakayahan. kung nahihirapan ka sa pagsasaulo ng lahat n kinakailangan sa pagdarasal, makabubuting pansamantalang isulat muna ito sa piraso ng papel at basahin habang nagdarasal. Kung mahirap pa rin ito sa iyo, sapat nang banggitin ang alin man sa mga sumusunod:
·Subhanallah ‘Gaano ka perpekto ang Allah!’
·Al-hamdu lil-lah ‘Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah’
·La ilaha il-lal-lah ‘Walang ibang diyos maliban sa Allah’
·Allahu Akbar ‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila’
Narito ang halimbawa ng 2 yunit na pagdarasal (katulad ng pagdarasal sa Fajr), ayon sa pamamaraang nabanggit sa itaas.
1. Tumayo nang matuwid na nakaharap sa direksyon ng pagdarasal.
2. Itaas ang mga kamay sa balikat at sabihin Allahu Akbar. Tignan ang Larawan 1. |
|
|
|
3. Pagkatapos ay ilagay ang iyong kanang kamay sa ibabaw ng iyong kaliwang kamay at kapwa ilagay sa iyong dibdib. Habang nakatayo, sabihin ang Subhanallah. Tignan ang Larawan 2.
|
|
|
|
4. Pagkatapos ay sabihinAllahu Akbar at yumuko. Tignan ang Larawan 3. Habang nakayuko ay sabihin Subhanallah.
|
|
|
|
5. Mula sa pagkakayuko ay tumayo nang matuwid. Sabihin angAllahu Akbar habang tumatayo. Tignan ang Larawan 4. Banggitin ang Subhanallah.
|
|
|
|
6. Pagkatapos ay magpatirapa. Tignan ang Larawan 5. Sabihin ang Allahu Akbar habang nagpapatirapa. Banggitin naman ang Subhanallah habang nakapatirapa.
|
|
|
|
7. Isunod ang pag-upo gaya nang makikita sa Larawan 6. Habang papaupo, sabihin ang Allahu Akbar. Habang nakaupo naman ay sabihin ang Subhanallah.
|
|
|
|
8. Muling magpatirapa (tignan ang Larawan 5). Sabihin ang Allahu Akbar habang nagpapatirapa. Sa patirapang posisyon ay sabihin ang Subhanallah. 9. Muling tumayo habang sinasabi ang Allahu Akbar at ulitin ang Hakbang 3 hanggang 8. 10. Isunod ang pagupo katulad ng makikita sa Larawan 6. Habang umuupo, magsabi ng Allahu Akbar. Kapag nakaupo na ay sabihin ang Subhanallah. |
|
11. Tapusin ang pagdarasal sa pamamagitan nang pagbaling ng ulo papunta sa kanan at sa kaliwa, na kapwa sinasabi sa magkabilang panig ang As-salaamu alaikum. Tignan ang Larawan 7 at 8.
|
|
|
|
|