Mga Artikulo

Nasasaad na, darating ang Araw kung kailan bubuhayin ng Diyos at titipunin ang mga nauna at ang huli sa Kanyang nilikha at hahatulan ang lahat ng buong katarungan. Ang mga tao ay papasok sa kanilang huling hantungan, Impiyerno o Paraiso.





(A) Paniniwala sa mga Pangyayari sa Libingan


Naniniwala ang mga Muslim na pagkanamatay ang isang tao, nagsisimula ang pangalawa, pang-gitnang yugto ng buhay. Maraming mga pangyayari ang magaganap sa bagong "mundo" na ito.





Ang isa sa mga unang pangyayari ay ang "pagsubok" sa libingan - lahat ay tatanungin ng mga anghel tungkol sa kanilang relihiyon, propeta, at Panginoon.





Pangalawa, ang isang Muslim ay dapat maniwala sa kaparusahan at kaligayahan sa libingan. Nararapat na maniwala ang isang Muslim sa mga detalye ng mga pangyayaring magaganap sa libingan katulad sa kung paano itong naipahayag sa Qur'an at Sunnah.





(B) Mga Pangyayari sa Araw ng Paghuhukom


Matapos dumating ang panahong nakatalaga sa mundong ito, uutusan ng Allah ang dakilang anghel na si Israfeel upang hipan ang Trumpeta. Sa unang pagihip, ang lahat ng mga naninirahan sa kalangitan at sa kalupaan ay mawawalan ng malay, maliban sa mga ibinukod ng Diyos. Ang lupa ay mayuyupi at ang mga bundok ay mauuwi sa alabok.





Ang kalangitan ay uulan sa loob ng apatnapung araw, ang mga tao ay bubuhaying muli sa kanilang dating pangangatawan mula sa kanilang mga libingan, kasunod ng pagpasok sa ikatlo at huling yugto ng buhay.





Muling hihipan ni Israfeel ang Trumpeta sa ikalawang pagkakataon kung saan ang mga tao ay babangon mula sa kanilang mga libingan, buhay. Ang mga hindi naniniwala at ang mga mapagkunwari ay mauuwi sa pagkagulat at panghihinayang, samantalang ang mga mananampalataya ay masusumpungan ang naipahayag o nasabi sa kanila.





Ihahatid ng mga anghel ang mga tao, hubad, hindi tuli, at nakayapak sa Dakilang Lambak ng Pagtitipon na tinatawag na Hashr. Ang unang bibihisan sa Araw na iyon ay si Abraham. Sa Dakilang Lambak ng Pagtitipon, isang bilog na liwanag (mala-araw) ang magliliwanag malapit sa kanilang mga ulo, at sila ay pagpapawisan ayon sa kanilang mga gawa. Samantalang ang ilang mga tao ay masisilungan sa lilim ng Maringal na Trono ng Diyos.





Kapag ang kanilang kondisyon ay hindi na nila makayanan, ang mga tao ay hihiling sa Diyos na pahintulutan ang mga Propeta at Sugo na mamagitan para sa kanila upang iligtas sila mula sa pagkabalisa. Ang lahat ng mga propeta ay magpapaumanhin, hanggang sa si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay pahintulutan na mamagitan para sa kanila at saka magsisimula ang Paghuhukom.





Ang mga Timbangan


Ang mga timbangan ay ihahanda at ang mga gawa ng tao ay susukatin. Ang mga timbangan ay magiging totoo. Ibibigay ng Diyos ang mga gawa ng Kanyang mga nilalang ayon sa bigat  nito. Ang mabuting gawa ay ilalagay sa isang bandeha at ang masasamang gawa ay ilalagay sa isa, tulad ng ipinabatid ng Allah sa Qur'an.





Ang mga Talaan


Kasunod ay ang pagsisiwalat ng mga Talaan ng mga gawa na nagawa sa buhay na ito . Ang taong tatanggap ng kanyang tala sa kanyang kanang kamay ay magkakaroon ng madaling pagtutuos. Masaya siyang babalik sa kanyang pamilya. Samantalang, ang taong tatanggap ng kanyang talaan sa kaliwang kamay ay nanaising mamatay na lamang dahil sa siya ay itatapon sa Apoy. Labis ang kanyang mga pagsisisi na nanaising sana ay hindi nalang ipinakita ang kayang talaan o dili kaya'y hindi nalang niya ito nalaman





Pagkatapos ay hahatulan ng Allah ang Kanyang nilikha. Ipapaalala at ipapaalam ang kanilang mabuti at masasamang gawa. Ang mananampalataya ay aaminin ang kanilang mga kasalanan at patatawarin. Ang mga di-mananampalataya ay walang maipapakitang mabuting gawa sapagkat ang hindi mananampalataya ay ginantimpalaan na para sa kanyang mabubuting gawa sa buhay na ito. Ang ilang mga iskolar ay may opinyon na ang kaparusahan ng isang hindi mananampalataya ay maaaring mabawasan bilang kapalit ng kanyang mabubuting gawa, maliban sa parusa ng malaking kasalanan ng kawalang-paniniwala.





Ang Lawa ng Propeta


     Bawat propeta ay magkakaroon ng lawa, ngunit ang Lawa ng ating Propeta ay ang pinakamalaki, pinakamatamis, at may pinakamaraming bilang ng mga panauhin. Ang tubig nito ay mas matamis kaysa sa pulot at mas maputi kaysa sa gatas; ang mga kagamitan dito ay magiging kasing dami ng mga bituin; at sinuman ang pawiin ang kanyang uhaw mula dito kahit isang beses lamang ay hindi na kailanman mauuhaw muli.





Ang Siraat


Ang Siraat ay isang totoong tulay na itatayo sa ibabaw ng Impiyerno na nagdudugtong sa pagitan ng Paraiso at ng Apoy. Sinumang matatag sa relihiyon ng Diyos sa buhay na ito ay madali itong matatawid. Ito ay mas manipis pa kaysa hibla ng buhok at mas matalas kaysa isang espada! Ang mga tao ay tatawirin ito nang kasing bilis ng isang kisap-mata, kidlat, hangin, pinakamabilis na mga kabayo, tumatakbong mga kamelyo, o sa normal na bilis ng paglalakad. Ang ilan ay gagapang sa ibabaw nito. Susungkitin sila ng mga kawit na bakal at itutulak sa Apoy. Sinumang makakatawid sa Siraat ay makakapasok sa Paraiso.





Ang mga nakatawid dito ay titipunin sa isang lugar sa pagitan ng Paraiso at Impiyerno. Makukuha nila ang kanilang kabayaran ng  mga  utang sa isa't isa at pagkatapos ay papayagan na pumasok sa Paraiso.





(C) Ipagkakaloob  ang Pamamagitan sa mga Propeta at Matutuwid


Malinaw na ipinaliwanag ng Allah ang tamang pamamagitan:





 a)  Kailangan Niyang pahintulutan ito, at





b)  Ipapahintulot lamang ito sa mga kinalulugdan Niya.





Mga Uri ng Pamamagitan


Ang tatlong anyo ng pamamagitan ay espesyal para sa Propeta lamang.





1)    Ang Propeta ay gagawa ng unang pamamagitan, na tinatawag na Dakilang Pamamagitan, sa Dakilang Lambak ng Patitipon upang umpisahan na ang Paghuhukom.





2)   Ang pangalawa ay ang paghingi  ng pahintulot para sa mga tao ng Paraiso upang makapasok doon.





3)    Papahintulutan siya na mamagitan sa ilang mga pagano upang mabawasan ang kanilang kaparusahan sa Impiyerno.





4)   Ang huling uri ng pamamagitan ay para sa mga nararapat na mapunta sa Impiyerno. Ang Propeta ay magbabahagi ng pamamagitan kasama ng ibang mga Propeta at ilang mga banal na mananampalataya. Ang pamamagitan na ito ay para sa:





(i)   sa mga hindi kailanman papasok sa Impiyerno kahit na karapat-dapat sila, at





(ii)  yaong mga papasok sa Impiyerno, ngunit hahanguin mula rito.





Panghuli, ang Pinaka-Mahabaging Panginoon ay hahanguin ang ilang tao mula sa Impiyerno sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang Kabaitan.





Matapos na ang lahat ay makapasok sa Paraiso, magkakaroon pa rin ng ilang lugar na matitira dito. Ang Allah ay lilikha ng isang natatanging nilikha at ipapasok sila sa Paraiso.





(D) Paraiso at Impiyerno


 Parehong totoo, umiiral sa kasalukuyan, at patuloy na iiral magpakailanman. Ang biyaya ng mga tao ng Paraiso ay hindi kailanman mauubos at ang kaparusahan ng di-mananampalataya na nahatulan sa Impiyerno ay hindi kailanman matatapos.





Taglay ng paraiso ang lahat ng nais ng tao. Ang lahat ng mga kagustuhan ay matutugunan. Mga Palasyo, tagapaglingkod, kayamanan, batis ng gatas at pulot, kaaya-ayang bango, nakagiginhawang mga tinig, dalisay na asawa ; walang sinuman ang maiinip o magsasawa! Ang pinakadakilang kaligayahan ay ang makita ang kanilang Panginoon, na ipagkakait naman sa mga hindi mananampalataya .





Ang impiyerno ay magiging isang lugar ng kaparusahan para sa mga di-mananampalataya at paglilinis para sa makasalanang mananampalataya. Magkakaroon ito ng marami at iba't ibang uri ng pagpapahirap at kaparusahan: pagsunog sa apoy, kumukulong tubig na inumin, nakakapasong pagkain upang kainin, mga tanikala, at nakakasakal na haliging apoy. Para sa mga di-mananampalataya ay wala itong katapusan sapagkat mananatili sila roon magpakailanman. Ang mga makasalanang mananampalataya na ipinadala dito ay hahanguin din kalaunan  mula dito dahil sa  pamamagitan  (intercessions)  na   nabanggit sa itaas.





Ang ika-anim at huling saligan ng pananampalatayang Islam ay paniniwala sa banal na pasiya (Qadr sa Arabik). Ang banal na pasiya (Qadr) ay isang napakahalagang saligan ng pananampalataya, at ang mga tao ng ibang mga pananampalataya sa mahabang panahon ay nananatiling magkakaiba ang paniniwala tungkol sa isyung ito.





Ang banal na pasya ay ang 'nakatagong misteryo' ng Allah na ang lalim ay hindi kayang arukin ng pang unawa ng tao. Dapat matutunan ng isang Muslim ang tamang paniniwala tungkol sa banal na kapasyahan at manatili sa payo ng Propeta:





"Kapag ang banal na pasya (Qadr) ay nabanggit,  manahimik." (Saheeh Muslim)





Kaugnay nito, binigyan tayo ng sapat na impormasyon tungkol sa paksang ito upang tayo ay mapanatag, kahit na hindi natin alam ang mga detalye nito. Kung kaya't, ito ay obligadong aspeto ng pananampalataya, at bilang pagbibigay diin sa kahalagahan ng paniniwalang ito, si Ibn Umar, ang bantog na Kasamahan ng Propeta Muhammad, ay minsang sumumpa at nagsabi tungkol sa mga tumanggi dito, 'Kung ang isa sa kanila ay gumugol ng ginto na katumbas ng Bundok ng Uhad sa landas ng Allah, hindi kailanman ito tatanggapin ng Allah mula sa kanila, maliban kung sa sila ay maniwala sa banal na kapasyahan. '





Si Ubada bin Samit, isang Kasamahan ng Propeta, ay nasa  bingit  ng kamatayan nang dinalaw siya ng kanyang anak at nagtanong,





‘O aking Ama, pagkalooban mo ako nang mapanghahawakang payo.'





Si  Ubada ay nagsabi,





'Umupo ka. O aking anak, hindi mo malalasap ang pananampalataya, at makakamit ang katotohanan ng kaalaman ng Allah maliban sa paniwalaan mo ang banal na kapasyahan, ang kabutihan nito at ang kasamaan nito. '





       Kaya sinabi ko,





       'O aking ama, paano ko malalaman kung ano ang mabuti sa banal na pasya at kasamaan dito?'





Siya ay nagsabi,





'Unawain mong anuman ang nagpapahirap sa iyo, ay hindi kailanman makakaligta sa iyo; at kung ano man ang nakaligta sa iyo, ay hindi makapagpapahirap sa iyo. O aking anak, narinig kong ang Propeta ng Allah ay nagsabi na ang unang bagay na nilikha ng Allah ay ang Panulat. Sinabi niya dito, 'Sumulat'. Kaya isinulat nito ang lahat ng magaganap hanggang sa Araw ng Paghuhukom. O aking anak, kung mamatay kang hindi naniniwala dito, ikaw ay papasok sa Apoy.'





si Ad-Daylami ay nagsabi:





"Nagpunta ako kay Ubayy bin Ka'b at sinabi sa kanya na ako ay may ilang mga pagaalinlangan tungkol sa banal na pasya,  kaya pagsabihan mo ako upang kung loloobin ng Allah ito ay lilisan sa ang aking puso. Sinabi niya, 'Kung ang Allah ay magpaparusa sa mga naninirahan sa langit at lupa, Siya ay parurusahan sila at hindi Siya magiging hindi makatarungan sa kanila; at kung Siya ay magpapakita ng awa sa kanila, mas mainam ito sa kanila  kumpara sa kanilang mga gawa. At kung gugugol ka ng ginto na kasing laki ng Bundok ng Uhud, hindi ito tatanggapin ng Allah hanggang sa ikaw ay manampalataya sa banal na kapasyahan. At unawain na kung ano ang nagpapapighati  sa iyo ay hindi makakaligta  sa iyo, at kung ano ang nakaligta sa iyo ay hindi makapagpapapighati sa iyo. '"





Kaya nagpunta siya kay Abdullah Ibn Mas'ud na nagsabi sa kanya ng kaparehong bagay. Kaya nagpunta siya kay Hudthaifah bin al-Yaman[1] na nagsabi sa kanya ng kapareho ring bagay. Nagpunta siya kay Zayd bin Thabit na nagsabi rin sa kanya ng parehong bagay. [2]





Ano itong pananampalataya na ito sa banal na pasiya (Qadr) na itinuturing ng mga dakilang Kasamahan bilang kaligtasan mula sa Apoy? Ano ba talaga ang dapat paniwalaan?





(1)  Ang walang hanggang kaalaman ng Allah ay ganap at kumpleto.





(2)  Itinala ng Allah ang lahat ng bagay sa Iningatang  Kasulatan,





(3)   Ang kalooban ng Allah ay laging ganap, at ang Kanyang Kakayahan ay perpekto.





(4)  Ang Allah ang lumikha ng lahat ng bagay.





(1)    Ang Walang Hanggang Kaalaman ng Allah ay Ganap at    Kumpleto.


Ang pangunahin at kinakailangang bahagi ay ang paniniwala sa hindi matatalos na kaalaman ng Allah. Batid ng Allah kung ano ang gagawin ng mga nilalang, na nasasakop sa lahat ng Kanyang kaalaman. Alam Niya ang lahat ng umiiral, sa kabuuan at kalahatan, sa pamamagitan ng Kanyang sinauna at walang hanggang kaalaman. Walang ipinag-iba sa Kanya may kaugnayan man sa Kanyang Pagkilos o sa mga gawa ng Kanyang alipin. Alam Niya ang kanilang katayuan, pagtalima at pagsuway, kabuhayan, haba ng buhay, tagumpay at kabiguan, at lahat ng kanilang paggalaw. Bago Niya sila nilikha, at kahit na bago pa Niya nilikha ang langit at ang lupa, alam ng Allah na eksakto kung sino ang papasok sa Paraiso at mananatili sa Impiyerno.





“Katotohanan, walang maitatago sa Allah, sa kalupaan o maging sa kalangitan.” (Quran 3:5)





“Hindi ba ninyo nalalaman na si Allah ang nakababatid ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan?” (Quran 22:70)





Sinumang tumanggi dito ay tinanggihan din ang pagiging perpekto ng Allah, dahil ang kabaligtaran ng kaalaman ay alinman sa kamangmangan o pagkalimot. Ito ay mangangahulugang ang Allah ay nagkamali sa Kanyang paunang kaalaman sa mga pangyayari sa hinaharap; Hindi na Siya magiging Pinakamaalam. Mga kakulangang wala sa Allah. Nang tanungin ni Paraon si Moises:





“(si Paraon ay nagsabi:) ‘At anu naman ang tungkol sa mga naunang henerasyon?’





(Si Moses) ay nagsabi: ‘Ang kaalaman diyan ay na sa aking Panginoon, sa isang Talaan.  Ang aking Panginoon ay hindi kailanman nagkakamali o nakakalimot’” (Quran 20:51, 52)





Ang Allah ay hindi mangmang sa hinaharap, ni hindi Siya nakakalimot sa anumang bagay mula sa nakaraan.





(2)    Itinala ng Allah ang Lahat ng Bagay sa Iningatang Talaan


Ang ikalawang kinakailangang bahagi ay ang pagkakatala ng Allah sa lahat ng mangyayari hanggang sa Araw ng Paghuhukom sa Al-Lawh Al-Mahfuz (ang Iningatang Talaan). Ang haba ng buhay ng lahat ng tao ay nakasulat at ang halaga ng kanilang kabuhayan ay nailaan nang malaon. Ang walang hanggang paghirang at paghatol ay isinulat para sa lahat ng sangkatauhan bago pa sila likhain. Sa kanilang sariling kalooban sila ay naligaw; pinili nilang mahulog, at dahil ang kanilang pagkahulog ay malaon nang batid, kung kaya't ito ay isinulat.





Ang lahat ng bagay na nilikha o nangyayari sa sansinukob ay ayon sa kung ano ang naitala. Sinabi ng Allah:





“Hindi ba ninyo nalalaman na ang Allah ang nakababatid ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan? Kaotohanan, ito ay nasa isang Talaan.  Katotohanan, ito ay magaan para sa Allah.” (Quran 22:70)





Minsan ang mga makasalanan ay magtatangkang bigyang-katwiran ang kasalanan sa pamamagitan ng pagsasabing, "Nagawa ko ang kasalanang ito dahil ito ay naisulat na." Ang pagkakamali ay nasa kanyang pag-iisip na sa pagsulat na ito ay na-alis ng kanyang malayang kalooban upang magpahiwatig na wala siyang pagpipilian sa kanyang mga aksyon! Ang sagot sa mga taong yaon ay, "Hindi. Sapagkat ginawa mo ito, kaya't ito ay nasusulat. "Ang ibig sabihin ay malaya siyang pumili. Ang nakasulat  lamang ay ang kanyang pagpipilian, na nasa kabatiran ng Allah sa pamamagitan ng Kanyang malawak na kaalaman na hindi ipinagkakait ang malayang kalooban ninuman.





 Ang Kalooban ng Allah ay Mangyayari, at ang Kanyang Kakayahan ay Walang Kapintasan (Perpekto)


Mangyayari ang anumang loobin ng Allah, at anuman ang hindi Niya naisin ay hindi magaganap. Walang nangyayari sa kalangitan o sa kalupaan nang wala Niyang kapahintulutan. Samakatuwid, anuman ang nasa sanlibutan ay nangyayari sa pamamagitan ng Kagustuhan ng Allah, maging ito ay gawaing banal o anumang pagkilos ng sinumang nilikha.





“kung Kanyang ninais lamang, katotohanang kayo ay mapapatunubayan Niyang lahat.” (Quran 6:149)





Kung sasabihin natin na ang isang bagay ay nangyayari nang walang kapahintulutan ng Allah, mangangahulugan itong ang mga bagay ay nagaganap nang wala ang Kalooban ng Allah, at iyon ay isang pagkukulang sa kapangyarihan at kalooban ni Allah. Sa halip, ang lahat ng nangyayari ay maaari lamang kung nais ng Allah. Kung hindi Niya ito nais maganap, hindi ito kailanman mangyayari.





 Gayundin ang mga kilos o gawain ng nilikha ay nangyari sa pamamagitan ng Kagustuhan ng Allah:





“At wala kayong magagawa maliban na lamang kung ito ay loobin ng Allah – ang Panginoon ng mga Nilalang.” (Quran 81:29)





Walang sinuman ang maaaring gumawa ng anumang bagay maliban kung ito ay  naisin ng Allah, kung gusto Niya na hindi ito maganap, hindi ito mangyayari.


(4)    Nilikha ng Allah ang Lahat


“Nilikha Niya ang lahat, at sinusukat ito nang ganap ayon sa sarili nitong sukat..”





“Nilikha Niya ang lahat ng bagay at itinakda Niya ang mga ito ayon sa   (Kanyang sariling) disenyo.” (Quran 25:2)





Kabilang dito ang ating mga katangian at ang ating mga gawa.





Ang mga tao ay nilikha ng Allah at gayon din ang mga pagkilos at pahayag na nanggagaling sa kanila. Ito ay dahil ang mga pagkilos at ang mga pahayag ng isang tao ay ang kanyang mga katangian; kung ang tao ay isang nilikha, gayon din na ang kanyang mga katangian ay pawang likha rin ng Allah.





“Samantalang ang Allah ang lumikha sa inyo at yaong inyong ginagawa.” (Quran 37:96)





Pinagkalooban tayo ng kakayahang pisikal at pagpipilian. Ang ating mga kakayahan tulad ng katalinuhan at memorya ay magkakaiba katulad din ng ating mga katangian gaya ng taas, timbang, at kulay. Gayundin, binigyan tayo ng kagustuhan at pagpipilian.





Kung wala ang isa sa mga ito, wala ring maisasakatuparan. Ang Allah ang siyang lumikha ng pagpili at kakayahan, ang Lumikha ng dahilan at epekto. Yamang kapwa ito nilikha ng Allah, ang ating kakayahan at pagpili, kung kaya't ang lahat ng ating ginagawa ay nilikha rin ng Allah.





Ang Kalayaang Pumili ng Tao


Ang Islamikong paniniwala hinggil sa banal na kapasyahan (Qadr), ay nangangahulugang ang bawat gawa ng tao sa materyal at espirituwal na buhay ay naitakda na, at pinanatili ang ganap na kalayaan ng tao nang hindi itinakwil ang banal na pagkilos ng Diyos sa mga gawain ng tao. Hindi nito pinipigilan ang prinsipyo ng tao sa kanyang kalayaang moral at pananagutan. Ang tao ay hindi isang inutil na nilalang na inanod lang ng kapalaran. Isang kamalian na paniwalaan na ang pagkilos ng kapalaran ay bulag, nagkataon lamang, at malupit.





May kabatiran sa lahat, ngunit ang kalayaan ay ipinagkaloob din.





Ang tao ay may pananagutan sa kanyang mga nagawa. Ang mga mahinang bansa at indibidwal na tamad sa kanilang mga gawain ang siyang dapat sisihin sa kanilang mga kahihinatnan, hindi ang Allah. Nakatakdang sundin ng tao ang moral na batas; magtatamo siya ng karampatang parusa o gantimpala habang nilalabag o sinusunod ang mga ito. Kung magka ganoon, ang tao ay dapat na may karapatan  na sirain o sundin ang batas. Hindi tayo pananagutin ng  Allah sa mga bagay malibang nagawa natin ito dahil ito ay abot  ng ating kakayahan:





“Walang sinumang kaluluwa ang binigyan ng Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin.” (Quran 2:286)





“Kaya't pangambahan ninyo ang Allah sa abot ng inyong makakaya.” (Quran 64:16)





Alam ng lahat ang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging napilitang gumawa ng isang bagay at pagiging malaya; ang pagkakaroon ng kakayahang pumili, sa pagitan ng isang baril na itinutok sa ulo ng isang tao at maging malaya na gumawa ng mga desisyon.





Nagkakamali ang ilan upang isipin na ang banal na pasiya ng bawat isa sa kanilang buhay sa hinaharap ay maghigpit at detalyado nang itinakda ng Allah na maging ang kanilang mga pagsuway at pagnanasa ay walang kapangyarihang mabago ayon sa magiging takbo ng mga pangyayari. Napipinsala nito ang karaniwang pag-iisip na tanggihan ang pananampalataya o gumawa ng kasalanan kahit na bago pa man niya malaman kung ito ay nakatakda nang maganap! Ang bawat tao'y may kakayahang pumili sa pagitan ng katuwiran at kasamaan, kaya paano kung ang isang tao ay sadyang piliin ang daan sa kapahamakan at gamitin ang banal na pasiya (Qadr) bilang dahilan? Mas angkop na lumakad sa pinagpalang landas at ipahiwatig ito bilang kanyang tadhana. Malaon nang batid ng Allah nang may buong katiyakan  kung sino ang maliligtas at mapapahamak, samantalang taglay nang Allah ang lubos na kaalaman, tayo, sa ating kalagayan, ay walang ganap na katiyakan kung paano tayo magtatapos. Ang Propeta, mapasakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagwika ng katotohanan nang sinabi niya:





“Hanapin kung ano ang kapaki-pakinabang sa iyo, at hingiin ang tulong ng Allah. Huwag mawalan ng pag-asa, at kung may isang bagay na nagpapahirao sa iyo, huwag sabihin na 'Kung ginawa ko lang sana ito at ito', dahil sa pagsasabing 'Kung' ay nabubuksan ang mga pintuan para sa diyablo.”





“Kung siya ay mula sa mga matagumpay, ang mga gawa ng mga matagumpay ay gagawing  madali para sa kanya.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG