Mga Artikulo

Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito





Pambungad





Ang salitang Arabe na shirk [1] ay ang kabaligtaran ng tawheed, kaisahan at pamumukod tangi ni Allah, at mas napapabilang sa pagtatambal at paganismo. Ang shirk ay pagtaliwas sa anumang saysay na dahilan ng pagkalikha tulad ng ipinahayag sa Quran:





“ Hindi Ko nilikha ang mga jinn at ang tao maliban sa Ako ay sambahin .” (Quran 51:56)





Ang mga Propeta ay isinugo sa misyong burahin ang shirk at anyayahan ang sangkatauhan na  ibukod tangi si Allah sa pagsamba.





Ano ang Shirk?


Ang Shirk ay ang pagtatambal  ng anuman kay Allah sa mga aspeto na nararapat lamang sa kanya at natatangi Niyang karapatan.  Ang Shirk ay ang pagsamba sa mga nilalang tulad ng kung paano sinasamba si Allah, ang galangin ang mga nilalang kung paanong si Allah ay ginagalang, at maglagay ng bahagi ng kanyang kabanalan sa iba. 





Kalubhaan ng Shirk





Walang isyu sa Islam na kasing higpit   gaya ng sa   tawheed (monotismo).  magkagayun ang shirk ay ang kinikilalang pinakamalaking paglabag na ang hinahamon  nito ay ang Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan. Ang kalubhaan ng shirk ay maaring maibuod sa mga sumusunod na puntos: 





(1)  Ang Shirk ay ginagawang magkatulad ang Tagapaglikha at ang  kanyang nilikha, sa mga bagay na natatangi lamang kay Allah ay itinatangi sa iba na walang  karapatan dito. Dahil dito ay dineklara ni Allah ang shirk bilang pinakamalaking kamalian,





“Sinuman ang magtambal (kay Allah) ay nakagawa ng napakalaking pagkakamali.” (Quran 31:13)





(2)  Si Allah ay nagdeklara na hindi niya patatawarin ang nagkasala ng shirk hanggat sa ito ay magbalik-loob.





“Tunay na hindi patatawarin ni Allah ang nagtambal sa kanya, at patatawarin ang lahat  maliban   sa kung  sino ang naisin Niya.” (Quran 4:48)





(3)  Ipinagbawal ni Allah ang Paraiso sa kanilang hindi magbabalik-loob mula sa pagkakasala ng shirk, ibubulid siya sa impiyerno panghabang buhay,





“Sinuman ang magtambal kay Allah, ay ipinagbabawal sa kanya ni Allah ang Paraiso at ang kanyang tirahan ay ang Apoy.” (Quran 5:72)





(4)  Lahat ng mabubuting gawa ng tao ay mawawala, magiging walang saysay, at magiging walang kabuluhan ang isang taong mamamatay na hindi nakapagbalik-loob,





“Tunay nga, na naipahayag sa iyo at sa mga nauna sa iyo; na kung nagtambal kayo kay Allah, ang iyong mga gawa ay mawawalan ng saysay, at tunay na mapapabilang ka sa mga talunan. .” (Quran 39:65)





(5)  Shirk ang pinakamapanganib sa lahat ng mga malalaking kasalanan. Sa isang pagkakataon ang Propeta suma kanya nawa ang kapayapaan at pagbati ay tinanong niya ang kanyang kasamahan kung alam nila kung ano ang pinakamalaki sa lahat ng malalaking kasalanan. At ipinaliwanag niya ito sa kanila,





“Ang pinakamalalaking kasalanan ay: Shirk at ang pagiging suwail sa mga magulang…” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)





Mga Uri ng Shirk


(1)  Malaking Shirk (Shirk Akbar)





(2)  Maliit ng Shirk (Shirk Asghar)





Kahulugan ng Malaking Shirk


Ang malaking Shirk ay ang pagtatambal kay Allah sa mga aspeto na natatangi kay Allah, sa kanyang kalikasan at  pagtatambal o ginagawa itong  kapantay ni Allah.





Shirk sa Pagkapanginoon ni Allah


Kabilang sa mga uri nito:





(i)   Atheismo (Ang paniniwala na ang tao ay walang panginoon).





Itinanggi ni Paraon ang pag-iral ni Allah at inangkin sa kanyang sarili ang pagiging Panginoon kila Moises at sa mga taga Ehipto. Ipinahayag niya sa mga tao:





“Ako ang iyong panginoon, Ang kataas-taasan.” (Quran 79:24)





Ang mga makabagong pilosopo na nagtanggi  sa pag-iral ni Allah o mga siyentipiko na kinukunsiderang ang kalawakan ay nalikha lamang nito ang  kanyang sarili o walang panimula o katapusan ay napapasailalim sa  kategoryang  ito. Gayun din, ang kaisipan na ang kalikasan ang siyang Diyos, o na ang Dios ay nananahan kasama ang kaniyang mga nilalang ay isa ring shirk.





(b)  Ang paniniwala na si Allah ay may kahati sa kanyang pamamahala at pagkontrol sa mga nilalang.





Ang mga tao na pasok sa kategoryang ito ay  maaring naniniwala sa kapangyahihan at kakayanan ni Allah, ngunit naniniwala rin sila na si Allah ay may mga ilang personalidad, na maaring nahahati Siya sa iba't ibang uri ng nilalang. Ang isang halimbawa ay ang mga Kristiano na naniniwala na si Allah ay ang Dios Ama, Dios Anak at Dios Espirito Santo lahat sila sa isang pagkakataon.  Gayun rin ang mga Hindus na naniniwala sa nag-iisang Dios sa anyo ni Brahma - ang tagapaglikha, Vishnu - ang tagapanatiling-dios, at Shiva - ang tagapagwasak na dios. Sa Islam itinuturo na si Allah ay nag-iisa sa lahat ng saysay: perpekto, hinid nahahati, at kompleto.





Isa pang halimbawa sa ganitong shirk ang pagdarasal ng mga tao sa mga patay. Sila ay naniniwala na ang kaluluwa ng mga santo ay maaring makialam sa mga bagay ng taong nabubuhay pa, na maaring ang mga kaluluwang lumisan na ay nagsasanhi ng mga pagbabago sa buhay ng sinumang lalaki o babae sa pamamagitan ng pagtugon nila sa kanilang mga panalangin o sa iba pang paraan. Ang katotohan na ang patay ay walang kapangyarihan sa buhay ng mga nabubuhay pa; at hindi kayang tumugon sa mga panalangin, ang pangalagaan sila, o tugunan ang kanilang mga kahilingan.





Ang Malaking Shirk: Shirk kay Allah sa Kanyang nga Pangalan at Katangian


Ang ituring si Allah na tulad ng nilalang o ituring  ang mga nilalang tulad ni  Allah ay ang esensya ng shirk sa pangalan at katangian ni Allah.  Maari itong uriin sa dalawang uri:





(i)   Ang turingin si Allah na tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katangian ng tulad ng sa tao, ito ay shirk.  Ang pagsasalarawan sa Dios sa pamamagitan ng pagpinta o iskulptura ay mga tulad nito. Ang Kristianismo, na siyang pangunahing relihiyon sa kanluran, ay tinitingnan nila ang Dios bilang tao, tulad ni Hesus na kinukunsidera nilang dios na nabuhay muli, kaya't natural lang na magawa  ng tulad nila Michealangelo na isalarawan ang mukha at kamay ng Dios sa pagpipinta. Ang mga Hindus ay sumasamba sa napakaraming idolo bilang mga dios nila. Sa kabilang banda, ayon sa tradisyon ng mga Muslim naging malinaw ang usaping ito dahil sa linaw ng katuruan ng Quran,





“Walang anumang katulad Niya, at Siya ang nakakakita at nakaririnig ng lahat ng bagay.” (Quran 42:11)





(ii)  Isa pang uri ng Shirk ay kapag ang tao ay ginawang banal sa pamamagitan ng  pagbibigay sa kanila ng mga dakilang pangalan at katangian.  Halimbawa sa Kristiano na si Maria, ina ni Hesus,  na binigyan ng banal na katayuan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng ilang katangian ni Allah tulad ng Ang Maawain. Tinawag rin nila si Maria bilang ina ng Dios, Dios na tinuring nila sa kanyang anak na si Hesus. Na sa kalaunan ay tinawag nilang buhay na dios, ang una at ang huli– Mga pangalang para lamang kay Allah. Ang Sugo ni Allah, sumakanya nawa ang pagpapala at pagbati, ay nagsabi:





“Si Allah ang Makapangyarihan ay nagsabi: Ang anak ni Adan... ay pinabulaanan ako gayung wala silang karapatang gawin ito...At sa pagpapabulaanan nila sakin ay sinabi nila, na nagkaroon daw anya ng anak si Allah, habang siya ay ang nag-iisa, ang Magpakailanman sumasaklolo. Hindi ako ipinanganak o nanganak, at sa akin ay walang katulad.’” (Saheeh Al-Bukhari, An-Nasai)





Malaking Shirk: Shirk kay Allah sa kanyang karapatan sa Pagsamba


Sa kategoryang ito ng shirk, ang pagsamba ay idinidirekta sa iba maliban pa kay Allah at ang gantimpala sa pagsamba ay iniaasa sa mga nilalang imbes na sa Tagapaglikha. Ang pagdarasal, pagyukod, at pagpapatirapa ay mga pagsambang para kay Allah lamang.





“ At kapag sila ay sumakay sa mga barko, ay tumatawag sila kay Allah, bilang sinseridad at pagsunod sa Kanya, ngunit kapag dumaong na sila sa ligtas na lugar, magbadya, sila ay nagtatambal sa Kanya.” (Quran 29:65)





Halimbawa ng Shirk sa Karapatan ni Allah sa Pagsamba


(1)  Ang mahalin si Allah ng tama ay pagsamba sa kanya. Ang uri ng malaking shirk ay ibigay ang bahagi ng pagmamahal na ito sa iba  na nauukol kay Allah. Si Allah lamang ang nag-iisang minamahal para sa kanyang kapakanan. Ang dalawang bagay na minamahal ay hindi maaring umiral sa iisang puso. Ang pagmamahal kay Allah ay  iba sa pagmamahal sa mga magulang, asawa o mga anak sapagkat ang pagmamahal na ito na nararamdaman ay may  kasamang pangingimi sa Kanyang kabanalan na siyang nagdudulot na ang tao ay magdasal, magtiwala sa Kanya, umasa sa Kanyang awa, at katakutan ang Kanyang kaparusahan, at sambahin lamang Siya. Ang magmahal ng iba tulad ng pagmamahal kay Allah ay shirk sa pagmamahal. Ang isang muslim ay marapat na hindi maging masyadong nakadikit sa isang bagay na maaring alipinin ang kanyang puso. Ang  puso ay  masyadong pumapanig  sa kapangyarihan, pera, kasikatan, babae, musika, droga, alak at iba pa. Ang mga bagay na ito ay maaring maging "dios"  sa buhay ng isang tao na tutugis sa kanya umaga at gabi. At kapag nakuha niya ang mga bagay na mahal niya ay pagbubutihin niya pa para malugod ito. Ito ang dahilan sa sinasabi ng Propeta sumakanya nawa ang pagpapala at pagbati; na ang taong sumasamba sa pera ay palagian na magiging miserable [1] at sabi sa Quran,





“At may ilan sa mga tao na sumamba ng iba maliban kay Allah. Minahal nila ang mga ito tulad ng pagmamahal nila kay Allah. Ngunit ang mga mananampalataya ay mas masidhi ang pagmamahala nila kay Allah (kaysa  sa anupaman).” (Quran 2:195)





(2)  Shirk sa panalangin.  Una, ang panalangin o paghiling (kilala sa Arabik  na Dua) ay bahagi ng pagsamba tulad ng sinabi ng Propeta, sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan, ay nagsabi:





“Ang panalangin ay ang esensya ng pagsamba.” (Abu Daud, Al-Tirmidhi, Ahmad)





Ang pagtawag sa mga patay na santo, mabubuting tao o sa mga wala o nasa malayo upang humingi ng saklolo na  tulad ng kung paano nananalangin kay Allah ay malaking shirk.  Kabilang dito ang pagdarasal, paghiling, o panalangin sa mga dios-diyosan, propeta, anghel, santo idolo, o anupaman maliban kay Allah. Ang mga Kristiano ay nagdadasal sa tao, sa Propeta ni Allah na si Hesus na sinasabi nilang dios na nabuhay muli. Ang mga Katoliko ay nagdadasal sa mga santo, anghel at kay Maria bilang "Ina ng Dios" daw. Shirk din ang magdasal kay Popeta Muhammad sumakanya nawa ang pagpapala at pagbati, o sa mga namatay nang  mga banal na tao na may paniniwala na maari itong tumugon sa mga dasal, tulad ng sabi ni Allah,





“Sabihin: ‘Ipagbadya, Ako ay pinagbabawalan na sumamba doon sa mga dinadalanginan ninyo  maliban pa kay Allah.’” (Quran 6:56)





“At huwag manalangin sa iba pa maliban kay Allah na wala namang benipisyo  o pinsala na idudulot  sa iyo, dahil  kapag ginawa niyo ito, kung gayun ay mapapabilang kayo sa mga mapaggawa ng kasamaan.” (Quran 10:106)





“Kung nagdarasal kayo sa kanila hindi nila naririnig ang inyong dasal, at kung marinig man nila ay hindi nila ito maibibigay sa inyo. At sa Araw ng Pagbangon  na Muli ay itatatwa nila ang ugnayan sa inyo. Walang ibang makapagbabalita sa inyo maliban Sa Kanya  ang Nakababatid.” (Quran 35:14)





(3)  Shirk sa pagsunod.  Si Allah lamang ang nag-iisang tagapamahala sa kapakanan ng mga tao. Si Allah ang Pinakamataas na nagbibigay ng batas [2],   Ang ganap na hurado  at tagapagbigay ng batas. Siyang nakakabatid ng tama at mali. Tulad na ang pisikal na mundo ay nagpapasakop sa panginoon nito, ang tao ay marapat na magpasakop sa moral at pangrelihiyong katuruan ng kanilang Panginoon, Ang Panginoon na naghiwalay sa pagitan ng tama at mali para sa kanila. Sa madaling salita, si Allah lamang ang may awtoridad na  gumawa ng batas, magtukoy ng pagsamba, magdisesyon sa moral, a magtakda ng pamantayan ng pakikipag-ugnayan at  ugali ng tao. Siya ang nag-utos:





“Sa Kanya ang Paglilikha at Pag-uutos.” (7:54)





“Ang pagbabatas ay para lamang kay Allah. Ipinag-utos Niya na wala kayong sasambahin kundi Siya lamang. Iyan ang tunay na relihiyon, ngunit karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam.” (Quran 10:40)





Ang pagsunod sa mga lider ng relihiyon sa mga bagay na hayag na pagsuway kay Allah ay isang uri ng malaking shirk tulad ng sinabi ni Allah:





“Sila na  (Mga Hudyo at Kristiyano) ginawa nila ang kanilang mga rabbis at monghe na mga panginoon mailaban kay Allah.” (Quran 9:31)





Ginawan nila ng katambal si Allah hindi sa paraang direktang pagsamba sa mga ito, bagkos sa pamamagitan ng pagtanggap nila sa kanilang mga rabbis at pari na baguhin nila ang mga pinahintulutan na ipagbawal at ang mga ipinagbawal na ipahintulot sa relihiyon ni Allah.  Binigyan nila ng awtoridad ang kanilang mga lider pang relihiyon na dapat ay kay Allah lamang - ang maglagay - ng banal na batas. Halimbawa, ang Papa ng Romano Katoliko na siya ang may awtoridad na mag ditermina kung paano sasambahin ang Dios. Nasa Kanya ang buong awtoridad na magbigay ng interpretasyon, pagbabago o mag-alis ng batas niya at batas ng mga nauna sa kanyang papa, siya rin ang nagdidetermina ng gawaing maliturgya (liturgical) at pag-aayuno.





(4)  Panunumpa sa iba maliban pa kay Allah.





(5)  Ang pag-aalay ng makakatay na hayop para sa pagsamba o malugod ang iba pa maliban kay Allah tulad ng mga santo.





(6)  Pag-ikot sa paligid ng libingan ng mga santo. Pagyukod at pagpapatirapa sa tao o libingan.





(7)  Ang katakutan ang ibang nilalang maliban pa kay Allah ng takot na karapat-dapat na takot para kay Allah na makapagpaparusa sa tao.





(8)  Paghingi ng tulong kababalaghan at pagsaklolo maliban pa kay Allah na silang wala naman kakayanan magbigay ng anumang tulong tulad ng mga anghel at santo.





(9)  Ang paggawa ng tagapamagitan sa pagitan ng isang sarili at kay Allah, nananalangin sa tagapamagitan na ito o dito na umaasa.


Kahulugan ng Maliit na Shirk





Ang maliit na shirk ay tinukoy sa Quran at Sunnah, ngunit hindi humantong sa lebel ng malaking Shirk. Gayundin, ang maliit na shirk ay humahantong sa malaking shirk. Ilang mga iskolar ay nagsasabi na ang maliit na shirk ay napakalawak at  mahirap mabigyan ng dipenisyon ng sakto. Ang pinakamahalagang halimbawa ng maliit na shirk ay:





Mga Agimat at  Mga Pamahiin


Paggamit ng agimat, gayuma at anumang sinusuot sa katawan para sa proteksiyon laban sa usog, kamalasan o kaisipan na si Allah ay naglagay ng kapangyarihan dito ay isang uri ng maliit na shirk, ito ay tinalakay  ng mas detalyado dito.





Panunumpa sa Pangalan ng Iba maliban kay Allah


Ang panunumpa, o pamamanata para sa pangalan ng iba maliban kay Allah ay isa sa uri ng maliit na shirk na ang isang tao ay hindi sinasadya  na sumamba sa pangalan ng kanilang sinumpaan, at ito  ay magiging malaking shirk. Ang Sugo ni Allah sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan, ay nagsabi,





“Sinuman ang manumpa sa pangalan ng iba malipan kay Allah ay nakagawa ng pagtanggi ng pagsampalataya o shirk.”[1]





Riyaa (Pagpapakitang-tao)


Sabi ng Sugo ni Allah:





“Ang bagay na pinangangambahan ko sa lahat para sa inyo ay ang maliit na shirk.”





Sabi nila: "O Sugo ni Allah, ang ang maliit na shirk?" sabi Niya:





“Riyaa (pagpapakitang-tao), sasabihin ni Allah sa Araw na ang mga tao ay hahatulan sa kanilang mga gawa: 'Pumunta kayo sa kung saan kayo ay nagpakitang-tao para sa kanila para sa inyong mabuting gawa sa mundo, at tingnan ninyo kung anong biyaya ang makukuha niyo sa kanila.’” (Ahmad)





Riyaa  ay ang pagsasagawa ng pagsamba upang makita at purihin ng mga tao.  Ang Riyaa ay inaalis ang saysay ng gawain; ang tao ay umaani ng  kasalanan imbes na gantimpala kay Allah, at ito ay   magdadala  sa kanya sa  kaparusahan.





Ang mga tao, likas na gusto niya na siya ay pinupuri, at hindi pabor na pinupuna siya, at ayaw ng kapintasan sa anumang paraan. Sa pananaw ng Islam ang mga gawaing pangrelihiyon na ginagawa upang magpasikat sa iba kaysa sa ikakalugod ni Allah - na ang marapat na para lamang kay Allah ay gagawin  para sa tao - ay shirk. Ang Sugo ni Allah ang nagsabi,





“Si Allah (Luwalhatiin at purihin Siya) ay nagsabi: 'Ako ay walang-pangangailangan na hindi ko na kailangan pa na magkaroon ng katambal.  Kaya naman doon  na siyang gumawa ng kilos para sa iba at para sa Akin ay hindi ko tatanggapin ang gawaing ito  na   itinambal niya Ako.’” (Saheeh Muslim)





Malaki ang posibilidad sa isang mananampalataya na mahulog sa riyaa dahil sa ito ay tago, Ito ay nakatago sa puso, dinudumihan ang intensyon, at dapat na ang isang tao ay maging mapagbantay upang itama ito. Si Ibn Abbas, isa sa mga kasamahan ng Propeta ay nagsabi,





“Ang Shirk  sa bansang  Muslim ay mas lingid  kaysa sa itim na langgam na gumagapang sa itim na bato sa kalagitnaan ng gabi na walang buwan.”[2]





Ang intensyon ay isang simpleng bagay, pero minsan ang baguhin ito ay mahirap.   Ang isang  tao ay marapat na pakinggan ang kanyang puso at tignan kung ano ang nag- uudyok sa kanyang mga pagkilos. Ang Muslim ay dapat na maging maingat, tignan na  ang kanyang intensyon ay mapanatili niyang dalisay sa tuwing siya ay gaganap ng mabuting gawain tulad ng salah (dasal), pagbibigay ng kawanggawa, pag-aayuno, pagsisilbi sa mga magulang at kahit sa pagngiti. Marahil ito ang dahilan ng pagbigkas  ng pangalan ng Allah sa bawat pang araw araw na mahahalagang bagay sa ating buhay  tulad ng -pagkain, pagtulog, pagpunta sa palikuran, paggising at bago matulog. Ang pag-alala kay Allah ay magpapanatili sa puso  na maging maingat sa pag-alala kay Allah at dalisay na intensyon.





Ating unawain kung paanong ang riyaa ay makakaapekto sa ating mga pagsamba:





(a)  Sabihin na natin na  ang iyong motibo sa pagtayo ng dasal ay para sa tao na makakakita sayo, o makapapansin sa inyong pagdarasal, o nais ng papuri. ito ay nakapagwala ng saysay ng iyong pagsamba.





(b)  Sabihin na natin na nagismula kang magdasal nang may  sinseridad, ang iyong intensyon ay para kay Allah, ngunit ng simulan mo na isipin ang tungkol sa ikalulugod ng tao, unti- unti ang intensyon mo ay nagbabago. Gawin mo ang isa sa dalawang bagay. Kapag nilabanan mo ang tukso na huwag kang mapansin, ay hindi ito makakasama sa iyo sapagkat ang Propeta sumakanya nawa ang pagbati at kapayaan ay nagsabi: "Ipinagbawal ni Allah (ang kaparusahan) sa aking ummah sa  kung anuman ang dumaan sa kanilang isipan, hangga't hindi nila ito ginawa o sinabi.”  Ngunit kung walang ginawa tungkol dito at hindi nilabanan ang tukso na gawin ang pagsamba upang mapansin lamang; bagkos sinimulang pagandahin ang salah (dasal) para mapansin, kung gayun ang buong pagsamba ay mawawalan ng saysay.





(c)  Ang hindi sadyang papuri ay hindi makakasama. Ang Propeta ay natanong dito at kanyang sinabi:"Iyon ang unang mabuting balita para sa mga mananampalataya."  Hindi rin pagpapakitang tao na kapag ang isang tao ay masaya kapag nakakagawa siya ng pagsamba; bagkos, ito ay tanda ng pananamalataya. Ang Propeta sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan, ay nagsabi:





“Sinuman ang maging masaya dahil sa kanyang mabubuting gawa at nalulngkot para sa kanyang masasamang gawa, ito ay isang mananampalataya.”





Ang Propeta ay nagbigay sa atin ng salit laban sa lingid na shirk na maaring bigkasin anumang oras ng araw. Isang araw ay nagbigay ng sermon ang Propeta at ang sabi,





‘O mga tao, katakutan niyo ang shirk, sapagkat mas tago ito sa gumagapang na langgam.’ (At-Tabarani)





Sinuman ang nais ni Allah ay magtanong, 'At paano namin ito maiiwasan kung mas tago pa ito sa gumagapang na langgam, O Sugo ni Allah?' Sumagot sya,





‘Allah-humma inna na-oodtho-bika an nush-rika bika shay-ann naa-lamu, wa nas-tagh-fi-ruka limaa laa naa-lam.’





‘O Allah, nagpapakupkop kami laban sa sinasadyang shirk laban sa Iyo ay kapatawaran para sa hindi namin nalalaman.’”[3]





Pagkakaiba ng Malaki at Maliit na Shirk


(1)  Ang dalawang ito ay magkaiba ang kahulugan.





(2)  Ang malaking shirk ay naglalabas sa isang tao sa islam,   ngunit  ang maliit na shirk ay hindi naglalabas sa Islam, ngunit nakakapagpababa ng paniniwala kay Allah.





(3)  Ang isang tao na namatay na gumagawa na malaking shirk ay magpakailanman sa Impiyerno; At hindi ganito ang kalagayan ng sa maliit na shirk.





(4)  Ang malaking shirk ay bumubura at nagpapawalang saysay sa lahat ng mga mabubuting gawa, habang ang maliit na shirk ay sinisira lamang ang gawa na may motibo nito o bahagi nito.





(5)  Ang malaking shirk ay pinapatawad lamang ni Allah sa pamamagitan ng dalisay na pagbabalik-loob sa kanya na dapat magawa bago ang kamatayan; habang ang maliit na shirk naman ay nasa kamay ni Allah kung naisin niyang patawarin.





Ang Awa ni Allah





Bismillah ar-Rahman ar-Raheem.  Ako ay nagsisimula  Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin. Ito ay isang parirala na sinasabi natin sa araw-araw, maraming beses sa bawat araw.Subalit paminsan-minsan nakakalimutan natin kung gaano kalakas ang  parirala na ito at nakakalimutan natin na ang awa ay isa sa Kanyang mga katangian, at tayo, bilang mga hindi perpektong tao, ay patuloy na umaasa sa mga pagpapala ni Allah.  





Si Allah ay ang Pinamaawain at ang Pinakamahabagin, ang Kanyang awa ay sumasaklaw sa lahat ng bagay, at ang pinagmulan ng lahat ng habag at awa na umiiral.   “Ang Aking habag ay laganap sa lahat ng bagay...” (Quran 7:156)





Sa wikang Ingles ang salitang awa ay may ilang mga kahulugan kabilang ang pagkahabag, pagpapatawad, kabutihan, at pagmamahal.  Sa wikang Arabe, ang termino para sa awa ay rahmah; Ang Ar-Rahman at Ar-Raheem,  ay dalawa sa pinakamahalagang pangalan ni Allah na kinuha mula sa salitang-ugat na mga ito. Ang Awa ni Allah ay ang kalugod-lugod  na katangian na sumasaklaw din sa kahinahunan, pangangalaga, pagsasaalang-alang, pagmamahal at pagpapatawad. Kapag ang mga katangiang ito ay makikita sa mundong ito, ito ay isang paglalarawan lamang ng awa ni Allah sa Kanyang nilikha.





Si Propeta Muhammad, naway purihin siya ni Allah, ay ipinabatid sa atin na si Allah ay higit na maawain sa Kanyang mga alipin kaysa sa isang ina sa kanyang anak[1]  at sa katunayan, ang salitang Arabe para sa sinapupunan, ay nagmula sa parehong salitang-ugat  tulad ng awa -rahmah.  Ito ay isang tanda ng natatanging koneksyon sa pagitan ng awa ni Allah at ang sinapupunan. Inaalagan at  binibigyan tayo ng kanlungan ni Allah, tulad ng pag-aalaga at pagbibigay ng kanlungan sa sanggol sa sinapupunan. Sa Quran, sa awtentik na Sunnah at sa buong mundo ay maraming mga palatandaan ng awa ni Allah sa Kanyang nilikha.





Ang ilang mga Tanda ng awa ni Allah


·       Ang mga Propeta at mga Sugo.





Nagpadala si Allah ng mga Propeta at Sugo  upang gabayan tayo at tulungan tayong manatili sa Kanyang tuwid na landas na humahantong sa walang hanggang Paraiso. Ang lahat ng mga Propeta at mga Sugo ay mortal, mga tao, na ipinadala sa iba't ibang nasyon at sa iba't ibang panahon ngunit ipinahayag ang iisang mensahe - ang sambahin ang Isang Diyos at huwag magtambal ng anumang bagay o sinuman sa Kanya. Ipinakita nila sa mga tao ang pinakamainam na paraan ng pamumuhay at mamuhay ng buhay na magbibigay sa kanila ng tagumpay at kaligayahan sa buhay na ito at sa susunod.





Si Propeta Muhammad na siyang huli sa mga ito, ay ipinadala sa  sangkatauhan. Siya ay ipinadala na may  mensahe na angkop para sa lahat ng mga tao, sa lahat ng mga lugar, sa lahat ng panahon. Inilalarawan ni Allah ang Propeta bilang isang awa para sa sangkatauhan. Siya, ang Dakila, ay nagsabi:





“At ikaw [O Muhammad] ay hindi Namin ipinadala maliban bilang isang habag para sa lahat.” (Quran 21:107)





   Si Propeta Muhammad ay ang diwa ng awa. Nagpakita siya ng kahinahunan at pakikiramay sa lahat ng kanyang nakilala; kanyang pamilya, mga ulila, mga kaibigan, mga alipin, at mga estranghero.





“At sa pamamagitan ng habag ni Allah, ikaw (O Muhammad) ay naging mahinahon sa kanila. At kung ikaw ay naging marahas (sa pananalita) at naging matigas ang puso, marahil sila ay nagsilayo sa iyong paligid. Kaya, maging mapagparaya (sa kanilang mga kakulangan), at magsumamo ng kapatawaran (kay Allah) para sa kanila...” (Quran 3:159)





·       Ang Quran





Ang Quran ay ang pinakadakilang regalo ni Allah sa sangkatauhan - ito ay isang aklat na walang katulad. Ang Quran ay gumagabay sa sangkatauhan sa mataas na pamantayan ng moralidad at pinapahalagahan ang mga ito upang magsikap na maaring maging pinakamabuting mga tao. Sa tuwing ang buhay ay nagiging mahirap o tayo ay nasasaktan ng pinsala, karamdaman o kalungkutan, ang Quran ay magpapagaan sa ating daan at magpapagaan ng ating mga pasanin. Ito ay isang mapagkukunan ng kaginhawaan at kaluwagan. Ito ay isang awa sa sangkatauhan.





“At hindi Namin ipinahayag (o ibinaba) ang Aklat (Quran) sa iyo (O Muhammad) maliban upang gawin mong malinaw para sa kanila ang anumang kanilang ipinagkaiba, at (bilang) patnubay at habag para sa mga taong naniniwala.” (Quran 16:64)





“At ito ang pinagpalang Aklat (ang Quran) na Aming ipinahayag. Kaya ito ay inyong sundin at inyong katakutan (ang pagsuway kay Allah) upang   kayo ay magtamo ng (Kaniyang habag).”(Quran 6:155)





·        Kaluwagan  sa mga bagay ng pagsamba.





Itinuturo ng Islam na ang bawat aspeto ng buhay ay maaaring maging isang gawaing pagsamba. Ang lahat mula sa pagkain at pag-inom hanggang sa pagtulog at pagpunta sa banyo ay maaaring gawin sa isang paraan na ikalulugod ni Allah. Ang Islam ay pananampalataya na nababaluktot  (flexible), maluwag  at maawain. 





Halimbawa, kung ang isang mananampalataya ay may sakit at hindi maaaring mag-ayuno sa buwan ng Ramadan, hindi siya inuutusan na mag-ayuno. Sa katunayan siya ay hinihikayat na hindi mag-ayuno. Katulad din kung ang isang Muslim ay hindi makapagsagawa ng Hajj dahil sa  pisikal o pinansiyal na kahirapan siya ay hindi inobliga na gawin ito. Ito ay ang awa ni Allah na nagpapahintulot sa isang Muslim na manlalakbay na pagsamahin ang mga pagdarasal kapag naglalakbay, dahil ang pagtigil sa bawat ilang oras para makapagsagawa ng pagdarasal ay maaaring makapagpahaba sa  paglalakbay at mas mahirap.





Ang awa ay Isa sa pinakadakilang katangian ni Allah. Ito ay tungkulin para sa mga naniniwala kay Allah na magpakita ng awa sa lahat ng kanilang ginagawa at sinasabi.





“...Siya ay higit na Mahabagin sa lahat ng nagpapakita ng habag!” (Quran 12: 92) 





Ipinaliwanag ni Propeta Muhammad ang kabutihan ng awa sa kanyang mga kasamahan, na sinasabi niya sa kanila na hinati ng Diyos ang Kanyang awa sa isang daang bahagi at nagpadala ng isang bahagi na ipinamahagi sa mga nilikha. Ito ang dahilan kung bakit ang mga tao ay mahabagin at mabuti sa isa't isa at ang mga mababangis na hayop ay tinatrato ang kanilang mga anak sa kahinahunan. Gayunpaman, ipinagkait o hinawakan  ng Diyos ang iba pang 99 na bahagi na ipagkakaloob sa mga mananampalataya sa Araw ng Paghuhukom.[2]





Ito ang awa ni Allah na papapasukin ang mga mananampalataya sa Paraiso sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Walang makapapasok kailanman sa Paraiso ng dahil lamang sa kanyang mga gawa .  Si Propeta Muhammad, nawa'y ang  papuri ay sumakanya, ay ipinaliwanag ito sa kanyang mga kasamahan na nagsasabing, "Walang sinumang ang kanyang gawa ang makakapagpapasok sa kanya sa Paraiso." Sinabi nila, "Kahit na ikaw, O Sugo ni Allah?" Sinabi niya, "Hindi, kahit na ako, maliban kung papaulanan ako ni Allah ng Kanyang Awa.[1]  Gayunpaman ang mabuting gawa ng isang tao ang nagpapalapit  sa awa ni Allah.





 Ang awa at ang lahat ng  napapaloob dito ay isang napakahalagang konsepto sa Islam sapagkat mula dito ay nagmumula ang pagkamapagbigay, paggalang, pagpaparaya at pagpapatawad; ang lahat ng mga katangian na inaasahan sa isang Muslim na payamanin sa buhay na ito. Dahil dito ang Islam ay naglalagay ng malaking pagpapahalaga sa paglilinang ng mga katangian ng pagkahabag, pakikiramay, kapatawaran, at pagmamahal. Parehong ang Quran at ang Sunnah ng Propeta Muhammad ay nagpapakita at hinihikayat ang mga halimbawa na ito. Pinagpapala ni Allah ang mga Muslim na mabait sa iba at ayaw ng pag-uugali na matigas ang puso o malupit. Samakatuwid ang Propetang si Muhammad ay madalas na marinig ang pagtawag sa Awa  ng Diyos sa mga mananampalataya.





Awa at Pagpapatawad


Ang awa ni Allah ay hindi kailanman dapat maliitin at ang mga katangian ng awa at pagpapatawad ay magkadugtong sa buong Quran at ang mga tunay na tradisyon - ang Sunnah - ni Propeta Muhammad. Hinihingi sa atin ni Allah na humingi tayo ng kapatawaran mula sa Kanya at ipinaalala sa atin ni Propeta Mohammad na ang Diyos ay nagpapatawad kapag bumabaling tayo sa Kanya. Sa huling bahagi ng gabi, kapag ang kadiliman ay namamalagi sa buong lupain, ang Diyos ay bumababa sa pinakamababang langit at tinatanong ang Kanyang mga alipin. "Sino ang nananalangin sa Akin upang ito'y Aking sagutin? Sino ang humihiling ng isang bagay sa Akin upang mabigay Ko ito sa kanya? Sino ang humihingi ng kapatawaran sa Akin upang siya ay Aking patawarin?”[2]





“Sabihin: O Aking alipin na nagmamalabis [sa paggawa ng mga kasalanan] laban sa kanilang mga sarili, huwag kayong mawalan ng pag-asa mula sa habag ni Allah. Katotohanan, pinatatawad ni Allah ang lahat ng kasalanan. Katiyakan ang Lagi nang mapagpatawad, ang Maawain. ' At magbalik-loob kayo [sa pagsisisi] sa inyong Panginoon at tumalima sa Kanya [sa Islam] bago dumating ang parusa sa inyo; sapagkat pagkaraan niyan kayo ay hindi matutulungan.” (Quran 39: 53 – 54)





Nilikha ni  Allah ang sangkatauhan na may pagkahilig sa paggawa ng mga kasalanan at gumawa ng mga pagkakamali, gayunpaman kapag ang isang tao ay nagsisisi ay nakikita at nararanasan niya ang mga dakilang katangian ng awa at pagpapatawad ni Allah. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Kung hindi ka nagkakasala, lilipulin ka ni Allah at papalitan ka ng ibang mga tao na magkakasala at hihingi ng kapatawaran kay Allah.[3]   Ang mahulog sa pagkakamali, pag-unawa sa pagkakamali, at paghahangad ng pagpapatawad ni Allah habang umaasa sa Kanyang awa, ay espirituwal na pag-unlad na lumilikha ng pagmamahal ng isang tao para kay Allah. Minamahal ni Allah ang mga patuloy na lumalapit sa Kanya na naghahangad ng kapatawaran.





Bagaman si Allah ay sabik para sa lahat ng tao na lumapit sa Kanya at humingi ng kapatawaran, at kahit na ang Kanyang awa ay malawak at pumapalibot sa lahat, ito ay hindi isang lisensya na gumawa ng mga kasalanan. Upang ang isang tao ay makaramdam ng awa ni Allah at patawarin para sa kanyang mga paglabag, ang mga kondisyon ng pagsisisi ay dapat matupad[4].   Matapos at pagkatapos nito ay ang awa ni Allah ay bababa.





Ang awa ni Allah ay naihahayag kapag binibilang ni Allah ang kasalanan ng nagkasala bilang isang kasalanan. Higit pang ipinapahayag kung si  Allah ay nagbibigay ng gantimpala sa matuwid na tao ng sampung beses kung ano ang halaga ng kanyang mabuting gawa at pagkatapos ay maaaring paramihin ni Allah  ang kanyang gantimpala ng higit pa sa sampung beses. "Iniutos ni Allah (sa mga hinirang na anghel sa iyo) na ang mabuti at ang masamang gawa ay isusulat, at pagkatapos ay ipinakita Niya (ang paraan) kung paano (sumulat). Kung ang isang tao ay nagnanais na gumawa ng isang mabuting gawa at hindi niya ito ginawa, kung gayon ay isusulat ni Allah para sa kanya ang isang buong mabuting gawa; at kung siya ay nagnanais na gumawa ng isang mabuting gawa at talagang ginawa niya ito, kung gayon si Allah ay magsusulat para sa kanya (ng gantimpala nito na katumbas) mula sa sampu hanggang pitong daang beses sa mas maraming beses. At kung ang isang tao ay nagnanais na gumawa ng masamang gawa at hindi niya ito ginawa, kung gayon si Allah ay isusulat para sa kanya ang isang buong mabuting gawa (sa kanyang ulat) sa Kanya, at kung nais niyang gumawa ng isang masamang gawa at talagang ginawa niya ito, kung gayon si Allah ay magsusulat para sa kanya ng isang masamang gawa..”[5]  Gayundin, binubura ni Allah ang mga kasalanan sa bawat mabuting gawa na nagawa.  “…Katotohanan, ang mga mabubuting gawa ay nakakapawi ng masasamang gawa.…”(Quran 11:114)





Kuwento ng Paglikha





Ang Allah ang Lumikha ng Lahat ng Bagay 


Paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito? Allah. Wala nang iba. Ang Propeta ng Islam ay tinanong, “O Sugo ng Allah, Nasaan ang ating Panginoon bago Niya nilikha ang Kanyang mga nilikha ?” Sinabi niya: “Walang anumang umiiral maliban sa Kanya, walang nasa ilalim Niya at walang nasa ibabaw Niya.”[1]





Isipin kung gaano kahanga-hanga iyon, nais nitong ipabatid na walang anumang bagay kundi ang Allah na Siyang karapatdapat; ang nilikha ay nangangailangan sa Allah at wala nang iba dahil sa simula pa lang ay nandoon na ang Allah at wala nang iba pa.





Ang Allah ay nagsabi sa Quran:





“Ang Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay at Siya ang Tagapangalaga sa lahat ng bagay.” (Quran 39:62)





Kaya lahat ng bagay maliban sa Allah ay nilikha Niya, nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at ng Kanyang pamamahala, at sinanhi Niyang umiral ito.





Si Jubayr, kasabayan ni Propeta Muhammad ay inilarawan ang kanyang sarili, na sinabi, “Isa ako sa pinakamatinding kalaban ng Propeta,” at sinabi niya, “galit ako sa kanya higit kaninuman dito sa mundo,” ngunit may kakaibang nangyari.   “Isang pagkakataon ako ay napadaan sa moske at narinig ang Propeta na dinadalit ang talata mula sa Surah at-Toor (Quran 52:35-36), ‘Sila ba ay nilikha mula sa kawalan o sila mismo ang nagmumungkahi na sila ang mga tagalikha? O nilikha ba nila ang langit at ang lupa? Sa halip wala silang ideya, sila ay nasa kalituhan!’”





Sinabi ni Jubayr na sa sandaling iyon habang sinasabi iyon ng Propeta, kahit na hindi pa man niya opisyal na tinatanggap ang Islam hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay, “ang pananampalataya ay pumasok na sa kanyang puso. Alam ko sa puntong iyon na talagang walang paraan na paniwalaang walang Diyos!”





Kung mauupo ka sa isang sulok at tanggalin ang mga posibilidad kung paano tayo at lahat ng iba pa sa paligid natin ay narito, matutuklasan mo na walang ibang paraan upang ipaliwanag ito maliban kay Allah.





Paglikha sa Tubig at sa Throne (Arsh)


Si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Walang umiral kundi Siya, na walang nasa ilalim Niya o nasa ibabaw Niya. Pagkatapos ay nilikha Niya ang Kanyang Trono sa ibabaw ng tubig.”[2]





Sinasabi sa atin ng Propeta na nauna ang Allah at wala ng iba pa. Pagkatapos, nilikha Niya ang tubig at ang Trono (Arsh).  Nilikha sila hindi ng sinumang mga anghel at nilikha bago pa ang paglikha sa mga kalangitan at kalupaan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Nandoon na ang Allah, at walang sinuman ang kasama Niya, at ang Kanyang Trono ay nasa ibabaw ng tubig. Isinulat Niya ang lahat ng bagay sa Aklat (sa kalangitan) at nilikha Niya ang mga kalangitan at kalupaan.”[3] Lahat ng mga bituin, mga planeta, mga kalawakan ay nasa ilalim ng “unang kalangitan” (As-sama ad-dunya).





Maraming beses na binanggit ng Diyos sa Quran na siya ang Panginoon ng Maluwalhating Trono, dahil ito ay isa sa mga nangunguna sa lahat at pinaka-kahanga-hanga sa kanyang mga nilikha.    





Paglalarawan sa Trono


1.  Nilikha ng Allah ang Trono sa Ibabaw ng Tubig


Ang Allah ay nagsabi, “At Siya ang lumikha ng langit at lupa sa loob ng anim na araw at ang kanyang trono ay nasa tubig.” (Quran 11:7)





2.  Ang Trono ay ang Bubong ng Paraiso


Ang propeta ay nagsabi: “Kung hihiling ka kay  Allah, kung gayon ay hilingin mo sa Kanya ang (Paraiso ng) Firdaws, dahil ito ang pinakamataas na bahagi ng Paraiso, at sa ibabaw nito ay ang Trono ng Pinaka-Mahabagin, at mula dito ay dumadaloy ang mga ilog sa Paraiso.”[4]





3.  Ang Trono ay nasa Ibabaw ng mga Kalangitan at sa Ibabaw ng Lahat ng Nilikha 


Si Abdullah Ibn Masud, isang Kasamahan ng Propeta, ay nagsabi, "Sa pagitan ng pinakamababang langit at ang isa pagkatapos nito ay nasa layong limang daang taon, at sa pagitan ng bawat dalawang kalangitan ay may layo na limang daang taon, at sa pagitang ng ika-pitong langit at ng Kursi ay nasa layo na limang daang taon, at sa pagitan ng Kursi at ng tubig ay may layo na limang daang taon, at ang Trono (Arsh) ay nasa ibabaw ng tubig. Ang Allah, ang Pinaka-Makapangyarihan, ay nasa ibabaw ng Trono.  At walang mga gawa ninyo ang maitatago sa Allah.”[5]





4.  Ang Trono ay may mga Haligi


Ang propeta ay nagsabi: “Mawawalan ng malay ang mga tao sa Araw ng Pagbabangong-Muli at ako ang unang magkakaroon ng malay, at masdan, Makikita ko si Musa na nakakapit sa mga haligi ng Trono. Hindi ko alam kung nauna siyang nagkamalay sa akin o  di nasali  dahil sa pagkawalang-malay niya sa bundok ng Toor (sa Sinai).”[6])





5. Mga Anghel na Nagbubuhat Nito


Ang Allah ay nagsabi: “Ang mga (anghel) na nagbubuhat ng Trono at ang mga nasa palibot nito ay niluluwalhati ang papuri sa kanilang Panginoon.” (Quran 40:7)





Sinabi rin Niya: “At ang mga anghel ay nasa mga gilid nito, at ang walong mga anghel, sa Araw na iyon, ay buhat-buhat ang Trono ng inyong Panginoon .” (Quran 69:17)





Bukod dito, binabanggit ng Allah ang mga dakilang anghel na nagbubuhat ng Trono. Sila ay malalaki't maririlag na mga nilalang mula sa mga mainam na anghel ng Allah. Sa Araw ng Paghuhukom, binabanggit sa atin ng Allah na mayroong walong mga anghel na nagbubuhat ng kanyang Trono (Quran 69:17). Ang Propeta ay nagsabi, “Pinahintulutan akong sabihin ang tungkol sa isa sa mga anghel ng Allah, ang Makapangyarihan, ang Pinaka-Malakas, na isa sa mga taga-buhat ng Trono at (upang sabihin sa inyo) na ang layo sa pagitan ng kanyang tainga at balikat ay pitong-daang taon na paglalakbay.” (Abu Dawud) Isinalaysay din sa pananalitang ito, “Ang layo ay (katulad) ng pitong-daang taon na paglipad ng isang ibon.”[7]





Ipinapahayag sa atin ng Diyos na ang mga anghel na iyon na nagbubuhat ng Kanyang Trono at ang mga nasa paligid nito ay lumuluwalhati ng papuri sa Kanya, at humihiling ng kapatawaran para sa mga naniniwala. Sila ay nananalangin para sa kanila na nagsasabing “Aming Panginoon, saklaw  mo ang lahat ng bagay ng Inyong awa at kaalaman, kaya't patawarin yaong mga nagsisisi at sumunod sa Inyong landas at pangalagaan sila mula sa kaparusahan sa Impiyernong-apoy.” (Quran 40:7)





Niluluwalhati nila ang Allah at ipinapahayag ang Kanyang pagiging ganap upang ipakita na Siya ay malaya sa Trono at malaya sa mga nagbubuhat nito. Ang Allah ay hindi nangangailangan ng Trono o kailangan ang mga nagbubuhat ng Trono.





Ang Luklukan (Kursi)


Ang Kursi ay isang luklukan na katulad ng isang hagdanan sa Trono at ang Allah ay nasa ibabaw ng Trono, subalit walang anumang bagay ang naitatago sa Kanya. 





Ang Kursi, ang Luklukan, lamang ay nagtataglay ng lahat ng kalangitnan at kalupaan sa ilalim nito (Quran 2:255).  Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Ang Luklukan bilang kaugnay ng Trono ay hindi hihigit sa isang singsing na bakal na inihagis sa malawak na disyerto sa mundo.” (Tafsir Tabari) Walang anumang palatandaan kung gaano kadakila ang Trono sa laki nito at malinaw na hindi natin matatantiya ang kadakilaan ng Allah mismo.





Hindi malayo ang Allah; Binibigyang diin niya sa buong Quran na kasama Niya tayo saan man tayo naroon. Sa Surah al-Hadid (Kabanata 57), pagkatapos sabihin ng Allah na Siya ay umakyat sa Kanyang Trono, Sinasabi niya sa atin na alam Niya ang lahat ng bagay na pumapasok at lumalabas sa lupa, lahat ng bagay na bumababa mula sa langit at kung ano ang umaakyat dito, sa madaling salita, Alam niya ang pinakamaliit na detalye ng lahat ng bagay (Quran 57:4). Alam nating si Allah ay nasa itaas ng Kanyang Trono, ngunit Siya ay Makapangyarihan at ang Kanyang kaalaman ay sumasaklaw sa lahat. 





Ang Panulat


Pagkatapos ng paglikha sa tubig at ng Trono, nilikha ng Diyos ang Panulat. Nang sabihin ng Propeta na nilikha ng Diyos ang Panulat, sinabi niya na ang Kanyang Trono ay nanatili sa tubig, na may isang patong ng tubig sa ilalim ng Trono ng Diyos..





“Itinalaga ng Diyos ang mga takda ng paglikha limampung-taon bago likhain ang mga kalangitan at kalupaan habang ang kanyang Trono ay nasa ibabaw ng tubig.”[1]





Ano ang mga sukat ng Panulat?  Ano ang itsura nito?  Wala tayong lubos na kaalaman.





Ang Propeta ay nagsabi, “Sinabi ng Diyos sa Panulat: ‘Sumulat.’ Sinabi nito: ‘O Panginoon, ano ang aking isusulat?’ Siya ay nagsabi: ‘Isulat ang mga kautusan ng lahat ng bagay hanggang sa magsimula ang Oras.’”[2]





Ang Pinangalagang Aklat (Al-Lawh Al-Mahfuz)


Ang Panulat, na nilikha 50,000 taon bago ang mga kalangitan at kalupaan, ay sumulat sa tinatawag na al-Lawh al-Mahfuz, ang Pinangalagaang Aklat.  Tinawag ito ng Diyos na al-Lawh Al-Mahfuz dahil ito ay pinangalagaan mula sa anumang mga pagbabago at pinangalagaan din mula sa paglapit dito. Ang lahat ng bagay ay nadoon sa Aklat na iyon, maging, katulad ng sinabi ng Diyos, isang dahon na nalalaglag mula sa puno.  Ang lahat ng dapat mangyari, na nangyari, at mangyayari ay nakasulat doon.





Ang ginagawa nito ay itinatatag nito ang tiwala ng mananampalataya sa Allah na ang Kanyang sinulat ay sinulat Niya para sa ating kabutihan, at lahat ay pinangyari na may karunungan.  Minsan ay maiisip natin ito, ngunit sa ibang pagkakataon tayo ay pinagiginhawa at napapanatag na malaman na ang Diyos ay alam ang Kanyang ginagawa.





Mga Langit at Lupa


Tungkol sa tinatawag ngayon ng mga siyentipiko na Big Bang, ang Quran ay nagsabi, “Hindi baga nababatid ng mga hindi naniniwala na ang mga langit at ang lupa ay pinagsama bilang isang piraso, pagkatapos ay pinaghiwalay Namin sila at nilikha Namin ang lahat ng nabubuhay mula sa tubig? Hindi ba sila magkagayon maniniwala?” (Quran 21:30)





Batay sa sumusunod na talata, ilan sa mga iskolar ay nagpahayag na nilikha ng Allah ang mga langit bago niya likhain ang mundo, “Kayo baga ay mahirap likhain kaysa sa kalangitan na Kanyang itinatag?  Iniangat Niya ito, at pinaging-ganap.  At ang gabi nito ay nilukuban Niya ng dilim. At ang umaga nito bago tumanghali ay ginawaran Niya ng liwanag. Pagkatapos ay inilatag Niya ang Kalupaan. At nagkaloobs Siya mula rito ng tubig at pastulan. At ang kabundukan  ay itinindig Niya nang matatag; Bilang kapakinabangan sa inyo at sa inyong bakahan.” (Quran 79:27-30)





Ang Allah ay nagsabi sa Quran,





 “Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Diyos, na lumikha ng mga langit at lupa sa loob ng anim na araw.” (Quran 7:54)





Sa katotohanan ay hindi kailangan ng Allah ang anim na araw, sasabihin lang ng Diyos, “Maging,” at ito ay magaganap.  Bakit nilikha ng Diyos na anim na araw kaysa isang segundo lang o mas kaunti pa? Marahil, nais ng Diyos na turuan tayo ng isa sa mga kaibig-ibig Niyang katangian, na kung saan ay ang pagdadahan-dahan sa lahat ng bagay at pagpaplano ng maayos.





Karagatan, Mga Ilog, at Ulan


Sinabi sa atin ng Allah na Siya ang Nag-iisang lumikha ng mga langit at lupa, nagpadala ng ulan mula sa kalangitan, nagkaloob ng mga prutas at kabuhayan para sa ating ikabubuhay. Ang nagkaloob sa atin ng mga dagat at mga barko upang maglayag sa mga karagatang ito.  Inilagay niya ang mga ilog upang tayo ay paglingkuran at inilagak ang araw at buwan sa sarili nitong mga pag-inog.  Siya ang nagtalaga sa gabi at araw upang maglingkod sa atin.  Sinabi ng Allah na ibinigay Niya ang lahat ng ating kailangan upang tayo ay mabuhay. Kung susubukan nating bilangin ang mga pagpapala ng Allah, hindi natin ito magagawa. (tignan ang Quran 14:32-34).





Pinakikinabangan natin ang lupa sa hindi mabilang na mga paran. Kung titingnan mo ang ibabaw ng lupa, sinasabi ng Allah na ginawa Niya itong espesyal para sa atin, ibig sabihin ay madali itong tahakin. Ngayon isipin kung ang ibabaw ng lupa ay parang mga bundok at lahat tayo ay nakatira sa mga rehiyon na malubak at mahirap lakaran.  Ginawa niyang malambot ang ibabaw nito upang makapaghukay tayo dito at magtanim ng mga bagay.  Kasabay nito, Ginawa Niyang matibay at matatag ang lupa upang makagawa ng konstruksiyon at gusali  mula sa mga materyales nito.  Nilikha rin Niya ang gravity upang hindi tayo magsipangalat sa kung saan.  





Araw at Buwan


Ang araw ay isang kahanga-hangang likha ng Allah at matatagpuan mong maging ang Allah ay sumumpa sa araw sa Kabanata Ash-Shams upang magbigay ng higit na pagpapahalaga sa kaloob na ito na binigay Niya sa atin. Maraming mga relihiyon sa nakaraan ang nagtalaga ng mga natatanging katangian sa araw; maraming tao ang sumamba sa araw. Ang Allah ay nagsabi,





“at kabilang sa Kanyang mga tanda ay ang gabi at araw at ang araw at buwan. Huwag magpatirapa sa araw o sa buwan, subalit magpatirapa sa Diyos, na lumikha sa kanila, kung ikaw [ay tunay] na sumasamba sa Kanya.” (Quran 41:37)





Sa araw, buwan, at mga bituin ay marami kayong mga paniniwala at maging matatalinong tao ay mayroong kakaibang mga pinaniniwalaan. Ang mga tao ay kadalasang gumagamit ng lohika tungkol sa mga pamahiin. Mayroon kayong astrology, horoscope at ilang kaparehong mga bagay na walang kabuluhan, ngunit nagbibigay sila sa tao ng pagasa alinman sa wala naman talagang katotohanan o nagbibigay ng dahilan upang magalala. Lubos na ipinagbabawal ng Islam ang pagpunta sa mga manghuhula o paniniwala sa kanila.





Paglikha sa mga Anghel


Pagkatapos, nilikha ng Diyos ang mga anghel mula sa liwanag. Wala silang kakayahang sumuway sa Kanya at ginagawa lamang kung ano ang ipinag-utos sa kanila. Sila ay responsable na isakatuparan ang napakarami at ibat-ibang tungkulin.   Halimbawa, Si Gabriel ay may tungkuling magparating ng kapahayagan mula sa Diyos patungo sa mga sugo. Ang Diyos sa katuruan Niya tungkol sa mga anghel, ay nilinaw sa atin ang karangalan ng mensahe habang ito ay ibinababa sa mga sugo, kabilang na ang marami pang bagay.   





Ilan sa mga katangi-tangi patungkol sa Islamikong paniniwala sa mga anghel ay ang hindi natin paniniwala sa mga makasalanang anghel, at hindi tayo naniniwala na ang demonyo ay dating anghel.





Karagdagan, hindi robot ang mga anghel. Marami silang mga katangian; nagmamahal sila at nagagalit, nagdarasal, nakatuon sa ilang mga tiyak na bagay, ngunit ang lahat ng ito ay saklaw ng pagsunod sa Diyos.





Paglikha sa Jinn


Sila ay nilikha mula sa apoy, ngunit hindi lamang sila basta nilikha mula sa anumang uri ng apoy, ngunit sa walang usok na ningas.[3] Nilikha sila ng Diyos bago tayo. Ang kanilang layunin ay sa diwa ng katulad na layunin ng sa tao: upang sumamba at maglingkod lamang sa Diyos.





Paglikha sa Tao


Ang unang tao na nilikha ay si Adam. Ang kuwento ng kanyang paglikha at mga sumunod na pangyayari ay detalyadong natalakay sa ibang hanay ng mga artikulo sa ating site. [4].



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG