Kapag ang buong Sansinukob na ito ay pinasunud-sunuran alang-alang sa iyo. Kapag naitanghal ang mga tanda Niya at mga palatandaan Niya bilang mga patotoo sa harap ng mga paningin mo, na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allah: nag-iisa Siya na walang katambal.
Kapag nalaman mo na ang pagbubuhay sa iyo at ang buhay mo matapos ang kamatayan mo ay higit na madali kaysa sa pagkalikha sa mga langit at lupa at na ikaw ay makikipagtagpo sa Panginoon mo sapagkat magtutuos sa iyo sa gawa mo? Kapag nalaman mo na ang buong Sansinukob na ito ay sumasamba sa Panginoon nito, kaya naman lahat ng nilikha Niya ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila.
Nagsabi si Allah:
Nagluluwalhati kay Allah ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa — ang Hari, ang Banal, ang Nakapangyayari, ang Marunong.
Qur’an 62:1.
Nagpapatirapa ang mga ito sa kadakilaan Niya. Nagsabi pa Siya:
Hindi mo ba napag-alaman na kay Allah nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang Araw, ang Buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop at ang marami sa mga tao. May marami rin na naging karapat-dapat sa pagdurusa.
Qur’an 22:18.
Ang mga nilalang na ito ay nagdarasal sa Panginoon nila ng dasal na nababagay sa kanila. Nagsabi si Allah:
Hindi mo ba napag-alaman na kay Allah nagluluwalhati ang sinumang nasa mga langit at lupa, at ang mga ibon na mga nagbubuka ng mga pakpak. Bawat isa ay nakaalam na ng dasal nito at pagluluwalhati nito.
Qur’an 24:41.
Kung ang katawan mo ay kumikilos ayon sa sistema nito alinsunod sa pagtatakda ni Allah at pangangasiwa Niya, samakatuwid ang puso, ang baga, ang atay at ang nalalabing mga organ ay sumusuko sa Panginoon ng mga ito, nagpapasakop ang loob nito sa Panginoon nito.
Kaya naman ang piniling pasya mo ba na pinili mo sa pagitan ng pagsampalataya sa Panginoon mo at ng pagtangging sumampalataya sa Panginoon mo ay ano? Ang pasya bang ito ay ang pagsalungat at ang paglihis sa pinagpalang landas sa Sansinukob sa paligid mo, bagkus sa katawan mo?
Tunay na ang lubos na nakauunawang tao ay magtuturing sa sarili niya na mataas para maging salungat at lihis sa dinadami-dami ng nasa malaking malawak na Sansinukob na ito.