Bawat tao ay nakaaalam nang kaalamang tiyak na siya ay mamatay nang walang pasubali, ngunit ano ang kahahantungan niya matapos ang kamatayan? Siya ba ay maligaya o hapis?
Tunay na marami sa mga bansa at mga kalipunan ay naniniwala na sila ay bubuhayin matapos ang kamatayan at tutuusin sa mga gawa nila. Kung mabuti ay mabuti ang ganti, at kung masama ay masama ang ganti.(1)Ang bagay na ito, ang pagbubuhay at ang pagtutuos, ay kinikilala ng mga matinong isip at kinakatigan ng mga batas na makadiyos. Ang batayan nito ay tatlong saligan:
Pagkilala sa kalubusan ng kaalaman ng Panginoon;
Pagkilala sa kalubusan ng kapangyarihan Niya;
Pagkilala sa kalubusan ng karunungan Niya.(2)
Nagkatigan ang mga patunay na ipinahayag at pinag-isipan sa pagpapatibay sa kabilang-buhay. Ang ilan sa mga patunay na ito ay ang sumusunod:
Ang pagpapatunay sa pagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng pagkakalikha sa mga langit at lupa. Nagsabi si Allah:
Hindi ba nila nalalaman na si Allah na lumikha sa mga langit at lupa at hindi napagod sa paglikha sa mga ito ay nakakakaya na bumu-hay sa mga patay? Oo, tunay na Siya sa lahat ng bagay ay Makapangyarihan
Qur’an 46:33.
. Nagsabi pa Siya:
Ang lumikha ba sa mga langit at lupa ay hindi nakakakaya na lumikha ng tulad nila? Oo, at Siya ay ang Mapaglikha, ang Maalam.
Qur’an 36:81.
Ang pagpapatunay sa kapangyarihan Niya sa pag-uulit sa paglikha sa ibang pagkakataon sa pamamagitan ng kapangyarihan Niya sa pagkalikha sa mga nilikha nang walang nau-nang pagkakatulad. Ang nakakakaya sa paglikha ay lalong higit na nakakakaya sa pag-uulit. Nagsabi si Allah:
Siya ang nagpapasimula ng paglikha at pagkatapos ay uulitin Niya ito. Ito ay higit na madali sa Kanya. Taglay Niya ang pinakamataas na kata-ngian sa mga langit at lupa.
Qur’an 30:27.
Nagsabi pa Siya:
Gumawa ito para sa Amin ng isang paghahalimbawa at nakalimutan niya ang pagkalikha sa kanya. Nagsabi ito: “Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?” Sabihin mo: “Bibigyang-buhay ang mga ito ng lumalang sa mga ito sa unang pagkakataon. Siya sa bawat nilikha ay Maalam.”
Qur’an 36:78-79.
Ang pagkalikha sa tao sa pinakamagandang tikas ayon sa buong anyong ito kalakip ng mga bahagi nito, mga lakas nito, mga katangian nito at mga taglay nito na laman, buto, mga ugat, mga nerbiyos,(3)mga daluyan, mga organ, mga kaalaman, mga pagnanais at mga nagagawa na taglay niya ay pinakamalaking patunay sa kapangyarihan ni Allah sa pagbibigay-buhay sa mga patay.
Ang pagpapatunay sa kapangyarihan Niya sa pagbibigay-buhay sa tahanan sa kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay na nagaganap sa buhay sa mundo. Nasaad ang kabatiran hinggil dito sa mga makadiyos na kasulatan na ibinaba ni Allah sa mga sugo Niya. Kabilang sa mga kabatirang ito ay ang pagbibigay-buhay sa mga patay ayon sa kapahintulutan ni Allah sa kamay ni Abraham at ni Kristo, sumakanila ang pagbati. Ang iba pa roon ay marami.
Ang pagpapatunay sa kapangyarihan Niya sa pagbibigay-buhay sa mga patay sa pama-magitan ng kapangyarihan Niya na gumawa ng mga bagay na nakawawangis ng pagtiti-pon at pagkakalap [sa mga bahagi ng patay]. Ang ilan doon ay ang sumusunod:
Ang paglikha ni Allah sa tao mula sa patak ng punlay na dating magkakahiwalay sa mga bahagi ng katawan — dahil doon nakikilahok ang lahat ng bahagi ng katawan sa kasiyahan sa pakikipagtalik. Tinitipon ni Allah ang patak ng punlay na ito mula sa mga bahagi ng katawan. Pagkatapos ay inilalabas patungo sa lalagyan sa sinapupunan at lumilikha si Allah mula rito ng tao. Kaya kung ang mga bahaging magka-kahiwalay at pagkatapos ay tinipon Niya at binuo Niya mula sa mga ito ang taong iyon at kapag nagkahiwa-hiwalay ang mga ito muli dahil sa kamatayan ay papaanong magiging impo-sible sa Kanya ang pagtipon sa mga ito sa ibang pagkakataon? Nagsabi Siya:
Kaya magbalita kayo sa Akin ng tungkol sa punlay na inilalabas ninyo. Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang Tagapaglikha?
Qur’an 56:58-59.
Na ang mga binhi ng mga halaman sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga anyo ng mga ito, kapag bumagsak sa namamasang lupa at pinaibabawan ng tubig at lupa, ang makat-wirang pagmamasid ay humihiling na mabubulok at masisira ang mga ito. Iyon ay dahil sa ang alinman sa tubig at lupa ay makasasapat na sa pagpapaganap sa pagkabulok kaya naman lalo na kapag magkasama ang mga ito. Ngunit hindi nasisira ang mga ito, bagkus ay nanatiling napangalagaan. Pagkatapos kapag nadagdagan ang kahulumig-migan ay nabibiyak ang butil at lumalabas mula rito ang tubo. Kaya hindi ba nagpa-patunay iyon sa lubos na kapangyarihan at masaklaw ng karunungan? Kaya ang Diyos na Marunong na Nakakaya na ito ay papaanong mawawalan ng kakayahan sa pagtitipon sa mga bahaging ito at sa pagbuo sa mga bahagi ng katawan? Nagsabi si Allah:
Kaya magbalita kayo sa Akin ng tungkol sa ipinunla ninyo? Kayo ba ay nagpapatubo niyon o Kami ang nagpapatubo?
Qur’an 56:63-64.
Ang katapat niyon ay ang sabi Niya:
Nakikita mo na ang lupa ay patay, ngunit kapag ibinaba Namin sa ibabaw nito ang tubig ay gumalaw-galaw ito, lumago ito at nagpapatubo ito ng bawat nakatutuwang uri.
Qur’an 22:5.
Na ang Tagapaglikha na Nakakakaya na Maalam na Marunong ay nagpapakalayo na lumikha ng mga nilikha dala ng paglalaru-laro at iiwanan sila na mga napababayaan. Nagsabi si Allah:
Hindi Namin nilikha ang langit at ang lupa, at ang anumang sa pagitan ng dalawang ito nang walang-kabuluhan. Iyon ay akala ng mga tumangging sumampalataya. Kaya kapighatian sa mga tumangging sumampalataya mula sa Apoy.
Qur’an 38:27.
Bagkus ay nilikha Niya ang mga nilikha Niya dahil sa isang dakilang kadahilanan at kapita-pitagang layunin. Nagsabi si Allah:
Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako.
Qur’an 51:56.
Kaya hindi naaangkop sa Marunong na Diyos na ito na magkakapantay para sa Kanya ang tumatalima sa Kanya at ang sumusuway sa Kanya. Nagsabi si Allah:
O gagawin ba Namin ang mga sumampalataya at gumawa ng mga matuwid na gaya ng mga gumagawa ng katiwalian sa lupa? O gagawin ba Namin ang mga nangingilag magkasala na gaya ng mga masamang-loob?
Qur’an 38:28.
Dahil doon, bahagi ng kalubusan ng karunungan Niya at kadakilaan ng panggagapi Niya ay na buhayin Niya ang mga nilikha sa araw ng pagkabuhay upang gantihan ang bawat tao ayon sa gawa nito. Kaya naman gagantimpalaan Niya ang gumagawa ng maganda at pagduru-sahin Niya ang gumagawa ng masama. Nagsabi si Allah:
Tungo sa Kanya ang balikan ninyong lahat. Nangako si Allah ng totoo. Tunay na Siya ay nagpapasimula sa paglikha, pagkatapos ay uulitin Niya ito upang gantihan ang mga sumampalataya at gumawa ng mga matuwid ayon sa pagkamakatarungan. Ang mga tumangging sumampalataya ay magkakaroon ng isang inumin mula sa kumukulong likido at isang masakit na pagdurusa(4)
Qur’an 10:4.
Ang pananampalataya sa Huling Araw — ang Araw ng Pagkabuhay at Pagbubuhay — ay may maraming epekto sa individuwal at lipunan. Kabilang sa mga epekto nito:
Na magsisigasig ang tao sa pagtalima kay Allah dala ng pagkaibig sa gantimpala sa araw na iyon at lalayo siya sa pagsuway kay Allah dala ng pangamba sa parusa sa araw na iyon;
Ang pananampalataya sa Huling Araw ay may pang-aliw sa mananampalataya kapalit ng hindi niya nakamit na lugod at kasiyahan sa mundo, sa pamamagitan ng inaasahan niya na lugod at gantimpala sa kabilang-buhay;
Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Huling Araw ay nalalaman ng tao kung saan ang kahahantungan niya pagkatapos ng kamatayan niya. Nalalaman niya na siya ay makiki-pagtagpo sa ganti ng gawa niya, na kung mabuti ay mabuti ang ganti at kung masama ay masama ang ganti; tatayo siya para sa pagtutuos; gagantihan siya ng sinumang nagawan niya ng paglabag sa katarungan; at sisingilin sa kanya ang mga karapatan ng mga tao na nagawan niya ng paglabag sa katarungan o inaway niya;
Na ang pananampalataya kay Allah at sa kabilang-buhay ay magsasakatuparan para sa Sangkatauhan ng katiwasayan at kapayapaan — sa panahon na dumalang ang katiwasayan at hindi tumigil ang mga digmaan. Ito ay walang iba kundi dahil sa ang pananampalataya kay Allah at sa Huling Araw ay nag-oobliga sa tao na magpigil sa kasamaan niya sa iba nang palihim at hayagan. Bagkus manunuot ito sa kinikimkim niya sa dibdib. Ililibing niya ang balak na kasamaan, kung may matagpuan, at kikitilin niya ito bago maisilang;
Ang pananampalataya sa Huling Araw ay pipigil sa tao sa paggawa ng paglabag sa katarungan sa mga ibang tao at sa paglabag sa mga karapatan nila. Kapag sumampalataya ang mga tao sa Huling Araw ay maliligtas sila sa paglabag sa katarungan ng ilan sa kanila sa iba pa, at mapangangalagaan ang mga karapatan nila;
Ang pananampalataya sa Huling Araw ay magbubunsod sa tao na tumingin sa tahanan sa mundo bilang isa sa mga yugto ng buhay at hindi ang buong buhay.
Sa pagwawakas sa bahaging ito ay makabubuting ipampatunay natin ang sabi ni Wayne Butt na isang Amerikano na dating Kristiyano na nagtatrabaho noon sa isa sa mga simbahan at pagkatapos ay yumakap sa Islam. Natagpuan niya ang bunga ng pananampalataya sa Huling Araw yamang nagsasabi siya: “Ako ngayon ay nakaaalam na sa mga sagot sa apat na tanong na umukupa nang madalas sa buhay ko: Sino ako? Ano ang ninanais ko? Bakit ako narito? Saan ang kahahantungan ko?”(5)