Mga Artikulo

Ang Unang Antas(1)

Ang Islam. Ang mga sandigan (2) nito ay lima. Ang mga ito ay ang Shahádatán, ang Saláh, ang Zakáh, ang Sawm, at ang Hajj. (3)

1. Ang Shahádatán o ang Dalawang Pagsasaksi: ang Pagsaksi na Lá Iláha Ill'Alláh Muhammadur Rasúl Alláh: Walang Diyos Kundi si Allah at si Muhammad ay Sugo ni Allah

Ang kahulugan ng pagsasaksi na walang Diyos kundi si Allah ay ang pagsaksi na walang karapat-dapat sambahin sa lupa at langit kundi si Allah lamang sapagkat Siya ang Totoong Diyos at ang bawat diyos na iba pa sa kanya ay huwad.

Humihiling ang pagsaksing ito ng pag-uukol ng kawagasan sa pagsamba kay Allah lamang at pagkakaila nito sa iba pa sa Kanya. Hindi mapakikinabangan ang pagsaksing ito ng nagsasabi nito malibang naisasakatuparan dito ang dalawang bagay:

A - Ang pagsabi ng Lá Iláha Ill'Alláh ayon sa pananampalataya, kaalaman, katiyakan, paniniwala at pag-ibig.

B - Ang pagtangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allah. Kaya ang sinumang magsabi ng pagsaksi na ito ngunit hindi tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allah ay hindi magdudulot ng pakinabang sa kanya ang pagsabing ito.

Ang kahulugan naman ng pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah (SAS) ay:

ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya; ang paniniwala kanya sa anumang ipinabatid niya;

A . ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinansala niya;

B .ang hindi pagsamba kay Allah kundi ayon sa isinabatas Niya;

C .ang pagkaalam at ang paniniwala na siya (SAS) ay Sugo ni Allah sa lahat ng tao;

D .ang pagiging isang tao niya na hindi sinasamba at isang sugo na hindi mapasisinungalingan, bagkus ay tinatalima at sinusunod, na ang sinumang tumalima sa kanya ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa kanya ay papasok sa Impiyerno;

E .ang pagkaalam at ang paniniwala na ang paghango sa isinasabatas sa Islam maging sa pinaniniwalaan man, o sa mga gawain, o sa mga pagsamba na ipinag-utos ni Allah, o sa sistema ng paghahatol at pagbabatas, o sa larangan ng mga kaasalan, o sa larangan ng pagtatayo ng pamilya, o sa larangan ng pagbabawal at pagpapahintulot ay hindi mangyayari kung hindi ayon sa pamamaraan ng Marangal na Sugo na ito na si Muhammad (SAS) dahil siya ang Sugo ni Allah na nagpaparating tungkol sa Kanya at sa Batas Niya.(4)

2. Ang Saláh(5)

Ito ang ikalawang sandigan ng Islam. Bagkus ito ang haligi ng Islam yamang ito ay pang-ugnay sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Inuulit-ulit limang ulit sa bawat araw. Pinanunumbalik ng tao dahil sa saláh ang pananampalataya niya. Dinadalisay niya dahil dito ang sarili niya mula sa mga dumi ng mga pagkakasala. Humahadlang ito sa pagitan niya at ng mga gawang masagwa at mga kasalanan.

Kaya kapag nagising ang lingkod ni Allah sa pagkatulog sa madaling-araw ay tumatayo siya sa harap ng Panginoon niya na dalisay at malinis — bago magpakaabala sa mga panandaliang bagay ng mundo. Pagkatapos ay dadakilain niya ang Panginoon niya at kikilanin niya ang pagkaalipin niya. Magpapatulong siya sa Kanya at magpapapatnubay sa Kanya. Panunumbalikin niya ang namagitan sa kanya at sa Panginoon nito na kasunduan ng pagtalima at pagkaalipin, habang nakapatirapa, nakatayo at nakayukod. Inuulit-ulit niya iyon limang ulit sa bawat araw.

Inoobliga sa pagganap ng saláh na ito na ang isang Muslim ay nagpapakalinis sa puso niya, katawan niya, kasuutan niya at lugar ng saláh niya. Inoobliga na isagawa niya ito sa isang pangkat kasama ng mga kapwa niya Muslim, kung magiging madali sa kanya iyon, na mga nakadako kalakip ng mga puso nila sa Panginoon nila, na mga nakadako kalakip ng mga mukha nila sa pinarangalang Ka‘bah, ang Bahay ni Allah.

Ang saláh ay ginawa sa pinakalubos at pinakamahusay na mga paraan na ipinangsasamba ng mga lingkod Niya sa Tagapaglikha, mapagpala Siya at pagkataas-taas. Ito ay dahil sa paglalaman ng saláh ng pagdakila sa Kanya sa pamamagitan ng sari-saring uri ng mga bahagi ng katawan gaya ng pagbigkas ng dila, paggawa ng mga kamay, mga paa, ulo at mga pandama nito, at lahat ng bahagi ng katawan niya.

Ang bawat isang bahagi ay kumukuha ng bahagi nito mula sa dakilang pagsamba na ito. Ang mga pandama at ang mga paa at mga kamay ay kumukuha ng bahagi ng mga ito mula sa saláh. Ito ay binubuo ng pagbubunyi, papuri, pagluluwalhati, pagtatampok, pagdakila, pagsaksi sa katotohanan, pagbigkas sa Marangal na Qur’an, pagtayo sa harap ng Panginoon sa katayuan ng isang abang alipin na nagpapasailalim sa Panginoong nangangasiwa.

Pagkatapos ay ang pagpapakaaba sa Kanya, ang pagsusumamo, at ang pagpapakalapit-loob sa Kanya. Pagkatapos ay ang pagyukod, ang pagpapatirapa, ang pag-upo bilang pagpapailalim, pagpapakumbaba, pangangayupapa sa kadakilaan Niya, at pagpapakaaba sa kapangyarihan Niya.

Nagpadaig ang puso niya, nagpaaba sa Kanya ang katawan nito at nagpababa sa Kanya ang mga bahagi ng katawan. Pagkatapos ay winawakasan niya ang saláh niya sa pamamagitan ng pagbubunyi kay Allah, at pagdalangin ng pagpapala at pagbati sa Propeta niya na si Muhammad (SAS). Pagkatapos ay hihingi siya sa Panginoon niya ng mabuti sa mundo at sa kabilang-buhay.

3. Ang Zakáh

Ito ang ikatlo sa mga sandigan ng Islam. Kinakailangan sa isang Muslim na may yaman na maglabas ng zakáh para sa ari-arian niya. Ito ay isang lubhang maliit na bahagi. Ibinibigay ito sa mga maralita, mga dukha(6) at iba pa na pinahihintulutan na bigyan ng zakáh.   

Isinasatungkulin na ibigay ito ng Muslim sa karapat-dapat dito nang bukal sa loob. Hindi niya isusumbat ito sa mga tumanggap nito at hindi niya sila liligaligin dahil dito. Kinakailangan na ibigay ito ng Muslim bilang paghahangad sa kasiyahan ni Allah, na hindi nagnanais sa pamamagitan niyon ng isang kabayaran ni pasasalamat mula sa mga nilalang. Bagkus ay ibibigay niya iyon nang wagas alang-alang sa ikasisiya ng mukha ni Allah, hindi upang makita ni marinig.

Dahil sa pagpapalabas ng zakáh ay may pagtamo ng biyaya; pagpalugod sa mga maralita, mga dukha at mga may pangangailangan; pagpapalaya sa kanila sa kaabahan ng panghihingi; awa sa kanila laban sa kapinsalaan at kahikahusan kapag pinabayaan sila ng mga mayaman. Dahil sa pagpapalabas ng zakáh ay may pagkamit ng mga katangian ng pagkamapagbigay, pagkabukas-palad, altruismo, pagkakaloob, pagkaawa at pagwawaksi ng mga tanda ng mga taong may karamutan at kaimbihan.

Dahil dito ay nagbabalikatan ang mga Muslim. Naaawa ang mayaman nila sa mahirap nila. Kaya walang matitira sa lipunan — kapag ipinatupad ang gawaing panrelihiyon na ito — na isang maralitang walang-wala, ni isang may-utang na hirap na hirap, ni manlalakbay na kinapos sa daan.

4. Ang Sawm(7)

Ito ay ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadán mula sa pagputok ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. Itinitigil sa sandaling ito ng nag-aayuno ang pagkain, ang pag-inom, ang pakikipagtalik at ang anumang halos gaya ng mga ito, bilang pagsamba kay Allah. Pinipigil niya ang sarili niya laban sa mga hilig ng laman nito.

Pinagaan na ni Allah ang pag-aayuno sa maysakit, naglalakbay, nagpapasuso, nireregla at dinudugo dala ng panganganak. Ang bawat isa sa mga ito ay may kahatulang nauukol.

Sa buwang ito ay pinipigil ng Muslim ang sarili niya laban sa mga hilig ng katawan niya. Kaya naman nailalabas niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pagsambang ito mula sa pagkakawangis sa mga hayop tungo sa pagkakawangis sa mga anghel na malapit kay Allah. Sa bandang huli, tunay na ang nag-aayuno ay talagang makapaglalarawan sa sarili ng isang larawan ng isang walang pangangailangan sa mundo kundi ang pagtamo ng kasiyahan ni Allah.

Ang pag-aayuno ay bumubuhay sa puso, nagpapatalikod sa kamunduhan, nagpapaibig sa anumang gantimpalang nasa kay Allah at nagpapaalaala sa mga mayaman sa mga maralita at sa mga kalagayan ng mga ito. Kaya naman nahahabag ang mga puso nila sa mga ito at nalalaman nila ang tinatamasa nilang mga biyaya ni Allah kaya nadaragdagan ang pasasalamat nila.

Ang pag-aayuno ay nagdadalisay ng kaluluwa, nagpapanatili rito sa pangingilag sa pagkakasala kay Allah at nagbubunsod sa individuwal at lipunan na madama ang pagmamasid ni Allah sa kanila sa sandali ng kaluwagan at kagipitan nang palihim at hayagan yamang namumuhay ang lipunan nang isang buong buwan na nagpapanatili sa pagsambang ito, na natatakot sa Panginoon.

Itinulak siya sa gayon ng takot kay Allah, ng pananampalataya kay Allah at sa Huling Araw, ng katiyakan na si Allah ay nakaaalam sa lihim at ikinubli, at ng paniniwala na ang tao ay hindi makaiiwas sa isang araw na tatayo iyon sa harap ng Panginoon at tatanungin iyon tungkol sa lahat ng ginawa niyon, ang maliit sa mga ito at ang malaki sa mga ito.(8)

5. Ang Hajj(9)

Ito ay ang pagdalaw sa Banal na Bahay ni Allah sa Makkah. Isinasatungkulin ito sa bawat Muslim na nasa hustong gulang, matino ang pag-iisip, may kakayahan, nagtataglay ng kaparaanan sa paglalakbay o ng pang-upa patungo sa Makkah, at nagtataglay ng makasasapat sa kanya na panggugol sa pagpunta roon at pag-uwi mula roon sa kondisyon na ang panggugol na ito ay kalabisan sa pangangailangan ng mga sinusustentuhan niya at na siya ay ligtas ang sarili sa daan tungo roon at ligtas din ang mga sinusustentuhan niya sa panahon na wala siya sa kanila. Isinasatungkulin ang hajj isang ulit sa tanang-buhay para sa sinumang nakakayang pumunta roon.

Nararapat sa sinumang nagnais na magsagawa ng hajj na magsisi kay Allah upang madalisay ang sarili niya sa dumi ng mga pagkakasala. Kapag dumating sa Makkah at sa mga banal na pinagsasagawaan ng hajj ay isasagawa ang mga gawain ng hajj bilang pagsamba at pagdakila kay Allah.

Nalalaman niya na ang Ka‘bah at ang lahat ng pinagsasagawaan ng hajj ay hindi sinasamba bukod pa kay Allah, na ang mga ito ay hindi nakapagdudulot ng pakinabang at hindi nakapagdudulot ng pinsala. Kung sakaling hindi ipinag-utos ni Allah ang hajj ay hindi sana naging tama para sa Muslim na magsasagawa ng hajj doon.

Sa hajj ay nagsusuot ang lalaking nagsasagawa ng hajj ng puting tapis at puting balabal.(10)Nagtitipon ang Muslim mula sa lahat ng rehiyon ng daigdig sa iisang pook. Nagsusuot sila ng isang kasuutan. Sumasamba sila sa iisang Panginoon. Walang pagkakaiba sa pagitan ng pangulo o pinangunguluhan, mahirap o mayaman, at puti o itim. Ang lahat ay nilikha ni Allah at mga lingkod Niya. Walang kalamangan ang isang Muslim sa kapwa Muslim maliban sa pangingilag sa pagkakasala at tuwid na gawa.

Kaya naman nagaganap sa mga Muslim ang pagtutulungan at pagkakakilalahan. Inaalaala nila ang araw na bubuhayin silang lahat ni Allah at titipunin sa iisang lupa para sa pagtutuos. Kaya naghahanda sila sa pagtalima kay Allah para sa magaganap pagkatapos ng kamatayan.(11)

Ang Pagsamba Ayon sa Islam(1)

Ito ay ang pagpapakaalipin kay Allah sa literal at totoong kahulugan. Si Allah ay Tagapaglikha at ikaw naman ay nilikha, at ikaw ay tagasamba at si Allah ay sinasamba mo. Kapag iyon ay ganoon nga, kailangang lumakad ang tao sa buhay na ito sa tuwid na landasin ni Allah, na sumusunod sa batas Niya, na tinutunton ang bakas ng mga sugo Niya. Nagsabatas nga si Allah para sa mga lingkod Niya ng mga dakilang batas gaya ng pagsasakaganapan ng paniniwala sa pagkaiisa Niya na Panginoon ng mga nilalang, ng saláh, ng zakáh, ng pag-aayuno at ng hajj.

Subalit hindi ito ang lahat ng pagsamba ayon sa Islam. Ang pagsamba ayon sa Islam ay higit na masaklaw yamang ito ay ang lahat ng naiibigan ni Allah at kinasisiyahan Niya na mga gawain at mga pahayag, na panlabas at panloob. Samakatuwid ang bawat gawa o salita na ginawa mo o sinabi mo na kabilang sa naiibigan ni Allah at kinasisiyahan Niya ay pagsamba.

Bagkus ang bawat gawing maganda na ginawa mo na may layunin ng pagpapakalapit-loob kay Allah ay pagsamba. Kaya naman ang magandang pakikisama mo sa magulang mo, pamilya mo, asawa mo, mga anak mo at mga kapitbahay mo, kapag nilayon mo roon ang ikasisiya ng mukha ni Allah ay pagsamba. Ang magandang pakikitungo mo sa bahay, pamilihan at opisina, kapag nilayon mo roon ang ikasisiya ng mukha ni Allah ay pagsamba.

Ang pagganap sa ipinagkatiwalang tungkulin, ang pagsunod sa katapatan at katarungan, ang pagpipigil sa kapinsalaan, ang pagtulong sa mahina, ang pagkita mula sa ipinahihintulot na trabaho, ang paggugol sa asawa at mga anak, ang pag-alo sa maralita, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagpapakain sa nagugutom at ang pag-adya sa naapi, lahat ng ito ay pagsamba kapag nilayon mo roon ang ikasisiya ng mukha ni Allah ay pagsamba.

Samakatuwid ang bawat gawain na ginagawa mo para sa sarili mo, o para sa pamilya mo, o para sa lipunan mo, o para sa bayan mo, na nilalayon mo roon ang ikasisiya ng mukha ni Allah, ito ay pagsamba. Bagkus pati na ang pagtugon sa mga hilig sa laman ng sarili mo ayon sa ipinahintulot sa iyo ni Allah ay magiging isang pagsamba kapag nilakipan mo ng matuwid na layunin.

Nagsabi ang Sugo (SAS): Sa pakikipagtalik ng isa inyo ay may kawanggawa. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, [kapag] tutugunin ba ng isa sa amin ang hilig ng laman niya ay magkakaroon siya dahil doon ng gantimpala? Nagsabi siya: Turan ninyo sa akin, kung sakaling inilagay niya iyon sa ipinagbabawal ay nagkaroon ba siya ng kasalanan? Kaya ganoon din naman, kapag inilagay niya ito sa ipinahihintulot ay magkakaroon siya ng gantimpala.(2)

Nagsabi pa ang Sugo (SAS): Tungkulin ng bawat Muslim na magbigay ng kawanggawa. Sinabi: Ano sa tingin mo kung hindi siya nakasumpong [ng maibibigay]? Nagsabi siya: Magtrabaho siya sa pamamagitan ng mga kamay niya at madudulutan niya ng pakinabang ang sarili at magkawanggawa siya. Sinabi: Ano sa tingin mo kung hindi niya nakaya? Nagsabi siya: Tutulungan niya ang nalulumbay na may pangangailangan. Sinabi sa kanya: Ano sa tingin mo kung hindi niya nakaya? Nagsabi siya: Ipag-uutos niya ang nakabubuti o ang mabuti. Sinabi: Ano sa tingin mo kung hindi nakaya? Nagsabi ito: Ano sa tingin mo kung hindi niya ginawa. Nagsabi siya: Magpigil siya sa kasamaan sapagkat tunay na ito ay kawanggawa.(3)

Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG