Mga Artikulo

Lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah,, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilikha. Nawa'y purihin at itampok ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ang pagbanggit sa Propeta at iligtas siya at ang kanyang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan.





Ako ay taus-pusong bumabati sa inyo nang dahil sa patnubay na iginawad sa inyo ng Dakilang Allah,. Dinadalangin ko sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  na nawa'y manatili tayong lahat na matatag bilang Muslim sa pagtahak sa Dakilang Relihiyong ito hanggang sa Araw na tayo ay humarap sa Kanya, na wala tayong binago ng anupaman mula rito sa aral ng Islam at nawa'y huwag tayong ilagay sa mga matitinding pagsubok ng buhay.





Katotohanan, ang tunay na Muslim ay nakadarama ng malaking kaligayahan kapag ang isang tao ay yumakap sa Islam, sapagka't hangad niya ang lahat ng pagpapala para sa iba at hangad din niya na sila ay mamuhay tulad ng kanyang ginawa sa kanyang sarili: isang buhay ng katiwasayan at kaligayahan kalakip ng espirituwal na kasiyahan at katatagan ng kaisipan. Ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga aral ng Islam. Ang Dakilang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata An-Nahl, 16:97;








"Sinuman ang gumawa ng gawang matuwid maging siya man ay lalaki o babae, habang siya ay nananatiling isang tunay na Mananampalataya, katotohanan, ipagkakaloob Namin sa kanya ang magandang buhay (sa mundong ito nang matiwasay at mabuting panustos), at katiyakan na sila ay Aming babayaran ng gantimpalang  ayon sa anumang pinakamabuti sa kanilang ginagawa."





Ito ay sa dahilang ipinaliwanag ng Dakilang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ang kalagayan ng mga taong walang paniniwala sa Kanya. Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ay nagsabi sa Qur'an Kabanata Taa-Haa, 20: 124-126;








"Datapuwa’t sinumang sumuway sa Aking paala-ala, katotohanang sasakanya ang buhay ng kahirapan at siya ay Aming muling bubuhaying bulag sa Araw ng Paghuhukom. Siya ay magsasabi: “O aking Rabb (Panginoon)! Bakit Ninyo ako binuhay nang bulag, noon ay mayroon akong paningin?” (Ang Allah,) ay magsasabi: “Noon, nang ang Aming mga Ayat (tanda, aral, babala) ay dumating sa inyo, ito ay inyong ipinagwalang-bahala, kaya’t sa Araw na ito, kayo ay kinalimutan.”





Ang isang tunay na Muslim ay naghahangad din na sila ay mamuhay ng walang hanggang kaligayahan sa Kabilang Buhay, na ang mga kasiyahan ay walang katapusan. Ang Dakilang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ay nagsabi sa Qur'an, Kabanata Al-Kahf 18: 107-108;








"Katotohanan, yaong mga naniniwala (sa Kaisahan ng Allah) at nagsisigawa ng kabutihan, sila ay magkakaroon ng mga Hardin ng Al-Firdaus (Paraiso) para sa kanilang libangan. Doon, sila ay mamamalagi (magpakailanman). Doon, sila ay hindi maghahangad na mapaalis."





Ang kamatayan ay hindi maiiwasan, maaaring ang hantungan nito ay walang hanggang kaligayahan o walang katapusang pagsisisi. Sinuman ang mamamatay sa gitna ng kawalan ng tamang pananampalataya  – na ang paglingap at kaligtasan ay matatagpuan lamang mula sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala, – siya ay mananahan sa Impiyerno nang walang hanggan. Ang Dakilang Allah Subhaanaho wa Ta'aala, ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Bayyinah, 98:6;








"Katotohanan, silang Kafirun (walang pananampalataya) mula sa mga Angkan (na pinagkalooban) ng Kasulatan at mga pagano ay mamamalagi roon sa Impiyerno, sila ang pinakamasama sa lahat ng mga nilikha,"





Mga minamahal kong mga kapatid, katotohanang isang Dakilang Pagpapala at Kagandahang-loob ng Makapangyarihang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  na kayo ay mapatnubayan sa relihiyong Islam at mailigtas kayo sa kawalan ng Pananampalataya sapagka't maraming tao ang hindi nagawaran ng patnubay sa pamamagitan ng di pagkaroon nila ng pagkakataong maunawaan ang tamang aral ng Deen (relihiyong) Islam at mayroon din namang nakauunawa sa Islam bilang tunay na Deen (relihiyon) nguni't hindi nagawaran ng patnubay upang ito ay kanilang tahakin at isabuhay. Kaya naman mga kapatid, nararapat lamang na tayo ay magpasalamat sa Dakilang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  sa pagbibigay Niya Subhaanaho wa Ta'aala, ng Kabutihang-Loob na ito. Hilingin natin sa Kanya na tayo ay maging matatag sa Deen na ito hanggang sa ating pagharap sa Kanya. Ang Dakilang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ay nagsabi sa Qur'an; Kabanata Al-Hujuraat, 49:17;








"Itinuturing ba nila bilang kagandahang-loob sa iyo (O Muhammad) na sila ay yumakap sa Islam? Sabihin : “Huwag ninyong isaalang-alang ang inyong pagyakap sa Islam bilang kagandahang-loob sa akin. Bagkus! ang Allah ay naggawad sa inyo na kayo ay Kanyang pinatnubayan sa pananampalataya, kung tunay nga na kayo ay makatotohanan."





Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong mula sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala, . Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Faatir, 35:15;








"O Sangkatauhan, kayo ang may pangangailangan sa Allah. Nguni't ang Allah ay Mayaman (malaya sa anumang pangangailangan), (Siya ang) karapat-dapat (pag-ukulan) ng lahat ng papuri."





Hindi kailangan ng Allah, ang tao at hindi Siya nakikinabang sa pagtupad at pagsamba ng tao sa Kanya ni hindi nakapipinsala sa Kanya ang ating pagsuway at kawalan ng pananampalataya. Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Zumar, 39:7;








"Kung inyong itakwil (ang Allah), katotohanan ang Allah ay hindi nangangailangan sa inyo; at hindi Niya nais para sa Kanyang mga alipin ang kawalan (nila) ng pananampalataya. Kung kayo ay may pasasalamat (sa pamamagitan ng pananampalataya), Siya ay nalulugod sa inyo…"





Ang Propeta ng Allah ay nagsabi mula sa 'Hadith' Qudsi(1):








"Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ay nagsabi: 'O Aking mga alipin! Ipinagbawal Ko ang pang-aapi (kawalang-katarungan) sa Aking Sarili at ito ay ipinagbabawal Ko sa inyo, kaya huwag kayong mang-api sa iba. O Aking mga alipin, kayong lahat ay naliligaw maliban yaong Aking ginabayan, kaya kayo ay dapat humanap ng patnubay sa Akin at kayo ay Aking papatnubayan. O Aking mga alipin, kayong lahat ay nagugutom maliban yaong Aking pinakakain, kaya kayo ay nararapat humingi ng panustos (na pagkain) sa Akin at kayo ay Aking pakakainin. O Aking mga alipin, kayong lahat ay hubad maliban yaong Aking dinamitan, kaya kayo ay nararapat na humingi ng kasuotan sa Akin at kayo ay Aking bibihisan. O Aking mga alipin, kayo ay nagkakasala sa bawa't sandali sa araw at sa gabi at Aking pinatatawad ang lahat ng kasalanan, kaya kayo ay nararapat humingi ng kapatawaran sa Akin at kayo ay Aking patatawarin. O Aking mga alipin, hindi ninyo Ako magagawang saktan upang Ako ay mapinsala at hindi ninyo Ako magagawang bigyan ng pakinabang upang Ako ay makinabang. O Aking mga alipin, kung ang una sa inyo o ang huli sa inyo, ang tao sa inyo o ang jinn sa inyo ay magiging mabuti sa lahat ng pinakamabuting nabibilang sa inyong kalipunan, hindi makadaragdag ito nang kahit katiting sa Aking Kaharian (o Kapangyarihan). O Aking mga alipin, kung ang una sa inyo o ang huli sa inyo, o ang tao sa inyo o ang jinn(2)sa inyo ay magiging masama sa lahat ng pinakamasamang puso na nabibilang sa inyong kalipunan, hindi ito makababawas kahit katiting sa Aking Kaharian (o Kapangyarihan).  O Aking mga alipin, kung ang una sa inyo at ang huli sa inyo, ang mga tao sa inyo o ang mga jinn sa inyo ay magsisitayong sama-sama sa isang pook at humingi sa Akin at kung bibigyan Ko ang bawa't isa ng kanilang kahilingan, magkagayunman, hindi ito makababawas sa anuman sa Aking pagmamay-ari maliban kung ano ang nabawas sa karagatan kapag ang karayom ay inilubog dito. O Aking mga alipin ang inyong mga gawa lamang ang Aking binibilang sa inyo at pagkaraan ay binabayaran sa inyo. Kaya, sinumang makatagpo ng kabutihan, hayaang magbigay papuri sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala, , at sinumang makatagpo ng iba kaysa rito, walang dapat sisihin maliban ang kanyang sarili."





(Inilahad ni Imam Muslim)





Ang pagyakap sa Relihiyong Islam para maging isang Muslim ay walang itinakdang rituwal o seremonya na kinakailangang tuparin ng isang tao at wala ring takdang pook o ng mga partikular na tao na dapat kaharapin. Ito ay sa dahilang ang Islam ay tuwirang ugnayan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha (ang Allah, Subhaanaho wa Ta'aala ) na walang mga tagapamagitan.





At hindi rin kinakailangan ang labis na seremonya sa pagyakap sa Islam, kinakailangan lamang na magsabi ng ilang kataga na napakadaling bigkasin ng dila subali't ito ay mayroong mahalagang kahulugan at pananagutan.





Kung ang isang tao ay nagpasiya na maging isang Muslim, nararapat niyang bigkasin lamang ang sumusunod na ilang kataga na tinatawag na "Shahaadatain(1)":





"Ash-hadu an laa ilaaha ill-Allah, wa ashhadu anna Muhammadan 'Abdullahu' wa rasooluh."





Ang kahulugan ay:





"Ako ay sumasaksi na walang ibang Tunay na diyos maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at Sugo."





Ang pahayag na ito ay siyang susi sa pagpasok sa Islam. Sinuman ang nagpahayag nito, siya ay tumatalikod na sa mga ibat-ibang relihiyon maliban sa Islam at maging sa lahat ng mga paniniwala na taliwas dito (sa Islam). Sa pamamagitan ng pagpahayag ng 'Shahaadatain', siya ay may karapatan na tulad ng mga karapatang tinatamasa ng mga ibang Muslim. Ang kanyang yaman, dangal at dugo ay naging sagrado maliban sa mga bagay na itinakda ng Islam.





Katotohanan, na ang isang tao ay itinuturing na Muslim sa panlabas niyang mga gawain, nguni't tanging ang Allah (Subhaanaho wa Ta'aala ) ang ganap na Nakababatid kung ano ang katotohanang  nasa kaibuturan ng kanyang puso. Kaya, ano ang kahulugan ng 'Shahaadatain'.





Ang Kahulugan ng 'La Ilaaha Illa-Allah'





Ito ang diwa ng Tawheed(1). Sa pamamagitan ng konseptong ito, nilikha ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ang lahat (sangkatauhan, jinn, anghel at maging ang di-nakikita o nakatagong bagay) at sa konseptong ito, nilikha Niya ang Jannah (Paraiso) at ang Jahannam (Impiyerno). Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi sa Qur'an, Kabanata Adh-Dhaariyaat, 51:56;








"At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na sila ay nararapat na sumamba sa Akin (tanging sa Akin lamang)."





Ito ang paniniwala na ipinag-anyaya ng mga Propeta at Sugo sa kanilang mga mamamayan, nagmula pa noong panahon ni Adan hanggang sa Huling Sugong si Muhammad. Ang Dakilang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qu'ran, Kabanata Al-Anbiyaa; 21:25;








"At hindi Kami nagpadala ng sinumang Sugo bago pa man sa iyo (O Muhammad) maliban na Aming ipinahayag sa kanya (na nagsasabing): "La ilaha ilallah (walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah), kaya sambahin Ako (tanging Ako at wala ng iba pa)."





Ang Kahulugan ng 'Shahaadah':





Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ang Siyang Tagapaglikha sa lahat ng bagay. Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-An'aam, 6:102;








"Siya ang Allah, ang inyong Rabb! La ilaha illah Huwa (walang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya), ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Kaya, sambahin Siya (tanging Siya lamang), at Siya ang Wakil (tagapangalaga) sa lahat ng bagay."





Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ang nagmamay-ari sa lahat ng Kanyang nilikha. at Siya Subhaanaho wa Ta'aala  ang tagapamahala sa lahat ng gawain at pangyayari.(2). Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Araaf, 7:54;








"Sa Kanya ang (Ganap na Kapangyarihan ng gawang) paglikha at pag-uutos. Mapagpala ang Allah, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilikha."





Tanging ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  lamang ang karapat-dapat sambahin(3) nang buong puso at kaluluwa. Siya Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Yunus, 10:66;








"Walang alinlangan! Katotohanan! na ang Allah lamang ang nag-aangkin ng anupamang nasa mga kalangitan at anupamang nasa kalupaan. At yaong sumasamba at dumadalangin sa iba pa bukod sa Allah, (katotohanan na) sila ay hindi sumusunod sa mga itinuturing nilang katambal (ng Allah), bagkus kanilang sinusunod lamang ang mga haka-haka at sila ay naglulubid lamang ng kasinungalingan."





Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ang nagmamay-ari ng mga Magagandang Pangalan at ang Kanyang taglay na mga Katangian ay Ganap at Lubos. Siya ay malayo sa mga kakulangan, kapintasan at kamalian(4). Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-A'raaf, 7:180;








"At (lahat ng) naggagandahang mga Pangalan(5) ay nauukol sa Allah (lamang), kaya manalangin sa pamamagitan ng mga iyon at lisanin ang pangkat na nagpapasinungaling o nagtatakwil sa Kanyang mga Pangalan. Sila ay pagbabayarin sa anumang lagi nilang ginagawa."





Ang Mga Patakaran ng Shahaadah:





Hindi sapat na bigkasin lamang ang Shahaadah upang ito ay tanggapin ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala . Ang Shahaadah ay itinuturing na isang susi sa pintuan ng Paraiso, datapwa't upang ito ay maging makabuluhan, kinakailangan ang tamang patunay nito. Ang Shahaadah ay dapat tugunan ng mga sumusunod na mga patakaran upang ito ay tanggapin ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala .





1) Karunungan (Al-Ilm): binubuo ng kaalaman na ang lahat ng mga ibang bagay na sinasamba bukod sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay mga huwad na diyos maging ito man ay isang dakilang Propeta, Sugo o isang marangal na anghel. Walang sinuman o anupaman sa mga nilikha ang maaaring ituring bilang diyos, o naging diyos, magiging diyos o may pagkadiyos, o may kahati sa pagkadiyos. Tanging ang Nag-iisang Tagapaglikha ang Siyang Tunay na Diyos. Samakatuwid, walang ibang diyos na dapat sambahin sa katotohanan maliban sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala . Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  lamang ang nararapat na pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba, tulad ng pagdarasal (Salaah), pagdalangin (Du'aa), pagluhog ng pag-asa, pag-aalay at panunumpa, at iba pa.





Sinuman ang nag-alay ng anumang uri ng pagsamba sa iba pa bukod sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala , siya ay nagkasala ng Kufr(6) , kahit na siya ay bumigkas ng Shahaadatain.





2) Katiyakan (Al-Yaqeen); Ang puso ay nararapat na nakatitiyak sa kahulugan ng dalawang Shahaadah. Ang katiyakan ay kabaligtaran ng pag-aalinlangan, kaya, walang puwang para sa isang Muslim na mag-alinlangan o mag-atubili sa kanyang paniniwala. Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Hujuraat, 49:15;








"Katotohanan, ang tunay na Mananampalataya (Muslim) ay yaon lamang na (tapat na) nananalig sa Allah at sa Kanyang Sugo, at pagkaraan ay hindi nag-alinlangan bagkus nagtanggol (at nakipaglaban) sa Landas ng Allah (Jihad) sa pamamagitan ng kanilang yaman at (inihandog ang) sariling buhay. Sila yaong tunay na makatotohanan."





3) Pagtanggap (Al-Qubool); Nararapat na tanggapin ang mga patakaran ng Shahaadah nang buong puso at walang itinatakwil sa anumang bahagi nito(7). Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi; Qur'an, Kabanata, As-Saffaat; 37:35








"Katotohanan, kapag sila ay pinagsasabihan ng: "La ilaha illa Allah (walang iba pang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah), umiiral sa kanilang mga sarili ang kapalauan (at sila ay nagtatakwil sa katotohanan)."





4) Pagsuko at Pagtalima (Al-Inquiad); ito ay pagsunod, pagsasagawa at pagsasakatuparan ng lahat ng tungkuling hinihingi at kinakailangan ng Shahaadah(8). Ang isang tao ay nararapat na sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala  at umiwas sa mga ipinagbabawal. Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Lukman, 31:22;








"At sinuman ang ganap  na isinuko ang sarili sa Allah samantalang siya ay Muhsin (9)(gumagawa ng kabutihan) magkagayon, kanyang tinanganan ang pinakamatibay na hawakan (ang La ilaha ill-Allah). At sa Allah ang pagbabalik ng lahat ng bagay tungo sa pagpapasiya (sa lahat ng pangyayari)."





5) Makatotohanan (As-Sidq); nararapat na makatotohanan at dalisay ang pagpapahayag ng Shahaadah.(10) Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Fath, 48:11;








"… Sila ay nagsasabi sa kanilang bibig (lamang) nguni't wala (naman) sa kanilang puso…”





6) Katapatan (Al-Ikhlas); nararapat na iukol ang lahat ng pagtitiwala at pagsamba sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala  lamang.(11) Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Bayyinah, 98:5;








"At sila ay hindi napag-utusan maliban na sila ay sumamba (lamang) sa Allah, maging matapat  sa pananampalataya sa Kanya, maging matuwid at magsagawa ng Salaah (pagdarasal), at magbigay ng Zakah (kawanggawa), ito ang tunay (at tuwid) na pananampalataya."





7) Pagmamahal (Al-Mahabba); nararapat na mahalin ang Shahaadah at lahat ng pangangailangan nito. Nararapat niyang mahalin ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala , ang Kanyang Sugo  at ang Kanyang mga mabubuti at matutuwid na alipin. At nararapat niyang kapootan ang mga napopoot sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala  at sa Kanyang Sugo . Kailangang higit niyang naisin ang anumang minamahal ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala at ng Kanyang Subhaanaho wa Ta'aala  Sugo kahit na ito ay salungat sa kanyang hangarin. Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala ay nagsabi; Qur'an, Kabanata At-Tawbah, 9:24;








"Sabihin: 'Kung ang inyong mga ama, inyong mga anak na lalaki, inyong mga kapatid na lalaki, ang inyong mga asawa, ang inyong mga kamag-anakan, ang inyong kayamanang pinagkitaan, ang inyong kalakal na pinangangambahang malugi, ang inyong mga tahanang ikinasisiya ay higit na mahalaga sa inyo kaysa sa Allah at sa Kanyang Sugo, at sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah, magkagayon, kayo ay magsipaghintay hanggang dalhin ng Allah ang kanyang Pasiya (parusa). At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong Fasiq (mapanghimagsik, palasuway sa Allah)."





Ang Shahaadah ay nag-uutos din na ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala  ang Tanging Isa na may karapatang magtakda, maging sa larangan ng pagsamba o sa anupamang pangyayari o bagay na ukol sa ugnayan ng tao, maging ito man ay pansarili o pangkalahatan.





Ang mga pagpapairal ng mga batas para sa mga ipinagbabawal o ipinapatupad ay kailangang magmumula lamang sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala . Ang Sugo  ay siyang tagapagpaliwanag at tagapagbigay-linaw sa Kanyang Subhaanaho wa Ta'aala mga kautusan. Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Hashr, 59:7;





"…Kaya't inyong sundin o kunin ang anumang itinatagubilin (o ipinag-uutos) sa inyo ng Sugo at anuman ang kanyang ipinagbabawal sa inyo, ito ay inyong iwasan…"



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG