Mga Artikulo




Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus





Panimula


Si Cristo Jesus ay kumakatawan sa panlahat na


kawing sa pagitan ng dalawang relihiyon na may


pinakamaraming kaanib sa mundo sa ngayon, ang


Kristiyanismo at ang Islam. Ang sumusunod na pag-aaral


sa mensahe ni Jesus at sa persona niya ay nakabatay sa


kawing na ito. Inaasam na sa pamamagitan ng pag-aaral


na ito ay lalong mauunawaan ng mga Muslim at mga


Kristiyano ang katuturan ni Jesus at ang kahalagahan ng


kanyang mensahe.áíú


Ngunit upang makilala natin nang tumpak ang totoong


mensahe ni Cristo Jesus, ang isang malayang pananaw ay


kailangang panatilihin sa buong yugto ng pananaliksik


natin. Hindi natin dapat pahintulutan ang mga emosyon


natin na magpalabo sa ating pananaw at sa gayon ay


bubulagin tayo sa katotohanan. Kailangang tingnan natin


nang makatuwiran ang lahat ng mga usapin at ihiwalay


ang katotohanan sa kabulaanan, sa tulong ng


Makapangyarihang Diyos.


Kapag pagmamasdan natin ang sari-saring uri ng mga


huwad na relihiyon at mga lihis na paniniwala sa lahat ng


dako ng mundo, at ang kasigasigan na inuukol ng mga


tagasunod ng mga ito sa pagtataguyod sa mga


paniniwalang ito, magiging ganap na malinaw na hindi


nagawang matagpuan ng mga taong ito ang katotohanan


dahil sa bulag nilang pagtitiwala sa mga paniniwala nila.


Ang mahigpit nilang pagsunod ay kadalasang hindi


nakabatay sa isang matalinong pagkaunawa sa mga


katuruan, bagkus ay sa makapangyarihang mga


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


6


impluwensiya ng kultura o emosyon. Dahil pinalaki sila sa


isang partikular na pamilya o lipunan, mahigpit silang


kumakapit sa mga paniniwala ng lipunang iyon, sa


paniniwalang kinakatigan nila ang katotohanan.


Ang tanging paraan upang harinawa’y masumpungan


natin ang katotohanan hinggil sa anumang bagay ay ang


lapitan ito nang maayos at makatuwiran. Una,


titimbangin natin ang patunay at hahatulan natin ito sa


pamamagitan ng katalinuhang ibinigay sa atin ng Diyos.


Sa materyal na mundo, ang katalinuhan ang pangunahing


nagtatangi sa atin sa mga hayop na kumikilos lamang


ayon sa katutubong gawi. Matapos matiyak kung ano ang


tunay na katotohanan, kailangan na nating ipagkatiwala


rito nang madamdamin ang ating mga sarili. Opo,


mayroong puwang para sa madamdaming pagtitiwala,


subalit ang madamdaming pagtitiwala ay kailangang


susunod sa pinangatwiranang pagkaunawa sa mga usapin.


Ang madamdaming pagtitiwala ay napakahalaga sapagkat


ito ay isang patunay ng totoong pagkaunawa. Kapag


nauunawaan na nang ganap at wasto ng isang tao ang


katotohanan ng mga usapin, handa na siya sa isip at diwa


na masiglang itaguyod ang katotohanang iyon.


Mula sa pangkaisipan at pag-espirituwal na pananaw


na ito, ang paksa ng mensahe ni Jesus at ang kaugnayan


niya sa mga naghahangad na sumunod sa Diyos ay


aanalisahin sa sumusunod na mga pahina.


Dr. Bilal Philips


Saudi Arabia, 1989


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


7


Unang Kabanata: Ang mga Kasulatan


Ang paksang Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


ay binubuo ng dalawang pangunahing bahagi: 1. Ang


Mensahe at 2. Ang Pagkatao ni Cristo Jesus. Ang bawat


isa ay hindi maiiihiwalay sa isa’t isa. Upang maunawaan


ang mensahe ni Jesus, kailangang malaman natin kung


sino siya. Ngunit upang maunawaan natin kung sino siya,


kinakailangan ding makilala at mawatasan ang kanyang


mensahe.


May dalawang posibleng paraan na maaaring


magamit upang masiyasat ang pagkakakilanlan ni Cristo


Jesus at ang nilalaman ng mensahe niya. Ang una ay


ibinatay sa tala ng kasaysaysan na isinulat ng mga


makabagong mananalaysay mula sa mga nasusulat at mga


labi (relic) sa panahong iyon, at ang ikalawa ay


nakabatay sa mga ulat na napaloloob sa inihayag na mga


Kasulatan.


Sa katotohanan, mayroong napakakaunting katibayan


batay sa kasaysayan na magagamit upang magpabatid sa


atin hinggil sa kung sino si Cristo Jesus o upang matiyak


kung ano ang mensahe niya. Ang opisyal na mga


dokumento ng kasaysayan ng panahong iyon ay halos


hindi naglalaman ng tala tungkol kay Jesus. Ang isang


iskolar ng Bibliya, si R. T. France, ay sumulat na,


“Walang pang-unang siglong inskripsiyon na bumanggit


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


8


sa kanya at walang bagay o gusali na nananatili na may


tiyak na kaugnayan sa kanya.”1


Ang katotohanang ito ay nagsilbing-daan pa nga sa


ilang mga Kanluraning mananalaysay upang magpahayag


nang mali na si Cristo Jesus ay hindi naman talaga


umiral. Samakatuwid, ang pagsasaliksik ay kailangang


nakabatay una sa mga kasulatan na tumatalakay sa


pagkatao at misyon ni Cristo Jesus. Ang mga kasulatan


na tinutukoy ay yaong mga opisyal na kinikilala ng


Kristiyanismo at Islam. Gayon pa man, upang tumpak na


masuri ang mga impormasyon na napaloob sa mga


tekstong panrelihiyong ito, napakahalaga na tiyakin muna


ang katumpakan ng mga ito. Ang mga ito ba ay


mapanananaligang mga pinagkukunan ng nasusulat na


katibayan, o mga kuwento at mga alamat na gawa-gawa


ng tao, o paghahalo ng dalawa? Ang Matanda at Bagong


Tipan ng Bibliya ba ay mga kasulatang ipinahayag ng


Diyos? Ang Qur’an ba ay mapaniniwalaan?


Para ang Bibliya at ang Qur’an ay maging tunay na


salita ng Diyos, ang mga ito ay kailangang hindi


maglaman ng di-maipaliwanag na mga


pagkakasalungatan, at hindi dapat magkaroon ng pagaalinlangan


hinggil sa nilalaman ng mga ito o hinggil sa


kung sino ang may-akda ng mga ito. Kapag nagkagayon


nga, ang nakasulat na napaloloob sa Matanda at Bagong


Tipan at sa Qur’an ay maaari nang maituring na


1 Time, December 18, 1995, p. 46.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


9


mapanananaligang mga pinagkukunan ng impormasyon


tungkol sa mensahe at persona ni Cristo Jesus.


Ang Mapaniniwalaang mga Kasulatan


Naisadokumento na ng maraming iskolar mula sa sarisaring


sangay at sekta ng Kristiyanismo na ang marami


sa naisulat sa Bibliya ay mapag-aalinlanganan ang


pagkatotoo.


Sa paunang salita ng The Myth of God Incarnate (Ang


Alamat ng Diyos na Nagkatawang-tao), ang patnugot ay


nagsulat ng sumusunod: “Noong ikalabingsiyam na siglo,


ang Kanluraning Kristiyanismo ay gumawa ng dalawang


pangunahing bagong pag-aakma sa pagtugon sa


mahalagang mga paglaki ng kaalaman ng tao: tinanggap


nito na ang tao ay bahagi ng kalikasan at lumitaw sa loob


ng ebolusyon ng mga anyo ng buhay na nasa daigdig na


ito; at tinanggap nito na ang mga aklat ng Bibliya ay


isinulat ng iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang mga


katayuan, at hindi maaaring mapagkalooban ng literal


na pangdiyos na awtoridad.”2


Sa pandaigdigang magasin ng mga balita, Newsweek,3


na naglathala ng isang artikulong pinamagatang ‘O Lord,


Who Wrote Thy Prayer?,’ may isang pangkat ng mga


teologo mula sa mga pangunahing sektang Protestante


kasama ng mga kilalang Romano Katolikong iskolar ng


2 The Myth of God Incarnate, p. ix. Ang pagbibigay-diin ay idinagdag.


3 October 31, 1988, p. 44.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


10


Bibliya sa Estados Unidos, matapos ang isang masusing


pagsisiyasat sa mga pinakaunang manuskrito ng Bagong


Tipan, na nagbigay ng konklusyon na ang mga salita


lamang sa ‘Panalangin ng Panginoon’4 na


maipagpapalagay nang tumpak na nagmula Cristo Jesus


ay “ama.” Kaya, ayon sa mga dalubhasang iskolar na ito


ng iglesya, ang lahat ng mga salitang sumunod pagkatapos


ng panimulang parirala na “Ama namin” ng


pinakapangunahing panalanging Kristiyano ay idinagdag,


ilang siglo ang nakaraan, ng mga eskriba ng iglesya na


kumopya sa naunang mga manuskrito ng mga


Ebanghelyo.5 Sinipi pa ng U.S. News & World Report


ang pangkat ng mga iskolar na nagsabing mahigit sa 80


porsiyento ng mga salitang ipinagpapalagay na


nagmula kay Jesus na nasaad sa mga Ebanghelyo ay


maaaring apocryphal.6 Napabibilang na roon ang


talumpating pang-Eukaristiya7


ni Jesus sa Banal na


Hapunan (Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking


4 Lucas 11:2 at Mateo 6:9-10.


5 Ang salitang ‘ebanghelyo’ ay hango sa Espanyol na evangelio, na


isang pagkakasalin ng Latin na evangelium at ng Griego na


euangelion, na nangangahulugang “mabuting balita” o “mabuting


salaysay.”


6 Apocryphal: malamang na hindi tunay; hindi totoo o inembento.


(Oxford Advanced Learner’s Dictionary, p. 45.)


7 Ang Eukaristiya (Eucharist) ay ang tinapay at ang alak na


tinatanggap sa seremonyang Kristiyano na batay sa huling hapunan ni


Cristo. (Oxford Advanced Learner’s Dictionary, p. 45.)


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


11


katawan...) at ang bawat salita na sinasabing binigkas


daw niya habang nasa krus.8


Si Dr. J. K. Elliott ng Department of Theological and


Religious Studies sa Leeds University ay sumulat ng


isang artikulo na inilathala sa The Times, London (Sept.


10, 1987) na pinamagatang “Checking the Bible’s Roots”


(Pagsisiyasat sa mga Ugat ng Bibliya). Dito ay


nagpahayag siya na: “Mahigit sa 5,000 manuskrito ang


naglalaman ng kabuuan o bahagi ng Bagong Tipan sa


orihinal na wika nito. Ang mga ito ay may petsa na mula


sa ikalawang siglo hanggang sa pagkaimbento ng pagiimprenta.


Tinataya na walang dalawang [manuskrito


na] nagkakatugma sa lahat ng detalye. Hindi


maiiwasan na ang lahat ng kasulatan na isinulat-kamay


ay malamang na maglaman ng mga hindi sinasadyang


pagkakamali sa pagkokopya. Gayon pa man, sa mga


umiiral na akdang teolohikal, hindi kataka-taka na ang


sinasadyang mga pagpapalit ay ipinapasok upang iwasan


o baguhin ang mga pahayag na nakita ng eskriba na maydiperensiya.


Mayroong pagkahilig din ang mga eskriba na


magdagdag ng maikling paliwanag. Ang sinasadyang


mga pagpapalit ay malamang na naipasok na sa maagang


8 July 1, 1991, p. 57.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


12


yugto bago napagtibay ang pagiging canonical9 ng


katayuan ng Bagong Tipan.”


Nagpatuloy pa ang may-akda sa pagpapaliwanag na


“walang isang manuskrito na naglalaman ng orihinal na


di-nabagong teksto sa kabuuan nito,” at na “hindi


makapipili sa isa man sa mga manuskritong ito at


aasahan nang tangi ito na para bagang naglalaman ito ng


monopolyo ng orihinal na mga salita ng orihinal na mga


may-akda.”


Sinabi pa niya: “Kung may isang mangangatuwiran pa


na ang orihinal na teksto ay nanatili sa kung saan man sa


libo-libong natitirang mga manuskrito, kung gayon ay


mapipilitan siya na basahin ang lahat ng manuskritong ito,


na pagtipun-tipunin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng


mga iyon sa sistematikong paraan, at pagkatapos ay na


tatayain nang isa-isa ang bawat pagkakaiba kung aling


mga manuskrito ang nagtataglay ng orihinal [na teksto] at


kung alin ang teksto na sekondaryo. Ang gayong tanawin


ay nagpapahina ng loob ng maraming iskolar ng Bibliya


na nagkasya na sa pag-asa sa naimprentang mga teksto


noong maaga-agang panahon, na ang katibayan ng


kakaunting tinangkilik na mga manuskrito lamang ang


ginamit sa mga ito. Kahit na ang maraming kamakailan


naimprenta na edisyon ng Griego na Bagong Tipan at ang


9 Ang isang aklat ay sinasabing canonical kung kabilang ito sa canon.


Ang canon ay ang opisyal na tala na tinatanggap bilang Banal ng


Kasulatan. (Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary.)


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


13


makabagong mga salin batay sa mga ito ay kadalasang


sumusunod sa nakagawiang ito ng pagbuo ng kanilang


teksto batay sa limitadong basehan na malabong maging


lubos na orihinal.”


Ang mga Bersiyon ng Bibliya sa Ingles


Sa panimulang salita ng pinakamalawakang ginagamit


na bersiyon ng Bibliya, ang Revised Standard Version,


sinulat ng mga tagapagsalin ang mga sumusunod:


“Ang Revised Standard Version ng Bibliya ay isang


awtorisadong bersiyon ng American Standard Version,


na inilathala noong 1901, na isang rebisyon ng King


James Version, na inilathala noong 1611...


Ang King James Version ay nangailangangan na


makipagpaligsahan sa Geneva Bible (1560) sa paggamit


ng madla; subalit bandang huli ay nanaig ito, at sa


mahigit sa dalawa at kalahating siglo ay wala nang iba


pang awtorisadong salin ng Bibliya sa Ingles ang


ginawa. Ang King James Version ay naging


“Authorized Version” ng mga bansang nagsasalita ng


Ingles...Gayon pa man, ang King James Version ay


mayroong malubhang mga kasiraan. Sa kalagitnaan


ng ikalabingsiyam na siglo, ang pag-unlad ng mga pagaaral


sa Bibliya at ang pagkatuklas sa maraming


manuskrito na higit na matanda kaysa mga


pinagbatayan ng King James Version ay nagpalitaw na


ang mga kasiraang ito ay lubhang marami at


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


14


lubhang malala anupa’t nananawagan na para sa


pagrerebisa sa salin na Ingles. Ang gawain ay


isinagawa, sa bisa ng awtoridad ng Iglesya ng Inglatera,


noong 1870. Ang English Revised Version ng Bibliya


ay inilathala noong 1881-1885; at ang American


Version, ang isa pang anyo nito na kumakatawan sa


mga pagtangi ng mga iskolar na Amerikano na


nakilahok sa gawain, ay nailathala noong 1901.”10


“Ang King James Version na Bagong Tipan ay


ibinatay sa isang tekstong Griego na pininsala ng mga


kamalian, na naglalaman ng natipong mga pagkakamali


ng labing-apat na siglong pagkokopya ng manuskrito.


Ito talaga ay ang tekstong Griego ng Bagong Tipan ayon


sa pagsasaayos ni Beza, 1589, na malapit na sumunod sa


inilathala ni Erasmus, 1516-1535, batay sa iilang mga


manuskritong medieval.11 Ang pinakauna at


pinakamainam sa walong manuskrito na sinangguni ni


Erasmus ay mula sa ikasampung siglo, at ginamit


niya ito nang pinakakaunti sapagkat higit na naiiiba


ito sa karaniwang natanggap na teksto; si Beza ay


may daan sa dalawang manuskritong may malaking


kahalagahan, na nagmula sa ikalima at ikalimang siglo,


subalit ginamit niya ang mga ito nang napakadalang


10 The Holy Bible: Revised Standard Version, p. iii.


11 Manuskritong nasulat noong Middle Ages o Kalagitnaang mga


Panahon at iyon ang panahon sa pagitan ng 500 AD hanggang sa 1500


AD.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


15


sapagkat ang mga ito ay naiiba sa tekstong


inilathala ni Erasmus.”12


“...Ang American Standard Version ay binigyan ng


copyright upang mapangalagaan ang teksto laban sa


hindi awtorisadong mga pagbabago. Noong 1928 ang


copyright na ito ay nakamit ng International Council of


Religious Education, at sa gayon ay nailipat sa


pagmamay-ari ng mga iglesya ng Estados Unidos at


Canada na kaaugnay sa Council na ito sa pamamagitan


ng kanilang mga lupon ng edukasyon at publikasyon.


Humirang ang Council ng isang komite ng mga iskolar


na may pananagutan sa teksto ng American Standard


Version at na magsasagawa ng pag-uusisa kung ang


karagdagang rebisyon ay kinakailangan... [Pagkalipas


ng dalawang taon] ang pasiya ay naabot na mayroong


pangangailangan sa isang puspusang rebisyon ng


bersiyon ng 1901, na mananatiling malapit sa tradisyon


ng Tyndale-King James hangga’t makakaya...Noong


1937, ang rebisyon ay pinahintulutan ng botohan ng


Council.”13


“Tatlumpu’t dalawang iskolar ang nagsilbing mga


kaanib ng Komite na itinalaga sa paggawa ng rebisyon,


at nakuha nila ang pagsusuri at payo ng Lupong


Tagapayo ng limampung kinatawan ng nagtutulungang


mga denominasyon…Ang Revised Standard Version ng


12 Ibid., p. v.


13 The Holy Bible: Revised Standard Version, p. iii-iv.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


16


Bagong Tipan ay inilathala noong 1946.”14 “Ang Revised


Standard Version ng Bibliya, na naglalaman ng Matanda


at Bagong Tipan, ay inilathala noong Setyembre 30, 1952,


at sinalubong ng malawak na pagtanggap.”15


Sa Revised Standard Version ng Bibliya, ang ilang


mahahalagang mga bersikulo mula sa King James


Version ng Matanda at Bagong Tipan, na napagpasiyahan


ng mga iskolar sa Bibliya na idinagdag noong mga huling


siglo, ay inalis sa teksto at inilagay sa mga talibaba.


Halimbawa, ang bantog na sipi sa Ebanghelyo ni Juan


8:7 tungkol sa isang babaing nangalunya, na napipintong


nang batuhin. Si Jesus diumano ay nagsabi: “Ang walang


kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.”


Ang mga talibaba ng Revised Standard Version ng


Bibliya (1952) ay nagpapahayag na “Kinaligtaan ng


pinakamatandang mga authority16 ang [Juan:] 7:53-


8:11.”17 Yamang ang Vatican manuscript no. 1209 at ang


Sinaitic manuscript codex mula sa ika-4 na siglo ay hindi


naglalaman ng labindalawang bersikulong ito, napaghulo


ng mga iskolar sa Bibliya na ang mga salitang ito ay


14 Ibid. p. iv.


15 Ibid. p. iv.


16 authority: pinagkukunan ng tamang impormasyon o


mapaniniwalaang sanggunian. Leo James English C. Ss. R., English-


Tagalog Dictionary,


17 Ang mga sipi ng Bibliya na ginamit dito ay mula sa Ang Biblia ng


Philippine Bible Society, maliban sa ilang sipi. Ang Tagapagsalin.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


17


hindi maaaring ituring na sinabi ni Jesus. Ang isa pang


halimbawa ay ang sipi na itinuturing na sinabi ni Jesus at


ginagamit bilang patunay ng pagtukoy sa Trinidad sa


mga Kasulatan. Sa I Juan 5:7, si Jesus daw ay nagsabi:


“For there are three that bear record in heaven, the


Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three


are one.”18


[Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo sa


langit, ang Ama, ang, Anak, at ang Espiritu Santo: at


ang tatlong ito ay nagkakaisa.]19


Ang tanyag na iskolar ng


Bibliya na si Benjamin Wilson ay sumulat na ang teksto


na ito hinggil sa “nagpapatotoo sa langit” ay hindi


napaloloob sa anumang tekstong Griego na nasulat ng


higit na maaga kaysa sa ika-15 siglo! Kaya naman sa


Revised Standard Version, ang bersikulo na ito ay


inalis sa teksto at ni hindi man lamang ginawa bilang


isang talibaba.20 Gayon pa man, upang ang bilang ng


mga bersikulo sa Revised Standard Version ay


18 Holy Bible: (King James Version)


19 Pinanatili ang pagkakasipi mula sa wikang Ingles mula sa King


James Version at isinalin ito sa Tagalog sapagkat ang nasasaad sa


dalawang bersiyon ng Bibliyang Tagalog na pinagsasanggunian ay


may malaking kaibahan sa nasasaad sa KJV. Halimbawa, ganito ang


nasa I Juan 5:7 ng Ang Biblia: “At ang Espiritu ang nagpapatotoo,


sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.”; at ganito naman ang nasa


Magandang Balita Biblia (PBS): “Tatlo ang nagpapatotoo:” Ang


Tagapagsalin.


20 Ganito rin ang ginawa sa dalawang bersiyon ng Bibliya sa Tagalog


na ginamit namin, na sinipi sa talibaba bilang 19. Ang Tagapagsalin.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


18


mapanatiling katulad ng nasa King James Version, hinati


ng mga nagrebisa ang bersikulo 8 sa dalawang


bersikulo.21


Ang Ikalawang Edisyon ng salin ng Bagong Tipan


(1971) ay nakinabang sa mga pag-aaral sa teksto at ng


lingguwistika na inilathala magmula nang ang Bagong


Tipan ng Revised Standard Version ay unang inilabas


noong 1946.22 Kaya naman ang ilan sa mga bersikulong


inalis noong una ay pinanumbalik, at ang ilang mga


dating tinatanggap na bersikulo ay inalis. “Ang dalawang


sipi, ang higit na mahabang katupasan ng Marcos 16:9-20


at ang sanaysay tungkol sa babaing nahuli sa


pangangalunya (Juan 7:53-8:11), ay pinanumbalik sa


teksto, na nakahiwalay rito sa pamamagitan ng isang


walang laman na puwang at nalalakipan ng mga punang


nagbibigay-kaalaman...Dahil sa suporta ng bagong


manuskrito, ang dalawang sipi, ang Lucas 22:19b-20 at


24:51b, ay pinanumbalik sa teksto; at ang isang sipi, ang


Lucas 22:43-44, ay inilagay sa talibaba, gaya ng pararila


sa Lucas 12:39.23


21 Ganito rin ang ginawa sa Ang Biblia (PBS) at Magandang Balita


Biblia (PBS): ang I Juan 5:8 ay hinati sa dalawa para maging I Juan


5:7 at 5:8 at ang dating I Juan 5:7, na matatagpuan pa rin hanggang


ngayon sa King James Version, ay inalis. Ang Tagapagsalin.


22 The Holy Bible: (King James Version).


23 Ibid., p. vii.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


19


Ang May-akda


Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, pati na ang mga mayakda


ng mga aklat ng Lumang Tipan at ng mga


Ebanghelyo ay mapagdududahan.


Ang Pentateuch


Ang unang limang aklat ng Bibliya (Pentateuch)24 ay


nakaugalian nang ipinagpapalagay na kay Propeta Moises,25


subalit mayroong maraming bersikulo sa loob ng mga


aklat na ito na nagpapahiwatig na hindi maaaring isinulat


ni Propeta Moises ang bawat nasa loob ng mga ito.


Halimbawa, Deuteronomio 34:5-8 ay nagsasabi: “Sa


gayo’y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay


roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.


At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na


nasa tapat ng Beth-peor; ngunit sinomang tao ay hindi


nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito. At


si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong


gulang nang siya’y mamatay: ang kaniyang mata’y


hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay


24 Ang Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang at Deuteronomio.


25 Ang mga Orthodox na Hudyo ay nagsasabi na ang Torah raw, ang


pangalan sa Hebreo ng unang limang aklat [ng Bibliya], ay nilikha


974 salinlahi bago nilikha ang mundo. Ayon sa kanila, idinikta ng


Diyos ang Torah sa loob ng 40 araw noong si Moises ay nasa Bundok


ng Sinai, sa gayong panghuli at di-mapapalitang anyo nito kaya isang


pagkakasalang sabihin na si Moises mismo ay may naisulat na isang


titik.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


20


humina. At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa


mga kapatagan ng Moab, na tatlong pung araw: sa


gayon, natapos ang mga araw ng pagtangis sa


pagluluksa kay Moises.” Lubhang maliwanag na may iba


pang taong sumulat sa mga bersikulong ito tungkol sa


pagkamatay ni Propeta Moises.


Ipinaliwanag ng ilang Kristiyanong iskolar ang mga dipagkakatugunan


na ito sa pamamagitan ng


pagmumungkahi na isinulat ni Moises ang kanyang mga


aklat, subalit ang sumunod na mga propeta, pati na rin


ang kinasihang mga tagasulat, ang gumawa ng mga


pagdaragdag na nauna nang nabanggit. Kaya naman,


ayon sa kanila, ang teksto, sa kabuuan nito, ay nanatiling


kinasihang kasulatan ng Diyos. Gayon man, ang


pagpapaliwanag na ito ay hindi nakatayo sa harap ng


pagsisiyasat, sapagkat ang istilo at ang mga katangiang


pampanitikan ng idinagdag na mga bersikulo ay katulad


ng nalalabing mga teksto.


Noong ika-19 siglo, sinimulan ng mga Kristiyonong


iskolar ng Bibliya na pagtalunan ang kahulugan ng mga


doublet (dalawahan) na lumitaw sa Pentateuch. Ang mga


ito ay mga kuwentong lumitaw nang makalawa, sa


tuwina ay may magkaibang mga detalye. Kabilang sa


mga ito ang dalawang bersiyon ng paglalang ng mundo,


ng tipan sa pagitan ng Diyos at ni Abraham, ng pagpapalit


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


21


ng Diyos ng pangalan ni Jacob upang maging Israel, at


ng pagkuha ni Moises ng tubig sa isang bato.26


Ang mga tagapagtanggol ng pagkamay-akda ni Moises


ay nagsabi na ang mga dalawahan ay hindi


nagsasalungatan, bagkus ay nakapagtuturo. Ang layunin


nila ay ituro sa atin ang tungkol sa higit na malalim, higit


na mahiwagang mga kahulugan ng Pentateuch.


Gayunpaman, ang pahayag na ito ay kaagad na binalewala


ng mga iskolar na bukas ang isip, na nakapuna, na


hindi lamang sa ang ilang sanaysay ay malinaw na


nagsasalungatan, kapag din ang mga dalawahan ay


ipinaghiwalay sa dalawang magkahiwalay na sanaysay,


ang bawat sanaysay ay palagiang gumagamit ng


magkaibang pangalan para sa Diyos. Ang isa ay laging


tumutukoy sa Diyos bilang Yahweh/Jehovah. Ang


kasulatang ito ay tinawag na “J”. Ang ikalawa naman ay


laging tumutukoy sa Diyos bilang Elohim, at tinawag na


“E”.27 Mayroong sarisaring iba pang pampanitikang mga


katangian na nakita na palasak sa isang kasulatan o sa


iba. Ang makabagong pangwikang mga pagsusuri, ayon


kay Propesor Richard Friedman,28 ay nagpapahiwatig na


26 Who Wrote the Bible, p. 54-70.


27 Ang iskolar na Aleman noong huling bahagi ng ika-19 siglo, si


Julius Wellhausen, ay ang unang nakabatid sa maraming pinagkunan


ng limang aklat.


28 Si Richard Elliot Friedman ay isang propesor sa University of


California at San Diego. Nakamit niya ang kanyang Doctorate sa


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


22


ang limang aklat ni Moises ay isang paghahalo ng


Hebreo mula sa ikasiyam, ikawalo, ikapito, at ikaanim na


siglo BC. Samakatuwid, si Moises, na nabuhay noong


ika-13 siglo BC, ay higit na malayo sa Hebreo ng Bibliya


kaysa sa layo ni Shakespeare sa Ingles sa ngayon.


Ang karagdagang pag-aaral sa Pentateuch ay


humantong sa pagkatuklas na ito ay hindi binuo ng


dalawang pinagkunan kundi ng apat. Natuklasan na ang


ilang salaysay ay hindi lamang pala dalawahan kundi


tatluhan pa. Ang karagdagang pampanitikang mga


katangian ay nakilala para sa mga kasulatang ito. Ang


ikatlong pinagkunan ay tinawag na “P” (para sa


pampari), at ang ikaapat ay tinawag na “D” (para sa


Deuteronomio).29


Ang lawak ng di gaanong halatang mga pagdaragdag na


ginawa sa orihinal na teksto ay lubhang mahirap na


mabaitd. Kaya, ang isang malaking anino ng pagdududa ay


nakalukob sa pagkakilanlan ng may-akda ng mga aklat sa


kabuuan.


Sa apendise ng Revised Standard Version, na


pinamagatang “Books of the Bible,” ang sumusunod ay


isinulat hinggil sa pagkakilanlan ng may-akda ng higit sa


Hebreo ng Bibliya sa Harvard University, at siya rin ang may-akda ng


kontrobersiyal na aklat, Who Wrote the Bible.


29 The Interpreter’s Dictionary of the Bible, vol. 1, p. 756, at vol. 3, p.


617. Tingnan din ang The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14


p.773-4.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


23


ikatlong bahagi ng nalalabing mga aklat ng Matandang


Tipan:


Mga Aklat Mga May-akda


Mga Hukom Maaaring si Samuel


Ruth Marahil si Samuel


I Samuel Hindi Kilala


II Samuel Hindi Kilala


I Mga Hari Hindi Kilala


II Mga Hari Hindi Kilala


I Mga Cronica Hindi Kilala


Esther Hindi Kilala


Job Hindi Kilala


Eclesiastes Hindi Kilala


Jonas Hindi Kilala


Malakias Walang Nalalaman


Apocrypha


Mahigit sa kalahati ng mga Kristiyano sa mundo ay


mga Romano Katoliko. Ang bersiyon nila ng Bibliya [na


Ingles] ay inilathala noong 1582 mula sa Latina Vulgata ni


Jerome, at muling inilathala sa Douay noong 1609. Ang


Matandang Tipan ng RCV (Roman Catholic Version) ay


naglalaman ng karagdagang pitong aklat na higit kaysa


sa King James Version na kinikilala ng mga Protestante.


Ang karagdagang mga aklat ay tinataguriang apocrypha


(nakapagdududang awtoridad) at inalis sa Bibliya noong


1611 ng mga iskolar na Protestante ng Bibliya.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


24


Ang mga Ebanghelyo


Aramaic ang wikang sinasalita noon ng mga Hudyo sa


Palestina. Kaya pinaniniwalaang si Jesus at ang mga disipulo


niya ay nagsalita at nagturo sa Aramaic.30 Ang pinakaunang


sinasalitang tradisyon hinggil sa mga ginawa at mga sinabi ni


Jesus ay walang dudang ipinalaganap sa Aramaic. Subalit ang


apat na Ebanghelyo ay naisulat sa salitang ganap na naiiba,


ang palasak na Griego, ang wikang sinasalita ng mundong


sibilisado ng Mediterraneo,31


para maglingkod sa karamihan


sa Iglesya na naging Hellenistico (nagsasalita ng Griego) sa


halip na Palestino. May mga bakas pa ng Aramaic na natira


sa mga Ebanghelyong Griego. Halimbawa, sa Marcos 5:41:


“At pagkahawak niya sa kamay ng bata, ay sinabi niya sa


kaniya, Talitha cumi; na kung liliwanagin ay, Dalaga,


sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka.” at sa Marcos 15:34: “At


nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na


tinig: Eloi, Eloi, lama sabachtani? na kung liliwanagin ay,


Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan.”32


30 Ang Aramaic ay isang wikang Semito na unti-unting pumalit sa


Akkadeo bilang palasak na wika ng Malapit na Silangan noong ika-7


at ika-6 na siglo BC. Bandang huli ito ay naging wikang opisyal ng


Emperyo ng Persia. Ang Aramaic ang pumalit sa Hebreo bilang wika


ng mga Hudyo; ang ilang bahagi ng mga aklat nina Daniel at Ezra sa


Matandang Tipan ay isinulat sa Aramaic, gaya ng mga Talmud ng


Babilonia at Jerusalem. Ang yugto ng pinakamalaking impluwensiya


nito ay magmula sa 300 BC hanggang sa 650 CE, na pagkatapos niyon


ay unti-unting pinalitan ng Arabe. (The New Encyclopedia Britannica,


vol. 1, p. 516.)


31 Mga pook sa paligid sa Karagatang Mediterraneo. Ang Tagapagsalin.


32 Encyclopedia Americana, vol. 3, p. 654.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


25


Ang Ebanghelyo ni Marcos sa Bagong Tipan,


bagaman itinuturing ng mga iskolar ng Iglesya na


pinakamatanda sa mga Ebanghelyo, ay hindi isinulat ng


isang disipulo ni Jesus. Nahinuha ng mga iskolar ng


Bibliya, batay sa katunayang nasa Ebanghelyo, na si


Marcos mismo ay hindi disipulo ni Jesus. Karagdagan pa


roon, ayon sa kanila, hindi nga rin tiyak kung sino talaga


si Marcos. Ang sinaunang may-akda na Kristiyano, si


Eusebius (325 CE), ay nag-ulat na ang isa pang sinaunang


may-akda, si Papias (130 CE), ay ang unang nagpalagay


na ang Ebanghelyo ay kay Juan Marcos, na isang


kasamahan ni Pablo.33 Ang mga iba ay nagmungkahi na


maaaring siya ang tagasulat ni Pedro at ang mga iba


naman ay nagpapalagay na siya ay maaaring ibang tao pa.


Gayon din ang lagay ng iba pang Ebanghelyo.


Bagaman ang Mateo, Lucas, at Juan ay mga pangalan ng


mga disipulo ni Jesus, ang mga may-akda ng mga


Ebanghelyong nagtataglay ng mga pangalang ito ay hindi


ang mga tanyag na disipulong iyon, kundi ibang mga


taong gumamit ng mga pangalan ng mga disipulo upang


mabigyan ng kredibilidad ang mga sanaysay nila. Sa


katunayan, lahat ng Ebanghelyo ay lumaganap noong una


nang walang nakasaad na pangalan ng may-akda. Ang


33 The Gospels, p. 20, at The New Encyclopedia Britannica, vol. 14, p.


824. Para sa mga reperensiya sa sarisaring Marcos sa Bagong Tipan,


tingnan ang sumusunod: Mga Gawa 12:12, 25; 13:5; 15:36-41; Mga


Taga Colossas 4:10; II Timoteo 4:11; Filemon 24; at I Pedro 5:13.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


26


kinikilalang mga pangalan ay ikinapit na bandang huli sa


mga ito ng mga hindi kilalang tao sa sinaunang iglesya.34


Mga Aklat Mga May-akda


Ebanghelyo ni Mateo Hindi Kilala35


Ebanghelyo ni Marcos Hindi Kilala36


Ebanghelyo ni Lucas Hindi Kilala37


Ebanghelyo ni Juan Hindi Kilala38


Mga Gawa Ang May-akda ng Lucas39


I, II, III Juan Ang May-akda ng Juan40


Si J.B. Phillips, isang prebendary41 ng Katedral ng


Chichester ng Iglesya Angglicano ng Inglatera, ay sumulat


34 The Five Gospels, p. 20.


35 “Bagaman mayroong isang Mateo na tinatawag sa sarisaring tala ng


mga disipulo ni Jesus…ang sumulat ng Mateo ay maaaring hindi


kilala.” The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 826.


36 “Bagaman ang may-akda ng Marcos ay maaaring hindi kilala…”


The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 824.


37 “Ang Muratorian Canon ay tumutukoy kay Lucas, ang manggamot,


na kasamahan ni Pablo; inilarawan ni Iranaeus si Lucas na isang


tagasunod ng ebanghelyo ni Pablo upang mabigyan ang Ebanghelyo ng


apostolikong awtoridad.” The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14,


p. 827.


38 “Mula sa katunayan na panloob ang Ebanghelyo ay isinulat ng isang


minamahal na disipulo na di-alam ang pangalan.” The New


Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 828.


39 The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 830.


40 Ibid., vol. 14, p. 844.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


27


ng sumusunod na paunang salita para sa kanyang salin ng


Ebanghelyo ayon kay San Mateo: “Ang naunang


tradisyon ay nagpalagay na ang Ebanghelyo ay kay


apostol Mateo, ngunit ang mga iskolar sa ngayon ay halos


lahat tumatanggi sa pananaw na ito. Ang may-akda, na


makabubuting tawagin nating Mateo, ay maliwanag na


kumuha sa mahiwagang “Q”42


na maaaring isang


41 Isang paring tumatanggap ng suweldo mula sa kinita ng isang


iglesya, lalo na sa isang katedral. (Oxford Advanced Learner’s


Dictionary, p. 973.)


42 May mga dalawang daang magkatulad na bersikulo na matatagpuan


sa Mateo at Lucas (halimbawa: Mateo 3:7-10 & Lucas 3:7-9; Mateo


18:10-14 & Lucas 15:3-7), na walang katumbas sa Marcos o Juan.


Bilang isang paraan ng pagpapaliwanag sa kapansin-pansing


pagkakaayon, nahaka ng iskolar na Aleman na may umiiral noon na


isang kasulatang pinagkunan (source), na tinagurian niya na Quelle


(Aleman ng “pinagkunan”). Ang daglat na “Q” ay ginamit bandang


huli bilang pangalan nito.


Ang pagkakaroon ng Q ay minsang pinag-alinlanganan ng ilang


iskolar dahil ang ebanghelyo ng kawikaan ay hindi talaga ebanghelyo.


Ang mga nag-aalinlangan ay nangatuwirang hindi nagkaroon ng mga


sinaunang [sanaysay na] kaparis ng nasa isang ebanghelyo na


naglalaman lamang ng mga kawikaan at mga talinghaga at nagkukulang


sa mga kuwento hinggil kay Jesus, lalo na ang kuwento hinggil sa


paglilitis sa kanya at sa kamatayan niya. Ang pagkatuklas sa


Ebanghelyo ni Tomas ay nagpabago sa lahat ng iyon. (The Five


Gospels, p. 12.) Naglalaman ang Tomas ng 114 kawikaan at talinghaga


na ipinagpapalagay na kay Jesus; wala itong balangkas ng


pagsasalaysay: walang sanaysay tungkol sa mga pagpapalayas ni Jesus


sa mga masamang espiritu, mga panggagamot niya, paglilitis sa kanya,


kamatayan niya at pagkabuhay na muli; walang mga kuwento tungkol


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


28


kalipunan ng mga sinasalaysay na tradisyon. Malaya


niyang ginamit ang Ebanghelyo ni Marcos, bagaman muli


niyang isinaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari at sa ilang pagkakakataon ay gumamit ng


ibang mga salita para sa isang maliwanag na magkatulad


na kuwento.43


Ang Ikaapat na Ebanghelyo (Juan) ay


kinalaban ng sinaunang Iglesya dahil heretical,44 at wala


itong nalalaman sa mga kuwentong kaugnay kay Juan na


anak ni Zebede.45 Sa palagay ng maraming iskolar, ito ay


isinulat ng isang “pangkat” ng mga disipulo, marahil sa


Siria noong huling dekada ng unang siglo.46


sa kapanganakan o pagkabata; at walang naiulat na sanaysay tungkol sa


pangangaral niya sa mga tao sa Galilea at Judea. Ang salin sa [wikang]


Coptic ng kasulatang ito (nasulat mga 350 CE), na natagpuan noong


1945 sa Nag Hammadi sa Ehipto, ay nakatulong sa mga iskolar upang


mabatid ang tatlong bahagi ng [manuskritong] Griego (nasulat mga


200 CE), na nauna nang natuklasan, bilang mga piraso ng tatlong


magkaibang kopya ng mismong ebanghelyo. Ang Tomas ay may 47 na


katapat ng nasa Marcos, 40 katapat ng nasa Q, 13 [katapat ng] nasa


Mateo, 4 [katapat ng] nasa Lucas at 5 [katapat ng] nasa Juan. Mga 65


kawikaan o mga bahagi ng mga kawikaan ay natatangi sa Tomas. (The


Five Gospels. p. 15).


43 The Gospels in Modern English.


44 Taliwas sa tinatanggap na paniniwala o pamantayan. Ang Tagapagsalin.


45 Magmula noong huling bahagi ng ika-18 siglo, ang unang tatlong


Ebanghelyo ay tinatawag nang Ebanghelyong Synoptic dahil ang mga


teksto nito, kapag pinagtabi-tabi, ay magpapakita ng magkahawig na


pagtalakay sa buhay at kamatayan ni Cristo Jesus. (The New


Encyclopaedia Britannica, vol. 5, p. 379).


46 The Five Gospels, p. 20.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


29


Ang Mga Pagkakasalungatan


Ang katunayan sa pagiging di-mapananaligan ng marami


sa nilalaman ng Bibliya ay matatagpuan din sa maraming


pagkakasalungatan sa mga teksto ng Matanda at Bagong


Tipan. Ang sumusunod ay iilang halimbawa lamang:


Ang Matandang Tipan


1. Nagsalaysay ang mga may-akda ng Samuel at Mga


Cronica ng magkatulad na kuwento tungkol kay Propeta


David na gumawa ng pagbilang sa mga Israelita. Subalit sa


II Samuel, kumilos si Propeta David ayon sa atas ni


Diyos, habang sa I Mga Cronica ay kumilos siya ayon sa


atas ni Satanas.


II SAMUEL 24:1


Ang Pagbilang


I MGA CRONICA 21:1


Ang Pagbilang


At ang galit ng Panginoon ay


nag-alab uli laban sa Israel, at


kaniyang kinilos si David laban


sa kanila, na sinabi, Ikaw ay


yumaon, iyong bilangin ang


Israel at Juda.


At si Satan ay tumayo laban


sa Israel, at kinilos si David


na bilangin ang Israel.


2. Sa paglalarawan ng tagal ng kagutom na hinulaan ni


Gad,47 itinala ng may-akda ng II Samuel na pitong taon


47 “At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David, na


nagsasabi,” I Mga Cronica 21:9. Ayon sa talatang ito, Gad ang


pangalan ng tagakita (manghuhula) ni Propeta David.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


30


iyon, samantalang itinala naman ng may-akda ng I Mga


Cronica na tatlong taon iyon.


II SAMUEL 24:13


Ang Kagutom


I MGA CRONICA 21:11-12


Ang Kagutom


Sa gayo’y naparoon si Gad kay


David, at nagsaysay sa kaniya:


at nagsabi sa kaniya, Darating


ba sa iyo ang pitong taon na


kagutom sa iyong lupain? o


tatakas ka bang tatlong buwan


sa harap ng iyong mga kaaway


samantalang hinahabol ka nila?


Sa gayo’y naparoon si Gad


kay David, at nagsabi sa


kaniya, Ganito ang sabi ng


Panginoon, Piliin mo ang


iniibig mo: Tatlong taong


kagutom; o tatlong buwan ng


pagkalipol sa harap ng iyong


mga kaaway, samantalang ang


tabak ng iyong mga kaaway ay


umaabot sa iyo;


3. Sa II Mga Cronica, inilarawan si Joachin na walong


taong gulang nang magpasimulang maghari, samantalang


sa II Mga Hari ay inilarawang labingwalong taong gulang.


II MGA CRONICA 36:9


Ang Gulang


II MGA HARI 24:8


Ang Gulang


Si Joachin ay may walong


taong gulang nang siya’y


magpasimulang maghari: at


siya’y nagharing tatlong


buwan at sangpung araw sa


Jerusalem: at siya’y gumawa


ng masama sa paningin ng


Panginoon.


Si Joachin ay may labing


walong taon nang siya’y


magpasimulang maghari; at


siya’y naghari sa Jerusalem


na tatlong buwan: at ang


pangalan ng kanyang ina ay


Neusta na anak na babae ni


Elnathan na taga Jerusalem.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


31


4. Ang may-akda ng II Samuel ay nagsabing ang bilang


ng mga taga Siria na namatay sa pakikidigma kay Propeta


David ay mga tao ng pitong daang karo, samantalang


ang may-akda naman ng I Mga Cronica ay nagsabing


mga tao sa pitong libong karo.


II SAMUEL 10:18


Ang Patay


I MGA CRONICA 19:18


Ang Patay


At ang mga taga Siria ay


nagsitakas sa harap ng Israel; at


pumatay si David sa mga taga


Siria ng mga tao ng pitong


daang karo, at apat na pung


libo na nangangabayo, at


sinaktan si Sobach na kapitan


ng kanilang hukbo, na anopa’t


namatay roon.


At ang mga taga Siria ay


nagsitakas sa harap ng Israel;


at si David ay pumatay sa


mga taga Siria ng mga tao sa


pitong libong karo, at apat


na pung libong naglalakad,


at pinatay si Sophach na


pinunong kawal ng hukbo.


Bagamat may mga magsasabing ang pagdadagdag o


ang pag-aalis ng isang “1” o isang sero ay hindi


napakahalaga, yamang ito ay isang pagkakamali lamang sa


pagkopya, hindi ganito ang lagay niyan dito sapagkat


isinusulat noon ng mga Hudyo sa salita ang kanilang mga


bilang at hindi sila gumagamit ng mga numero.


Ang Bagong Tipan


Maaari ring makakita sa Bagong Tipan ng katulad na


mga pagkakasalungatan. Ang sumusunod ay iilan


lamang:


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


32


1. Ang mga sanaysay ng Ebanghelyo ay nagkakaiba


hinggil sa kung sino ang pumasan ng krus na pinagpakuan


daw kay Jesus. Sa Mateo, Marcos at Lucas, iyon ay si


Simon na taga Cirene; at sa Juan, iyon ay si Jesus.


LUCAS 23:2648


Ang Krus


JUAN 19:16-17


Ang Krus


At nang siya’y kanilang dalhin


ay kanilang pinigil ang isang


Simong taga Cirene, na


naggaling sa bukid, at ipinasan


sa kaniya ang krus, upang


dalhin sa likuran ni Jesus.


At nang magkagayo’y nga’y


ibinigay siya sa kanila upang


maipako sa krus. Kinuha


nga nila si Jesus: at siya’y


lumabas, na pasan niya ang


krus, hanggang sa dakong


tinatawag na Dako ng bungo,


2. Matapos ang “pagpapako” kay Jesus, ang mga sanaysay


ng Ebanghelyo ay nagkakaiba hinggil sa kung sino ang


dumalaw sa libingan niya, kung kailan naganap ang


pagdalaw, at kung ano rin ang kalagayan ng libingan


nang ito ay dinalaw. Ang mga Ebanghelyo nina Mateo,


Lucas at Juan ay nagsabing iyon ay bago sumikat ang


araw, samantalang ang Ebanghelyo ni Marcos ay


nagsabing iyon ay matapos sumikat ang araw. Sa


tatlong Ebanghelyo (Marcos, Lucas at Juan), natagpuan


ng mga babae ang pintong bato na naalis na sa libingan;


at sa isa naman (sa Mateo) ang libingan ay nakasara


48 Tingnan din ang Mateo 27:32 at Marcos 15:21.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


33


hanggang sa may bumaba na isang anghel bago sila


dumating at iginulong ito pabalik.


MARCOS 16:1-2


Ang Pagdalaw


At nang makaraan ang Sabath, si Maria Magdalena, at si


Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay nagsibili ng mga


pabango, upang sila’y magsiparoon at siya’y pahiran. At


pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sang-linggo, ay


nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.


JUAN 20:149


Ang Pagdalaw


Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa


libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at


nakita ang bato na naalis na sa libingan.


MATEO 28:1-2


Ang Pagdalaw


Nang magtatapos ang araw ng Sabbath, nang nagbubukang


liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon


si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang


tingnan ang libingan. At narito, lumindol ng malakas;


sapagka’t bumaba mula sa langit ang isang anghel ng


Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa


ibabaw nito.


49 Tingnan din ang Lucas 24:1-2.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


34


3. Ang mga sanaysay sa Bagong Tipan ay nagkakaiba


tungkol sa nangyari kay Judas Iscariote at sa salaping


natanggap niya sa pagkakanulo kay Jesus. Nasasaad sa


Mateo na nagbigti siya, samantalang nasasaad naman sa


Mga Gawa na nagpatihulog siya nang patiwarik at


namatay.


MATEO 27:3-6


Ang Nangyari kay Judas


MGA GAWA 1:18


Ang Nangyari kay Judas


Nang magkagayo’y si Judas,


na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang


siya’y nahatulan na,


ay nagsisi, at isinauli ang


tatlongpung putol na pilak


sa mga pangulong saserdote


at sa matatanda,…at siya’y


yumaon at nagbigti.


Kumuha nga ang taong ito


ng isang parang sa


pamamagitan ng ganti sa


kaniyang katam-palasanan;


at pagpapatihu-log ng


patiwarik, ay pumu-tok


siya sa gitna, at sumambulat


ang lahat ng mga


laman ng kaniyang tiyan.


5. Kapag ang talaangkanan ni Jesus mula kay David ayon


sa Mateo 1:6-16 ay ipinaghambing sa ayon sa Lucas


3:23-31, mayroong malaking mga di-pagkakaayon. Una,


si Jesus ayon sa Mateo ay may 26 ninuno sa pagitan niya


at ni David, subalit ayon naman sa Lucas, siya ay may 41


ninuno. Ikalawa, ang mga pangalan sa kapwa tala ay


sukdulang nagkakaiba pagkatapos ni David, at dalawang


pangalan lamang ang magkatulad: Jose at Zorobabel. Ang


kapwa tala ay nagsimula kay Jose, na lubhang


kataka-taka, bilang ama ni Jesus [dahil hindi niya


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


35


naman ama si Jose]. Sa Mateo, itinala ng may-akda na


ang lolo sa ama ni Jesus ay si Jacob; samantalang sa


Lucas naman ay si Heli. Kung tatanggapin ang mungkahi


na ang isa sa mga tala ay talaangkanan ni Maria, hindi ito


maaaring makapagbigay-dahilan sa anumang pagkakaiba


matapos ang kanilang kapwa ninuno na si David. Ang


kapwa tala ay nagtagpo muli kay Abraham, at sa pagitan


nina David at Abraham ang karamihan sa mga pangalan


ay magkatulad. Gayon pa man, sa tala ng Mateo, ang


pangalan ng anak ni Hezron ay Ram, ang ama ni


Amminadab, samantalang sa tala naman ni Lucas, ang


pangalan ng anak ni Hezron ay Arni, na ang pangalan ng


anak ay Admin50 na ama ni Amminadab.51 Kaya sa


pagitan nina David at Abraham ay mayroon 12 ninuno


ayon sa tala ni Mateo at 13 ayon sa tala ni Lucas.


Ang mga di-pagkakaayon na ito at marami pang ibang


tulad ng mga ito sa mga Ebanghelyo ay maliwanag na


mga kamalian na naglulukob ng anino ng pagdududa sa


pagkatotoo ng mga ito bilang mga kasulatang ipinahayag


ng Diyos. Kaya naman, ang karamihan sa Kristiyanong


mga iskolar sa ngayon ay nagtuturing sa mga aklat ng


50 Sa tala rin ni Mateo (Revised Standard Version), ang pangalan ng


anak ni Nahshon ay Salmon, samantalang sa tala ni Lucas naman, ang


pangalan ng anak ni Nahshon ay Sala.


51 Ang mga pangalan na ito ay mula sa Revised Standard Version. Sa


King James Version naman at sa mga bersiyong Tagalog ay hindi na


ganito ang makikita. “Inayos” na ng mga tagapagsalin ang dipagkakaayong


nabanggit ng may-akda. Ang Tagapagsalin.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


36


Matanda at Bagong Tipan bilang sanaysay ng tao na


pinaniniwalaan nilang kinasihan ng Diyos. Subalit, kahit


na ang pahayag na ang mga ito ay kinasihan ng Diyos ay


mapag-aalinlanganan yamang ito ay nagpapahiwatig na


ang Diyos ay nagkasi sa mga may-akda na magsulat ng


mga kamalian at mga di-pagkakaayon sa Kanyang mga


kasulatan.


Matapos mapatunayang ang pagkatotoo ng Matanda


at Bagong Tipan ay mapag-aalinlanganan, masasabi nang


may katiyakan na ang Bibliya ay hindi maaaring magamit


bilang mapananaligang pagkukunan ng reperensiya para


pagtibayin kung sino si Jesus at ano ang nilalaman ng


mensahe niya.


Ang Qur’an


Sa kabilang dako, ang Qur’an—na pinaniniwalaan ng


mga Muslim na salita ng Diyos na ipinahayag kay


Propeta Muhammad—ay naisulat at naisaulo mula simula


hanggang katapusan noong nabubuhay pa ang Propeta


mismo.


Sa loob lamang ng isang taon pagkamatay niya, ang


unang batayang nakasulat na teksto ay nagawa na.52 At sa


loob ng 14 taon pagkamatay niya, may awtorisadong


mga kopya (Teksto ni ‘Uthmán) na ginawa mula sa


batayang codex53 ang ipinadala sa mga kabisera ng


52 Shorter Encyclopaedia of Islam, p. 278.


53 Isang nakasulat-kamay na aklat ng sinaunang mga teksto.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


37


sambayanang Muslim, at ang mga hindi awtorisadong


kopya ay sinira.54


Magmula nang yumao ang Propeta noong 632 CE,


may dumaraming bilang ng mga tao sa bawat sumusunod


na salinlahhi ang nakasaulo ng buong teksto ng Qur’an


mula sa simula hanggang sa katapusan. Sa ngayon ay


mayroong libo-libong tao sa buong mundo na bumibigkas


ng buong Qur’an, sa memorya, sa buwan ng Ramadan


taun-taon at sa iba pang mga okasyon.


Ang isa sa mga pangunahing orientalista,55 si Kenneth


Cragg, ay nagsabi ng sumusunod hinggil sa pagsasaulo at


pagpapanatili ng teksto ng Qur’an, “Ang pangyayari ng


pagbigkas ng Qur’an ay nangangahulugang ang teksto ay


bumagtas ng mga siglo ng walang patid na buhay na


bunga ng debosyon. Hindi ito maaari, samakatuwid, na


ituring na isang bagay na antiquarian,56 ni isang


pangkasaysayang dokumento mula sa isang malayong


kahapon.”57 Ang isa pang iskolar na orientalista, William


Graham, ay nagsulat: “Para sa di-mabilang na milyonmilyong


Muslim sa higit sa labing-apat na siglong


54 Shorter Encyclopaedia of Islam, p. 279. Tingnan din ang The New


Encyclopaedia Britannica, vol. 22, p.8.


55 Iskolar na nagsasaliksik sa kasaysayan, wika, relihiyon at kultura ng


mga bansa sa Asia at Gitnang Silangan. Ang kadalasang may kiling na


pag-aaral nila ay halos nakatutok sa Islam at mga Muslim. Ang


Tagapagsalin.


56 Isang matanda at bihirang aklat. Ang Tagapagsalin.


57 The Mind of the Qur’an, p. 26.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


38


kasaysayan ng Islam, ang ‘kasulatan,’ al-kitab ay aklat na


pinag-aaralan, binabasa at ipinapasa sa pamamagitan ng


may-tinig na pag-uulit-ulit at pagsasaulo. Ang nakasulat


na Qur’an ay maaaring ‘magtakda’ nang nakikita sa


teksto na sinasanggunian ng Makadiyos na Salita sa


paraang hindi nalaman ng kasaysayan, ngunit ang


pagsinasanggunian ng aklat na Qur’an ay


naisasakatuparan lamang sa kabuuan at kaganapan nito


kapag binibigkas ito nang tumpak.”58


May isa pa, si John


Burton, na nagpahayag: “Ang paraan ng pagpaparating sa


Qur’an mula sa isang salinlahi tungo sa kasunod sa


pamamagitan ng pagpapasaulo sa mga bata ng binibigkas


na kaugalian ng mga nakatatanda nila ay nagpahupa kahit


paano sa simula pa sa napakasaklap na mga panganib ng


tanging pag-asa sa nakasulat na mga kasulatan…”59


Sa


katapusan ng makapal na akda hinggil sa pagtitipon ng


Qur’an, ipinahayag ni Burton na ang teksto ng Qur’an na


taglay ngayon ay “ang tekstong dumating sa atin sa anyo


na binuo at inayunan ng Propeta…Ang taglay natin


ngayon sa kamay natin ay ang mus haf60 ni


Muhammad.”61


58 Beyond the Written Word, p. 80.


59 An Introduction to the Hadith, p. 27.


60 Isang ter minolohiyang Arabe na ipinantatawag sa teksto ng Qur’an.


61 The Collection of the Qur’an, p. 239-240.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


39


Panunuring Pampanitikan ng Kasulatan


Ang katulad na mga tuntunin ng pag-aanalisa, na


ginamit ng mga iskolar ng Bibliya sa mga manuskrito ng


Bibliya at naglantad sa mga kasiraan at mga pagpapalit,


ay ginamit sa mga manuskrito ng Qur’an na kinalap sa


iba’t-ibang lupalop ng mundo. Ang mga matandang


manuskrito mula sa Library of Congress sa Washington


DC, Chester Beatty Museum sa Dublin sa Ireland, sa


London Museum, at pati na rin sa mga Museo sa


Tashkent, sa Turkey at sa Egipto, mula sa lahat ng yugto


ng kasaysayan ng Islam ay naipaghambing na. Ang resulta


ng lahat ng gayong pag-aaral ay nagpatotoo na hindi


nagkaroon ng anumang pagbabago sa teksto mula sa


orihinal na pagkakasulat nito. Halimbawa, nangalap ang


“Institute fur Koranforschung” ng Paamantsan ng Munich,


Alemanya, na mahigit 42,000 kumpleto at di-kumpletong


kopya ng Qur’an at masusing ipinaghambing ang mga ito.


Matapos ang mga limampung taon ng pag-aaral, iniulat


nila na sa mga usapin ng pagkakaiba sa pagitan ng


sarisaring kopya ay walang mga pagkakaiba, maliban sa


paminsan-minsang mga pagkakamali ng mga tagakopya, na


madali namang matiyak. Ang Institute ay nawasak ng mga


bomba ng Amerikano noong panahon ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdigan.62


62 Muhammad Rasulullah, p. 26.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


40


Mga Pagkakasalungatan daw sa Qur’an


Ang Qur’an ay nananatili sa orihinal na wika nito, ang


Arabe, at hinahamon ng Qur’an ang mga mambabasa nito


sa Kabanata an-Nisá’ (4):82 na maghanap ng mga mali


dito, kung hindi sila naniniwalang ito ay mula talaga sa


Diyos.





“Kaya hindi ba nila pinagninilay-nilayan ang


Qur’an? Kung ito ay mula sa iba pa kay Allah,


talagang naka-sumpong na sana sila rito ng


maraming salungatan.”


Ang ilang “tila” salungatan na karaniwang


binabanggit ng mga nagtatangka na ibaba ang Qur’an sa


antas ng Bibliya ay madaling ipaliwanag. Halimbawa,


ang “unang mananampalataya” sa sumusunod na mga


talata:


Kab. al-An‘ám (6):14


Sabihin mo: “Ang iba pa ba


kay Allah ay gagawin kong


taga-tangkilik, ang Lumalang


sa mga Langit at Lupa,


samantalang Siya ay


nagpapakain at hindi pinakakain?”


Sabihin mo: “Tunay


na ako ay naatasan na ako ay


maging una sa yumakap sa


Islam.” Huwag ka ngang maging


kabilang sa mga pagano.


Kab. al- A‘ráf (7):143


…Ngunit noong tumambad


ang Panginoon niya sa


bundok, ginawa Niya ito na


tibag-tibag at napahandusay


si Moises nang walang ulirat.


Kaya noong nagkamalay siya,


nagsabi siya: “Napakamaluwalhati


mo, nagsisi ako sa


Iyo at ako ay ang una sa mga


mananampalataya.”


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


41


Ang unang talata ay tumutukoy kay Propeta


Muhammad, na sinabihan na ipabatid niya sa mga pagano


noong panahon niya na hindi siya tatanggap sa idolatriya


nila at magiging siya ang una sa mga tao noong panahon


niya na susuko kay Allah. Sa ikalawang talata, si Propeta


Moises ay nagpahayag na siya ang una sa panahon niya na


sumuko kay Allah nang mapagtanto niya na imposibleng


makita si Allah. Ang bawat propeta ay ang una sa


panahon niya na sumuko kay Allah.


Gayon din ang “araw para sa Diyos” na nabanggit sa


sumusunod na dalawang talata:


Kab. as-Sajdah (32):5


Pinangangasiwaan Niya ang


atas mula sa langit patungo sa


lupa, pagkatapos ay babalik


iyon sa Kanya sa isang araw na


ang sukat nito ay isang libong


taon sa pagbibi-lang ninyo.


Kab. al-A‘ráf (70):4


Aakyat ang mga anghel at


si Gabriel sa Kanya sa


isang araw na ang sukat


nito ay limampung libong


taon.


Ang dalawang talata ay tumutukoy sa dalawang lubos


na magkaibang pangyayari. Ang una ay tumutukoy sa


tadhana na ibinababa at inuulat pabalik sa loob ng isang


araw na sumasaklaw sa isang libong taon ng tao.63 Ang


ikalawa naman ay tumutukoy sa pag-akyat ng mga


anghel mula sa mundo patungo sa pinakamataas sa mga


langit, na para sa kanila ay inaabot lamang ng isang araw


63 Tafseer al-Qurtubee, vol. 8, p. 5169-5170.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


42


na katumbas sa 50,000 taon ng tao.64 Si Allah ay hindi


nasasaklawan ng panahon. Siya ang lumikha ng panahon


at ginawa niya ito na relatibo sa mga nilikhang


nasasaklawan nito. Kaya ayon sa pagtataya ng


makabagong mga siyentipiko, ang isang taon sa Mars ay


katumbas ng 687 araw sa mundo, habang ang isang taon


sa Uranus ay katumbas ng 84 taon sa mundo.65


Ang teksto ng Qur’an ay lubhang nagkakaayon sa


kaisipan at paglalahad nito. Sa panimula ng isa sa


pinakamahusay sa mga salin ng mga orientalista ng


Qur’an, ang tagapagsalin, si Arthur John Arberry, ay


nagsulat: “May isang kalipunan ng kilalang mga paksa na


inuulit-ulit sa buong Koran; bawat Sura66 ay naglilinaw o


nagpapahiwatig ng isa o higit —madalas marami—sa


mga ito. Kung gagamitin ang wika ng musika, bawat


Sura ay isang napakamadamdaming pag-usal na binubuo


ng buo o baha-bahaging tema na nagbabalik; ang


paghahalintulad ay pinalalakas ng mahusay na sarisaring


maindayog na daloy ng pagtatalakay.”67


Ang makaagham na mga reperensiya sa teksto ng


Qur’an ay napatunayan na palagian at di-maipaliwanag na


tamang-tama. Sa isang panayam na ibinigay sa French


Academy of Medicine, noong 1976, na pinamagatang


“Physiological and Embryological Data in the Qur’an,” si


64 Fathul-Qadeer, vol. 4, p. 349.


65 The New Encyclopaedia Britannica, vol. 27, p. 551 & 571.


66 O Súrah: Kabanata ng Qur’an.


67 The Qur’an Interpreted, p. 28.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG