30. Ang Islām ay nag-uutos ng katarungan sa salita at gawa kahit pa man sa mga kaaway.
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay nailalarawan sa katarungan at pagkamakatarungan sa mga gawa Niya at pangangasiwa Niya sa mga lingkod Niya. Siya ay nasa isang landasing tuwid sa ipinag-uutos Niya at sinasaway Niya at sa nilikha Niya at itinakda Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong."(Qur'ān 3:18)Si Allāh ay nag-uutos ng katarungan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Nag-utos ang Panginoon ko ng pagkamakatarungan"(Qur'ān 7:29)Ang lahat ng mga sugo at mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) ay naghatid ng katarungan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan."(Qur'ān 57:25)Ang timbangan ay ang katarungan sa mga sinasabi at mga ginagawa.Ang Islām ay nag-uutos ng katarungan sa salita at gawa kahit pa man sa mga kaaway. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagpanatili ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Kung naging isang mayaman o isang maralita, si Allāh ay higit na karapat-dapat sa kanilang dalawa. Kaya huwag kayong sumunod sa pithaya, na baka lumihis kayo. Kung magbabaluktot kayo [ng pagsasaksi] o aayaw kayo, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid."(Qur'ān 4:135)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao na sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal na lumabag kayo. Magtulungan kayo sa pagpapakabuti at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at paglabag. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa."(Qur'ān 5:2)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga sumampalataya, kayo ay maging mga mapagpanatili para kay Allāh, mga saksi sa pagkamakatarungan. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo magmakatarungan. Magmakatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag
magkasala."(Qur'ān 5:8)Kaya nakatatagpo ka kaya sa mga batas ng mga bansa sa ngayon o sa mga relihiyon ng mga tao ng tulad ng pag-uutos na ito sa pagsaksi sa katotohanan at pagsasabi ng katapatan kahit pa laban sa sarili, mga magulang, at mga kamag-anak, at ng pag-uutos ng katarungan sa kaaway at kaibigan?Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng katarungan sa pagitan ng mga anak.Ayon kay `Āmir na nagsabi: Nakarinig ako kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) habang siya ay nasa pulpito na nagsasabi: "Nagbigay sa akin ang ama ko ng isang regalo ngunit nagasabi [ang ina kong] si `Amrah bint Rawāḥah: Hindi ako malulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan)." Kaya pumunta [ang ama] sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) saka nagsabi: "Tunay na ako ay nagbigay sa anak ko kay `Amrah bint Rawāḥah ng isang regalo ngunit nag-utos siya sa akin na magpasaksi ako sa iyo, o Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Nagbigay ka sa nalalabi sa mga anak mo ng tulad niyan?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya mangilag kang magkasala kay Allāh at magmakatarungan ka sa mga anak mo." Kaya bumalik ito saka binawi nito ang regalo niya.Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 2587.
"Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong."
(Qur'ān 3:18)
Si Allāh ay nag-uutos ng katarungan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Nag-utos ang Panginoon ko ng pagkamakatarungan"
(Qur'ān 7:29)
Ang lahat ng mga sugo at mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) ay naghatid ng katarungan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan."
(Qur'ān 57:25)
Ang timbangan ay ang katarungan sa mga sinasabi at mga ginagawa.
Ang Islām ay nag-uutos ng katarungan sa salita at gawa kahit pa man sa mga kaaway. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"O mga sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagpanatili ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Kung naging isang mayaman o isang maralita, si Allāh ay higit na karapat-dapat sa kanilang dalawa. Kaya huwag kayong sumunod sa pithaya, na baka lumihis kayo. Kung magbabaluktot kayo [ng pagsasaksi] o aayaw kayo, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid."
(Qur'ān 4:135)
Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao na sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal na lumabag kayo. Magtulungan kayo sa pagpapakabuti at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at paglabag. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa."
(Qur'ān 5:2)
Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"O mga sumampalataya, kayo ay maging mga mapagpanatili para kay Allāh, mga saksi sa pagkamakatarungan. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo magmakatarungan. Magmakatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag magkasala."
(Qur'ān 5:8)
Kaya nakatatagpo ka kaya sa mga batas ng mga bansa sa ngayon o sa mga relihiyon ng mga tao ng tulad ng pag-uutos na ito sa pagsaksi sa katotohanan at pagsasabi ng katapatan kahit pa laban sa sarili, mga magulang, at mga kamag-anak, at ng pag-uutos ng katarungan sa kaaway at kaibigan?
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng katarungan sa pagitan ng mga anak.
Ayon kay `Āmir na nagsabi: Nakarinig ako kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) habang siya ay nasa pulpito na nagsasabi: "Nagbigay sa akin ang ama ko ng isang regalo ngunit nagasabi [ang ina kong] si `Amrah bint Rawāḥah: Hindi ako malulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan)." Kaya pumunta [ang ama] sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) saka nagsabi: "Tunay na ako ay nagbigay sa anak ko kay `Amrah bint Rawāḥah ng isang regalo ngunit nag-utos siya sa akin na magpasaksi ako sa iyo, o Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Nagbigay ka sa nalalabi sa mga anak mo ng tulad niyan?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya mangilag kang magkasala kay Allāh at magmakatarungan ka sa mga anak mo." Kaya bumalik ito saka binawi nito ang regalo niya.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 2587.
Iyon ay dahil hindi mananatili ang kapakanan ng mga tao at ng mga estado malibang sa pamamagitan ng katarungan. Hindi natitiwasay ang mga tao sa mga relihiyon nila, mga buhay nila, mga supling nila, mga dangal nila, mga ari-arian nila, at mga bayan nila malibang sa pamamagitan ng katarungan. Dahil dito natatagpuan natin na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), noong nanggipit ang mga tagatangging sumampalataya ng Makkah sa mga Muslim sa Makkah, ay nag-utos sa kanila na lumikas sa Ethiopia. Nagbigay-matuwid siya niyon na doon ay may isang haring makatarungan na hindi nalalabag sa katarungan sa ganang kanya ang isang tao.
31. Ang Islām ay nag-uutos ng paggawa ng maganda sa nilikha sa kalahatan at nag-aanyaya sa mararangal sa mga kaasalan at magaganda sa mga gawa.
Ang Islām ay nag-uutos ng paggawa ng maganda sa nilikha sa kalahatan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak;"(Qur'ān 16:90)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"na mga gumugugol sa kariwasaan at kariwaraan, mga nagpipigil ng ngitngit, at mga nagpapaumanhin sa mga tao. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda,"(Qur'ān 3:134)Nagsabi ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpaganda sa lahat ng bagay. Kaya kapag pumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkapatay. Kapag kumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkatay. Hasain ng isa sa inyo ang patalim niya saka pagpahingain niya ang kakatayin niya."Ṣaḥīḥ Muslim: 1955.Ang Islām ay nag-aanyaya sa mararangal sa mga kaasalan at magaganda sa mga gawa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) hinggil sa paglalarawan sa Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa mga naunang kasulatan:"na mga sumusunod sa Sugo na Propetang iliterato, na nakatatagpo sila sa kanya na nakasulat sa ganang kanila sa Torah at Ebanghelyo, na nag-uutos sa kanila sa nakabubuti, sumasaway sa kanila sa nakasasama, nagpapahintulot sa kanila ng mga kaaya-aya, nagbabawal sa kanila ng mga karima-rimarim, at nag-aalis sa kanila ng pabigat sa kanila at mga kulyar na dating nasa kanila. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya, at sumunod sa liwanag na pinababa kasama sa kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.""(Qur'ān 7:157)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"O `Ā’ishah, tunay na si Allāh ay Malumay na nakaiibig sa kalumayan at nagbibigay Siya dahil sa kalumayan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at ng hindi Niya ibinibigay dahil sa iba rito."Ṣaḥīḥ Muslim: 2593.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Tunay na si Allāh ay nagbawal sa inyo ng kasuwailan sa mga ina at paglilibing nang buhay sa mga babaing anak, pumigil ng pagkakait ng
karapatan, at nasuklam para sa inyo ng pagsasabi-sabi, damit ng panghihingi, at pagsasayang ng yamang."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 2408.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Hindi kayo papasok sa Paraiso malibang sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa magmahalan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay magmamahalan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] kapayapaan sa pagitan ninyo."Ṣaḥīḥ Muslim: 54.
"Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak;"
(Qur'ān 16:90)
Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"na mga gumugugol sa kariwasaan at kariwaraan, mga nagpipigil ng ngitngit, at mga nagpapaumanhin sa mga tao. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda,"
(Qur'ān 3:134)
Nagsabi ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpaganda sa lahat ng bagay. Kaya kapag pumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkapatay. Kapag kumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkatay. Hasain ng isa sa inyo ang patalim niya saka pagpahingain niya ang kakatayin niya."
Ṣaḥīḥ Muslim: 1955.
Ang Islām ay nag-aanyaya sa mararangal sa mga kaasalan at magaganda sa mga gawa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) hinggil sa paglalarawan sa Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa mga naunang kasulatan:
"na mga sumusunod sa Sugo na Propetang iliterato, na nakatatagpo sila sa kanya na nakasulat sa ganang kanila sa Torah at Ebanghelyo, na nag-uutos sa kanila sa nakabubuti, sumasaway sa kanila sa nakasasama, nagpapahintulot sa kanila ng mga kaaya-aya, nagbabawal sa kanila ng mga karima-rimarim, at nag-aalis sa kanila ng pabigat sa kanila at mga kulyar na dating nasa kanila. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya, at sumunod sa liwanag na pinababa kasama sa kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.""
(Qur'ān 7:157)
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"O `Ā’ishah, tunay na si Allāh ay Malumay na nakaiibig sa kalumayan at nagbibigay Siya dahil sa kalumayan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at ng hindi Niya ibinibigay dahil sa iba rito."
Ṣaḥīḥ Muslim: 2593.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Tunay na si Allāh ay nagbawal sa inyo ng kasuwailan sa mga ina at paglilibing nang buhay sa mga babaing anak, pumigil ng pagkakait ng karapatan, at nasuklam para sa inyo ng pagsasabi-sabi, damit ng panghihingi, at pagsasayang ng yamang."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 2408.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Hindi kayo papasok sa Paraiso malibang sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa magmahalan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay magmamahalan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] kapayapaan sa pagitan ninyo."
Ṣaḥīḥ Muslim: 54.
32. Ang Islām ay nag-uutos ng mga kaasalang pinapupurihan gaya ng katapatan, pagganap sa ipinagkatiwala, kalinisang-puri, pagkakaroon ng hiya, katapangan, pagkakaloob, pagkamapagbigay, pagtulong sa nangangailangan, pagsaklolo sa naliligalig, pagpapakain sa nagugutom, kagandahan ng pagkakapitbahay, pag-ugnay sa mga pagkakaanak, at kalumayan sa hayop.
Ang Islām ay nag-uutos ng mga kaasalang pinapupurihan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Ipinadala lamang ako upang maglubos ako ng maayos sa mga kaasalan."Ṣaḥīḥ Al-Adab Al-Mufrad: 207.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin at pinakamalapit sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan. Tunay na ang pinakakamuhi-muhi sa inyo sa akin at ang pinakamalayo sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga madaldal, ang mga tagasatsat, at ang mga tagapangalandakan." Nagsabi sila: "Nalaman na namin ang mga madaldal at ang mga tagasatsat, ngunit ano naman po ang mga tagapangalandakan?" Nagsabi Siya: "Ang mga nagpapakamalaki."As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥ 791:Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay hindi naging mahalay at nagpapakahalay. Siya noon ay nagsasabi: "Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 3559.Mayroon pang iba na mga talata ng Qur'ān at mga ḥadīth na nagpapatunay na ang Islām ay humihimok sa mararangal sa mga kaasalan at magaganda sa mga gawa sa pangkalahatan.Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang katapatan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay nagpapatnubay sa pagpapakabuti at tunay na ang pagpapakabuti ay nagpapatnubay sa Paraiso. Hindi tumitigil ang lalaki na nagpapakatapat at naglalayon ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang pagkatapat-tapat."Ṣaḥīḥ Muslim: 2607.Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagganap sa ipinagkatiwala. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito."(Qur'ān 4:58)Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang kalinisang-puri. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"May tatlong nagindapat kay Allāh ang pagtulong sa kanila. Bumanggit Siya na kabilang sa kanila ang nag-aasawa na nagnanais ng kalinisang-puri."Sunan At-Tirmidhīy: 1655.Kabilang noon sa panalangin niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay na siya noon ay nagsaabi:"O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa iyon ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kasapatan."Ṣaḥīḥ Muslim: 2721.Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagkakaroon ng hiya. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):Ang pagkakaroon ng hiya ay hindi nagdadala maliban ng isang kabutihan."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6117.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Bawat relihiyon ay may kaasalan at ang kaasalang Islām ay ang pagkakaroon ng hiya."Nagtala nito si Imām Al-Bayhaqīy sa Shi`b Al-Īmān 6/2619.Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang katapangan sapagkat ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:"Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) noon ay ang pinakamahusay sa mga tao, at ang pinakamatapang sa mga tao, ang pinakamapagbigay sa mga tao. Talaga ngang nahintakutan minsan ang mga naninirahan sa Madīnah ngunit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) nakauna sa kanila [sa pagpunta] sakay ng isang kabayo."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 2820.Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagpapakupkop kay Allāh laban sa karuwagan sapagkat siya noon ay nagsasabi:"O Allāh, tunay na
ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa karuwagan."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6374.Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagkakaloob at ang pagkamapagbigay. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay katulad ng isang butil na nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo para sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam."(Qur'ān 2:261)Ang kaasalan ng Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay ang pagkamapagbigay sapagkat ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:"Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) noon ay ang pinakamapagbigay sa mga tao sa kabutihan. Siya noon ay ang pinakamapagbigay sa anumang nasa Ramaḍān nang nakikipagkita sa kanya si Anghel Gabriel. Si Anghel Gabriel noon (ang pagbati ng kapayapaan) ay nakikipagkita sa kanya sa bawat gabi sa Ramaḍān hanggang sa magwakas ito. Naglalahad sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng Qur'ān. Kaya kapag nakikipagkita sa kanya si Anghel Gabriel (ang pagbati ng kapayapaan), siya noon ay pinakamapagbigay sa kabutihan kaysa sa hanging pinawalan."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 1902.Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagtulong sa nangangailangan, ang pagsaklolo sa naliligalig, ang pagpapakain sa nagugutom, ang kagandahan ng pagkakapitbahay, ang pag-ugnay sa mga pagkakaanak, at ang kalumayan sa hayop.Ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ, (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Na may isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Aling Islām po ang pinakamabuti?" Nagsabi siya: "Magpapakain ka ng pagkain at babati ka ng kapayapaan sa sinumang nakilala mo at sinumang hindi mo nakilala."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 12.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Samantalang may isang lalaking naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon saka uminom. Pagkatapos lumabas siya, saka biglang may isang aso na naglalawit-lawit [ng dila], na kumakain ng lupang mahalumigmig dahil sa uhaw. Kaya nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw tulad ng umabot sa akin. Kaya bumaba siya sa balon saka pinuno niya ang balat na medya niya. Pagkatapos humawak siya sa aso sa nguso nito saka pinainom niya ang aso. Kaya kumilala si Allāh sa kabutihan niya, saka nagpatawad sa kanya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tunay na may pabuyang ukol sa amin dahil sa mga hayop?" Kaya nagsabi siya: "Oo; sa bawat may basang atay ay may pabuya."Ṣaḥīḥ Ibnu Ḥibbān: 544.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Ang tagapagpunyagi sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 5353.Ang Islām ay nagbibigay-diin sa mga karapatan ng mga pagkakaanak at nag-oobliga ng pag-ugnay sa mga may pagkakaanak. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. Ang mga may mga pagkakaanak, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] ayon sa Kautusan ni Allāh kaysa sa mga mananampalataya at mga lumikas, maliban na gumawa kayo sa mga katangkilik ninyo ng isang nakabubuti. Noon pa, iyon sa Talaan ay nakatitik na."(Qur'ān 33:6)Nagbigay-babala Siya laban sa pagkaputol ng pagkakaanak at nag-ugnay Siya nito sa panggugulo sa lupa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):22. Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol ng mga pagkakaanak ninyo?23. Ang mga iyon ay ang mga isinumpa ni Allāh, kaya bumingi Siya sa kanila at bumulag Siya sa mga paningin nila.(Qur'ān 47:22-23)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng pagkakaanak."Ṣaḥīḥ Muslim: 2556.Ang mga magkakaanak na kinakailangan ang pag-ugnay sa kanila ay ang mga magulang, ang mga kapatid, ang mga tiyuhin sa ama, ang mga tiyahin sa ama, ang mga tiyuhin sa ina, at ang mga tiyahin sa ina,Ang Islām ay nagbibigay-diin sa karapatan ng kapitbahay kahit pa man siya ay di-Muslim. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang hambog na mayabang."(Qur'ān 4:36)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Hindi tumigil si Jibrīl na nagtatagubilin sa akin hinggil sa kapitbahay hanggang sa magpalagay ako na siya ay gagawa rito bilang tagapagmana."Ṣaḥīḥ Abī Dāwud 5152.
"Ipinadala lamang ako upang maglubos ako ng maayos sa mga kaasalan."
Ṣaḥīḥ Al-Adab Al-Mufrad: 207.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin at pinakamalapit sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan. Tunay na ang pinakakamuhi-muhi sa inyo sa akin at ang pinakamalayo sa inyo sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga madaldal, ang mga tagasatsat, at ang mga tagapangalandakan." Nagsabi sila: "Nalaman na namin ang mga madaldal at ang mga tagasatsat, ngunit ano naman po ang mga tagapangalandakan?" Nagsabi Siya: "Ang mga nagpapakamalaki."
As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥ 791:
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay hindi naging mahalay at nagpapakahalay. Siya noon ay nagsasabi: "Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 3559.
Mayroon pang iba na mga talata ng Qur'ān at mga ḥadīth na nagpapatunay na ang Islām ay humihimok sa mararangal sa mga kaasalan at magaganda sa mga gawa sa pangkalahatan.
Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang katapatan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay nagpapatnubay sa pagpapakabuti at tunay na ang pagpapakabuti ay nagpapatnubay sa Paraiso. Hindi tumitigil ang lalaki na nagpapakatapat at naglalayon ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang pagkatapat-tapat."
Ṣaḥīḥ Muslim: 2607.
Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagganap sa ipinagkatiwala. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito."
(Qur'ān 4:58)
Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang kalinisang-puri. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"May tatlong nagindapat kay Allāh ang pagtulong sa kanila. Bumanggit Siya na kabilang sa kanila ang nag-aasawa na nagnanais ng kalinisang-puri."
Sunan At-Tirmidhīy: 1655.
Kabilang noon sa panalangin niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay na siya noon ay nagsaabi:
"O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa iyon ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kasapatan."
Ṣaḥīḥ Muslim: 2721.
Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagkakaroon ng hiya. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
Ang pagkakaroon ng hiya ay hindi nagdadala maliban ng isang kabutihan."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6117.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Bawat relihiyon ay may kaasalan at ang kaasalang Islām ay ang pagkakaroon ng hiya."
Nagtala nito si Imām Al-Bayhaqīy sa Shi`b Al-Īmān 6/2619.
Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang katapangan sapagkat ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
"Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) noon ay ang pinakamahusay sa mga tao, at ang pinakamatapang sa mga tao, ang pinakamapagbigay sa mga tao. Talaga ngang nahintakutan minsan ang mga naninirahan sa Madīnah ngunit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) nakauna sa kanila [sa pagpunta] sakay ng isang kabayo."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 2820.
Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagpapakupkop kay Allāh laban sa karuwagan sapagkat siya noon ay nagsasabi:
"O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa karuwagan."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6374.
Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagkakaloob at ang pagkamapagbigay. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay katulad ng isang butil na nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo para sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam."
(Qur'ān 2:261)
Ang kaasalan ng Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay ang pagkamapagbigay sapagkat ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
"Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) noon ay ang pinakamapagbigay sa mga tao sa kabutihan. Siya noon ay ang pinakamapagbigay sa anumang nasa Ramaḍān nang nakikipagkita sa kanya si Anghel Gabriel. Si Anghel Gabriel noon (ang pagbati ng kapayapaan) ay nakikipagkita sa kanya sa bawat gabi sa Ramaḍān hanggang sa magwakas ito. Naglalahad sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng Qur'ān. Kaya kapag nakikipagkita sa kanya si Anghel Gabriel (ang pagbati ng kapayapaan), siya noon ay pinakamapagbigay sa kabutihan kaysa sa hanging pinawalan."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 1902.
Kabilang sa ipinag-uutos ng Islām ang pagtulong sa nangangailangan, ang pagsaklolo sa naliligalig, ang pagpapakain sa nagugutom, ang kagandahan ng pagkakapitbahay, ang pag-ugnay sa mga pagkakaanak, at ang kalumayan sa hayop.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ, (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Na may isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Aling Islām po ang pinakamabuti?" Nagsabi siya: "Magpapakain ka ng pagkain at babati ka ng kapayapaan sa sinumang nakilala mo at sinumang hindi mo nakilala."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 12.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Samantalang may isang lalaking naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon saka uminom. Pagkatapos lumabas siya, saka biglang may isang aso na naglalawit-lawit [ng dila], na kumakain ng lupang mahalumigmig dahil sa uhaw. Kaya nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw tulad ng umabot sa akin. Kaya bumaba siya sa balon saka pinuno niya ang balat na medya niya. Pagkatapos humawak siya sa aso sa nguso nito saka pinainom niya ang aso. Kaya kumilala si Allāh sa kabutihan niya, saka nagpatawad sa kanya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tunay na may pabuyang ukol sa amin dahil sa mga hayop?" Kaya nagsabi siya: "Oo; sa bawat may basang atay ay may pabuya."
Ṣaḥīḥ Ibnu Ḥibbān: 544.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Ang tagapagpunyagi sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 5353.
Ang Islām ay nagbibigay-diin sa mga karapatan ng mga pagkakaanak at nag-oobliga ng pag-ugnay sa mga may pagkakaanak. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. Ang mga may mga pagkakaanak, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] ayon sa Kautusan ni Allāh kaysa sa mga mananampalataya at mga lumikas, maliban na gumawa kayo sa mga katangkilik ninyo ng isang nakabubuti. Noon pa, iyon sa Talaan ay nakatitik na."
(Qur'ān 33:6)
Nagbigay-babala Siya laban sa pagkaputol ng pagkakaanak at nag-ugnay Siya nito sa panggugulo sa lupa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
22. Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol ng mga pagkakaanak ninyo?
23. Ang mga iyon ay ang mga isinumpa ni Allāh, kaya bumingi Siya sa kanila at bumulag Siya sa mga paningin nila.
(Qur'ān 47:22-23)
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng pagkakaanak."
Ṣaḥīḥ Muslim: 2556.
Ang mga magkakaanak na kinakailangan ang pag-ugnay sa kanila ay ang mga magulang, ang mga kapatid, ang mga tiyuhin sa ama, ang mga tiyahin sa ama, ang mga tiyuhin sa ina, at ang mga tiyahin sa ina,
Ang Islām ay nagbibigay-diin sa karapatan ng kapitbahay kahit pa man siya ay di-Muslim. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang hambog na mayabang."
(Qur'ān 4:36)
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Hindi tumigil si Jibrīl na nagtatagubilin sa akin hinggil sa kapitbahay hanggang sa magpalagay ako na siya ay gagawa rito bilang tagapagmana."
Ṣaḥīḥ Abī Dāwud 5152.
33. Ang Islām ay nagpahintulot ng mga kaaya-ayang pagkain at inumin at nag-utos ng kadalisayan ng puso, katawan, at tahanan. Dahil doon, nagpahintulot ito ng pag-aasawa
gaya ng pag-uutos niyon ng mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) sapagkat sila ay nag-uutos ng bawat kaaya-aya.
Ang Islām ay nagpahintulot ng mga kaaya-ayang pagkain at inumin. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"O mga tao, tunay na si Allāh ay kaaya-aya na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): "O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam." (Qur'ān 23:51) Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya): "O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba." (Qur'ān2:172)." Pagkatapos bumanggit siya ng isang lalaking nagpahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya sa langit: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, pinakakain siya sa bawal, kaya papaanong tutugunin siya roon?"Ṣaḥīḥ Muslim: 1015.Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Sino ang nagbawal sa gayak ni Allāh na pinalabas Niya para sa mga lingkod Niya at sa mga kaaya-aya mula sa panustos?" Sabihin mo: "Ito ay para sa mga sumampalataya sa [sandali ng] buhay sa Mundo samantalang nakalaan [sa kanila] sa Araw ng Pagbangon." Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong umaalam."(Qur'ān 4:32)Ang Islām ay nag-utos ng kadalisayan ng puso, katawan, at tahanan. Dahil doon, nagpahintulot ito ng pag-aasawa gaya ng pag-uutos niyon ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) sapagkat sila ay nag-uutos ng bawat kaaya-aya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, at tumustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala?"(Qur'ān 16:72)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):4. Sa mga kasuutan mo ay magdalisay ka.5. Sa kasalaulaan ay lumayo ka.(Qur'ān 16:4-5)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang nasa puso niya ay may kasimbigat ng isang katiting na pagmamalaki." May nagsabing isang lalaki: "Tunay na ang lalaki ay nakaiibig na ang kasuutan niya ay maging maganda at ang sandalyas niya ay maging maganda." Nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay Marikit at nakaiibig sa karikitan. Ang pagmamalaki ay ang pagdusta sa katotohanan at pangmamata sa mga tao."Ṣaḥīḥ Muslim: 91.
"O mga tao, tunay na si Allāh ay kaaya-aya na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): "O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam." (Qur'ān 23:51) Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya): "O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba." (Qur'ān2:172)." Pagkatapos bumanggit siya ng isang lalaking nagpahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya sa langit: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, pinakakain siya sa bawal, kaya papaanong tutugunin siya roon?"
Ṣaḥīḥ Muslim: 1015.
Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Sabihin mo: "Sino ang nagbawal sa gayak ni Allāh na pinalabas Niya para sa mga lingkod Niya at sa mga kaaya-aya mula sa panustos?" Sabihin mo: "Ito ay para sa mga sumampalataya sa [sandali ng] buhay sa Mundo samantalang nakalaan [sa kanila] sa Araw ng Pagbangon." Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong umaalam."
(Qur'ān 4:32)
Ang Islām ay nag-utos ng kadalisayan ng puso, katawan, at tahanan. Dahil doon, nagpahintulot ito ng pag-aasawa gaya ng pag-uutos niyon ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) sapagkat sila ay nag-uutos ng bawat kaaya-aya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):
"Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, at tumustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala?"
(Qur'ān 16:72)
Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):
4. Sa mga kasuutan mo ay magdalisay ka.
5. Sa kasalaulaan ay lumayo ka.
(Qur'ān 16:4-5)
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):
"Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang nasa puso niya ay may kasimbigat ng isang katiting na pagmamalaki." May nagsabing isang lalaki: "Tunay na ang lalaki ay nakaiibig na ang kasuutan niya ay maging maganda at ang sandalyas niya ay maging maganda." Nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay Marikit at nakaiibig sa karikitan. Ang pagmamalaki ay ang pagdusta sa katotohanan at pangmamata sa mga tao."
Ṣaḥīḥ Muslim: 91.
34. Ang Islām ay nagbawal sa mga batayan ng mga ipinagbabawal gaya ng pagtatambal kay Allāh, kawalang-pananampalataya, pagsamba sa mga anito, pagsasabi hinggil kay Allāh nang walang kaalaman, pagpatay sa mga anak, pagpatay sa kaluluwang iginagalang, panggugulo sa lupa, panggagaway, mga mahalay na nakalantad at nakakubli, pangangalunya, at sodomiya. Nagbawal ito ng patubo (interes). Nagbawal ito ng pagkain ng hayop na hindi nakatay at anumang inialay sa mga anito at mga diyus-diyusan. Nagbawal ito ng karne ng baboy at lahat ng mga karumihan at mga karima-rimarim. Nagbawal ito ng pangangamkam ng ari-arian ng ulila, at pag-uumit-umit sa takal at timbang. Nagbawal ito
ng pagputol ng mga pagkakaanak. Ang mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) ay lahat nagkakaisa sa pagbabawal ng mga ipinagbabawal na ito.
Ang Islām ay nagbawal sa mga batayan ng mga ipinagbabawal gaya ng pagtatambal kay Allāh, kawalang-pananampalataya, pagsamba sa mga anito, pagsasabi hinggil kay Allāh nang walang kaalaman, at pagpatay sa mga anak. Nagsabi si Allāh(pagkataas-taas Siya):151. Sabihin mo: "Halikayo, bibigkas ako ng ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman; sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda; huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dahil sa isang paghihikahos, Kami ay nagtutustos sa inyo at sa kanila; huwag kayong lumapit sa mga malaswa: anumang nalantad mula sa mga ito at anumang nakubli; at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan." Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.152. Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa kalakasan niya. Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at [pagtitimbang sa] timbangan ayon sa pagkamakatarungan. Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kapag nagsabi kayo ay magpakamakatarungan kayo kahit pa sa isang may pagkakamag-anak. Sa kasunduan kay Allāh ay magpatupad kayo. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.(Qur'ān 6:151-152)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Nagbawal lamang ang Panginoon ko ng mga malaswa: anumang nalantad sa mga ito at anumang nakubli, ng kasalanan, ng paglabag nang walang karapatan, na magtambal kayo kay Allāh ng anumang hindi naman Siya nagbaba roon ng isang katunayan, at na magsabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman.""(Qur'ān 7:33)Nagbawal ang Islām ng pagpatay sa kaluluwang iginagalang. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh [na patayin] malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan ay nagtalaga Kami sa katangkilik niya ng isang kapamahalaan, ngunit huwag siyang magpakalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya."(Qur'ān 17:33)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan:"(Qur'ān 25:68)Nagbawal ang Islām ng panggugulo sa lupa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito."(Qur'ān 7:56)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang nagpapabatid tungkol kay Propeta Shu`ayb (ang pagbati ng kapayapaan) na nagsabi sa mga kababayan niya:"Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at [pagtitimbang sa] timbangan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya."(Qur’an 7:85)Nagbawal ang Islām ng panggagaway. Nagsabi si Allāh ng totoo (Napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya):"Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Yumari lamang sila ng isang pakana ng isang manggagaway at hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta."(Qur’an 20:69)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo (interes), ang pagkaing ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga inosente, na mga mananampalataya."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6857.Nagbawal ang Islām ng mga mahalay na nakalantad at nakakubli, pangangalunya, at sodomiya. Nauna na sa simula ng parapong ito ang pagbanggit sa mga talata ng Qur'ān na nagpapatunay roon. Nagbawal ang Islām ng patubo (interes). Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):278. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at iwan ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya.279. Ngunit kung hindi ninyo ginawa, tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung
nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan.(Qur’an 2:278-279)Hindi nagbabanta si Allāh ng digmaan sa isang tagapagtaglay ng pagsuway gaya ng pagbabanta Niya sa tagapagtaglay ng patubo dahil sa patubo ay may pagkasira ng mga relihiyon, mga bayan, at mga ari-arian ng mga tao.Nagbawal ang Islām ng pagkain ng hayop na hindi nakatay at anumang inialay sa mga anito at mga diyus-diyusan. Nagbawal ito ng karne ng baboy. Nagsabi si Allāh(pagkataas-taas Siya):"Ipinagbawal sa inyo ang namatay [bago nakatay], ang dugo, ang laman ng baboy, ang anumang inihandog sa iba pa kay Allāh, ang nasakal, ang hinambalos, ang nalaglag, ang nasuwag, ang anumang kinainan ng mabangis na hayop maliban sa nakatay ninyo [bago namatay], ang inialay sa mga dambana, at na magsapalaran kayo sa pamamagitan ng mga tagdan. Iyon ay kasuwailan. Sa araw na ito ay nawalan ang mga tumangging sumampalataya ng pag-asa [na tatalikod kayo] sa Relihiyon ninyo, kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin. Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. Ngunit ang sinumang napilitan dahil sa kagutuman, nang hindi nagkakahilig sa pagkakasala, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."(Qur'ān 5:3)Nagbawal ang Islām ng pag-inom ng alak at lahat ng mga karumihan at mga karima-rimarim. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):90. O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at [ang pagsasapalaran gamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang kabilang sa gawain ng demonyo, kaya umiwas kayo rito, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.91. Nagnanais lamang ang demonyo na magsadlak sa pagitan ninyo ng poot at suklam dahil sa alak at pagpusta, at humadlang sa inyo sa pag-alaala kay Allāh at sa pagdarasal, kaya kayo ba ay mga titigil?(Qur'ān 5:90-91)Nauna na si parapo numero 31 ang pagbanggit ng pagpapabatid ni Allāh (ta) na kabilang sa mga paglalarawan sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa Torah ay na siya ay nagbabawal ng mga karima-rimarim. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"na mga sumusunod sa Sugo na Propetang iliterato, na nakatatagpo sila sa kanya na nakasulat sa ganang kanila sa Torah at Ebanghelyo, na nag-uutos sa kanila sa nakabubuti, sumasaway sa kanila sa nakasasama, nagpapahintulot sa kanila ng mga kaaya-aya, nagbabawal sa kanila ng mga karima-rimarim, at nag-aalis sa kanila ng pabigat sa kanila at mga kulyar na dating nasa kanila. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya, at sumunod sa liwanag na pinababa kasama sa kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.""(Qur'ān 7:157)Nagbawal ang Islām ng pangangamkam ng ari-arian ng ulila. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ibigay ninyo sa mga ulila ang mga yaman nila. Huwag ninyong ipalit ang karima-rimarim ng kaaya-aya. Huwag ninyong kainin ang mga yaman nila kasama sa mga yaman ninyo. Tunay na ito ay laging isang kasalanang malaki."(Qur'ān 4:2)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng paglabag sa katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at masusunog sila sa isang liyab."(Qur'ān 4:10)Nagbawal ang Islām ng pag-uumit-umit sa takal at timbang. Nagsabi si Allāh(pagkataas-taas Siya):1. Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,2. na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubos sila,3. at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.3. at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.(Qur'ān 4:1-4)