Mga Artikulo

16. Ang layon ng paglikha sa mga tao ay ang pagsamba kay Allāh lamang.


Ang layon ng paglikha sa mga tao ay ang pagsamba kay Allāh lamang. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin."(Qur'ān 51:56)


17. Ang Islām ay nagparangal sa tao – sa lalaki man o sa babae – naggarantiya para sa kanya ng kumpletong mga karapatan niya; gumawa sa kanya bilang tagapanagot sa lahat ng mga pagpipili niya, mga gawa niya, at mga pag-aasal niya; at nagpapasan sa kanya ng pananagutan sa alinmang gawain na nakapipinsala sa sarili niya o nakapipinsala sa mga ibang tao.


Ang Islām ay nagparangal sa tao – sa lalaki man o sa babae – sapagkat si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay lumikha sa tao upang maging isang kahalili sa lupa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: "Tunay na Ako ay maglalagay sa lupa ng isang kahalili.""(Qur'ān 2:30)Ang pagpaparangal na ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga anak ni Adan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi."(Qur'ān 17:70)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog."(Qur'ān 95:4)Nagbawal si Allāh sa tao na gumawa ito sa sarili niya bilang kaaba-abang tagasunod para sa isang sinasamba o sinusunod o tinatalima bukod pa kay Allāh. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"May mga tao na gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga kaagaw na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh samantalang ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh. Kung sana nakakikita ang mga lumabag sa katarungan, kapag nakikita nila ang pagdurusa, na ang lakas ay sa kay Allāh sa kalahatan at na si Allāh ay matindi ang parusa! [Banggitin] kapag nagpawalang-kaugnayan ang mga sinunod sa mga sumunod, nakakita sila sa pagdurusa, nagkaputul-putol na sa kanila ang mga ugnayan,"(Qur'ān 2:165-166)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang naglilinaw sa kalagayan ng mga tagasunod at mga sinusunod sa kabulaanan sa Araw ng Pagbangon:32. Magsasabi ang mga nagmalaki sa mga siniil:


"Kami ba ay bumalakid sa inyo sa patnubay matapos noong dumating ito sa inyo? Bagkus kayo noon ay mga salarin."33. Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: "Bagkus, [humadlang sa amin] ang pakana sa gabi at maghapon noong nag-uutos kayo sa amin na tumanggi kaming sumampalataya kay Allāh at [na] gumawa kami para sa Kanya ng mga kaagaw." Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maglalagay Kami ng mga kulyar sa mga leeg ng tumangging sumampalataya. Gagantihan kaya sila ng maliban pa sa dati nilang ginagawa?(Qur'ān 34:32-33)Bahagi ng kalubusan ng katarungan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) sa Araw ng Pagbangon ay na ipabubuhat Niya sa mga tagapag-anyaya at mga tagapangunang mga tagapagligaw ang mga pasanin nila at ang mga pasanin ng mga inililigaw nila nang walang kaalaman. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"upang magbuhat sila ng mga pasanin nila nang buo sa Araw ng Pagbangon at ng bahagi ng mga pasanin ng mga pinaliligaw nila nang walang kaalaman. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!"(Qur'ān 16:25)Naggarantiya ang Islām para sa tao ng kalubusan ng mga karapatan niya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang pinakadakila sa mga karapatan na ginarantiyahan ng Islām at nilinaw nito sa mga tao ay ang karapatan ni Allāh sa mga tao at ang karapatan ng mga tao kay Allāh.Ayon kay Mu`adh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) kaya nagsabi siya: "O Mu`ādh." Nagsabi ako: "Bilang pagtugon sa iyo at bilang kaligayahan sa iyo!" Pagkatapos nagsabi siya ng tulad niyon nang tatlong ulit: "Nakaaalam ka kaya kung ano ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod?" Nagsabi ako: "Hindi po." Nagsabi siya: "Ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman." Pagkatapos humayo siya nang isang saglit saka nagsabi: "O Mu`ādh." Nagsabi ako: "Bilang pagtugon sa iyo at bilang kaligayahan sa iyo!" Nagsabi siya: "Nakaaalam ka kaya kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh kapag ginawa nila iyon: na hindi Niya sila pagdurusahin."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6840.Naggarantiya ang Islām para sa tao ng relihiyon niyang totoo, mga supling niya, ari-arian niya, at dangal niya.Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"sapagkat tunay na si Allāh ay nagpabanal sa inyo ng mga buhay ninyo, mga ari-arian ninyo, at mga dangal ninyo gaya ng kabanalan ng araw ninyong ito sa buwan ninyong ito sa bayan ninyong ito."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6501.Nagpahayag nga ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng dakilang kasunduang ito sa Ḥajj ng Pamamaalam na dinaluhan ng higit sa isandaang libo mula sa mga Kasamahan [niya]. Nag-ulit-ulit siya ng kahulugang ito at nagbigay-diin siya rito sa Araw ng Pag-aalay sa Ḥajj ng Pamamaalam.Ang Islām ay gumawa sa tao bilang tagapanagot sa lahat ng mga pagpipili niya, mga gawa niya, at mga pag-aasal niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sa bawat tao ay nagdikit Kami ng gawain niya sa leeg niya at magpapalabas Kami para sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng isang talaang masusumpungan niyang nakabuklat. Basahin mo ang talaan mo; nakasapat ang sarili mo ngayong araw laban sa iyo bilang mapagtuos."(Qur'ān 17:13-14)Alin man ang ginawa na kabutihan o kasamaan gagawin ito ni Allāh na nakakapit sa kanya, na hindi lalampas patungo sa iba pa sa kanya kaya hindi siya tutuusin sa gawain ng iba pa sa kanya at hindi tutuusin ang iba pa sa kanya sa gawain niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] sa Kanya."(Qur'ān 84:6)Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"Ang sinumang gumawa ng maayos, [ito] ay para sa sarili niya; at ang sinumang nagpasagwa, [ito] ay laban dito. Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin [Niya]."(Qur'ān 41:46)Ang Islām ay hindi nagpapasan sa tao ng isang pananagutan ng alinmang gawain na nakapipinsala sa sarili niya o nakapipinsala sa mga ibang tao. Nagsabi si Allāh:"Ang sinumang nagkakamit ng isang kasalanan ay nagkakamit lamang siya nito laban sa sarili niya. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong."(Qur'ān 4:111)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Alang-alang doon, nag-atas Kami sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay sa isang tao nang hindi dahil [sa pagpatay] sa isang tao o sa [paggawa ng] kaguluhan sa lupa ay para bang pumatay siya sa mga tao sa kalahatan, at ang sinumang nagbigay-buhay rito ay para bang nagbigay-buhay siya sa mga tao sa kalahatan."(Qur'ān 5:32)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Walang pinapatay na kaluluwa dala ng kawalang-katarungan malibang naging nasa unang anak ni Adan ay may pananagutan sa buhay nito dahil siya ay naging kauna-unahan sa nagsakalakaran ng pagpatay."Ṣaḥīḥ Muslim: 5150


18. Ang Islām ay gumawa sa lalaki at babae na magkapantay kaugnay sa gawa, pananagutan, ganti, at gantimpala.


Ang Islām ay gumawa sa lalaki at babae na magkapantay kaugnay sa gawa, pananagutan, ganti, at gantimpala. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang sinumang gumagawa ng mga maayos, na lalaki man o babae, habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi lalabagin sa katarungan nang kapiranggot."(Qur'ān 4:124)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa."(Qur'ān 16:97)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos."(Qur'ān 40:40)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):Tunay na ang mga lalaking Muslim at ang mga babaing Muslim, ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis, ang mga lalaking tagapagpakumbaba at ang mga babaing tagapagpakumbaba, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno, ang mga lalaking nag-iingat sa mga ari nila at ang mga babaing nag-iingat, at ang mga lalaking nag-aalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing nag-aalaala ay naghanda si Allāh para sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan.(Qur'ān 33:35)


19. Nagparangal ang Islām sa babae. Nagturing ito sa mga babae bilang mga kahati ng mga lalaki. Nag-obliga ito sa lalaki ng paggugol [sa babae] kapag siya ay nakakakaya. Kaya ang paggugol para sa babaing anak ay kailangan sa ama nito, ang para sa ina ay kailangan sa lalaking anak nito kapag siya ay naging sapat sa gulang at nakakakaya, at ang para sa maybahay ay kailangan sa asawa nito.


Nagturing ito sa mga babae bilang mga kahati ng mga lalaki.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Tunay na ang mga babae ay mga kahati ng mga lalaki."(Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 113.)Bahagi ng pagpaparangal ng Islām sa babae ay nagsatungkulin ang Islām sa lalaking anak ng paggugol para sa ina kapag siya ay naging sapat sa gulang at nakakakaya.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Ang kamay ng tagapagbigay ay ang pinakamataas. Magsimula ka sa sinumang nagtataguyod ka: sa ina mo, sa ama mo, sa babaing kapatid mo, at sa lalaking kapatid mo, pagkatapos sa pinakamalapit sa iyo, sa [kasunod na] pinakamalapit sa iyo."Isinalaysay ito ni Imām Aḥmad.Darating ang paglilinaw sa katayuan ng mga magulang, ayon sa pahintulot ni Allāh, sa parapo numero 29.Bahagi ng pagpaparangal ng Islām sa babae ay nag-obliga ang Islām sa asawa ng paggugol para sa maybahay kapag siya ay naging nakakakaya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan


niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa."(Qur'ān 65:7)May nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na isang lalaki: "Ano po ang karapatan ng babae sa asawa?" Nagsabi siya: "Magpakain ka sa kanya kapag kumain ka, magpadamit ka sa kanya kapag nagdamit ka, huwag kang sumapak sa mukha [niya], at huwag kang magsabing pangit [siya]."Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) habang naglilinaw sa ilan sa mga karapatan ng mga babae sa mga asawa [nila]:"Para sa kanila, kailangan sa inyo ang paggugol sa kanila at ang pagpapadamit sa kanila ayon sa nakabubuti."Ṣaḥīḥ Muslim.Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Nakasapat sa lalaki bilang kasalan na magpabaya siya sa sinumang sinusustentuhan niya."Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.Nagsabi si Al-Khiṭābīy:Ang sabi niya: "ang sinumang sinusustentuhan niya" ay tumutukoy sa sinumang inoobliga sa kanya ang pagsustento roon. Ang kahulugan ay para bang siya ay nagsabi sa nagkakawanggawa: Huwag kang magkawanggawa ng anumang walang kalabisan sa sustento mo sa mag-anak mo, na naghahangad ka ng pabuya, sapagkat mauuwi iyon sa isang kasalanan kapag ikaw ay nagpabaya sa kanila.Bahagi ng pagpaparangal ng Islām sa babae ay nagsatungkulin ito sa ama ng paggugol para sa babaing anak. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang mga ina ay magpapasuso sa mga anak nila nang dalawang buong taon, para sa sinumang nagnais na lumubos ng pagpapasuso. Tungkulin ng ama ang pagtustos sa kanila at ang pagpapadamit sa kanila ayon sa nakabubuti."(Qur'ān 2:233)Kaya nilinaw ng Propeta na tungkulin ng ama na nagkaroon ng anak ang pagpapakain sa anak niya at pagpapadamit dito ayon sa nakabubuti. Ang sabi Niya (pagkataas-taas Siya):"saka kung nagpasuso sila [ng mga anak ninyo] para sa inyo, magbigay kayo sa kanila ng mga upa nila"(Qur'ān 65:6)Kaya nagsatungkulin si Allāh sa ama ng pag-upa ng pagpapasuso sa bata. Kaya nagpatunay ito na ang paggugol sa bata ay tungkulin ng ama. Ang anak ay sumasaklaw sa lalaki at babae. Sa sumusunod na ḥadīth ay may katunayan sa pagkakailangan sa ama ng paggugol sa maybahay at mga anak nito.Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): Si Hind ay nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): "Tunay na si Abū Sufyān ay isang lalaking maramot kaya nangangailangan ako na kumuha mula sa ari-arian niya." Nagsabi siya:"Kumuha ka ng sasapat sa iyo at anak mo ayon sa nakabubuti."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.Nilinaw ng Marangal na Propeta ang kainaman ng paggugol sa mga babaing anak at mga babaing kapatid sapagkat nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Ang sinumang nagtaguyod ng dalawang babaing anak o tatlong babaing anak o dalawang babaing kapatid o tatlong babaing kapatid hanggang sa makapag-asawa sila o namatayan siya nila, ako at siya ay magiging gaya ng dalawang ito." Tumuro siya ng dalawang daliri niya na hintuturo at hinlalato.As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥah: 296.


20. Ang kamatayan ay hindi ang pagkalipol na walang hanggan, bagkus ang paglipat mula sa tahanan ng paggawa tungo sa tahanan ng pagganti. Ang kamatayan ay kumukuha sa katawan at kaluluwa. Ang kamatayan ng kaluluwa ay ang pakikipaghiwalay nito sa katawan. Pagkatapos babalik ito roon matapos ng pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon. Hindi lumilipat ang kaluluwa sa ibang katawan matapos ng kamatayan at hindi ito muling nagkakatawang-tao sa ibang katawan.


Ang kamatayan ay hindi ang pagkalipol na walang hanggan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Papapanawin kayo ng anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo.""(Qur'ān 32:11)Ang kamatayan ay kumukuha sa katawan at kaluluwa. Ang kamatayan ng kaluluwa ay ang pakikipaghiwalay nito sa katawan. Pagkatapos babalik ito roon matapos ng pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Si Allāh ay kumukuha sa mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan ng mga ito at sa [mga kaluluwa ng] mga hindi namatay sa pagtulog ng mga ito. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] nagtadhana Siya sa mga ito ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga iba pa hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip."(Qur'ān 39:42)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Tunay na ang kaluluwa, kapag kinuha ito, ay sumusunod dito ang paningin."(Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 920.)Matapos ng kamatayan, lumilipat ang tao mula sa tahanan ng paggawa tungo sa tahanan ng pagganti. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Tungo sa Kanya ang babalikan ninyo sa kalahatan, bilang pagpangako ni Allāh ng totoo. Tunay na Siya ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos mag-uulit nito upang gumanti sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ayon sa pagkamakatarungan. Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya."(Qur'ān 10:4)


Hindi lumilipat ang kaluluwa sa ibang katawan matapos ng kamatayan at hindi ito muling nagkakatawang-tao. Kaya ang pag-aangkin ng muling pagkakatawang-tao ay hindi napatutunayan ng isip ni ng pandama. Walang natatagpuan na alinmang kapahayagan na sumasaksi sa paniniwalang ito buhat sa mga propeta (ang pagbati ng kapayapaan).


21. Ang Islām ay nag-aanyaya sa pananampalataya sa mga pinakamalaking batayan ng pananampalataya. Ito ay ang pananampalataya kay Allāh; sa mga anghel niya; sa mga makadiyos na kasulatan gaya ng Torah, Ebanghelyo, Salmo – bago ng pagpapalihis sa mga ito – at Qur'ān; ang pananampalataya sa lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan), at na sumampalataya sa pangwakas sa kanila, si Muḥammad, ang Sugo ni Allāh, ang pangwakas sa mga propeta at mga isinugo; ang pananampalataya sa Huling Araw yamang nalalaman natin na ang makamundong buhay, kahit pa man ito ay naging ang wakas, talagang ang buhay at ang kairalan ay naging dalisay na kawalang


kabuluhan; at ang pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda.


Ang Islām ay nag-aanyaya sa pananampalataya sa mga pinakamalaking batayan ng pananampalataya na nag-anyaya tungo sa mga ito ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan). Ang mga ito ay ang sumusunod:


Una: Ang pananampalataya kay Allāh bilang Panginoon, bilang Tagalikha, bilang Tagatustos, at bilang Tagapangasiwa sa Sansinukob na ito, na Siya lamang ay ang karapat-dapat sa pagsamba, at na ang pagsamba sa bawat anumang iba sa Kanya ay walang-saysay. Bawat sinasamba na iba pa sa Kanya ay walang-saysay. Kaya hindi naaangkop ang pagsamba kundi sa Kanya at hindi natutumpak ang pagsamba kundi sa Kanya. Nauna na ang paglilinaw sa mga patunay ng usaping ito parapo numero 8.


Binanggit ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ang mga pinakamalaking batayang ito sa maraming magkakahiwalay na talata sa Dakilang Qur'ān, na ang kabilang sa mga ito ang sabi Niya (pagkataas-taas Siya):"Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.""(Qur'ān 2:285)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang pagpapakabuti ay hindi na magbaling kaya ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagpapakabuti ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa mga kasulatan, at sa mga propeta; nagbigay ng yaman, sa kabila ng pagkaibig dito, sa mga may pagkakamag-anak, sa mga ulila, sa mga dukha, sa kinapos sa daan, sa mga nanghihingi, at alang-alang sa pagpapalaya ng mga alipin; [ang] nagpanatili ng dasal; [ang] nagbigay ng zakāh; at ang mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; at [lalo na] ang mga matiisin sa kadahupan at kariwaraan, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ay ang mga nagpakatotoo at ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala."(Qur'ān 2:177)Nag-anyaya si Allāh (pagkataas-taas Siya) sa pananampalataya sa mga batayang ito at naglinaw Siya na ang sinumang tumangging sumampalataya sa mga tao ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo. Nagsabi si Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na ibinaba Niya sa Sugo Niya, at sa Kasulatang pinababa Niya bago pa niyan. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo."(Qur'ān 4:136)Sa ḥadīth ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:"Habang kami ay nasa tabi ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) isang araw biglang may lumitaw sa amin na isang lalaking matindi ang kaputian ng mga kasuutan, matindi ang kaitiman ng buhok, na nakikita sa kanya ang bakas ng paglalakbay. Walang nakakikilala sa kanya na isa man hanggang sa umupo siya sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) saka nagsandal siya ng mga tuhod niya sa mga tuhod nito at naglagay siya ng mga kamay niya sa mga hita nito at nagsabi siya: O Muḥammad, magpabatid ka sa akin tungkol sa Islām. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): Ang Islām ay na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), magpanatili ng dasal, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ng ḥajj sa Bahay ni [Allāh] kung nakaya mong [magkaroon] papunta roon ng isang daan. Nagsabi siya: Nagsabi ka ng totoo. Nagsabi iyon: Kaya nagulat kami sa kanya: nagtatanong siya rito at nagpapatotoo siya rito. Nagsabi siya: Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa pananampalataya. Nagsabi ito: Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw, sumampalataya ka sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito. Nagsabi siya: Nagsabi ka ng totoo. Nagsabi siya: Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa paggawa ng maganda. Nagsabi ito: Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi mo siya nakikita, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo."Ṣaḥīḥ Muslim: 8.Sa ḥadīth na ito, dumating si Anghel Gabriel (ang pagbati ng kapayapaan) sa Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at nagtanong siya tungkol sa mga antas ng relihiyon: ang Islām, ang Īmān, at ang Iḥsān. Kaya sumagot sa kanya ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Pagkatapos nagpabatid ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at


batiin ng kapayapaan) sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) na ito ay si Anghel Gabriel (ang pagbati ng kapayapaan); pumunta ito sa kanila upang magturo sa kanila ng relihiyon nila. Kaya ito ang Islām, isang makadiyos na mensahe na ipinarating ni Anghel Gabriel (ang pagbati ng kapayapaan), ipinaabot naman sa mga tao ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), iningatan ng mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), at ipinaabot nila sa mga tao noong matapos niya.Ikalawa: Ang pananampalataya sa mga anghel. Sila ay mga nilalang na nakalingid. Nilikha sila ni Allāh, ginawa Niya sila sa isang itinakdang anyo, at inatangan Niya sila ng mga dakilang gawain. Kabilang sa pinakakapita-pitagan sa mga gawain nila ang pagpapaabot ng mga makadiyos na mensahe sa mga sugo at mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan). Ang pinakakapita-pitagan sa mga anghel ay Anghel Gabriel (ang pagbati ng kapayapaan). Kabilang sa nagpapatunay sa pagbaba ni Anghel Gabriel (ang pagbati ng kapayapaan) kalakip ng pagkasi sa mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) ang sabi Niya (pagkataas-taas Siya):"Nagbababa Siya ng mga anghel, kalakip ng espiritu mula sa utos Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi:] "Magbabala kayo na walang Diyos kundi Ako, kaya mangilag kayang magkasala sa Akin.""(Qur'ān 16:2)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):192. Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang.193. Bumaba kalakip nito ang Espiritung Mapagkakatiwalaan194. sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala195. sa pamamagitan ng wikang Arabeng malinaw.196. Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna.(Qur'ān 26:192-196)Ikatlo: Ang pananampalataya sa mga makadiyos na kasulatan gaya ng Torah, Ebanghelyo, Salmo – bago ng pagpapalihis sa mga ito – at Qur'ān. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na ibinaba Niya sa Sugo Niya, at sa Kasulatang pinababa Niya bago pa niyan. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo."(Qur'ān 4:136)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):3. Nagbaba Siya sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapatotoo para sa nauna rito, nagpababa Siya ng Torah at Ebanghelyo,4. na bago pa nito ay isang patnubay para sa mga tao, at nagpababa Siya ng Pamantayan. Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.(Qur'ān 3:3-4)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.""(Qur'ān 2:285)Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa anumang pinababa sa amin, at sa anumang pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa mga lipi, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga Muslim.""(Qur'ān 3:84)Ikaapat: Ang pananampalataya sa lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan). Kaya kinakailangan ang pananampalataya sa lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) at ang paniniwala na sila sa kabuuan nila ay mga sugo mula sa ganang kay Allāh, na nagpapaabot ng mga mensahe ni Allāh, relihiyon Niya, at batas Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa mga lipi ng Israel, sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.""(Qur’an 2:136)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.""(Qur'ān 2:285)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa anumang pinababa sa amin, at sa anumang pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa mga lipi, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga Muslim.""(Qur'ān 3:84)Na sumampalataya sa pangwakas sa kanila. Siya ay si Muḥammad, ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Nagsabi Siya(pagkataas-taas Siya):"[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan


sa mga propeta, [na nagsasaad]: "Talagang ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatan at karunungan, pagkatapos may dumating sa inyo na isang Sugo na tagapagpatotoo sa taglay ninyo, ay talagang sasampalataya nga kayo rito at talagang mag-aadya nga kayo rito." Nagsabi Siya: "Kumilala ba kayo at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa kasunduan sa Akin?" Nagsabi sila: "Kumilala kami." Nagsabi Siya: "Kaya sumaksi kayo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi.""(Qur'ān 3:81)Kaya ang Islām ay nag-oobliga ng pananampalataya sa lahat ng mga propeta at mga isinugo sa pangkalahatan at nag-oobliga ng pananampalataya sa pangwakas nila, ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, kayo ay hindi batay sa anuman hanggang sa magpanatili kayo sa Torah, Ebanghelyo, at anumang pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo.""(Qur'ān 5:68)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim.""(Qur'ān 3:64)Ang sinumang tumangging sumampalataya sa iisang propeta ay tumanggi ngang sumampalataya sa lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan). Dahil dito, nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol sa hatol niya sa mga kababayan ni Noe (ang pagbati ng kapayapaan):"Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo"(Qur'ān 26:105)Nalalaman na si Noe (ang pagbati ng kapayapaan) ay hindi naunahan ng isang sugo. Sa kabila niyon, noong nagpasinungaling sa kanya ang mga kababayan niya, ang pagpapasinungaling na ito sa kanya mula sa kanila ay naging isang pagpapasinungaling sa lahat ng mga propeta at mga isinugo dahil ang paanyaya nila ay iisa at ang layon nila ay iisa.Ikalima: Ang pananampalataya sa Huling Araw. Ito ay ang Araw ng Pagbangon [ng mga patay]. Sa kahuli-hulihan ng makamundo buhay na ito, mag-uutos si Allāh kay Anghel Isrāfīl (ang pagbati ng kapayapaan) kaya iihip ito ng pag-ihip ng pagkahimatay kaya mahihimatay at mamamatay ang bawat sinumang loobin ni Allāh. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Iihip sa tambuli saka mahihimatay ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Pagkatapos iihip dito sa muli, saka biglang sila ay mga nakatayo, na nakatingin."(Qur'ān 39:68)Kapag nasawi ang lahat ng sinumang nasa mga langit at sinumang nasa lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh, tunay na si Allāh ay magtutupi sa mga langit at lupa gaya ng sa sabi Niya (pagkataas-taas Siya):"sa Araw na magtutupi Kami sa langit gaya ng pagtupi ng pahina para sa mga talaan. Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa."(Qur'ān 21:104)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Ang lupa sa kalahatan ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay at ang mga langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya higit sa anumang itinatambal nila sa Kanya."(Qur'ān 39:67)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):Magtutupi si Allāh ng mga langit sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos kukuha Siya sa mga ito sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga mapaniil? Nasaan ang mga nagpapakamalaki? Pagkatapos magtutupi Siya ng pitong lupa sa kanang [kamay] Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga mapaniil? Nasaan ang mga nagpapakamalaki?Nagsalaysay nito si Imām Muslim.Pagkatapos mag-uutos si Allāh sa anghel kaya iihip ito rito isa sa muli kaya biglang sila ay mga nakatayo na nakatingin. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Iihip sa tambuli saka mamamatay ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Pagkatapos iihip dito sa muli, saka biglang sila ay mga nakatayo, na nakatingin."(Qur'ān 39:68)Kaya binuhay ni Allāh ang mga nilikha, kakalapin Niya sila para sa pagtutuos. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"sa araw na magkakabiyak-biyak ang lupa palayo sa kanila habang nasa pagmamadali. Iyon ay isang pagkakalap, na sa Amin ay madali."(Qur'ān 50:44)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sa Araw na sila ay mga lilitaw, walang nakakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman. Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig."(Qur’an 40:16)Sa araw na ito, makikipagtuos si Allāh sa mga tao sa kabuuan nila at maghihiganti para sa bawat naapi sa nang-api dito at gaganti sa bawat tao ayon sa ginawa nito. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos."(Qur’an 40:17)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan na kasimbigat ng isang katiting. Kung may isang magandang gawa ay pag-iibayuhin Niya ito [sa gantimpala] at magbibigay Siya mula sa taglay Niya ng isang pabuyang mabigat."(Qur’an 4:40)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya): 7. Kaya ang sinumang gumawa ng


kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,8. at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.(Qur’an 99:7-8)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Maglalagay Kami ng mga timbangang pangmakatarungan para sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabagin sa katarungan ang isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos."(Qur’an 21:47)Matapos ng pagbubuhay at pagtutuos ay mangyayari ang pagganti. Kaya ang sinumang gumawa ng kabutihan, ukol sa kanya ang Kaginhawahang mamamalagi na hindi maglalaho. Ang sinumang gumawa ng kasamaan at kawalang-pananampalataya, ukol sa kanya ang pagdurusa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):56. Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng kaginhawahan.57. Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.(Qur’an 22:56-57)Nalalaman natin na ang makamundong buhay, kahit pa man ito ay naging ang wakas, talagang ang buhay at ang kairalan ay naging dalisay na kawalang kabuluhan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha Kami sa inyo nang walang-kabuluhan lamang, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin?"(Qur’an 23:115)Ikaanim: Ang pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda. Kinakailangan ang pananampalataya na si Allāh ay nakaalam nga ng bawat anumang nangyari, anumang nangyayari, at anumang mangyayari sa Sansinukob na ito at na si Allāh ay nagtala nga ng lahat ng iyon bago ng pagkakalikha ng mga langit at lupa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Taglay Niya ang mga susi ng Lingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at dagat. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw."(Qur’an 6:59)Na si Allāh ay nakasaklaw sa bawat bagay sa kaalaman. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng tulad ng mga ito. Nagbababaan ang kautusan sa pagitan ng mga ito upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay sumaklaw nga sa bawat bagay sa kaalaman."(Qur’an 65:12)Na walang nagaganap sa Sansinukob na ito na anuman malibang nagnais na nito si Allāh, lumuob na Siya, lumikha Siya nito, at nagpadali Siya ng mga kadahilanan nito. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Hindi Siya gumawa ng anak, hindi Siya nagkaroon ng katambal sa paghahari, at lumikha Siya ng bawat bagay saka nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda."(Qur’an 25:2)Taglay Niya hinggil doon ang masidhing karunungan na hindi nakasasaklaw dito ang mga tao. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Isang masidhing karunungan, ngunit hindi nakapagpapakinabang ang mga mapagbabala."(Qur’ān 54:5)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Ito ay higit na madali sa Kanya. Sa Kanya ang katangiang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong."(Qur’ān 30:27)Naglarawan si Allāh (pagkataas-taas Siya) sa sarili Niya ng karunungan at nagpangalan Siya sa sarili Niya ng Al-Ḥakim (Ang Marunong). Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong."(Qur'ān 3:18)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang nagpapabatid tungkol kay Jesus (ang pagbati ng kapayapaan) na siya ay makikipag-usap kay Allāh sa Araw ng Pagbangon, na magsasabi:"Kung pagdurusahin Mo sila, tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung magpapatawad Ka sa kanila, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.""(Qur'ān 5:118)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) kay Moises (ang pagbati ng kapayapaan) noong nanawagan Siya rito habang ito ay nasa gilid ng bundok:"O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong."(Qur'ān 27:9)Nailarawan ang Dakilang Qur'ān sa karunungan sapagkat nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na hinusto ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid."(Qur'ān 11:1)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Iyon ay kabilang sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo na karunungan. Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa sapagkat maipupukol ka sa Impiyerno bilang sinisising pinalalayas."(Qur'ān 17:39)


22. Ang mga propeta ay mga naipagsanggalang (sumakanila ang pagbati ng


kapayapaan) sa anumang ipinaaabot nila buhat kay Allāh at mga naipagsanggalang laban sa anumang sumasalungat sa isip o tinatanggihan ng maayos na kaasalan. Ang mga propeta ay ang mga naatangan ng pagpapaabot ng mga utos ni Allāh sa mga lingkod Niya. Ang mga propeta ay hindi nagkaroon ng isang bahagi mula sa mga kakanyahan ng pagkapanginoon o pagkadiyos, bagkus sila ay mga mortal gaya ng lahat ng mga mortal, na nagkasi si Allāh sa kanila ng mga mensahe Niya.


Ang mga propeta ay mga naipagsanggalang (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) sa anumang ipinaaabot nila buhat kay Allāh dahil si Allāh ay humihirang ng mga pili sa mga nilikha Niya upang magpaabot sila ng mga mensahe Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Si Allāh ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita."(Qur'ān 22:75)Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"Tunay na si Allāh ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham, at sa mag-anak ni `Imrān higit sa mga nilalang –"(Qur'ān 3:33)Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"Nagsabi Siya: "O Moises, tunay na Ako ay humirang sa iyo sa mga tao sa mga pasugo Ko at sa pananalita Ko, kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat.""(Qur'ān 7:144)Ang mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) ay nakaaalam na ang bumababa-baba sa kanila ay ang makadiyos na pagkasi at nakasasaksi sila sa mga anghel habang bumababa-baba ang mga ito kalakip ng kasi. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):26. [Siya] ang Nakaaalam sa Lingid, saka hindi Siya naghahayag sa Lingid Niya sa isa man,27. maliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang28. upang makaalam ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Sumaklaw Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang.(Qur'ān 72:26-28)Nag-utos sa kanila si Allāh ng pagpapaabot ng mga mensahe Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O Sugo, magpaabot ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo. Kung hindi mo gag̶̶̶̶awin ay hindi ka nagpapaaabot ng pasugo Niya. Si Allāh ay magsasanggalang sa iyo sa mga tao. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya."(Qur'ān 5:67)Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"[Nagsugo ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang katwiran matapos ng mga sugo. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong."(Qur'ān 4:165)Ang mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) ay natatakot kay Allāh nang pinakamatinding pagkatakot at nangangamba sa Kanya kaya hindi sila nagdaragdag sa mga mensahe Niya at hindi sila nagbabawas sa mga ito. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):44. Kung sakaling nagsabi-sabi siya laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi,45. talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay,46. pagkatapos talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat sa puso.47. Kaya walang kabilang sa inyo na isa man na para sa kanya ay mga tagahadlang.(Qur'ān 69:44-47)Nagsabi si Ibnu Kathīr (kaawaan siya ni Allāh):"Nagsasabi Siya (pagkataas-taas Siya): "Kung sakaling nagsabi-sabi siya laban sa Amin". Ibig sabihin: "Si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), kung sakaling siya ay naging gaya ng inaangkin nila na gumawa-gawa [ng kasinungalingan] laban sa Amin kaya nagdagdag siya sa mensahe o nagbabawas siya mula rito o nagsabi siya ng isang bagay mula sa ganang kanya saka iniugnay niya sa Amin – at ito naman ay hindi gayon – talagang


magmamadali Kami sa kanya sa kaparusahan." Dahil dito nagsabi Siya: "talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay". Sinasabi: Ang kahulugan nito ay "talaga sanang naghiganti Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay dahil ito ay higit na matindi sa paghagupit." Sinasabi [rin na ang kahulugan nito ay]: "talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa kanang kamay niya.""Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?" Magsasabi ito: "Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang wala akong karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko ngunit hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga lingid. Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi."(Qur'ān 5:116-117)Bahagi ng kagandahang-loob ni Allāh sa mga propeta Niya at mga sugo Niya (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) na Siya ay nagpapatatag sa kanila sa pagpapaabot nila ng mga mensahe Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya)54. Wala kaming sinasabi kundi nagpasapit sa iyo ang ilan sa mga diyos namin ng isang kasagwaan." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh, at saksihan ninyo, na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo 55. bukod pa sa Kanya. Kaya magpakana kayo laban sa akin sa kalahatan, pagkatapos huwag kayong magpalugit sa akin.56. Tunay na ako ay nanalig kay Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang gumagalaw na nilalang malibang Siya ay humahawak sa unahan ng noo nito. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa isang landasing tuwid."(Qur'ān 11:54-56)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):73. Tunay na halos sila ay talagang tutukso sa iyo palayo sa ikinasi Namin sa iyo upang gumawa-gawa ka laban sa Amin ng iba pa rito [sa ikinasi]; at samakatuwid, talaga sanang gumawa sila sa iyo bilang matalik na kaibigan.74. Kung hindi dahil na nagpatatag Kami sa iyo, talaga ngang halos ikaw ay sumandal sa kanila nang bahagyang kaunti.75. Samakatuwid, talaga sanang nagpalasap Kami sa iyo ng ibayong [pagdurusa] sa buhay at ibayong [pagdurusa] sa pagkamatay. Pagkatapos hindi ka makatatagpo ukol sa iyo laban sa Amin ng isang mapag-adya.(Qur'ān 17:73-75)Ang mga talatang ito at ang bago pa ng mga ito ay tagasaksi at patunay na ang Qur'ān ay isang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang dahil kung sakaling ito ay mula sa ganang Sugong si Muḥammad lamang (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), talaga sanang hindi naggarantiya sa kanya ang tulad sa pananalitang ito na itinuon sa kanya.Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay nagsasanggalang sa mga sugo Niya laban sa mga tao. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O Sugo, magpaabot ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo. Kung hindi mo gag̶̶̶̶awin ay hindi ka nagpapaaabot ng pasugo Niya. Si Allāh ay magsasanggalang sa iyo sa mga tao. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya."(Qur'ān 5:67)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Bigkasin mo sa kanila ang balita kay Noe noong nagsabi siya sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko at ang pagpapaalaala ko sa mga tanda ni Allāh ay kay Allāh naman ako nanalig. Kaya pagpasyahan ninyo ang balak ninyo kasama ng mga pantambal ninyo. Pagkatapos ang balak ninyo ay huwag sa inyo maging malabo. Pagkatapos humusga kayo sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin."(Qur'ān 10:71)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang nagpapabatid tungkol sa sabi ni Moises (ang pagbati ng kapayapaan):"Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, tunay na kami ay nangangamba na magdali-dali siya [sa pagpaparusa] sa amin o magmalabis siya." Nagsabi Siya: "Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa; nakaririnig Ako at nakakikita Ako."(Qur'ān 20:45-46)Kaya nilinaw ni Allāh na Siya ay mag-iingat sa mga sugo Niya (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) laban sa mga kaaway nila kaya hindi makapagpaabot ang mga ito sa kanila ng isang kasagwaan. Nagpabatid Siya ng katotohanan (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) na Siya ay nag-iingat sa kasi Niya kaya hindi ito nadaragdagan at hindi ito nababawasan. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat."(Qur'ān 20:9)Ang mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) ay mga naipagsanggalang laban sa anumang sumasalungat sa isip o kaasalan. Nagsabi si Allāh habang naninindigan sa dangal ng Propeta Niyang si Muḥammad:"Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan."(Qur'ān 20:4)Nagsabi rin si Allāh tungkol sa kanya:Ang kasamahan ninyo ay hindi isang baliw.(Qur'ān 81:22)Iyon ay upang magsagawa sila ng pagganap sa mensahe sa pinakamabuting pagsasagawa. Ang mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) ay ang mga naatangan ng pagpapaabot ng mga utos ni Allāh sa mga lingkod Niya. Hindi sila nagkaroon ng isang bahagi mula sa mga kakanyahan ng pagkapanginoon o pagkadiyos, bagkus sila ay mga mortal gaya


ng lahat ng mga mortal, na nagkasi si Allāh sa kanila ng mga mensahe Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila: "Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya."(Qur'ān 14:11)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang nag-uutos sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na magsabi sa mga kababayan nito:"Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.""(Qur'ān 18:110)


23. Ang Islām ay nag-aanyaya sa pagsamba kay Allāh lamang sa pamamagitan ng mga pinakamalaking batayan ng mga pagsamba. Ang mga ito ay ang pagdarasal na binubuo ng pagtayo, pagyukod, pagpapatirapa, pagbanggit kay Allāh, pagbubunyi sa Kanya, at panalangin. Nagdarasal nito ang tao limang beses sa bawat araw. Naglalaho rito ang mga pagkakaiba sapagkat ang mayaman at ang maralita at ang pinuno at ang pinamumunuan ay nasa iisang hanay ng pagdarasal. Ang zakāh – na isang kaunting halaga mula sa yaman alinsunod sa mga kundisyon at mga halaga na itinakda ni Allāh – ay isang tungkulin sa yaman ng mga mayaman, na ginugugol para sa mga maralita at iba pa sa kanila isang beses sa isang taon. Ang pag-aayuno ay ang pagtigil sa anumang tagasira ng ayuno sa maghapon ng buwan ng Ramaḍān. Nagpapalago ito sa kaluluwa ng pagnanais at pagtitiis. Ang ḥajj ay ang pagsadya sa Bahay ni Allāh sa Makkah Mukarramah isang beses sa tanang buhay para sa nakakakaya. Sa ḥajj na ito,


nagkakapantayan ang lahat sa pagtuon sa Tagalikha (kaluwalhatian sa Kanya) at naglalaho rito ang mga kaibahan at ang mga kinaaaniban.


Ang Islām ay nag-aanyaya sa pagsamba kay Allāh lamang sa pamamagitan ng mga pinakamalaking mga pagsamba at iba pa sa mga ito na mga pagsamba. Ang mga dakilang pagsambang ito ay inobliga nga ni Allāh sa lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Ang pinakadakila sa mga pagsamba ay ang sumusunod:


Una: Ang ṣalāh (dasal). Nagsatungkulin nito si Allāh sa mga Muslim gaya ng pagsasatungkulin Niya nito sa lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Nag-utos si Allāh sa propeta Niyang Matalik na Kaibigang si Abraham (ang pagbati ng kapayapaan) na magdalisay ito ng Bahay Niya para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga nagpapatirapa. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"[Banggitin] noong gumawa Kami sa Bahay bilang balikan para sa mga tao at bilang katiwasayan. Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan. Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na dalisayin nilang dalawa ang Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa."(Qur'ān 2:125)Nag-obliga nito si Allāh kay Moises sa kauna-unahan sa panawagan kay Moises (ang pagbati ng kapayapaan). Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):12. tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya maghubad ka ng mga panyapak mo; tunay na ikaw ay nasa pinabanal na lambak ng Ṭuwā.13. Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi:14. Tunay na Ako ay si Allāh; walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka sa pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.(Qur’an 20:12-14)Nagpabatid si Kristo Jesus (ang pagbati ng kapayapaan) na si Allāh ay nag-utos sa kanya ng pagdarasal at kawanggawa kaya nagsabi siya gaya ng ipinabatid ni Allāh (pagkataas-taas Siya):"Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay."(Qur'ān 19:31)Ang pagdarasal sa Islām ay [binubuo ng] pagtayo, pagyukod, pagpapatirapa, pagbanggit kay Allāh, pagbubunyi sa Kanya, at panalangin. Nagdarasal nito ang tao limang beses sa bawat araw. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na kalagitnaan. Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin."(Qur'ān 2:338)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Magpanatili ka ng pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagdilim ng gabi at ng [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw; tunay na ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel]."Qur'ān 17:78)Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Hinggil sa pagyukod, magdakila kayo rito sa Panginoon (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Hinggil sa pagpapatirapa, magsikap kayo sa pagdalangin sapagkat karapat-dapat na tugunin kayo."Ṣaḥīḥ Muslim.Ikalawa: Ang zakāh. Nagsatungkulin nito si Allāh sa mga Muslim gaya ng pagsasatungkulin Niya nito sa mga propeta at mga isinugong nauna (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Ang zakāh – na isang kaunting halaga mula sa yaman alinsunod sa mga kundisyon at mga halaga na itinakda ni Allāh – ay isang tungkulin sa yaman ng mga mayaman, na ibinibigay para sa mga maralita at iba pa sa kanila isang beses sa isang taon. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito, at manalangin ka para sa kanila. Tunay na ang panalangin mo ay isang katiwasayan para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam."(Qur'ān 9:103)Noong nagsugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Yemen, nagsabi siya rito:"Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan. Kaya mag-anyaya ka sa kanila sa pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na ako ay Sugo ni Allāh. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, ipaalam mo sa kanila na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagsatungkulin sa kanila ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi. Kaya kung tumalima sila sa iyo roon, ipaalam mo sa kanila na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagsatungkulin sa kanila ng isang kawanggawa sa mga yaman nila, na kinukuha mula sa mga mayaman nila at ibinabalik sa mga maralita nila. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, kaingat ka sa mamahalin sa mga yaman nila at mangilag ka sa panalangin ng naaapi sapagkat tunay na sa pagitan nito at ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay walang tabing."(Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 625.)Ikatlo: Ang pag-aayuno. Nagsatungkulin


nito si Allāh sa mga Muslim gaya ng pagsasatungkulin nito ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga propeta at mga isinugong nauna (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga nauna pa sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala."(Qur'ān 2:183)Ito ay ang pagtigil sa anumang tagasira ng ayuno sa maghapon ng buwan ng Ramaḍān. Ang pag-aayuno ay nagpapalago sa kaluluwa ng pagnanais at pagtitiis.Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ang pag-aayuno ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa kanya. Nag-iwan siya ng pagnanasa niya, pagkain niya, at inumin niya alang-alang sa Akin. Ang pag-aayuno ay panangga. Ang nag-aayuno ay may dalawang tuwa: tuwa kapag magtitigil-ayuno siya at tuwa kapag makatatagpo niya ang Panginoon niya."Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 7492.Ikaapat: Ang ḥajj. Nagsatungkulin nito si Allāh sa mga Muslim gaya ng pagsasatungkulin nito ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga propeta at mga isinugong nauna (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan). Nag-utos si Allāh sa propeta Niyang si Abraham, ang Matalik na Kaibigan, (ang pagbati ng kapayapaan) na manawagan ng ḥajj. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,"(Qur'ān 2:27)Nag-utos sa kanya si Allāh na magdalisay siya ng Matandang Bahay sa mga nagsasagawa ng ḥajj. Nagsabi si Allāh(pagkataas-taas Siya):"[Banggitin] noong nagtalaga Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay, na [nagsasabi]: "Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapalibot, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa."(Qur'ān 2:26)Ang ḥajj ay ang pagsadya sa Bahay ni Allāh sa Makkah Mukarramah para sa mga gawaing nalalaman isang beses sa tanang buhay para sa nakakakaya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] papunta roon ng isang daan."(Qur'ān 3:97)Sa ḥajj, nagtitipon ang mga Muslim na nagsasagawa ng ḥajj sa iisang lugar, na mga nagpapakawagas sa pagsamba sa Tagalikha (kaluwalhatian sa Kanya). Ang lahat ng mga nagsasagawa ng ḥajj ay nagsasagawa ng mga gawain ng ḥajj sa paraang nagkakatulad, na naglalaho rito ang mga kaibahan ng kapaligiran, kultura, at antas ng pamumuhay.


24. Kabilang sa pinakadakila sa nagtatangi sa mga pagsamba sa Islām ay na ang mga pamamaraan ng mga ito, ang mga oras ng mga ito, at ang mga kundisyon sa mga ito ay isinabatas ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) at ipinaabot ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Hindi nanghimasok sa mga ito ang sangkatauhan sa pagdaragdag ni sa pagbawas hanggang sa ngayon. Ang lahat ng pinakadakilang pagsambang ito ay ipinaanyaya ng lahat ng mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan).


Kabilang sa pinakadakila sa nagtatangi sa mga pagsamba sa Islām ay na ang mga pamamaraan ng mga ito, ang mga oras ng mga ito, at ang mga kundisyon sa mga ito ay isinabatas ni Allāh


(kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) at ipinaabot ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Hindi nanghimasok sa mga ito ang sangkatauhan sa pagdaragdag ni sa pagbawas hanggang sa ngayon. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon."(Qur'ān 5:3)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Kaya mangunyapit ka sa ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid."(Qur'ān 5:43)Nagsabi naman si Allāh (pagkataas-taas Siya) tungkol sa pagdarasal:"Kaya kapag nagwakas kayo sa pagdarasal ay bumanggit kayo kay Allāh nang nakatayo, o nakaupo, o [nakahiga] sa mga tagiliran ninyo. Kaya kapag napanatag kayo ay magpanatili kayo ng pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang tungkuling tinakdaan ng panahon."(Qur'ān 4:103)Nagsabi naman Siya (pagkataas-taas Siya) tungkol sa mga pinaggugulan ng zakāh:"Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin at mga nagkakautang, ayon sa landas ni Allāh, at manlalakbay na kinapos – bilang tungkulin mula kay Allāh. Si Allāh ay Maalam, Marunong."(Qur'ān 9:60)Nagsabi naman Siya (pagkataas-taas Siya) tungkol sa pag-aayuno:"Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur’ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan. Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya nito at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap at upang bumuo kayo ng bilang, upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat."(Qur'ān 2:185)Nagsabi naman si Allāh (pagkataas-taas Siya) tungkol sa ḥajj:"Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman. Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng ḥajj ay walang pagtatalik, walang mga kasuwailan, at walang pakikipagtalo sa ḥajj. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si Allāh. Magbaon kayo, at tunay na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga may isip."(Qur'ān 2:197)Ang lahat ng dakilang pagsambang ito ay ipinaanyaya ng lahat ng mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan).



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG