Mga Artikulo

Ang kaisipan ng tao ay tunay na nakakamangha, ngunit sa ilang mga bagay ay limitado ito. Ang Diyos ay naiiba sa lahat ng nasa imahinasyon at isip ng tao, kaya ang isip ay malilito kung susubukang ilarawan ang Diyos. Bagaman, posible na maunawaan ang mga katangian ng Diyos na hindi nangangailangan na bumuo ng Kanyang larawan sa isip. Halimabawa, isa sa pangalan ng Diyos ay al-Ghaffar, na nangangahulugan na Pinatatawad Niya ang lahat ng mga kasalanan. Lahat ay madali itong mauunawaan dahil ganito ang iniisip ng utak ng tao tungkol sa Panginoon.  Sa Torah ng mga Hudyo ay itinuturo na ang Diyos ay katulad ng tao.





“Pagkatapos sinabi ng Diyos, 'Gawin natin ang tao ayon sa ating imahe, ayon sa ating pagkakahawig...kaya nilikha ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling imahe.’” (Genesis 1:26-27)





Bukod dito, ang ilang mga simbahan ay naglalaman ng mga estatwa o larawan ng isang matandang may puting balbas na naglalarawan sa Diyos. Ang ilan sa mga ito ay ginawa ng mga kagaya ni Michelangelo na inilarawan ang Mukha at Kamay ng isang diyos - isang matikas na matandang lalaki - sa ipinintang larawan.





Ang Pagsasalin sa mga imahe ng Diyos sa Islam, ay imposible, at katumbas sa kawalan ng paniniwala, dahil sa sinabi ng Diyos sa Quran na wala Siyang Katulad:





“ Walang makakatulad sa Kanya, datapuwat Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakakita.” (Quran 42:11)





“At sa Kanya ay walang makakapantay o makakatulad.” (Quran 112:4)





Ang kahilingan ni Moises na Makita ang Diyos





Ang mga mata ay hindi makakayanan na makita ang Diyos: Kanyang sinabi sa Quran:





"Siya ay di maabot ng paninigin, datapuwa't abot Niya ang lahat ng paninigin." (Quran 6:103)





Si Moises, na kinausap ng Diyos at nagbigay ng mahuhusay na mga himala, ay pinili ng Diyos upang maging Kanyang Propeta. Sinasabing naisip niya na, dahil ang Diyos ay nakikipag-usap sa kanya, maaari niyang aktwal na makita ang Diyos. Ang kuwento ay nasa Quran, kung saan sinabi sa atin ng Diyos kung ano ang nangyari:





“At nang si Moises ay dumating sa itinakda Naming oras at ang Kanyang Panginoon [Allah] ay nakipag-usap sa kanya; siya [si Moises] ay nagsabi: “O aking Panginoon, ilantad Mo [ang Iyong Sarili] upang Ikaw ay aking masilayan.” Ang Allah ay nagsabi: “Hindi mo Ako maaaring masilayan, nguni’t tanawin mo ang [kinaroroonan ng] bundok, kung ito ay manatili [nang hindi natitinag] sa kinatatayuan nito, magkagayon, Ako ay maaari mong masilayan.” Kaya nang ang Kanyang Panginoon ay magpakita sa bundok, ito ay naging mga alabok, at si Moises ay bumulagtang nawalan ng ulirat. Nang siya’y balikan ng ulirat, siya ay nagsabi: “Luwalhati sa Iyo, ako ay nagbabalik-loob sa Iyo sa pagsisisi at ako ang nangunguna sa mga naniniwala.” (Quran 7:143)





Nilinaw ng Diyos na walang sinuman, kasama na ang dakilang propetang si Moises, ang makakayanang makita Siya, sapagkat ang Diyos ay napakadakila upang mapagmasdan ng ordinaryong mata ng mga tao sa buhay na ito. Ayon sa Quran, natanto ni Moises na ang kanyang kahilingan ay nasa kamalian; samakatuwid, humingi siya ng kapatawaran sa Diyos dahil sa pagtatanong.





Nakita ba ni Propeta Muhammad ang Diyos sa Buhay na Ito?





Si Propeta Muhammad (Sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay naglakbay sa isang mahimalang paglalakbay sa kalangitan at nakilala ang Diyos. Inisip ng mga tao na dahil si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nakipag-usap sa Diyos sa paglalakbay na iyon, marahil ay nakita niya rin ang Diyos. Ang isa sa mga kasamahan, si Abu Dahrr, ay tinanong siya tungkol dito. Sumagot ang Propeta:





“May liwanag lamang, paano ko Siya makikita?” (Saheeh Muslim)





Anong liwanag ang kanyang nakita? ang Propeta ay nagpaliwanag:





“Tiyak, ang Diyos ay hindi natutulog o hindi angkop na matulog. Siya ang nagpapababa sa mga timbangan at itinataas ang mga ito. Ang mga gawa ng gabi ay umaakyat sa Kanya bago ang mga gawa ng araw at yaong sa araw bago ang mga gawa ng gabi, at ang Kanyang lambong ay ang Liwanag.” (Saheeh Muslim)





Mga Pangitain ng Diyos sa Espirituwal na Karanasan





Ang ilang mga tao, kabilang ang ilan na nagsasabing sila ay Muslim, ay nag-uulat ng mga espirituwal na karanasan kung saan inaangkin nilang nakita nila ang Diyos. Kasama rin sa mga karaniwang naiulat na karanasan ang pagkakita ng liwanag, o isang napakaganda nilalang na nakaupo sa isang trono. Sa kaso ng mga Muslim, ang nasabing karanasan ay karaniwang kaugnay ng pagbaba o pagbagsak ng mga pangunahing mga kasanayan sa Islam tulad ng pagdarasal at pag-aayuno, sa ilalim ng maling opinyon na ang mga ganoong gawain ay para lamang sa mga karaniwang tao na hindi nagkaroon ng kanilang uri ng karanasan.





Kaya ano ang itinuturo ng Islam patungkol dito? Itinuturo sa atin ng Islam na si Satanas ay nagpapanggap na Diyos upang linlangin ang mga taong walang alam na naniniwala sa gayong mga karanasan at silay naligaw. Ang isa sa mga pangunahing pundasyon ng Islam ay ang batas na ipinahayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at ang pagpapala) ay hindi pwedeng baguhin o kanselahin. Ang Diyos ay alinmang  ipinahintulot sa iba ang anumang ipinagbawal Niya sa iba, at hindi rin Niya ipinahahayag ang Kaniyang mga kautusan sa pamamagitan ng gayong mga karanasan sa mga tao. Sa halip, ang banal na kautusan ay ipinapahayag sa pamamagitan ng tamang daan ng paghahayag sa mga propeta, isang daan na isinara pagkatapos ng pagdating ng propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang panghuli sa mga propeta ng Diyos.





Makikita ang Diyos sa Kabilang Buhay





Sa doktrina ng Islam, ang Diyos ay hindi makikita sa buhay na ito, ngunit ang mga naniniwala ay makikita ang Diyos sa kabilang buhay; kahit na, ang Diyos ay hindi mapanghahawakan sa kabuuan. Malinaw na nakasaad ito sa Quran at Sunnah. Sinabi ng Propeta,





“ Sa Araw ng Pagkabuhay ay ang unang araw na makikita ng mga mata ang Diyos. Ang Makapangyarihan at  Pinakadakila.”[1]





Sa paglalarawan sa mga mangyayari sa Araw ng Pagkabuhay, sinabi ng Diyos sa Quran:





“Ang [ibang] mga mukha, sa araw na iyon, ay magliliwanag, nakatingin sa kanilang Panginoon.” (Quran 75:22-23)





Tinanong ang Propeta kung makikita natin ang Diyos sa Araw ng muling pagkabuhay.  Sumagot siya, "Napinsala ka ba sa pagtingin sa kabilugan ng buwan?”[2] 'Hindi,' sagot nila.  Pagkatapos ay sinabi niya, “Tiyak, makikita mo rin Siya.” Sa isa pang hadith sinabi ng Propeta,Tiyak, ang bawat isa sa inyo ay makikita ang Diyos sa araw na makakatagpo mo Siya, at walang harang o tagasalin sa pagitan Niya at sa inyo."[3]  Ang makita ang Diyos ay isang dagdag na karangalan sa paraiso kung saan sila ay maninirahan. Karagdagan pa nito, ang kagalakan na makita ang Diyos ng isang mananampalataya ay mas dakila sa lahat ng kasiyahan sa Paraiso na pinagsama-sama. Ang mga hindi naniniwala, sa kabilang banda, ay pagkakaitan na makita ang Diyos, at ito ang pinakamalaking parusa sa kanila kaysa sa lahat ng pasakit at pagdurusa na pinagsama-sama sa Impyerno.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG