Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), “Nagsimula ang Islam na tila kakaiba, at babalik ito sa pagiging kakaiba, kaya't magbigay ng maligayang balita sa mga estranghero.”[1] Tinanong ito, “Sino yaong mga estranghero, O Sugo ng Diyos?” Sagot niya, “Yaong nagtutuwid sa mga tao kapag sila ay naging tiwali.”[2] Isa pang salaysay, “Ang mga nagtuwid sa aking mga tradisyon na napinsala ng mga tao na kasunod ko.” Sa isa pang pagsasalaysay, aniya bilang tugon sa parehong tanong, “Sila ay isang maliit na grupo ng mga tao sa isang malaking masamang populasyon. Ang mga sumasalungat sa kanila ay higit pa sa kanilang mga tagasunod."[3]
Sino nga ba ang mga estranghero? Ako ba, ikaw ba, o ang kapitbahay; ito ba ang mga tao sa moske, o sa iba pang moske? Lahat ba tayo o wala sa atin? Ang mga estranghero ba ay mga nagbalik-loob sa Islam? O ang ipinanganak na Muslim na biglang nagpapahaba ng balbas, o naglagay ng bandana sa unang pagkakataon? Sa palagay ko, marami sa inyo ang sasang-ayon na ang pagiging Muslim sa ika-21 siglo ay nakikilala kayong mabuti sa pagiging kakaiba. Ito ay maaaring maging isang talinghaga para sa hindi pinipili, tulad ng ikaw ay sapalarang napili.
Sa seryosong aspeto, maraming mga nagbalik-loob sa Islam ang magsasabi sa iyo tungkol sa pakiramdam na parang sila ay mga estranghero, bago mahanap ang Islam. Kanilang sasabihin ang kanilang pakiramdam na tila kabilang sila sa ibang lugar, na ang kanilang buhay ay bahagyang wala sa sentro. Madalas silang nagsasalita tungkol sa isang hindi malinaw na kamalayan ng pag-alam na hindi sila tulad ng iba sa kanilang paligid, ang pakiramdam tulad ng isang estranghero sa isang kakaibang lupain. Ang pagbabalik-loob sa islam ay nagbibigay ng pakiramdam na parang nakauwi, na sa wakas ay naging normal, kahit na minsan ay nasa kakaibang lupain pa rin.
Hindi magtatagal kahit na bago pa man magsimulang madama ng ilang mga nagbalik-loob na sila ay mga estranghero pa rin at nagsisimula silang magtaka kung ang pakiramdam na ito ay hindi kailanman matatahimik, o sa bahay, ay matatapos nga ba. Ang iba ay nagsabing, hanggang hindi sa kanilang tunay na tahanan– al Jannah, ang Paraiso. Ang pakiramdam na ito ay hindi lamang sa mga nagbalik-loob; madalas na ang mga ipinanganak sa relihiyong Islam ay nakakaramdam na hindi sila nabibilang, na wala sa lugar, na hindi angkop, sa pagiging kakaiba.
Hindi lamang tayo ang una o Muslim na nag-iisip sa ating pagiging kakaiba. Ang unang mga Muslim sa Mecca ay maaaring tumingin sa kanilang mga kapatid na babae, tatay at mga tiyahin at nagtaka kung bakit hindi nila makita ang katotohanan. Bakit hindi nila nakita na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay sugo ng Diyos? Ang paghahanap at pagtanggap sa katotohanan ay isang napakagandang biyaya ngunit madalas pading nananatili ang pakiramdam ng pagiging kakaiba. At hindi iyan isang masamang bagay.
Sinabi ng iskolar ng Islam na si Ibnul Qayyim, ang mga Muslim ay hindi kilala sa sangkatauhan; ang mga tunay na mananampalataya ay hindi kilala sa mga Muslim; at ang mga iskolar ay hindi kilala sa mga tunay na mananampalataya. At ang mga tagasunod ng Sunnah, ang mga tumatalikod sa lahat ng mga anyo ng pagbabago, ay katulad din ng mga estranghero.
Ang kakaibang nararamdaman natin ay isang pakiramdam na ibinahagi ng mga propeta at sugo bago si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Ipinangaral ni Propeta Noah ang salita ng Diyos sa kanyang mga tao sa loob ng 950 taon ngunit siya ay tinanggihan at pinagtawanan. Si Propeta Lot, Propeta Ibrahim at Propeta Jonas, ay inabuso, inusig at pinahiya. Ang Propeta Moises ay tinanggihan hindi lamang ng Paraon kundi pati ng kanyang sariling mga tao nang tinanggihan nila ang kanyang panawagan at sumamba sa gintong guya sa halip na sa Diyos lamang. Pinagtawanan si Propeta Hesus at ang kanyang mga alagad nang pinili nila na sumamba sa Diyos lamang at tiyak na nadama ang pagiging kakaiba na nararamdaman natin ngayon.
Iminungkahi ni Imam Ibnul Qayyim na mayroong tatlong antas ng pagiging kakaiba.[4] Ang una tinawag niyang na 'kapuri-puring pagiging kakaiba', na bunga ng pagsunod sa paniniwala sa Isang Diyos. Ito ang kakaiba na mga nagsasabing, walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang Kanyang sugo. Ito ay isang nakakapanatag na kakaiba, na nagmumula sa pag-alam na walang ibang tulong maliban mula sa Diyos. Sinabi niya (Diyos) na ang karamihan sa sangkatauhan ay hindi susunod sa katotohanan. Yaong mga sumasamba sa Diyos ng tunay at tama ay magiging yaong mga kakaiba sa sangkatauhan.
At kung iyong susundin ang halos karamihan sa kalupaan, ay tiyak na ililigaw ka nila. (Quran 6: 116)
At karamihan sa sangkatauhan ay hindi maniniwala, kahit na ikaw (O Muhammad) ay masigasig sa hanagaring ito. (Quran 12: 103)
At katotohanan, karamihan sa sangkatauhan ay mapanghimagsik at hindi masunurin (sa Diyos). (Quran 5: 49)
Ngunit hindi, karamihan sa mga tao ay walang (sinusukling) pasasalamat. (Quran 12: 38)
At ang pangalawang uri ay, 'walang kapararakan na pagiging kakaiba', sinabi ni Ibnul Qayyim higit sa 600 taon na ang nakalilipas, ang mga salitang may kaugnayan kahit ngayon. "Ang kanilang pagiging kakaiba ay dahil sa kanilang pagtanggi na sundin ang tama at tuwid na landas ng Diyos. Ito ay ang pagiging kakaiba na hindi pagsunod sa relihiyon ng Islam at, dahil dito, mananatili itong kakaiba kahit na ang mga tagasunod nito ay marami, ang kapangyarihan nito ay malakas at laganap ang pagkakaroon nito. Ito ang mga hindi kilala ang Diyos. Nawa’y ilayo tayo ng Diyos na maging isa sa kanila. "
Ang pangatlong kategorya ay ang pagiging kakaiba na nararamdaman ng isang manlalakbay. Hindi ito kapuri-puri o walang kabuluhan. Gayunpaman, may potensyal itong maging kapuri-puri. Kapag ang isang tao na naninirahan sa isang lugar sa maikling panahon, na alam niyang kailangan magpatuloy nakakaramdam siya ng pagiging kakaiba, na parang hindi kabilang sa kahit saan.
Lahat tayo ay mga estranghero sa mundong ito, sapagkat lahat tayo ay pupunta sa isang araw sa ating permanenteng tirahan sa Kabilang Buhay. Ang pag-unawa dito ay nangangahulugan na nauunawaan natin at tinatanggap ang tinatawag ni Ibnul Qayyim na na kapuri-puri na kakaiba.
Sinabi ni Propeta Muhammad, "Mamuhay ka sa mundong ito na parang ikaw ay isang estranghero o isang manlalakbay." Ang kakaiba na naramdaman ng maraming Muslim ay isang magandang bagay. Maaari itong maging kapuri-puri na pagiging kakaiba na nagpapatunay sa ating pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang Sugo. Ito ay nagpapaalala sa atin na mabuhay na parang isang manlalakbay sa isang hintuan, naghihintay sa Diyos na tawagin tayo sa ating tahanan.