Mga Artikulo

Ang layunin ng paglikha ay isang paksa na palaisipan sa bawat tao sa ilang punto sa kaniyang buhay. Bawat tao sa ilang punto ay nagtatanong sa kanilang sarili "Bakit ako naparito?"o "Para sa anong layunin ako naririto sa mundo?"





Ang pagkakaiba at pagiging kumplikado ng mga nakakalitong sistema na siyang bumubuo ng kaisipan ng tao pati na din sa mundo kung saan sila naroroon at nagpapahiwatig na mayroong isang kataas-taasang Tagapaglikha sa kanilang lahat. Ang disenyo ay nagpapahiwatig ng isang taga-disenyo. Kapag ang mga tao ay nakatagpo ng mga yapak sa isang baybayin, ay agad nilang napagtatanto na may nakapaglakad nang nauna rito. Walang nag-iisip na ang mga alon mula sa dagat ay naglalagi sa buhangin at sa pagkakataong ang hidiin ay nakagawa ng isang eksaktong katulad ng mga yapak ng tao. Ni hindi din sinasadya ng mga tao na isipin na sila ay naririto sa mundong ito nang walang layunin. Yamang ang makatuwirang pagkilos ay isang likas na produkto ng katalinuhan ng tao, napagtatanto ng mga tao na ang Kataas-taasang Matalinong Paglikha sa kanila ay ginawa para sa isang tiyak na layunin. Kaya naman, kailangan ng mga taong malaman ang layunin kung bakit sila naririto upang magkaroon ng kahulugan sa buhay na ito at gawin kung ano ang kapaki-pakinabang sa kanila.





Sa buong panahaon, gayunpaman, itinanggi ng ilan sa mga tao na mayroong Diyos. Ang mahalaga, sa kanilang opinyon, ay walang hanggan at ang sangkatauhan ay isang produkto ng mga hindi sinasadyang pinaghalong mga elemento nito.  Dahil dito, para sa kanila, ang katanungan ay “Bakit nilikha ng Diyos ang sangkatauhan?” nagkaroon ngunit wala pa ring sagot. Ayon sa kanila, sadyang walang layunin ang pag-iral.  Gayunpaman, ang karamihan ng mga tao sa nagdaang panahon ay naniniwala at patuloy na naniniwala sa pagkakaroon ng isang Kataas-taasang Tagapaglikha na lumikha ng mundong ito na may isang layunin.  Para sa kanila ito ay, at ito pa rin, mahalagang malaman ang tungkol sa Tagapaglikha at ang layunin ng Tagapaglikha sa paglikha sa sangkatauhan.





Ang Kasagutan


Upang sagutin ang tanong na “Bakit nilikha ng Diyos ang tao?”  dapat muna itong matukoy mula sa kung kaninong pananaw ang tinatanong.  Mula sa pananaw ng Diyos ay nangangahulugan itong “Ano ang dahilan kung bakit nilikha ng Diyos ang mga tao?” habang mula sa pananaw ng tao ay nangangahulugan itong “Sa anong layunin nilikha ng Diyos ang mga tao?” Parehong may punto ang kanilang mga pananaw na kumakatawan sa aspeto ng nakakaintrigang katanungan na “Bakit ako naririto?”...ang parehong aspeto ng katanungan ay sisiyasatin batay sa malinaw na larawan na ipininta ng banal na paghahayag. Hindi ito isang paksa para sa haka-haka ng tao, dahil ang mga hula ng tao ay hindi posibleng bumuo ng buong katotohanan ukol sa usaping ito. Paano mabubuo ng katalinuhan ng tao ang katotohanan ng kanilang pag-iral kung nahihirapan sila mismong intindihin ang kanilang sariling utak o ang mas nakakataas dito, ang isipan, paano ito gumagana? Dahil dito, maraming mga pilosopo na nag-isip tungkol sa tanong na ito sa mga nakalipas na panahon ay nakabuo ng hindi mabilang na kasagutan, lahat ng ito ay batay sa kanilang palagay na hindi mapatunayan. Ang mga tanong tungkol sa paksang ito ay humantong pa sa maraming pilosopo na nagpahayag na hindi talaga tayo naririto at ang buong mundo ay haka-haka lamang. Halimbawa, ang pilosopo na si Plato (428-348 BC) ay nakipagtalo na ang pang-araw-araw sa mundo ng paiba-ibang bagay ay hindi ang pangunahing katotohanan kundi isang anino ng mga anyo ng mundo.  Marami pang iba, kagaya ng nabanggit kanina, marami ang nagsabi at patuloy na nagsasabi na walang layunin ang pagkakalikha ng mga tao. Ayon sa kanila, ang pag-iral ng mga tao ay gawa ng pagkakataon lamang. Hindi maaaring magkaroon ng layunin kung ang buhay ay nagbago mula sa walang buhay na bagay sa purong pagkakataon lamang. Kung ang mga unggoy at gorilya na inaakalang 'pinsan' ng mga tao ay hindi nababahala sa mga katanungan ng pag-iral, kaya bakit mababahala ang mga tao sa mga ito?





Bagaman ipinagsasawalang bahala ng mga tao ang katanungan pagkatapos ng paminsang-minsang pagmumuni-muni, napakahalaga para sa mga tao na malaman ang kasagutan.  Kung walang kaalaman sa tamang sagot, hindi makikilala ang kaibahan ng mga tao mula sa mga hayop sa paligid nito. Ang pangangailangan ng mga hayop at kagustuhang kumain, uminom at magparami ang agad ang nagiging layunin ng pag-iral ng sangkatauhan, at ang pagsisikap ng tao ay nakatuon sa limitadong mundo. Kapag ang mga materyal na kasiyahan ay nabubuo na siyang pinakamahalagang layunin sa buhay, ang pag-iral ng tao ay nagiging mas mababa kaysa sa pinakamababang hayop. Ang mga tao ay patuloy na gagamitin sa maling paraan ang talinong binigay sa kanila ng Diyos kung kulang sila sa kaalaman tungkol sa kanilang layunin sa ating pag-iral. Ang mababang kaalaman ng mga tao ay gagamitin nila upang gumawa ng mga droga at bomba at maging ang pakikiapid, pornograpiya, homoseksuwalidad, kapalaran, pagpapakamatay, atbp. Kung walang kaalaman sa layunin ng buhay, ang pag-iral ng tao ay nawawalan ng kahulugan at dahil dito ay nasasayang, at ang gantimpala ng isang walang hanggang buhay ng kaligayahan sa hinaharap ay ganap na nasisira. Samakatuwid, nararapat na sagutin ng mga tao ang pinakamahalagang tanong na "Bakit tayo naririto?"





Ang mga tao ay madalas na bumabaling sa ibang mga tao na tulad nila para sa mga sagot. Gayunpaman, ang tanging lugar na malinaw at tumpak na mga sagot sa mga katanungang ito ay matatagpuan sa mga libro ng banal na paghahayag.  Kinakailangan na ipahayag ng Diyos ang layunin sa tao sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, dahil ang mga tao ay hindi magagawang makagawa ng tamang sagot sa pamamagitan ng kanilang sarili.  Lahat ng mga propeta ng Diyos ay nagturo sa kanilang mga tagasunod ng mga sagot sa tanong na "Bakit nilikha ng Diyos ang tao?"


Ang Kasulatan ng Hudeo-Kristiyano


Ang pagsisiyasat sa bibliya ay nag-iwan sa mga totoong naghahanap ng katotohanan na ligaw.  Ang Lumang Tipan ay tila mas nababahala sa mga batas at kasaysayan ng unang tao at ang mga Hudyo kaysa sa pagsagot sa mahahalagang tanong patungkol sa paglikha ng sangkatauhan. Sa Genesis, nilikha ng Diyos ang mundo at sina Adan at Eba sa anim na araw at 'nagpapahinga' mula sa Kanyang gawain sa ikapitong araw.  Sinuway nina Adan at Eba ang Diyos at pinarusahan at pinatay ng kanilang anak na si Cain ang kanilang ibang anak na si Abel at napunta sa lupain ng Nod.  At ang Diyos ay 'nagsisisi' na ginawa niya ang tao!  Bakit wala doon ang malinaw na sagot at maliwanag na termino. Bakit napakasimboliko ng wika, na iniwan ang mambabasa upang hulaan ang mga kahulugan nito? Halimbawa, sa Genesis 6: 6 ay nakasaad:





“Nang magsimulang dumami ang mga tao sa kalupaan, at ipinanganak ang mga anak na babae, nakita ng mga anak ng Diyos na ang mga anak na babae ng mga tao ay mapuputi; at ginawa silang asawa ng ayon sa kanilang napili. "





Sino ang mga 'anak ng Diyos na ito?'  Ang bawat sekta na Hudyo at bawat isa sa maraming sekta na Kristiyano na sumunod sa kanila ay may sariling paliwanag.  Alin ang tamang interpretasyon?  Ang katotohanan ay ang layunin ng paglikha ng tao ay itinuro ng mga sinaunang propeta, gayunpaman, ang ilan sa kanilang mga tagasunod - na nakipagsabwatan sa mga demonyo - kalaunan ay binago ang mga banal na kasulatan.  Ang mga sagot ay naging hindi malinaw at karamihan sa paghahayag ay nakatago sa simbolikong wika.  Nang ipinadala ng Diyos si Hesukristo sa mga Hudyo, binaliktad niya ang mga mesa ng mga mangangalakal na nagtatag ng mga negosyo sa loob ng templo, at ipinangaral niya laban sa ritwal na interpretasyon ng batas na isinasagawa ng mga rabbi (guro) ng mga Hudyo.  Kinumpirma niya muli ang batas ni Propeta Moises at binuhay ito. Itinuro niya ang layunin ng buhay sa kanyang mga alagad at ipinakita kung paano ito matutupad hanggang sa kanyang mga huling sandali sa mundong ito. Gayunpaman, pagkatapos ng kanyang pag-lisan mula sa mundong ito, ang kanyang mensahe ay sinira din ng ilan na nagsasabing kabilang sa kanyang mga tagasunod.  Ang malinaw na katotohanan na dinala niya ay naging hindi malinaw, tulad ng mga mensahe ng mga propeta na nauna sa kanya.  Ang simbolismo ay ipinakilala, lalo na sa pamamagitan ng "Mga Pagpapahayag" ni Juan, at ang Ebanghelyo na inihayag kay Hesus ay nawala.  Apat na iba pang mga ebanghelyo na binubuo ng mga kalalakihan ang napili ni Athanasius, obispo ng ika-apat na siglo, upang palitan ang nawalang Ebanghelyo ni Hesukristo. At ang 23 na mga libro ng mga sinulat ni Pablo at iba pa na kasama sa Bagong Tipan ay higit pa kaysa sa apat na bersyon ng ebanghelyo.  Bilang resulta, ang mga mambabasa ng Bagong Tipan ay hindi makahanap ng tumpak na mga sagot sa tanong na "Bakit nilikha ng Diyos ang tao?"  At ang isang tao ay bulag na sumusunod sa mga inimbentong doktrina ng anumang sekta na kanilang kinabibilangan.  Ang mga ebanghelyo ay binibigyang kahulugan ayon sa mga paniniwala ng bawat sekta, at ang naghahanap ng katotohanan ay muling naiwan sa kung alin nga ba ang tama?





Ang Pagkakatawang-tao ng Diyos


Marahil ang pangkaraniwang konsepto sa karamihan ng mga sekta na Kristiyano tungkol sa layunin ng paglikha ng sangkatauhan ay ang Diyos ay naging tao upang mamatay Siya sa mga kamay ng mga tao upang linisin sila mula sa mga kasalanan na minana kay Adan at ng kanyang mga inapo. Ayon sa kanila, ang kasalanan na ito ay naging napakalaki kaya walang kabayaran o pagsisisi ang maaaring magbura dito.  Napakabuti ng Diyos na ang makasalanang tao ay hindi makatayo sa harap Niya (para magbalik-loob).  Dahil dito, tanging sakripisyo ng Diyos mismo ang makapagligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan.





Ang paniniwala o alamat na gawa ng tao ay naging tanging mapagkukunan para sa kaligtasan, ayon sa Simbahan.  Dahil dito, ang Kristiyanong layunin ng paglikha ay naging pagkilala sa 'banal na sakripisyo' at pagtanggap kay Hesukristo bilang Panginoong Diyos.  Maaari itong mahinula mula sa mga sumusunod na salitang maiuugnay kay Hesus sa Ebanghelyo ayon kay Juan:





“Sapagkat minamahal ng Diyos ang sanlibutan kaya't ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang naniniwala sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”





Gayunpaman, kung ito ang layunin ng paglikha at kinakailangan para sa buhay na walang hanggan, bakit hindi ito itinuro ng lahat ng mga propeta?  Bakit hindi naging tao ang Diyos sa panahon ni Adan at ng kanyang mga anak upang magkaroon ng pantay na pagkakataon ang lahat ng sangkatauhan upang matupad ang kanilang layunin sa pagkaparito at magkaroon ng buhay na walang hanggan.  O mayroon bang mga layunin bago naparoon si Hesus?  Ang lahat ng mga tao ngayon na tinukoy ng Diyos na hindi nakarinig kay Hesus ay walang pagkakataon na matupad ang kanilang inaasahang layunin ng paglikha.  Ang ganitong layunin, ay malinaw naman na limitado upang magkasya sa pangangailangan ng sangkatauhan.


Ang Lahat ay Diyos


Itinuturo ng mga banal na kasulatan sa Hindu na maraming mga diyos, pagkakatawang-tao ng mga diyos, mga persona ng Diyos at ang lahat ay Diyos, Brahman. Sa kabila ng paniniwala na ang kaluluwa (atman) ng lahat ng nabubuhay na nilalang ay totoong Brahman, isang mapang-aping sistema ng lahi ang umusbong kung saan ang mga Brahmans, ang lahi ng mga pari, ay nagtataglay ng espiritwal na kahigitan sa pagkasilang. Sila ang mga guro ng mga Vedas at kumakatawan sa huwaran na ritwal ng kadalisayan at prestihiyo sa lipunan. Sa kabilang banda, ang lahi ng Sudra ay hindi kasama sa katayuang pang relihiyon at ang kanilang nag-iisang tungkulin sa buhay ay "maglingkod nang mapitagan" sa iba pang tatlong mga lahi at sa libu-libong nasa ilalim ng mga ito. 





Ayon sa mga pilosopo ng monismong Hindu, ang layunin ng sangkatauhan ay ang pagsasakatuparan ng kanilang pagka-diyos at -pagsunod sa landas (marga) hanggang sa pagpapalaya (moksha) mula sa siklo ng muling pagsilang - ang pagsamang muli ng kaluluwa ng tao (atman) tungo sa sukdulang katotohanan, Brahman. Para sa mga sumusunod sa landas ng bhakti, ang layunin ay mahalin ang Diyos dahil ginawa ng Diyos ang mga tao upang "masiyahan sa isang relasyon - gaya ng ama na nasisiyahan sa kanyang mga anak” (Srimad Bhagwatam). Para sa ordinaryong Hindu, ang pangunahing layunin ng makamundong buhay ay nakasalalay sa pagsunod sa mga ritwal at panlipunang mga tungkulin sa tradisyonal na mga patakaran ng pag-uugali para sa kanyang lahi - ang landas ng karma.





Bagama't karamihan sa relihiyon sa mga teksto ng Vedic, na umiikot sa mga ritwal ng pagsasakripisyo sa apoy, ay nahigitan ng mga doktrina ng Hindu at mga kasanayan na matatagpuan sa iba pang mga teksto, ang ganap na awtoridad at pagiging sagrado ng Veda ay nananatiling isang pinakamahalagang doktrina ng halos lahat ng mga sekta at tradisyon ng Hindu. Ang Veda ay binubuo ng apat na koleksyon, ang pinakaluma na Rigveda (“Karunungan ng mga taludtod”). Sa tekstong ito, inilarawan ang Diyos sa mga pinaka-nakakalito na mga terminolohiya. Ang relihiyon na ipinakita sa Rigveda ay isa na pagsamba sa maraming Diyos na ang pangunahing interes ay pagbibigay kasiyahan sa mga diyos na nauugnay sa kalangitan at atmospera, ang pinakamahalaga sa kanila ay sina Indra (diyos ng kalangitan at ulan), Baruna (tagapangalaga ng kaayusan ng kosmiko), Agni (ang pang sakripisyong apoy), at Surya (ang Araw). Sa mga huling teksto ng Vedic, ang interes sa mga sinaunang mga diyos ng Rigvedic ay bumaba, at ang politiesmo ay nagsimulang mapalitan ng isang sakripisyong pantiesmo kay Prajapati (“Panginoon ng mga Nilalang”), na siya ang Lahat. Sa Upanishads (sekretong mga turo tungkol sa kosmikong mga ekwasyon), pinagsanib ang Prajapati sa konsepto ng Brahman, ang kataas-taasang katotohanan at mahalaga sa daigdig, pinalitan ang anumang personipikasyon, sa gayon nabago ang mitolohiya na naging malabong pilosopiya. Kung ang nilalaman ng mga banal na kasulatang ito ang pipiliin ng mga tao para sa patnubay, masasabi ng sinuman na itinago ng Diyos ang Kanyang Sarili at ang layunin ng paglikha mula sa sangkatauhan.





Ang Diyos ay hindi ang may-akda ng pagkalito, ni hindi Niya nais na pahirapan ang sangkatauhan. Kaya naman, nang ipinahayag Niya ang Kanyang huling pakikipag-ugnayan sa sangkatauhan isang libo apat na raang taon na ang nakalilipas, tiniyak Niya na perpekto itong mapangalagaan para sa lahat ng mga henerasyon ng mga taong darating. Sa huling banal na kasulatan, ang Quran (Koran), ipinahayag ng Diyos ang layunin sa paglikha ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng Kanyang huling propeta, Kanyang lininaw ang lahat ng detalye na kayang intindihin ng tao. Ito ang batayan sa paghahayag na ito at ang propetikong mga pagpapaliwanag na dapat nating pag-aralan ang tumpak na mga sagot sa tanong na "Bakit nilikha ng Diyos ang tao?" ...



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG