Ang pangalan ko ay Aisha Canlas. Bago ako dumating dito sa Riyadh, sa Kaharian ng Saudi Arabia, ako ay isang Katoliko dahil ang aking mga magulang ay mga Katoliko rin.
Kami ay pumupunta sa iba’t-ibang simbahan para magdasal sa Diyos ngunit sa pamamagitan ng mga larawang ginawa ng tao. Sa panahong yaon, tinatanong ko ang aking sarili kung yaon nga ba ang tunay na mukha ng Diyos? Paano nangyari na malaman ng sinuman kung ano ang Kanyang itsura? Sila ba ay nakakita na sa Kanya?
Mayroong isang lugar sa Maynila kung saan mayroong isang moske. Sa tuwing oras na ng pagdarasal ay naririnig ko ang Adhan (pagtawag para sa pagdarasal), ipipikit ko ang aking mga mata at dadamhin ang kapayapaan kahit na hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng mga salitang binabanggit doon. Ito ay tila isang musika sa aking puso.
Walang sinuman, kahit pa ako, ang nakakakalam na ako ay magbabalik-loob sa Islam kalaunan. Ako ay nag-aplay ng trabho sa Saudi Arabia para mabigyan ng mas mabuting kinabukasan ang aking pamilya.
Para maging handa at hindi makaranas ng kaibahan sa kanilang kultura, ako ay nagsaliksik sa mga bagay na makakatulong sa akin na madaling mapakisamahan ang pamumuhay sa isang bansa sa Gitnang-Silangan.
Ako ay nagsaliksik patungkol sa kultura, sa bansa bilang isang kabuuhan, ang lenggwahe at syempre ang relihiyon. Tunay na ako ay naging interesado patungkol sa Islam, na kahit bago pa man ako sumakay sa eroplano patungo rito ay nagbasa-basa na ako ng mga patungkol dito.
Ang aking pagbabalik-loob ay hindi madaling naisagawa na tulad sa pitik ng isang darili. Madalas kong tinatanong ang aming mga doktor patungkol sa Islam. Dahil sa aking isipan makakatulong sila na mas maunawaan ko ang patungkol sa Islam yamang buong buhay na silang nanirahan dito sa loob ng kaharian.
Ika-15 ng Enero taong 2008 nang malaman ko na mayroong Madrasah o ‘Islamikong pagtuturo’ sa aking pinapasukang trabaho. Doon ako nagpasya na dumalo sa klase. Sa una kong pagdalo ay kasama ko ang aking kaibigan at kasama sa kwarto, na dati nang Muslim, noong ika-17 ng Enero taong 2008.
Lahat ng mga mata ay nakatingin akin noong una, yamang ako ay bago sa klase at ang tanging Kristiyanong naroon kasama nila. Nakinig ako sa kung ano ang sinasabi ng aming guro patungkol sa Islam, sa Quran at patungkol sa Propeta Muhammad, mapasakanya ang habag at pagpapala ng Dakilang Tagapaglikha, at patungkol sa Diyos.
Magmula noon, inumpisahan kong tunay na unawain ang Islam. Pagkatapos noon, humingi ako ng permiso sa aking ina na nasa Pilipinas para payagan ako na magbalik-loob mula sa Katolisismo tungo sa Islam.
Alhamdulillah (Ang Papuri ay para sa Dakilang Tagapaglikha), ang aking ina ay hindi tumutol. (Ang aking ama ay pumanaw na, noong Nobyembre ng nakaraang taon). Sinabi niya na natatakot lamang siya na makalimutan ko sila sa panahong ako ay magbalik-loob sa Islam. Sinabi ko sa kanya na ang mga Muslim ay may malaking pagpapahalaga sa pakikitungo sa kanilang magulang, lalo na sa ina.
Ika-24 ng Enero taong 2008 nang isagawa ko ang aking Shahadah sa harap ng aking guro at iba pang mga estudyante. Habang binabanggit ko ang Shahadah umiinit ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na yaon.
Ang tanging bagay na alam ko matapos ang pagbanggit ko ng aking Shahadah ay gumaan ang aking puso mula sa mga pinapasan nito. Sa wakas, natagpuan ko ang kapayapaan ng kalooban na hinahanap ko sa aking buhay. Ang pagiging kabilang sa Islam ay tunay na kakaiba.
Tinanong ako ng mga kasamahan ko sa trabaho kung bakit ako nagpasyang pasukin ang Islam. Sinabi ko na ako ay naniniwala na walang ibang dapat sambahin maliban sa Dakilang Tagapaglikha at si Propeta Muhammad ay isa sa Kanyang mga Sugo.
Ang ilan sa mga Kristiyano ay nag-iisip na pinagtaksilan ko ang aking pananampalataya. Pero sa aking puso alam ko na iyon ay hindi totoo. Alhamdulillah (Ang Papuri ay para sa Dakilang Tagapaglikha), ako rin ay nakaranas na makapagsagawa ng Umrah. Ako ay naglakbay tungo sa pagsagawa ng Umrah noong nakaraang ika-5 ng Marso taong 2008 at ito ay talagang hindi malilimutan at espesyal na pangyayari.
Tila ako ay nahiwalay sa aking mga problema, mga alalahanin, at sa lahat ng mga masasamang bagay sa mundo. Ako ay talagang nagalak at pakiramdam ko ay pwede akong mamalagi doon habang buhay na nagdarasal sa Diyos at nagpupuri sa Kanya para sa lahat ng mga magagandang bagay na Kanyang ginawa para sa sangkatauhan.
Kailanma’y hindi ko alam na magkakaroon ako ng pagkakataon na makita ang Kabah sa totoong buhay. Nakita ko na ito sa mga larawan noong ako ay bata pa pero ang aktwal itong makita ng personal ay pumuno sa akin ng kasiyahan; at pinuno ng kagalakan ang aking puso.
Ako ay dumadalo sa Madrasah (Islamikong Pag-aaral) tuwing katapusan ng lingo sa lugar na aking pinagtatrabahuhan. Sa pagdaan ng panahon, natututo ako patungkol sa Islam. Pakiramdam ko lahat ay maisasaayos hanggat ang aking pananampalataya sa Diyos ay buo at nagpapatuloy sa pagiging matibay.
Ako ay umaasa at nagdarasal sa Diyos na makumbinsi ko ang aking pamilya na yakapin rin ang Islam. Nais ko silang maligtas mula sa pagkapoot sa Araw ng Paghuhukom.
Sa aking opinyon, ang pinakamagandang bagay na magagawa ng isang Muslim ay ang pamahalaan ang buhay ng nasa mabuti para maging isang mabuting halimbawa. Yon ay nagdadala sa mga hindi-Muslim ng interes at tumutulong din na kanilang matanto na ang mga negatibong pananaw patungkol sa Islam ay mali.
Ako ay dating tapat na Kristiyano, na nakapag-asawa ng isang lalaking Muslim. Nagpakasal ako sa kanya dahil sa kanyang katangian, dahil alam ko na walang Kristiyanong lalaki na nagsasabuhay ng katuruan ni Kristo liban sa ginawa ng Muslim na ito.
Gayunpaman, ako ay naging determinado na patunayan sa aking asawa na siya ay nasa maling landas at na dapat siyang maging isang Kristyano. Ang tanging ginawa niya lamang ay tanungin ako ng seryosong tanong patungkol sa aking paniniwala, katulad ng “Saan sa Bibliya itinuro ni Hesus na siya ay Diyos?”
Nang matagpuan kong wala saanman, nag-simula akong magsaliksik ng marami at mas marami pa. Pagkatapos ng madaming pagsasaliksik, ako ay nabigo. Binasa ko ang salin ng kahulugan ng Quran sa lenggwaheng Ingles (na taliwas sa inaasahan ay binigay sa akin ng aming pastor) para daw sa mas mainam na pakikipagtalakayan sa aking asawa.
Sa halip, natagpuan ko ang teksto na tugma sa mga katuruan sa Bibliya. Natagpuan ko ang kaginahawaan sa konsepto ng Nag-iisang Diyos. Salamat sa Diyos, kami ngayon ay isa nang pamilyang Muslim.