Mga Artikulo

Noong una, ang mga di mananampalatayang taga Mecca ay nagsabing si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang may akda ng Quran. Tumugon ang Allah sa kanila: 





"O sinasabi ba nilang, 'Siya ang may akda nito [nitong mensahe]'?Hindi, subalit hindi sila handang maniwala! Kung gayon, [kung sa akala nila na ito ay gawa ng mortal o tao,] hayaan silang gumawa ng pagdalit (pagbigkas) na katulad nito (Al-Quran). Kung sila ay nag sasabi ng katotohanan! [o sila baga ay nagtatakwil sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaila sa katotohan ng Kanyang kapahayagan?] Sila baga ay nilikha ng walang anupaman? O sila baga sa kanilang sarili ang manlilikha?" (Quran 52:33-35)





Una, Sa katunayan, hinamon sila ng Diyos na gumawa ng sampung mga kabanata tulad ng Quran:





"O di kaya, sila ay magsasabi, "Siya (Propeta Muhammad) sumakanya nawa ang kapayapaan at pag papala ay nag-imbento nito (ng Quran)" Ipagbadya: "Magdala kayo kung gayon ng sampung surah (mga kabanata) na tulad nito, at tawagin  ninyo (para tulungan kayo) kung sinuman ang ibig ninyo, maliban pa kay Allah! -  Kung kayo  ay nagsasabi ng katotohanan!" At kung sila ay hindi tumugon sa iyo (sa iyong panawagan), inyong malalaman na ang kapahayagang ito  ay ipinihayag (sa pamamagitan) ng karunungan ng Diyos at wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat na pag-ukulan ng pag samba maliban sa Kanya (Allah)! Hindi baga kayo magiging mga Muslim (ang mga tumatalima sa Islam)?"  (Quran 11:13-14)





Subalit ng hindi nila natugunan ang hamon na gumawa ng sampung mga kabanata, binawasan ito ng Diyos at naging isang kabanata na lamang:





"At kung kayo ay nag-aalingan tungkol sa Aming ipinahayag sa Aming alipin (na si Muhammad, sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan),  kung gayon kayo ay gumawa ng isang surah (kabanata) na katulad nito at tawagin ninyo ang inyong mga saksi (mga tagapagtaguyod) maliban kay Allah, kung kayo ay makatotohanan (nagsasabi ng totoo). Datapuwat kung kayo ay hindi makagawa - at (katotohanang) kailanman ay hindi ninyo magagawa -  inyong pangambahan ang Apoy na ang Kanyang panggatong ay mga tao at bato na siyang inihanda sa mga hindi mananampalataya." (Quran 2:23-24)





Sa huli, hinulaan ng Diyos ang walang hanggan nilang pagkabigo na matugunan ang banal na paghamong ito:





"Ipagbadya: 'Katiyakan, kahit na ang buong sangkatauhan at lahat ng mga Jinn (mga engkanto at mga di nakikitang nilalang ng Allah) [1] ay magsama-sama para makagawa ng gaya nitong Quran, hindi sila makakagawa kahit na magtulungan sila at ubusin ang kanilang mga lakas!" (Quran 17:88)





Ang Propeta ng Islam ay nagsabi:





   "Ang bawat Propeta ay binigyan ng 'mga palatandaan' na kung saan dahil dito ang mga tao ay maniniwala sa kanya. Sa katunayan, nabigyan ako ng Banal na Kapahayagan na ipinahayag sa akin ng Diyos. Kaya naman, inaasahan kung magkaroon ng pinakamaraming tagasunod sa lahat ng mga propeta sa Araw ng Pagkabuhay na muli." (Saheeh Al-Bukhari)





   Ang mga pisikal na himala na isinagawa ng mga propeta ay para lamang sa panahon na kung saan sila ay umiral, balido lamang para sa mga nakasaksi sa kanila, di kagaya sa patuloy na himala ng ating Propeta, ang Banal na Quran, na hindi ipinagkaloob sa sinumang propeta. Ang matatas na lenggwahe nito, istilo, napakalinaw na mensahe, lakas ng argumento, kalidad ng retorika, at kawalan ng kakayahan ng tao upang makagawa at tumugma man lamang  kahit na sa pinakamaikling kabanata hanggang sa pagtatapos ng mundo ang naglagay dito sa katangi-tanging kaibahan. Yaong mga nakasaksi sa paghahayag at sa mga sumunod, lahat ay maaaring makinabang sa taglay nitong bukal ng karunungan. Kaya naman ang Propeta ng Awa (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay umaasa na siya ang may pinakamaraming mga tagasunod sa lahat ng mga propeta, at kanya itong hinulaan sa panahon na kakaunti pa lamang ang nga Muslim, subalit nagsimulang dumagsa ang yumayakap sa Islam. Kaya naman, ang propesiyang ito ay nagkatotoo. 





Paliwanag kung Bakit ang Quran ay Di Mapantayan o Walang  katulad


Ang Istado ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala)


Siya ay isang ordinaryong tao.





Siya ay walang alam. Di marunong bumasa at sumulat.





Siya ay mahigit 40 na taong gulang ng matanggap ang unang pahayag. Hanggang sa panahon na dumating ang kapahayagan ay di siya mananalumpati, manunula, o taong mahilig  magsulat; siya ay isang mangangalakal lamang. Ni hindi nga siya sumulat ng isang tula o nag bigay talumpati sa harap ng mga tao bago siya napiling maging propeta. 





Nagdala siya ng aklat na iniuugnay sa Diyos, at lahat ng mga Arabo ay nagkaka-isa na hindi ito mapapantayan o wala itong katulad.





Ang Hamon ng Quran 





Ang Quran ay nagbigay ng hamon sa kahit na sino na hindi sumasang-ayon sa Propeta. Ang hamon ay ang gumawa ng isang kabanata (surah) na kagaya nito, kahit na magtulong-tulong pa. Ang tao ay maaring humingi ng tulong kahit na kanino sa mundong ito o sa mundo ng mga espiritu o di nakikitang mga nilalang.





Bakit may Hamon na Ganito?





Una, ang mga Arabo ay manunula. Ang pagtula ang pinakamataas nilang kagayakan at ang karamihan sa kanilang kinatawan ay bumubuo ng mga talumpati o tula. Ang mga tulang-Arabo ay nag-umpisa sa pasalita; ito ay tinig lamang bago nagkaroon ng mga alpabeto. Ang mga manunula ay nakagagawa ng mga masasalimuot o komplikado, ura mismo at kayang mag memorya ng libu-libong linya ng mga tula. Ang mga Arabo ay may komplikadong sistema sa pag-suri ng manunula at ng tula nito para makapasa sa kanilang mga pamantayan. Ang taunang paligsahan ay pumipili ng 'idolo o rebulto' sa pagtula, at inuukit sa ginto at sinasabit sa loob ng Kaaba (sa Mecca), katabi ng rebulto na kanilang sinasamba. At ang mga magagaling ang nagsisilbing mga hurado. Ang mga manunula ay maaring magpasimula ng mga digmaan at magpahupa ng mga labanan sa pagitan ng mga naglalabang mga tribu. Walang kagaya ang kanilang paglalarawan sa mga kababaihan, alak at digmaan. 





Pangalawa, ang mga kalaban ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay matindi ang  determinasyong supilin siya sa kanyang misyon sa anumang paraan na posible. Ang Panginoon ay nagbigay sa kanila ng hindi marahas na na paraan para mapasinungalingan ang mga sinasabi ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).





Ang Hamon na di Natugunan at mga Kinahinatnan Nito


Saksi ang kasaysayan na ang mga Arabo bago lumaganap ang Islam ay di nakagawa ng kahit isang kabanata para tugunan ang hamon ng Quran.[2]  Sa halip na tumugon sa hamon, ay mas pinili nila ang karahasan at nagdeklara ng digmaan laban sa kanya          (Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sila, sa lahat ng tao, ang may kakayahan at motibong tugunan ang hamon ng Quran, subalit di nila ginawa. Kung nagawa sana nila, mapapatunayang huwad ang Quran, at ang taong nagdala nito ay mabubulgar na bulaang propeta. Ang katotohanan na ang mga sinaunang Arabo ay hindi nakatugon sa hamon ay nagpapatunay ng pagiging walang katulad at di mapapantayan ng Quran. Ang kanilang halimbawa ay gaya ng isang uhaw na tao sa tabi ng balon, na ang tanging rason ng kanyang pagkamatay ay sa kadahilanang di niya maabot ang tubig!





At saka, ang kawalang kakayahan ng mga nagdaang mga Arabo na tugunan ang hamon ng Quran ay nagpapahiwatig na ang mga Arabo sa susunod na henerasyon ay di kakayaning tugunan ang hamon na ito, dahil sa kanilang kakulangan sa pagiging maalam sa klasikal na Arabe na mayroon ang mga Arabo noong araw. Ayon sa mga linggwistiko ng lenggwaheng Arabe, ang mga Arabo noon at sa panahon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), maliban sa sumunod sa kanyang henerasyon, ay ang mayroong kumpletong karunungan sa lenggwaheng Arabe, sa mga panuntunan nito, metro, at ryhmes o pagkakatugma ng mga tinig. Sa kasalukuyan ay di na makakapantay ang mga Arabo sa kagalingan ng mga klasikal na Arabo noong araw.[3]





Sa panghuli, ang hamon ay para sa mga Arabo at di mga Arabo. Kung di matugunan ng mga Arabo ang hamon, ang mga di nagsasalita ng Arabe ay lalong di magagawang tanggapin ang hamon. Kung kaya  pinagtitibay nito na di  talaga mapapantayan o magagaya ang Quran ng mga di Arabo. 





Paano kung may magsabi na: 'Malamang ang hamon ng Quran ay natugunan sa panahon ng Propeta, subalit ang mga pahina ng kasaysayan ay di napreserba o napanatili.' 





Mula pa noong unang panahon, ang mga tao ay nag-uulat na ng mga mahahalagang pangyayari para sa mga darating na mga henerasyon, lalo na kung ito ay nakaagaw o nakapukaw sa atensyon  o di kaya ay inaantabayanan ito ng mga tao. Ang hamon ng Quran ay pinalaganap at sikat, at kung may tumugon dito, ito ay napaka imposible na di maitala at di makarating sa atin. Kung nawala ito sa ulat ng kasaysayan, kung gayon, para na lamang sa argumento, posible rin na di lang iisa si Moises, na di lang iisa si Hesus, at di lang din iisa si Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala); marahil ay  maraming mga kasulatan ang naihayag sa mga kathang isip na mga Propetang ito, at posible na walang makaalam sa mundo tungkol dito! Gaya nitong mga sapantaha na walang batayan sa kasaysayan, di rin makatwiran na isipin na ang hamon ay natugunan at di lang ito nakarating sa ating kaalaman.[4]





Pangalawa, kung natugunan nila ang hamon, ang mga Arabo ay pasisinungalingan ang Propeta. Ito ang kanilang magiging pinakamalaking propaganda laban sa kanya (Muhammad). Walang nangyari na ganito, kaya naman, mas pinili nila ang digmaan.





Ang katotohanang walang  naglakas ng loob sa mga di Muslim na gumawa ng 'kabanata na gaya sa Quran' ay nangangahulugan na walang sumeryoso sa Quran na tanggapin ang hamon, o di kaya ay tinanggap nila ang hamon pero nabigo. Ito ay nagpapatunay na ang Quran ay di mapapantayan o walang katulad, sa pagiging iba nito at sa walang hanggan na mensahe. Ang pagiging kakaiba ng Quran at ang Banal na mensahe nito para sa sangkatauhan ay ang seguradong indikasyon ng pagiging totoo ng Islam. Sa gitna nito, ang bawat tao ay haharapin o tatanggapin ang isa sa dalawang pagpipilian. Siya ay mamimili, tanggapin na ang Quran ay salita ng Diyos. At sa paggawa nito ay kailangan ding tanggapin na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay pinadala ng Diyos at Kanyang Mensahero. O di kaya ay alam niya na ang Quran ay totoo, subalit pipiliin ng puso na ikaila ito. Kung ang naghahanap ay matapat sa kanyang paghahanap, kailangan niyang siyasatin ang tanong kung bakit ito [Quran] ay walang kapantay o katulad upang mapangalagaan ang panloob na kaseguraduhan na sa wakas ay kanya ng natagpuan ang katotohanan kung ang tinutukoy ay relihiyon.      








MGA TALABABA:


[1]Mga di nakikitang mga nilalang na ang pag-iral ay kagaya sa mga tao.


[2]


 Ang katotohanan ay pinatotohanan ng mga di-Muslim na mga Orientalists.


Na ang pinakamagagaling na mga Arabong manunulat ay di nagtagumpay na makagawa ng kagaya sa merito ng Quran mismo ay di nakapagtataka...'


(E H Palmer (Tr.), The Quran, 1900, Part I, Oxford at Clarendon Press, p. lv).


'..


.


at walang tao o sinuman sa loob ng 1500 na taon ang gumaya na gamitin ang malalim na tunong instrumento nang may kapangyarihan, may katapangan, na tulad ng saklaw ng emosyonal na epekto gaya ni Muhammad...At bilang monumento ito ng panitikan ang Quran sa gayon ay tumatayong mag-isa, isang produkto na kakaiba sa panitikang Arabe, na walang nauna o kahalili sa sarili nitong mga idyuma o sawikain...'.'


(H A R Gibb, Islam - Isang pag-susuri sa kasaysayan noong 1980, ng Oxford University Press, p. 28).   at ang mga Kristyanong Arabo:                


‘Maraming Kristyanong Arabo ang nag komento sa  istilo nito ng may paghanga, at karamihan sa mga Arabo ay kinilala ang kahusayan nito. Kapag  binabasa ito ng malakas, mayroon itong nakaka hipnotismong epekto na ang mga nakikinig nito ay kakaiba ang mararamdaman dahil sa kakaibang syntax o palaugnayan nito, at minsan, may nilalamang di kanais-nais para sa amin. Ganito ang kalidad na taglay nito na nagpatahimik sa mga nangungutya sa matamis na musika sa lenggwahe nito na nagbigay daan sa aral na di mapantayan; katotohanan ito ay maaring magpatotoo na sa panitikang Arabe, malawak, at abunda sa parehong mga tula at sa mga nakaka-angat na nobela, wala itong kapareho o pagkukumpara.' 


(Alfred Guillaume, Islam, 1990 (Reprinted), Penguin Books, pp. 73-74)


[3]


 Si 


Rummani (d. 386 AH), na isang klasikal na iskolar, ay nagsulat: Kung may magsasabi: Ikaw ay umaasa sa iyong argumento sa kabiguan ng Arabong taga Disyerto, na hindi kinokonsidera ang mga sumunod na mga klasikal na mga Arabo; ngunit, ayon sa iyo, ang Quran ay himala para sa lahat. Matatagpuan na ang mga sumunod na klasikal na mga Arabo ay mahuhusay sa kanilang pananalita", ang susunod ay  maaring isagot, "Ang Bedouin (taga disyertong Arabo) ay nakabuo at may buong pamumuno sa kumpletong gramatikong struktura ng lengwahe. Subalit sa mga sumunod na mga klasikal na mga Arabo ay walang sinumang nakagamit sa buong struktura ng lenggwahe. Ang mga Bedouin na Arabo ay mas makapangyarihan o malakas sa kanilang paggamit sa buong lenggwahe. Subalit dahil sa di nila nagaya ang Quran, kung kaya ang mga sumunod o susunod pang mga Arabo ay mabibigo ng mas matindi pa."' (Mga tekstong pinagkukunan para sa pag-aaral ng Islam, tr. and ed. by Andrew Rippin and Jan Knappart)


[4]


 Ang argumento ay ginawa ni 


 al-Khattabi (d.388 AH).


Ang mga Saksi ni Jehova (JW) ay isang pandaigdigang relihiyon na may mga miyembro sa higit sa 200 na mga bansa. Ito ay isang denominasyong Kristiyano, ngunit maraming mga pangunahing Kristiyano ang mariing tumututol sa paniniwala ng JW. Ayon sa Orthodox Presbyterian Church, "Ang mga Saksi ni Jehova ay may isang huwad na relihiyong Kristiyano. Nangangahulugan na nagpapanggap itong Kristiyanismo, ngunit sa katotohanan ay hindi. Ang kanilang mga turo at kasanayan ay hindi naaayon sa Banal na Kasulatan”.[1]





Sa unang bahagi natutunan natin nang kaunti ang tungkol sa kasaysayan ng relihiyong JW at natuklasan na sila ay medyo bagong relihiyon, na nabuo noong 1870. Nabanggit natin ng konti ang kanilang mga paniniwala at ang kanilang pagkahumaling sa mga teorya ng Katapusan ng mga Araw at ngayon sa pangalawang bahagi ay higit pa nating sasaliksikin ng mas malalim ang maraming mga hula sa pagtatapos ng mga araw na hindi naganap.





 Ang pag-aaral ng Katapusan ng mga Araw, na mas tamang tawagin na eschatology, ay ang sentro ng paniniwala ng JW. Ang pinagmulan nito ay tila nagmula sa mga paniniwala na itinaguyod ni Nelson Horatio Barbour, isang maimpluwensyang Adbentistang manunulat at tagapaglathala, na mas kilala sa kanyang kauganayan kay Charles Taze Russel, na sa kalaunan ay naging kasalungat. Ang sumusunod ay isang pinaikling paliwanag tungkol sa mga orihinal na eskatolohikal na paniniwala ng JW tulad ng ipinaliwanag sa kanilang website.





“Ang Ikalawang Adbentista na nauugnay kay Nelson H. Barbour ay umaasa sa isang nakikita at dramatikong pagbabalik ni Kristo noong 1873, at kalaunan noong 1874. Sumang-ayon sila sa iba pang mga grupo ng Adbentista na ang "oras ng katapusan" (tinatawag din na "mga huling araw") ay nagsimula na noong 1799. Hindi nagtagal matapos ang pagkabigo noong 1874, tinanggap ni Barbour ang ideya na si Kristo ay talagang bumalik sa lupa noong 1874, ngunit hindi nakikita. Ang 1874 ay itinuturing na pagtatapos ng 6,000 taon ng kasaysayan ng tao at ang simula ng paghatol ni Kristo. Si Charles Taze Russell at ang pangkat na kalaunan ay nakilala bilang mga Estudyante ng Bibliya ay tinanggap ang mga pananaw na ito mula kay Barbour."[2]





“Ang Armageddon ay magaganap noong 1914. Mula 1925–1933, lubhang binago ng Watchtower Society ang kanilang mga paniniwala matapos ang kabiguan ng mga inaasahan para sa Armageddon noong 1914, 1915, 1918, 1920, at 1925. Noong 1925, ipinaliwanag ng Watchtower ang isang malaking pagbabago na si Kristo ngayon ay iniluklok bilang Hari sa langit noong taong 1914 sa halip na 1878. Noong 1933, ito ay  malinaw na itinuro na si Kristo ay bumalik nang hindi nakikita noong 1914 at ang "mga huling araw" ay nagsimula din noon.”[3]





Ang mga pananaw na ito ay lubhang naiiba mula sa kung ano ang itinataguyod ng JW ngayon at talagang nakapagtataka na tila wala silang problema sa mga pangunahin at makabuluhang pagbabago sa kanilang sistema ng paniniwala. Ang 1914 na marahil ang pinakamahalagang petsa sa eschatology ng JW. Ito ang unang petsa ng Armageddon na hula ni Russell[4], ngunit ng hindi ito naganap ito ay binago "na ang mga taong nabuhay noong 1914 ay buhay pa rin sa oras ng Armageddon"; subalit noong 1975 ang mga taong ito ay mga mamamayang may-edad na.





“Sa panahon ng 1960 at unang bahagi ng 1970, maraming mga Saksi ang pinasigla ng mga artikulo sa kanilang panitikan at higit pang hinikayat ng mga tagapagsalita sa kanilang mga pagtitipon bago ang 1975, upang maniwala na ang Armageddon at milenyong paghahari ni Kristo ay magsisimula ng 1975. Bagaman ang pananaw ng Armageddon at ang milenyong simula ni Kristo noong 1975 ay hindi ganap o malinaw na suportado ng Watch Tower Society, marami sa departamento ng pagsusulat ng mga organisasyon, pati na rin ang ilang nangungunang mga Saksi, mga Nakatatanda, at mga punong tagapangasiwa sa samahan, ay mabigat na iminungkahi na ang milenyong paghahari ni Kristo sa buong mundo ay magsisimula sa taong 1975.”





Humantong noong 1975 na ipinagbili ng JW ang kanilang mga tahanan, umalis sa kanilang mga trabaho, padalus-dalos na ginastos ang kanilang mga ipon, o naipon ang libu-libong dolyar na utang. Gayunpaman lumipas ang 1975 nang walang mahalagang pangyayari. Matapos na walang kaganapang ganito maraming tao ang umalis sa JW, ayon sa ilang mga JW mismo umabot hanggang 1979 bago nagsimulang makabawi at dumami muli ang kanilang mga bilang. Opisyal na pinananatili ng mga Saksi na darating ang Armageddon habang ang henerasyon na nakakita noong 1914 ay nananatiling buhay. Pagsapit ng 1995, dahil sa mabilis na pagbaba ng populasyon ng mga miyembro na buhay noong 1914, napilitang opisyal na alisin ng JW ang isa sa kanilang pinakakilalang katangian.





Ngayon ipinaglalaban ng mga Saksi na ang 1914 ay isang mahalagang taon, na minamarkahan ang pagsisimula ng "mga huling araw." Ngunit hindi na nila itinalaga ang anumang palatakdaan ng oras sa pagtatapos ng "mga huling araw," mas pinipiling sabihin ngayon na ang anumang henerasyon na nabuhay mula noong 1914 ay maaaring makita ang Armageddon. Ang Armagedon ay naiintindihan na ang pagkawasak ng lahat ng mga gobyernong nasa lupa sa pamamagitan ng Diyos, at pagkatapos ng Armageddon, palalawakin ng Diyos ang kanyang makalangit na kaharian at isasama ang lupa.[5]





Naniniwala ang JW na ang mga patay ay unti-unting mabubuhay sa "araw ng paghuhukom" na tatagal ng isang libong taon at ang paghatol na ito ay batay sa kanilang mga gawa pagkatapos ng muling pagkabuhay, hindi sa mga nakaraang gawa. Sa pagtatapos ng libong taon isang huling pagsubok ang magaganap kapag ibinalik na si Satanas upang mailigaw ang perpektong sangkatauhan at ang magiging resulta ay isang ganap na sinubok, niluwalhating sangkatauhan.[6]





Paano maihahambing sa Islam ang kahulugang ito ng "mga huling araw"? Ang pinakamahalaga at malinaw na pagkakaiba ay hindi hinuhulaan ng Islam ang petsa kung saan magsisimula ang mga huling araw o hindi rin nito hinuhulaan ang petsa para sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung kailan ito magaganap.





Tatanungin ka ng mga tao tungkol sa oras, sabihin mo, 'ang kaalamanng ito ay sa Diyos lamang’. (Quran 33:63) 





Katotohanan, ang Oras ay paparating na, at ito ay aking sinadyang  ilingid upang bawat tao ay makatanggap ng kanyang gantimpala ayon sa kanyang pinagsumikapan. (Quran 20:15)





"Wala sa langit at lupa ang nakakaalam sa mga nakalingid maliban sa Diyos, at hindi nila malalaman kung kailan sila bubuhaying muli."(Quran 27:65)





Ang isa pang malinaw na pagkakaiba ay ang konsepto ng Huling Araw, habang ang mga Kristiyano at huwad na mga Kristiyano ay naniniwala sa isang pangwakas na labanan sa pagitan ng mabuti at masama, na kilala bilang Armageddon, walang ganoong bagay sa Islam. Itinuturo ng Islam na ang kasalukuyang daigdig na ito ay nilikha na may isang tiyak na pagsisimula at magkakaroon ng isang tiyak na pagtatapos na mamarkahan ng mga kaganapan sa eskatolohiko. Kasama sa mga kaganapang ito ang pagbabalik ni Hesus. Ang oras ng kasaysayan ay magwawakas at susundan ng isang muling pagkabuhay ng lahat ng mga tao at isang panghuling paghuhukom.





Sa pangatlong bahagi ay tatalakayin natin ang iba pang mga paniniwala na waring katulad ng sa Islam ngunit walang pangunahing konsepto na katanggap-tanggap sa mga Muslim. Susubukan din nating tingnan kung bakit ang ilan sa mga paniniwalang ito ay humantong sa pagtanggi ng maraming mga denominasyong Kristiyano sa mga Saksi ni Jehova na nag-aangking isang Kristiyanong pangkat.


Ang mga Saksi ni Jehova (JW's) ay isang denominasyong Kristiyano na may maraming paniniwala na namumukod-tangi mula sa kasalukuyang Kristiyanismo. Kilala sila sa kanilang malakas na ebanghelismo, ang kanilang pagiging abala sa pagtatapos ng mga araw at ang kanilang natatanging pagsasalin ng Bibliya na tinawag na "New World Translation of the Holy Scriptures". Sa konklusyon na ito ng ating pag-aaral sa di gaanong  nauunawaang relihiyon na kilala bilang mga Saksi ni Jehova ay titingnan natin ang ilang paniniwala na waring kapareho ng Islam. 





Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na si Hesus ay hindi Diyos. Ito ay isang pahayag na nagpapagalit ng karamihan sa mga Kristiyano at naghantong sa marami upang ipahayag na ang mga saksi ni Jehova ay mga huwad na Kristiyano. Sa mga Muslim, gaya ng alam natin ay ipinahayag na si Hesus ay hindi Diyos, samakatuwid ang pagbabasa lamang ng isang maliit na pahayag na ito ay maaaring humantong sa isang Muslim na sabihing, "Oh ito ay katulad din sa amin". Ngunit pareho nga ba? Magsaliksik tayo ng kaunti pa sa kanilang paniniwala tungkol sa tungkulin ni Hesus.





Hinatulan ng JW ang Trinidad na isang paganong idolatriya at alinsunod nito ay itinanggi ang pagka-Diyos ni Hesus. Gayunpaman naniniwala sila na kahit si Hesus ay anak ng Diyos ay mas mababa siya sa Diyos. Dito ang pagkakapareho sa Islam ay biglang nagtatapos. Sinasabi ng Diyos sa isa sa mga pinakadakilang talata ng Quran na hindi  Siya nagka-anak!





Sabihin mo (O Muhammad): “Siya ang Diyos, (ang) Nag-iisa. Ang Ganap na Panginoon. Hindi Siya nagkaanak, at hindi Siya ipinanganak. At walang makakapantay o maihahalintulad sa Kanya.” (Quran 112)





Bilang karagdagan dito sa depektebong pangunahing pag-unawa sa likas na katangian ng Diyos, naniniwala rin ang JW sa iba pang mga kakatwang (para sa mga Muslim) na pag-angkin. Inaangkin nila na ang buhay ni Hesus, o sa tawag ng mga JW ay kanyang alay,  naging "pantubos" na kabayaran upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Ang Diyos, ayon sa kanila, ay nilikha ang lahat ng nasa Langit at nasa Lupa sa pamamagitan ni Kristo, ang "bihasang manggagawa," tagapaglingkod ng Diyos.[1] Sa kanilang sariling panitikan, tinukoy ng JW si Hesus bilang "Kanyang (Diyos) unang nilikhang espiritu, ang punong manggagawa, si Hesus bago naging tao”[2]. Nagpatuloy sila sa pagsasabing pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Hesus sa pamamagitan ng Diyos, ay "itinaas" sa isang antas na mas mataas kaysa sa isang anghel. Ang pagpapabulaan dito ay matatagpuan sa sariling mga salita ng Diyos sa Quran.





“Siya ang Tagapagsimula ng mga kalangitan at ng kalupaan. Paano Siya magkakaroon ng mga anak gayong wala Siyang asawa? Nilikha Niya ang lahat ng mga bagay at Siya ang may Alam ng lahat. Ganito ang Diyos, iyong Panginoon! Wala ng ibang dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Lumikha ng lahat ng mga bagay.” (Quran 6:101-102)





Ang ideya na si Hesus ang pantubos upang mailigtas ang ating mga kaluluwa o patawarin ang ating mga kasalanan ay isang konsepto ng ganap na kamangmangan sa paniniwala ng Islam.





“O mga tao ng Banal na Kasulatan! Huwag magmalabis sa mga hangganan ng iyong relihiyon, o magsabi ng anumang tungkol sa Diyos kundi ang katotohanan. Ang Messiah na si Hesus, anak ni Maria, ay isang Sugo ng Diyos at ang Kanyang Salita ('Maging!' - at naging siya), na ipinagkaloob Niya kay Maria at isang kaluluwa na nilikha Niya; kaya maniwala sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo. Huwag sabihing, 'Trinidad!' Manahimik; ito ay mas mainam para sa iyo! Sapagkat ang Diyos ay Iisang Diyos, malayo Siya sa bawat di-kasakdalan, Higit Siyang mataas kaysa sa pagkakaroon ng isang anak na lalaki. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa mundo. At ang Diyos ay Sapat bilang isang Tagapamagitan ng mga gawain.” (Quran 4:171)





Ang paniniwala na ang orihinal na kasalanan ay nagdulot sa mga tao na manahin ang kamatayan at kasalanan ay malayo din sa mga turo ng Islam. Itinuturo sa atin ng Islam na ang tao ay ipinanganak nang walang kasalanan at likas na mahilig sumamba sa Diyos lamang (nang walang anumang tagapamagitan). Upang mapanatili ang estado ng walang kasalanan ang tao ay kailangang sundin ang mga utos ng Diyos at magsikap na mamuhay sa isang matuwid na buhay. Kung ang isang tao ay nahulog sa kasalanan, ang kailangan lamang ay taimtim na pagsisisi. Kapag nagsisi ang isang tao, pinapawi ng Diyos ang kasalanan na para bang hindi ito nagawa.





Itinuturo ng mga saksi ni Jehova na walang kaluluwa na mananatili pagkatapos ng kamatayan at babalik si Hesus upang buhayin ang mga patay, ibabalik ang kaluluwa at katawan. Ang mga hinusgahan na matuwid ay bibigyan ng buhay na walang hanggan sa mundo (na magiging isang paraiso). Ang mga hinusgahan na di-matuwid ay hindi mahihirapan, ngunit mamamatay at titigil sa pag-iral. Ano ba talaga ang sinasabi ng Islam tungkol dito?





Ayon sa Islam, ang buhay ay magpapatuloy sa libingan pagkatapos malibing ang katawan. Ang kaluluwa ng isang matapat na tao, ay madaling natatanggal mula sa katawan, binibihisan ng isang makalangit at may masarap na amoy na damit at dinadala sa pitong kalangitan. Ang kaluluwa ay ganap na ibabalik sa libingan, at isang pintuan sa Paraiso ang bubuksan para sa tao, at ang simoy nito ay lalapit sa kanya, at maaamoy niya ang halimuyak nito. Bibigyan siya ng magagandang balita ng Paraiso at masasabik siyang magsimula ang Oras. Ang kaluluwa ng taong hindi naniniwala, sa kabilang banda, ay tinatanggal mula sa katawan nito na may matinding pakikibaka ngunit sa huli ay ganap na ibabalik din sa katawan. Ang tao ay pahihirapan sa libingan hanggang magsimula ang Oras.





“At ang pagtimbang sa araw na iyon (Araw ng Muling Pagkabuhay) ay magiging tunay na pagtimbang. Kaya para sa mga ang timbangan (ng mabubuting gawa) ay mabigat, sila ay magiging matagumpay sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso. At tungkol sa mga magaan ang timbang, sila ay yaong mawawala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa Impiyerno.” (Quran 7:8-9)





Para sa kanilang karangalan ang JW ay iniiwasan ang mga pag-uugali na hindi gusto ng Diyos, kasama na ang pagdiriwang ng mga kaarawan at mga kapistahan na nagmula sa mga maling relihiyon. Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi ipinagdiriwang ang kanilang sariling kaarawan, sapagkat ito ay itinuturing na isang pagluwalhati ng isang tao kaysa sa Lumikha. Ang mga pahayag na ito ay tiyak na sumasalamin sa paniniwala ng Islam. Gayunpaman, dahil sa ang pangunahing konsepto ng JW sa Kaisahan ng Diyos ay mali ang kanilang moral na pag-uugali at pagpapahalaga ay walang gaanong halaga. Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos ang tungkol sa mga pinakamalaking kawalan sa Araw ng Paghuhukom.





“Sasabihin ba namin sa iyo ang pinakatalunan tungkol sa (kanilang) gawa? (sila) na ang kanilang mga pagsisikap ay nasayang sa buhay na ito habang inaakala nila na nagkakamit sila ng mabuti sa kanilang mga gawa. Sila yaong mga tumatanggi sa mga patunay, katibayan, talata, aralin, palatandaan, paghahayag, atbp ng kanilang Panginoon at ang Pakikipagharap sa Kanya (sa Kabilang Buhay). Kaya ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, hindi tayo magtatalaga ng timbangan para sa kanila.” (Quran 18: 103-105)





Ayon sa napag-alaman natin na kahit  sa unang tingin ang mga Saksi ni Jehova ay tila may isang sistema ng paniniwala na tumutugma sa paniniwala ng Islam, ito ay malayo sa katotohanan. Ang maingat na pagsasaalang-alang ay nagpapakita ng mga kakulangan at pagkakamali sa kanilang pangunahing mga teyoriya. Lumilitaw na ang mga Saksi ni Jehova ay may kaunting pagkakatulad sa alinman sa Islam o Kristiyanismo. Ang kanilang mga teorya ng Langit at Impiyerno, ang Pagiging isa ng Diyos, ang Trinidad at paglikha ng Sanlibutan ay hindi katanggap-tanggap sa mga Muslim at lumilitaw na hindi rin sila katanggap-tanggap sa karamihan ng mga denominasyong Kristiyano.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG