Ang Bibliya ay banal na kasulatan ng mga Hudaismo at Kristyanismo. Ang Bibliya ng Kristiyano ay binubuo ng Lumang Tipan at Bagong Tipan, at kabilang din ang Romanong Katoliko at Silangang bersyong Orthodox ng Lumang Tipan na bahagyang mas malaki dahil sa kanilang pagtanggap ng mga ilang aklat na hindi tinanggap na banal na kasulatan ng mga Protestante. Ang Bibliya ng mga Hudyo ay naglalakip lamang ng mga aklat na kilala ng mga Kristiyano sa tawag na Lumang Tipan. Bukod dito, ang pag-kakaayos at panuntunan ng mga Hudyo at Kristyano ay malaki ang pagkakaiba. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nahulaan na sa parehong tipan, sa Luma at sa Bagong Tipan.
Si Hesus at ang mga apostol ay pinaniniwalaang nagsasalita ng lenggwaheng Arameo. Ang Aramaeo (Aramaic) ay patuloy na malawakang ginamit hanggang sa AD 650, na kung saan ito ay napalitan ng Arabe. [2] Ang pangkasalukuyang Bibliya gayunpaman ay hindi base sa manuskritong Arameo o Aramaic, kunn hindi sa Greko at Latin na bersyon.
Ang pagsipi sa mga propesiya sa Bibliya ay hindi ibig sabihin ng pagtanggap ng mga Muslim sa pangkasalukuyang Bibliya sa kabuuan nito bilang kapahayagan ng Diyos. Para sa Islamikong paniniwala sa mga nakaraang mga banal na aklat, ay pumindot lamang [dito].
Ito ay hindi paunang kondisyon ng pangtanggap na ang isang propeta ay hinulaan ng isang naunang propeta. Si Moises ay propeta na ipinadala kay Paraon kahit na siya ay hindi nahulaan ng sinuman sa mga nauna sa kanya. Si propeta Abraham ay propeta ng Diyos na ipinadala kay Namrod, gayon pa man ay walang nakahula ng kanyang pagdating. Sina Propeta Noah, Lot at iba pa ay totoong mga propeta ng Diyos. Gayon pa man ay hindi sila nahulaan. Ang patunay ng pagiging isang totoong propeta ay hindi limitado sa mga naunang propesiya, kundi kasama nito ang aktuwal na mensahe na dinala niya, mga himala at iba pa.
Ang pagtalakay sa mga propesiya ay isang masilang bagay. Nangangailangan ito ng pagsala mula sa mga bersyon ng Bibliya at pagsasalin, sa bagong tuklas na manuskrito at pagsisiyasat sa Hebrew, Greko at Arameo (Aramaic) na mga salita at pag iimbistiga sa mga ito. Nagiging mas mahirap ang gawain lalo: na "bago ang pag-imprinta (noong ika 15 siglo), lahat ng mga kopya ng mga Bibliya ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng mga teksto." [3] Ito ay hindi madaling paksa para sa ordinaryong mga tao. Sa kadahilanang ito, ang pinaka mainam na testimonya ay mula sa sinauna at makabagong mga bihasa sa mga lugar na tumanggap o kumilala sa propesiya.
Mayroon kaming mga talaan ng mga naunang Hudyo at mga Kristyano, parehong monghe at mga rabbis ( guro ng mga Hudyo), kung saan sila ay nagpatunay na si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay ang katuparan ng mga tiyak na propesiya sa Bibliya. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng mga tao na ito.
Ang Hinihintay na Propeta
Bago ang Islam ang mga Hudyo at Kristyano ng bansang Arabya ay naghihintay ng propeta. Bago pa man ang paglitaw ni propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang bansang Arabya ay tahanan na ng mga Hudyo at Kristyano at mga Paganong Arabo, na kung minsan ay nagdidigmaan sa bawat isa. Ang mga Hudyo at Kristyano ay sasabihin: "Napapanahon na ng paglitaw ng propetang hindi makabasa at makasulat, na siyang magbabalik ng relihiyon ni Abraham. Sasama kami sa kanyang hanay, at magsasagawa kami ng matinding pakikidigma laban sa inyo." Noong si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay lumitaw na, ang ilan sa kanila ay naniwala sa kanya, at ang iba ay tumanggi. Kung kaya't ang Diyos ay nagwika:
"At nang dumating sa kanila ang Aklat (Quran) mula sa Diyos na nagpapatunay sa anumang nasa kanila (Torah at Injeel), bagama't noon ay kanilang ipinapanalangin ang tagumpay laban sa mga hindi naniniwala - subalit [noon], ng may dumating sa kanila na kanilang nakilala (si Muhammad bilang sugo), sila ay hindi naniwala rito; kaya ang sumpa ng Allah ay para sa mga di-naniniwala." (Quran 2:89)
Ang unang nagpatunay sa propesiya kay propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay si Buhaira, isang Kristyanong Monghe, na nakakaalam ng pagiging propeta ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) noong siya ay bata pa lamang ay kanyang sinabihan ang tyuhin ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):
"…Isang malaking swerte ang naka-antabay sa hinaharap para sa iyong pamangkin, kaya iuwi mo na agad siya sa iyong tahanan."[4]
Ang pangalawang nagpatunay ay si Waraqah ibn Nawfal, isang Kristyanong iskolar na namatay pagkaraan ng isang masinsinang pagpupulong kasama si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Si Waraqah ay nagpatunay na si propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay siyang propeta sa kanyang panahon, at nakatanggap ng tiyak na kapahayagan katulad ng kapahayagan kay Moises at Hesus.[5]
Ang mga Hudyo sa Madina ay sabik na sabik sa paghihintay sa pagdating ng propeta. Ang pangatlo at pang-apat na nagpatunay ay ang kanilang dalawang tanyag na Hudyong rabbis, na sina Abdullah ibn Salam at Mukhayriq.[6]
Ang pang-anim at pang-pitong nagpatunay ay pawang mga Hudyong rabbis rin na taga bansang Yemen, sina Wahb ibn Munabbih at Ka'ab Al-Ahbar (d. 656 CE). Natagpuan ni Ka'ab ang mahabang mga sipi ng papuri at ang paglalarawan ng propetang hinulaan ni Moises sa Bibliya.[7]
Ang Quran ay nagwika:
"At hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga pantas mula sa angkan ng Israel ay nakakaalam (na ito ay katotohanan)?"(Quran 26:197)
Mga Talababa:
[1] "Bible." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9079096)
[2] "Aramaic language." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-9009190)
[3] "biblical literature." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-73396)
[4] ‘Muhammad: Ang Kanyang Buhay base sa mga Sinaunang Mga Mapagkukunan’ ni Martin Lings, p. 29. ‘Sirat Rasul Allah’ by Ibn Ishaq translated by A. Guillame, p. 79-81. ‘Ang Quran At Ang Mga Ebanghelyo: Isang Paghahambing na Pag-aaral,’ p. 46 by Dr. Muhammad Abu Laylah of Azhar University.
[5] ‘Muhammad: Ang Kanyang Buhay base sa mga Sinaunang Mga Mapagkukunan’ ni Martin Lings, p. 35.
[6] ‘Ang Quran At Ang Mga Ebanghelyo: Isang Paghahambing na Pag-aaral,’ p. 47 ni Dr. Muhammad Abu Laylah of Azhar University.
[7] ‘Ang Quran At Ang Mga Ebanghelyo: Isang Paghahambing na Pag-aaral ,’ p. 47-48 ni Dr. Muhammad Abu Laylah of Azhar University.
Deuteronomio 18:18 "Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng Aking iuutos sa kaniya."
Maraming mga Kristiyano ang naniniwala na ang propesiya na ito ni Moises ay para kay Hesus. Katiyakan si Hesus ay hinulaan sa Lumang Tipan, ngunit kagaya ng lilinawin natin, ang propesiya na ito ay hindi umaangkop sa kanya, datapwa't ito ay higit na karapat-dapat kay Muhammad, (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala). Hinulaan ni Moises ang mga sumusunod:
1. Ang Propeta Ay Kagaya Ni Moises
PROPESIYA SA LUMANG TIPAN TUNGKOL KAY MUHAMMAD
Marka:Sukat ng Font:
Paglalarawan: Ang katibayan sa Bibliya na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi huwad na propeta. Ika 2 bahagi: Ang talakayan sa propesiya na binanggit sa Deuteronomio 18:18, at kung paano si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay angkop o akma sa mga propesiyang ito higit kesa sa iba.
KATEGORYA:Mga artikulo Katibayan na Islam ang Totoo Si Muhammad sa Bibliya at sa Iba pang mga Banal na KasulatanKATEGORYA:Mga artikulo Paghahambing ng Relihiyon Ang BibliyaKATEGORYA:Mga artikulo Ang Propetang si Muhammad Katibayan ng Kanyang pagiging PropetaKATEGORYA:Mga artikulo Katibayan na Islam ang Totoo Katibayan ng Pagiging Propeta ni Muhammad
Ni Imam MuftiNailathala noong 24 Aug 2020Huling binago noong 24 Jun 2019Nag-print: 2Tumingin: 778 (karaniwan sa araw-araw: 5)Marka: Hindi pa na markahanNag-marka: 0Nag-email: 0Nag-komento: 0
Deuteronomio 18:18 "Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng Aking iuutos sa kaniya."
Maraming mga Kristiyano ang naniniwala na ang propesiya na ito ni Moises ay para kay Hesus. Katiyakan si Hesus ay hinulaan sa Lumang Tipan, ngunit kagaya ng lilinawin natin, ang propesiya na ito ay hindi umaangkop sa kanya, datapwa't ito ay higit na karapat-dapat kay Muhammad, (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala). Hinulaan ni Moises ang mga sumusunod:
1. Ang Propeta Ay Kagaya Ni Moises
.
Mga Paghahambing
Moises
Hesus
Muhammad
Pagsilang
normal na pagsilang
mahimala, isinilang ng birhen
normal na pagsilang
Misyon
propeta lang
sinasabing Anak ng Diyos
propeta lang
Mga Magulang
ama at ina
ina lamang
ama at ina
Buhay Pamilya
may asawa at mga anak
hindi nag-asawa
may asawa at mga anak
Pagtanggap ng mga kababayan
Tinanggap siya ng mga Hudyo
Itinakwil siya ng mga Hudyo[1]
Tinanggap siya ng mga Arabo
Pampulitikang Pamamahala
Si Moises ay namuno (Num 15:36)
Si Hesus ay tinanggihan ito[2]
Si Muhammad ay namuno
Tagumpay laban sa mga kaaway
Si Paraon ay nalunod
sinasabing naipako sa krus
Natalo ang mga taga Makkah
Kamatayan
karaniwang kamatayan
inangking naipako sa krus
karaniwang kamatayan
Paglilibing
nailibing sa hukay
walang laman ang libingan
nailibing sa hukay
Kabanalan
hindi banal
banal sa mga Kristiyano
hindi banal
Edad ng Magsimula sa Misyon
40
30
40
Pagkabuhay na muli sa lupa
hindi nabuhay muli
inangking nabuhay na muli
hindi nabuhay muli
2. Ang Hinihintay na Propeta ay Magmumula sa Kapatid ng mga Hudyo
Ang talata na pinag-uusapan ay maliwanag sa pagsasabi na ang propeta ay magmumula sa Kapatid ng mga Hudyo. Si Abraham ay mayroong dalawang anak; si Ismael at Isaak. Ang mga Hudyo ay ang mga inapo ng anak ni Isaak, na si Hakob. Ang mga Arabo ay mga anak ni Ismael. Kung magkagayun, ang mga Arabo ay ang kapatid ng bansang Hudyo.[3] Pinatunayan ito ng Bibliya:
‘At siya'y (Ismael) maninirahan sa pagitan ng lahat ng kanyang mga kapatid.’ (Genesis 16:12)
‘At siya'y (Ismael) pumanaw sa harap ng lahat ng kanyang mga kapatid.’ (Genesis 25:18)
Ang mga anak ni Isaak ay kapatid ng mga Ismaelita. Kagaya rin naman na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay mula sa mga kapatid ng mga Israelita, dahil siya ay inapo ni Ismael na anak ni Abraham.
3. Ilalagay ng Diyos Ang Kanyang Mga Salita sa Bibig ng Hinihintay na Propeta
Ang Quran ay nagwika patungkol kay Muhammad:
"Hindi siya nagsalita ng ayon sa kanyang sariling kalooban; na [siyang ipinarating sa inyo] bagkus ito ay isa lamang (inspirasyon) kapayahagan na ipinahayag sa kanya." (Quran 53:3-4)
Ito ay halos kapareho ng talata sa Deuteronomio 18:18:
"Aking palilitawin sa pagitan nila ang isang propeta na magmumula sa kanilang mga kapatid, na gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasabihin sa kanila ang lahat ng Aking ipag-uutos sa kaniya" (Deuteronomio 18:18)
Ang Propeta Muhammad ay dumating na may mensahe para sa buong mundo, at mula sa kanila, na mga Hudyo. Lahat, kabilang ang mga Hudyo, ay dapat tanggapin ang kanyang pagkapropeta, at ito ay pinagtitibay ng mga sumusunod na mga salita:
" Ang DIYOS na iyong Panginoon ay magbabangon ng isang Propeta sa pagitan ninyo, na iyong kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo ay makikinig" (Deuteronomio 18:15)
4. Isang Babala sa mga Nagtatatwa
Ang propesiya ay nagpatuloy:
Deuteronomio 18:19 "At mangyayari, [na] sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa pangalan ko, ay Aking hihingiin [yaon] sa kaniya." (sa ibang mga salin: "Ako ang magiging Tagapaghiganti").
Nakakamangha, na ang mga Muslim ay nagsisimula sa bawat kabanata ng Quran sa pangalan ng Diyos sa pagsasabi ng:
Bismillah ir-Rahman ir-Raheem
"‘Sa Ngalan ng Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamapagpala."
Ang mga sumusunod ay mga pahayag ng ilang mga pantas na naniniwalang ang propesiya na ito ay angkop kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Ang Unang Saksi
Si Abdul-Ahad Dawud, ang dating si Rev. David Benjamin Keldani, BD, isang Romano Katolikong pari ng sektang Uniate-Chaldean (basahin ang talambuhay niya dito). Pagkatapos tanggapin ang Islam, siya ay sumulat ng aklat na, ‘Muhammad in the Bible.’ Isinulat niya ang tungkol sa propesiya na ito:
"Kung ang mga katagang ito ay hindi angkop kay Muhammad, ito ay mananatili pa ring hindi naganap. Si Hesus mismo ay hindi inangkin na siya ang propetang tinutukoy na ito. Kahit ang kanyang mga disipulo ay pareho ang opinyon: sila ay umaasa sa pangalawang pagbabalik ni Hesus para sa kaganapan ng propesiya (Mga Gawa 3:17-24). Hanggang ngayon ay wala pa ring alinlangan na ang unang pagdating ni Hesus ay hindi ang paglitaw ng Propeta na kagaya niya at ang kanyang pangalawang pagdating ay napakahirap na iugnay kung ang pagbabasehan ay ang mga salaysay. Si Hesus, gaya ng pinaniniwalaan ng kanyang simbahan, ay lilitaw bilang isang hukom at hindi bilang isang mambabatas; ngunit ang ipinangako na darating ay isa na may "mahigpit na batas (fiery law)" sa kanyang kanang kamay."[4]
Ang Pangalawang Saksi
Si Muhammad Asad ay isinilang sa Leopold Weiss noong Hulyo 1900 sa lungsod ng Lvov (German Lemberg), ngayon ay nasa Poland, noon ay bahagi ng Imperyong Austria. Siya ay inapo ng mahabang hanay ng mga rabi, ang linya ay naputol sa kanyang ama, na naging isang manananggol o abugado. Si Asad mismo ay tumanggap ng isang puspusang edukasyong pangrelihiyon na nagkwalipika sa kanya para panatilihin sa kanyang pamilya ang tradisyong rabinikal. Siya ay naging dalubhasa sa Hebreo sa murang edad at ganundin sa Aramaic. Pinag-aralan niya ang Lumang Tipan sa orihinal nitong teksto gayundin ang teksto at mga komentaryo ng Talmud, ang Mishna at Gemara, at siya ay detalyadong nagsaliksik sa kritikal na mga eksplinasyon ng Bibliya at Targum.[5]
Komentaryo sa talata ng Quran:
"Huwag ninyong haluan ang katotohanan ng kasinungalingan ni itago ang katotohanan samantalang kayo ay nakaaalam." (Quran 2:42)
Si Muhammad Asad ay sumulat:
"Sa 'paghahalo sa katotohanan ng kasinungalingan' ay para sa pagdungis sa teksto ng Bibliya, kung saan ang Quran ay madalas na inaakusahan ang mga Hudyo (na kung saan ay napatunayan sa paglayong punahin ang mga teksto), habang ang 'pagtatago sa katotohanan' ay tumutukoy sa kanilang pagbalewala o sinasadyang pagkakamali sa pagpapakahulugan sa mga kataga ni Moises sa mga talata ng Biblia, 'Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig; (Deuteronomio 18:15), at sa mga kataga na iniuugnay mismo sa Diyos, 'Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng Aking iuutos sa kaniya' (Deuteronomio 18:18). Ang 'kapatid' ng mga anak ng Israel ay malinaw namang ang mga Arabo, at partikular na ang musta'ribah ('Arabianized') na grupong kabilang sa kanila, na matutuntun ang pinagmulan nito kay Ismael at Abraham: at dahil ito ang grupo ng sariling tribu ng Propetang Arabo, ang Quraish, kung saan ito napapabilang, ang nasa taas na mga talata ay tunay na nagtutukoy sa kanyang (Muhammad) pagdating"[6]
Juan 14:16 "at Hihiling ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng ibang tagapayo upang siya ay manatili sa inyo magpakailanman." (American Standard Version)
Sa talatang ito, ipinangako ni Hesus na ang isa pang "Tagapayo" ay lilitaw, at sa gayon, dapat nating pag-usapan ang ilang mga isyu tungkol sa "Tagapayo."
ang salitang Griyego na paravklhtoß, ho parakletos, ay naisalin bilang ‘Tagapayo.’ ang Parakletos na mas tiyak na nangangahulugang ‘siyang humihingi ng dahilan ng iba, isang tagapamagitan.’[1] Ang ho parakletos ay isang tao sa wikang Griyego, hindi nilalang na walang anyo. Sa wikang Griyego, ang bawat pangngalan ay nagtagtaglay ng kasarian; iyon ay, ito ay panlalaki, pambabae o neutral. Sa Ebanghelyo ni Juan, ang Mga Kabanata 14, 15 at 16 ang ho parakletos ay talagang isang tao. Ang lahat ng mga panghalip sa Griyego ay dapat sumang-ayon sa kasarian ng salitang tinutukoy nila at ang panghalip na "siya" ay ginagamit kapag tinutukoy ang parakletos. Ginagamit ng Bagong Tipan ang salitang pneuma, na nangangahulugang "hininga" o "espiritu," ang katumbas ng Griyego na ruah, ay ang salitang Hebreo para sa "espiritu" na ginamit sa Lumang Tipan. Ang Pneuma ay isang gramatikong neutral na salita at palaging kinakatawan ng panghalip na"ito."
Ang lahat ng mga kasalukuyang Bibliya ay naipon mula sa "sinaunang mga manuskrito," ang pinakaluma ay noon pang ika-apat na siglo C.E. Walang dalawang sinaunang mga manuskrito ang magkapareho .[2] Ang lahat ng mga Bibliya ngayon ay ginawa sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga manuskrito na walang isang tiyak na batayan. Tinangka ng mga tagasalin ng Bibliya na "piliin" ang tamang bersyon. Sa madaling salita, dahil hindi nila alam kung aling "sinaunang manuskrito" ang tama, nagpasya sila para sa atin kung aling "bersyon" mula sa mga talata ang tatanggapin. Kunin ang Juan 14:26 bilang isang halimbawa. Ang Juan 14:26 ay ang tanging talata ng Bibliya na nag-uugnay sa Parakletos sa Banal na Espiritu. Ngunit ang "sinaunang mga manuskrito" ay hindi sang-ayon na ang "Parakletos" ay ang ‘Banal na Espiritu.’ Halimbawa, ang sikat na Codex Syriacus, na isinulat noong ikalimang siglo C.E., at natuklasan noong 1812 sa Bundok Sinai, ang teksto ng 14:26 ay binabasa; na "Paraclete, ang Espiritu"; at hindi "Paraclete, ang Banal na Espiritu."
Bakit ito mahalaga? Ito ay makabuluhan sapagkat sa wikang bibliya ang "espiritu," ay nangangahulugang "isang propeta."
"Mga minamahal, huwag maniwala sa bawat espiritu, ngunit subukin ang mga espiritu kung sila ay mula sa Diyos: sapagkat maraming mga huwad na propeta ang lumabas sa mundo."[3]
Nakakadag-dag kaalaman na malaman na maraming mga iskolar sa bibliya na itinuturing na ang parakletos ay isang ‘malayang kaligtasan (pagkakaroon ng kapangyarihan upang makapagligtas) na pigura,’ hindi ang Banal na Espiritu.[4]
Kung gayon, ang tanong ay: ang Hesus na parakletos ba, ay Tagapayo, ‘Banal na Espiritu’ o isang tao - isang propeta - na susunod sa kanya? Upang masagot ang tanong, dapat nating maunawaan ang paglalarawan ng ho parakletos at tingnan kung umaangkop ito sa isang Espiritu o isang tao.
Kung patuloy nating babasahin ang kabila ng kabanata 14:16 at kabanata 16:7, ating matutuklasan na nahulaan ni Hesus ang mga tiyak na detalye ng pagdating at pagkakakilanlan ng parakletos. Samakatuwid, ayon sa konteksto ng Juan 14 & 16 natuklasan natin ang mga sumusunod na katotohanan.
1. Sinabi ni Hesus na ang parakletos ay isang tao:
John 16:13 "Siya ay magsasalita."
John 16:7 "…sapagka't kung hindi ako yayaon, ang Tagapayo ay hindi paririto sa inyo."
Imposibleng ang Tagapayo ay ang "Banal na Espiritu" sapagkat ang Banal na Espiritu ay matagal nang naroroon bago pa man dumating si Hesus at sa panahon ng kanyang ministeryo.[5]
Juan 16:13 Tinukoy ni Hesus ang parakletos bilang ‘siya’ at hindi ‘ito’ ng pitong beses, walang ibang talata sa Bibliya na naglalaman ng pitong panghalip na panglalaki. Samakatuwid, ang parakletos ay isang tao, hindi isang Espiritu.
2. Si Hesus ay tinawag na parakletos:
"At kung ang sinuman ay magkasala, ay mayroon tayong tagapamagitan (parakletos) sa Ama, si Hesu-Kristo ang matuwid." (1 Juan 2:1)
Dito makikita natin na ang parakletos ay isang pisikal at tagapamagitan ng tao.
3. Ang Pagkadiyos ni Hesus ay isang makabagong pagbabago
Si Hesus ay hindi tinanggap bilang banal hanggang sa Konseho ng Nicea, 325 CE, ngunit ang lahat, maliban sa mga hudyo, ay sumang-ayon na siya ay isang propeta ng Diyos, tulad ng ipinahiwatig ng Bibliya:
Mateo 21:11 "...ito ay si Hesus ang propeta na taga-Nazaret ng Galilea."
Lucas 24:19 "...Si Hesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Diyos at ng buong bayan."
4. Nanalangin si Hesus sa Diyos para sa isa pang parakletos:
Juan 14:16 "Hihiling ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng ibang parakletos."