Ang Sunnah ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay ang pangalawang kapahayagan na pinagkukunan ng Islam. Tulad ng Quran, ito ay naglalaman ng mga impormasyong pang-agham na hindi pa umiiral noong 1400 taon na ang nakalilipas. Mula sa mga himalang ito ay ang “pitong” kalupaan, na binanggit ng Propeta sa kanyang mga ilang kasabihan. Mula sa kanila ay ang dalawang sumusunod:
Hadith 1
Ito ay naisalaysay sa kapahintulutan ni Abu Salamah na ang isang pagtatalo ay namagitan sa kanya at ilan pang mga tao (tungkol sa isang bahagi ng lupa). Nang sabihin niya kay Aisha (ang asawa ng Propeta) ang tungkol dito, siya ay nagsabi, ‘O Abu Salamah! Iwasan mo ang pag-angkin ng lupa nang hindi makatarungan, sapagkat ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:
"Ang sinumang mangamkam ng kahit isang dangkal na lupain ng isang tao, ang ilalim nito hanggang sa ika-pitong kalupaan ay ipapaikot sa kanyang leeg." (Saheeh Al-Bukhari, ‘Book of Oppression.’)
Hadith 2
Isinalaysay ni Salim sa kapahintulutan ng kanyang ama na ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:
"Ang sinumang tumangan ng isang bahagi ng lupain ng iba nang hindi makatarungan, siya ay ilulubog sa pitong kalupaan sa Araw ng Muling Pagkabuhay." (Saheeh Al-Bukhari, ‘Book of Oppression.’)
Ang nasabing hadith ay nagbabawal sa pang-aapi sa pangkalahatan, lalo na ang pagkamkam ng isang bahagi ng lupain na pag-aari ng iba nang hindi makatarungan. Ano marahil ang tinutukoy na pitong kalupaan?
Napatunayan ng mga pag-aaral sa heolohiya na ang mundo ay binubuo ng pitong mga sona, na kinilala mula sa panloob hanggang sa panlabas na mga suson tulad ng mga sumusunod:
(1) Ang Matigas na Panloob na Pinakagitna ng Mundo: 1.7% na bunton o limpak ng Mundo; may lalim na 5,150 - 6,370 kilometro (3,219 - 3,981 milya)
Ang panloob na pinakagitna ay matigas at hindi nakakabit sa mantle, nakabitin sa tunaw na panlabas na pinakagitna (core). Ito ay pinaniniwalaang tumigas na resulta ng presyon na nagyeyelo na nangyayari sa karamihan sa mga likido kapag bumababa ang temperatura o tumataas ang presyon.
(2) Ang Likidong Panlabas sa pinakagitna (core): 30.8% na limpak o bunton ng Mundo; may lalim na 2,890 - 5,150 kilometro (1,806 - 3,219 milya)
Ang panlabas na pinakagitna (core) ay isang mainit, na kuryenteng dumadaloy na likido sa kung saan nangyayari ang paggalaw ng kombeksyon. Ang kondaktibong suson na ito ay sumasama sa pag-ikot ng Mundo upang lumikha ng isang dinamong epekto na nagpapanatili sa isang sistema ng mga de-kuryenteng alon na kilala bilang magnetic field ng Mundo. Ito rin ang may kagagawan ng banayad na pag-alog sa pag-ikot ng Mundo. Ang suson na ito ay hindi kasing lapot tulad ng purong tinunaw na bakal, na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng mas magaan na mga elemento. Sapantaha ng mga siyentipiko na halos 10% ng suson ay binubuo ng asupre at/o oxygen sapagkat ang mga elementong ito ay sagana sa kosmos at madaling matunaw sa tinunaw na bakal.
(3) Ang "D" na Suson: 3% na limpak o bunton ng Mundo; may lalim na 2,700 - 2,890 kilometro (1,688 - 1,806 milya)
Ang suson na ito ay 200 hanggang 300 kilometro (125 to 188 milya) ang kapal at bumubuo sa halos 4% ng mantle-crust mass. Bagama't madalas itong kinikilala bilang bahagi ng mas mababang mantle, ipinapahiwatig ng mga pagtigil ng paglindol na ang "D" na suson ay maaaring kemikal na naiiba mula sa mas mababang mantle na nakapatong sa itaas nito. Ipinapalagay ng mga siyentipiko na ang materyal ay maaring natunaw sa core, o nagawang lumubog sa mantle ngunit hindi sa core dahil sa kalaputan nito.
(4) Mas mababang Mantle: 49.2% na limpak o bunton ng Mundo; may lalim na 650 - 2,890 kilometro (406 -1,806 milya)
Ang mas mababang mantle ay naglalaman ng 72.9% ng mantle-crust mass at marahil ay karaniwang binubuo ng silikon, magnesium, at oxygen. Marahil naglalaman din ito ng ilang iron, calcium, at aluminum. Ginagawa ng mga siyentipiko ang mga pangangatwiran na ito sa pamamagitan ng pagpapalagay na ang Mundo ay may parehong kasaganaan at proporsyon sa mga kosmikong elemento tulad ng matatagpuan sa Araw at sa mga matatandang bulalakaw.
(5) Gitnang Mantle (Transisyon na rehiyon): 7.5% na limpak o bunton ng Mundo; may lalim na 400 - 650 kilometro (250-406 milya)
Ang transisyon na rehiyon o mesosphere (para sa gitnang mantle), kung minsan ay tinatawag na masaganang suson, ay naglalaman ng 11.1% ng mantle-crust mass at ang pinagmumulan ng mga basaltic magma. Naglalaman din ito ng calcium, aluminum, at garnet, na isang kumplikado na nagtataglay ng aluminum silicate na mineral. Ang suson na ito ay mabigat kapag malamig dahil sa garnet. Ito ay lumulutang kapag mainit dahil ang mga mineral na ito ay madaling matunaw upang makabuo ng basalt na pagkatapos ay maaaring pumaitaas patungo sa pang-itaas na mga suson bilang magma.
(6) Pang-itaas na Mantle: 10.3% na limpak o bunton ng Mundo; may lalim na 10 - 400 kilometro (6 - 250 milya)
Ang pang-itaas na mantle ay naglalaman ng 15.3% ng mantle-crust mass. Ang mga pira-piraso ay nahukay para sa ating pagsusuri mula sa mga sumabog na mga kabundukan at pagsabog ng bulkan. Ang Olivine (Mg,Fe)2SiO4 at pyroxene (Mg,Fe)SiO3 ay ang pangunahing mga mineral na matatagpuan sa ganitong paraan. Ito at ang iba pang mga mineral ay naninigas at nagiging mala-kristal sa mataas na temperatura; samakatuwid, ang karamihan ay humihiwalay mula sa tumataas na magma, maaaring bumubuo ng bagong materyal o hindi kailanman aalis mula sa mantle. Ang bahagi ng pang-itaas na mantle na tinatawag na asthenosphere ay maaaring bahagyang natunaw.
(7) Lithosphere
Pang-karagatang crust: 0.099% na limpak o bunton ng Mundo; may lalim na 0-10 kilometro (0 - 6 milya)
Ang matigas, panlabas na suson ng Mundo na binubuo ng crust at pang-itaas na mantle ay tinatawag na lithosphere. Ang pangkaragatang crust ay naglalaman ng 0.147% ng mantle-crust mass. Ang karamihan sa crust ng Mundo ay nabuo sa pamamagitan ng aktibidad ng bulkan. Ang sistema ng oceanic ridge, na isang 40,000-kilometro (25,000 milya) na magkakarugtong na mga bulkan, ay nakakabuo ng bagong pangkaragatang crust sa tulin na 17 km3 bawat taon, na nagtatakip sa sahig ng karagatan ng basalt. Ang Hawaii at Iceland ay dalawang bansang halimbawa ng maraming naipong mga sangkaterbang basalt.
Ang imaheng ito ay nagpapakita ng isang kaputol na bahagi sa crust ng mundo at sa pang-itaas na mantle pinapakita ang mga plato ng lithosphere (gawa sa suson ng crust at itaas na bahagi ng mantle) gumagalaw sa ibabaw ng asthenosphere (pang-itaas na mantle). Windows to the Universe, sa (http://www.windows.ucar.edu) sa the University Corporation for Atmospheric Research (UCAR). ©1995-1999, 2000 The Regents of the University of Michigan; ©2000-05 University Corporation for Atmospheric Research. Continental crust: 0.374% na limpak o bunton ng Mundo; may lalim na 0-50 kilometro (0 - 31 milya)
Ang kontinental crust ay naglalaman ng 0.554% ng mantle-crust mass. Ito ang panlabas na bahagi ng Mundo na pangunahing binubuo ng mga mala-kristal na bato. Ito ay mga mineral na may mababang densidad na lumulutang na karaniwang mas maraming kwarts (SiO2) at feldspars (mababang bakal na silicates). Ang crust (parehong pangkaragatan at kontinental) ay ang ibabaw ng Mundo; dahil dito, ito ang pinaka malamig na bahagi ng ating planeta. Sapagkat matagal masira ang mga malalamig na bato, tinutukoy natin dito ang matigas na panlabas na balat na makikita, na lithosphere (ang mabato o matigas na suson).
Ipinapakita ng imaheng ito ang mga parte ng panloob ng Mundo sa 7 suson. (hango mula sa Beatty, 1990).
Konklusyon
Ang mga suson ng mundo ay tumutugma sa nabanggit na hadith ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa itaas. Ang milagro ay nasa dalawang bagay:
(1) Ang pahayag ng hadith na, ‘siya ay ilulubog sa pitong kalupaan sa Araw ng Muling Pagkabuhay,’ ay nagpapahiwatig ng pagkapatong-patong ng "mga kalupaan" na ito na may iisang sentro.
(2) Ang kawastuhan na kung saan tinukoy ng Propeta ng Islam ang pitong panloob na mga suson ng mundo.
Ang tanging paraan para sa isang naninirahan sa disyerto na malaman ang mga katotohanang ito 1400 taon na ang nakalilipas ay sa pamamagitan ng paghahayag mula sa Diyos.
Mga Sanggunian
Beatty, J. K. and A. Chaikin, eds. The New Solar System. Massachusetts: Sky Publishing, 3rd Edition, 1990.
Press, Frank and Raymond Siever. Earth. New York: W. H. Freeman and Company, 1986.
Seeds, Michael A. Horizons. Belmont, California: Wadsworth, 1995.
El-Najjar, Zaghloul. Treasures In The Sunnah: A Scientific Approach: Cairo, Al-Falah Foundation, 2004.