S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
[Qur’an-28:70] “At Siya ang Allah, walang ibang diyos (na dapat
sambahin) maliban sa Kanya. Ang Papuri at pasasalamat ay sa Kanya
(lamang) sa Una (Mundong ito) at sa Huli (Kabilang buhay). At sa
Kanya ang kapasiyahan, at sa Kanya kayo ay ibabalik ( lahat).”
VI. Iba Ang Tagapaglikha, Iba Ang Nilikha
Sa ngayon karamihan sa tao ay muling bumalik sa maling pagsamba.
Marahil, ito ay dahil na rin sa kawalan ng pinanghahawakang orihinal na
Kasulatan na maaaring makapagbigay ng tamang pang-unawa tungkol
sa Diyos. Sa iba’t ibang relihiyon ng makabagong panahon ang kanilang
pananaw tungkol sa Diyos ay yaong ang Diyos na TAGAPAGLIKHA
ay naging isang NILIKHA. At dahil sa paniniwalang ito, sila ay
sumasamba sa inaakala nilang diyos. Ang mga ganitong paniniwala ay
tunay na nagbibigay daan upang ang tao ay maharap sa pinakamalaking
kasalanan, ang IDOLATRIYA. Ang pagsamba ng tao sa kapwa nilikha
maging ito ay isang propeta, anghel, santo, baka o anupaman, ay isang
tanda ng pagpapaalipin sa kanyang kapwa nilikha, samakatuwid, ito
ay isang malaking kasalanan na dapat iwasan ng tao. Ito ay ganap na
pagtalikod sa Unang Kautusan ng Diyos (First Commandment). At
kailanman, hindi ito aral ng mga Propeta.
Ang konsepto na “ang Diyos ay nasa lahat ng bagay” ay isang
kamaliang paniniwala ng karamihan sa tao. Ang tamang konsepto dito
ay “ang Diyos ay nakaaalam ng lahat ng bagay” Ang Diyos ay Ganap
na Makapangyarihan at hindi Niya kailangang maging tao o hayop o
maging anupamang nilikha upang makausap Niya o magkaroon kaya
ng tuwirang ugnayan sa Kanyang mga nilikha. Hindi Niya kailangang
pumaroon pa sa isang lugar upang makita Niya ito. Taglay Niya ang
walang hanggang Kaalaman, Kapangyarihan at Karunungan. Batid Niya
ang laman ng puso ng sinuman. Ganap Niyang nalalaman ang galaw at
kaisipan at maging ang pangangailangan ng Kanyang nilikha. Batid Niya
ang anumang bagay na nasa mga kalangitan at kalupaan at maging ang
nasa pagitan ng mga ito. Kung Kanyang naisin at itakda ang isang bagay,
Siya ay magsasabi lamang ng “Kun (Maging)” at mangyayari nga!
[Qur’an-3:51] “Katotohanan, ang Allah ang aking Panginoon at inyong
Panginoon, kaya’t sambahin ninyo Siya. Ito ang matuwid na landas.”
[Qur’an-5:72] “At nagsabi ang Mesiyas: O, angkan ng Israel!
Sambahin ninyo ang Allah, na aking Panginoon at inyong Panginoon.
Katotohanan! Ang sinumang nagtatambal sa Allah, ang paraiso ay
ipagkakait sa kanya ng Allah. At ang Apoy ang kanyang tirahan”
At maging sa Bibliya, nang tanungin si Hesus ng kanyang mga disipulo
tungkol sa buhay na walang hanggan, siya ay nagwika:
Juan-17:3 “At ito ang buhay na walang hanggan, na inyong makilala
ang Nag-iisang tunay na Diyos, at si Hesus na Kanyang isinugo.”
Tunay nga na ang kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa pagsamba sa nagiisang
Diyos katulad ng katotohanang inihayag ni Hesus sa kanyang
mga disipulo.
Ang Mensahe Ni Propeta Muhammad
Sa panahon ni Propeta Muhammad bago pa man dumating ang
Relihiyong Islam, ang Ka`bah (sentro ng pagsamba) ay napapaligiran ng
iba’t-ibang estatwa, imahen, larawan ng mga hayop, at iba pa. Ang mga
arabo sa panahong yaon ay nagtayo sa kanilang mga sarili ng kanyakanyang
diyos na inaalayan ng iba’t ibang uri ng pag-aalay. Nguni’t
nang dumating ang Kapahayagan ng Diyos (ang Qur’an) na nag-utos
na talikdan ang pagsamba sa iba’t ibang diyus-diyusan, ang Ka`bah
ay naging malinis sa anupamang uri ng idolatriya. Silang mga arabo
ay nagising sa katotohanan na walang ibang diyos na dapat sambahin
kundi ang Nag-iisang Diyos-Allah. Ang Dakilang Diyos, ay nag-utos
kay Propeta Muhammad mula sa Banal na Qur’an:
[Qur’an-7:158] “Sabihin mo (Muhammad ): O, sangkatauhan!
Katotohanan, ako ay isinugo sa inyong lahat bilang Sugo ng Allah,
na Siyang nagmamay-ari ng Kapamahalaan ng mga Kalangitan at ng
Kalupaan. Walang ibang diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya,
Siya ang nagbibigay buhay at kamatayan. Kaya’t maniwala kayo sa
Allah at sa Kanyang Sugo.”
24 25
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
hindi ay ganap na pagtalikod sa kautusan ng Diyos na ang hantungan
at ibubunga ay walang hanggang parusa sa nagliliyab na apoy ng
Impiyerno. Ito ay kasalanang walang kapatawaran. Maging si Hesus ay
hindi nagsabi na siya ay Diyos na nagkatawang tao. At kailanman, si
Hesus ay hindi nagsabi na siya ay dapat sambahin. Ang pagsamba ng tao
sa kaninumang nilikha ay binigyang babala ng Bibliya. Katotohanan,
walang kabuluhan ang pagsamba ng tao sa kapwa nilikha, sapagka’t
ang Tunay na Diyos ay hindi tao. Sa Bibliya ay nasusulat, ang Diyos
ay tuwirang nagsabi na Siya ay hindi tao o kaya’y nagkatawang tao:
Oseas-11:9 “Sapagka’t ako ay Diyos, hindi tao.”
Mga Bilang-23:19 “Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling o ni
anak ng tao na nagsisisi.”
Kung ang Diyos ay nagsabi na siya ay hindi tao, si Hesus sa kanyang
sarili ay nagsabi na siya ay tao lamang. Nangangahulugan na ang turo
ng simbahan o ng iba pang pinuno sa relihiyong Kristiyanismo ay
sumasalungat sa pangunahing aral ni Hesus.
Ang Bibliya ay nagsabi:
I Timoteo-2:5 “Sapagka’t may isang Diyos at may isang tagapamagitan
sa Diyos at sa mga tao. Ang taong si Kristo Hesus.”
Ang Katanungan Ng Diyos Kay Hesus Sa Araw
Ng Paghuhukom
At dahil nga sa paniniwala at pagsamba ng mga Kristiyano kay Hesus
bilang Diyos, sa Araw ng Paghuhukom, si Propeta Hesus ay haharap sa
Diyos na Tagapaglikha. Siya (ang Diyos) ay magsasabi:
[Qur’an-5:116-117] “At tandaan, nang ang Allah ay magsabi: O, ˋIsa
(Hesus), anak ni Maryam (Maria), ikaw ba ay nagsabi sa tao: Gawin
ninyo ako at ang aking Ina bilang mga diyos bukod pa sa Allah? Siya
[ˋIsa (Hesus)] ay nagsabi: Luwalhati sa Iyo! (O Allah!) Hindi ko
maaaring sabihin ang anumang bagay na wala akong karapatan, kung
sinabi ko man iyon, ito ay Iyong batid. Batid Mo (O, Allah) ang aking
kalooban gayong ang sa Iyong Kalooban ay di ko batid. Katotohanan,
Wala Pang Nakakita Sa Diyos!
Tunay nga na karamihan sa tao ay kadalasan na humahantong sa
pagsamba sa isang nilikhang katulad niya. Nguni’t isang katotohanan
ang dapat gawing batayan. Wala pang nakakita sa tunay na Diyos.
Kung ang sinasamba ng isang tao ay isang banal na tao, hayop, rebulto
o larawan, santo o santa dapat niyang malaman na ito ay hindi tunay
na Diyos at walang katangiang pagka-diyos, sapagka’t mula sa mga
Banal na Kasulatan, ang tunay na Diyos ay walang larawan o imahen
at hindi Siya maaaring magkaroon ng anyong katulad ng Kanyang mga
nilikha. Ang Kanyang Katangian, Diwa, Anyo, Mukha at kabuuan ay
hindi maaaring makatulad ng sinuman, sapagka’t Siya ang Natatanging
Tagapaglikha na ganap na iba kaysa sa Kanyang mga nilikha.
Ang Qur’an ay nagpahayag na wala pang mata o paningin
ang nakakita sa Kanya:
[Qur’an-6:103] “Walang (kaisipan o) paningin ang makapanghahawak
sa Kanya, nguni’t Kanyang napanghahawakan ang lahat ng (kaisipan
o) paningin.”
[Qur’an-112:4] “At sa Kanya ay walang (makakatulad at) makakapantay.”
Maging sa Lumang Tipan (Bibliya) ng mga Kristiyano
nakasaad na sinabi ng Makapangyarihang Diyos:
Isaias-47:10 “At walang Nakakakita sa Akin.”
Isaias-46:9 “Ako ay Diyos at walang gaya ko.”
Si Hesus ay nagsabi rin ng ganito:
Juan-5:37 “Kailanman hindi ninyo narinig ang Kanyang tinig, ni hindi
man ninyo nakita ang kanyang anyo.”
Juan-1:18 “Walang tao ang nakakita sa Diyos sa anumang oras.”
Ang Pagsamba Kay Hesus - Ang Mesiyas
At dahil ang layunin ng pagkakalikha sa tao ay upang sumamba lamang
sa nag-iisang Manlilikha, ang pagsamba kay Hesus tuwiran man o
26 27
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
magkaroon ng magandang kaisipan ang mga Kristiyano tungkol sa
pagbibigay kaibahan sa Diyos bilang tunay na Panginoon at kay Hesus
bilang isang alipin ng Diyos at Dakilang Sugo at Propeta.
Ang Pagsamba Kay Buddah
Sa relihiyong Buddhismo, pinaniniwalaan ng karamihan mula sa labas
ng Northern India na si Buddha ay diyos na nagkatawang tao. Bagama’t
walang Banal na Kasulatan ang nagpapatunay na si Buddha nga ay
isang diyos, patuloy siyang itinuturing ng kanyang mga tagasunod
bilang Diyos na naging tao. Karagdagan pa nito, maging si Buddah
sa kanyang sariling bibig ay hindi nagbigay kautusan na siya ay diyos
na dapat pag-ukulan ng pagsamba. Ang ganitong kalakaran ay walang
pagkakaiba sa pagsamba ng mga Kristiyano kay Hesus na inaakalang
Diyos na naging tao.
Ang Pagsamba Sa Baka
Maging sa relihiyong Hinduismo, iba’t ibang uri ng mga diyos ang
kanilang sinasamba at itinuturing nila ang baka bilang isa na may
katangiang banal. Ipinagbabawal sa mga Hindu ang kumain ng baka,
sapagka’t ito nga ay may pagkabanal na dapat pag-ukulan ng kakaibang
pagsamba. Walang kaibahan ito sa panahon ni Propeta Moises, nang
siya ay umakyat sa Bundok Sinai upang mangusap sa Panginoong
Diyos, iniwan niya ang kanyang mga mamamayan sa paanan ng bundok.
Nang hindi agad nakabalik si Moises, ang mga tao ay gumawa ng isang
imahen ng baka at kanila itong itinakda bilang kanilang diyos. Nang
dumating si Moises, namangha siya sa kanyang nakita. At nagsabi:
[Qur’an-2:54] “O aking mamamayan! Katotohanan, nagkasala kayo
sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng paggawa ninyo sa baka
(bilang diyus-diyusan). Kaya’t magbalik-loob (magsisi) sa inyong
Tagapaglikha…”
Ang Pagdalangin Sa Mga Rebulto, Imahen At
Mga Santo At Santa.
Ang pagdalangin o paghingi ng tulong o kapatawaran mula sa mga
Ikaw (lamang) ang lubos na Nakaaalam sa mga bagay na lingid. Wala
akong sinabi sa kanila maliban kung ano ang Iyong ipinag-utos sa akin:
Sambahin ang Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon at ako
ang saksi sa kanila habang ako ay kasama nila at nang ako ay bawiin Mo,
Ikaw (O, Allah!) ang Tagapagmasid sa kanila at (tanging) Ikaw ang Saksi
sa bawa’t bagay.”
Maging sa Bibliya, mayroon ding babalang sinabi si Hesus para doon sa
mga taong sumusunod sa mga hindi makatuwirang doktrina na ginawa
lamang ng tao at doon sa mga taong ginawang Panginoon si Hesus.
Sa Araw ng Paghuhukom, ang mga taong sumamba kay Hesus ay
magsisilapit sa kanya. Si Hesus ay magsasabi:
Mateo-15:9 “Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba sa akin na
nagtuturo ng kanilang inaaral ang mga utos ng mga tao.”
At sila naman na tumatawag ng Panginoon kay Propeta Hesus, sa
Bibliya ay mababasa:
Mateo-7:22 “Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami
sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangapalayas kami ng mga
demonyo at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang
makapangyarihan?”
Si Hesus ay nagtakwil sa ganitong uri ng tao. At mula sa Bibliya
mababasa na siya ay nagwika:
Mateo-7:23 “Kailanman, hindi ko kayo nangakikilala. Magsilayo kayo
sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”
Karamihan sa mga makabagong Kristiyano ay ganap na tumalikod sa
malinis at wagas na aral ni Hesus. Bagama’t sila ay kumikilala sa Diyos
na Tagapaglikha, ang kanilang pagsamba, panalangin at pagbibigay
puri ay nakatuon kay Hesus bilang kanilang Panginoon. Sa paglalahad
natin ng mga katotohanan, bakit nga ba patuloy na iniluluklok si Hesus
bilang Makapangyarihang Diyos o Panginoon, samantalang wala
namang isang bagay na nalikha si Hesus, bagkus siya rin ay nilikha
lamang. Tunay na hindi ito makatarungan sa Diyos na ang karapatan
Niya ay ganap na ipinagkaloob ng mga Kristiyano kay Hesus. Nawa’y
28 29
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
Allah ang Siyang lumikha sa inyo at ng inyong ginagawa.”
[Qur’an-7:195] “Sila ba (istatwa,rebulto) ay mayroong mga paa na
nakakalakad sila sa pamamagitan nito? O, sila ba ay mayroong mga
kamay na nakapanghahawak sila sa pamamagitan nito? O, sila ba ay
mayroong mga mata na nakakakita sila sa pamamagitan nito? O, sila
ba ay mayroong mga tainga na nakaririnig sila sa pamamagitan nito?”
[Qur’an-21:98] “Katiyakan, kayong (walang pananampalataya sa
Diyos) at yaong inyong sinasamba bukod sa Allah ay panggatong sa
Impyerno. (Kaya’t tunay ngang), kayo ay papasok dito.”
Maging sa Bibliya (Lumang Tipan) ang ganitong gawain ay ganap na
ipinagbawal:
Isaias-44:9 “Silang nangagbigay anyo sa larawang inanyuhan
ay walang kabuluhan silang lahat at ang kanilang mga bagay na
kinalulugdan ay hindi napapakinabangan.”
Exodus-20:3-4 “Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos sa harap
Ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuhan o ng
kawangis man ng anumang anyong nasa itaas sa langit o ng nasa ibaba
ng lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.”
Exodus-20:23 “Huwag kayong gagawa ng ibang mga diyos na
iaagapay sa Akin.”
Ang Kasalanang Walang Kapatawaran
Ang Idolatriya (pagsamba bukod sa Tunay na Diyos) ay isang
kasalanang walang kapatawaran. Maging ang labis na paghanga,
pagmamahal, pagdakila, pagpuri at pagbubunyi sa kapwa tao maging ito
ay propeta, bayani, santo o santa, politiko, artista ay isang kasalanang
walang kapatawaran. Kahit na ang labis na pagmamahal sa yaman
at materyal na bagay ay nagiging sanhi upang ang tao ay mahulog
sa Idolatriya ng hindi niya ito namamalayan. Ang tao bilang isang
nilikha at alipin lamang ay nararapat na iukol ang tapat na pagsamba,
wagas na pagmamahal, pagdakila, pagbubunyi, pagpuri, panalangin,
santo, santa, krus o anupamang bagay na likha lamang ng kamay ng
tao ay katumbas na rin ng pagsamba sa kanila. Marami pa rin tayong
nakikita sa kalakhang Kristiyanismo na may mga taong gumagawa ng
mga santo o santa at kanila itong ipinagbibili. Ang taong bumili nito
ay agad namang ipinabebendisyon sa isang pari. Pagkaraan nito, ito
ay magsisimula ng luhuran at dasalan. Bakit nga ba napakababaw ng
kaisipan ng ibang tao tungkol sa Diyos? Ang kabanalan o dangal ba
ng ating Tagapaglikha ay katumbas lamang ng isang putol ng kahoy na
nililok ng isang tao at pagkaraan ay ginawang imahen? Mayroon nga
bang karapatan ang isang tao na gumawa ng santo o santa na maaaring
dasalan ng kapwa tao? Mayroon bang kaibahan ang mga santo o santa
sa ibang istatwa, laruang manika, manikin, robot na ginawa rin ng tao
mula sa kanyang mga kamay? Ang tanging kaibahan lamang ay ang mga
santo o santa ay binasbasan ng isang pari. At kailan ba naman nagkaroon
ng karapatan ang isang pari na gawing banal na imahen ang isang putol
ng kahoy na binihisan lamang ng makislap na damit? Sadyang ganap na
taliwas ito sa Banal na kautusan ng Tunay na Diyos. Ang pangyayaring
ito ay walang kaibahan sa panahon ni Propeta Abraham. Kanyang
natagpuan ang kanyang ama at ibang tao na sumasamba sa mga imahen
o rebulto. Si Propeta Abraham ay nagsabi:
[Qur’an-21:52-53] “(Tandaan)! Nang siya ay magsabi sa kanyang
ama at mamamayan: Ano ba ang mga imaheng ito na pinaglalaanan
ninyo ng pagsamba? Sila ay nagsabi: Natagpuan naming sumasamba
ang aming mga ninuno sa mga ito”
Ang Qur’an ay nagbigay babala sa mga taong dumadalangin at
sumasamba bukod sa tunay na Diyos.
[Qur’an-21:66-67] “Siya ay nagsabi: Bukod sa Allah, sumasamba
ba kayo sa mga bagay na hindi makapagbibigay ng anumang buti sa
inyo o di makapagdudulot ng pinsala sa inyo? Sumpa sa inyo at sa mga
(bagay na) sinasamba ninyo bukod sa Allah! Hindi ba kayo nag-iisip’?”
[Qur’an-37:95-96] “Siya ay nagsabi: Inyo bang sinasamba yaong
nilililok ninyo (ginagawa ng inyong mga kamay). Samantalang ang
30 31
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
pagsamba sa huwad na diyos.
[Qur’an-8:22] “Katotohanan, ang pinakamasamang nilikhang
(gumagalaw na) nabubuhay sa (paningin ng) Allah ay yaong pipi
(at) bulag (sa katotohanan) na hindi nag-iisip.”
Ang tinutukoy na pipi at bulag sa talatang ito ay yaong mga tao na
walang pagpapahalaga sa katotohanan at makatuwirang pang-uusisa.
Sa kabila ng maliwanag na kapahayagan at pag-anyaya na tanging ang
Lumikha lamang ang siyang dapat pag-ukulan ng pagsamba at paghingi
ng tulong, patuloy na pinananatili sa kanilang isip at gawain ang maling
pagsamba sa mga bagay na walang idinudulot na kapakinabangan sa
kanilang pamumuhay at sa kabilang buhay.
[Qur’an-2:10] “Sa kanilang mga puso ay isang sakit (ng pagaalinlangan
at pagkukunwari) at dinagdagan ng Allah ang sakit nila.
Bagkus, isang kasakit-sakit na parusa ang matatamo nila, dahil sila ay
palagiang nagsisinungaling.”
[Qur’an-2:16] “Sila yaong ipinagpalit ang patnubay para sa kamalian,
kaya’t ang kanilang pangangalakal ay hindi kumita. At sila ay hindi
pinatnubayan.”
[Qur’an-2:18] “(Sila ay) pipi, bingi at bulag (sa katotohanan), kaya’t
sila ay hindi makababalik (sa tamang landas)”.
Matakot Sa Diyos Na Siyang Lumikha Sa
Sangkatauhan!
Bilang isang nilikha ng Diyos na Makapangyarihan, tayo ay dapat
magkaroon ng tunay na takot sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod at
pagkilala sa Kanya at sa Kanyang mga Kautusan. Si Al-Bukhari ay nagulat
na si Abu Hurairah ay nagsalaysay na ang mga tao ay nagtanong sa
Sugo at siya ay nagsabing:
“Sino ba ang pinakamarangal sa lahat ng tao? Siya ay sumagot: Ang
pinakamarangal sa mata ng Allah ay yaong masunurin at tumutupad
sa kanyang tungkulin at siya na mayroong ganap na takot sa Allah.”
pagsasakripisyo ng yaman at buhay sa kanyang Panginoon at Diyos na
Tagapaglikha na Siyang nagkaloob sa kanya ng buhay at kamatayan.
At sa Kanya lamang ang pagbabalik ng lahat pagkaraan ng kanyang
pansamantalang pamamalagi dito sa lupa. Ang ating Tagapaglikha ay
nagbigay babala tungkol sa mga mabibigat na kasalanang dapat iwasan
ng sangkatauhan. Nangunguna na rito ang pagsamba sa iba’t ibang
diyus-diyusan bukod sa Tunay na Diyos, ang Tagapaglikha.
[Qur’an-4:48] “Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah na Siya ay
bigyan ng katambal, nguni’t Kanyang pinatatawad ang kasalanang
bukod dito sa sinumang nais Niya. At sino man ang nagbibigay katambal
sa Allah ay tunay na nakagawa ng kagimbal-gimbal na pagkakasala.”
Mula sa dalawang tinaguriang Sahih (Al-Bukhari at Muslim).
Itinala na si Abdullah bin Mas`ud ay nagsalaysay, tinanong ang
Propeta Muhammad : Ano ang pinakamalaking kasalanan sa
paningin ng Allah? Ang Propeta ay nagsabi: Ang pagsamba sa iba
bukod pa sa Allah, samantalang (nalalaman ng tao) na Siya (Allah)
ang lumikha sa kanila.”
Ang kasalanang ito ay mapapatawad lamang hanggang nabubuhay ang
tao at nagbalik-loob at nagsisi ng kanyang kasalanan. Kaya, nararapat
niyang linisin ang kanyang puso, isip, gawain at diwa sa lahat ng uri
ng Idolatriya (pagsamba sa nilikha lamang). Ang kanyang panalangin
at pagdarasal ay nararapat na tuwirang nakatuon sa kanyang Diyos
na Tagapaglikha. At ang pagsasagawa ng pagdarasal, panalangin, at
pagbibigay kawanggawa ay naaayon sa katuruan ng mga Propeta.
Ang Pinakamasamang Nilikha
Sa kaisipan ng tao, ang pinakamalaking kasalanan (heinous crimes) ay
ang pagpatay, pang-aabuso, pang-aapi, panggagahasa, at pagnanakaw,
subali’t sa paningin ng Makapangyarihang Diyos, ang pinakamalaking
kasalanan ay ang pagtalikod sa Unang Kautusan, sapagka’t ito ay
hindi pagtupad sa tungkulin o pananagutang ipinag-utos Niya. Ito ay
hayag na kawalan ng pananampalataya sa tunay na Diyos at bulag na
32 33
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
“Kung ikaw ay dumalangin, dumalangin lamang sa Allah, at kung ikaw
ay hihingi ng tulong, humingi lamang sa Allah.”(1)
Karagdagan pa, ayon sa mapananaligang pag-ulat ni Wabisah bin
Ma`bad na nagsalayasay na ang Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Itinatanong mo ba sa akin kung ano ang kabutihan? Tanungin mo ang
iyong puso. Ang kabutihan ay yaong kapanatagang nadarama ng iyong
puso at kaluluwa, at ang kasalanan ay kung ano ang ikinababahala ng
iyong kaluluwa at puso, bagama’t sinasang-ayunan ka ng ibang tao ng
paulit-ulit.”(2)
Ang Pagsamba at Tapat na Pagkilala at pagsunod sa
Tagapaglikha ang Siyang Katotohanan at Kaligtasan.
Ito ang tunay na katotohanan. Ito ang banal na mensahe na dapat malaman
ng lahat ng tao. Ito ang kaligtasan. Tunay nga na nasa tamang pagsamba at
pagkilala ng tao sa Diyos matatagpuan ang ganap na patnubay. Wala ng iba
pang maganda at tamang konsepto ang maihahambing sa Banal na Qur’an,
sapagka’t ito ang Huling Kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan. May
mga tao na pinaghahandaan o ginagawang maganda ang kanilang buhay
sa pamamagitan ng pagpapayaman o pagsusuot ng mamahaling damit,
paggamit ng magagandang kagamitan. Ang kanilang pisikal na katawan
ay tila baga walang katapusan, walang kapaguran at walang kamatayan.
Nguni’t ang kanilang buhay ispirituwal ay uhaw sa pagnanasang
makaugnay o makapaglingkod sa Diyos na lumikha sa kanila.
[Qur’an-4:1] “O, Sangkatauhan! Matakot kayo sa inyong Panginoong
(Allah) na Siyang lumikha sa inyo mula [kay Adam (Adan) na] may
isang buhay, at mula sa kanya, nilikha Niya ang kanyang asawa [na si
Hawa’ (Eba)] at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya at ikinalat
ang napakaraming kalalakihan at kababaihan.”
Ang Pagsamba at Pagtalima sa Tagapaglikha ay
1 40 Hadith An-Nawawi-19
2 Hadith Bilang: 27. Isang mabuting Hadith na itinala ng dalawang Imam sina Ahmad bin
Hambal at Al-Darimi,
Dapat tayong magkaroon ng takot sa Diyos, sapagka’t batid Niyang
lahat ang nasa ating kalooban at puso.
Ang Qur’an ay nagpahayag:
[Qur’an-3:102] “O, kayong mga naniwala! Matakot kayo sa Allah
nang may tunay na pagkatakot at huwag mamatay maliban na kayo ay
mga Muslim (sumusuko at tumatalima sa Kanya.)”
[Qur’an-3:175] “Nguni’t matakot kayo sa Akin kung tunay na kayo ay
may pananampalataya.”
[Qur’an-30:31] “Magtungo sa Kanya ng may pagsisisi at matakot sa
Kanya: Magsipagsagawa kayo ng Salah (pagdarasal) at huwag maging
kabilang sa mga taong nagbibigay katambal (sa Diyos).”
Ang Tapat Na Pagsisisi At Pagbabalik-loob Sa
Tagapaglikha.
Isang Hadith Qudsi ay isinalaysay ni Anas bin Malik mula sa Propeta
Muhammad na ang Diyos ay nagsabi ng may ganitong nilalaman:
“O, anak ni Adam (Adan) hanggang ikaw ay nananawagan
(nananalangin) sa Akin ng may pagtitiwala sa Aking Awa, ikaw ay
Aking patatawarin sa iyong mga kasalanan sa pinakamagaang paraan.
O, anak ni Adam (Adan) kahit na ang iyong kasalanan ay umabot pa
sa dulo ng dako pa roon, at ikaw ay humingi ng kapatawaran sa Akin,
ikaw ay Aking patatawarin.
O, anak ni Adam (Adan), kung ikaw ay magbalik-loob sa Akin ng
may dalang kasalanang kasimbigat ng mundo at hindi ka nagbibigay
katambal sa Akin (sa pagsamba), Ako ay darating sa iyo ng may
Kapatawarang kasinlaki ng mundo.”(1)
Sa mapananaligang pag-ulat ni Abu Abbas, Abdullah bin Abbas (Nawa’y
kalugdan siya ng Diyos) na nagsalaysay na si Propeta Muhammad
ay nagsabi:
1 Ito ay iniulat ni At-Tirmidhi (ganoon din si Ahmad bin Hanbal). Ang kawing ng pagsasalaysay
ay mapananaligan.
34 35
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
Siyang Haligi ng lahat ng Kabutihan.
Sa paghahanap ng katotohanan at kaligtasan, ang haligi ng lahat ng
kabutihan ay nagmumula sa pagnanasang sumamba at kumilala sa iyong
Diyos na Tagapaglikha. Ito ang Unang Kautusan (First Commandment)
na likas na nakaukit sa puso at kaluluwa ng sangkatauhan.
[Qur’an-37:4-5] “Katotohanan, ang inyong Diyos ay Tanging Isa, ang
Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan at ng nasa pagitan ng
mga ito. At (Siya) ang Panginoon ng mga sinisikatan ng araw.”
Sa ngayong panahon, tanging Islam lamang ang nagtuturo ng
pagkakaroon ng tunay at ganap na malinis na konsepto ng Diyos. Ang
Tunay at Ganap ay nangangahulugan na walang kasama o kahati sa
Kanyang pagiging Diyos at maging sa Kanyang Banal na Katangian.
[Qur’an-59:22-24] “Siya ang Allah, wala ng ibang diyos (na dapat
sambahin) maliban sa Kanya. Ang nakaaalam ng lingid at hayag.
Siya ang Maawain, ang Mapagpala. Siya ang Allah, wala ng ibang
diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya, ang Hari, ang Ganap
na Banal, ang (Pinagmumulan ng) Kapayapaan, ang Tagapagpatunay,
ang Tagapagbantay, ang Makapangyarihan, ang Kagila-gilalas
(at di mapaglalabanan), ang Matayog. Luwalhati sa Allah, malayo
sa anupamang bagay na itinatambal sa Kanya. Siya ang Allah, ang
Tagapaglikha, ang Tagapaggawa, ang Nagbibigay Hugis at Anyo. Sa
Kanya ang pagmamay-ari ng naggagandahang mga Pangalan. Bawa’t
bagay sa mga kalangitan at kalupaan ay nagbubunyi sa Kanya. At Siya
ang Makapangyarihan, ang Matalino.”
[Qur’an-112:4] “Sabihin mo (O Muhammad ): Siya ang Allah, ay
tanging iisa, Allah ang pinagkukuhanan ng pangangailangan ng lahat.
Hindi Siya nagkaanak at hindi rin ipinanganak. At sa Kanya ay walang
(makakatulad at) makakapantay.”
[Qur’an-2:255] “Allah- Wala nang (iba pang) diyos (na dapat sambahin)
maliban sa Kanya, ang nananatiling buhay, ang Isang Tagapagpanatili
(at Tagapanustos sa lahat ng nilalang). Hindi makapanghahawak sa
matatagpuan ang Kapayapaan ng Puso.
Ang kaligayahan at kapayapaan ng buhay ay wala sa sukat ng yaman o
antas ng pamumuhay kundi nasa kapanatagan ng puso. Ang kapanatagan
ng puso ay nasa pagsunod sa Batas ng Diyos. Ang kaligtasan ba ay
dapat ipakipagsapalaran ng tao? Isa sa pinakamagandang bagay na
ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang pagkakaroon ng magandang
kaisipan at katuwiran. Kaya naman ito ang nagiging gabay at daan
sa paghahanap ng katotohanan ng buhay. Si Abu Hurairah (isang
kasamahan ng Sugo ) ay nagsalaysay mula kay Propeta Muhammad
na ang Diyos, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
“O, anak ni Adam (Adan), ilaan ang iyong sarili sa pagsamba sa Akin
at Aking pupunuin ang iyong puso ng kapanatagan (kapayapaan) at
aking papawiin ang iyong kahirapan at kung ito ay hindi mo gagawin
Aking pupunuin ang iyong mga kamay ng mga pag-aabala sa mundong
ito at hindi Kita ilalayo sa kahirapan.”(1)
Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha
ang Siyang Batayan ng Makatuwirang Kaisipan.
Sa paghahanap ng katotohanan at kaligtasan, gabay ng isang tao ang
kanyang makatuwirang pag-iisip at malinis na hangarin kalakip ng tapat
na pagsusumamo sa kanyang Tagapaglikha. At sa isang sulok ng kanyang
wagas na damdamin naroroon ang dalanging hinubog ng matibay na pagasa
at liwanag na kailanman ay hindi nababahiran ng doktrinang salungat
sa walang hanggang aral ng mga Propetang isinugo ng Diyos.
[Qur’an-35:3] “O, Sangkatauhan! Alalahanin ang pagpapala ng
Allah sa inyo! Mayroon pa bang ibang Tagapaglikha maliban sa Allah
na Siyang nagbibigay ng inyong ikinabubuhay mula sa kalangitan at
kalupaan? Walang (ibang tunay na) diyos maliban sa Kanya. Paanong
kayo ay napalayo (mula sa Kanya)?”
Ang Pagsamba sa Nag-iisang Tagapaglikha ang
1 (At-Tirmidhi, Hadith Qudsi: Pahina-39)
36 37
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
Nawa’y ang maikling sanaysay na ito ay makapagdulot ng liwanag
tungkol sa pagkilala sa Tunay na Diyos. Wala ng iba pang diyos na
dapat sambahin maliban sa Allah. Siya ang Nag-iisang Diyos na
lumikha kay Adan at Eba - ang unang magulang ng sangkatauhan.
Siya ang Nag-iisang Diyos na nagsugo ng lahat ng Propeta. Siya ang
Nag-iisang Diyos na maghuhukom sa lahat ng kaluluwa. Siya ang Nagiisang
Diyos na tanging makapagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Siya
ang Tanging Isang Manlilikha at ang lahat ay Kanyang nilikha. Ang
kautusan at pagtatakda ay nagmumula sa Kanya.
Maraming salamat at nawa’y pagpalain tayo ng Diyos.
PASASALAMAT
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon
at Tagapaglikha ng lahat ng nilalang.
Ako ay nagpapasalamat sa Islamic Propagation & Guidance Center
sa Rabwah sa tulong na ipinagkaloob nila upang maipalimbag ang
maikling aklat na ito. Nawa’y igawad ng Allah sa kanila ang pagpapala
dito sa mundo at maging sa Kabilang buhay.
PAALALA
Ang mga talata ng Qur’an na isinalin sa wikang Pilipino ay batay sa
orihinal na wikang arabik. Ito ay pagpapaliwanag ng mga kahulugan ng
Qur’an bilang pagtatangka ayon sa kakayahan ng may akda.
Kanya ang antok at tulog. Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng bagay
na nasa mga kalangitan at kalupaan. Sino ang makapamamagitan sa
Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Batid Niya kung ano ang nasa
unahan nila (sa Kabilang Buhay) at kung ano ang nasa likuran nila (sa
mundong ito). At hindi nila mapang-aabot ang anuman sa Kanyang
Kaalaman maliban Kanyang naisin. Ang Kanyang Luklukan ay abot sa
mga kalangitan at kalupaan at hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa
pangangalaga at pangangasiwa sa kanila. Sapagka’t Siya ang Kataastaasan
(sa Kaluwalhatian). Ang Dakila”
[Qur’an-37:180-182] “Luwalhati sa iyong Rabb (Panginoon), ang
Panginoon ng Karangalan at Kapangyarihan! (Siya ay malaya mula)
sa anumang iniuugnay sa Kanya. At kapayapaan sa (Kanyang) mga
Sugo! At papuri sa Allah ang Panginoon ng lahat ng nilikha.”
Huling Pananalita
Ang buhay dito sa mundo ay maikli lamang. At ito ay isang paghahanda
lamang sa tunay na buhay - ang buhay na walang hanggan.
Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:
[Qur’an-29:57] “Bawa’t may buhay ay makararanas ng kamatayan…”
[Qur’an-29:64] “At ang buhay sa mundong ito ay walang iba kundi
isang pansamantalang pag-aaliw at laro (lamang). At katotohanan,
ang Huling Tahanan (sa Kabilang buhay) ang siyang tunay na buhay,
kung nalalaman lamang nila.”
[Qur’an-14:52] “Ito (Qur’an) ay isang pahatid para sa sangkatauhan at
upang sa pamamagitan nito ay mabigyan sila ng babala, upang malaman
nila na Siya ang Tanging Nag-iisang Diyos (na dapat sambahin lamang)
at nang makapagmuni-muni yaong mga (taong) may pang-unawa”
IslamHouseTl Tagalog.IslamHouse islamhouse.com/tl/
user/IslamHouseTl