S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
ANG PANIMULA
Bago natin talakayin ang paksang “Sino ang dapat sambahin?”
bigyan nating liwanag ang mga pangunahing pangangailangan upang
maabot natin ang pinakadiwa at kahulugan ng mensahe ng aklat na ito.
I. Mayroon Nga Bang Diyos?
Bagama’t ang tao ay nilikha na may likas na paniniwala sa isang Diyos,
mayroon namang mga “Atheist” o taong walang paniniwala sa Diyos.
Sila ay naniniwala na ang sangkatauhan ay isa lamang bahagi ng bunga
ng di-sinasadyang pagkakataon. Pag-aralan natin nang may katapatan at
malalim na pag-iisip ang lahat ng bagay na nilikha sa buong santinakpan
kabilang na ang ating sarili, ang ating matang nakakakita, ang puso
nating tumitibok, ang dilang nagsasalita, ang taingang nakaririnig, ang
bibig na nakalalasa, ang katawang nakadarama, ang paa at kamay na
gumagalaw, ang ating damdaming marunong magmahal, malungkot,
magsaya at magalit. Ang hugis, anyo o hubog ay nagpapahiwatig na
may isang Tagapaghubog, Tagapaghugis at Tagapag-anyo. Sa ating
kapaligiran, makikita ang magagandang tanawin, mga pananim na may
iba’t ibang bunga at bulaklak, mga iba’t ibang uri ng hayop at mga
ibong lumilipad, ang mga karagatan at tubig na umaagos, ang hanging
hinihingahan at dumadampi sa ating balat, ang mga kulumpong na
bituin sa kalangitan at araw na nagbibigay liwanag at init. Lahat ay may
sariling ginagampanan at ginagalawan. Hindi ba ito ay mga palatandaan
sa likas na katotohanan na tunay nga na mayroong isang Manlilikha?
Kung bibilangin natin ang lahat ng pagpapalang ipinagkaloob Niya sa
atin, Sino kaya sa atin ang hindi tatalima, susuko at susunod sa
Kautusan ng Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha?
6 7
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
(Islam). At mula sa mga Banal na Kasulatan, babanggitin natin ang
Torah ni Moises (wala na ang orihinal nito kaya ang batayan ng mga
Hudyo ay ang Lumang Tipan), ang Ebanghelyo ni Hesus (wala na rin
ang orihinal na Ebanghelyo, kaya ang batayan ay ang Bagong Tipan),
at ang Huling Banal na Kasulatan na tinatawag na Qur’an ng huling
Propeta – Muhammad . Batay sa mga nabanggit na mga Propeta at
ang kanilang mga Banal na Kasulatan, ating matutunghayan sa ilang
pahina ng mga kasulatang ito ang katawagan na ginamit na tumutukoy
sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha. Sa maikling salita, ginamit ni
Moises sa kanyang wikang Hebreo ang Eloihim(1), ginamit ni Hesus sa
kanyang wikang Aramaiko ang Eli at ginamit ni Propeta Muhammad
ang Allah batay sa kanyang wikang arabik at kapahayagang Qur’an.
Allah - Ang Nag-iisang Tunay Na Diyos
Maaaring bago sa pandinig ng di-Muslim ang salitang “Allah”, nguni’t
kung marunong lamang magbasa ng wikang semitiko (Aramaiko,
Hebreo, Arabik, at iba pa) ang mga iskolar ng ibang relihiyon, kanilang
matutunghayan na ang “Allah” na sinasamba ng mga Muslim ay Siya
ring Diyos na Tagapaglikha (The Almighty Creator) na kinikilala ng
lahat ng Propeta - katulad nina Adan (Adam), Noah (Nuh), Abraham
(Ibrahim), Ismael (Ismail), Isaak (Ishaq), Lot (Lut), Enok (Idris),
David (Daud), Solomon (Sulaiman), Moises (Musa), Aaron (Haron),
Zakarias (Zakariya), Juan Bautista (Yahya), Hesus (ˋIsa). Sa Bibliya,
mababasa na si Hesus ay nagdasal at nagsumamo sa kanyang tinatawag
na Diyos ng “Eli, Eli, lama Sabachtani?” (Mark 15:34) Ang ibig sabihin
“Diyos ko, Diyos ko bakit Mo ako pinabayaan?” Ang Eli na tinatawag
at kinikilalang Diyos ni Hesus sa kanyang wikang Aramaiko rito ay
katumbas ng wikang arabik na “Elahi” (aking Diyos). At maging
ang “Eloihim” ay matutunghayan din sa Bibliya bilang katawagan sa
1 Eloihim ay binubuo ng dalawang salita. Una, ay ang “El” na ang kahulugan ay “lakas” at
ang ikalawa ay “Alah” na ang kahulugan ay “to swear” o pumailalim sa panunumpa. Ito ang
paliwanag ng mga scholars ng “First Scofield Reference Bible sa footnote (tala-ibaba) ng
Genesis 1:1 pahina 1. Karagdagan pa nito, si Dr. William Smith ay nagbigay paliwanag sa
“Elohim” sa pahina 220 ng kanyang aklat na “Bible Dictionary as Revised and Edited by FN
Peloubet ng ganito: “Elohim is plural word of Eloah” (in arabic Allah)
Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag ng katotohanan:
[Qur’an-41:37] “At kabilang sa Kanyang mga palatandaan ay ang
gabi at araw, ang araw at buwan. Huwag kayong magpatirapa sa
araw at buwan, bagkus magpatirapa (sumamba) lamang kayo sa
Allah na Siyang lumikha sa kanila, kung tunay nga na Siya ang inyong
sinasamba.”
[Qur’an-45:3-6] “Katotohanan! Mula sa mga kalangitan at kalupaan
ay mga palatandaan para sa mga mananampalataya (sa Nag-iisang
Diyos). At sa pagkakalikha sa inyo at sa anumang buhay na nilalang
na nangagkalat (sa lupa), ito ay mga palatandaan para sa mga (taong)
may tiyak na pananampalataya. At sa pagsasalitan ng gabi at araw,
at sa panustos na ibinaba ng Allah mula sa kalangitan, at mula rito
ay muling binuhay ang tigang na lupa na dati ay walang buhay. At
sa pagbabago ng ihip ng hangin, ay mga palatandaan para sa mga
taong may pang-unawa. Ito ang mga palatandaan ng Allah na Aming
binibigkas sa iyo nang makatotohanan: Samakatuwid sa ano pa bang
pagpapahayag ang maaaring paniwalaan nila pagkaraang (itakwil
nila) ang Allah at ang Kanyang mga palatandaan?”
II. Ang Tamang Konsepto (Pagkilala) Sa Isang
Tunay Na Diyos
Ang ikalawang pangunahing pangangailangan upang ganap na
maunawaan ang paksang tatalakayin, ay ang tamang pagkilala o
konsepto sa Diyos. Bagama’t maraming tao ang naniniwala sa
pagkakaroon ng nag-iisang Diyos, ang pagkilala rito ay kapos at
walang batayan. Ano nga ba ang katotohanan tungkol sa tunay na
pangalan ng Nag-iisang Diyos? Ang matibay na batayan dito ay ang
orihinal na wika ng mga Propeta na isinugo ng Nag-iisang Diyos at
ang Banal na Kasulatan na dala ng mga naturang Propeta. Pumili tayo
ng mga kinikilalang Propeta at Banal na Kasulatan. Nangunguna na
rito ang tatlong dakilang Propeta ng tatlong pangunahing relihiyon sa
mundo, sina Moises (Judaismo), Hesus (Kristiyanismo) at Muhammad
8 9
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
na ginamit. Higit pa rito, ang salitang Jehovah ay hindi nabanggit at
wala sa pandinig ng sinumang nakabasa ng Old at New Testament bago
dumating ang 16th century. Ganoon din naman ang pangalang Jesus,
ito ay wala sa orihinal na wikang aramaiko ni Jesus (Esau ang tunay
niyang pangalan sa aramaiko, at Isa naman sa arabik). Ganyan din ang
nangyari sa pangalan nina John-the Baptist (Yahya), Jacob (Ya`qub),
Joseph (Yusuf), Judah (Yehuda), at Joshua (Yeheshua). Sadyang
napakahalaga sa bawa’t tao na magkaroon ng tapat na pagsisiyasat at
pag-aaral tungkol sa paksang ito upang makita ang katotohanan.
Ang Kahulugan Ng “Yahweh”
At ayon din sa “New Jerusalem Bible” ang YHWH na binibigkas na
YAHWEH ay binigyan ng paliwanag ng ganito: Ito ay bahagi ng wikang
Hebreo na nagpapahiwatig o nangangahulugang “Siya” o sa ingles na
“He is”. Kung ang salitang Yahweh ay “Siya” hindi ito isang ganap na
pangalan. Kaya higit na angkop ang salitang Allah kaysa sa Jehovah o
Yahweh. Ang mga arabong kristiyano at Muslim ay kapwa tumatawag
sa Diyos sa pangalang “Allah”.(1)
Ang Kahulugan Ng “Bathala”
Ang salitang “Bathala” ay mula sa wikang arabik na “Bayt Allah”.
Ang salitang “Bayt” ay katumbas ng “Bahay o Tahanan” sa ating
wikang Pilipino. At ang “Allah” naman ay ang Nag-iisang Diyos. Kaya,
kung pagsasamahin ang dalawang salitang Bayt Allah o Bathala ang
kahulugan nito ay Bahay o Tahanan ng Diyos. Samakatuwid, kahit
sa salitang Bathala, ating matatagpuan ang bakas ng katotohanan na
walang ibang tunay na diyos maliban sa Allah.
Ang “God, Gods At Goddess”
Ang salitang “Allah” ay pinanatili upang bigyang pagkakaiba ang
natatanging pangalan ng Nag-iisang Tagapaglikha at ang kaibahan
Niya sa Kanyang mga nilikha. Ang Allah ay hindi nasasangkot at hindi
1 “Allah” ay siyang arabik na katawagan sa Diyos na ginagamit ng mga arabong kristiyano at
Muslim. Britanicca, 1990 edition vol. 1 p. 276
Diyos ni Propeta Moises sa kanyang wikang Hebreo. Alalahanin na sa
wikang Arabik at Hebreo, ang IM sa dulo ng Eloihim ay isang salitang
paggalang (plural of respect). Katulad ng Pilipino na ginagamit ang
Kayo, Inyo kung ang kausap ay matanda bilang paggalang dito. Kaya’t
ang Eli, Elah at Eloihim ay hindi tatlong magkakaibang kahulugan at
salita kundi tatlong semitikong wikang tumutukoy sa isang Arabik na
salitang nakaugnay lamang sa Tanging Nag-iisang Tagapaglikha (The
One and Only Creator) - ang Allah at ito ang Siyang tunay na Pangalan
ng Nag-iisang Diyos. Katunayan pa nito, maging sa simbahan ng mga
Kristiyano, ang awiting papuri sa Diyos na “Alleluya” ay katumbas ng
“Allah Huwa” sa arabik na ang ibig sabihin ay “Siya ang Allah”. Ito
ay isang bakas ng katotohanan na hindi maaaring ikubli ng sinuman.
Sino Si Jehovah?
Ang salitang “Jehovah” ay hindi maaaring maging pangalan ng Diyos,
sapagka’t ayon na rin sa aklat na “World Religions From Ancient
History” (edited by Geoffrey Parrinder, p 386) ang salitang Jehovah ay
isang “medieval misreading” na ang ibig sabihin ay maling pagbigkas
sa pagbasa nito at hindi ito matatagpuan sa Bibliyang Hebreo. Ayon pa
rin sa “Interpreters Dictionary of the Bible” ang pangalang Jehovah ay
isang artipisiyal na pangalan (vol. 2, p. 817). Ang “Asimov’s Guide to
the Bible” ay nagsabi na ang Jehovah ay pagkakamali (vol. 1 p. 135)
at ang pagkakamaling ito ay magpapatuloy. Ang paliwanag naman ng
mga kasapi ng Jehovah Witness ay ito: ang Jehovah ay mula sa YHWH
(tetragrammaton). Ang ibig sabihin ng Tetra (ito ay wikang griego) ay
apat at ang “grammaton” ay titik. Alalahanin na ito ay hindi winika
ni Hesus, at hindi rin winika ni Moises at maging sino mang Propeta.
Ang salitang Jehovah ay pagkakamali, sapagka’t nang ang isang
Kristiyanong nangangalang Petrus Galantinus (AD 1520) ay pinaghalo
ang katinig na YHWH sa patinig na a, o at a nabuo ang salitang Ya
Ho WaH. At dahil ang titik na “Ya” ay binibigkas sa wikang Latin
ng “J” ang Jehovah ay naibigkas sa ganoong kaparaanan. Bagama’t
inamin na ang salitang “Jehovah” ay isang pagkakamali, ito ay patuloy
10 11
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
masalimuot na kataga na maaaring magdulot ng pag-aalinlangan o
maling kaisipan tungkol sa malinis at wagas ng pagkakilala sa Nagiisang
Tunay na Diyos. Siya ang Nag-iisang tunay na Diyos, nag-iisang
walang katulad, nag-iisang walang kapantay, nag-iisang may ganap
na kapangyarihan, katarungan, kagandahan, karunungan, kaalaman,
na walang paghahambing sa sinuman. Batid Niya ang nasa kalaliman
ng karagatan, ng kalupaan at ng kalangitan. Walang makaaarok o
makasusukat sa Kanyang kakayahan.
III. Bakit Nilikha Ng Diyos Ang Sangkatauhan?
Mula sa pananaw ng sangkatauhan, ang katanungang “Bakit nilikha
ng Diyos ang sangkatauhan?” ay nagpapahiwatig ng isa pang
mahalagang katanungan ---“Ano ang pananagutan ng tao sa Diyos?”
Sa Huling Kasulatan o Kapahayagan ng Diyos, ang Banal na Qur’an,
ang katanungan ay binigyan ng malinaw na kasagutan. Ang Diyos na
Tagapaglikha ay nagsabi na ang bawa’t tao ay isinilang na may likas
na pagkilala sa Diyos. Ang paniniwala sa iisang Diyos ay nakatatak sa
bawa’t kaluluwa ng tao. Ang mga magulang at ang kapaligiran ng isang
sanggol ang siyang nagtulak upang siya ay mapaligaw mula sa pagsamba
sa Tagapaglikha patungo sa pagsamba sa isang huwad na diyos.
At batay sa likas na paniniwala sa iisang Diyos, ang layunin ng
pagkakalikha sa tao ay binigyan ng paliwanag. Ang Diyos na
Tagapalikha ay nagpahayag sa Banal na Qur’an ng ganito:
[Qur’an-51:56] “At hindi Ko nilikha ang Jinn(1) at Tao maliban lamang
na Ako ay kanilang sambahin.”
Kung ang dahilan ng pagkakalikha sa tao ay upang sumamba sa Nagiisang
Diyos na Tagapaglikha, magkagayon, ang tao ay pumapailalim
sa Kapangyarihan ng Diyos bilang alipin. Samakatuwid ang Diyos na
1 Jinn - ito ay mga nilikha rin ng Diyos mula sa apoy, samantalang ang tao ay nilikha mula sa
alabok. Ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag. Ang mga Jinn ay may sariling daigdig
at hindi nakikita ng tao sa likas nilang anyo. Katulad ng tao, sila rin ay may pananagutan sa
kanilang mga gawa.
nababahiran ng anumang katangian o paglalarawan na angkop lamang
para sa Kanyang mga nilikha. Halimbawa; ang Kasarian (sexual
identity) - ito ay ginagamit upang bigyang pagkakaiba ang babae at
lalaki. Ang Kasarian ay hindi maaaring taglayin ng isang Tunay na
Diyos. Ang “Allah” ay hindi rin nasasangkot sa pangmaramihan
(plurality of number) - Hindi katulad ng salitang “God” sa wikang
english kapag ito ay dinagdagan ng letrang “s” sa dulo ng god, ito ay
magiging gods na nangangahulugan na “maraming diyos”. O di kaya ay
“dess” na naging “goddess” na ang kahulugan ay diyos na babae. Ang
Allah ay isang salita na nagsasaad ng Kaluwalhatian, Kapangyarihan,
Kadakilaan at Kapurihan o Karangalan. Ito ay isang banal na katawagan
na hindi maaaring gamitin ng sinumang nilikha sa anupamang dahilan
at pamamaraan at kalagayan.
Ang Konseptong “Diyos Ama”
Ang katawagang “Diyos Ama” ay hindi ginagamit ng mga Muslim,
sapagka’t ang “ama” ay nagpapahiwatig ng isang katangian ng tao.
Ang Diyos ay hindi nagkaanak o nanganganak at hindi rin naman
Siya ipinanganak ng ninuman, sapagka’t ang ganitong kalakaran ay
angkop lamang sa tao o hayop. Tunay na napakaganda ng Konsepto
ng Islam tungkol sa Diyos. Maliwanag nitong binigyang pagkakaiba
at pagitan ang anumang katawagang nararapat sa Diyos na hindi
maaaring matagpuan sa katawagan na umuugnay sa isang nilikha
lamang. Ang paggamit o pagtawag ni Hesus bilang Ama sa Diyos ay
isang metaporikal na pagtawag lamang at hindi literal na pagtawag na
karaniwang ginagamit ng tao. Karaniwang ginagamit ang metaporikal
na (ama) sa makalumang panahon. Ang “ama” sa metaporikal (o
matalinhagang) kahulugan ay maaaring “tagapagsimula o tagapagtatag
(Founder). Maging sa ating bansa, metaporikal din ang ginagamit sa
pagbibigay tag-uri o pagkilala sa mga dakilang tao, halimbawa - ang
Pangulong Manuel Quezon ay siyang tagapagsimula (founder) o
tagapagtatag ng wikang Pilipino, kaya naman siya ay tinaguriang “Ama
ng Wika”. Kaya nga, ang Islam ay ganap na umiiwas sa anupamang
12 13
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
iisang Diyos na Tagapaglikha. Nasa tamang pagsamba matatagpuan
ang haligi ng kabutihan na siyang gabay tungo sa wagas na buhay at
kaligtasan. Kung ang isang tao ay may tamang konsepto tungkol sa
Diyos, hindi mahirap para sa kanya na gampanan ang tungkulin bilang
alipin ng Diyos, magkagayon, umuunlad ang kanyang pananampalataya
at ang tunay na takot sa Diyos ay kanyang nadarama. Bunga nito,
natututunan niyang iwasan ang masama. Kung siya man ay nagkasala,
siya ay dagliang tumatalima at nagbabalik loob.
IV. Ang Unang Kautusan Ng Diyos
At dahil ang layunin ng pagkakalikha sa tao ay upang sumamba lamang sa
Tanging Isang Diyos, ito ang una, pangunahin at pinakadakilang Kautusan
ng Diyos na ipinagkaloob Niya sa tao sa pamamagitan ng Kanyang mga
Sugo at Propeta. Ang BUKOD-TANGING PAGSAMBA SA NAGIISANG
DIYOS NA TAGAPAGLIKHA ang Unang Kautusan na
nakatala sa lahat ng Banal na Kapahayagan o Kasulatan na ipinadala ng
Diyos sa lupa. Ang unang Kautusang ito ang siya ring unang katanungan
sa tao sa araw ng kanyang kamatayan(1) “Sino ang iyong Panginoon
(Diyos)? Kaya ang Qur’an ay laging nagpapaalaala at nagbibigay babala
sa sangkatauhan na manatili sa pagsamba sa Diyos na lumikha sa kanya:
[Qur’an-2:21-22] “O! Sangkatauhan, sambahin ninyo ang inyong
Panginoong (Allah) na Siyang lumikha sa inyo at sa mga naunang (lahi)
sa inyo upang kayo ay magkaroon ng kabanalan (takot sa Kanya). Siya
ang gumawa ng kalupaan para sa inyo bilang (inyong) pahingahan
at ang kalangitan bilang silungan, at nagpaagos mula sa langit ng
tubig (ulan) at mula rito ay umusbong ang mga bungang-kahoy bilang
inyong kabuhayan. Kaya’t huwag kayong magtakda sa Allah ng mga
kaagaw (sa pagsamba), samantalang ito ay inyong nalalaman (na
walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya).”
1 Sa unang araw ng pagkakalibing ng isang tao, mayroong lalapit na dalawang anghel sa kanya
upang tanungin ng tatlong bagay. Ang unang tanong ay “Sino ang iyong Panginoon (o Diyos
na iyong sinamba)?. Ikalawa, Sino ang iyong Propeta? Ikatlo, Ano ang iyong relihiyon?
Tagapaglikha ay tumatayo bilang Panginoon ng lahat ng nilikha. Ang
tao bilang isang alipin ng Diyos ay nananatiling alipin sa lahat ng oras,
panahon at sa lahat ng pagkakataon o kalagayan. Hindi siya alipin sa
isang takdang panahon lamang, bagkus siya ay mananatiling alipin
magpakailanman.
TAO - Alipin ng Diyos.
Ang tao ay alipin ng Diyos. Hindi siya alipin ng sinumang tao o ng
kahit anupaman. Ang Diyos ay nag-utos:
[Qur’an-6:162-163] “Sabihin mo (sa kanila O Muhammad ):
‘Katotohanan, ang aking Salah (pagdarasal), ang aking pag-aalay
(pagkatay ng hayop), ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para
sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Siya ay walang
katambal. Iyon ang ipinag-utos sa akin, at ako ang maging una sa mga
Muslim [sumusuko sa kalooban ng Diyos]…”
Ang Makapangyarihang Diyos bilang Panginoon ng tao ay nagbigay
ng mga Batas at Pamamaraan ng Buhay upang maisakatuparan at
maitaguyod ng tao ang Banal na Layunin ng pagkakalikha sa kanya
- ito nga ay ang pagsamba sa Kanya lamang. At upang maiparating
ang mga Batas o Kautusan para sa tao, pumili Siya ng mabubuting tao
na tinatawag nating mga PROPETA o SUGO. At sila ang nagbigay
patunay at nagturo sa sangkatauhan kung paano isagawa ang lahat
ng kautusan at Batas ng Nag-iisang Diyos. Sila ay nagpaliwanag sa
lahat ng tao kung sino ang dapat sambahin bilang Diyos at Panginoon
kalakip nito ang tamang pamamaraan ng buhay tungo sa kabutihan
bilang paghahanda sa buhay na walang hanggan. Ang lahat ng Propeta
- kabilang na si Adan, Noah, Abraham, Lot, Hakob, Isaak, Ismael,
Moises, Aaron, David, Juan Bautista, Hesus at ang huli sa kawing ng
mga Propeta na si Muhammad (1) ay nagkaisa sa pagtataguyod ng
natatanging mensahe - ang Pagbubukod-Tanging Pagsamba sa Nag-
1 “Sallallaahu alayhi wa sallam”, na ang ibig sabihin ay: Nawa’y ang Kapayapaan at
Pagpapala ng Diyos ay mapasakanya. Ito ay salitang nagpapahiwatig ng paggalang kay Propeta
Muhammad tuwing babanggitin ang kanyang pangalan bilang Propeta ng Diyos.
14 15
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
V. Ang Mensahe ng Mga Propeta at Sugo ng Nagiisang
Diyos
Mula nang ang kasalanang Idolatriya (pagsamba sa mga huwad na diyos)
ay lumaganap sa pamayanan ng tao, ang Diyos na Tagapaglikha ay
nagsugo ng mga Propeta upang ituwid ang tao mula sa pagkalugmok sa
kasalanan ng dahil sa maling pagsamba. Lahat ng Propeta na dumating
sa mundong ito ay naghangad na hanguin ang sangkatauhan sa dilim ng
idolatriya tungo sa liwanag ng pagsamba sa nag-iisang Diyos batay sa
prinsipiyong Tawheed (Pagkilala at Pagbubukod-Tanging Pagsamba sa
Nag-iisang Diyos.
[Qur’an-6:82-86] “Yaong mga naniwala at hindi hinaluan ang
kanilang paniniwala ng kamalian, sila yaong may kaligtasan at sila ay
[matwid na] napatnubayan. At iyon ang Aming [matibay na] katuwirang
Aming ipinagkaloob kay Ibrahim (Abraham) laban sa kanyang mga
mamamayan. Aming itinataas sa mga antas [ng karangalan] ang
sinumang Aming naisin. Katotohanan, ang iyong Panginoong (Allah)
ay Tigib ng Karunungan, Maalam. At Aming iginawad para sa kanya
[kay Ibrahim (Abraham)] sina Ishaq (Isaak) at Ya`qub (Hakob), lahat
sila ay Aming pinatnubayan. At Aming naunang pinatnubayan si
Nuh (Noah) at kabilang sa kanyang mga lahi ay sina Daud (David),
Sulaiman (Solomon), Ayyub (Hob), Yusuf (Joseph), Musa (Moises) at
Haron (Aaron). Ganyan Namin ginagantimpalaan [o binabayaran]
ang mga mapaggawa ng mga kabutihan. At sina Zakariya (Zakarias),
At Yahya (John), at ˋIsa (Hesus), at Ilyas (Elias), bawa’t isa sa kanila
ay kabilang sa mga mabubuting tao. At sina Ismail (Ismael), at Al-Yasa
[Elisha] at Yunus (Jonas) at Lut (Lot), silang lahat ay Aming itinangi
nang higit sa lahat ng mga nilikha [sa kanilang panahon].
Ang mga talata sa ibaba mula sa Banal na Qur’an ay mga patunay na ang
mensahe ng mga Propeta at Sugo ay walang pagkakaiba sa pangunahing
aral at katuruan ng mga ito, sapagka’t ang lahat ay nagmula sa Tanging
Isang Manlilikha.
[Qur’an-42:13] “Itinalaga Niya sa inyo ang relihiyong katulad ng
[Qur’an-2:28] “Paanong di kayo naniniwala sa Allah, samantalang
kayo ay walang buhay noon at kayo ay binigyang buhay Niya?
Pagkaraan, kayo ay bibigyan ng kamatayan at muling bubuhayin (sa
Araw ng Paghuhukom) at pagkatapos, sa Kanya kayo ay ibabalik.”
Sa bawa’t henerasyon at sa lahat ng salin-lahi ng tao, ang Unang
Kautusang ito ay nanatili bilang isang Banal na Kautusan na siyang
buod at diwa ng Kaligtasan. Ito ang siyang kabuuan ng lahat ng uri ng
kabutihan. At upang ang sangkatauhan ay magkaroon ng magkakatulad
na kaisipan, konsepto, pagkilala sa iisang Diyos, at makaiwas sa
pagsamba sa mga diyus-diyusan, isinugo Niya ang mga Propeta sa bawa’t
panahon, sa bawa’t pamayanan at lahi bilang mga Tagapagpaliwanag at
Tagapagbabala.
Kaya naman, ang Kautusang ito ay dala ng lahat ng Propetang isinugo
ng Diyos na Tagapaglikha na hindi nagbago mula pa sa unang araw ng
pagkakalikha Niya kay Adan hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Ang Qur’an ay nagpahayag:
[Qur’an-16:36] “At katotohanan, Aming ipinadala sa bawa’t
pamayanan ang isang Sugo (na nag-aanyayang): Sambahin ninyo ang
Allah at iwasan ang huwad na diyos.”
[Qur’an-4:163] “Katotohanan, Aming kang binigyan ng kapahayagan
(O, Muhammad ) katulad ng kapahayagan ipinagkaloob Namin kay
Nuh (Noah) at sa mga propetang (dumating) pagkaraan niya. At Amin
ding binigyang kapahayagan si Ibrahim (Abraham), Ismail (Ismael),
Ishaq (Isaak), Ya`qub (Hakob) at ang Al-Asbat (labindalawang anak ni
Ya`qub), ˋIsa (Hesus), Ayyub (Hob), Yunus (Jonas), Haron (Aaron), at
si Sulaiman (Solomon), at kay Daud (David) ipinagkaloob ang Zabur
(Psalmo). At sa mga Sugo na Aming isinalaysay sa iyo noong una at
mga Sugo na hindi Namin isinalaysay sa iyo, at kay Musa (Moises) ang
Allah ay tuwirang nangusap sa kanya.”
16 17
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
na Makapangyarihan upang ang tao ay manatili sa pagkilala sa Kanya. Sa
mahabang panahon ang Makapangyarihang Diyos ay binigyang patnubay
ang sangkatauhan at hindi Niya hinayaang maligaw ng landas. Iminumulat
ang tao sa malinis na pagsamba at pagkilala sa tunay na Diyos laban sa
mga diyus-diyusan na ginawa lamang ng sariling imahinasyon ng ilang
taong naligaw ng landas. Si Propeta Abraham ay kinilala ng mga Hudyo,
Kristiyano at maging ang mga Muslim bilang Ama ng Pananampalataya
(Father of Faith in the Oneness of God). Sa kanyang panahon, ang mga
tao ay muling sumamba sa mga istatwa o rebulto. Maging ang kanyang
ama ay deboto sa mga istatwa o imahen. Minsan, kanyang pinagpapalakol
ang mga rebulto at ang palakol ay isinabit niya sa malaking rebulto. Nang
dumating ang mga taong sumasamba sa mga rebulto o istatwa, sila ay
nagulat sa pagkakasira ng kanilang mga diyos. Kaagad nilang naisip si
Abraham dahil lantaran itong sumasalungat sa pagsamba sa mga diyusdiyusan
nila. Kaya tinanong nila si Propeta Abraham kung sino ang may
kagagawan ng pagkawasak ng mga rebulto. Itinuro ni Propeta Abraham
ang pinakamalaking rebulto at sinabing ang rebultong ito ang may
kagagawan. Nagalit ang mga tao kay Propeta Abraham at siya ay iginapos
at tinangkang sunugin. Paano nga namang magagawa ng isang rebultong
walang buhay ang paninira sa ibang rebultong kasama nito? Ang pangyayari
o kasaysayang ito ay isa lamang paraan upang magising at maimulat ang
tao sa katotohanan na walang dapat sambahin kundi ang Tagapaglikha.
Ang tunay na Diyos ay walang larawan at hindi maihahalintulad sa isang
rebulto, imahen, istatwa o anupamang ginawa ng kamay ng tao. Na ang tao
ay dapat talikdan ang pagsamba sa mga istatwa, rebulto, imahen, litrato,
propeta o anupamang bagay na nilikha lamang at hindi makapagbibigay
kapakinabangan sa kanila.
Mula sa Banal na Qur’an, ito ay nagpahayag:
[Qur’an-29:16] “At (tandaan), nang si Ibrahim (Abraham) ay magsabi
sa kanyang mamamayan: Sambahin ninyo ang Allah at magkaroon ng
takot sa Kanya. Ito ay makabubuti sa inyo kung nalalaman lamang
ninyo ito.”
itinagubilin Niya kay Nuh (Noah) at yaong ipinahayag sa iyo (O,
Muhammad ) at siya ring itinagubilin kay Ibrahim (Abraham) at Musa
(Moises) at ˋIsa (Hesus) (na nagsabing): “Itatag ninyo ang relihiyon at
huwag kayong maghiwa-hiwalay rito.”
Sa kasaysayan ng mga Banal na Kasulatan na ipinahayag ng Tanging
Isang Diyos, ang katotohanan ay nanatiling nakatala magdaan man o
lumipas ang mahabang panahon. Magbalik tanaw at paghambingin ang
mensahe ng mga Propeta at Sugo ng Diyos.
Ang Mensahe Ni Propeta Noah (Nuh)
Si Propeta Noah ay nanatiling nanawagan sa mga tao na sumamba
lamang sa Panginoong Tagapaglikha hanggang umabot siya ng 950
taong gulang.
Sa panahong iyon, ang mga tao ay sumasamba rin sa mga rebulto at
istatwa na tinawag nilang mga diyos na nangangalang Wadd, Suwa,
Yaghuth, Ya’uq at Nasr. Si Propeta Noah ay patuloy na nagtiis sa
pagbibigay babala sa tao at nagwika:
[Qur’an-71:2-3] “Sinabi niya ‘O, aking mamamayan! Katotohanan,
ako ay isang malinaw at maliwanag na Tagapagbabala (Sugo) sa inyo,
na inyong dapat sambahin (lamang) ang Allah. Matakot sa Kanya at
ako ay inyong sundin.”
At dahil sa kawalan ng pananampalataya sa tanging isang Diyos,
dumating ang delubyo (malaking baha) bilang parusa sa kanila at sila
ay nilunod at pinangyaring mapasok sa Impiyerno.
Ang Qur’an ay nagpahayag:
[Qur’an-71:25] “Dahil sa kanilang mga kasalanan, sila ay nilunod
at pinangyaring mapasok sa Apoy. At wala silang matagpuang mga
karamay bukod sa Allah.”
Ang Mensahe Ni Propeta Abraham (Ibrahim)
Kung ano ang pangunahing aral ni Noah, ay siya ring aral na ipinamahagi ng
mga sumunod na Propeta. Lagi at lagi nang nagsusugo ng Propeta ang Diyos
18 19
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
[Qur’an-37:123-126] “At katotohanan, si Ilyas (Elias) ay isa sa
mga isinugo. Nang siya ay nagsabi sa kanyang mamamayan: “Kayo
ba ay walang takot (sa Diyos)? Dadalangin ba kayo kay Ba`l (diyusdiyusan
sa kanilang lugar) at itatakwil ang pinakamahusay sa mga
Tagapaglikha? Ang Allah ang inyong Panginoon at Panginoon ng
inyong mga naunang ninuno.”
Ang Mensahe Ni Propeta Moises (Musa)
Mula sa aklat na ipinagkaloob ng Diyos kay Moises na tinatawag na
Torah (Tawrah sa wikang Arabik) at maging sa SAMPUNG KAUTUSAN
(Ten Commandments of God) na magpahanggang ngayon ay kinikilala
at ibinabantayog ng mga Hudyo at mga Kristiyano, ang pangunahing
Kautusan ay IBIGIN MO ANG DIYOS NG HIGIT KANINUMAN. At
ang pag-ibig sa Diyos ang siyang diwa ng ganap at wagas na pagsamba
sa Nag-iisang Diyos na Siyang may likha sa lahat ng bagay. Si Moises ay
matibay na inihayag ang pangunahing kautusan mula sa Bibliya at nagsabi:
Deuteronomio-6:5 “Pakinggan mo O Israel, ang Panginoong Diyos
ay Isang Panginoon. At inyong mahalin ang inyong Panginoon ng
buong puso, ng buong kaluluwa at buong lakas.”
Ang kasaysayan ni Paraon (Fir`aun) ay hindi kukupas at laging
mananatili sa kaisipan ng bawa’t tao. Si Paraon ay isang hari sa
Lumang Ehipto (Egypt). Itinuring niya ang kanyang sarili bilang diyos
at panginoon ng mga taong sinasakupan niya. Siya ay mapagmataas
at walang kinikilalang diyos maliban sa kanyang sarili. Ang Banal na
Qur’an ay nagsalaysay tungkol kay Paraon:
[Qur’an-28:38] “At si Fir`aun (Paraon) ay nagsabi: O aking mga
tagapamahala! Wala akong nalalaman (o kinikilalang) iba pang diyos
para sa inyo maliban sa akin. Kaya’t magpaningas ka para sa akin ng
apoy sa luwad (batong tisa) O Haman, at ipagpatayo mo ako ng isang
mataas (matayog) na palasyo (tore) upang aking matanaw ang Diyos
ni Musa (Moises) at tunay na ako ay nagtuturing na siya (Musa) ay
kabilang sa mga sinungaling.”
[Qur’an-29:17] “Ang tanging inyong sinasamba ay mga diyus-diyusang
(rebulto at istatwa) lamang bukod sa Allah at kayo ay gumagawa ng
isang kasinungalingan (at kapalaluan). Katotohanan, yaong sinasamba
ninyo bukod sa Allah ay walang kapangyarihang makapagbigay ng
inyong ikabubuhay. Kaya, humingi (lamang) ng ikabubuhay sa Allah
at sambahin Siya lamang at maging mapagpasalamat sa Kanya.
(Sapagka’t) sa Kanya, kayo ay ibabalik.”
Ang Mensahe Ni Propeta Hakob (Ya`qub)
Ang aral ni Propeta Abraham ay siya ring aral na iniwan sa kanyang
mga anak na sina Propeta Ismael at Isaak. Nang magkaanak si Isaak, na
ang ngalan ay Hakob, iniwan din ang pangunahing kautusang ito.
[Qur’an-2:133] “O kayo ba ay saksi nang si Ya`qub (Hakob) ay
naghihingalo? Nang sabihin niya sa kanyang mga anak na lalaki,
“Ano ang inyong sasambahin pagkaraan ko? Sila ay nagsabi, “Aming
sasambahin ang iyong Diyos, na (Siya ring) Diyos ng iyong mga ninuno
na sina Ibrahim (Abraham), Ismail (Ismael), Ishaq (Isaak) - na Isang
Diyos (lamang) at kami ay sumusuko sa Kanya.”
Ang Mensahe Ni Propeta Joseph (Yusuf), anak ni
Propeta Hakob (Ya`qub)
Ganito rin ang aral na iniwan ni Propeta Hakob (na tinawag na Israel) sa
kanyang mga anak (12 tribu) kabilang si Propeta Joseph.
[Qur’an-12:38] “At aking sinusunod ang relihiyon ng aking mga
ninuno, Ibrahim (Abraham), Ishaq (Isaak) at Ya`qub (Hakob), (at) hindi
kami magbibigay ng anupamang katambal (sa pagsamba) sa Allah. At
ito ay isang pagpapala ng Allah para sa amin at para sa sangkatauhan,
nguni’t karamihan sa tao ay walang pasasalamat.”
Ang Mensahe Ni Propeta Elias (Ilyas)
Ang mga sumunod pang mga lahi ay ganoon din ang aral katulad ni
Propeta Elias. Matutunghayan sa Banal na Qur’an ang paanyaya at
babala niya sa tao na:
20 21
S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN? S I N O ANG DAPAT SAMBAHIN?
[Qur’an-10:92] “Kaya sa araw na ito, Aming iaahon (dadalhin) ang
iyong bangkay (mula sa karagatan) upang ikaw ay maging palatandaan
(o maging aral at babala) sa mga darating pang lahi pagkalipas mo. At
katotohanan, marami sa sangkatauhan ang hindi nagbigay pansin sa
Aming mga palatandaan (o babala).”
Maging sa kasalukuyang panahon, ang bakas ng kasaysayan ni Paraon
ay makikita pa rin sa makabagong Ehipto. Ang patay na katawan ni
Paraon at ng ilang mga kasamahan ay makikita sa mga museleo ng
Ehipto. Sa mga Archeological sites laging natatagpuan ang ilang labi
ng kaharian ni Paraon at ng ilang bangkay ng kanyang mga kasamahan.
Ito ay isang patunay lamang kung ano ang sinabi ng Diyos mula sa
Banal na Qur’an na binanggit sa itaas. Kahit lumipas pa ang libu-libong
taon, ang bangkay ni Paraon ay mananatiling isang naiwang babala
para sa sangkatauhan. Ipagpatuloy natin ang ginawang pagpapakasakit
ni Propeta Moises pagkaraan lumikas sila sa kamay ni Paraon tungo
sa ibang pook. Tunghayan ang paksang “Pagsamba sa Baka” bilang
karugtong ng kasaysayan ni Propeta Moises at ng kapatid niyang si
Propeta Aaron.
Ang Mensahe Ni Propeta Hesus (ˋIsa)
Ang mensahe ni Hesus ay walang pagkakaiba sa mensaheng dala ng
mga Propetang nauna sa kanyang kapanahunan. Hindi ito sumasalungat
sa pundamental na aral ng lahat ng Propeta. Halimbawa: Sa Bibliya
(Bagong Tipan), si Hesus ay nagbigay aral din sa Unang Kautusang ito
(ang pagsamba sa iisang Diyos) at nagwikang:
Markus-12:29 “Pakinggan mo O, Israel. Ang Panginoon nating Diyos
ay Isang Panginoon. At iyong mahalin ang iyong Panginoong Diyos ng
buong puso, buong kaluluwa, ng buong isip at ng buong lakas.”
Mula naman sa pahina ng Huling Kapahayagan (Qur’an) matutunghayan
din ang tunay na mensaheng dala-dala ni Hesus. Minsan, ang isang
disipulo ni Hesus ay nagtanong sa kanya. Ano ba ang pang-ulo
(pangunahing) kautusan? Si Hesus ay nagsabi:
Ang pagbibigay babala ni Propeta Moises ay nagpatuloy hanggang
magpakita ito ng mga himala upang patunayan nito kay Paraon na
mayroong isang tunay na Diyos na dapat kilalanin at sambahin. Nguni’t,
si Paraon ay mapagmataas at matigas ang puso at kalooban. Bagama’t
ang kanyang sariling mga salamangkero (mahikero) ay pakumbabang
tinanggap ang himalang ginawa ni Moises sa kapahintulutan ng Diyos, si
Paraon ay nanatiling matibay sa kanyang paniniwala na siya lamang ang
diyos na dapat kilalanin ng kanyang mga tauhan. At dahil nga sa kalupitan
niya sa mga kasamahan ni Moises, nagpasiya ang mga ito na lumikas
at mangibang bayan kasama si Moises. Sa patnubay ng Diyos, sila ay
inutusan na tahakin ang karagatan na sa pamamagitan ng kapangyarihan
ng Diyos, ang dagat ay nahawi at nahati at naging isang daan ito sa
pagtakas patungong ibayong lugar. Hinabol ni Paraon at ng kanyang
mga tauhan ang mga kasamahan ni Moises. Nguni’t sa kapangyarihan
ng Diyos, si Paraon at ang kanyang mga tauhan ay inagaw ng malalaking
alon. Ang kasaysayang ito ay pinatunayan ng Banal na Qur’an.
[Qur’an-28:40] “At Aming hinablot siya [Fir`aun (Paraon)] at ng
kanyang mga kawal at inihagis sa karagatan (at pinangyaring malunod).
Kaya’t pagmasdan kung paano ang nagiging wakas (kahihinatnan) ng
mga makasalanan.”
Nang si Paraon ay malulunod na, siya ay nagsisi at ang
pangyayaring ito ay ipinahayag ng Banal na Qur’an:
[Qur’an-10:90] “Siya [Fir`aun (Paraon)] ay nagsabi: Ako ay
naniniwala na tunay ngang walang diyos (na dapat sambahin) maliban
sa Kanya, na Siyang pinaniwalaan ng mga angkan ni Israel, at ako ay
isa sa mga Muslim (sumusuko sa Kalooban ng Diyos).”
Nguni’t ang pagsisisi ni Paraon ay huli na, sapagka’t ang kamatayan ay
naitakda na sa kanya.
Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:
[Qur’an-10:91] “Ngayon pa, samantalang sumuway ka noon at ikaw
ay kabilang sa mga gumagawa ng katiwalian.”