Ang Kahigitan ng Tawheed (Kaisahan ng Allah) O mga alipin ng Allah جل جلاله, katakutan ninyo ang Allah جل جلاله ng tunay na pagkatakot, katakutan ninyo ang Allah جل جلاله sapagkat ito'y daan sa kanyang gabay,at ang pagsuway dito ay siya naming daan kaligawan at kalungkutan. O mga mananampalatayang muslim, ang Allah جل جلاله ay nag-iisa at kailanman hindi nagkaroon ng katulad at katambal. Iniutos ng Allah جل جلاله sa kanyang mga alipin na sambahin Siya ng nag-iisa sa lahat ng uri ng pagsamba na naayon sa mga gawa ni Propeta Mohammad صلى الله عليه وسلم. Ginawa ng Allah جل جلاله ang pagsamba sa Kanya ang siyang pinaka-ugat at sentro ng relihiyon at unang haligi nito, ito rin ang nagdudulot ng lahat ng kabutihan at hindi magiging katanggap-tanggap ang kabutihan maliban na lamang sa bagay na ito, ang kakaunting gawa na inalay sa Allah جل جلاله na kakaunti ay dumadami (ang gantimpala)at ang kabutihang gawa na hindi inalay sa Allah جل جلاله, kahit pa ito’y kasing lawak ng kabundukan ay hindi kailanman tatanggapin. Ito rin ang unang paanyaya ng mga Sugo at Propeta, sa kadahilanang ito sila’y isinugo, sinabi ng Allah جل جلاله: وَمَا نَّٓهُٓ
“At Kami ay hindi nagpadala ng sugo na nauna sa inyo (O Muhammad صلى الله عليه وسلم) malibang Kami ay nagpahayag sa kanya na ‘Walang diyos maliban sa Akin, kaya Ako ay inyong sambahin.” Ang lahat ng mga talata ng Qur'an ay malinaw sa pagsasaad at pag-uutos nito, at sa mga kaakibat nitong obligasyon, gantimpala at kaparusahan, sinabi ng Allah جل جلاله: يُّهَا
“O sangkatauhan, sambahin ninyo ang Allah ang inyong Panginoon” Ito ang unang kautusang ipinag-utos ng Allah جل جلاله sa kanyang banal na Qur'an. katunayan, sa bawat pagdarasal ng isang muslim, siya'y nangangako sa Allah جل جلاله na ito'y kanyang itatayo at isasabuhay. إِيَّاكَٓ نَٓعۡبُدُ وَٓإِيَّاكَ نٓسَٓۡتَعِيُٓ]الفاتحة: 5 ]
“sa Iyo lamang kami sumasamba”
Ito rin ay karapatan ng Allah جل جلاله sa kanyang mga alipin at ito ang unang inobliga sa kanila mula
sa mga kautusan na kailangang isakatuparan,sinabi ni Propeta Mohammad صلى الله عليه وسلم kay Mu'adh
kalugdan nawa siya ng Allah :جل جلاله
“Ang unang bagay na aanyayahan mo sila ay patungkol sa pagsamba sa Allah.
(Bukhari at Muslim)
At ang unang bagay na itatanong sa alipin ng Allah جل جلاله sa kanyang libingan ay; sino ang iyong
Panginoon? kanino mo inuukol ang iyong pagsamba? At sino ang iyong Propeta? At dahil sa
kahalagan nito,kung saan hindi natin kailanman makakamit ang kaluguran ng Allah جل جلاله maliban
dito, maging si Propeta Ibrahim kalugdan nawa siya ng Allah جل جلاله ay hiniling sa Allah جل جلاله na
gawing matatag sa kanya ang pagsasabuhay ng (Tawheed) kaisahan ng Allah .جل جلاله
“Aming Panginoon gawin mo po kaming mga Muslim (sumusuko sa Iyo), at mula sa aming
mga anak ay gawin mong isang pamayanang Muslim(sumusuko sa Iyo)”
“Tulutan Mong ako’y pumanaw bilang isang Muslim at ako’y ibilang Mo sa (hanay ng
mga matutuwid)”
Mula sa mga dasal ng ating Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم kanyang sinabi:
“O Allah na siyang tagapangalaga at tagapagkontrol ng mga puso,iyong patatagin ang
aking puso sa iyong relihiyon”
Ito rin ang lagi’t laging paalala ng mga Sugo at Propeta:
“ At Inihabilin ni Abraham sa kanyang mga anak{ na ito’y isakatuparan} at gayon din si
Hakob, {na nagsabing}, “ O aking mga mga anak na lalaki , katotohanan pinili ng Allah
para sa inyo ang Relihiyong ito{Islam}kung kaya’t huwag kayong mamamatay maliban
kayo ay mga Muslim.”
Gayundin, pinagsumikapan ng mga Propeta at Sugo na ito'y ituro at ipaalala sa kanilang mga
anak, maging sila man ay nasa bingit na ng kamatayan, sinabi ng Allah :جل جلاله
“O kayo ba ay naging saksi nang dumating kay Hakob ang kamatayan {paghihingalo}?
Nang kanyang sabihin sa kanyang mga anak na lalaki: ‘Ano ang inyong sasambahin kung
ako ay yumao na?’ sila ay nagsabi , Aming sasambahin ang iyong Diyos , Ang Diyos ng
iyong mga ninunong sina Abraham , Ismael, Isaak, tanging isang Diyos at sa Kanya kami
ay tumatalima.”
Sinanay at tinuruan din ng Propeta ang mga batang Sahaba na magkaroon ng ugnayan sa Allah جل جلاله
ng nag-iisa lamang at walang katambal, kanyang sinabi kay Ibnu Abbas kalugdan nawa sila ng
Allah :جل جلاله
“O bata, katotohanan tuturuan kita ng mga salita, pangalagaan mo ang Allah at ikaw ay
Kanyang pangangalagaan, pangalagaan mo ang Allah at Siya ay matatagpuan mo sa iyong
harapan. Kapag ikaw ay humingi, humingi ka sa Allah . At kapag ikaw ay humingi ng
tulog, humingi ka ng tulog sa Allah At iyong alamin na kahit pa man ang buong nasyon ay
magsamasama upang ikaw ay kanilang bigyan ng kabutihan ay hinding hindi sila
makapagbibigay sa iyo ng kabutihan liban na lamang sa anumang itinakda ng Allah para
sa iyo at ganun din kahit sila ay magsamasama pa upang ikaw ay ipahamak, hinding hindi
ka nila maipapahamak maliban na lamang sa anumang itinakda ng Allah laban sa iyo,
itinaas na ang mga panulat at natuyo na ang mga sinusulatan.” [ Isinalaysay ni Tirmidhi]
At iniutos sa atin ng Allah جل جلاله na huwag tayong mamamatay liban sa katayuang ito, [katayuan ng
pagsamba sa Allah جل جلاله ng nag-iisa].
“O kayong mga mananampalataya, Matakot kayo sa Allah ng tunay na pagkatakot, at
huwag kayong mamamatay maliban na lamang na kayo ay mga tunay na Muslim”
Sa pamamagitan din nito, ating makakamit ang kapanatagan ng ating mga puso at kalayaan mula
sa pagsamba sa nilikha.
“Kaya sinuman ang naisin ng Allah na bigyan ng gabay,Kanyang binubuksan ang kanyang
dibdib {sa liwanag}ng Islam.”
At tatanggalin nito ang ating mga problema at kalungkutan,
“At siya ay nanalangin sa loob ng kadiliman ng dagat na nagsabing: walang ibang diyos
maliban sa Iyo, Luwalhati sa Iyo, ako ay napabilang sa mga gumagawa ng kamalian.”
Sinabi ni Ibn Qayyim kaawaan nawa siya ni Allah جل جلاله :“walang makakapagtulak mula sa
kahirapan at pagsubok na dulot ng mundong ito liban sa tawheed”.
Tinatanggal nito ang anumang sakit ng ating puso at ito’y inaayos at ginagamot nito, sinabi ni
Propeta Muhammad :صلى الله عليه وسلم
“Sa pamamagitan ng tatlong bagay na ito hindi dadatnan ng anumang sakit ang ating mga
puso[gaya ng inggit at galit]: kadalisayan ng ating mga gawain para lamang sa Allah,
paghingi ng payo mula sa mga maaalam at ang pnanatili sa kanilang samahan o grupo”
Ito rin ang daan sa magaan at magandang buhay, bagkus walang tunay na kaligayahan dito sa
mundo maliban sa pagsasabuhay nito (Tawheed).
“Sinuman ang gumawa ng gawaing matuwid , maging siya man ay lalaki o babae, at siya
ay naniniwala sa Allah katiyakang aming ipagkakaloob sa kanya ang magandang buhay.”
Ito ang magsisilbing patnubay sa ating buhay na siya namang kailangan ng ating sarili.
“Sinuman ang sumunod sa Aking patnubay ay hindi maliligaw, at hindi
magdurusa.”
Dito nagkakaisa ang lahat ng mga muslim, arabo man o banyaga, mula man sa silangan o
kanluran,
“Katotohanan ito {ang Islam}, ang inyong relihiyon ay isang relihiyon, at Ako ang inyong
Panginoon kaya Ako ay inyong sambahin.”
Ang kaisahan ng Allah جل جلاله ay ganap, marangal at dakila, ang pinagmulan nito’y matatag at, ito
ang pinakamataas at pinakadakila na salita ng Allah .جل جلاله
“Katotohanan Ako ang Allah, walang ibang diyos maliban sa Akin, kaya Ako ay iyong sambahin.” At walang ng hihigit pa dito sa pagiging pinakamataas na uri ng pananampalataya,sinabi ni propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: “Ang pananampalataya ay mayroong higit sa pitumpong(70) uri at ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsasaksi na walang ibang panginoon maliban sa Allah” (Isinalaysay ni Muslim) Ito din ang pinaka kapuri-puri sa lahat ng uri ng salita at ito din ang pinakamabigat sa timbangan ng ating mga gawa, katumbas nito ay ang pagpapalaya ng alipin at nagsisilbing panangga at proteksyon laban sa mga demonyo(Shaytan).Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: “Sinuman ang magsabi ng isang daang ulit ng walang panginoon maliban sa Allah ang nag-iisa at walang katambal. Sa Kanya ang pagpupuri at Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay,walang sinumang makakahigit sa gawain niyang ito liban sa taong nagsabi nito ng mas maraming beses” (Bukhari) Hindi kailanman naging mahalimuyak ang mga labi ng mas mainam kaysa sa pagbigkas nito, sinabi ng Sugo ng Allah جل جلاله : “Ang pinakamainam sa mga katagang aking sinambit at ng mga sugo na nauna sa akin; لَا إِلَهَ إِلَِّا اللَِّهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ وَهُوَ عَلَى كُلِِّ شَيْءٍ قدير
“Walang ibang Diyos liban sa Alah ang Nag-iisa at walang katambal, sa Kanya ang kaharian at sa kanya ang lahat ng pagpupuri at sa lahat ng bagay siya ay may kakayanan”.[ isinalaysay ni thirmidhi] Ang katagang kailanma’y hindi mawawala, sapagkat nangako ang Allah جل جلاله na may taong mananatili sa pagsasambit at pag-aanyaya nito. 28 ]
“At kanyang ginawa ito bilang isang salitang mananatili sa kanyang mga angkan[lahi], upang sakali sila ay magsibalik [sa patnubay]”
Ang Mga Kondisyon Upang Maging Tanggap Ang Mga Gawain
الخطبة الاولى:
الحمد لله رب العالمين، خلق الخلق لعبادته، وأمرهم بتوحيده وطاعته، وأشهدٌ أن لا إله إلا الله وحده لا شريك له في ربوبيته وإلهيته
وأسمائه وصفاته، وأشهدٌ أن محمداً عبده ورسوله وخيراته من جميع برياته، صلى الله عليه وعلى آله وأصحابه، وسلم تسليماً كثيرا، أما
بعد:
Aking kapatid ano nga ba ang dapat nating isaalang-alang sa ating mga gawa upang ito ay tanggpin ng Allah جل جلاله at ating mapakinabangan sa araw ng paghuhukom? Sinabi ng
“At hindi ko nilikha ang jinn at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala ng iba pa. At hindi Ko kailangan mula sa kanila ang kabuhayan at hindi Ko kailangan na Ako ay pakainin nila, dahil walang pag-aalinlangan, Ako ay nagbibigay ng kabuhayan at Tagapagkaloob. Na ang Allah, luwalhati sa Kanya, ay hindi nangangailangan sa Kanyang mga nilikha, sa halip sila ang mga nangangailangan sa Kanya sa lahat ng pagkakataon, na Siya na lumikha sa kanila at bumubuhay sa kanila ay ganap na hindi nangangailagan sa kanila at sa kahit na anupaman. Katiyakang ang Allah Siya ay (Ar-Razzâq) ang Bukod Tanging Tagapagkaloob ng kabuhayan sa Kanyang mga nilikha at ginagarantiyahan Niya ang kanilang kabuhayan, na (Dhul Qûwatil Mateen) ang Tagapagtangan ng Matibay na Lakas, na di-nagagapi at di-natatalo dahil Pagmamay-ari Niya ang lahat ng kapangyarihan at lakas.”
Ipinaliwanag ng Allah جل جلاله ang dahilan nang paglikha sa sangkatauhan at mga (Jinn) nilikha na hindi nakikita. Nilikha ng Allah جل جلاله ang lahat para lamang sambahin siya at dahil dito sa pagsamba na ito ay may karampatang gantimpala ang bawat sumasamba, tunay na ang Allah جل جلاله
ang tigib ng kayamanan. Sinabi ng “At sinabi sa kanila: Kung kayo ay hindi naniwala sa Allah , kayo at ang lahat ng nasa ibabaw ng kalupaan, kailanman ay hindi ninyo mapipinsala ang Allah ng kahit na katiting; dahil katiyakang ang Allah ay (Ghanee) Napakayaman na Ganap na Malaya mula sa lahat ng pangangailangan na hindi nangangailangan ng kahit na ano sa Kanyang mga nilikha, na Siya ay (Hameed) Nagmamay ari ng lahat ng papuri na Ganap na Pinupuri sa Kanyang mga katangian at sa Kanyang mga gawa sa lahat ng pagkakataon.” Sinabi pa ng
“Kung kayo ay hindi maniwala, O kayong mga tao, sa inyong Panginoon at tumanggi kayo sa Kanya at hindi kayo sumunod sa Kanyang mga Sugo, walang pag-aalinlangang Siya ay hindi nangangailangan sa inyo, kundi kayo ang ganap na nangangailangan sa Kanya, at hindi Niya tinatanggap sa Kanyang alipin ang pagtanggi at hindi Niya ito ipinag-uutos sa kanila, at ang katanggap-tanggap lamang sa Kanya ay ang pagtanaw ng utang na loob sa Kanyang biyaya sa kanila. At hindi ipapapasan sa sinumang tao ang kasalanan ng iba.”
Ang pagsamba, aking mga kapatid ay nagbibigay ng pakinabang sa mga nilikha ngunit ang Allah جل جلاله ay tigib ng kayamanan at hindi nangangailangan ng kahit ano pa man. Ngunit inutusan ng Allah جل جلاله ang mga nilikha na sambahin Siya upang makinabang ang mga nilikha at upang maging paraan ng ugnayan sa pagitan ng mga nilikha at ng panginoon. Sinabi ng
“O sangkatauhan! Kayo ang siyang nangangailangan sa Allah sa lahat ng pagkakataon, at kailanman ay hindi mawawala ang iyong pangangailangan sa Allah nang kahit na isang kurap ng mata, Siya ay (Al-Ghanee) ang Malaya sa anumang pangangailangan, na walang pangangailangan na kahit na anumang bagay mula sa Kanyang mga nilikha, na (Al-Hameed) karapat dapat sa lahat ng papuri na pinupuri sa Kanyang Sarili, sa Kanyang mga Pangalan at mga Katangian sa lahat ng pagkakataon.”
Naiulat ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم na sinabi ng O aking alipin kahit na silang lahat na mga nauna at mga nahuli na tao at (Jinn) mga nilikhang hindi nakikita ay nagsama-sama sa iisang puso na pinakamatakutin, tunay na walang ni katiting na maidadagdag ito sa aking paghahari. O aking alipin kahit na silang lahat na mga nauna at mga nahuli na tao at (Jinn) mga nilikhang hindi nakikita ay nagsama-sama sa iisang pinaka masamang puso ng isang tao mula sa inyo, tunay na hindi mababawasan ng ni isang katiting ang aking paghahari. Tunay na ang mga ito ay inyong mga gawa na papakinabangan ninyo at gagantimpalaan kayo dahil dito. Sinuman ang matagpuan niya ang mga kabutihan na kanyang nagawa, nararapat na palasamatan niya ang Allah. Sinuman ang matagpuan niya ang kasamaan na kanyang nagawa, wala siyang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili.”
Ang pagsamba ay ang pagsuko, pagtalima, pagiging malapit sa Allah جل جلاله at pagsunod sa kung ano ang ipinag-utos at pag-iwas sa kung ano ang ipinagbabawal. Sinabi ni Shiekh Islam Ibn Taymiyah kalugdan nawa siya ng Allah جل جلاله: Ang pagsamba ay isang pangalang pangkalahatan sa lahat ng mga minamahal at kinalulugdan ng Allah جل جلاله mula sa mga gawa at salita tago man ito o hayag. Ang pagsamba ay nagagawa ng dila sa pamamagitan ng pag-alaala sa Allah جل جلاله, pagdakila, pagpapasalamat, paghiling at pagbasa ng banal na Qur’ann. Halimbawa naman nang pagsamba sa pamamagitan ng mga gawa ay ang pagdarasal, pag-aayuno, banal na paglalakbay sa Makkah at iba pang mga gawain na hayag. Ang pagsamba ay maaari ding mapabilang sa gawain ng puso, kagaya ng pagkatakot sa Allah جل جلاله, pagmamahal para sa Allah جل جلاله at pagpapa-ubaya sa Allah جل جلاله. Ang pagsamba ay sa pamamagitan ng katawan, dila at puso. Ubligado sa isang muslim na ang pagsamba na kanyang ginagawa ay para sa Allah جل جلاله lamang na nag-iisa at walang katambal. Dahil katotohanan na ang pagsamba ay tumatayo sa dalawang haligi. Una ay ang pagiging para sa Allah جل جلاله lamang at wala ng iba pa, hindi maaring magsagawa ng pagsamba na ito ay pakitang
tao lamang o parinig lamang dahil ito ay hindi katanggap tanggap sa Allah جل جلاله. Tunay na ang pagsamba kapag nahaluan ng pagtatambal ay hindi katanggap tanggap. Sinabi ng “At kahit na sila pa ay mga Propeta, kung sakali na sila ay sasamba ng iba bukod sa Allah ay mawawalan ng saysay ang lahat ng kanilang ginawa; sapagkat ang Allah, hindi Niya tinatanggap ang anumang gawa na may kahalong pagtatambal.”
Sinabi pa ng “At katiyakan, ipinahayag sa iyo O Mohammad, at sa mga Sugo na nauna sa iyo: Kung ikaw ay sasamba nang bukod sa Allah ay mawawalan ng saysay ang iyong gawain at magiging kabilang ka sa mga mapapahamak at mga talunan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay; dahil hindi tinatanggap ang anumang mabuting gawa kapag may kasamang pagtatambal o pagsamba ng iba.”
Sinabi pa ngAt iniharap Namin ang anuman na kanilang nagawa na kabutihan sa mga mata ng tao, at pagkatapos ay saka Namin pinawalan ng saysay, na hindi nila pakikinabangan na katulad ng mga nagkalat na mga pira-pirasong alikabok, na ito ay nakikita dahil sa liwanag ng araw na napakagaan na alikabok; sapagkat ang anumang kabutihan ay hindi mapapakinabangan sa Kabilang-Buhay maliban sa kung ito ay nabuo ng sinumang gumawa nito: ang paniniwala sa Allah at ang pagiging dalisay nito, at pagsunod sa Kanyang Sugo na si Muhammad.”
Nararapat lamang na ang pagsamba ay alang-alang lamang sa Allah جل جلاله at walang kasamang pagtatambal, maliit man ito o malaking pagmamatambal. Ang mga gawain sa Islam ay nadagdagan sa panahon natin ngayon ngunit ang nadagdag na ito ay kaligawan at kasamaan, ang
mga gawain na kanilang idinagdag ay naghahatid sa kanila sa pagtatambal sa Allah جل جلاله. Halimbawa na lamang nito ay ang pag-ikot sa mga libingan, pagkatay ng mga hayop alang-alang sa iba at hindi para sa Allah جل جلاله, at pangako sa pangalan ng iba at hindi sa pangalan ng Allah at paghiling sa mga patay at hindi sa Allah جل جلاله at itong mga ito ay malinaw na pagtatambal. Kapag sila ay pinagbawalan na gawin ang mga ito, kanilang sinasabi na ito ay hindi pagtatambal at kanilang sinasabi na ito ay kanilang ginagawa upang mapalapit sa Allah جل جلاله sa pamamagitan ng mga taong mabubuti upang maging daan sila patungo sa Allah جل جلاله, ito aking mga kapatid ay napaka-laking kamalian at pagtatambal sa nag-iisang panginoon ang Allah جل جلاله. Sinabi ng Allah “At sila na mga walang pananampalataya ay sumasamba ng iba bukod sa Allah,na hindi man lang makapipinsala sa kanila at hindi man lamang makapagbibigay ng kapakinabangan sa kanila dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay at sinasabi nila: Katiyakan, sinasamba lamang namin ito upang mamagitan sa amin sa Allah, sabihin mo sa kanila, O Muhammad[صلى الله عليه وسلم]: Gusto ba ninyong pagsabihan ang Allah na hindi Niya batid ang hinggil sa inyong mga inaangkin na mga tagapamagitan na nasa kalangitan o hindi kaya ay sa kalupaan? Dahil katiyakan, kung mayroon mang tagapamagitan sa kalangitan at kalupaan na mamamagitan sa inyo roon sa Allah ay tiyak na nababatid Niya ito nang ganap kaysa sa inyo. Luwalhati sa Allah at Kataas-Taasan, na Siya ay ligtas sa anumang kalapastanganan na ginagawa ng mga walang pananampalataya na pagsamba ng iba, na hindi man lamang nakapipinsala ni nakapagdudulot ng anumang kapakinabangan.”
Sinabi pa ng Allah جل “Dapat mong mabatid na ang rilihiyon ay pagmamay-ari lamang ng Allah na Bukod-Tangi, na ito ay ang ganap na pagsunod na malayo sa anumang pagtatambal sa pagsamba,
at ang mga yaong sumamba ng iba bukod sa Allah at nagturing ng mga tagapangalaga na sinasandalan bukod sa Kanya, sinabi nila: Hindi namin sinasamba ang mga diyus-diyosan na ito bilang katambal sa pagsamba sa Allâh kundi upang ang mga ito ay maging tagapamagitan sa amin sa Allah, mapalapit kami sa Allah at iaangat sa amin ang aming antas sa Allah. Na kung kaya, sila ay lumabag sa kagustuhan ng Allah sa pamamagitan ng ganitong gawain; dahil ang pagsamba at pamamagitan ay pagmamay-ari lamang ng Allah. Katiyakan, ang Allah ay hinahatulan Niya ang pagitan ng mga mananampalataya na dalisay na sumasamba sa Kanya at ang mga sumasamba ng iba bukod sa Allah sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at huhukuman Niya ang anuman na hindi nila pinagkasunduan sa pagsamba, na tutumbasan Niya ang bawat isa sa kanila ng anuman na karapat-dapat na para sa kanila. Katiyakan, ang Allah ay hindi Niya ginagabayan tungo sa Matuwid na Landas ang sinumang nagsisinungaling laban sa Allah, na di-naniniwala sa Kanyang mga palatandaan at mga katibayan.”
Tinatawag ng Allah جل جلاله na kasinungalingan ang kanilang mga gawa at kalapastanganan sa rilihiyong Islam. Inamin ng mga taong ito na sila ay gumagawa ng pagtatambal sa Allah جل جلاله. Sinabi ng Allah جل جلاله na sasabihin ng mga taong ito na sumasamba sa ibaHindi namin sinamba ang mga (Diyos-diyosan) na ito maliban na lamang na para mapalapit kami sa Allah.”
Ito ay pagtatambal sa Allah جل جلاله na nangyayari sa karamihang mga muslim dahil narin sa kakulangan ng kaalaman sa pananampalatayang Islam, panggagaya na para bagang sila ay mga bulag, dahil narin sa mga panghihikayat ng mga satanas at taong ligaw mula sa tamang landas na nanghihikayat patungo sa pagtatambal sa Allah جل جلاله. Isa pa mga kapatid dahil narin sa kakaunti ang mga taong nanghihikayat patungo sa daan ng Allah جل جلاله, na nagbabawal sa pagtatambal at paninira sa kalupaan. Ano ang ating masasabi mga kapatid?
Pangalawa, (kundisyon ng pagiging katanggap-tanggap ng mga gawa) kailangang ang mga gawain na ito ay naayon sa mga gawa ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم. Tunay na ipinadala ng Allah جل جلاله
ang mga sugo upang ipaliwanag sa mga tao kung papaano sasambahin ang Allah جل جلاله. Hindi maaring sumamba ang sinuman sa Allah جل جلاله ng naayon sa kanyang sariling pagsisikap lamang o sa kung ano ang nakita niya sa kanyang mga ninuno o sa kung ano ang sa tingin niya ay tama, bagkus kailangan na ang pagsamba ay naaayon sa kung ano ang ginawa ni Propeta Muhammad
صلى الله عليه وسلم, pagsamba na naayon sa tamang pamamaraan, pagsamba na naisabatas ng Allah جل جلاله at makikita sa banal na Qur’an. Aking kapatid hindi magiging tama ang mga pagsamba oras na ito ay nasamahan ng mga bagong gawain sa ating pananampalataya. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: ) مَنْ أَحْدَثَ فِي أَمْرِنَا هَذَا مَا لَيْسَ مِنْهُ فَهُوَ رَ دٌّ (
“Sinuman ang gumawa ng bagong gawain sa ating rilihiyon na hindi kabilang dito, tunay na ito ay hindi katanggap-tanggap at hindi tatanggapin ng Allah.”
Sa iba pang pagsasalaysay: “Sinuman ang gumawa ng mga makabagong gawain sa pananampalataya kahit ito ay hindi nagmula mismo sa kanya at ito ay ginaya lamang niya sa iba, tunay na itong gawain na ito ay hindi katanggap-tanggap.”
Tunay aking mga kapatid na ang mga makabagong gawain sa pananampalataya ay hindi tatanggapin ng Allah جل جلاله kahit na anong sikap pa ng isang tao sa pagsamba na ito at kahit na ito ay ginawa niya ng alang-alang lamang sa Allah جل جلاله tunay na ito ay hindi tatanggapin ng Allah جل جلاله. Huwag mong pagurin ang iyong sarili aking kapatid! Huwag mong ipamukha na nagkulang si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم sa pagpaparating ng Islam! Huwag mong sabihin ang bagay na alam mong hindi naman ginawa ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: )فإنَّه مَن يَعِشْ منكم بعدي فسيَ رَى اختلافًا كثيرًا، فعليكم بسُنَّتي وسنَّةِ الخلفاءِ المهديِّينَ الراشدينَ، تََسَّكُوا بها، وعَضُّوا عليها بالنَّواجِذِ،
وإيَّاكُم ومُحدَثاتِ الأمورِ؛ فإنَّ كلَّ مُحدَثةٍ بدعةٌ، وكلَّ بدعةٍ ضلالة وكل ضلالة في النار (
“Sinuman ang mabuhay sa inyo pagkatapos ko ay tunay na makakakita siya ng pagkakasalungatan sa rilihiyon at kapag nikita niya ito, nararapat sa kanya na panghawakan ang aking mga turo, salita at gawa at ang mga gawa at turo ng mga pinuno ng mga ginabayan ng Allah (khulafa Arrashideen). Panghawakan ninyo ito at kagatin ninyo ito sa pamamagitan ng inyong mga bagang (Subrang pangangalaga) at iwasan ninyo ang mga makabagong gawain sa rilihiyon dahil tunay na ang lahat ng mga makabagong
gawain ay nagdudulot ng pagkaligaw at lahat ng pagkaligaw ay nagdudulot ng pagpasok sa impyerno”
Isa sa mga nakakagulat na pangyayari mga kapatid ay ang ibang mga ligaw na tao na nanghihikayat sa pagsamba at kanilang sinasabi na mayroon daw na makabagong gawain na mabuti ngunit si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ay nagsabi na:“Lahat ng makabagong gawain sa pananampalataya ay nagdudulot ng pagkaligaw.”
pagkatapos ay sasabihin ng tao na ito na: ‘Hindi, mayroong makabagong gawain na mabuti’ Subhanallah! Sinabi ng
“Na Siya ang lumikha ng kamatayan at buhay; upang subukin kayo, O kayong mga tao, kung sino sa inyo ang gagawa ng kabutihan at magiging taos-puso sa kanyang gawain? At Siya ay (Al-Azeez) ang Kataas Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan na walang anumang nais Niya ang hindi mangyayari, na (Al-Ghafour) Ganap na Mapagpatawad sa sinumang nagsisisi mula sa Kanyang mga alipin. Nasa talatang ito ang paghihikayat sa paggawa ng mga kabutihan at pagbabawal sa paggawa ng mga kasalanan.”
Sinabi ni Fiyadh Ibn Umair kalugdan nawa siya ng Allah جل جلاله: Ang ibig sabihin ng (‘Sinuman sa inyo ang gagawa ng kabutihan’) ay paggawa nito ng taos puso na para lamang ito sa Allah جل جلاله at pinung pagsasagawa nito na naaayon sa mga gawa ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم. Dahil tunay na ang mga gawain kung ito ay tunay na taos puso na para lamang sa Allah جل جلاله ngunit hindi naayon sa mga gawa ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم tunay na ito ay hindi katanggap-tanggap sa Allah جل جلاله. Sinabi ng
“Sapagkat walang pag-aalinlangang mali ang kanilang pag-aakala na ang Paraiso ay para sa mga natatanging grupo at ipinagbabawal sa iba.Samakatuwid, ang makapapasok lamang sa paraiso ay ang sinumang nag-Muslim, na ang ibig sabihin ay ang sinumang isinuko ang kanyang sarili sa Nag-iisang Allah na walang katambal, na siya ay dalisay sa kanyang kalooban at maingat sa lahat ng kanyang mga salita at gawa nang alang-alang sa Allah. Kung kaya, sinuman ang gumawa nito ay makakamtan niya ang gantimpala mula sa kanyang Panginoon na Tagapaglikha sa Kabilang-Buhay, na ito ay ang pagpasok sa Paraiso, at doon ay wala silang dapat na ipangamba sa kanilang kahihinatnan, at wala rin silang dapat na ipangamba sa anumang naiwan nila o anumang bagay na hindi nila naranasan dito sa mundo.”
Ito ang ibig sabihin ng taos pusong paggawa ng dahil at para lamang sa Allah جل جلاله na naayon sa gawa ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, ito ang dalawang bagay na haligi ng pagsamba at hindi tatanggapin ang pagsamba maliban na lamang sa pamamagitan ng dalawang ito.
Katakutan natin ang Allah جل جلاله aking mga kapatid! At gawin nating maayus ang ating mga gawain na taos pusong para lamang sa Allah جل جلاله. Dahil ang gawain ay tinitingnan ng Allah جل جلاله sa pagiging maayus nito (Taos pusong para sa Allah جل جلاله at naayon sa gawa ni Propeta Mohammad جل جلاله) hindi sa dami nito. At ito ay kinakailangan ng pag-aaral ng kaalaman na ating mapapakinabangan at sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung ano ang mga tunay na gawain na naisagawa ni Propeta Muhammad جل جلاله. Upang maisagawa natin ito ng hindi tayo nanggagaya sa iba at makaiwas tayo sa panggagaya sa mga taong ligaw mula sa tunay na turo ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم. Sinabi ng Ito ay panawagan mula sa Allah para sa sangkatauhan! Sambahin ninyo ang Allah na Siyang inyong Panginoon na Tagapaglikha, ang Nangangalaga sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang mga biyaya at kagandahang-loob. Katakutan ninyo Siya at huwag ninyong
labagin ang Kanyang rilihiyon (isinaling Relihiyon na ito ay tumutukoy sa Batas o Uri ng Pamumuhay na mula sa Allah para sa lahat ng Kanyang mga nilikha sa lahat ng larangan ng kanilang pamumuhay), na katotohanang nilikha Niya kayo mula sa wala at gayundin ang mga nauna sa inyo, nang sa gayon ay mapabilang kayo sa mga (Al-Muttaqîn), na kinalugdan ng Allah, dahil mahal nila ang Allah. Siya ay inyong Panginoon na Tagapaglikha na lumikha ng kalupaan nang palatag upang maging madali para sa inyo ang inyong pamumuhay sa ibabaw nito, gayundin ang mga kalangitan, ginawa Niya ito nang pagkatatag-tatag at ibinababa Niya ang tubig-ulan mula sa mga ulap at sa pamamagitan nito ay pinasibol Niya ang iba't ibang uri ng mga bunga at mga pananim bilang kabuhayan para sa inyo, kung kaya, huwag kayong maglagay ng mga katambal sa pagsamba sa Allah gayong alam ninyong Siya lamang ang Nag-iisa sa paglikha, at sa pagkakaloob ng kabuhayan, at sa pagiging may karapatan bilang Bukod-Tanging sinasamba.”
بارك الله لي ولكم في القرآن العظيم، ونفعنا بما فيه من البيان والذكر الحكيم، أقولٌ قولي هذا واستغفر الله لي ولكم ولجميع المسلمين
من كل ذنب، فاستغفروه إنَّه هو الغفور الرحيم.
الخطبة الثانية:
الحمد لله على فضله وإحسانه،وأشهد أن لا إله إلا الله وحده لا شريك له،وأشهد أن محمداً عبده ورسوله،صلى الله عليه وعلى آله
وأصحابه، وسلم تسليما كثيرا، أما بعد:
Aking kapatid nararapat na malaman natin na tayong mga muslim ay pinag-utusan ng Allah جل جلاله ng palagiang pagsamba at pagdakila sa Kanya. Sinabi ng Allah جل جلاله:
وَاعْبُدْ رَبَّكَ حَتََّّٰ يَأْتِيَكَ الْيَقِينُ ]الحجر: 99 ]
“At magpatuloy ka sa iyong pagsamba sa iyong Panginoon na Tagapaglikha, habang ikaw ay nabubuhay hanggang dumating sa iyo ang katiyakan, na ito ay ang kamatayan. At sinunod ng Sugo ng Allah ang utos ng kanyang Panginoon, na kung kaya, siya ay patuloy sa pagsusumamo sa pagsamba sa Kanya, hanggang sa dumating sa kanya ang katiyakan na kamatayan mula sa kanyang Panginoon na Tagapaglikha.”
Sinabi pa ng Allah : 102 ]
“At inutusan ni Ibrâhim at ni Ya`qûb (Jacob), ang kanilang mga pamilya, na maging matatag sa Islam at sinabi nila: O aming mga anak! Katiyakan, pinili ng Allah ang relihiyon na ito para sa inyo. Kayat huwag kayong lumayo sa rilihiyon na ito sa lahat ng pagkakataon at huwag kayong mamamatay kundi sa Pananampalatayang Islam lamang bilang mga Muslim taimtim at ganap na isinusuko ang buong sarili sa kagustuhan ng Allah. Ito ang pananampalatang Islam na siyang dala-dala rin ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم.”
Aking kapatid nararapat tayong mamalagi sa ating mga gawaing mabubuti lalo’t higit sa pagsamba sa Allah جل جلاله hanggang tayo ay bawiin ng hiram na buhay. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم:
) (
“Kapag namatay ang tao, napuputol ang lahat ng kanyang mga gawain maliban na lamang sa tatlo, ang derederetsong kawang gawa, kaalamang pinakikinabangan ng iba at mabuting anak na humihingi ng kapatawaran sa kanyang mga magulang.”
Nararapat din na mag-unahan tayo sa paggawa ng mga kabutihan kagaya nang iniutos ng Allah جل جلاله. Sinabi ng Allah ]
“At magsipag-unahan kayo sa pagsunod sa Allah at sa Kanyang Sugo, nang sa gayon ay makamtan ninyo ang lubos na kapatawaran mula sa inyong Panginoon na Tagapaglikha. At ang lawak ng isang paraiso ay kasinglawak ng mga kalangitan at kalupaan na inihanda para sa mga (Al-Muttaqîn) matatakutin sa Allah.”
Sinabi pa ng Allah “Magpaligsahan kayo, O kayong mga tao, sa pagpupunyagi tungo sa mga mabubuting gawa upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.”
Tunay na ang mga gawain ay nawawala at ang mga pagkakataon ay lumilipas at kung ito ay hindi sasamantalahin tunay ito ay masasayang, huwag nating patagalin ang pagbabalik loob at paggawa ng kabutihan. Tunay na hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari at hindi natin sigurado ang hinaharap.
Magdumali ka aking kapatid sa paggawa ng kabutihan bago pa mawala ang pagkakataon, magdumali ka sa pagsunod sa Allah جل جلاله bago pa biglaang dumating ang kamatayan. Huwag mong ipagpaliban ang mga pagkakataon, huwag mong intayin na lumipas ito at magdumali ka sa paggawa nito kapag ikaw ay inabutan ng umaga huwag mong asahan na aabutan ka ng hapon (samantalahin mo ito) at kapag inabutan ka ng hapon huwag mong intayin ang umaga at samantalahin mo ang iyong kalusugan bago pa dumating ang pagkakaroon mo ng karamdaman at samantalahin mo ang iyong buhay bago pa dumating ang iyong kamatayan.